The GCQ mission: Billionaire'...

By aizzienn

236K 7.2K 1.5K

NANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang san... More

The GCQ mission: Billionaires Baby
Ola!
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue
Author's Note (Special Chapter)

Chapter 12

5K 172 24
By aizzienn


"Nandito kami, boss! Ipanalo mo!"

Tinaas ko sa ere si Jumong para makita ni boss. Pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pake. Mas lalo ko pang linakasan ang sigaw ko nang makita kong nagsilabasan na ang kabilang koponan.

"Sikohin mo yang mga kalaban mo, boss! At- asdfghjkl! Hmmp!" Hinila ako ni Rhioz muli papaupo habang takip ng malaki nyang palad ang aking bibig.

"Take it easy woman! Don't be too loud!" Pabulong nyang asik. Humugot sya ng panyo sa bulsa at pinunasan ang palad. Naglabas pa sya ng sanitizer. Aba ang arte ng lalaking 'to!

"See those players? Most of them are elite businessmen, engineers, architects, pilots, doctors and lawyers that are known and respected. Mga kakilala at kaibigan sila ni Alex," Nagtaas sya ng tingin sa akin. "So look after your mouth."

Napaka talaga ng lalaking 'to. Masama bang palakasin ang loob ni boss?

Napawi ang atensiyon ko nang tumunog ng malakas ang sipol, hudyat ng pagsisimula ng laro. Halos maputol ang litid ko kakasigaw. Nakikipag-kontes kasi ako sa ibang mga babae. At syempre, ako ang pinakamalakas! Tuwing naka'y boss ang bola ay mas lumalakas ang sigaw at talon ko. Hindi pa nga kinakalawang ang galing ni boss sa basketball. Kasi napaka-husay ng mga galawa nya at swabe syang umagaw ng bola!

Matatangkad silang lahat na manlalaro at matitipuno rin. Pansin kong may nagliliwanag ang kutis sa kanila. Nang matitigan ko ng masinsinan, nakilala ko, si Kim Bum! Naka-eskor sya ng tatlong puntos, ngumiti sya ng matamis sa mga babae at nagbigay pa ng halik sa hangin. Agad namang nagtilian ang mga babae! Kompirmado, si Kim Bum nga!

"Ba't kasali si Kim Bum d'yan?" Wala sa sariling tanong ko kay Rhioz.

"Kim Bum?"

"A-ay este, yung singkit!"

"You mean Kazik? Why not? He is the heir of the famous hotel chain in Asia. The Asian Velvet Luxury hotels."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. "Ha?! Talaga?! Akala ko sekyo lang sya ni boss, e!"

Nakanganga lang ako habang nakatingin kay Kim Bum. Akala ko talaga sekyo lang sya o kaya isa sa mga tauhan na pinagkakatiwalaan ni boss, mayaman din pala sya.

"Pero bakit nasa kompanya sya ni boss nagta-trabaho?"

"He likes to keep things secret. He's turning twenty-one soon and he'll inherit his family's business. He's staying at Fintan company 'coz he's weird and he likes it there." Nakangiwing sabi ni Rhioz.

"Ahh," tango ko kahit hindi ko naman masyadong naintindihan. Pero nang makita ko ang pag-dunk ni boss... "Aaaaahhhhh! Boss! Ipanalo mo!"

Sobra ang pagkasabik na nararamdaman ko ngayon. Mistulang nakalimutan ko na ang nangyari kagabi. Kahit may mga tili rin akong naririnig sa paligid ay hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Nakay boss lang kasi ang tingin ko!

"Nak, cheer mo rin papa mo." Nakangisi kong sabi at itinaas ni Jumong sa ere paharap sa kanilang mga naglalaro.

"Go Papa! Go Papa! Go Papa!" Paulit-ulit kong sigaw habang paulit-ulit ring tinataas si Jumong sa ere. Naririnig ko rin ang tawa nya dahil sa ginagawa ko.

Nang makita ko ang paglingon at pag-ngiti sa amin ni boss ay naramdaman ko ang paglundag ng puso ko. Oo, ramdam ko. Puso na ang lumundag ngayon, hindi na ang atay ko. Kumaway-kaway sya sa amin kaya muli kong yinapos si Jumong sa isa kong bisig at kumayaw pabalik kay boss gamit ang libre kong kamay. Ang sarap sa pakiramdam. Ramdam ko ang saya sa dibdib ko sa mga oras na ito.

Muli syang tumakbo at nakipag-agawan ng bola. Kitang-kita ko ang bawat patak ng pawis at bawat paghinga nya. Para bang biglang luminaw ang paningin ko. Normal ba ito? Kasi kanina lang hindi ko sila masyadong makita. Pero ngayon pati pagpatak ng pawis nya sa sahig ay klaro ko na. Hindi ko rin masupil ang ngiti ko. Nababaliw na ako!

"Sino ba iyon? Ang yabang,"

Umismid ako nang maka-eskor ng tatlong puntos ang kabilang grupo. Itinaas ng kalaban na nakapuntos ang mga kamay upang mas palakasin ang hiyaw ng mga tao, kumaway pa sya! Yabang talaga. Kulay itim nga pala ang uniporme nila, hindi ko agad nasabi kasi kinalimutan ko.

"Matthew Connelly. A half Italian Mechanical Engineer. He was one of the creators of Lamborghini's super car Sesto Elemento which translates to Sixth Element in Italian."

Hindi ko masyadong naintindihan ang mga huli nyang sinabi pero sa tingin ko ay malaking bagay iyon sa pagkatao ng lalaking mayabang na 'yon. At sa tono ng pananalita ni Rhioz ay parang mangha rin sya rito.

Tumunog ang sipol at sumigaw ang referee ng kung ano, pero sigurado ako na hudyat iyon para sa sandaling pahinga ng mga manlalaro. Agad akong napatayo at nagmadaling bumaba.

"Hoy, where are you going?!" Dinig kong sigaw ni Rhioz pero hindi ko sya pinansin.

Patuloy lang ako sa pagbaba. Medyo na-stranded pa nga ako kasi yung mag babaeng magaganda ay nagsisibabaan din. Pero wala akong pake sa ganda nila, maganda rin naman daw ako sabi ni tatay.

Nang tuluyan akong makababa ay nanakbo ako tungo sa koponan nila boss. Nakatayo lamang sya doon habang nasa baywang ang isang kamay at ang ay may hawak na botelya ng tubig. May mga butil pa na dumadaloy pababa sa kaniyang leeg!

"Hustisya, nak! Bakit ang gwapo ng tumatayo mong ama?" bulong ko kay Jumong na kumurap lamang.

Nang makalapit na ako ay binagalan ko ang aking paglalakad saka kumuha ng isang twalya sa lalagyan na nadaanan ko. Tumigil ako sa harapan ni boss habang piniligilan ang laway na tumulo. Nagbaba sya ng tingin sa akin at tiningnan ako na para bang nagtataka.

"Why are you here?" Napatingin sya sa bata na walang kibo sa bisig ko at pinapapak ang tali ng baby sac. "Dapat do'n lang kayo sa taas."

Muli syang uminom ng tubig.

"Boss, k-kasi pawis na pawis ka." medyo mahiya-hiya kong sabi. Hindi ko sya matitigan!

"And?" Anong 'and'?!

Pakiramday ko'y nawala ang lahat ng hiya ko sa katawan dahil sa narinig. Isinampa ko sa braso ang hawak na twalya saka tinanggal ang mga tali sa baby sac ni Jumong. Inabot ko sa kaniya ang bata at nakita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha bago nya tinanggap. Nagpunta ako sa kaniyang likuran saka tumuntong ako sa upuan.

Sinimulan kong tuyuin ang pawis nya sa batok, leeg at mukha gamit ang twalya. Ramdam ki ang sandaling pagkatigil nya. Pero ilang saglit lang ay bahagya syang umatras upang mas lumapit ang katawan nya sa akin. Ang mas ikinagulat ko pa ay ang bigla nyang pag-harap! Lumundag muli ang puso ko at halos hindi ko na masupil ang aking ngiti.

Eeeh! Nahihiya ako! Ramdam ko ang mga bubuyog sa tyan ko. Nakakakiliti! Hehe, kinikilig yata ako! Lalo na nang sinimulan kong punasan ng marahan ang pawis nya sa mukha. Hindi ko mapigilang humagikhik. Si boss kasi, e! May papikit-pikit pa!

"Why are you grinning?" tanong nya bigla. "Wag kang ngumisi."

Agad namang nawala ang ngisi ko. Hindi siguro bagay kaya pinapatigil sya ako, ano? Wala naman sigurong tirang pagkain sa ngipin ko, hindi ba?

"Don't do that, nakakadala."

Parang sumabog ang dibdib ko sa lakas ng tibok nang marinig ko iyon. Agad akong napangiti. Hindi ko alam kung saan ako babaling para pigilan ang ngiti ko! Hehe, nadadala raw sya!

"S-sige, boss." Sabi ko pero may ngisi na pinipigilan at muli kong pinunasan ang mukha nya.

Alam kong hindi ko dapat ito ginagawa dahil hindi ko naman ito resposibilidad, prro hindi ko kasi mapigilan. Parte ito ng pangako ko na ipapakita ko sa kaniya kung paano ang magkaroon ng taong nandyan lagi sa tabi mo. Na handang ipakita sa kaniya ang mga bagay na gusto nyang makita at handang iparamdam sa kaniya ang mga emosyong hindi nya pa nararamdaman.

"Papppapa! Aaah! Papaaa!"

Nagising ako mula sa pagkakatulala nang marinig ko iyon. Tumitili si Jumong na hinahagis ni boss sa ere. Nakatalikod na si boss muli sa akin. Napangisi ako at ibinalik ang atensiyon sa ginagawa. Nilagay ko rin ang tawalya sa kaniyang likod upang matuyo ang pawis roon.

Nang matapos ako pinagpagan ko ang aking mga palad. Kaso nang napatingin ako sa paligid ay para akong natulos sa kinatatayuan. Jusko, ngayon ko lang napansin. Nakatitig sa amin ang mga tao! Maging si Kim Bum ay 'di makapaniwala na nakatingin sa amin at may kaakbay na dalawang babae.

"Boss, a-ang sama ng tingin nila sa 'kin." Takot na bulong ko.

"What?" Nagtaas ng tingin si boss sa akin sandali at sunod naman ay sa mga tao.

"What?"

Napatingin ako kay boss nang sabihin nya iyon. Bigla ay nagsiiwas ng tingin ang mga tao sa amin at unti-unting bumalik ang ingay na ilang segundong nawala kanina. Nahihiyang bumaba ako sa upuan. Nang hinarap ako ni boss ay saka lang ako nagtaas ng tingin.

"Take him, the game's about to start again." Binigay nya sa akin ang bata sabay ng muling pagtunog ng sipol.

"Galingan mo, boss." Nginitian ko sya.

Ngumiti lamang sya at ang grupo nya ay nagsitayuan na rin tungo sa gitna ng palaruan. Nang madaanan ako ni Kim Bum ay nginisihan nya ako habang gumagalaw-galaw ang kilay. Hindi ko na iyon pinansin at muli ng umakyat pabalik sa itaas. Sinalubong ko ni Rhioz sa hagdan upang alalayan.

"Didn't see that coming."

"Ha?"

"Wala."

Habang umaakyat, pansin ko na nasa akin ang tingin halos ng karamihan. Nang maka-upo ako, sinubukan kong ipukol sa laro at kay boss an tingin, pero hindi ko kayang ipagwalang bahala ang titig sa akin no'ng lalaking mayabang kanina. Wala naman akong nakitang masama sa titig nya pero nakaramdam ako ng kakaiba. Ewan ko.

Nagsimula muli ang laro at ganon pa rin kainit ang labanan. Napapansin ko na ring si boss at yung mayabang ang madalas mag-agawan ng bola. Parang may kakaiba din sa tinginan nila. Para bang may kuryenteng nabubuo. Parang may mali. Ngunit natapos naman ang laro ng maayos. Ang grupo nila boss ang nanalo! 85, 83 ang naging eskor.

Nang nagkamayan na, titig na titig ako kay boss at dun sa mayabang. Silang dalawa ang nasa panghulihang linya. At nang sila na ang magkakamay, hindi na'ko nagulat sa nakita ko. Inilag ni boss ang kamay nya at yung mayabang naman ay ibinaba ang kamay saka diretsong naglakad paalis. Kompirmado, may mali sa dalawang iyon.

"Hindi ka ba talaga papasok?"

Natigil ako sa pagtapik-tapik ng sandal ko at napatingin sa iritadong si Rhioz. Nandito na kami sa labas ng palaruan at hinihintay si boss. Si Jumong nasa loob na ng kotse at tulog.

"Hindi, dito muna 'ko." May ngiti kong sabi. Hehe, di ko lang talaga mapigilan. "Babatiin ko si boss dahil sya ang rason sa pagkapanalo nila."

Muli kong tinutukan ang mga taong nagsisilabasan sa palaruan. Mayayaman nga talaga sila, nakita ko ang iba na dumederetso sa mamahalin nilang mga sasakyan.

"Marimar,"

Napabaling ako kay Ri, yung isa sa apat na bantay ko dati. Nagbaba ako ng tingin sa linalahad nyang supot sa akin kung saan mag lamang damit na malinis na nakatupi.

"Ano yan?"

"Damit."

"Anong gagawain ko d'yan?"

"Ibigay mo kay boss."

Agad na nanlaki ang mata ko. "Ha? Bakit ako?"

"May inuutos kasi si sir Rhioz sa 'kin at pinapadali ako. Akala nya kasi naibigay ko na ito kay Mr. Aleksev, pero hindi pa. Nahihiya kasi akong magsabi. Ikaw lang ang pwedeng pasahan ko nito." Aniya.

Luminga-linga ako sa paligid. Abala ang kbang mga gwardya na nagkalat sa paligid ng kotse. May mga hawak silang radyo at may kung ano-anong sinasabi roon. Halatang nagmamatyag sila sa paligid dahil anak ng isang bilyonaryo ang binabantayan nila.

Napakamot ako sa batok sabay tinggap sa supot. "O sige. Asan ba si boss?"

"Nasa banyo ng lockers. Naliligo."

Ah, nalilig... "H-ha?!"

Kung pwede ko lang ipaamoy kay Ri ang kilikili ko, kanina ko pa ginawa. Seryoso ba sya? Kababae kong tao tapos papupuntahin nya 'ko sa banyo kung saan ang boss kong mapang-akit ay naliligo? Hindi ko naman yata maatim na sumugod do'n! Hindi ako pakyugirl!Pinalaki akong konserbatibo ng mga magulang ko!

"Salamat Marimar, ah?"

"Hala, teka! San ka..." napabuga na lang ako ng hangin habang nakatingin kay Ri na nagmamadaling maglakad palayo. Grabing lalaki.

Kung hihingiin ko ang pabor kay Rhioz na sya na lang magbigay nitong damit ay malamang mapapagalitan nya si Ri. Naaalala ko pa naman kung paano sinusubukan ni Ri na mag-close open sa mata kahit hindi bagay mapa-oo lang ako. Kaya wala akong ibang magagawa. Huminga ako ng malalim saka nag-martsa tungo sa palaruan.

Nang makapasok ako ay wala ng ibang tao sa loob kundi ang ilang mga janitor na naglilinis ng sahig. Lumiko ako sa bukana kung saan sila nagsilabasan ni boss kanina bago nagsimula ang laro. Hindi sinabi sa akin ni Ri ang tamang direksiyon pero sa tingin ko ay dito iyong mga locker na sinasabi nya.

Ibinaba ko ang aking mask at naglakad ng dahan-dahan. Sinisikap kong hindi makagawa ng tunog kasi baka may makita akong hindi kaaya-aya dito. Mas mabuti ng makaatras bago mahuli. Tsaka para narin marinig ko kung saan nagmumula ang tunog ng pagbagsak ng tubig kasi nga sabi ni Ri ay naliligo raw si boss.

"B-boss?" Tawag ko pero pabulong. Luminga-linga ako sa paligid. Ewan ko kung bakit ganito ako ka-kabado.

Kung ano-anong senaryo ang pumapasok sa isip ko! Pero kahit ganon ay ramdam kong eksayted ako sahil makikita ko na ang bago kong idolo. Nang makita ko ang pintong may nakasulat na 'cr' ay agad akong napalapit doon at kakatok na sana. Pero...

"Com'on Alex, you lowered your standards? You serious about her?" Natigil ako nang marinig ko iyon. Sinong kausap ni boss?

•••

Continue Reading

You'll Also Like

127K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...
833K 30K 40
"One day you will kiss a man you can't breathe without, and find that breath is of little consequence."
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!