My Yaya Is My Girlfriend ( S...

By unforgettwble_kaida

62.1K 3.7K 367

Isang lalaking makakatagpo ng babaeng maingay pero palaban. Lalaking inis na inis sa katulad nyang babae... More

My Yaya Is My Girlfriend Season 1
M.Y.I.M.G. ~♡pRoLoGuE♡~
♡ChApTeR~oNe♡
♡ChApTeR~tWo♡
♡ChApTeR~ThReE♡
♡ChApTeR~FoUr♡
♡ChApTeR~FiVe♡
♡ChApTeR~SiX♡
♡ChApTeR~SeVeN♡
♡ChApTeR~EiGhT♡
♡ChApTeR~NiNe♡
♡ChApTeR~TeN♡
♡ChApTeR~ElEvEn♡
♡ChApTeR~TwElVe♡
♡ChApTeR~ThIrTeEn♡
♡ChApTeR~FoUrTeEn♡ (Sheena's Birthday)
♡ChApTeR~FiFtEeN♡ (Sheena's Birthday)
♡ChApTeR~SiXtEen♡ (Sheena's Birthday)
♡ChApTeR~SeVeNtEen♡
♡ChApTeR~EiGhTeEn♡
♡ChApTeR~NiNeTeEn♡
♡ChApTeR~TwEnTy♡
♡ChApTeR~21♡
♡ChApTeR~22♡
♡ChApTeR~23♡
♡ChApTeR~24♡
♡ChApTeR~25♡
♡ChApTeR~26♡
♡ChApTeR~27♡ (Opening):Intrams
♡ChApTeR~28♡ (INTRAMS)
♡ChApTeR~29♡ (INTRAMS)
♡ChApTeR~30♡ (INTRAMS)
♡ChApTeR~31♡(INTRAMS)
♡ChApTeR~32♡(INTRAMS)
♡ChApTeR~33♡(INTRAMS:CHAMPIONSHIP)
♡ChApTeR~34♡
♡ChApTeR~35♡
♡ChApTeR~36♡ (BORACAY)
♡ChApTeR~37♡ (BORACAY)
♡ChApTeR~38♡ (BORACAY)
♡ChApTeR~39♡ (BORACAY)
♡ChApTeR~40♡ (BORACAY)
♡ChApTeR~41♡ (BORACAY)
♡ChApTeR~43♡
♡ChApTeR~44♡
♡ChApTeR~45♡
♡ChApTeR~46♡
♡ChApTeR~47♡
♡ChApTeR~48♡
♡ChApTeR~49♡
♡ChApTeR~50♡ (MCKENZIE'S BIRTHDAY)
♡ChApTeR~51♡ (MCKENZIE'S BIRTHDAY)
♡ChApTeR~52♡
♡ChApTeR~53♡
♡ChApTeR~54♡
♡ChApTeR~55♡
♡ChApTeR~56♡
♡ChApTeR~57♡
♡ChApTeR~58♡
♡ChApTeR~59♡
♡ChApTeR~60♡ (Dance Party)
♡ChApTeR~61♡ (Dance Party)
♡ChApTeR~62♡ (Dance Party)
♡ChApTeR~63♡
♡ChApTeR~64♡
♡ChApTeR~65♡
♡ChApTeR~66♡
♡ChApTeR~67♡
♡Author's Note♡
♡ChApTeR~68♡
♡ChApTeR~69♡
♡ChApTeR~70♡ (KISS)
♡ChApTeR~71♡
♡ChApTeR~72♡
♡ChApTeR~73♡
♡ChApTeR~74♡
♡ChApTeR~75♡
♡ChApTeR~76♡
♡ChApTeR~77♡
♡ChApTeR~78♡
♡ChApTeR~79♡
♡ChApTeF~80♡ (Reid Aidan's Birhday)
♡ChApTeR~81♡(Reid Aidan's Birthday)
♡ChApTeR~82♡ (TUPAK)
♡ChApTeR~83♡
♡ChApTeR~84♡
♡ChApTeR~85♡
♡ChAptTeR~86♡
♡ChApTeR~87♡
♡ChApTeR~88♡
♡ChApTeR~89♡
♡ChApTeR~90♡ (WAR)
♡ChApTeR~91♡ (MISSING MCKENZIE)
♡ChApTeR~92♡ (TIRED)
♡ChApTeR~93♡
♡ChApTeR~ 94♡ (He Like Her?)
♡ChApTeR~95♡
♡ChApTeR~96♡
♡ChApTeR~97♡ (SEAN GIO'S BIRTHDAY)
♡ChApTeR~98♡ (MCKENZIE VS. AYESHA)
♡ChApTeR~99♡
♡ChApTeR~100♡ (SEASON 2 ON GOING)

♡ChApTeR~42♡

485 32 5
By unforgettwble_kaida

♡MCKENZIE POV.♡

HETO na at sa wakas ay nakauwi narin kami sa bahay namin...

Tulad ng sinabi ko kay Kuya ay dito nga ako mag i stay sa bahay....

Pagpihit namin ng pinto ay naka lock ito...

"Kuya? Wala kabang extrang susi neto?" Turo ko sa door knob..

"Wait a minute" usal nya at nangalkal sa bag nya.. maya maya pa ay nagbukas na ang pinto...

Hindi na kami nagsalita pa at nagsipuntahan na kami sa sarili naming kuwarto...

Nangiti ako dahil namiss ko itong matagal kunang kuwarto...

Sobrang linis paren. At walang pinagbago sa mga gamit na natira ko dito...

Andun paren yung Cellphone na iniwan ko at nakalagay ito sa ibabaw ng lamesang maliit kung saan ko ito iniwan dati...

Nagdadahan dahan akong buksan ang maleta ko dahil baka amy ipis nanaman gaya ng dati pag bukas ko sa condo ko ay may ipis na lumabas kaya sobrang gulat at napasigaw ako ng malakas..

Sobrang nangiti ako ng wala naman akong nakita...

Kinuha ko ang Teddy na bigay saaken ni Sean na katabi lang ng Maleta ko.... binuhat ko ito.. laking gulat ko nang may maliit na papel na nalaglag sa floor ko...kaya naman inilapag ko na muna ang Teddy at kinuha yun...

'From: Sean Theo'

Pagbasa ko...

Tumingin ako sa Teddy habang hawak ko paren ang papel...

Lumapit ako sa Teddy at tinignan ang mga butas na nangyare dito...

Kinuha ko ang sinulid at karayom at itinago sa cabinet ko ang letter na nakuha ko sa teddy...

Sinimulan kung tahiin ang mga butas ng Teddy.

"Sorry ah" paumanhin ko sa Teddy...

Nang matapos ko ang ginagawa ko ay itinabi ko ito sa tabi ko at natulog kaming pareho......

KINABUKASAN...

BUMANGON ako mula sa pag kakahiga ko at bumaba ng hagdan...

Nakita ko agad sila mama at papa sa sofa kaya naman patakbo akong yumakap sa kanila...

"Waaa namiss ko kayo pa, ma" masayang sabi ko.. kusa akong kumalas sa pagkakayakap... at tumingin sa kanila...

"Masaya kaming makita ka ulit anak" usal ni Papa...

"Teka mah? Anyare sayo? May sakit kaba mah?" Tanong ko kay mama...

"Natanggal sa trabaho si Papa" sulpot ni Kuya habang nasa kusina at nakasilip ang mukha nya saamin...

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagsapo ko ng noo...

"Pasensya na anak... hayaan mo maghahanap agad ako ng trabaho anak" usal ni papa...

"Wag na po.... meron pa naman kaming trabaho ni Kuya eh..." nangiti nalang ako "sa ngayun pa.. ma... magpahinga na lang muna kayo" nangiti ako ulit ako...

"Pede rin naman tayong mag tinda ng kung ano ano dito sa harapan anak" sambit ni Mama..

"Kayo po ang bahala... pa? Ayus lang yan.. siguro ngayun ay kailangan mo na po munang mag pahinga ng kaunting araw.. dahil puro trabaho nalang po ang ginagawa nyu" sambit ko...

"At tyaka pa.. ma... andito pa kami oh? May trabaho pa ako.. may extra ring trabaho si Jam" sambit naman ni Kuya...

Matapos pa ang usapang iyon ay nag sipag kainan na kami ng agahan....

Nang kaming dalawa nalang ni Kuya ang kumakain ay nagkaroon ako ng pagkakataong kausapin sya...

"Kuya...wag mong sasabihin kila mama at papa na sa bar ako nag ta trabaho ah ? Pakiusap???" Nakikiusap ko na talagang sabi...

Alam kung mag aalala sila pag nalaman nilang doon ako nag ta trabaho pag sapit ng gabi...

"Sige... pero hayaan mo sana akong tignan tignan ka doon " ngumiti ako at tumango sa kanya...

Matapos kung kumain ay naligo na ako....

Iniisip ko kung...

Kailangan ko pa bang humanap ng ibang trabaho? Pero?.... arghh!! Meron pa naman si Kuya eh... kaya namin yan...

Lumabas ako ng banyo...

Kinuha ko ang phone ko at idinial ang number ni Boss Arrie...

Yung bagong sim ko kasi ay alam na nila Felex...

["Hello?"] Sagot nya sa kabilang linya...

"Ako po ito si Mckenzie...papasok po ako mamayang gabi" ani ko...

"Ah sige sige hihintayin kita"

Ibinaba kuna ang linya...at nagbihis na ako...

Matapos ko nun ay pumasok ako sa kuwarto ni Kuya...

Hindi naman kasi sarado kaya binuksan ko nalang ito at pumasok...

"Kuya?" Sambit ko...

"Hmmm?" Usal nya habang nasa computer ang tingin nya...

Umupo ako sa kama nya paharap sa kanya...

"Papasok ako mamaya" ani ko...

"Uuwi kana sa condo mo?" Humarap na sya saaken...

"Mmmm" nag isip ako... "hindi nalang...dito nalang din ako uuwi" tugon ko...

"Kinakabahan ako... ano bang nakain mo at doon ka pa talaga nag trabaho?"

"Kuya... yun lang yung paraan para mabayaran ko agad yung condo eh. At tyaka pag nakarami kami mamaya... malaki yung maiuuwi kung pera" nakangiti kung sabi ..

"Hindi kasi eh.... hindi mo alam kung kailan mag uumpisa ang g---"

"Kuya? Wala kang tiwala saaken nuh" nanunuksong sabi ko

Napangiwi sya at napailing..

"Kunin kuna gitara ko ah?" Natatawang paalam ko at kinuha ang gitara sa gilid ng kama nya... isang ngising nang aasar ang ipinakita ko sa kanya natawa nalang sya....

Muli ay pumasok ako sa kuwarto ko at naupo...

Tumunog ang cellphone ko kaya napalingon ako dito at agad na kinuha yun...

Pinindot ko ang number na lumabas...

Uknown number: 09*********

Malapit na kitang makuha...

Kumunot ang noo ko matapos kung basahin ang nag message saaken na hindi naman pamilyar saaken ang number na ito...

Sino kaya tuh? Sasagot pa ba ako? Tatanungin ko kaya kung sino siya??

"Bakit ko naman pag aaksayahan ng oras ang isang text na ito?" Sambit ko at ibinato ulit itong cellphone ko sa table...

Kinuha ko ang gitara ko at pumuwesto sa tabi ng bintana...

Tumutugtog ako kahit wala sa tono...

Para lang gumawa ng mahinahong tunog...

Lumipas ang oras na ganoon ang puwesto ko...

Nang maisipan kung lumabas...

"Teka?... naiuwi kaya sa condo ko yung kotse? Andun pa kaya yun?" Nagtatakang tanong ko sa sarili ko..

Gusto kung gumala MAG ISA!

pinuntahan ko ang motor ni Kuya at kinuha ko ang susi at tyaka pinaharurot yun...

Nag titingin ako ng magandang pag pupuwestuhan...

Patuloy paren ako sa kakatingin ng lugar hanggang sa may nakita akong trip kung puntahan...

Maraming puno...masarap ang hangin... may mga flower sa gilid gilid...

Hindi ko alam kung anong lugar ito pero may nakita ako sa gilid na bridge...

Kaya naman pinark ko ang motor at pinuntahan ang lugar na iyon...

Masyadong mahaba ang bridge... at sa ilalim nun ay isang ilog...

Kung pupunta ako sa dulo... ano naman ang makikita ko roon?

Masyado akong curious kaya naman pumunta ako.. dahan dahan lang ang paglakad ko

Fell ko kasi ay magigiba ang long bridge na tuh

SA wakas ay nakarating na ako sa dulo... nilibot ko ang paningin ko sa mapuno...

May napansin akong malaking bato...

Sobrang laking bato...

May mga gumagapang pa na dahon na nakapalibot dito... kaya naman nilinisan ko ito!

Tinanggal tanggal ko ang mga dahong gumagapang na sa malaking puno... doon ko lang napagtantong meron palang batong hagdan sa gilid ng malaking bato na ito...

Sinimulan ko nang maglakad naron paren ang mga dahon na nagsikalat sa hagdan na parang ilang taon ng hindi nalilinisan...

Tuyong dahon ang matatapakan mo pero makikita mo pareng bato ang hagdan na ito....

Nang makarating ako sa dulo ng hagdan...

Bumulaga saaken ang magandang tanawin... hindi ko alam na sobrang taas ko pala....

Sa malaking bato na tuh ay makikita mo ang lahat sa ibaba... masyadong maliliit ang mga bahay pag titignan mo ito.. dahil nga mataas ka...

Makikita mo ang napakalawak na palayan may mga bundok na nakatago sa mga patag...

"Ang ganda" nakangiting usal ko...

Umupo ako sa malaking bato na tuh at tinitigan ang lahat ng nakikita ko.... itinabi ko ang cellphone na dala dito sa tagiliran ko...

Humikab pa ako habang nakatingin sa mga bahay bahay...

Kaya naman nahiga ako.. hinigaan ko ang dalawang braso ko....

At pumikit....

Kulang na kulang ang tulog ko...

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog...

Napabalikwas ako ng upo ng mag ring ang phone ko... doon ko lang napagtantong madilim na pala at tumingin ako sa baba...

Puro ilaw na galing sa kotse,bahay at kalsada ang nakita ko...

Sobrang dilim ng paligid ng libutin ko ang paligid . Bago ko kunin ang phone ko at sinagot ang tawag

["Where the hell are you?"] Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang nakakapangilabot na boses ni Sean mula sa kabilang linya...

"A-Ah hindi ko alam eh" nalilitong sabi ko napamura sya ng malutong..

["Alam mo bang ako ang kinukulit ng mga kaibigan at kuya mo? Dahil hindi daw nila alam kung nasaan ka at hindi ka matawagan!"] Inis na sabi nya....

Napairap ako sa kasungitan nya at kakasermon nya...

"Oo na uuwi na ako " sambit ko...

Pinatay nya ang linya kaya naman tumingin ako sa screen ng phone ko sobrang daming missed calls ang andito....

Hindi naman naka silent ang phone ko pero hindi ko paren narinig ang mga tawag nila tsk! .

Isinindi ko ang flashlight ng phone ko at sinimulan na ngang maglakad... nahihirapan ako dahil masyadong madilim at pababa ang hagdan baka dumeretso ako sa baba pag hindi ako nag ingat...

Tinahak ko ang long bridge hanggang sa makarating ako sa dulo...

Babalikan kitang lugar ka! Maghintay ka lang..

Napangiti ako sa sarili kung naisip...

Nang makalagpas ako sa long bridge ay nakita kuna agad ang motor kung saan ko ito pinark kanina...

Muli ay pinaharurot kuna ang kotse ko pauwi sa bahay para makapag ligo at makapunta na sa bar...

Nang pasungad pa lamang ako sa bahay ay nakita kuna agad si Kuya sa tabi ng kalsada...

*Beppp Beppp*

Busina ko kaya naman napalingon ito saaken...

Ngumiti ako pero isang seryusong mukha lang ang nakita ko sa kanya... Why?

"Where the hell are you going?" Napaigtad ako sa pag bungad nya...

"Hindi ko alam kung saang lugar yun Kuya... nakatulog ako.. sorry" sambit ko at pinark ang motor sa tabi ng bahay namin kung saan namin pinapark ang motor nya...

"Pinag alala mo kami Jam"

"Sorry... maliligo lang ako... papasok ako sa Bar" usal ko at tinalikuran sya...

"No!"

Nang gagaliiting sabi nya... kaya naman nilingon ko siya at nagtatakang tumingin sa kanya...

"Hindi ka aalis" seryuso na talaga sya... at ayukong magalit sya.. iba sya magalit...

"Kuy---"

"No!!!!" Sigaw at pigil nya saaken...

Umangat ang dalawang balikat ko sa malakas na pag sigaw nya saaken...

"Kuya? Ano bang nangyayare sayo? Akala ko ba okay na papasok ako ngayun?" Nagtataka kung tanong...

"Ngayun pang pinag alala mo ako ng husto? Ngayun ka pa aalis?" Nagtitiim ang mga bagang nya at kunot na kunot ang noo nya "umalis ka ng walang paalam kinokontak kita pero hindi mo sinasagot at umabot ka ng gabi... sinong hindi mag aalala?" Inis na tugon nya...

"Sorry" yun nalang ang nailabas ng bibig ko sa galit na nararamdaman nya ngayun...

"Saan ka nagpunta" kalmado na nyang sabi...

"Hindi ko talaga alam kung saang lugar yun kuya" sambit ko...

"Stupid reason!!!" Muling sigaw nya... "Dapat nag paalam kana muna.. Jam... pati sila mama at papa pinag aalala mo.. hindi pa kami kumain dahil nag hihintay kami ng tawag mo para siguraduhing okay ka... itinakas mo ang motor.. ni isang bakas mo o anino mo wala kaming makita.. muntik na kaming nag report sa pulis..." nasasapo pa nya ang noo nya habang sinasabi nya ang mga yan "Jam... alam ko... alam ko minsan may katigasan ang ulo mo at hindi ka nagpapaalam... pero pag hindi ka nagpapaalam bumabalik ka naman agad.. ngayun mo lang ginawa tuh" gumagalaw na ang bagang nya sa sobrang inis saaken...

"Sorry talaga Kuya hindi kuna uulit----" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng nagsimula na syang maglakad at nilagpasan ako "Kuya!!!" Tawag ko pa pero napailing lang sya at dumeretso sa pinto..

Talagang nag alala sila saaken... hindi ko naman alam na makakatulog ako ng ganoon kahimbing eh...

Nag text ako kay Boss Arrie na hindi muna ako makakapasok... bago ako pumasok sa loob...

Naupo ako sa sofa...

Gusto kung dalhan ng food si Kuya sa itaas kaso baka hindi nanaman nya kainin gaya ng dati...

Sila mama nalang kaya???

Pero tulog na ata ang mga iyon..

Tumayo ako habang bagsak ang mga balikat ko...

Nag sorry na nga ako eh...

Napahinto ako sa hagdan at napatingin sa pinto ng kuwarto ni Kuya...

Nagsisimula ko nanamang mamiss si Kuya kahit nasa tabi nya lang ang kuwarto ko....

Pinihit ko ang doorknob nya ng dahan dahan at nabuksan rin ito ng dahan dahan...

Tumingin ako sa kama nya....natutulog na sya...

Tuluyan na akong nakapasok sa kuwarto nya at humarap sa kanya...

Nang bigla nalang kumulog ng malakas...

"Waaaa!" Sigaw ko at kumaripas ng takbo sa kama ni Kuya at Nagtalukbong...

Wala namang bagyo kanina ah? .

Napapalunok pa ako ng maalalang malakas ang pag sigaw ko kaya naman dahan dahan kung tinggal ang kumot ....

Nagulat pa ako ng nakatingin na saaken si Kuya.. napakaseryuso ng mukha nya...

Kaya naman napalunok ako ng todo...

"Why are you here?" Seryuso nyang tanong...

"Ha? Sinilip lang kita" kinakabahang sabi ko..

"Sinilip? Pero andito kana sa kama ko at nakahiga na?"

"Biglang kumulog eh..."

"Tsk!" Pag iiwas nya ng tingin...

Agad akong tumayo sa kama nya.. sinilip ko na muna ang bintana nya kung umuulan ba pero hindi naman... nang biglang kumidlat ay napaatras nalang ako n wala sa oras...

"Bawal na ba akong matulog sa kuwarto mo?... si Sheena lang ba ang pwede?" Tanong kuna.. kinalimutan ko ang takot na nararamdaman ko sa masungit na panahon...

Tumingin lang sya saaken sabay naiiling...

"Okay" nag kibit balikat pa ako...

Tinahak ko ang pinto...

Bubuksan ko na sana tuh ng biglang kumulog.. napaupo ako at napatakip sa dalawa kung tenga gamit ang dalawa kung palad...

"Kuya" hagulgol kuna habang ganun paren ang puwesto...

Hindi na ako makagalaw at tanging luha ko lang ang nararamdaman ko...

Pero wala pareng KUYA ang lumalapit saaken kaya naman dinahan dahan kung buksan ang pinto gamit ang isa kung kamay habang ang isang palad ko ay nasa tenga ko...

Para akong batang takot na takot at gumapang ako ng mabuksan ang pinto.. sabay sarado rin nun..

Napasandal ako sa pinto ng kuwarto ni Kuya ..

Nang bigla ulit kumulog....

Nayakap kuna ang dalawa kung tuhod at para akong tangang umiiyak sa sobrang takot...

Sinisinok narin ako sa sobrang pag iyak ko...

"Naiitindihan ko namang galit sya eh *hik* pero kahit kailan hindi nya pa ako tiniis ng ganito *hik*" pagtukoy ko kay Kuya...

Kumulog nanaman ng malakas kaya naman naistatwa na ako at parang wala akong buto para maglakad o tumakbo... dahil sa takot at panginginig ng tuhod ko...

"Kuya... kailangan kita ngayun... kahit ngayung gabi lang" umiiyak na sabi ko at hinihiling na sana ay tabihan nya ako sa pag tulog... "siguro nga.. lahat nagbago na" mahinang usal ko habang umiiyak paren...

Kumulog ulit kaya naman mas lalo akong napahagulgol habang yakap ko ang dalawa kung tuhod....

Malamang ay hindi na ako naririnig nila mama dahil bumuhos na ang malakas na ulan...

Nang may pagkakataon akong tumayo ay agad akong pumunta sa kuwarto... hindi ko na nagawang ibukas ang ilaw dahil sa sobrang takot ko ay nagkumot ako at niyakap ang unan ko...

"Kuya....*hik*... Kuyaaa" humahagulgol na sabi ko habang yakap ang unan..

Lumiliwanag kasi ang kuwarto ko dahil sa kidlat...

"Kuya... wala akong kasama" umiiyak na sabi ko... para na akong batang inaway ng kalaro...

Si Kuya lang ang lagi kung kasama pag ganito.. pero ngayun..

Kaya nya na akong tiisin..

Pinunasan ko ang luha ko at humagulgol ulit.. sobrang lakas na ng kulog at kidlat...

"Kuya... Kailangan kita" umiiyak na sabi ko...

"Tahan na... andito ako "

Nagulat ako ng may nagsalita sa gilid ng kama ko habang nakatalukbong ako sa kumot...

Tinanggal ni Kuya ang kumot na nakatalukbong at pinunasan ang luha ko pero patuloy paren ito sa pag agos...

Akala ko nagbago kana kuya...

"Tahan na" pag pupunas nya paren ng luha pero patuloy paren ito sa pag agos. ..

Bumangon ako at umupo sabay yakap sa bewang nya...

"Kuya... kahit ngayung gabi lang... promise last na tuh..samahan mo lang ako ngayun Kuya... promise last na tuh kuya" umiiyak na sabi ko...

"Anong last? Ayuko nuh... dapat sa tuwing ganito ang panahon ako lang lagi ang katabi mo at magpapatahan sayo" mahinang sabi nya...

Muling kumulog kaya naman napayuko ako at napahigpit ang pagkakayap ko kay Kuya...

"Sige na humiga kana.. dito ako matutulog.. babantayan kita" nakangiti nyang sabi...

Mahal na mahal kita kuya...

DON'T FORGET TO VOTE,SHARE AND FOLLOW GUYYSS😊 COMMENT DIN😉

SALAMAT 😘

ILOVEYOUUUU ALLLL!!😍

💋MUAHHHHHHHH💋

Ngamamahal (♡-♡)
-ZEEKYUT💌

Continue Reading

You'll Also Like

611K 15.5K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
236K 5.2K 71
Pinsan. Cousin. Family member. Bakit nga ba tayo nagkakagusto sa pinsan natin? Bakit hindi natin pigilan? Ganoon ba kahirap pigilan ang tawag ng pag...
354K 9.4K 51
FOLLOW ME BEFORE READ THIS SALAMAT! How can you deny the fact that you fall inlove to a man of your sister that she wanted in her life? Hindi naging...
4.8K 161 20
I am Avy Jane Baldoza Noble, ang dakilang NBSB noon but I fell in love with a Gay.He makes my life colorful, he makes me feel how beautiful and speci...