Boy meets Girl

By AliKendrix

639 160 337

"I wish I never met them..." Have you ever imagined going to a prestigious school that would turn out to be o... More

Prologue
Chapter 1: Fresh Start
Chapter 2: Calyx
Chapter 3: Remember
Chapter 5: Gut Feeling
Chapter 6: Anticipation
Chapter 8: Mall
Chapter 7: Other Side of the Coin
Chapter 9: Food District
Chapter 10: Groundbreaking
Chapter 11: Truth
Chapter 12: A Bestfriend's Effort
Chapter 13: Gifts
Chapter 14: Family
Chapter 15: The Special Day
Chapter 16: Is it Love?
Chapter 17: Unknown Sender
Chapter 18: Tracing the Unknown
Chapter 19: Someone's Coming
Chapter 20: Finding the answer
Chapter 21: SYD
Chapter 22: Flashback
Chapter 23: Home
CHAPTER 24: Sisters Keeper
Chapter 25: Brothers Love

Chapter 4: Squad

37 12 27
By AliKendrix

"Ali gising na malalate ka na sa school." Gising sa akin ni kuya. Binuksan niya ang kurtina ko dahilan kung bakit biglang lumiwanag ang kwarto ko. Teka, anong oras na ba? Tinignan ko ang alarm clock na nasa tabi ng kama ko, 5:30. Kuya! nakakainis naman eh, ang aga aga.

"Kuya naman, ang aga pa!" Pagmamaktol ko. Kaya kung minsan naiinis ako kapag andito si kuya eh. Ang aga aga niyang nanggigising lagi. "Bangon na, ipagluluto kita ng pagkain."

Bumangan ako agad nang sabihin ni kuya 'yon. Once in a blue moon lang ako nilulutuan ni kuya dito sa bahay, kaya kapag nagsasabi siya, sinusulit ko na. Kahit alam kong pampalubag loob lang niya yan tuwing ginigising niya ako ng maaga, 'di ko yan tatanggihan. Kesa sa magbayad ako sa restaurant niya naman.

"Prepare for school, then baba ka. Okay?" Paglalambing ni kuya saka ngumiti at ginulo yung buhok ko. Si kuya talaga, pag sinumpong, sobrang lambing, kung minsan naman sobrang mapang-asar. Naku, ewan ko nga minsan kung kapatid ko 'to sa sobrang pang-aasar niya eh.

Inayos ko na ang bag ko at bumaba na ako mula sa kwarto. Pagbaba ko, amoy na amoy ang pagkaing niluto niya. Dumiretso ako sa kusina para kumain ng umagahan.

"Sila dad?" Tanong ko kay kuya.

Umupo si kuya at nagsimula na kaming kumain. "May seminar sila mama sa La Union hanggang next week. Si dad naman may biglaang conference sa Italy. Kakaalis lang nila kanina since kakatawag lang din sa kanila." Sabi ni kuya.

Bilib din ako sa magulang namin. Kahit minsan, hindi kami naging spoil ni kuya sa pera. Lahat ng mga gusto naming bilhin, galing sa ipon namin, kasi never talaga magbibigay sila mama kung wala kang ipon. Kaya never kaming lumaki ni kuya na mapagmataas dahil sa pera.

Never din nila kaming inispoil sa mamahaling gamit lalo na ang pagkain. Kahit tuyo, pancit canton o murang ulam at pagkain lang, kaya naming kainin. Never silang bibili ng gamit namin dahil gusto lang namin.

Kapag kailangan lang, saka nila ibibigay. Ni MacBook nga ayaw akong bilhan eh. Hindi rin naman kuripot sila mama, practical lang. Kaya nung nagcollege lang ako saka nila dinagdagan ang ipon ko pambili ng MacBook. Kahit kaya nilang ibigay, ayaw nilang ibigay lahat kasi gusto nila magamit naming yun sa future.

"Hatid na kita sa school." Ngumiti ako kay kuya. Inayos na namin ang pinagkainan namin saka ako hinatid ni kuya sa school. Napansin ko na ibang direksyon ang pinupuntahan namin.

"Kuya saan tayo pupunta? Hindi naman eto yung daan papuntang school eh." Teka, bakit parang papunta sa bahay nila Calyx 'to?

"Kuya papunta ba tayo sa bahay nila Lyx?" tanong ko sa kanya.

Nginitian ako ni kuya. Tinigil niya ang koste at napagtanto ko na andito nap ala kami sa bahay nila Lyx. Lumbas si Calyx sa bahay nila at nginitian ako.

"Good Morning." Bati niya habang nakangiti.

Nginitian ko siya. Pumasok siya sa kotse at ginulo yung buhok ko dahilan para tignan ko siya ng masama. Hinatid na kami ni kuya sa school at nagpaalam na susunduin daw mamayang gabi at may pupuntahan kami. Nang papasok na kami sa school, nakita naming sila Alex at Jacob.

Pagkatapos ng unang klase namin, dumaan kaming cafeteria nila Jacob. Naisipan naming kumuha ng makakain kasi direstso yung klase namin hanggang tanghali.

"Ali, bili ka na rin ng food mo, baka mag-extend na naman si ma'am sa klase mamayang tanghali. Alam mo naman si madam, kahit lunch break walang pinapatawad." Inis na sabi ni Alex.

Kumuha na ako ng smart-c, pringles classic na maliit at mga tinapay. Dumiretso na kami sa classroom at nagstart na 'yung klase namin.

"Kainis talaga 'yung teacher na 'yun! Aaaaaargh!" inis na sabi ni Alex.

Kababalik kasi niya ng activity naming and as usual, kuripot mag grade. Natawa nalang kami ni Jacob at dinamayan ang kaibigan namin.

"Alex, Jake, mauna na muna kayo. May dadaan pa ako sa library eh." Sabi ko sa kanila. Tanghali na kasi kaya inunahan ko pa sila bago sila mag-aya.

"Hindi ka magla-lunch?" tanong ni Jacob.

"Ano ka ba friend, kay Calyx yan makiki-lunch. Tara na." pang-aasar ni Alex. Bago ko pa siya batukan, nakatakbo na ang gaga hila-hila niya si Jacob. Papasok na sana ako sa library nang biglang may tumawag sa telepono ko.

"Hello?"

"Ali, si sir mo Brent 'to. Kasama ko si Calyx, tara lunch?" tanong ni sir Brent. Napangiti ako since matagal tagal na rin kaming hindi kumakain ng magkakasama. Pumunta ako sa cafeteria at nakita ko sila Lyx kasama nila si Kaitlyn.

"Reunion ba 'to?" tanong ko sa kanilang tatlo at umupo.

"Kamusta na Ali?" Tanong ni Kaitlyn sa akin habang kumakain ako. Nginitian ko naman siya.

"Ok lang naman. So far wala pa namang hindi magandang nagyayari." Sana nga tuloy tuloy na nga. Ayoko na talagang may mangyari pa, kaso bukas, natatakot na ako.

"Sir, pupunta ka ba sa reunion next week? Invited ka din diba sir? Mukhang close naman kayo sir." Tanong ni Lyx.

Tumango si sir. "Bakit? Pupunta ba kayo?"

Napahawak naman si Calyx sa batok niya. Parang may bumabagabag sa kanya, kapag ganyan nagiging action niya eh. "Hindi ko alam sir. Parang may mali eh. Pero why not, baka iba pa isipin nila." Sagot ni Calyx.

"Pwede naman siguro sir. Tignan ko sir kung may free time ako next week sir." Sabi ni Kaitlyn.

Hanggang ngayon, kapag napapag-usapan yan, ayaw ko pa rin sanang dumating yung araw na 'yun. Kaso, kailangan kong magpakatatag. Tama sila kuya at Calyx. Hindi ako ganito dati. Dapat ibalik ko yung dating ako kahit na sinira ng iba ang katauhan ko sa harap ng ibang tao. Dapat hindi ako sumusuko at nagpapatalo.

Habang lumalalim ang kwentuhan, bigla namang napunta na naman sa amin ni Calyx ang usapan.

"Oy Kev, sure kang best friend mo lang 'tong si Allison?" biro ni Kaitlyn.

"'Di kapanipaniwala eh, parang di kayo magbest friend sa lagay na yan." Dagdag ni sir Brent.

"Uy hindi ah, ako, magkakagusto dito?" sagot ko sabay turo kay Calyx. "Hay nako, sa lagi kaming magkasama nitong si Ali, hindi ko napag-isipang ligawan 'to no. 'Di kaya siya ang ideal type ko." Sabi ni Calyx.

"Talaga lang ba Kev?" asar ni sir Brent.

"Aminin mo Kev, naging crush mo si Ali noon 'no?" panggagatong ni Kaitlyn.

"Oh Lyx, totoo nga ba? Di mo pa yata sinasagot yang tanong kong ganyan sayo noon eh." Panggigisa ko kay Calyx. Sasagot na sana si Calyx nang dumating sina Jacob at Lexter kasama si Jester.

"Bro, umamin ka na kasi." Sabi ni Lexter sabay upo sa tabi ni Calyx.

Tinapik naman ni Jester sa balikat si Calyx. "Bro, aminin mo na. Sabi mo sa akin noon–" itutuloy na sana ni Jester ang sasabihin niya nang biglang takpan ni Calyx ang bibig niya.

"Ohhhh, may tinatago ka sakin Lyx ah." Pang-aasar ko sa kanya.

"Wala no!" sagot naman niya at binitawan ang bibig ni Jester.

"Eh ba't mo tinakpan yung bunganga ni Jester kung wala ka ngang tinatago?" tanong ni Kaitlyn.

"Ah, talaga, ako pinagkakaisahan niyo ngayon?" Pabaling sagot ni Calyx at tumayo, akmang aalis.

Tumawa naman si Jester at pinigilan si Calyx. "Oh, kalma lang bro. Joke lang naman eh, pikon talo ka agad."

"'Tong Calyx na to talaga, walk out nalang lagi nyang laban eh." Panggatong ko kaya wala siyang magawa kundi umupo at sumimangot.

Tumawa kaming lahat at mukhang pikon nga si Calyx. "Tapos na mga klase niyo?" tanong ko sa kanilang lahat. Tumango sila. Nakakamiss 'tong mga kaibigan ko na'to. Kahit noong last year lang kami nabuong magkakaibigan, hindi pa rin talaga nawawala ang kulitan ng mga 'to, lalo na 'tong mga lalaki.

Halos karamihan kasi ng barkada ko, lalaki at dominant din ang lalaki sa course naming engineering at sa ROTC. May iilan na babaeng kaibigan ko tulad nila Alex at Kaitlyn pero sobrang bilang na bilang lang. Nagiging maingat na kasi ako sa mga babaeng kinakaibigan ko kasi baka matulad sila sa mga kaibigan ko noon na naging kaaway ko.

"Una na muna ako ha, may klase pa kasi ako mamaya eh." Pagpapaalam ni Sir.

"Sige sir, ingat! Dinner mamaya ah." Sagot ni Lexter. Tumango si sir at dumiretso na palabas ng cafeteria.

"Ba't kayo anditong lahat na naman? Pinagplanuhan niyo na naman 'to ano?" tanong ko sa kanila sabay isa isa silang tinignan. Nakuu, kapag 'tong mga 'to andito, panigurdong asaran na naman ang mangyayari.

"Pagsabihan mo nga 'tong si Ali, Kev. 'Di na ata kami winewelcome eh." Pagtatampo ni Lexter sabay upo sa tabi ko.

"Nagtatanong lang, affected ka naman agad. 'Wag ako Lex ah, kilala na kita." Sabi ko sa kanya sabay ngiti niya sa akin.

"May sasabihin pala ako." Sabi ni Jester. Bigla naman akong kinabahan kasi seryoso ang tono ni Jester.

Tumingin kaming lahat sa kanya.

"Tinawagan or tinexan ba kayo ni Mia na pumunta sa reunion ng class natin sa ROTC next week?" sabi ni Jester. Tumango silang lahat.

"Tinawag ako ni Chloe the last time. Sabi niya, sila Mia at Emil daw ang nag-organize. At inimbitahan nila ang higer officers natin." Sabi ni Kaitlyn.

"Hindi ba nakakapagtaka? Bakit sila biglang nagtawag ng reunion?" Tanong ni Jacob. Hindi ko maintindihan, may binabalak ba 'tong mga taong 'to?

"Teka, bakit? Paano nagiging katakataka 'yon?" tanong ko kay Jester.

"Hindi ko lang kasi magets eh. Nakita ko sila Mia sa benches kanina. Narinig ko na tinatawag niya lahat ng mga dating kasama natin sa ROTC, pero sa lahat ng natawag nila, bakit mga kaibigan na malapit sayo? Tsaka bakit biglaan silang nagtawag ng reunion?" sagot ni Lexter.

"And Jes remember, bakit din sila Emil ang mag-organize? Kahit sabihin nating lahat invited, hindi ba dapat lahat matatanong kung saan, kelan at anong idadala. Bakit sila lang?" sagot ni Kaitlyn.

Napaisip ako. Bakit nga naman?

"Sa pagkakaalam ko Jes, hindi naman nila alam na malapit tayo kay Ali. Ever since nung nalaman natin na pangyayaring 'yon, hindi na tayo nagkaroon ng chance mag-usap usap dito sa school. Tsaka kung reunion talaga, hindi niyo ba napansin na hindi alam ni sir Brent?" Tanong ni Kaitlyn.

Mula kasi no'ng nangyari sa bahay nila Lexter hanggang sa pagkalat ng mga paninira sa akin, lagi nila akong binibisita. Never din kaming nagkausap dito sa school para hindi sila madamay, not until now. Kahit close ko sila Alex at Jacob kasi, hindi nila sila magalaw since hindi naman din sila close sa dalawang kaibigan ko, maliban kay Emil na kaparehas naming ng course.

"Hindi." Seryosong sabi ni Calyx. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Pwedeng tayo ang tinawag, kasi tayo rin ang close na kaibigan niya. Bakit sa tingin niyo tayo ang tinawag? Kasi malapit tayo sa kanila, kaya mas magiging madaling kumbinsihin tayo sa kanilang plano. One more thing, si Ali lang ang hindi nila tinuturing na kaibigan."

May point si Calyx. At sa tingin ko, may posibilidad na ganun ang iniisip ilang gawin. Mas madali silang makakagalaw kung mas madaming kakampi sa kanila. Much better kung mga kaibigan ko, kasi gusto talaga nila akong mawala sa landas nila. Pero ano na naman bang plano nila? Kung ano man 'to, dapat ko na talagang paghandaan.- - - - - - - - - - - - - - 

A/N: Featured photo for this chapter is Brent Lopez. Get to know him soon!  

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...