The GCQ mission: Billionaire'...

By aizzienn

236K 7.2K 1.5K

NANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang san... More

The GCQ mission: Billionaires Baby
Ola!
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue
Author's Note (Special Chapter)

Chapter 09

5.1K 181 55
By aizzienn


"Boss, nandito na po ako."

Pasimple akong umikot para ipakita sa kaniya kung gaano ako kaseksi sa suot kong dilaw na sando at kahel na saya. Nagliliwanag ako sa dilim, pero ito lang ang maayos kong damit. Naghanda talaga ako para naman hindi ako magmukhang may sapi ngayon.

"Uhm,"

Tumango lamang sya at muling ibinaba ang tingin sa mga papeles. Hindi man lang nya pinag-aksayahan ng tingin ang suot ko! Hihi, pansin ko ang landi ko bigla. Pero oki lang yan, minsan lang ako magkaroon ng among adonis kaya susulitin ko na.

Naligo ako, dalawang beses nagsabon, tatlong beses nag-sipilyo, sinuklay ko ang aking buhok, nagpulbo, kinagat ang labi upang pumula, at sinampal ko rin ang aking pisngi upang mag kulay rosas. Wala akong pampaganda kaya nagta-tyaga ako sa ganito.

"How's my son?"

"Mahimbing na po ang tulog nya sa itaas kanina pa. Sinigurado ko pong maayos sya bago ako bumaba rito."

Gumawa pa nga ako ng duyan gamit ang kumot ko. Wala kasi silang duyan, hindi ata uso, kaya gumawa na lamang ako. Mas mabuti nang may duyan para mas mahimbing ang tulog ng bata.

Muli lamang syang tumango. Mukhang hindi maganda ang kaniyang mood, sinyales ito na itigil ko na ang sekretong paglandi ko sa kaniya.

"Boss, kape you want?" Wag ka, may Ingles na rin ako.

"Yes, please."

Hindi nya ulit ako tinapunan ng tingin. Abala sya sa kung ano sa kompyuter nya. Kaya minabuti ko na magtungo sa kusina para magtimpla. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nya ako dito sa opisina, may trabaho syang dapat gawin kaya kailangan dilat sya.

Iyon ang misyon ko dito, kaya dapat magampanan ko ito ng mabuti na walang bahid ng paglalandi.

Pagkatapos ng gawain, naupo ako sa sopa at doon tumunganga dahil ayaw nya akong paalisin. Hindi ko maiwasang magnakaw ng tingin sa kaniya, kasi nasasayangan ako sa kaniyang katawan at mukha kung tatanda sya agad sa estress. Ganito ba talaga ang buhay ng mayayaman?

"Boss, ano po bang magagawa ko?"

Nahihiya ako, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumapit.

"What d'you mean by that? There's nothing. Coffee, maybe?"

"Bukod pa dyan, boss? Nakakabagot kasi na tumunganga lang."


Kamot batok na piningis ko ng tingin ang tambak na papeles sa gilid ng kaniyang mesa. Tapos nya nang basahin iyon, pero mukhang tinatamad sya sa pagtatak. Ang mga papeles kasing inaayawan nya ay diretso nyang tinatambak sa basurahan sa gilid. Ayon iyon sa obserbasyon ko.

Sandali nya akong pinagkatitigan at kalaunan ay napabuga sya ng mabigat na hangin.

"Fine then, if thats what you like. But first," binaba nya ang tingin sa tasa na wala na'ng laman. Ang bilis!

"I'll teach you what to do when you comeback."

Hindi ko alam kung anong milagro ang nangyari, pero naintindihan ko lahat. Nagmadali akong lumabas sa opisina dala ang tasa at nabangga ko pa anf isang paso pero hindi ko iyon ininda. Eksayted ako 'nu ka ba!

"When you see this one, or something like this one with my name written on it, stamp it on the upper part."

Nakangiti ako na parang baliw sa buong proseso ng pagtuturo nya sa akin. Magiliw at maayos ko namang ginawa ang sinabi nya, ang ganda kasi sa pakiramdam na may naitutulong ako. Nagtataka tuloy ako kung tinutulungan sya ni Vallerie o Rhioz sa ganito.

"Got it?"

"Opo, boss."

Inayos ko ang sarili sa pagkakaupo sa silya na dinala ko rito mula sa kusina saka hinila palapit sa akin ang papeles na kailangan tatakan. Dito ako pumwesto sa kabilang dulo ng mesa nya kaya para nya akong assistant.

Pansin kong minu-minuto syang tumitingin sa akin, nagoobserba siguro sa trabaho ko. Pero wala naman akong narinig na reklamo mula sa kaniya kaya ibig sabihin nagawa ko ng maayos. Ngunit may isang pagkakataon na napansin kong tumagal an titig nya!

"Boss, bakit?"

Umiling-iling sya saka payak na ngumiti. "Nothing, just continue. You're doing good."

Napangiti ako. Kahit papano naintindihan ko naman yung 'doing good.'

"Lower the stamp a bit, it should be here in this area."

Bigla'y hinawakan nya ang kamay ko na nakahawak sa pantatak. Habang ginigiya nya ang kamay ko ay hindi ko mapigilang titigan ang kamay nya. Napakainit niyon, init na nakakakalma. Ibang-iba sa init ng kilikili ko kapag sinisiksik ko roon ang aking mga palad tuwing maginaw.

"You got it?"

"Ha? Ay, oo, y-yes. Yes boss!"

Magiliw kong saad at pinatunog pa ang mga buto sa kamay saka nagsimula na sa simple kong trabaho. Pokus na pokus ako na parang nasa sarili kong opisina ako kunyare.

"Boss, nasan po ba si Rhioz?" tanong ko pagkalipas ng ilang minuto.

"Ba't mo hinahanap?"

"Diba assistant nyo sya kaya sya palaging nasa tabi nyo?"

"He's my personal bodyguard. And I don't have an assistant."

"Eh, yung singkit?"

"Stop asking about people who doesn't concern you," masungit nyang saad.

Nakasimangot akong tumayo. Bakit ba kasi sya nagsusungit bigla? Maayos naman ang usapan namin, diba?

"Igagawa ko na muna kayo ng meryenda."

"No. Coffee would be fine."

"Hindi,"

"Sino bang boss sa 'tin?"

"Ikaw. Pero boss, tandaan mo sanang hindi maganda sa katawan ito pag nasobrahan." linakasan ko ang bosses at may kasama pang panlalaki ng mata.

Nagpunta ako sa kusina at naghanap ng pweding ipakain kay boss. Siguro dapat yung medyo matamis para hindi sya antukin agad. Nakita ko ang masarap at nakakalaway na piraso ng keyk sa ref, kinuha ko iyon at hinanda. Nagtimpla rin ako ng mainit na tsokolate.

Nang pabalik na ako sa opisina ay nakasalubong ko si Almary kaya ako natigil. Nalaman kong ihahanda nya rin pala sana ang keyk pang midnight snack daw ni boss, pero naunahan ko na kaya pinaubaya nya na sa akin.

"Sigurado ka, Almary? Baka magalit ka na inagawan kita ng trabaho."

"No, okay lang. You should give it to him. Alam kong mas ma-appreciate ni boss pag galing sayo."

"Ha?"

"He said it himself that you're a special case. We all want the best for him, so continue doing what you can para sa kaniya, Marimar. He needs someone to take care of him, just like how you do it."

Ngumiti sya saka naunang maglakad. Pero wala kasi akong naintindihan at gusto ko sanang klarohin kaya hinabol ko sya.

"Almary, anong ibig mong sabihin?"

Huminto sya at bumaling sa akin. Nagulat ako nang makita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata sa unang pagkakataon.

"Alexander isn't a free man. He's the only son and he has all burdens on his shoulders. Bata pa lang he has to reach everyone's expectations. May mga pangarap sya, pero maski 'yon kailangan nyang isuko. Siguro buong buhay nya naging masaya lang sya pagdating ni Azi."

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero ramdam ko ang panunubig ng mga mata ko.

"Kaya habang nandito ka pa, gawin mo ang lahat maiparamdam lang kay boss ang mga bagay na hindi nya pa naranasan. Ikaw lang ang kaya 'yong gawin, hindi si ma'am Vallerie, hindi si Rhioz at hindi ang success ng kompanya. Magagawa mo ba, Marimar?"

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam. Ang mga sinabi ni Almary ay hindi nawala sa isip ko hanggang sa makabalik ako sa opisina ni boss para ipagpatuloy ang trabaho. Hindi ko inakalang gano'n pala ang mundo ni boss, at mas lalong hindi ko inakalang aabot sa ganito, anak ko lang naman ang pakay ko rito!

Kinabukasan, nagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa kung saan. Pagdilat ko ay kakaibang tanawin ang bumungad sa akin. Kahel na kalangitan at sumisikat na araw. Inilibot ko ang paningin ko, naalala ko, nandito ako nakahiga sa sopa ng opisina ni boss! Agad akong napabalingkawas nang maalala ko si Jumong.

"Alas sinco na! Ay teka, alas sais? Jusko, baka gising na iyon at gutom!"

Ngunit ang pagkabalisa ay agad na nawala nang mapatingin ako sa americana na nagulog sa sahig. Pinulot ko iyon at sininghot. Masyado itong mabango para sa tulad kong hindi pa nakapagmumog!

Pero teka, kinumot ba ito ni boss sa akin? Sya ba ang nagdala sa akin dito sa sopa? Hindi ko na kasi maalala kung paano ako nagputa rito. Ang naaalala ko'y sa mesa nya na ako naabutan ng antok.

Matapos isabit sa sandalan ng kaniyang umiikot na upuan ang americana, nagmadali ako tungo sa kusina upang magmumog at maghilamos. Pagkatapos ay nanakbo ako tungo sa kwarto ni Jumong.

"You're here,"

Natigil ako. Pagkabukas ko ng pinto ay isang hindi pangkaraniwang tanawin ang bumungad sa akin. Si boss ay nakatayo sa harap ng bintana habang nasa bisig si Jumong. Pareho silang nakatingin at nagbababad sa kahel na sinag ng araw.

Simple lamang ang suot nya. Isang maong na may iilang butas at kulay abo na t-shirt na may kahigpitan sa katawan. Para syang modelong ama, hindi isang boss na laging estress sa trabaho. Kita ko sa kaniya ang galak habang kinakusap at tinuturuan ng kung ano ang bata.

Ang sarap nilang panuorin. Anak at ama. Pero hindi naman akin. Saklap. Ilang beses na kaya itong nakita ni Vallerie? Parang gusto ko syang lamangan.

"Aren't you gonna go change?"

Nabalik ako sa huwisyo at halos mapatalon ako sa gulat nang makitang nasa harapan ko na si boss. Kailan pa sya dyan?! Natulala ba ako?

"P-po?"

"I said, we're going somewhere since I finished all the papers last night. So you go change ang get ready."

"Po? Sa'n tayo pupunta?"

"Mall."

"Mall?! Diba sarado pa ang mga establisimyento ngayon dahil sa virus?"

"I'm rich, I can rent a mall. Ano ba'ng hindi nalulusutan ng pera?"

Gusto ko syang erapan pero masyado syang presko para ganonin. Mayabang din pala si boss, ano? Pansin ko rin iba ang awra nya ngayon.

"Eh ano naman pong gagawin natin do'n?"

"Ano bang ginagawa pag nasa mall?"

Tumingala ako at nag-isip. "Bumibili? Ah! Nags-shopping?"

"Exactly. Go change. I'll take care of Azi."

Yun naman pala! Nakaramdam ako ng eksaytment. Hihi, mags-shopping kami! Agad akong tumalikod at lalabas na sana ng kuwarto pero biglang may humawak sa aking pulso. Pag-lingon ko, si boss!

"B-bakit, boss?"

"Thanks."

"Tenks? P-para sa'n po?"

"For helping last night."

Napangiti na lang ako. "Naku, boss, masyado pang maaga para magpasalamat. Sige po, bihis lang ako."

Pumasok ako sa aking kuwarto at agad na hinanap ang pinakamaayos na damit na meron ako. Kaso suot ko na pala ngayon. Kaya pinili ko ang kulay maroon na hanggang paanan kong saya at simpleng kulay abo na sando. Ito lang ang medyo bago na meron ako at wala masyadong himolmol. Oki na siguro 'to.

Nagmadali ako sa pagligo. Nang makapagbihis at makapag-ayos ng konti ay bumaba na ako. Handa na rin lahat ng kailangan ko para kay Jumong. Meron na'kong dalang baby bottle, maliit na thermos, tubig, gatas, panyo, extrang damit, basta marami pang iba. Ganito ako, laging handa.

Pagkababa ko ay nasa sala na sila boss na yapos si Jumong. Nang makita ako ng bubwit ay agad syang tumalon-talon sa braso ni boss. Sus! Ang kyot talaga ng anak ko! Ang daldal kahit wala pa masyadong alam bigkasin. Nagmadali ako para sana magbulaga-bulaga dahil gusto ko syang patawahin.

"Mamma! Ma..ma!"

Natigil ako at nabato sa kinatatayuan. Hindi ito ang unang beses na sinabi iyan ni Jumong sa akin, pero sa sitwasyon kasi ngayon, nandito si boss, si Rhioz at maging ang ibang mga katulong!

Okward kong tiningnan si boss. Baka kasi mag-isip sya ng mali.

"He called you mama."

Napayuko ako at hindi makapagsalita. Bukod kasi sa natatakot ako ay hindi ko rin talaga alam kung anong sasabihin.

"I've never heard him say that before."

Napatingala ako kay boss at nakita ko ang saya sa mukha nya. Hindi ba sya galit sa akin?

"H-hindi po ba kayo galit?"

Mula sa bata ay nagtaas sya ng tingin sa akin. "Why would I be? You thought him, it's something I'm very thankful of. He will call Val mama when the time comes, the important thing is he's learning."

Kahit hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nya ay tumango lamang ako. Narinig ko kasi ang pangalang Val kaya nawalan ako ng gana. Pero si Jumong kasi ang ingay at ang kulit! Tawa sya ng tawa sa bisig ng ama nya. Nawala tuloy agad ang negatibo kong pakiramdam.

"So, let's go?" Halata ang galak sa tono at mukha ni boss at nauna na'ng maglakad palabas.

Sumunod na si Rhioz sa kaniya. Kaya ako ay tahimik lang din na sumunod. Nang madaanan ko sila Almary ay malawak na ngiti ang iginawad nila sa akin.

"You did great, Marimar!" Pabulong na puri sa akin ni Caramel. Ginantihan ko sila ng ngiti at nagpatuloy na sa paglalakad.

•••

Continue Reading

You'll Also Like

127K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...
6.9K 297 11
Let's have a deal - Felix Tyler Date Started: May 9, 2020 Date Finished: June 4, 2020
150K 5K 27
Crystal has a long time crush, named Joshua. She really likes-loves him, but sadly Joshua didn't feel the same way. Then the day came when tragedy...
139K 1.3K 5
Spencer Salvatore force his wife to sign their divorce paper, just to be with his wife bestfriend who can gave him a child. But sadly, He discover t...