Art In His Breath (Japan Seri...

By whiskelle

41.6K 2.2K 2.1K

Second Installment - Kyoto Ang panalangin ko ay... sana'y mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal mo sa sining. M... More

Art In His Breath
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue 1
Epilogue 2

Prologue

3.4K 112 104
By whiskelle

Prologue

Colors have been accompanying me throughout the dilemma of life ever since. I know how it works, how it functions. The various emotions it can display, consoling me in every angle. The different shades it has, identifying the intensity of my feelings.

Blue means melancholy.

Yellow means happiness.

Red means anger. Dark red means wrath.

Every single color has a purpose. On the other hand, seemingly absurd, colors can give a purpose to a one specific thing. 

Ang diamanteng rubi, kapag berde, hindi na rubi pa ang tawag. Kapag ang bahaghari ay kulay itim, hindi na ito bahaghari pa. Ang lilang ginto, marahil batid ng lahat, hindi isang ginto.

Colors are powerful. As powerful as those people who can entirely deceive us. 

Sapagkat ang kulay, napapatungan ng iba pang kulay. At ang katotohanan, nababalutan ng kasinungalingan.

"Ano ang kulay ng dagat?" minsan kong tinanong sa isang naging kliyente. 

Nangulubot ang noo ng hubo't hubad na babae na nakahilata sa sofa.

"Isn't it color blue?" she answered with hesitance. 

"Sa gabi?" dagdag kong tanong. 

"Black? Because you know, the sea reflects the color of the sky. But it could be also blue! The only color that changed was the sky's and not the sea's! Grabeng tanong 'yan, ah! Hindi ko napaghandaan! Ano ang sagot? Ano ang sagot?" She upheaved her back from leaning and excitedly waited for my answer.

Gaya ng mga naging kliyente ko nitong nakakaraan, nadismaya siya nang ngumiti lang ako at bumalik sa pagpipinta. 

I do not know the answer as well. 

My eyes give me a certain answer but my rebuking heart won't just accept it. 

What if the color of the sea at night is neither black or blue? Paano kung wala naman talagang kulay ang dagat at nililinlang lang nito ang ating mga mata?

Sa murang gulang, inalam ko na kung anong dapat na paniwalaan o mas dapat pagtuonan ng pansin. Ang nakikita ba ng mga mata o ang itinatanggi ng puso. 

At sa dalawampu't pitong taon kong pananatili sa mundong ito, hindi pa rin ako nakapipili. Ang puso din kasi'y nagsisinungaling. Lalong higit naman ang mga bagay na nakikita.

"Wow, wow, wow! Our fomer Iska is now having her own exhibition! You are very successful right now, Miss Dayamanti Riem! Congratulations! How are you feeling tonight?" paglapit ng isang imbitadong interviewer sa akin. 

"Thank you!" I lifted the corners of my lips for a warm smile. "I'm feeling great tonight! I'm very grateful for this opportunity!"

"Well, dedicated and determined people always attract opportunities." Pumlaster ang saglit na ngiti sa kaniyang mukha ngunit ilang segundo lang ay nagpakita ng pagka-ilang. "Uh..."

I swallowed. I think I know where this is going.

"There were leaked photos of you back when you were in Japan, right? You modelled for a certain agency. Do you have plans in going back to your modelling career? I mean!" He laughed awkwardly when he probably noticed the sourness in my face. But still, he continued. "I mean, obviously! You're doing great in painting but goodness gracious! You looked so hot with your bikini photos! Everyone would love to see you model again!"

I stopped breathing for a few moments. Inisip kong maigi ang ireresponde ko sapagkat paniguradong nakaimprinta na iyon sa loob ng magazine kinabukasan.

"Thank you for coming!" The sole reply he got from me, which made his mouth fall open.

Siguro naiisip niya ngayon na bangag ako at lutang kaya walang connect ang sagot ko sa mahaba niyang litanya. Ang hindi lang niya alam, magaling lang akong umiwas sa mga eskandalosong interview.

Tinapik-tapik ko ang likuran niya at saka siya iniwan na nakanganga pa rin.

Mabuti na lamang at hindi na niya ako sinundan pa gaya ng madalas niyang ginagawa. Nagpakalayo-layo na lamang ako at binati ang mga pumapansin sa akin. 

"Congratulations, Riem!" 

I faced the woman who greeted me.

My eyes dilated.

"Ellai?" I asked, shocked, albeit thrilled. "Ellai! Sabi mo sa akin hindi ka makapupunta?"

"Oh! I was bluffing, of course! Ako? Hindi makakapunta? Ako pa ba?" She alternately raised her thick black brows.

Nilapitan ako ng kaibigan, malawak na malawak ang ngiting nakaplaster sa mga labi. She clung her arm on mine and hauled me around the Exhibition Hall. 

"I'm so proud of you! I was literally crying earlier before going inside the Hall! As in! Kaya na-late ako!"

Inismid ko sa hangin ang apila ko. Late naman siya lagi kahit sa anong event. Ginawa pang palusot ang pagiging proud sa akin. Hmp.

While we were leisurely walking, I let my eyes scan the whole area. Madilim sa loob kaya't himala na nakita akong agad ng kaibigan sa dagat ng mga tao. Ang tanging naiilawan lamang ay ang mga paintings na nakasabit sa mga pader, karamiha'y nakaangat sa ere. 

"Anyway, are you really going to donate all of the money you will earn in this exhibit to the Art Workshop? I mean, I don't have a problem with it... Para naman sa mga bata iyon pero isipin mo... pinaghirapan mo ang mga iyan. Kung ibibigay mo nang buo ay... parang hindi magandang pakinggan?"

"Ayos lang 'yon. Gaya nga ng sabi mo, para naman sa mga bata..."

Namataan ko ang pagtango-tango niya. Pagkaraan ay hinigpitan ang hawak sa akin at hinila naman patungo sa dulong bahagi. Walang minuto na walang lumapit sa amin at nangamusta. Lahat sila ay binabati ang matagumpay na exhibit kahit na hindi pa naman tapos. 

Nang makarating kami sa dulo ay binalutan ng mga landscape paintings ang paningin ko. Sa bahaging ito ay puro nature-inspired ang paintings. Sa kabilang dulo naman ang mga portrait. Ipinaghiwalay ko talaga upang hindi mahirapan ang mga mambibili sa paghahanap ng mga gusto nila. Para na rin organized at hindi magulong tignan.

Ellaixa pointed at a painting. Itiningala ko iyon at pinagmasdan.

"Bet na bet ko ito, Riem! Bibilhin ko ito, ah! Akin na 'to!"

It was one of my favorites. The main subject of it is a Japanese Temple. Its orangeish color was well blended with the autumn leaves on its sides and on the ground. It was simple but because of the originality of the colors and the concept itself, it looked fancy.

"You are really fond of having Japan as your paintings' concept, 'no? No'ng una akala ko adik ka lang sa Japan. Kung hindi pa lumabas 'yong mga pictures last month, 'yong mga modelling pictures mo, hindi ko pa malalaman na nagstay ka pala ro'n. How many months you stayed there? Or you stayed there for years?"

Binagsak ko sa sahig ang mga mata.

She doesn't know my secret. She doesn't have any idea about my past, well of course except the unveiled information about my previous modelling career. But apart from it, wala na siyang alam. Although she is a dear friend of mine, I just can't tell her about it. 

Dahil ano pa ang silbi ng pagsasabi sa kaniya kung ako mismo'y pilit na ibinabaon na lamang sa limot ang lahat?

"Hindi ko na matandaan, e," my usual response to the questions regarding my history.

"Ah..." She merely bobbed her head and stopped from asking further, presumably because she sensed my apparent avoidance of the topic.

Now I'm feeling terrible again. For lying.

Maglilibot pa sana kami sa bahaging kinalalagyan namin nang aming mapansin ang kumpulan ng mga tao sa kabilang bahagi. Halata ang biyak sa gitna ng Hall dahil halos lahat ng tao ay naroroon.

"Ano 'yun?"

I shrugged a shoulder. "Baka may kilalang tao na pumunta..."

"And who is it?" tanong muli ng kaibigan na tila sabik na alamin kung sino.

"I don't know."

Nang pasadahan ang guest list kanina ay hindi ko mabilang ang mga kilalang tao. Sa dami ay hindi ko na naisaulo pa.

"Tara, puntahan natin!" she summoned.

Umiling ako.

"Kung gusto mong pumunta, puntahan mo. Magtitingin-tingin na lang ako rito..."

"Are you sure?" She narrowed her eyes. "Kung ganoon, sige. Saglit lang ako at babalikan kita. Bye Riem, hi chismis!" She waved a hand, chortling, and then turned her back.

When she vanished in my sight, I went to the side and walked further. Ang tungo ko ay sa kung saan din dumako ang kaibigan ngunit dahil hindi kagaya niya na para makiusyoso, gumilid ako. Saktong pagkalagpas ko sa kumpulan ay may gumitgit sa akin at nag-offer ng inuming champagne. 

I was about to decline politely when I glimpsed the face of the offerer. Nanigas ako sa kinatatayuan at nagsimulang magdabog ang puso ko sa loob ng kulungan nito.

Umusbong naman ang mapang-uyam na ngisi sa mga pulang labi ng lalaki. Akma kong hahablutin ang flute sa kaniyang kamay at umalis na lang nang bigla niyang nilayo iyon. Nilagok niya ang laman sa paraang nang-aasar. 

Habang sinisimot ang laman ay kinindatan ako makaisang beses. 

He chuckled when he saw me blink repeatedly.

"Guwapo ko sa personal, 'no?"

Nangarera pang husto ang puso ko.

Imbitado ba 'to? Hindi ko nakita ang pangalan niya sa guest list! Should I call the guard? Should I kick him out of the Hall?

"I don't think I know you. Sorry... E-Excuse me." As much as possible, I will avoid him and not let an interaction, even a small and short one, emerge between us. I know this man. And I hate the fact that he knows me, too.

I walked past him but he was too persistent to fool around. 

"Luh, nilalayuan ako? Ang snob naman ng artist na 'to. Mai-tweet nga. Hashtag isnabera pala."

Fists clenching, I stopped and faced him. I tried hard to remove the tension in my body and flash a smile. 

I don't want my name to be involved in an article again. Mas pipiliin ko pang tiisin ang kakulitan ng lalaking ito kaysa mangyari iyon.

"Sorry, uh, what do you n-need?" I asked, voice filled with courtesy. "I don't have much time to talk to you, uhm..."

Mabilis akong nangapa ng susunod na sasabihin ngunit nang masulyapan ang painting na nakasabit sa gilid namin ay napatanga na lang ako.

I swallowed hard.

Agarang dumako ang tingin ng katabi sa painting na tinitignan ko. Nanginig ang kalamnan ko nang marinig ang malakas nitong halakhak.

"Bibilhin ko ang painting na 'yan, ah, miss painterist?" 

My gaze instantly returned to him. Lumipad ang kamay nito sa tapat ng bibig, pinipigilan ang tawa.

"Sorry... Anyway! Magpapakilala muna ako. Baka akalain mo ay bastos akong tao't walang modo." He offered his hand, still sporting the scornful smirk. "Danilo Vidales nga pala. Iyong chatmate mo dati sa Instagram. 'Yung ghinost mo."

Nag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan nang marinig ang pangalan nito. 

I was right. I know him. 

He is a Vidales. Of course, I must know him.

"I mean, isa sa mga ghinost mo."

Mariin kong ipinikit ang mga mata nang pilit na nakisingit ang mga alaala na gustong manumbalik sa aking isipan. Nang idilat ang mga mata ay agad kong kinamayan ang lalaki sa harapan na parang wala lang sa akin ang nangyayari. He shifted his eyes back to the painting.

"Pamilyar ang lalaki sa painting na 'yan." He pointed at it, medyo natawa pa. "Parang kilala ko."

Nanginig ang labi ko nang sa ikalawang pagkakataon ay hinagod ko ng tingin ang painting.

Iyon ang pinakanaiiba sa lahat ng paintings na nasa bahaging ito. Landscape iyon. I painted the man in a landscape way on purpose. 

Bahagyang nakatagilid ang subject ng pinta, na siyang isang lalaki. Nakamasid ito sa lawang nasa harapan, ang mga siko'y nakapatong sa barandilya. Ang panga nito'y nagmistulang patalim dahil sa pagtagilid ng kaniyang ulo. Ang makapal at itim na itim nitong pilikmata ay ibang-iba sa mata nitong tsokolate ang kulay. Makulimlim ang langit kagaya ng kulay ng tubig sa harapan ngunit dahil sa maliwanag at makulay na mga kimono poles sa paligid ay tumindig ang mala-krema nitong balat. 

Ang kagandahang taglay ng mukha ng lalaki ay patas sa ganda ng kapaligiran kaya't sa ganoong ayos ko ipininta iyon. 

"Diamond..." Danilo whispered.

He lifted his two hands when he caught me glance at him.

"Hindi ako nang-iinis dito! Binasa ko lang ang title! Ayan, oh! Diamond nakalagay, oh!"

Inalis ko ang tingin sa lalaki at ibinalik sa gilid. The title of the painting was painted in cursive font, at the lowest right corner of the canvas as if it was bound not to be seen by anyone.

Unluckily, someone aside from me was able to see it. 

Narinig ko ang buntong-hininga ng nasa aking gilid na para bang hirap na hirap sa kung saan.

"Bakit kaya Diamond ang title? Wala naman akong makitang diamante..."

Hinuli ko ang pang-ibabang labi at nginata ito. 

"Unless... Ang pangalan ng lalaki sa painting ay–"

"Danilo," I called, stopping him. 

He chuckled. "Dan na lang... Bakit, Riem?"

"A-Alis na ako... T-Thank you for coming..."

"Walang anuman. Sa akin na itong Diamond, ha!" anas nito, tinig ay punong-puno ng pang-uuyam.

I bobbed my head once just to cut our conversation. I started walking away from him but then I was halted when he talked.

"Lagot ka," nagbabanta nitong sambit.

Inilibot ko ang tingin sa paligid bago muling hinarap ang lalaki, palakas nang palakas ang kalabog ng dibdib. Naglakad ako pasulong, hindi inaalis ang tingin sa ngising hindi na yata kailanman maaalis sa labi niya.

"Lagot ka, Riem," he repeated.

"Anong ibig mong s-sabihin?"

"Iniwan mo siya, 'di ba?"

Nalukot ang mukha ko sapagkat wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. 

Or maybe... I just really don't want to understand it.

"Iniwan mo si Diamond..."

One second... two seconds... three seconds... I stopped breathing. 

"Iniwan mo si Diamond sa Kyoto," pag-uulit niya na para bang sinasadyang inisin ako.

At nainis naman nga ako!

"I have my reasons!" I shouted so loud that it felt like I tore my throat.

Taas-baba ang dibdib ko dahil sa kairitahan. I saw how Danilo's teasing face fade. It was replaced with consternation. Ako rin mismo ay nagulat sa inasta ko. Ripples of remorse and indignity circulated throughout my body when I perceived the stares of the people around us. 

"Maiiwan na kita," kalmado kong pagpapaalam, gusto nang makatakas sa mapang-usisang tingin ng mga tao. 

Dire-diretso ang lakad ko patungong restroom. Nahihiya man sa mga hindi ko natutugunang mga pagbati, mas pinili ko pa ring itago ang nahihilam kong mga mata dahil sa nangingilid na luha.

Hindi man sinabi ng kaniyang pinsan, malakas ang kutob kong naririto siya. Kaya ang kalabog ng puso ko ay walang katumbas sa bilis at lakas.

I clutched and pulled up some parts of the underarm hem of my long silky dress so its ends would stop touching the ground. Maliban sa haba nito ay dumadagdag pa ang pangangatog ng mga binti ko sa kahirapan ko sa paghakbang. Nasa pasilyo na ako patungo sa pupuntahan, tahimik at walang tao. 

At iyon ang akala ko.

Nabitawan ko ang damit na hawak nang sumulpot sa harapan ko ang isang napakapamilyar na lalaki. My lips quavered as I let out a frugal breath. 

Naalala ko ang pagbabanta sa akin kanina ni Danilo nang nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki sa harapan, mabagal at munti ang mga hakbang. He isn't looking at me but I'm more than certain that he had seen me! And the fact that he is trying so hard to avoid my gaze now proved that my claim was just correct!

Taos puso kong inakala na titigil siya sa harapan ko at babatiin ako gaya ng ginagawa niya sa akin dati... 

Ngunit.... nilagpasan lang niya ako.

He only walked past me. 

And it caused more than a heartache to me. The word heartache will never give justice to what I exactly feel right now.

Pero bakit ako nasasaktan? Ginawa ko rin naman sa kaniya ito dati. Inuulit niya lang. Ginagaya niya lang. Kaya bakit ako nasasaktan?

Bakit... masakit?

Gusto kong magpatuloy na lang sa paglalakad papuntang palikuran at hayaan na lamang ang nangyari ngunit... ang mga paa ko ay lumiko na tila may sariling pag-iisip.

Agarang huminto ang lalaki sa paglalakad nang tumigil ako sa kaniyang harapan. His once expressive eyes are now utter blank.

They contain no emotion. They are spacious, they look bland. 

"D-Diamond..."

Hinugot ko ang lahat ng lakas at kakapalan ng mukha para iangat ang sulok ng mga labi. Kasabay noon ay ang muling pag-usbong ng pag-asa sa kalooban ko.

But my lips instantaneously curved downwards the moment I had the chance to study his matured face.

Maraming nagbago sa kaniya. Ang buhok niya ay humaba na siguro'y maaaring ipusod ang iilan sa likod. Ang balat niya ay hindi nagbago ni katiting. Kremang-krema pa rin ang tono ng kulay. Hindi rin biro ang tinangkad niya. Kailangan ko pa siyang tingalain matignan lang ang mga mata niya.

"Excuse me. You're blocking... my way," he said with sheer sternness.

At higit sa lahat, nagbago ang turing niya sa akin. 

It is so painful that this man who gave me the best memories in life... turned into a sole memory in my head for several years.

Humakbang siya patagilid nang hindi ako tumabi sa dinaraanan niya. Bago pa siya makahakbang paharap ay muli kong hinarangan ang daan niya. 

"D-Diamond... A-Alam kong naaalala mo pa rin ako..."

Pagalit siyang bumuntong hininga at sumubok na kumawala ngunit nagmatigas akong muli.

I blocked his way once again and it made him divert his wrathful eyes to me.

"C-Can we talk? S-Sa dulo ng hallway, m-may exit–"

"Can you fucking..." Huminto siya at saka inigting ang panga. "Can you just stop... acting like you did nothing?" Puno ng pandidiri ang mariing titig na ipinupukol niya sa akin.

My mouth gradually fell open.

"D-Diamond–"

"Stop calling me that way. Your voice disgusts me. You disgust me."

My eyes watered as I stared at his sullen eyes. Ang mukha nito ay walang halong pagkaawa. Puro poot at silakbo ng galit ang nakaplaster doon.

I firmly subdued my tears and sobs when he bowed down his head and positioned it right in front of me.

"You make me sick. Your voice, your face, everything about you makes me sick. Kahit na noon pa man. Mas lalo lang pinalala ng ginawa mong pag-alis nang walang paalam."

Marahas akong napalunok.

Nang tumalikod siya at inabandona ang mahaba't makitid na pasilyo, doon pa lamang nagsidausdusan ang mga luha ko pababa. My hand flew and it landed to my agonizing chest. Marahas kong nilamutak iyon, sinusubukang lamangan ang sakit na nararamdaman sa loob.

Mariin akong pumikit at binigyan laya ang mga luha. Pinakiramdaman ko nang husto ang hapdi na gumagapang pakalat sa akin. 

Sa isang iglap, ang lahat ng alaalang pilit kong ibinabaon ay biglaang umusbong. Ang nakaraan kung saan ibang-iba ang buhay na mayroon ako ngayon.

My memories... back when I was in Kyoto.

Continue Reading

You'll Also Like

29.8K 1.2K 35
Zairen Arianndy has an ultimate crush on Chase, who, on the other hand, gives her nothing but mixed signals and false hopes, yet she continued crushi...
24.4K 713 182
an epistolary collaboration ¦ completed 🎸 Musical instruments wield a powerful domination in one's life, especially for those who loves playing with...
2.5K 224 40
[COMPLETE] Akala ay kimkim na ang kalayaan, ngunit patuloy pa rin pala sa pagkalunod. Dahan dahan, pilit ibinabalik sa acidong minsan na ring naging...