Section Series #1 - Ex

By lucylovesdark

5.8K 177 5

Section Series One. Annie Jean Sue is fresh from break up from Clyde Ark Lopez. What will happened to them if... More

Author's Note:
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 4

230 7 0
By lucylovesdark

CHAPTER 4

"Annie, akin na ang mga uniform mo lalabhan ko na." sabi ni Lola nang makapasok siya sa kwarto ko.

"Tapos na, Lola. Naisampay ko na din." sagot ko sa kanya.

"Ganun ba, o sige ako ay matutulog na." sabi niya sa akin. Yumakap ako at humalik sa pisngi niya.

"Matulog na po kayo. Goodnight." sabi ko.

"Matulog ka din pagtapos mo diyan, ha? Pag nagugutom ka, may pagkain sa baba." sagot niya sa akin. "O siya, goodnight na." ngumiti ako at hinintay siya lumabas ng kwarto.

Humarap ako sa ginagawa kong assignment. Tumingin ako sa wall clock.

9:50 pm.

Pero wala pa din akong nagagawa kundi ang titigan ang assignment ko. I sighed. I decided to open my facebook and scroll. Na-bored din ako kaya in-off ko na lang ang phone ko.

Dahil wala pang pumapasok sa isip ko, I decided to open my cabinet para magkalkal ng kung ano ano. Nakita ko ang dati kong mga portfolio. Kinuha ko iyon at nakitang may makapal na cardboard board. Kinuha ko iyon.

Ito ang regalo sa akin ni Clyde noong third monthsarry namin. Hindi ko pa pala naitapon. I open the cardboard at bumugad sa akin ang masasayang mukha namin.

"Happy Monthsarry, babe!" masaya kong bati sa kanya at inabot ang regalo ko.

"Happy Monthsarry, babe." sagot niya at binuksan ang regalo na binigay ko.

"I know you have so many clothes but that's is special kasi ako ang nagbigay." proud kong sabi sa kanya.

"Thank you, babe." sagot niya. May kinuha ito sa likod niya at inabot sa akin. "Here's my gift for you."

Kinuha ko iyon at binuksan. Bumugad sa akin ang mga pictures namin at may mga notes na nakalagay.

"I didn't buy a thing that I'll give but instead I made one." sabi niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya.

My god, I'm so lucky to this man!

"Thank you so much, Clyde." sabi ko at humiwalay na ng yakap sa kanya. He kissed my forehead.

"Anything for you, my Annie." sagot niya. I smiled.

"I love you." I said. He smiled.

"I love you too."

Napa-ngiti ako ng mapait ng maalala ang panahon na iyon. Panahon na kung saan sobrang mahal pa namin ang isa't isa. I read the one of the notes there.

"On this day, I promise forever.
On this day, I surrender my heart."

A lyrics that came from one of my favorite song. Those times that we were so inlove. Umiling-iling ako.

No, Annie. You need to forget those memories.

I closed the cardboard at lumabas ng kwarto. Tahimik akong lumabas ng bahay at tinapon iyon sa basurahan. Tinignan ko lang iyon ilang segundo nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.

"Oh-Annie?" napalingon ako at nakita ko si Jeff. My childhood bestfriend. "Bakit nasa labas ka pa? Gabi na, ah."

"Ah, may tinapon lang." sagot ko sa kanya. Sinilip niya ang basurahan at nakita niya ang tinapon ko.

"Oh, ba't ngayon mo lang tinapon 'yan?" tanong nito. I shrugged.

"Ngayon ko lang ulit nakita." sagot ko. "Eh, ikaw ba't ka nasa labas?" tanong ko dito.

"Nagpapahangin lang." sagot nito.

"Nang ganitong oras?"

"Gusto ko eh, nangingialam ka." umirap ako sa sagot niya.

"Kumusta na kayo ni Rana?" tanong ko ulit. Rana is one of my friend.

"Ayos lang. Going strong, although she have this annoying bestfriend." sagot niya na kinatawa ko.

"Makulit talaga si Bobby." sabi ko.

"Tss." ayun na lang ang nasabi niya na kinatawa ko ulit.

"Sige na, papasok na ako. Goodnight." sabi ko at pumasok na sa loob. I locked the doors and decided to finish my assignments.






"Annie, hawakan mo nga 'to." utos sa akin ni Finn at inabot ko ang hawak nitong plastic straw.

Gumagawa kami ngayon ng costume para sa mga sasayaw ng Nutri-Jingle. Nagsimula kaming gumawa nang matapos ang recess dahil pinaalam namin sa mga teachers na magtuturo dapat na hiramin ang oras nila at pumayag din agad sila.

"Kasya naman lahat yung pang-ibaba ng mga dancer?" tanong ni Kathleen kay Finn.

"Hindi pa, bibili pa kami mamayang uwian. Naubusan kasi kami." sagot ni Finn at tumango tango naman si Kathleen.

"Yung mga ilalagay na design sa pang-itaas nila totoong gulay ba ang gagamitin o yung fake?" tanong ulit nito habang inaayos ang mga nagawa na namin.

"Sabi ni Simon mas okay daw na totoong gulay ang gamitin kaya ayun na lang." sagot ni Finn.

"Sige sige. Nanghihingi kasi ng update si Ma'am Rivamonte."

"Sige."

Lumabas si Kathleen ng classroom at kami ay nagpatuloy sa paggawa. Nasa labas ang mga kasali sa sayaw, nag-pa-practice, samantalang naiwan naman ang mga hindi kasali para gumawa ng props ng mga kasali.

"Nakita mo na ba yung costume ng section Mabini?" biglang tanong ni Finn.

"Bakit sa Mabini ang tinatanong mo? Diba pati A.M Session kalaban natin? Ang isipin mo kung anong pandadaya na naman ang gagawin ulit ng section Rizal." sagot ni Marisa.

"Shh! Hinaan niyo yung boses niyo baka marinig kayo sa labas." sabat ni Dashiel.

Mahigpit naming katunggali ang Section Rizal sa kahit na anong paligsahan. Lahat ng sections ng grade ten ay inis sa kanila dahil may mga pagkamayabang ang mga ito dahil mas malakas ang kapit nila sa mga teachers dito sa Maharlika.

"Huwag niyo na silang isipin. Ang isipin natin sa ngayon ay ang atin. Gawin natin ang best natin para manalo." sabi ko. Nag-thumbs up naman sa akin si Finn na kinatawa ko.

"Tama!" sabi niya at bumalik na din sa ginagawa namin. Maya-maya at naririnig na namin ang mga boses at yapak, lumingon kami sa pintuan at nakita namin ang mga kaklase namin na nagsi-upo sa mga upuan.

"Anong nangyari? Bakit kayo bumalik?" tanong ni Marisa kay Simon na siyang huling pumasok.

"Nag-away si Daisy at Liana." sagot ni Simon at umupo na din.

"Ha? Bakit?" tanong ni Finn.

"Napaka-yabang kasi ng Liana na 'yon! Akala mo kung sino!" galit na sabi ni Daisy na naka-crossed arms.

"Pwede ba, Daisy tumigil ka na." sabi ni Simon. Sinamaan ng tingin ni Daisy si Liana.

"Bakit, Simon?! Totoo naman sinasabi ko! Maka-angkin sila ng pwesto na yon akala mo sa kanila!"

"Tumigil ka na, Daisy! Pinapalaki mo lang lalo eh. Pag hindi ka pa tumigil diyan baka hindi na tayo maka-sali, mag isip ka." sagot ni Simon at lumabas ulit ng classroom.

"Where's Clyde?" tanong ni Dashiel sa mga bumalik.

"Kinakausap yung president ng Mabini." sagot ni Al. Tumango naman si Dashiel.

Pinag-patuloy na namin ang ginagawa namin. Away bata lang yon, magkaka-bati din sila.

Maya-maya at nakaramdam ako ng uhaw kaya nagpaalam muna ako sa mga kasama ko na bibili ng inumin. Naglalakad na ako pababa ng first floor nang maabutan ko si Clyde na pa-akyat. Nalagpasan ko na siya nang marinig ko boses niya.

"Bakit mo tinapon yon?" kunot noo akong lumingon sa kanya.

"Anong sinasabi mo diyan?" tanong ko dito.

"I saw the gift that I gave to you before, nasa basurahan na." tumawa ito ng mapakla. "Ganon ba talaga kabilis sayo itapon ang lahat?"

"Ano namang pakialam mo? Yes, I throw it away. Ayokong may makakita ng mga bagay na nagpapaalala sa atin noon." sagot ko sa kanya at nakita ko ang pagdaan ng emosyon doon.

"Why? You're hurting in your own decision?" tanong nito at hindi ko napigilan ang sarili ko na sampalin siya.

"Bakit?! porket ako ang tumapos ng relasyon natin wala na akong karapatan masaktan?!" sigaw ko dito. "Hindi mo alam ang pinag daanan ko bago gawin ang desisyon na 'yon, Clyde kaya manahimik ka na lang." at doon ko na siya iniwan.

- Madam L.

Continue Reading

You'll Also Like

139K 1.8K 55
Well i mean its just imagines of walker sooooo Also request are open so if you want one just let me know!
3.3M 80.1K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
157K 7K 59
ခွန်းသမိုးညို × သစ္စာမှိုင်းလွန် အရေးအသားမကောင်းခြင်း၊[+]အခန်းများမြောက်များစွာပါဝင်ပြီး ကိုယ့်အတွက်ဘာအကျိုးမှရမည်မဟုတ်တဲ့စာဖြစ်သည်နှင့်အညီ မကြိုက်လျ...
1M 35.1K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...