The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7.1M 228K 48.4K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 49

75.1K 2.8K 277
By Maria_CarCat

Bagong buhay






Halos mabali ang leeg ko dahil sa paglingon. Hindi ko kayang iwanan si Piero sa ganuong sitwasyon. Muli akong nagpumiglas sa pagkakahawak ni Rajiv sa akin pero mas lalo lamang niyang hinihigpitan ang hawak.

"Parang awa mo na, hindi ko kayang iwanan si Piero" pakiusap ko pa din sa kanya pero masyado nang sarado ang isip ni Rajiv.

"Stop it Amary. Wala ka ng magagawa" galit na utas niya sa akin at tsaka ako patuloy na hinila pasakay sa van. Naikuyom ko ang aking kamao. Imbes na magpumiglas ay nilapitan ko pa siya at tsaka pinagpapalo.

"Ang sama mo, napakasama mo!" Hiyaw ko habang hinahataw siya ng mga palo at suntok. Nagulat si Rajiv dahil duon pero kaagad din siyang nakailag.

"Amary" madiing tawag niya sa akin bago niya ako binuhat mula sa aking bewang.

Mas lalo akong nagpumiglas. "Bitawan mo ako, ibaba mo ako!" Sigaw ko at pinagpapalo uli ang likod niya.

"Baka mahulog ka" galit na suway niya sa akin. Mas lalo akong nanghina ng maipasok niya na ako nang tuluyan sa van. Nawalan na ako ng pagasang makabalik pa kay Piero ng kaagad na sumakay si Rajiv at sinara ang pintuan.

"Let's get out of here" matigas na utos niya sa driver.

Matalim ang titig niya dito. Kita ko din ang bakas ng kuko ko sa kanyang mukha. Nakalmot ko siya nang nagpumiglas ako kanina. "Rajiv, kung mahal mo ako hayaan mo na ako kay Piero. Siya ang mahal ko..." umiiyak na pakiusap ko sa kanya.

"Si Piero ang nagpapasaya sa akin, si Piero ang gusto kong makasama" patuloy ko pa din. Habang sinasabi ko iyon ay mas lalo lamang tumatalim ang kanyang tingin, kita ko din ang kanyang pagtitiim bagang.

Nahigit ko ang aking hininga ng lingonin niya ako. "Isang banggit mo sa pangalan ng lalaking iyon Amary. Hindi ako magdadalawang isip na balikan siya ngayon ay ubusin ang bala ko sa buong katawan niya" matigas na pagbabanta niya sa akin.

Napahagulgol na lamang ako. "Patayin mo na lang ako Rajiv...patayin mo na lang ako" umiiyak na pakiusap ko sa kanya.

Ang kaninang matigas niyang mukha ay unti unting nanlambot. Umusog siya papalapit sa akin kaya naman umatras din ako. Nabato ako sa aking kinauupuan nang haplusin niya ang aking pisngi. "Wag mong sabihin yan Amary. Alam mo kung gaano kita kamahal...ayokong masaktan ka" malambing na pagaalo niya sa akin.

Marahas akong umiling. "Hindi kita mahal Rajiv" diretsahang sabi ko sa kanya kaya naman ang malambing niyang pagkakahaplos sa aking mukha ay lumipat sa akong baba, madiin niya akong hinawakan duon.

"Matututunan mo din akong mahalin" galit na giit niya bago niya ako binitawan.

Hindi na ako umimik pa. Sa may bintana ako humarap habang patuloy na umiiyak. Palabas na ang Van sa may kanto, ayokong harapin si Rajiv, nasusuklam ako sa kanya. Galit na galit ako sa ginawa nila kay Piero. Papaliko na ang van palabas ng kanto nang kaagad na lumaki ang aking mga mata. Nagkaroon ng pagasa ang aking dibdib nang makita ko ang pagdaan ng sasakyan ni Lance. Hindi ako pwedeng magkamali si Lance iyon! Matutulungan niya si Piero.

Sinundan ko ang sasakyan ni Lance kahit pa nakalagpas na ito sa amin. "Anong tinitingnan mo?" Tanong ni Rajiv sa akin at lumingon din siya sa likod para tumingin. Kaagad akong umayos ng upo at tsaka umiling.

Tahimik kong pinagsiklop ang aking mga daliri. Muling tumulo ang masasaganang luha mula sa aking mga mata. Mataimtim akong nagdasal para sa kaligtasan ni Piero. Alam kong mabubuhay siya, lalaban siya.

Mas lalong bumigat ang dibdib ko ng lumabas na kami ng bulacan. Mas lalong bumilis ang takbo ng sasakyan pagkapasok nanin sa NLEX. Para akong tatakasan ng bait habang nakikita ang mas lalo naming paglayo. Kahit pa nakita ko si Lance duon ay hindi pa din ako mapakali, gusto kong samahan si Piero.

"Please Amary, wala ka nang magagawa" malumanay na suway ni Rajiv sa akin.

Tamad ko siyang tiningnan, kita ko ang pagaalala ni Rajiv sa akin pero mas nangibabaw ang galit ko sa kanya. "Saan mo ako dadalhin?" Galit na tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya. "Sa mommy mo..." tipid na sagot niya sa akin. Naikuyom ko na lamang ang aking kamao, hanggang ngayon suportado pa din ni Mommy ang plano ni tito benedict. Gusto lang naman nilang maipakasal ako kay Rajiv para sa companya nila. Sarili lang nila ang iniisip nila.

Nanahimik lamang ako buont byahe. Ni hindi ko din nagawang kainin ang pagkaing ibinigay sa akin ni Rajiv. Napapabuntong hininga na lamang ito sa tuwing tinatanggihan ko siya at itinataboy. Matapos ang halos dalawang oras na byahe ay nakarating na kaming muli sa bahay nila Mommy.

"I guess you somehow missed your mom?" Hindi din siguradong sabi ni Rajiv bago kami bumaba sa van.

Muling kong iginala ang mga mata ko sa buong bahay. Sumikip ang dibdib ko habang iniisip ang mga nangyari sa akin dito nuon. Ikukulong nanaman nila ako sa loob ng kwarto ko na para bang mayroon akong nakakahawang sakit. Walang pwedeng makakita sa akin kundi silang tatlo lamang nila Rajiv.

"Amary!" Sigaw ni Mommy ng bumukas ang front door. Humahangos itong lumapit sa akin at tsaka ako niyakap. Nagawa pa niyang humalik sa aking pisngi. Muli akong naiyak dahil sa tagal din naming hindi nagkita. Mommy ko pa din siya.

"Kamusta ka na anak..." nagaalalang tanong pa niya sa akin habang marahang nakahawak sa aking magkabilang pisngi. Nanatiling nakatayo si Rajiv sa aming gilid at tahimik na nanunuod.

Tumalo ang aking masasagang luha habang nakatitig ako kay Mommy. "Tulungan niyo po ako Mommy, ayoko po dito" pumiyok na pakiusap ko pa sa kanya. Unti unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Nagaalala itong tumingin kay Rajiv na para bang mas natakot pa siyang masaktan ito kesa sa akin na sarili niyang anak. "Please Mommy, hindi ko po mahal si Rajiv" sabi ko pa ulit, kahit alam kong hindi naman niya ako kakampihan ay sumubok pa din ako. Hindi ako mapapagod na sumubok para lamang makabalik ako kay Piero.

Napaayos ito ng tayo pagkatapos niyang ibaba ang pagkakahawak niya sa aking pisngi. "Ginagawa namin ito para sayo Amary, para sayo ito" seryosong sabi pa niya sa akin.

Marahan akong umiling. "Sarili niyo lang ang iniisip niyo, ayokong maging katulad niyo...hindi ako magiging katulad niyo Mommy!. Iniwan mo si Papa para sa pera!" Asik ko sa kanya kaya naman kaagad na nanlaki ang kanyang mga mata at tsaka mabilis na dumapo anh palad niya sa akinh pisngi.

Dahil sa nangyari ay dinaluhan ako ni Rajiv, hinarang niya ang sarili niya para hindi na ulit ako masaktan ni Mommy. "I'm sorry Rajiv Hijo, hindi ko napigilan ang sarili ko" paghingi ng paumanhin ni Mommy dito kaya naman mas lalo lamang lumalim ang galit ko sa kanya.

Masyado siyang kinain ng paghahangad niya ng marangyang bunay. Masyado siyang nagpakain sa pera at kapangyarihan. Hindi ko na tuloy alam kung masaya pa ba siya sa buhay niya ngayon kasama si Tito Benedict. Nagpaalam itong mauuna ng pumasok sa loob kaya naman muli kaming naiwan ni Rajiv sa labas.

Nanatili ang aking mga tingin sa sahig, naramdaman ko ang pagharap sa akin ni Rajiv. Marahan niyang hinaplos ang pisngi kong sinampal ni Mommy. "Shhh..." pagaalo niya sa akin bago niya ako hinalikan duon sa pisngi. Hindi ko siya pinansin, masyado na akong nanghihina para makipagaway pa sa kanya.

Dahil sa aking pananahimik ay malaya akong nahila ni Rajiv papasok sa bahay. Dirediretso ang lakad namin paakyat sa aking dating kwarto. Mabilis akong binawi ang kamay ko sa kanya ng subukan niyang ipasok ako duon. Nagulat ito dahil sa aking biglaang pagtigil. "Ayoko na dito, ayoko ng makulong dito" pakiusap ko sa kanya kaya naman nanlumo ang kanyang mga mata.

"Ngayong gabi lang Amary, bukas iuuwi kita sa bahay ko" pagaalo niya pa sa akin na mas lalong nagpabigat sa aking dibdib.

"Mas lalong ayoko sa bahay mo" laban ko sa kanya. Pagod niya akong nginitian.

"So you want a bahay kubo instead huh?" Mapanuyang tanong niya sa akin kaya naman naikuyom ko ang aking kamao.

"Basta kasama ko si Piero, kahit saan kami tumira ayos lang sa akin, kahit saan niya ako dalhin sasama ako. Kasi mahal ko siya..." laban ko sa kanya habang pilit na iniiwasang pumiyok ako dahil sa namumuong luha.

Tinitigan ako ni Rajiv, blankong ekspresyon lamang ang itinapon niya sa akin. "Hindi ka na makukuha ng Herrer na iyon sa akin" giit niya. Lumaban ako ng titig sa kanya pero sa huli siya na ang unang nagbitaw ng tingin at tsaka ako hinila papasok sa aking dating kwarto.

Idinertso niya ako paupo sa aking kama at nang masigurado niyang ayos na ako ay kaagad din siyang lumabas. Narinig ko pa ang pagkakalock ng pinto mula sa labas kaya naman mariin na lamang akong napapikit at tahimik na umiyak.

Kusang bumagsak ang katawan ko pahiga sa kama. Nanatili akong nakatitig sa kung saan, parang kaninang umaga lang magkasama pa kami ni Piero, ngayon hindi ko na alam kung ano na ang balita sa kanya. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang yakapin. Habang iniisip ko iyon ay mas lalo lamang bumibigat ang aking dibdib.

"Magpalakas ka Amaryllis, lalaban tayo...kahit anong mangyari babalik ka para kay Piero" pagkausap ko sa aking sarili habang marahas na pinapawi ang luha sa aking mga mata. Hindi dapat ako umiyak at manghina, lalaban ako para kay Piero, lalaban ako para sa amin.

Hindi ko na namalayan ang oras. Napabangon lamang ako ng bumukas ang pintuan ng aking kwarto, si Rajiv iyon. "Gusto mo bang dito na lang tayo magdinner?" Marahang tanong niya sa akin. Kaagad akong nagiwas ng tingin sa kanya.

"Sa baba na, magbibihis na muna ako" tamad na sagot ko sa kanya. Ilang minutong tumayo si Rajiv duon bago siya tumango at tahimik na lumabas ng aking kwarto.

Nanghihina akong nagtungo sa banyo, sandali akong naglinis ng aking sarili bago ako nagpalit ng damit at tsala bumaba na din. Dahan dahan ang nagawa kong pagbaba sa engrandeng hagdanan ng bahay ni Tito Benedict, walang dating sa akin ang mga mararangyang bagay na ito. Ni minsan hindi ako naghanggad ng mas higit pa sa kayang ibigay ng mga taong mahal ko.

"Mabuti naman at bumaba ka na, naisip mo rin sigurong walang magagawa ang pagmamaktol mo Amary" salubong ni Mommy sa akin pagbaba ko ng hagdan.

"Malapit na din naman po akong mamatay, ayokong sayangin ang natitirang oras ko sa pagiyak at pagmumukmok" sagot ko sa kanya na ikinagulat niya.

Bayolente siyang napalunok at kaagad na nagiwas ng tingin sa akin. Takot siyang mamatay ako, hindi dahil mahal niya ako kundi dahil wala na silang kapit sa dela rama kung sakali mang mamatay akong hindi naikakasal kay Rajiv.

"Pasalamat ka galing sa mayamang pamilya ang lalaki mo..." mapanuyang sabi niya sana sa akin na mabilis ko din namang pinutol.

"Mayaman man o hindi si Piero mahal ko siya Mommy" laban ko sa kanya.

Tinitigan ko siya, hanggang sa pagak siyang natawa. "Mayaman ang mga Herrer, pero hindi sila makapangyarihan kagaya ng mga dela rama" sabi pa niya sa akin kaya naman naikuyom ko ang aking kamao.

"Makapangyarihan ang mga dela rama dahil sa ilegal nilang gawain" balik na laban ko sa kanya kaya naman nanlaki ang kanyang mga mata. Hinaklit niya ang aking braso.

"Magingat ka sa mga sinasabi mo, baka marinig ka ni Rajiv o ng tito benedict mo. Gusto mo bang malintikan tayong dalawa?" Mahinang pagbabanta niya sa akin.

"Totoo naman po ang sinasabi ko" giit ko kaya naman mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking braso.

"Kahit na Amaryllis" sabi pa niya sa akin at tsaka ako pinanlakihan ng mata.

Dumiretso kami sa dinning. Hindi na muli pa akong nagsalita, kahit panay ang bati sa akin ni tito benedict ay tango at iling lang ang ginagawa ko sa tuwing nagtatanong siya sa akin. Ni hindi ko din nagalaw ang pagkain ko dahil ayoko ng mga pagkain duon. Nagugutom ako pero wala akong ganang kumain.

Naramdaman ko ang paglingon ni Rajiv sa akin ng mapansin niyang hindi ko ginagalaw ang aking pagkain. "Hindi mo ba gusto ang pagkain? anong gusto mo magpapaluto ako" malambing na tanong niya sa akin ng humilig pa siya para tanungin ako.

Naiilang akong sumulyap kina Momny at tito Benedict na nakatingin din sa amin na para bang kinikilig pa silang dalawa sa amin. Bumaba ang tingin ko sa aking plato. "Ayos lang ako" pagsisinungaling ko, ni hindi na ako nagabalang lingonin pa siya.

Pinilit ko ang aking sarili na kumain kahit papaano kahit ang totoo si Piero pa din ang iniisip ko. Miss na miss ko na si Piero, ilang oras pa lang kaming hindi magkasama para na akong mababaliw. Pagkatapos mag dinner ay nagpaalam din sa amin si Rajiv.

"I'll let Amary stay here for tonight. Bukas ko na siya iuuwi sa bahay ko tito, tita" nakangiting paalam pa niya sa mga ito. Nanatili akong nakayuko, ayaw ko siyang titigan.

"Mabuti iyan Hijo, para naman masanay itong si Amary sa iyo. Duon din naman ang punta niyo" sabi pa ni Mommy. Naikuyom ko na lamang ang aking kamao. Si Piero lang ang gusto kong makasama, at kahit anong gawin nila hindi ako masasanay kay Rajiv.

Gising ako buong gabi. Ilang beses ko ding pinagplanuhan ang tumakas pero mukhang handang handa sila sa pagbalik ko dahil ang dating sliding window ko ay mayroon na din ngayong harang. Nawalan ako ng pagasa na makalabas kaya naman pagod akong bumalik sa pagkakahiga ko sa aking kama.

Madaling araw na din ako dinalaw ng antok kaya naman pagkagising ko kinaumagahan ay sobrang bigat ng aking pakiramdam. Para akong masusuka at sobrang sakit ng aking ulo.

"May sakit ka ba?" Tanong ni Mommy sa akin pagkababa ko mula sa aking kwarto.

"Hihingi po sana ako ng gamot para sa sakit ng ulo" walang kaemoemosyong sabi ko sa kanya. Pero imbes na bigyan ako ng gamot ay hinila pa niya ako patungo sa may dinning.

"Kumain ka na muna, hindi ka pwedeng uminom ng gamot nang hindi kumakain" pangaral niya sa akin habang nilalagyan niya ng pagkain ang aking pinggan.

Maantig na sana ang puso ko dahil sa ginagawa niya ng malaman ko ang dahilan ng muli siyang nagsalita. "Baka akalain ni Rajiv pinapabayaan ka namin" sabi pa niya kaya naman sumama ang tingin ko sa aking pinggan.

Kumunot ang noo ko ng maamoy ko ang bawang sa fried rice na inilagay niya sa aking harapan. Kaagad akong napatayo ay napatakbo sa may sink. "Amary ano bang nangyayari sayo?" Gulat na tanong ni Mommy sa akin na hindi ko naman pinansin.

Naluha lamang ako dahil sa pagkakaduwal ko. Pagod akong napatingin kay Mommy, kita ko ang pagdududa sa kanyang mukha kaya naman muli lamang kumunot ang aking noo. Kaagad siyang nagiwas ng tingin. "Ipapahanda na lang kita ng ibang pagkain" natatarantang sabi niya sa akin bago niya ako iniwang magisa duon.

Imbes na kumain ay bumalik na lamang ako sa aking kwarto at tsaka tahimik na tumanaw sa aking binatan. May mga oras na naiisip kong magpakamatay na lang para matapos na ang paghihirap ko, pero sa tuwing naaalala ko ang pangako ko kay Piero na babalikan ko siya ay nagiiba ang isip ko.

Bago mananghali ay sinundo na ako ni Rajiv para dalhin sa bahay niya. Labag iyon sa aking loob, pero kahit naman maglupasay ako, hindi magbabago ang desisyon nila. Nagiwas ako ng tingin ng makita ko pa ang kunwaring pagiyak ni Mommy ng ihatid nila kami ni Tito Benedict sa labas.

"Tears of joy lamang ito" pagkukunwari pa niya kaya naman hindi ko na siya nagawa pang tingnan.

Walang kasamang body guard o driver si Rajiv kaya naman sa may passenger seat ako nakaupo. Tahimik ako sa buong byahe ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Lance ng huli kaming magkita. Kaagad kong nilingon si Rajiv na seryoso sa kanyang pagmamaneho.

"May balita ka ba tungkol sa Papa at kapatid ko?" Kaagad na tanong ko sa kanya. Sandali niya akong sinulyapan.

Tipid lamang siyang tumango sa akin. "I have a surprise for you..." nakangiting sabi pa niya sa akin pero nagiwas lamang ako ng tingin.

Pumasok ang kanyang sasakyan sa isang two storey na bahay. Malaki iyon at maganda ang kulay mula sa labas. Halatang binata pa ang may ari base sa disensyo na halos glasswall.

"Welcome to our home Amary" masayang sabi niya sa akin pero hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Tiningan ko lamang ang bahay. Walang wala iyon sa kubo na tinutuluyan namin ni Piero.

Iginaya ako ni Rajiv papasok sa kanyang bahay. Mula sa may sala ay kaagad akong napatakbo ng makita ko si Papa at si Akie. Napasigaw din sila sa aking pangalan ng makita nila ako. Patakbo ako lumapit sa kanila at tsaka yumakap. Muling tumulo ang aking masasaganang luha.

"Miss na miss ko na po kayo..." umiiyak na sabi ko pa sa kanilang dalawa habang panay pa din ang yakap sa kanila. Hinayaan ni Rajiv na makasama ko sina Papa at Akie, nagpahanda pa nga ito ng tanghalian para sa aming lahat. Duon lamang ako nakakain ng maayos dahil kasama ko sila.

"Dito rin po ba kayo titira?" Nakangiting tanong ko kay Papa pero napatingin lamang ito kay Rajiv kaya nilingon ko din siya.

"I bought a house for them Amary, don't worry pwede mo naman silang bisitahin every now and then after ng kasal" sagot pa niya sa akin kaya naman napaawang ang bibig ko.

"Ibig mong sabihin ikukulong mo ako dito sa bahay mo hangga't hindi tayo naikakasal?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti.

"Makakalabas ka ng bahay na ito pag kasama mo ako" sagot niya sa akin bago siya nagtaas ng kilay.

Bayolente akong napalunok at hindi na muli pang nagsalita. Pagkatapos kumain ay muli kaming binigyan ni rajiv ng oras na para sa aming nila Papa. Sa may garden namin napiling mamahinga.

Napapikit ako ng haplusin ni Papa ang aking pisngi. "Mukhang naalagaan kang mabuti ni Piero, anak" puro niya dito kaya naman napangiti ako.

"Inalagaan po ako ni Piero Papa, ginawa niya po ang lahat para sa akin" medyo emosyonal na kwento ko pa sa kanya. Hinila niya ako para halikan sa aking ulo.

"Mas gusto ko si Piero para sayo anak..." sabi pa niya sa akin kaya naman kaagad akong napangiti at napayakap sa kanya.

"Salamat po Papa..."

Ilang paguusap pa ang pinagusapan namin bago niya binanggit itong muli sa akin. "Nasa hospital si Piero ngayon, hindi mo kailangang magalala sa kanya dahil kasama na niya ang pamilya niya" pagaalo niya sa akin.

Napangiti ako kasabay ng pagluha. "Sabi ko na lalaban iyon eh, si Piero ang pinakamatapang na taong nakilala ko. Kaya alam kong kaya niya iyon..." pagbibida ko pa sa kanya kay Papa na tinanguan naman nito.

Sa gitna ng aming paguusap ay nakaramdam ako ng pagikot ng aking paningin. Kaagad na napatayo si Papa at tsaka ako inalalayan paakyat sa aking kwarto. "Anong nararamdaman mo anak?" Nagaalalang tanong niya sa akin.

Marahan akong sumandal sa aking kama. "Medyo nahihilo lang po ako Papa..." sagot ko sa kanya at tsaka ko hinawakan ang kanyang kamay. Bumaba ang tingin niya sa aking kamay, nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang singsing sa aking daliri.

Kumunot ang kanyang noo. "May nangyari na ba sa inyo ni Piero?" Diretsahang tanong niya sa akin na ikinagulat ko.

Uminit ang pisngi ko dahil sa tanong ni Papa sa akin. Pero naisip kong normal lang iyon para sa kanya dahil isa siyang doctor. Napasinghap siya ng tumango ako.

"Gumamit ba siya ng proteksyon?" Madiing tanong niya sa akin. Bayolente akong napalunok habang inaalala ang mga nangyari sa amin.

"Hindi po..." pumiyok na sagot ko sa kanya kaya naman kaagad akong napaiktad ng hampasin ni Papa ang kama.

"Alam ba niya ang tungkol sa kalagayan mo?" Galit na tanong niya sa akin kaya naman napaiyak ako at tsaka napailing.

"Diyos ko. Bakit anak?" Mariing tanong niya sa akin kasabay ng kanyang pagiyak.

"Kasi ayoko pong masaktan siya" pumiyok na sagot ko sa kanya.

Halos malukot ang kumot ko sa mahigpit na pagkakahawak ni Papa. Sa huli ay kaagad niya akong hinila para yakapin nang mahigpit habang patuloy pa din siya sa pagiyak.

"Paano kung buntis ka Anak?" Umiiyak na tanong niya sa akin kaya naman bayolente akong napalunok.

"Parang mas lalo mo lang pinaikli ang buhay mo" umiiyak na sabi pa niya sa akin na hindi ko pinansin.

Humigpit ang yakap ko kay Papa. "Pag dumating ang oras na wala na ako at makikita niyo siya...maalala niyo ako" emosyonal na sabi ko sa kanya kaya naman napahiwalay siya ng yakap sa akin. Titig na titig siya sa akin habang patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Aalis ako pero hindi ko kayo iiwan. May parte sa aking babalik para sa inyo...para kay Piero" pumiyok pang paliwanag ko sa kanya.





















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

925K 31.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
255K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
231 88 7
Girl Series #2 Yrina Larisse Valeco -Leyaanaviaaa. Date Started: February 15, 2022 Date Ended:
2.6M 166K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...