UNRIVALED!

By PeachyyyPie

284K 16.4K 4.3K

So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then... More

PROLOGUE
* CHAPTER 1~ Blue Haven wall was wrecked!
* CHAPTER 2 ~ I am not interested.
* CHAPTER 3 ~ Don't bother me..
* CHAPTER 4 ~ Will you be our friend?
* CHAPTER 5 ~ Tick tock! Timebomb!
* CHAPTER 6 "War on!"
• CHAPTER 7 "Protect your base."
• CHAPTER 8 "Protect your base"
• CHAPTER 9 "The Giant Bird"
• CHAPTER 10 "The Lost Shoe"
• CHAPTER 11 "Pendant"
• CHAPTER 12 "Relic"
• CHAPTER 13 "Proxy"
• CHAPTER 14 "Captor"
• CHAPTER 15 "The Annual Tournament"
• CHAPTER 16 "Contenders Profile"
• CHAPTER 17 "Battle for cause"
• CHAPTER 18 "Eugi vs Suzzane"
• CHAPTER 19 "Eugi vs Alistair"
• CHAPTER 20 "Serendipity"
SPECIAL CHAPTER
• CHAPTER 21 "Trap"
• CHAPTER 22 "Default"
• CHAPTER 23 "Instinct"
• CHAPTER 24 "Payback!"
• CHAPTER 25 "Visit"
• CHAPTER 26 "Call away"
• CHAPTER 27 "Hierarchy "
• CHAPTER 28 "Barricade"
• CHAPTER 29 "Rogue!"
• CHAPTER 30 "Violators"
• CHAPTER 31 "Monitor"
• CHAPTER 32 "Missing"
• CHAPTER 33 "Justice"
• CHAPTER 34 "Help"
• CHAPTER 36 "Hide and Seek"
• CHAPTER 37 "The Plan"
• CHAPTER 38 "Abduct"
• CHAPTER 39 "Eye for an Eye"
• CHAPTER 40 "Stolen"
• CHAPTER 41 "Paintings"
• CHAPTER 42 "Ambush"
• CHAPTER 43 "Operation"
CHAPTER 44 "The Plan"
CHAPTER 45 "The Royale Heir"

• CHAPTER 35 "Player's ready!"

4.9K 368 90
By PeachyyyPie


HINDI mawala ang ngiti sa labi ni Junel habang nag-lalakad katabi ni Eugi. Ngayon na ang araw para pumunta sa Underground Society kung saan ang lugar na pagkikitaan nila ni Gerard. Laking pasa'salamat niya nang pumayag si Eugi na samahan sila. Sa ga'nong paraan, lumakas ang kumpiyansa niya na mabawi si Jomar sa kanila.

"Ayos! Hehe~" tawa ni Jose habang ina-ayos ang necktie. Makikitang natutuwa ito sa pormahan nilang tatlo ngayon. Mukha silang mga secret agent ng isang secret society. Lahat sila ay naka-suot ng itim na suit and tie na pinatungan ng red cloak with hood. Nahaharangan ng itim na maskara ang buong mukha nila na tanging mata at bibig lang ang nakikita. Ang mahabang buhok ni Eugi ay naka-ponytail sa likod. "Mukha tayong mang re-raid nito ah! Tulad 'nung mga nasa ano.. 'nung mga nasa movies! 'Di ba, Junel?"

"Oo nga, hahaha.."

Napa-tingin si Junel kay Eugi na nag-lalakad sa unahan nila. Naalala niyang kailangan nila ang identity card at private ID para maka-pasok sa lugar na 'yon. Hindi niya tuloy ma-isip kung anong paraan ang gagawin ni Eugi para maka-pasok sila sa loob.

Tahimik lang silang nag-lakad sa loob ng ilang minuto. Napa-tingin sila sa paligid. Habang palayo sila ng palayo ay mas dumarami ang mga punong puma-paligid sa kanila. Mas lumilimlim ang liwanag mula sa umaga dahil sa malalaki at makakapal na puno. Sa pinaka-dulo ay nakikita na nila ang bukana ng underground field na pinag-haharian ng iba't-ibang grupo.

Nakarating sila sa entrance ng underground cave kung saan naka-tayo ang isang lalaki na may malaking bisig na animo'y puputok nalang bigla dahil sa laki. Puno ng tattoos ang katawan nito, at may piercing mula sa tainga, ilong, kilay, at ibabang labi. Lumapit ang lalaking ito sa kanila at humarang sa kanilang harapan.

"Mukhang seryoso ang pakay niyo, ah.." sabi nito sa kanila. Tumigil ang tingin nito kay Eugi at pilit na kinikilatis ang mukha nito. "Na'san 'yung identity card niyo?"

Lumapit si Junel sa tabi ni Eugi 'saka mahinang nag-salita. "Queen, hindi ko pala na'sabi sa 'yo, kailangan nila ng identity card ng mga guests at outsiders dito.."

Hindi nag-salita si Eugi, nanatili lang siyang naka-tingin sa kaharap na lalaki.

"Tinawag mo ba siyang Queen?" sumipol ang lalaki nang marinig ang sinabi ni Junel. Muli itong tumingin kay Eugi na kanina pa hindi kumikibo sa kaniyang harapan. Para itong isang estatwa na naka'tayo dito. "Kids, if you're here to goof around.. better switch your locations, cause we're not entertaining young adults here.. especially weak ones.."

"Hindi kami nan'dito para mag-laro.. May usapan kami kay general-"

"Wala kong paki-alam kung sino ka pa.." malalim ang boses nito 'saka tumingin kay Jose na kanina pa rin walang imik. "H'wag niyong hintayin na ako mismo ang mag-tapon sa inyo palayo dito.. Kung wala kayong mai-pakitang identity card, simulan niyo nang mag-lakad pa-alis.."

"Queen, anong gagawin natin?" si Jose. "Sayang outfit natin nito.."

"Hindi tayo aalis dito.." ani Eugi.

"Heh! Titigas rin ng mga mukha niyo, no? Kung iniisip mong hindi kita papatulan dahil babae ka, 'don ka nag-kakamali miss.." ngumisi ito sa kaniya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Kaya kitang dudurugin kahit pa sabihin mong ikaw ang pinaka-malakas na nilalang sa mundo.." saka nito inunat ang mga daliri, dahilan para tumunog ang mga buto niya doon.

"H'wag! Ma-awa ka please!" sigaw ni Junel.

Tumingin ang lalaki kay Junel. "Maawa? Kung ayaw mong saktan ko 'tong "Queen" niyo, sumunod kayo sa sinasabi ko.."

"Ha!? Sinong nag-sabi na ikaw ang kina-kausap ko!? Si Queen ang sinasabihan ko!" tumingin si Junel kay Eugi. "Queen, ma-awa ka sa kaniya, please!"

Bakas ang gulat at inis sa mukha ng lalaki. Sino ba ito sa ina-akala niya? Bago pa siya makapag-salita para bantaan ang mga ito ay nagulat nalang siya nang maramdaman niyang unti-unti nang uma-angat sa ere ang kaniyang katawan! At labis ang gulat niya nang makita ang babaeng hawak-hawak ang kaniyang k'welyo, gamit lamang ang isang kamay nito! Imposibleng ma-angat nito ang napaka-laki at napaka-bigat niyang katawan. Pakiramdam niya ay walang silbi ang ilang taon niyang pag-papalakas at pag-papalaki ng kaniyang katawan dahil sa sitwasyon niya ngayon!

Ganito lang ba talaga siya kagaan!? O sadyang malakas lang ito!?

"Wala 'kong identity card para ipakilala ang sarili ko.. Pero.. tingin ko sapat na 'to para malaman kung sino 'ko.."

"Napaka-cool talaga ni Queen!"

"Queen the best ka talaga! Maraming salamat!"

Hindi magawang makapag-salita ng lalaki dahil kahit anong pilit niyang mag-pumiglas at manlaban hindi nito kayang tumbasan ang nararamdaman niyang lakas sa babaeng may hawak sa kaniya. "Ibaba m-mo ko.."

"Hm.. Kapag ba ginawa ko 'yon, papapasukin mo kami?"

"Sige na!"

"Madali akong ka'usap.." kasabay 'non ang pag-bitaw niya sa lalaki dahilan para sumalampak ang napaka-laking katawan nito sa lupa at nanginginig itong um'abante palayo sa kanila. Walang sinabi ang napaka-laki niyang katawan kung mas malakas ang kaharap niya. Napa-lunok tuloy ang lalaki at nanumbalik ang pang-iinsulto niya kanina sa kanila, lalo na sa babae. Siguro nga oras na para mag-palit ng kaniyang trabaho.

Pero.. sino nga ba ang babaeng iyon?

At bakit Queen ang tawag ng dalawang lalaki sa kaniya?

Nilagpasan nila Eugi ang malaking gate. Bumaba sila sa lumang hagdan pababa sa isang madilim na lugar. Ramdam niya ang takot ng dalawa niyang kasamahan sa likuran, habang siya naman ang nau'unang mag-lakad sa kanila. Maya-maya rin ay nakita na nila sa malapitan ang lugar kung saan nag-o'operate ang ilan sa mga organisasyon

"Winner talaga tayo dito kay Queen, Jose.."

"Sinabi mo pa, Junel.. Entrance palang, napa-urong na niya 'yung hambog na 'yun haha!"

"Imagine mo, mapapahiya pa si-"

"Junel.."

"Yes, Queen?"

"Hindi ko alam ang lugar na 'to.."

"A-Ah, oo nga pala, baguhan ka palang dito.. Dito tayo dumaan.." sambit ni Junel habang napapa-lingon sa ilang mga tao na duma'daan palabas ng gate. Puro naka-suot ito ng maskara at saglit na tumitingin sa kanila. Hindi ito pinansin ni Junel, dahil kabado siya sa mangyayari sa kanila mamaya. Pag-pasok nila sa loob, ka-agad silang naka'kuha ng maraming atensyon mula sa mga tao doon.

Napa-lunok si Jose sa nakita. Ilang taon na rin mula ng huli silang naka-pasok dito. Hindi na pamilyar sa kaniya ang mukha ng mga tao dito, may ilan kasing mga baguhan at marami ring umalis. Ang ilan sa mga ito ay bata pa at estudyante mula sa mga kilalang Academy. Meron ding mga lalaki na punong-puno ng tattoo at piercing sa iba't-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Natanaw ni Eugi ang isang binatang nag-lalaro sa bandang gilid. Naka-suot ito ng plain black mask, magka-krus ang parehong braso, at mukhang kalmado, habang pinag-papawisan at seryoso naman ang mukha ng mga kalaban nito. Naramdaman ni Eugi na tumingin ang lalaki sa direksiyon niya pero hindi niya 'to binigyan ng pansin. Ano mang opinyon ng mga tao ay hindi siya interesadong malaman.

Na'daanan pa nila ang ilang lugar kung saan may maraming tao. May malakas na tunog ng musika, at nag-si'sigawan ang mga tao na para bang may contest na nangyayari. Lumiko ng daan sina Eugi at bumaba sa isang sa cellar. Sa ibaba, isang mahabang hallway ang bumungad sa kanila, kung saan may mga naka-hilera na double doors sa mag'kabilang gilid at may mga naka-sulat na code sa bawat pinto.

"Ano bang room ni Gerard, Jose?"

"'Yun oh.. 'Yung nasa bandang dulo.."

Nag-lakad sila hanggang sa huminto sila sa tapat ng double doors na nasa dulo ng pasilyo. Nag-katinginan si Jose at Junel 'saka bumuntong hininga pareho. Akmang ka'katok na sana si Junel nang kusang bumukas ang pinto na ikina'gulat naman niya.

"Any appointments?" tanong ng isang babae na may ma'pulang labi at halos hapit na hapit ang hubog ng katawan nito sa suot na red dress. May pares itong tainga na katulad sa isang pusa. Isa itong faunus, half feline and half immortal race. May nginunguya itong bubble gum at napa-tingin kay Eugi nang may pagtataka. Unang beses palang niya makakita ng babaeng bisita. "Are you here to meet someone?"

"Kaya nga kami nan'dito kasi may hinahanap kami.. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa namin dito sa harap? Display?" sagot ni Eugi.

Pilit na pinipigil ni Junel at Jose ang kanilang tawa habang pina-panood sila.

"Just assuring, sweetie.."

"No need to assure the obvious.. What you need is to assure your common sense.."

Napa-irap ang babae sa sagot nito at hindi naman nakapag-salita si Junel at Jose.

Ngayon ay alam na nila ang dahilan kung bakit 'malimit' lang na mag-salita si Eugi. 'Yon ay dahil mapi'pikon ka sa mga sinasabi nito.

~•~•*•~•~

"'Pano ba 'yan!? Panalo na naman ako! HAHAHA! It's my lucky day!" tawa ng isang lalaki 'saka ibinagsak ang mga hawak na baraha sa lamesa. Nilagay nito ang chips sa gitna ng lamesa. Hindi naman umimik ang kalaban niya, dahil sa ika-siyam na pagkakataon ay muli na naman siyang natalo kay Gerard. Malapit na siyang umuwi ng naka-hubad dahil halos lahat ng kaniyang pera ay nasanla niya.

"Sumuko ka na, Oben.. Wala kang laban kay boss Gerard.." komento ng isang lalaki mula sa likuran ni Gerard.

"New draw.. All in, boss.."

"Sure.. How 'bout changing the card into new set.."

"General.. May mga bisita ka.." anunsyo ng babae sa loob.

"Hm? How many times do I have to inform you Stella, ask for their name first.. Hindi ako manghu'hula kung sino ang mga nagha'hanap sa 'kin.." usisa ni Gerard sa babae. Nakasandal ito sa mahabang sofa at naka-akbay sa headrest. Hindi nito ina'alis ang tingin sa naka'lapag na baraha sa lamesa, pati na rin sa kalaro nito.

"They're a bunch of newbies.. Teenagers I think.."

"Hm.. Must be the new lads on the street.."

"Kakaiba sila.. They wear red cloakes.. And there is this annoying woman among them.."

"Woman?"

"Yes.."

"Hm, maganda ba?"

Umirap si Stella at nag-krus ng kaniyang braso. "How should I know? Her face was covered with mask and hood.. Why don't you see for yourself?"

"Oh, eh ano pang hinihintay mo!? Let them in!" masayang ani Gerard at ipinatong sa lamesa ang hawak na baraha. Hindi nito pinag-tuunan ng pansin ang kaharap na kalaban at parang in'abandona lang ang kanilang pag-lalaban. Pina'pasok ng babae silang tatlo sa labas, at nang maka-pasok na sila ay ka-agad na nakuha ni Eugenie ang atensyon ng mga nag'lalaro doon.

"Oh, ba't may babae dito?" takang tanong ng isang tauhan ni Gerard. May'rong apat na lalaki na nakatayo sa kaniyang likuran at pinapanood kung paano siya maglaro.

"Hindi ba 'ko babae?" tanong ni Stella matapos paputukin ang nginunguyang bubble gum sa bibig nito. "Anong tingin mo sa 'kin? Bakla? Ha?"

"Pfft! Ang ibig kong sabihin ay first time palang natin mag-karoon ng guest na babae dito! 'Saka malay ko bang tunay kang babae!"

Hinampas siya ni Stella sa likod ng binti niya gamit ang mala-pusang buntot nito.

~•~•*•~•~

"So, you're here to settle your word?" Tanong ni Gerard pero isang masamang tingin lang ang binigay ni Junel. Si Eugi ay hindi kumikibo habang si Jose ay pinapanood lang ang nangyayari. Isang makapal na atmospera ang bumabalot sa buong silid habang magka-harap na naka-upo sa sopa ang tatlo at kaharap si Gerard pati na rin sa mga tauhan nito. "Hm.. I see.. Old habits, die hard, my friend.."

"Hindi kami pumunta dito para makipag-biruan sa 'yo.. Ibigay mo sa 'min si Jomar.." si Junel.

"My, my.. You're forgetting the covenant, Junel.. I said, you could only have Jomar back, if you win over my challenges.. Nothing comes easy.. Even little ants strive to find their food to survive.. You must also do the same, brother.."

Tumingin si Junel kay Eugi na kanina pa hindi nag-a'abalang mag-salita. Umikot naman ang tingin ni Gerard sa kanilang tatlo, pero mas pinagma'masdan niya ang kilos ni Eugi. Gusto talaga niyang tanggalin ang suot na maskara nito. Ang mga mata nito ay naka'tutok lamang sa baraha na naka'patong sa lamesa.

Bumuntong hininga si Jose. "Handa kaming tanggapin 'yang hamon mo.. Play fair and square.."

"Of course, Junel.. That's a lively vision in this place! Play clean, fair win!" halakhak ng lalaki. "Ang tanong, handa na ba kayo sa una kong hamon?"

Tumango si Junel pero hindi pa rin kumi'kibo si Eugi sa upuan nito.

"Glenor!" malakas na tawag ni Gerard at pumalakpak pa ng dalawang beses. Lumabas mula sa isa pang kwarto sa loob ng silid na 'yon, ang isang lalaki na may tinutulak na rolling cart. May inilabas itong malaking cardboard mula sa dala nitong cart. Nakita niya mga malalaking magic chesspiece nang buksan ng lalaki ang matibay na cardboard.

Pinanood lang ni Eugi na i-set up ang lalaki sa kaniyang harapan ang una nilang lalaruin, habang naka-titig naman sa kaniya si Gerard.

"First game.. Magic chess.."

"Three versus one.." ang sabi ni Eugi.

"Sure! Mag sama-sama pa kayo!" Ang mabilis na sang-ayon ni Gerard. Tinitigan niya ang Gold at Silver chesspiece na parehong may transparent glass. Ang kailangan lamang nila ay sabihin ang eksaktong posisyon ng mga chesspiece at kusa na itong gagalaw. "And by the way, what would be the best part in winning the game?"

Sandaling nag-isip si Eugi kung ano ang p'wedeng ipa'premyo sakaling manalo. "If I lose.. You could have the head of this two men behind me.."

"Queen!? Hindi ba nandito tayo para bawiin si Jomar!?" Nanlaki ang mata ni Junel sa gulat. Si Jose naman ay hindi maka'paniwala at tila kinabahan ng husto dahil sa suhestiyon ni Eugi. Napa'singhap naman ang ilan sa mga manonood pero bahagyang nag-tawa'nan din. Siguradong uuwi itong luhaan at mapu'pugutan ng ulo ang dalawa nitong kasama. Sanay na sila sa ganitong palabas dahil malaki ang kumpiyansa nila na walang makaka'talo kay Gerard.

"Sounds great.. and if you are the victor?"

"I'll have your head then.." walang ganang tugon ni Eugi. "And we'll have Jomar back.. That's a fair trade for two heads.."

Halatang nagulat din si Gerard sa sinagot ng babae pero tumango-tango nalang siya para ipakitang hindi siya nata'takot. Napa'hilot ito sandali sa kaniyang sintido 'saka ngumisi sa biglang na'isip. Na'isip ni Gerard na desperado na siguro ang kalaban niya. Ganito talaga ang mga baguhan, kapag hindi sigurado, humihigpit sa kapit ng pag-asa na baka suwertihin sila.

"Take the first move.." ani Gerard.

Tumingin si Eugi kay Junel. "Junel, ikaw na ang mauna.."

"Bakit Queen?"

"Hindi ko alam kung 'pano mag-laro niyan.."

"Ano!?"

"HAHAHAHAHAHA!" Malakas na nag-tawanan ang mga nanonood sa kanila. Pero kahit ga'non, hindi nag-bago ang emosyon ni Eugi. Hindi talaga siya marunong mag-laro ng chess dahil hindi niya pa nasu'subukan mag-laro nito. Ngayon ang pinaka-unang beses na masu'subukan niya ito, at hindi naman rin masama kung panonoorin niya sila kung paano ito nila'laro.

"Hindi ka ba talaga marunong!?" Pag-uulit ni Junel.

"Kakasabi ko lang.."

"Patay tayo nito, Queen! Huhu, paniguradong mawawalan ako ng ulo nito!"

Habang patuloy na nagta'tawanan ang mga lalaki sa kanilang paligid ay nakita naman ni Gerard kung ga'no ka-seryoso ang ekspresyon ni Eugi kahit pa naha'harangan ng maskara ang malaking porsyon ng mukha nito. Mukhang hindi nga talaga ito nagbi-biro at hindi talaga marunong maglaro, dahil kanina pa nito pinagma'masdan ang mga nakatayong chesspiece sa lamesa.

"Touch move.. Three versus one.. Kung gusto niyo, siya muna ang pa-unahin niyong mag-laro, para naman ma'sagip niyo siya kapag mata'talo na kayo.." suhestiyon ni Gerard.

"No need," ang sagot ni Eugi 'saka tumingin sa kaniya gamit ang walang kislap nitong mata. "I will play the last game.. Para ma-obserbahan ko kung paano niyo nilalaro 'yan.."

"Good point, Queen.. Kami muna ni Jose ang mau'una na maglaro.. Talasan mo ang memorya mo, alamin mo ang function ng bawat chesspiece.. Mabilis ka naman siguro maka-alala 'di ba?" sagot ni Junel. "Ulo namin ang naka'salalay dito, Queen.."

"Hm.." sandaling nag-isip si Eugi at muling bumaling kay Junel. "Depende.."

Hindi ma'iwasan na pag-pawisan nina Junel at Jose sa sagot nito. Kung alam lang nila na hindi pala marunong mag-laro ng chess si Eugi, sana pala ay na'pigilan pa nila ito na ipusta ang ulo nila. Ngayon tuloy ay hindi sila mapakali dahil sa takot na matalo. Hindi biro ang magiging kabayaran kapag sila ang natalo!

Kanina pa sila tini'tingnan ng kalaban nila. "Timer's ready.."

Umupo si Junel sa kaharap na upuan ni Gerard at hinanda ang sarili. "Queen, manood kang mabuti.."

Tumango lang si Eugi.

"Tama siya.. Manood kang mabuti," ngisi ni Gerard sa kaniya. "Manood kang mabuti kung 'pano kayo matalo! HAHAHAHA!"

****

Uyy tagal naging ghost ni Author.. Charr, may mga online school requirements kasi na dapat tapusin kaya natagalan ng sobra. Peace. God bless!

Vote na! Comment, Share and Follow for more updates!

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 55.8K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
479K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...