Section Series #1 - Ex

Autorstwa lucylovesdark

5.8K 177 5

Section Series One. Annie Jean Sue is fresh from break up from Clyde Ark Lopez. What will happened to them if... Więcej

Author's Note:
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 6

223 8 0
Autorstwa lucylovesdark

CHAPTER 6

"Oh, apo. Papasok ka na agad? Maaga pa ah." sabi ni Lola sa akin nang makitang naka-p.e uniform ako.

"Opo, 'La. Tatapusin na kasi namin yung costume ngayong araw." sagot ko habang sinisintas ang sapatos.

"Ah, ganun ba? Sige sige, mag iingat ka." sagot ni Lola. Yumakap naman ako sa kanya at nagpaalam na. Nang makalabas ako ng bahay ay nilakad ko na ang sakayan ng jeep at sumakay dito.

Kasalukuyan akong naglakakad papuntang school nang maramdaman kong may sumabay sa akin. Nakita ko si Clyde na naka-deretso ang tingin sa harap. Binilisan ko ang lakad at ganun din ang ginawa niya. Binagalan ko ang lakad at ganun din ang ginawa niya. Sa inis ko ay huminto ako ng lakad at ganun din siya.

"Ano na naman bang trip mo, Clyde?" tanong ko dito.

"Bilisan mo na, mala-late na tayo." sagot niya sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Edi mauna ka na! Ayokong kasabay ka." sabi ko dito.

"Okay, sabi mo eh." sagot niya at naglakad na ito. "Basta mo akong sisihin kapag hindi ka napasok." nakita kong pina-ikot ikot ni Clyde sa kamay niya ang I.D ko.

Lechugas talaga!

"Hoy! Ibalik mo ang I.D ko!" sigaw ko dito at hinabol siya. Aabutin ko na sana ang I.D ko ng itaas niya ang kamay niya.

"Ayoko nga. Pagtapos mo akong awayin." sagot nito. Pilit ko namang inaabot ang I.D ko sa kamay niya.

"Akin na, Clyde! Hindi ako nakikipag-biruan!" sigaw ko dito. Gaya ng kanina at hindi niya ako hinahayaan na maabot iyon. Inaabot ko ang I.D ko nang may maramdam ako sa noo ko. I stop catching my I.D and look at him.

"D-Did y-you just k-kiss me? In my forehead?!" I asked. He smirked.

"Yes, I did." sagot nito.

Ganun pala ah...

Tinuhod ko ang alaga nito at napahawak siya doon kaya naman nakakuha ako ng tyansa na makuha ang I.D ko.

"That's for kissing me!" sigaw ko dito at iniwan siyang namimilipit sa sakit.

I smirked. Buti nga sayo.

I touch the part were he kissed me. Gago ka talaga, Clyde.






"Pang-ilan na yang ginagawa mo, Anz?" tanong ni Marisa sa akin.

"Last na ata 'to." sagot ko. Tinignan naman namin ang nagawa naming costume. Nailagay na namin ang design ng damit at ready na ito para sa wenesday.

"Saglit, bibilangin ko." sabi ni Marisa na kina-tango ko at pinag-patuloy ang paglalagay ng gulay sa damit na siyang design nito. "Fourteen lahat ang natapos at pang-Fifteen yang ginagawa mo."

"Sakto na pala, sa wakas matatapos na din." sabi ko. Ngumiti naman. "Nasaang nga pala sina Dashiel?" tanong ko ng mapansin na walang silang tatlo sa classroom.

"Nasa covered court, nanonood ng practice." sagot niya sa akin.

"Ganun ba. Patapos na ako dito, manood din tayo. Hindi ko pa napapanood yung sayaw nila." sagot ko kay Marisa. Tumango naman siya tinulungan niya akong tapusin ang last costume.

Nang matapos kami ay bumaba na kami papuntang covered court. Malayo pa lang kami ay dinig na namin ang pag kanta nila. Nang makarating kami ay nakita namin sina Finn na nanood sa gilid agad kaming lumapit sa kanila.

"Tapos na namin yung costume." sabi ko kanila.

"Good. Tatapusin na din natin mamaya ang costume ni Calle sa bahay nila Simon, sama ka ba?" tanong ni Finn sa akin.

"Titignan ko." sagot ko sa kanya. Hindi na siya sumagot at nanood na lang kami ng praktis. May iilan pa ding nagkakamali pero mas madaming beses na nagagawa nila ng maayos ang sayaw at kanta.

"Pahinga muna tayo!" sigaw ni Simon na kinatuwa ng mga sumasayaw. Nag kanya kanya silang bili ng maiinom samantalang lumapit naman sa amin sina Simon.

"Kumusta ang costumes?" tanong ni Simon sa amin habang umiinom ng tubig.

"Okay na, tapos na namin." sagot ko.

"Ang gagaling niyo talaga! Salamat." masayang bati sa amin ni Simon.

"Ehem, tapos niyo na bang gamitin ang covered court? Pwedeng kami naman." lumingon kami sa nagsalita at nakita namin sina Liana.

"Uhm, Liana... kasi, nagpapahinga muna kami." sagot ni Amiel sa pinsan nito.

"Okay—"

"You can use it." sagot ni Simon na kinatingin namin.

"Simon, we still have to clean some steps—" hindi na natuloy ang sasabihin ni Clyde.

"Pwede kayong mag-practice basta manonood kami." sabi ni Simon habang naka-tingin lang kay Liana. Simon smirked when Liana didn't answer. "Are you afraid, Juliana?"

Liana smirked too.

"Are you challenging me, Simon?" tanong ni Liana at nag-cross arms. Lumapit sa tapat ni Liana si Simon.

"Yes, Juliana Clara. I challenge you to show what your section got." Simon said hindi pa din inaalis ang ngisi nito.

Nilapit ni Liana ang mukha niya sa mukha ni Simon. Lahat ng mata ng kasama ni Liana at kaklase namin ay naka-tingin sa kanilang dalawa. Intense.

"Challenge Accepted, Juanito Simon." sagot ni Liana at sinadyang i-flip ang buhok niya sa mukha ni Simon na kinasama ng tingin ni Simon. Ngumisi lang si Liana.

"Yesha, call our classmates." sabi ni Liana sa kasama. Umalis naman si Yesha para sunduin ang mga kaklase. Hindi pa din napuputol ang titigan ng dalawa.

"Grabe, ang palaban nila parehas." nagulat ako ng marinig ang boses ni Janice sa gilid ko.

"Bigla bigla ka na lang nagsasalita diyan, Janice!" sabi ko dito pero tumawa lang ito. Maya maya ay dumating na ang kaklase nila Liana kasama si Yanzee at nagsimula ng sumayaw at kumanta.

Tutok kaming lahat sa sumasayaw at kumakanta sa harap namin. Liana is in the middle. Their own version is good, well Liana is good at dancing and singing.

"Omg, ayan na ba yung pinag-mamalaki ni Liana? Eh di hamak na mas maganda pa ang sa atin." narinig kong sabi ni Daisy. "Bakit ba pumayag ka, Simon na magpraktis sila diyan. Tss."

"Isang salita mo pa, Daisy. Papasakan ko ng bote na hawak ko 'yang bunganga mo." biglang sabi ni Yanzee pero ang tingin niya nasa kasama niya. Nakita kong siniko ni Dashiel ai Daisy. Lumapit naman ako kay Yanzee.

"Kalma lang." bulong ko dito habang naka-tingin pa din kami sa sumasayaw.

"I'm trying, Annie." sagot nito sa akin. I hold her hands at pinakalma siya. Nang matapos ang sumasayaw at nagsigawan ito.

"Sa wakas kabisado na natin yung sayaw!"

"Makakapag-pahinga pahinga na din."

"Costume na lang ang tatapusin natin."

"Guys, tapos na natin ang sayaw. Lahat kayo magaling ang ginawa, konting praktis na lang tayo." sabi ni Liana sa mga kasama. "Bumalik na tayo sa classroom." Nagkanya kanyang alis na ang mga kaklase nila at lumapit si Liana kay Simon. Tinapat nito ang palad sa bibig niya na parang nagulat.

"Oops." sabi ni Liana at tumawa. Hinatak na ni Yanzee si Liana at sumunod ang iba. Nakita namin ang bahid ng inis sa mukha ni Simon.

"Sim—"

"Let's go back to pratice!" sigaw ni Simon.





"Kumain na ba kayo bago pumunta dito?" tanong sa amin ni Simon. Nandito kami sa likod bahay nila Simon para tapusin ang costume ni Calle at Amiel for contest.

"Oo naman, yes. Pero alam kong magpapa meryenda ka pa din kaya konti lang kinain ko. Haha." sagot ni Finn habang nagdidikit ng design sa gown. Iilan lang kaming nandito dahil gabi na din at hindi naman masyadong mabigat ang gawain.

"Nga pala, alam niyo bang may pagkaparehas yung costume natin sa section Mabini." sabi ni Lira na hindi ko alam kung bakit nandito eh wala naman siyang matutulong.

"Talaga? Grabe talaga 'yang section na yan eh." sabad ni Daisy.

"Oo! Nakita ko yung itsura ng costume nila nung sumilip ako sa ng classroom nila." sabi pa ni Lira.

"Pwede ba mag focus tayo sa sarili nating gawa. Hayaan natin sila." sabad ni Simon na mukhang napikon na din.

"Bakit ba pinagtatanggol mo yung section na 'yon, Si?" tanong ni Daisy at umirap pa. Akala naman niya bagay sa kanya.

"Just shut up, Daisy. Ang init ng dugo mo sa kanila." sabi ni Simon. Umirap na lang ulit si Daisy at hindi na nakipag-argumento pa. Buti naman.

"Guys, hindi ako magtatagal ah. Uuwi din ako agad, uuwi kasi si Mama." sabi ko sa kanila habang naglalagay din ng design.

"Ayos lang, hindi naman na mabigat ang trabaho dito." sabi ni Simon. Ngumiti naman ako at pinagpatuloy ang pag gawa. Makakalahati na kami ng may nag abot ng kape at tinapay sa akin. I looked up. Clyde...

"Eat. Kanina ka pa diyan, ako muna." sabi niya sa akin pero hindi ako kumilos. "Annie, move. Kumain ka muna, baka sabihin ni Nanay Estrella ginugutom ka namin."

Inabot ko ang pagkain at kape tsaka umupo sa upuan na malapit lang sa amin kung saan naka-upo si Finn na busy sa cellphone,kaya inistorbo ko ito.

"Hoy, ba't hindi ka tumutulong?" tanong ko dito sabay simsim ng kape. Napatingin ako kay Clyde na nagpapatuloy ng ginawa ko. He never forget the coffee that I like. I smiled. Naaninag ko ang flash sa bandang gilid ko at nakita ko si Finn na hawak ang cellphone at naka-tutok ito sa akin.

"Hoy, epic 'yan no?!" tanong ko dito at pilit na inaabot ang cellphone niya.

"Ang cute mo nga eh. Hahahahahahhaha" sagot nito habang nilalayo ang cellphone sa akin.

"Patingin!" sigaw ko dito.

"Saglit lang. Hahahaha."

"Clever Finn!"

"Bwuhahahahaaha." tawa lang ito ng tawa habang tinitignan ang cellphone. Pinakita nito sa akin ang kinunan niya. "Look, Anz halatang inlove na inlove ka dito, oh."

He took a stolen picture of me while looking to Clyde earlier!

"Burahin mo 'yan." mahinahon kong sabi sa kanya.

"Na-ah."

Umikot ako papunta sa likod niya at agad sinakal ang leeg nito habang hawak ang buhok. Napatingin naman sa amin yung iba pero nagdedma din.

"Burahin mo na kasi!"

"Ackk! B-Buburahin na! Bitaw na! Acck!"

Binatawan ko na ito at tinignan kung paano niya binura iyon. Maya maya ay ngumisi siya.

"I already send that to our group chat—Ackk!!" sinakal ko ulit siya. Binitawan ko din siya dahil wala na akong magagawa, panigurado marami ng nag save non. Bumalik na ako sa pagtulong sa kanila. Nang pumatak na ang alas-nuebe ay nagdesisyon na akong umuwi.

"Teka, ipapahatid na kita." sabi ni Simon.

"Hindi na. Sasakay na lang ako." pigil ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.

"Anong oras na tsaka delikado sa daan." sabi niya. "Ipapahatid na ki—"

"No need. Ako ng maghahatid sa kanya." dinig kong sabi ni Clyde. Naka-suot na ito ng cap at hawak na ang susi ng motor niya.

"Oh, sige. Mag ingat kayo. Kita na lang tayo bukas sa commercial para sa practice." sabi ni Simon at pumasok na sa bahay.

"Oh." sabi ni Clyde at inabot sa akin ang isang helmet. Sinuot ko naman ito at nang binuhay na niya ang motor ay sumakay na ako. Mabuti na lang sanay akong umangkas sa motor. We used to stroll before.

"Kapit." dinig kong sabi niya.

"Ha?"

"Kapit." ulit nito. Kapit? Humawak ako sa likuran.

"Oka—Teka anong ginagawa mo?!" gulat kong tanong dito ng hawakan niya ang kamay ko ay pinalibot iyon sa bewang niya. "B-Bakit—"

"Para hindi mo naman alam ayokong hindi ka nakayakap sa akin pag nag mo-motor. " sabi niya. Nagsalubong ang kilay ko.

"Ginagawa niyo ba 'to ng bago mo?" teka, bakit ko sinabi yun?!

"Jealous?"

"H-Hindi no! Bilisan mo na nga." sagot ko sa kanya. I heared him chuckled bago iyong pina-andar. Nanatili akong nakakapit sa kanya kahit na sobrang lakas ng puso ko. Shet. Hindi katagalan ay nakarating na din kami sa bahay. Agad akong bumaba at binalik ang helmet sa kanya.

"Salamat sa pagkain at pag hatid sa akin. Mag ingat ka sa pag uwi." sabi ko sa kanya pero hindi ito umimik at nanatili lang naka-tingin sa akin. "Uhm, p-papasok na ako." akmang papasok na ako ng gate ng tawagin niya ako.

"Annie." lumingon naman ako at nakita kong bumaba siya ng motor at lumapit sa akin. Nang nasa tapat ko na siya at akmang itutulak ng maramdaman ko ang malambot na labi niya sa noo ko, he smiled at me.

"Goodnight, my Annie."

- Madam L.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

17M 653K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
13.1M 434K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
234K 10.3K 35
"I love you more than anything." Mad at you; book 2.
71.6K 2.2K 27
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...