My Billionaire Patient (TLS #...

assylavemen

11.2M 220K 6.6K

Aurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang prob... Еще

Cero
Uno
Dos
Tres
Cuatro
Cinco
Seis
Siete
Ocho
Nueve
Diez
Once
Dose
Trese
Katorse
Quince
Dieciséis
Diecisiete
Dieciocho
Diecinueve
Veinte
Veintiuno
Veintidós
Veinticuatro
Veinticinco
Veintiséis
Veintisiete
Veintiocho
Veintinueve
Treinta
Treinta Y Uno
Treinta Y Dos
Treinta Y Tres
Treinta Y Cuatro
Treinta Y Cinco
Treinta Y Seis
Treinta Y Siete
Treinta Y Ocho
Treinta Y Nueve
Cuarenta
Cuarenta Y Uno
Cuarenta Y Dos
Cuarenta Y Tres
Cuarenta Y Cuatro
Cuarenta Y Cinco
Cuarenta Y Seis
Cuarenta Y Siete
Cuarenta Y Ocho
Cuarenta Y Nueve
Cincuenta
Cincuenta Y Uno
Cincuenta Y Dos
Cincuenta Y Tres
Cincuenta Y Cuatro
Cincuenta Y Cinco
Cincuenta Y Seis
Cincuenta Y Siete
Cincuenta Y Ocho
Cincuenta Y Nueve
Sisenta
Sisenta Y Uno
Sisenta Y Dos
Sisenta Y Tres
Sisenta Y Cuatro
Sisenta Y Cinco
Epilogo
Capítulo Especial
Capítulo Especial II

Veintitrés

174K 3.5K 94
assylavemen

Veintitrés

"Aura!" Yenny appeared out of nowhere. Makasigaw talaga to oo.

Nilingon ko siya. Nandito kasi ako sa tapat ng locker ko at inaayos ang magulong gamit ko.

"Bakit?" Tanong ko.

Ngumiti siya ng pagkalapad lapad. "Nagaaya kasi si Tracey mamaya sa isang bar! Birthday niya kasi diba? Magcecelebrate siya dun!" She squealed.

Tumaas ang isang kilay ko. "Oh, tapos?"

"Sama tayo dali!!" Aniya.

"Ayoko. Ikaw nalang kung gusto mo." Hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganyan. Oo may mga local bars din sa probinsya namin pero isang beses lang ako pumasok sa ganun. Nung birthday ng kaibigan ko.

She frowned. "Ang daya mo naman, Aura! Magrelax ka nga kahit minsan! Puro trabaho nalang kasi ang nasa isip mo eh. Tsaka marami tayong kasama kaya safe tayo. Minsan lang 'to! Tsaka nakakahiya naman kay Tracey na hindi tayo sumama. Niyaya na nga tayo nung tao eh kahit na hindi natin siya gaano ka close. Hindi rin naman tayo masyadong magpapagabi." Mahabang litanya niya.

Wala naman sigurong masama sumama? Tutal ngayon lang naman. Tsaka night shift ako bukas habang day off din naman ni Yenny kinabukasan.

I sighed in defeat. "Sige na. Oo na! Sasama na tayo. As if naman na may magagawa pa ako." Totoo 'yon. Nako. Knowing Yenny. Hindi titigil 'yan hanggang hindi ka papayag.

"Yes! Napapayag ko din siya!" She yelled with matching taas kamay pa. Parang baliw talaga.

"Uuwi muna tayo para magbihis. Alangan namang naka uniform pa tayo, duh! Tutal mamaya pa namang gabi 'yon."

"Okay." I said.

"Dito ka muna, ah? Puntahan ko lang si Tracey para sabihin na sasama tayo. See yah later, bff!" Nagmamadali siyang lumabas. Hindi naman siya ganun ka excited eh 'no?

Natatawang umiling nalang ako.

Nasa harap ako ng salamin ngayon. Kakatapos ko lang mag ayos. Nakasuot ako ng isang sleeveless na blouse at kulay itim na pantalon. Nakalugay lang ang buhok ko. May konting make up pero hindi halata.

Nilagyan ako ni Yenny nun dahil sabi niya para hindi naman daw mukhang haggard ang itsura ko. Meron din kaunting accessories at nag dollshoes lang ako. Hindi kasi ako gaano kasanay mag heels. Hindi tulad ni Yenny.

Infairness, medyo nagmukha naman akong tao. Masyado kasing maraming trabaho kaya napabayaan ko na ang sarili ko. Pero ayos lang. Para naman kila Nanay lahat ng ito eh.

"Tapos ka na, girl?" Dungaw ni Yenny sa pinto.

Tumango ako at kinuha ang bag ko. Pinagmasdan ko si Yenny pag kalabas ko mg kwarto.

Ang ganda talaga ng babaeng ito. Mas lalo siyang pumuti sa suot niyang black dress na hanggang tuhod ang haba. Hindi naman siya mukhang malaswa tulad ng ibang babae. Naka red lipstick din ito. Bagay sa kanya. Straight lang din ang buhok nito dahil maigsi 'yon.

Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya. "Ang ganda ko talaga 'no? Joke lang!" Biro niya sabay tawa.

Umiling ako. "Maganda ka naman talaga. Hindi joke 'yon." I smiled at her.

Lumapit siya sa akin at mahina akong pinalo sa braso. "Sus! Bola! Mana lang ako sayo 'no! Ang ganda ganda mo rin kaya! Simple lang pero pak na pak!"

Natawa na lang ako.

"Oh, tara na, bff! Nagiintay na sila dun sa bar na pupuntahan natin." Pag aya na niya.

Bago kami lumabas ay sinigurado muna namin na nakalock lahat ng pinto. Mahirap na at baka manakawan kami na mukhang malabo namang mangyari dahil mahigpit ang security dito. Bumaba kami ni Yenny at ang abang ng taxi. Marami namang dumadaan kaya ayos lang.

Habang nagiintay kami ay may naramdaman akong kakaiba sa atmosphere. Para bang may mga matang nakatingin sa inyo? Guni guni ko lang siguro 'yon.

Masyado na akong nagiging paranoid these days. Dapat na ata talaga ako huminto sa pag inom ng kape tsk.

Maya maya lang ay may tumigil sa harap namin na taxi. Naunang pumasok si Yenny. Nilibot ko ng tingin ang paligid kung tama ba itong nararamdaman ko pero wala naman akong nakitang kakaiba. Sumakay ako at pinawalang bahala na lang 'yon.

KADARATING lang namin ni Yenny dito sa HĮGH, isang bar dito sa Makati. Sabi ni Yenny kanina ay sikat daw itong bar na ito. Maraming mayayamang at kilalang tao ang nagpupunta dito.

Kaya daw HĮGH kasi puro high class na tao daw ang nagkalat dito. Ewan ko ba kung saan nalalaman ni Yenny ang mga bagay nayan. Ang weird talaga nun.
Iyong mayaman daw na boyfriend ni Tracey ang nagbayad ng pangcelebrate niya dito, kaya pala.

Muntik na kaming hindi papasukin dito dahil sa suot ko. Akala siguro nila na hindi namin kaya magbayad dito. Which is true naman hindi naman ako magpapakaimpokrita. Pero hindi pa rin sila dapat ganun. Porket ba ganito lang ang suot ay bawal na?

Ang mga pinapapasok nila ay 'yung mga kilalang tao. Iyong mga madalas na dito. Mga sosyal tignan. Pinapasadahan nga ako ng tingin ng mga babaeng nakakasalubong namin eh. Tapos titignan ka na parang nakakadiri ka.

Hay, mga tao talaga. Buti nalang natawagan ni Yenny si Tracey para puntahan kami. Nung time lang na 'yon kami pinapasok.

As usual, mausok at malalakas ang tugtog dito sa loob. Kung titignan mo ang mga tao dito ay mukhang may mga kaya talaga sa buhay. Marami ring babae na sobrang ikli ng damit. Parang naghihirap sa tela.

Hindi ko nga alam kung dapat ba ako mailang sa mga tingin nila sa akin. Ganon ba kalala ang itsura ko? Tingin nila sa akin ay isa akong outsider. Pero bahala sila. Hindi naman sila ang pinunta ko dito.

Lumapit sa akin si Tracey na may dalang inumin.

"Gusto mo, Aura?" Alok ni Tracey ng isang inumin na hindi pamilyar sa akin ang itsura. Kulay pula ito na parang dugo?

Tinignan ko 'yon. "Ano 'yan, Tracey?"

Natawa ito sa tanong ko. "Hay nako. Inosente much ka talaga Aura babes! That's Bloody Mary! Oh, 'diba? Hanggang dito hinahabol ka ng dugo!"

Napangiwi ako sa pangalan nung inumin. Bloody Mary talaga? Parang 'yung multo na tinatawag ng mga ibang bata sa harap ng salamin? Hanggang dito ba naman hinahabol ako ng dugo?

Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko 'yon. Hindi ko kasi alam kung matapang ba iyon o hindi.

Ayokong malasing dahil sure na sure akong malalasing 'yang si Yenny. Hindi naman siya madalas uminom pero once na uminom 'yan, sinisigurado ko sa inyo na hindi uuwi si Yenny na hindi wasted.

"Kunin mo na! Light lang 'yan, Aura! Cocktail lang. Hindi ka malalasing agad dyan kung yun ang inaalala mo. Mamaya na 'yung mga hard!" She giggled. Bakit feeling ko parang iba yung ibig niyang sabihin? Parang double meaning? Ay, ewan!

Dahan dahan kong inabot 'yon. I took a sip. Lasang tomato juice na may medyo pagkaanghang. Mukhang tama nga si Tracey. Hindi ito masyadong nakakalasing.

"Sarap, 'diba? Medyo maanghang lang pero keribels na!" Ani Tracey sabay ngisi.

Ngumiti ako at tumango. Binaling ko ang tingin ko sa katabi kong si Yenny. Nakita ko siyang nageenjoy sa kulay blue nitong iniinom na parang may asin sa gilid ng baso. Nacurious tuloy ako kung ano 'yon.

"Ano 'yang iniinom mo, Yens?" Nakakunot noo kong tanong dito.

"Blue Margarita, sis! Masarap din ito kaso medyo hard. Medyo lang naman! Gusto mong i-try?" Alok niya sa iniinom niya sabay halakhak.

Umiling ako. "Mamaya na lang siguro. Meron pa akong iniinom eh." Tukoy ko sa hawak kong Bloody Mary. Nagdahilan na lang ako. Ayoko talaga subukan 'yon. Ayos na sa akin itong iniinom ko.

Hindi na bago kay Yenny ang mga inumin na ganyan. Maraming bar sa probinsya namin na dinadayo rin ng mga turista. Parang Boracay lang dahil madaming resort samin.

Nagtrabaho kasi dati si Yenny sa isang resto-bar, bilang waitress. Nurse sa umaga, waitress sa gabi. Pag night shift naman siya sa ospital, sa araw naman siya waitress. Ganon lang ang cycle ng work niya pwera pa ang mga iba niyang sidelines. Wala namang masama sa trabaho niya. Atleast marangal pa rin 'yon.

Nakipagkwentuhan lang ako sa mga kapwa ko nurses. Si Yenny naman ay kasama si Tracey. Kasama rin nila si Warren na boyfriend ni Tracey at 'yong isang kaibigan nitong lalaki.

Bumalik rin yung nararamdaman ko kanina habang nagiintay kami ng taxi. Feeling ko talaga may nakatingin. May sumusunod samin. Wag naman sana stalker yun.

Hay! Nandito ka Aura para mag enjoy. Huwag mong masyadong istressin ang sarili mo. Wala lang iyon! Imagination mo lang.

Nang maubos ko ang iniinom ko ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Tinext ko si Yenny na magbabanyo lang ako.

From: Sexy Yenny

Samahan na kita?

Nagreply ako na hindi na. Malaki na ako. Kaya ko ng hanapin yung banyo.

At saka ayoko naman na istorbohin siya sa pakikipag usap niya dun sa friend nung Warren na iyon. Mukha namang mabait yung guy. Pwede na. Malay mo magkalovelife pa siya ng 'di oras. Support na lang tayo.

Tumayo ako at hinanap ang banyo. Nakita ko agad ito dahil may sign naman na nakapaskil. Medyo malapit ito sa bar area kung nasaan iyong bartender na may itsura kaya hindi ko na kailangan makipag gitgitan sa mga tao sa dancefloor.

Pagpasok ko sa ladies restroom ay may mga babaeng nagmemake up. Napahinto sila sa ginagawa at taas kilay akong tinignan mula ulo hanggang paa.

The girl with the red hair smirked. Tumawa naman yung babaeng kulay ash blonde ang buhok. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko.

"Hashtag Yaya Alert!" Bulong nung chinitang babae sa color red ang buhok. Malinaw kong narinig iyon. Bubulong bulong pa siya eh rinig na rinig naman sa buong banyo.

Hindi ko nalang sila pinansin at nag dire-diretsyo na lang ako sa isang cubicle.

"Did you see that, Scarlett?!" Rinig kong tanong ng isang babae.

Maarteng tumawa ang babaeng tinawag nila na Scarlett. "Of course, duh! Kelan pa pinapapasok ang mga yaya dito? Like what the fuck?" Nandidiring anito.

Hindi naman ako tanga para hindi malaman na ako yung tinutukoy nila. Ako lang naman at sila ang nandito sa loob.

"You're right, Scarlett. I mean 'diba yayas are not allowed here? Can you please tell Luke's friend na owner ng bar na ito na pagalitan ang mga stupid na bouncers niya? Duh! Napasukan ang bar niya ng mga yaya's! Yaya alert!" Sabi naman nung chinita na kasama nila. Alam kong siya yun dahil narinig ko siya nagsalita kanina nung may binulong siya kay red haired girl.

"Oh! I will surely tell him! Paano nakapasok ang mga babaeng kagaya niya? She doesn't belong here! This bar is for the high class people. We don't allow low class rats here. Mga mahihirap nga naman! Trying hard pumunta sa mga ganito para makabingwit ng mga mayayaman. Pwe!" Nandidiring sagot nung Scarlett.

Kinagat ko ang labi ko para pigilin ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Ano bang masama sa itsura ko? Tao pa rin naman ako ah?

Sana pala hindi nalang ako sumama. Kung ganito lang naman pala ang mangyayari sakin dito. Kaya lang naman ako sumama dahil birthday ni Tracey eh. Kung wala naman akong dahilan, never na never akong pupunta sa ganito. Hindi naman ako pinalaki ni Nanay na tulad ng mga nasa isip nila.

Inayos ko muna ang itsura ko. Marahas kong pinunasan ang luhang tumulo sa kanang mata ko. Binuksan ko ang pinto ng cubicle. Alam kong nakatingin sila sakin. Nagmadali akong lumabas sa restroom.

Gusto ko ng umuwi. Ayoko na magtagal dito. Tumakbo ako palabas ng bar. Marami akong nababangga at ramdam kong pinagtitinginan ako pero hindi ko na inalala pa 'yon. Ang importante sa akin ay makaalis ako at makauwi. Itetext ko nalang si Yenny na nauna na ako. Pahatid na lang siya kila Tracey. Hindi naman siya papabayaan nun.

Hindi kalaunan ay nakalabas din ako. Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko na alam kung nasaan ako. Tumigil ako sa pagtakbo. Hingal na hingal nako. Nakakita ako ng isang bench sa gilid. Umupo muna ako para magpahinga dahil pagod na akong kakatakbo.

Naalala ko ang nangyari kanina. Naiiyak nanaman ako. "Bakit ganun? Wala namang masama sa itsura ko ah? Pero bakit kung lait laitin nila ako at husgahan ay ganun nalang? Hindi naman nila ako kilala eh." Tanong ko sa sarili tsaka pinahid ang luha sa kaliwang pisngi ko.

Ganun nalang ang pagkagulat ko ng may nagsalita sa gilid.

"They're just spoiled brats na walang ginawa sa buhay kundi manghusga. Stop crying. They aren't worth your tears. Plus, you look ugly already."

Продолжить чтение

Вам также понравится

1.6M 1.7K 1
Tulo laway ang mga estudyante sa tuwing nakikita si Lyeon. The wholesome 29 year old arrogant professor. Pero naman putik! takot sila sa istriktong...
772K 37.7K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
The God Has Fallen Jamille Fumah

Любовные романы

7.4M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
MOONLIGHT (Season 2) yaM

Любовные романы

71.6K 1K 12
MOONLIGHT (Season 2) by ilovemitchietorres "Tell me the story about how the sun loved the moon so much he died every night just to let her breathe"...