Love Fools Series #1: A Deal...

By iris_amari

14.4K 1.4K 1.3K

SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING HOUSE Mark Justin Villegas is a known heartthrob and womanizer in... More

Prologue
Chapter 1: Introduction
Chapter 2: Marc Justin Villegas
Chapter 3: Justin's Damoves
Chapter 4: Lunch Date
Chapter 5: Getting to know
Chapter 6: Ligawan
Chapter 7: It's a YES
Chapter 8: First Real Kiss
Chapter 9: Your Guardian Angel
Chapter 10: First Monthsary
Chapter 11: Meet the parents
Chapter 12: Happy Birthday to Me!
Chapter 13: Moments...
Chapter 14: Cold Treatment
Chapter 15: Doubts
Chapter 16: Truth Hurts
Chapter 17: Home Sweet Home
Chapter 18: Reunion
Chapter 19: Confession
Chapter 20: Like Father, Like Son
Chapter 21: Confrontation
Chapter 22: A Father's Love
Chapter 24: A Good Man's Advice
Chapter 25: Realizations
Chapter 26: The Taste of Love
Chapter 27: A Family Date
Chapter 28: The Other Side
Chapter 29: Lunch Party
Chapter 30: Reasons
Chapter 31: Graduation Suprise!
Chapter 32: Officially Engaged
Chapter 33: The Preps
Chapter 34: Mission Failed!
Chapter 35: My Happy Ending
Epilogue
Author's Note

Chapter 23: Visits and Talks

315 33 24
By iris_amari

Sydney's POV

Monday na ngayon at nandito na ako sa school. Kanina pa ako kinukulit ni Justin tungkol kay Marco pero sabi ko sa kanya na tapusin na lang muna namin ang last subject namin ngayong hapon since hanggang 3 pm lang naman kami ngayon. Kanina pa rin siya pangiti-ngiti nang mag-isa to the point na nagmumukha na siyang baliw. Ang totoo kasi niyan, hindi ko talaga alam kung paano ako mag-uumpisa sa pag explain sa kanya.

Nang matapos ang last subject namin ay agad niya akong hinatak at dinala doon garden sa likod ng school. Naupo kami sa isa sa mga bench doon habang nakamasid sa mga estudyanteng dumaraan. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Naramdaman kong ipinatong niya ang kamay niya malapit sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Ganun na lang ang gulat ko kasi nakatingin din pala siya sa akin.

"Hey, why are you staring at me like that? May dumi ba ako sa mukha?"

I asked him kasi nakakaconscious ang paraan ng pagtingin niya. Natawa naman siya sa tanong ko.

"Hmm, dé ja vú."

"What?"

Naguguluhan kong tanong. Ano na naman kaya ang tinira nito? Hindi ko siya maintindihan.

"I mean your question. Ganyan ka din kasi dati nung nag date tayo. When I stared at you, you asked me if merong dumi sa mukha mo. And no, wala namang dumi sa mukha mo eh. At kaya ako nakatingin sayo kasi napakaganda mo. Hindi mo na kailangang maglagay ng make up or mag-ayos kasi kusang lumilitaw ang ganda mo. At napapaisip ako kung bakit ko nagawa yun noon. I'm so stupid for letting you go Sky. Andaming sana sa isip ko. Like Sana hinabol kita, sana hinanap kita, sana sinundan kita. Kasi kung nagawa ko sana ang mga bagay na yun noon, sana ngayon ay kompleto tayo."

Hinawakan niya ang chin ko at itinaas ang mukha ko para magkaharap kaming dalawa. Napaiwas ako ng tingin sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ginagap niya ang kamay ko at masuyo itong hinahalikan. Para akong naestatwa sa kinauupuan ko.

"Sobrang pinagsisihan ko lahat ng yun Sky. Walang araw na hindi ko inisip kung nasaan ka. Kung ano kayang ginagawa mo. Kung naiisip mo rin ba ako. I tried so hard to forget you Sky, but I couldn't. My heart just couldn't stop loving you. And no matter how badly you will treat me, I promised myself to do everything to win you back. I know I did you bad, and I can't take back everything that has happened. But Sky, I promise you. Babawi ako sa'yo, sa inyo ng anak natin."

Nangingilid ang mga luha niya habang nagsasalita. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong damdamin. Kaytagal kong hinintay na marinig sa kanya ang mga salitang yon noon. Sobrang sakit pa rin talaga sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa amin noon. Inihilig niya ang ulo niya sa balikat ko at tahimik na umiiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ganito ba ang naging epekto sa kanya ng paglayo ko? Totoo bang minahal niya ako?

Hindi ako nagsalita. Hinintay ko lang na kumalma siya. Hindi ko rin siya inalo kasi pakiramdam ko, bibigay na ako kapag hinawakan ko siya. Hinayaan ko lang siya sa posisyon niya kahit na sobrang ilang na ilang ako. Ngayon lang ulit kami nagkalapit ng ganito at inaamin ko na namiss ko rin yung ganito. Yung yakap at hawak niya. Hindi ko alam na sa likod pala ng galit na pilit kong isiniksik sa puso ko ay makakaramdam ako ng pananabik at saya sa yakap niya.

Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyan na siyang kumalma. Muli siyang humarap sa akin habang pinupunasan ang mga luha niya.

"I'm sorry Sky. Pasensya na at umiyak ako. Hahaha, shet ang bakla ko naman!"

"It's okay. I'm sorry, I don't know what to say. I can't promise you that we will be back together kasi sa totoo lang Just, I was badly hurt. I tried so hard to put back all the pieces of my heart and myself. I got trust issues, hindi na ako yung dating Sydney na kilala mo. All I can offer you now is to be part of Marco's life, as his father."

Mahina kong sabi sa kanya. I'm not yet ready for another heartbreak.

"I understand Sky. And I am willing to wait until you're ready. Mahal kita, hinintay kita ng limang taon, ngayon pa ba ako susuko?"

"I don't know Just."

"Hey, its okay. I don't want to rush you, okay? Makokontento na lang muna ako sa kung ano ang kaya mong ibigay sa akin ngayon."

"Hmm, about Marco. His full name si Sid Marco Yson, he's 4 years old, going 5 this September. He doesn't speak Filipino yet kasi sa California ko na siya ipinanganak and this is his first time here in the Philippines. He's smart and really wonderful. His favorite color is blue, favorite show is Paw Patrol and his favorite food is ice cream."

"Chocolate ice cream?"

"Uhm, yes. Just like you."

"Wow, I want to know him more. Was it hard?"

"Of course it was, noong nalaman kasi namin na buntis ako. My family decided that it's best for me to stay in America for a while. Daddy was there with me the whole time. I was having mood swings and crazy cravings. There was even a time when I really wanted to eat cheesecake in the middle of the night, he went out and bought me one. But when he returned, I just sniffed at it and didn't ate it at all. Pero nung matapos na ang first trimester ko medyo naging ok na rin kasi hindi na ako masyadong sensitive sa pagkain at amoy. And when I gave birth to Marco, the pain was excruciating. It was like my whole being was torn. Then when I heard his first cry, I cried too. Seeing him for the first time was very memorable. It made me stronger. Parang nawala lahat ng sakit na naranasan ko habang pinapanganak ko siya."

I smiled as I remembered my journey to motherhood. I will never regret having Marco in my life. And if I'd be given the chance to go back and change my life, I would rather not. Because changing my life would mean 'me not having my son' and I don't want that.

"I'm so proud of you Sky. You were so brave, you faced everything alone. I wasn't there when you needed me the most."

"Hey, tapos na yon. We can't take it back like you said. Pero ngayon nandito na ang anak natin, and I'm giving you the chance to be a father to him. Sana lang Justin, wag mong sayangin ang pagkakataon na ibibigay ko sayo. Oras na masaktan ang anak ko, I'm telling you. You will never see him again."

I told him. I want to make him feel that I'm serious. Ayokong masaktan ang anak ko. He's too precious for me.

"I know. And I will never waste this chance. Babawi ako sa inyo. Sa lahat ng pagkukulang ko at sa lahat ng panahon na wala ako sa tabi niyo."

"Kahit kay Marco ka na lang bumawi Justin. Masaya na ako kapag nakita kong masaya ang anak ko."

"If that's you want Sky. Kailan ko nga pala siya pwedeng bisitahin?"

"If you want, you can come with me tonight. I'll tell Dad to prepare dinner for us. Doon ka na lang din kumain para makabonding mo naman kahit papano si Marco."

"I like his name. He and dad has the same name, do you still remember?"

"Yeah. I remember. Kamusta na nga pala sila?"

"Okay naman sila, yun nga lang sumasakit ang ulo nila sa akin. Kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako grauduate."

"Magseryoso kana kasi. Lalo na ngayon na alam mo na ang tungkol kay Marco. Hindi biro ang responsibilidad na papasukin mo Justin. I hope you're ready."

"I know. I know its hard. Mag-aadjust ako, but I am willing kasi para to sa anak natin. At ngayon may inspirasyon na ako sa lahat ng gagawin ko."

Tumango tango na lang ako kasi wala na rin akong masabi. Siguro nga handa na siyang pasukin ang pagiging ama.

Tinext ko na din si Dad na nakausap ko na si Justin at isasama ko siya sa bahay para personal nang ipakilala si Marco sa kanya.

Tumayo na ako niyaya na si Justin na umalis.

Naglalakad kami ni Justin papunta sa parking lot. Nauna siyang naglakad at nakasunod lang ako sa kanya. May dala naman akong sasakyan kaya sabi ko convoy na lang kaming dalawa. Tahimik akong naglalakad ng biglang may umakbay sa akin.

"Ang lalim ng iniisip natin ah? Baka malunod ka na niyan?"

"Sira ka talaga Jordan."

Sabi ko sabay hampas sa kanya at tanggal ng kamay niya sa balikat ko. Muntik pa akong mabunggo kay Justin na hindi ko namalayang huminto pala sa paglalakad.

Tumingin siya sa amin ni Jordan nang nakataas ang kilay at hindi ko mapigilan ang kabahan. Jusko, ano ba to? Nagtitigan sila ni Jordan at hindi ko alam pero ang awkward. Teka, nababading na ba sila? Bakit ganyan sila magtinginan? Parang may kuryente, parang kakainin nila ang isa't isa.

"Uy, ano. Ahm, Justin, si Jordan nga pala. Friend ko. Jordan, this is Justin, ah my classmate."

Gosh! Ang awkward, paano ko ba sila dapat ipakilala? Nakakahiya naman kung sasabihin ko ex ko si Justin di ba?

Nagkamay silang dalawa pero hindi pa rin na alis yung pagtitinginan nila nang masama.

"May gagawin ka ba ngayon Syd?" - Jordan

"May lakad kami."

Si Justin ang sumagot. Ay wow, spokesperson ko na pala siya ngayon?

"Tss. Hindi naman ikaw ang tinatanong ko."

"Tss. Paki ko?"

Naku. Mukhang mag-aaway pa silang dalawa dito. Nakakainis naman.

Pinatigil ko na silang dalawa. Hinawakan ko si Jordan sa kamay ay hinila palayo kay Justin. Sinundan naman ni Justin ng tingin ang kamay namin ni Jordan kaya agad ko rin itong binitawan.

"Ano kasi, Jordan. May pupuntahan kasi kaming importante ni Justin ngayon eh. Bawi na lang ako sayo next time. Ingat ka pauwi ah."

"Sige, ikaw din mag ingat ka. Text mo ko kung nakauwi ka na? Bye."

"Sige, bye."

"Tss!"

Naririnig ko pang bumubulong-bulong si Justin kaya napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Aba wala namang ginagawa yung tao sa kanya ah. Nakakainis siya.

"Halika na nga Justin."

Nauna na akong maglakad patungo sa kotse ko pero agad ding napatigil at nahampas ko ang noo ko nang makita kong flat ang gulong neto. Kung minamalas ka nga naman oh.

"Sumabay ka na lang sa akin. I'll just call someone to fix your car."

I don't have any other choice kaya sumakay na rin ako sa kotse niya. May tinawagan pa siya bago siya pumasok sa driver's seat at in-istart ang kotse.

"Tinawagan ko na nga pala yung kumpare ni Daddy na may ari ng isang auto repair shop. Ipapahatid ko na lang sa kanya kapag natapos na nilang gawin. And don't worry, I already paid for it."

I just nodded kasi wala naman akong masabi.

He played some music and I found myself tapping my lap.

"Was that guy your boyfriend?"

"What? Are you talking about Jordan?"

"Well, is he?"

"No. God, what made you think of that? He's just my friend. Did you honestly think I still have time for boyfriends when I barely have time for my studies and my son?"

"Does that mean you don't have a boyfriend?"

"Wala nga, ang kulit mo. At ano naman sayo kung may boyfriend ako o wala?"

"Nothing, its just that I remember during our reunion and you got a call. You called him baby and you sounded really sweet? Hmm."

I tried to remember the scene he was talking about and realized something.

Oh my God! He thought my baby was my boyfriend?

"What? That was incest. I was talking to Marco that time. It was Dad who called me."

Nagpasalamat ako at hindi na siya nagtanong pa ulit. He should get his facts straight next time. Hindi yung assume siya ng assume pero mali naman.

Sinabi ko sa kanya ang directions patungo sa bahay since hindi pa siya nakakapunta doon kahit kailan.

Habang papalapit sa bahay ay kinakabahan ako at bumibilis ang tibok ng puso ko. What will Dad say? I know it was him who urged me to talk to Justin, but he also said that he's not yet forgiving him. I looked at Justin and saw by the expression on his eyes that he was nervous too. Maybe because this is the first time that he will actually meet my dad.

Nung huminto ang kotse niya sa harap ng bahay namin ay nagpakawala siya ng isang marahas na buntong hininga. He kept his knuckles closed to the point na namumutla na ito. I don't know why but I held his hand and smiled at him.

"Don't be nervous. My dad doesn't bite."

"Maybe he doesn't but he could kill me for hurting you before. I know Dads are really protective of their daughters."

"Just be yourself."

Pumasok na kami sa bahay at naabutan namin si Dad at si Marco na papasok din mula sa backyard. Marco immediately ran towards me and showered my face with kisses. I saw how Justin's expression soften at the sight of our son.

"Dad, this is Justin. Marc Justin Villegas, Marco's father."

"Just, this my Dad. Kristoffer Yson."

"Pleased to meer you, Sir."

Kinakabahang sabi ni Justin habang inaabot ang kamay sa Daddy ko.

"Finally, Mr. Villegas. It was nice to meet you too."

I told Justin to sit for a moment while I went upstairs to change my uniform. Pinalitan ko rin ng damit si Marco kasi basa na siya ng pawis dala na rin ng sobrang paglalaro.

"Hey baby, are you ready to see your Dad?"

I asked him while I was wiping his back ang putting some baby powder on it.

"Yes Mommy."

Sobrang lapad ng ngiti ng anak ko ngayon. And I am so happy 'cause I know I made the right decision.

Bumaba na kami at naabutan namin si Justin at si Dad na nakaupo sa sala. Seryoso ang mga mukha nila at tila seryoso din ang pinag-uusapan nila ngunit agad ding napatigil nang makita nila kami.

Lumapit kami sa kanila at si Marco naman napakapit sa legs ko. Hindi ako makapaglakad nang maayos sa sobrang higpit ng paghawak niya at nagtatago na rin siya sa likod ko.

Hinawakan ko ang kamay ng anak ko at lumuhod para tingnan siya sa mata. Kaagad naman siyang kumalma nang makita ang ngiti ko.

"Marco, anak, this is your Dad. Say hello to Daddy Justin?"

"Daddy? Are you my Daddy?"

Nahihiyang sabi ng anak ko. Lumapit si Justin sa kanya nang nakaluhod at niyakap siya ng mahigpit habang humihikbi.

"Yes anak, I am your Daddy. And I'm sorry for not being by your side. Will you forgive me baby? I love you baby."

"I love you too, Daddy."

And with that, my son wrapped his tiny arms around his fathers neck and showered him kisses. My eyes are watering at sight in front of me. Finally, my son has met his Daddy.

***************************************************************

Author's note:

Hooray! Two updates today kasi masyado akong inspired at masaya.

Sa mga patuloy na nagbabasa, sana po suportahan niyo po itong story ko.

Thank you nang marami!

-Anj

Continue Reading

You'll Also Like

864K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
2.6K 108 50
(COMPLETED) She's the breadwinner in their family, Anna Clarise Santiago. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya, para maiahon sa kahirapan...
12.9K 394 18
Wife Series 5 She loved him too early, and he loved her too late. He is now ready to do everything for her. He is willing to love her now. But she gr...
273K 3.8K 48
[MATURED CONTENT] Not suitable for 18 below. C O M P L E T E D//// Pieces Series #1: "The truly scary thing about undiscovered lies is that they hav...