The Darkest Moon Star [JDDS S...

By xjadeannedgsx

4K 245 0

EVERYBODY IS FIGHTING A BATTLE YOU KNOW NOTHING ABOUT. Even if it's your friend, your mother, or the people y... More

The Darkest Moon Star
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41: SPG ALERT
Chapter 42
Chapter 43: SPG ALERT!!!
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56: SPG ALERT
Chapter 57
Chapter 58: SPG ALERT
Chapter 59
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
THE END
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Chapter 60

65 5 0
By xjadeannedgsx


Warning: BRUTALITY and KILLINGS. Please do not read this if you're not ready to know what will happen. It can trigger something, so please.

**

JIYURI DAWNYSUS' POV


DALI-DALING bumaba ako ng chopper. Hindi na rin ako nakapagpaalam sa hospital na nagpark ako sa rooftop nila. Maski ang mga guards doon ay hindi ko pinansin. Walang nakakapigil sa akin sinuman.

"Ma'am, hindi niyo ho magugustuhan kapag ni-report namin kayo—"


"Hindi mo rin magugustuhang makilala ako," malamig at mariin kong hinarap ang guard na naroroon.

"Ma'am, pasensya na po pero hindi po talaga pwede magpark nang walang pahintulot—"

"Kaya 'kong bilhin ang buong hospital na 'to at kaya ko ring pasabugin kung gugustuhin ko." Sinabi ko yon nang walang emosyon at matiim siyang tinignan. "Kung ako sa'yo, paraanin mo ako dahil kapag namatay ang asawa ko sa hospital na 'to ay mamamatay din kayo." Ngumisi ako pagkatapos kong sabihin yon.

Nabakasan ng takot at pangamba ang guard na 'yon at walang ano-ano'y pinapasok kami sa elevator.

"Thanks," bahagyang umangat ang gilid ng labi ko. "Tatandaan ko ang muhka mo at sinisiguro kong mataas ang sweldong makukuha mo."

Nagliwanag ang muhka ng guard na yon. "T-Talaga po?"

"Oo, mabait ako sa taong ginagawan ako ng pabor," sabi ko at pinindot na ang elevator. Nginisihan ko pa ang guard na 'yon bago tuluyang sumara ang elevator.

Nag-iigting ang panga kong nag-aabang na magbukas ang elevator na 'yon. Napuputol na ang pisi at umiiksi ang pasensya ko, gusto ko na agad marating ang kwarto ng asawa ko.

"Oyabun," tawag ni Rousse. "Nasa dungeon na ang lalaking natitira sa kanila."

Hinarap ko siya. "Nasaan ang iba?"

"Patay na."

Mas lalong nag-igting ang panga ko at umusbong ang inis ko. "Bakit isa lang ang tinira?!"

"Hindi napigilan ni Maxim," may paggalang nitong sagot.

Napapikit ako sa inis at nagtiim-bagang na lang. Malaman ko lang na ayos na si Martin, papatayin ko ang lahat ng may kinalaman sa ginawa sa kaniya.

Tumunog ang elevator at bago pa man ito tuluyang magbukas, lumabas na ako at mabilis na naglakad. Hindi ko na hinintay pa si Rousse at dumiretso sa information station.

"Ricco Martin Yao Alvarez," mabilis kong sabi.

"Ah, ma'am—"

"Ayaw ko ng tanong. Hanapin mo ang pangalang sinasabi ko," malamig kong sabi.

Dahil sa nagdidilim kong hitsura, nagkukumahog na ang babae sa paghahanap ng record. Talagang nauubos na ang pasensya ko pero nanatili akong kalmado.

"Room 303 po–"

Hindi ko pinatapos ang nurse na naroroon at umalis na agad. Nakasunod sa akin si Rousse at hindi nagsasalita para hindi mag-init lalo ang ulo ko. Mabilis ko lang nahanap yon at walang alinlangang pumasok sa kwartong 'yon.

Nakaupo sa isang mahabang upuan sila Maxim, Dirk, Jayden, Jireo, mga magulang ni Martin, pati ang ina ko. Napatingin ako sa hospital bed, naroon ang asawa ko na panay pasa at sugat ang muhka. May benda ang ulo pati na rin ang leeg ay naka-supporter. Mas umusbong ang galit at inis ko sa aking dibdib. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko at heto na naman ako, gustong ilabas ito.

"What the fuck happened, Maxim?" galit kong bungad.

"I left him—"

"Why the fuck did you leave him?!" nanggigigil kong tanong.

"He told me to," may paggalang at kalmadong sagot pa rin ni Maxim sa akin kahit na gigil na gigil ako.

Napahilamos ako sa muhka ko at bumaling sa ina ko. "Nasaan ang doktor?"

"Hindi pa sila pumupunta, naghihintay pa ng resulta." sagot ni Lady Shi.

"Tangina, bakit ang tagal?" naiinis kong tanong, hindi mapakali.

"Kumalma ka nga, buhay pa rin asawa mo, Jiyuri," ani Jayden, sinusubukan akong pakalmahin.

"Paano ako kakalma? Malaman ko lang talaga kung sino-sino 'yon, hindi lang daliri ang mawawala sa kanila!" galit kong sabi.

Ngumiwi si Jayden at sumandal na lang dahil hindi niya ako mapapakalma. "Okay."

"Nasa dungeon na 'yong isa, ba't hindi mo puntahan?" tanong ni Jireo.

"Hihintayin kong gumising ang asawa ko bago ako pumatay," nagtiim-bagang ako.

Walang nagsalita pagkatapos niyon. Iyak at hagulgol lang ng ina ni Martin ang naririnig ko at panay hagod naman ng likod ang asawa nito. Panay buntong hininga ni Dirk at si Maxim naman ay nakapikit, nag-iisip. Si Jireo ay prenteng nakaupo at nagpophone. Si Rousse ay nanatiling nakatayo sa may pinto.

Ilan saglit pa ay may kumatok sa pinto, binuksan ni Rousse 'yon at nakitang doktor ang papasok, nilakihan niya ang bukas at pinatuloy ang doktor.

"How's my husband?" bungad ko.

"Doc! Kamusta ang anak ko??" tumayo agad si tita Ricca para lumapit sa doktor.

Bumuntong hininga ang doktor. "He's stable but..."

"But fucking what?" nauubos ang pasensyang tanong ko.

"Calm the fuck down," ani Jayden, tumingin pa sa akin nang masama.

Muling bumuntong hininga ulit ang doktor. "He might have—"

"He's fucking awake," tinig ni Jireo.

Agad akong napalingon at nakitang bumubukas ang mata ni Martin! Naunahan ako ni tita Ricca na puntahan siya at agad na sinapo ang pisngi ng anak.

"Son! Martin! How are you feeling? Come on, tell momma!" nag-uumiyak na sabi ni tita Ricca.

"I'm fine, momma," parang guminhawa ang pakiramdam ko nang marinig na sumagot si Martin.

Lumambot ang ekspresyon ko at lumapit sa kaniya. "Baby..." malambing kong tawag at hinaplos ang pisngi niya. "How are you feeling?"

Hindi siya nakasagot at napako ang tingin sa muhka ko. Nagtatakang nakipaglabanan ako ng tingin nang mapansin nangunot ang noo niya at tila pinag-aaralan ang muhka ko. May oras pa na aangat ang kilay niya at muling magsasalubong. Hindi ko malaman ang dahilan pero nanatili ako sa ganoong posisyon.

"Baby..." muling tawag ko.

Mas kumunot ang kaniyang noo at pinakatitigan niya ako. Nagtataka talaga ang mga mata niya at 'yon ang hindi ko maintindihan.

Umusbong ang kaba sa dibdib ko nang hindi niya tugunin ang tawag ko. Napaatras ako at bahagyang lumayo sa kaniya.

"Martin..." tawag ko sa kaniyang pangalan, ngunit katulad kanina parang nagtataka siya dahil nandito ako. Kumirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan.

"Do I know you, miss?" nagtatakang tanong niya.

Umawang ang labi ko nang marinig ang tanong niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at parang nabuhusan ng malamig na tubig sa katawan. Hindi ko maigalaw ang katawan ko at parang nahinto sa pagfunction ang utak ko.

Mas lalong nag-igting ang kaba sa dibdib ko at pangambang totoong ang tinatanong niya.

"What the fuck happened, doc? Bakit hindi niya maalala ang kapatid ko?" bumalik lang ako sa ulirat nang marinig ang tanong ni Jayden sa doktor. "Tangina? Bakit hindi niya maalala kapatid ko?!"

"I was suspecting na mawawala ang memorya niya," bumuntong hininga ang doktor. "Pero muhkang totoo ang suspetya ko."

"What is happening to him?" naguguluhang tanong ni tita Ricca.

"Post-traumatic amnesia," sagot ng doktor. "Dahil sa malakas na pagtama ng bakal o tubo sa ulo niya, nagkaroon ng damage at na-injured ang ilang parte ng utak niya, dahilan para makalimutan niya ang ibang memorya."

"Pero paanong naalala niya magulang niya?" singit ni Jayden.

"Well," tumikhim ang doktor. "This can happen. Pwede niyang maalala ang childhood at ang memorya niya noong binata pa siya. Pero ang nakalimutan niya ay 'yong mga bagong memorya." The doctor sighed again. "Ang nangyayari ay nakalimutan niya 'yong mga taong bago pa lang sa buhay niya."

Nag-aalalang sumulyap sa akin si Jayden at muling bumaling sa doktor. "Kailan babalik ang memorya niya?"

"May mga cases na oras lang, mayroon ding days, weeks, ang mga rare cases naman ay umaabot ng months but," the doctor sighed and looked at me with sadness. "Mayroon ding nagiging permanente."

Talagang nawalan ako ng reaksyon. Tila nawala ako sa ulirat. Napatitig lang ako sa doktor at pinakikinggan ang mga sinasabi niya. Talagang napako ako sa kinatatayuan ko at hindi makaalis. Parang na-stuck ang katawan ko sa ganoong posisyon. Kahit magsalita ay hindi ko magawa.

"But it will come out naturally," dagdag ng doktor at klinaro ang lalamunan bago magsalita ulit. "Mas marami ang cases na kusang bumabalik ang alaala. Pero sa ngayon, iwasan nating magbanggit ng alaala sa kaniya dahil pwede 'yong magtrigger ng stress at mas lalong hindi siya makaalala. If you have questions, just call me," ang huling sinabi ng doktor bago kami talikuran.

Nabibinging napatingin ako kay Martin. Tumitig ako sa mata niya at kinurot ang puso ko nang makitang walang pagmamahal at kislap doon. Wala na yung dati niyang tingin na may pagmamahal at pagsuyo. Nagtataka lamang siya at parang inaalam kung sino ba ako at anong ginagawa ko sa harap niya.

"Jiyuri..." napatingin ako nang tawagin ako ni Jayden, nag-aalala ang boses niya.

"Take her outside, Jayden," boses ni Lady Shi.

Akmang hihilahin ako ni Jayden pero binalik ko ang paningin ko kay Martin. "You remember me... right?"

Napatitig siya sa akin, talagang nagtataka kung ano bang ginagawa at sinasabi ko.

I won't forget how beautiful you are and how pure and kind your heart is. Nagpintig sa tainga ko ang huling sinabi niya sa akin bago ako umalis. Ang sabi mo hindi mo ako kakalimutan...

"You remember me, right? Baby? Martin?" umaasang sabi ko.

"Jiyuri, let's go..." marahang hinawakan ni Jayden ang wrist ko pero inagaw ko sa kaniya 'yon.

"No..." nanghihinang sabi ko at nangingilid ang luhang tumitig kay Martin. "You remember me... you said you won't forget me, Martin. You remember me... right, baby?"

Nangunot ang noo ni Martin at tumingin sa ina niya na para bang tinatanong kung sino ako. Nang hindi sumagot ang mama niya, bumalik ang tingin niya sa akin.

"I'm really sorry, miss. I don't know you..." kaswal at simpleng sabi niya saka nilibot ang paningin sa mga taong nasa loob ng kwarto. "Pati sila ay hindi ko kilala."

"No..." bulong ko, tumulo na ang mga luhang kanina pang nagbabadya. Tuluyan na rin akong hinila ni Jayden at nanghihinang napasunod na lang ako. "No..." umiiyak kong bulong.

Parang sinasakal ako at walang kasingsama ang loob ko. May pagsumbat pero bakit ko siya susumbatan? Hindi niya naman kasalanang nakalimot siya dahil hindi naman siya ang humampas sa sarili niyang ulo. Nasasaktan ako sa katotohanang nakalimutan niya ako. Nasasaktan ako sa katotohanang... tangina. Hindi ko kaya yung ganito!

"Jiyuri..." mahinang bulong ni Jayden nang makalabas kami sa kwarto.

I won't forget how beautiful you are. Ang sabi niya ay hindi niya raw ako makakalimutan... I won't forget how pure and kind your heart is. Pero heto siya at nagso-sorry dahil hindi niya ako kilala.

Pagak akong natawa sa sarili. "Kung hindi ako umalis ay baka naalala niya pa ako..."

"Jiyuri, hindi mo 'yon kasalanan..." pag-aalo ni Jayden sa akin.

Sa panghihina ay napasandal ako sa pader at unti-unting dumulas doon hanggang sa mapaupo na lang sa sahig. Hinayaan ko ang pag-agos ng rumaragasang mga luha na nagmumula sa mata ko at dinadamdam ang sakit na nararamdaman ko.

I won't forget how beautiful you are. Napapikit ako nang marinig muli ang boses niyang puno ng pagmamahal. I won't forget how pure and kind your heart is. Ang boses niya na puno ng paghanga at pagkilanlan.

Gusto kong matawa. Gusto kong sampalin ang sarili ko at sabihing prank lang naman ang nangyayari ngayon. Pero hindi. Totoo... totoong nakalimutan niya ako.

"Jiyuri... please, don't blame yourself," tinig ni Jayden at lumuhod para maging kalebel ko, batid ko ang pag-aalala sa boses niya.

Sa lahat yata ng tao, itong kapatid ko na ito ang nakakakilala sa akin. Siya ang may alam ng lahat ng nararamdaman at naiisip ko. Nakakatawang nandito siya kahit ako ang dahilan kung bakit magulo ang buhay niya.

Baka lahat talaga ng nagmamahal sa akin, nasisira at nawawasak. Baka lahat talaga ng napapalapit sa akin, nasasaktan at nasusugatan. Baka hindi naman kasi talaga ako dapat minamahal. Baka naman kasi hindi dapat ako nakilala ng mga taong ito. Baka kasi... dapat hindi na lang ako nabuhay sa mundo.

"It's all... my fault, Jayden," nabasag ang boses ko. "Hindi mo ba napapansin? Lahat ng nagmamahal at napapalapit sa akin, nagugulo ang buhay."

Naging sunod-sunod ang pag-iling niya at nangilid ang luha. "Jiyuri, it's not your fault. Please don't say that..." nabasag din ang boses niya at walang ano-ano'y niyakap ako.

Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko nang maramdaman ang yakap niya na may pagmamahal. Lalong bumagsak ang mga luha ko kung gaano kasarap mayakap nang may pagmamahal at pagsuyo. Mas lalo tuloy akong naiyak dahil sa kadahilanang hindi ko na mararamdaman ang ganitong yakap ni Martin.

"From your parents... to you... to Martin—"

"Sshhh..."

"Even the band, muntik na silang mapahamak dahil sa akin," pagak akong natawa. "Bakit ko ba 'yon hindi naisip? I'm so dumb and careless!"

"It's not your fault, Jiyuri... it was never your fault," pag-alo niya sa akin.

Nanatili kami sa ganoong posisyon. Panay ang iyak ko at hagulgol. Naroroon lang siya at sinasamahan akong umiyak. Katulad noong mga bata kami, kapag pinapagalitan ako at pinapalo, nariyan siya. Kapag nasasaktan ako, nariyan siya...

Kahit na pinapaalis ko siya, nariyan siya. Kahit na sinasabi kong hindi ko siya pinagkakatiwalaan, nariyan siya. Kahit na namatay ang magulang niya sa mismong harap niya dahil sa akin, nariyan siya. Kahit na mga kamay ko ang bumaril sa kaniya, nariyan siya. Kahit na na-kidnap at pinahirapan siya nang ilang taon, nariyan pa rin siya. At kailanman, hindi siya nawala.

Ganoon ako ka-swerte sa kaniya. Kahit ako ang nagpapahirap sa buhay niya at nagpapagulo nito, hindi niya nilisan ang tabi ko.

"Jayden, Jiyuri."

Napaangat ako ng tingin. Si Jamie 'yon. Agad akong napatayo at inayos ang hitsura.

"Anong nangyari sa inyo?" kunot-noong tanong ni Marco. "Si Martin, nakausap mo na ba, Jiyuri?" tanong niya sa akin.

Tanong lang naman yon ng kaibigan niya pero para akong maiiyak na naman. Nangilid ang luha ko pero pinigilan ko 'yon.

"S-Si Jaxine, nariyan na ba?" pinilit kong huwag mabasag ang boses pero nabigo ako.

Kumunot lalo ang noo ni Marco. "Ano—"

"Kamusta si Martin?" tinig ni Matthew.

Pinasadahan ko sila ng tingin. Sina Jaxine at Matthew ay nakapambahay pa at halatang wala ng oras mag-ayos. Sina Jamie at Marco naman ay naka-casual. Sabagay, may eroplano siyang mas mabilis pa sa alas otso.

"Just go inside, people," si Jayden ang sumagot para sa akin.

Nagtataka man, pumasok na sila sa loob. Ang huling pumasok pa ay si Jaxine na nasa akin ang tingin, nagtataka at halatang gustong malaman ang nangyari.

Pumasok din ako roon para maging pormal sa pagbisita ng mga kaibigan ng asawa ko. May kirot sa dibdib ako nang maisip yon.

"Oh, Matt! Marco!" masiglang tawag ni Martin pagkakitang pagkakita sa mga kaibigan. Napatingin ito sa mga kasama nila, na mga pinsan ko. "Oh, sino yan? May asawa na pala kayo? Ba't hindi ko alam?"

"What the fuck?" bungad ni Marco sa kaniya.

"Gago, nampaprank ka ba?" gulat na tanong ni Matt.

Bumaling naman sa akin sina Jamie. "What the fuck happened, Jiyuri?"

"We'll just go outside." Paalam naman nila Lady Shi. Sumunod din sila Maxim, Rousse, Dirk, Jireo at natira ang magulang ni Martin.

"Jiyuri, what happened?" nag-aalalang tanong ni Jaxine.

Ibinuka ko ang bibig ko pero walang lumabas na salita sa bibig ko. Napabuntong hininga na lang ako at pilit na ngumiti. "I'll— uhm," nabasag na naman ang boses ko pero klinaro ko yon. "I'll just go.. out," wala sa sariling sabi ko at tinapunan ng tingin si Martin na nagtataka sa akin.

"Jiyuri, saan ka pupunta?" tanong ni Jayden.

Pilit akong ngumiti para itago ang kirot at sakit ng dibdib ko. "Aasikasuhin ko lang ang dapat asikasuhin."

"Sama ako," aniya pa.

Umiling ako. "Dito ka lang."

"Pero..."

"It's okay," paniniguro ko sa kaniya. Tinapunan ko pa sila ng tingin at tinalikuran. Bumagsak ang mga butil ng luha pagkatalikod ko, agad ko 'yong pinunasan at dumiretso sa pinto.

Tangina, ang sakit-sakit.

RICCO MARTIN'S POV

NAGTATAKANG sinundan ko ng tingin ang babaeng nagngangalang Jiyuri. Kanina pa ako nawiwirduhan sa kaniya dahil hindi ko naman siya kilala.

Magmula nang magmulat ako ng mata, hindi nila sinasabi sa akin mga pangalan niyon dahil sa sinabi ng doktor na baka matrigger ang stress.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama ng kaibigan ko. Buntis ang isa at ang isa naman ay payat na babae. Nakapambahay pa sila at parang walang oras na nag-ayos habang sila Marco ay naka-casual.

"Post-traumatic amnesia ang nangyari sa kaniya. Nakalimutan niya ang mga bagong memorya pero naalala niya ang childhood hanggang sa pagbibinata. Pero 'yong mga bagong kilala niya pa lang ay hindi niya naaalala," mahabang sabi nung babae na kamuhka ni Jiyuri, tinatawag nilang Jayden ang babaeng 'to. "And please don't tell him directly the information, baka kasi ma-trigger ang stress at mas lalong hindi siya makaalala."

Nalaglag ang panga nina Marco at Matthew. Hindi sila makapaniwalang napatitig sa akin.

Totoong naguguluhan ako at nalilito. Hindi ko alam kung bakit ganito at kapag sinusubukan kong makaalala, kumikirot ang ulo ko.

"What the fuck, bro," ang nasabi ni Matthew.

Napabuntong hininga ako. "Wala talaga akong maalala..." nagpapakatotoong sabi ko at bumaling kay mama. "Momma, can you leave us? I just want to talk with my friends." Pakiusap ko.

Agad na tumango si mama at ngumiti sa akin. "Anything for you, son." Tumayo siya at bumaling kay papa. "Let's go," sumunod si papa. Tinapunan nila kami ng tingin bago tuluyang lumabas ng pinto.

"I think we need to go, Jax," ang sabi naman ng babaeng buntis.

"Yeah, right," pabuntong hininga na sabi ng isang babae at lumapit kay Matthew para halikan sa labi, nagulat ako! "Sa labas lang ako, babe."

"Sige, I love you," sagot naman ni Matthew.

"Labas lang kami," paalam ng babaeng buntis kay Marco.

"Jax, bantayan mo muna 'tong si Jamie. Okay?" bilin pa ni Marco at yumuko para halikan sa noo ang babaeng yon. "I love you."

"I love you," sagot ng babaeng Jamie daw ang pangalan.

Nalilitong tinignan ko ang mga kaibigan ko. "Seryoso ba?"

Matthew and Marco sighed and sat beside my bed.

"Martin, I don't know how to explain." Matthew said.

"Nakausap mo na ba ang asawa mo?" tanong ni Marco.

Asawa? Napataas ang kilay ko. "May... asawa ako?"

Nagugulat na napatitig sa akin si Marco. "Hindi mo natatandaan si Jiyuri?"

"Bobo ka rin, Marco, e, kakasabi lang na 'wag magbabanggit!" pambabatok ni Matt kay Marco.

"Aray! Gago!"

Napaawang ang labi ko at napaisip. Kung ganoon ay may asawa ako? Paanong... Paano ako nagkaasawa?!

"Ano ba ang huli mong natatandaan, p're?" tanong ni Matt.

Napalunok ako at nag-isip. "Ang huling natatandaan ko ay... noong nasa high school pa tayo, ga-graduate pa tayo."

"Tangina, p're," hindi makapaniwalang mura ni Marco. "Halos sampung taon yata nakalimutan mo!"

"Ano raw ba nangyari sa akin? Ayaw kasi nila sabihin," pabuntong hiningang sambit ko.

Nagkatinginan pa silang dalawa at sabay na umiling.

Bumuntong hininga ako ulit. "Sige na, p're..."

Bumuntong hininga si Marco at nag-a-alinlangang tumingin sa akin. "Basta may humampas sa ulo mo ng bakal na tubo."

Bakal na tubo? "Sino namang hahampas sakin no'n? May kaaway ba ako?"

Mas lalong napabuntong hininga ang dalawa at talagang nahihirapan sa pagpigil sa sariling sabihin ang sagot sa tanong ko.

"Basta p're..." ang naisagot ni Matt.

Tuloy ay hindi ko maiwasang mag-isip. Kung totoong asawa ko si Jiyuri, paniguradong nasasaktan siya ngayon. Nasasaktan siya dahil hindi ko siya maalala.

Bahagyang kumirot ang puso ko dahil nakita ko ang reaksyon niya kanina. Nagtataka ako kanina pero ngayon ay nasasaktan ako. Paniguradong nasasaktan ko ang babaeng 'yon. Hindi ko man sinasadya, pero paniguradong nasasaktan siya ngayon.

JIYURI DAWNYSUS' POV

GANOON na lang ang bilis ko sa pagpapatakbo ng motor. Lahat ng traffic lights ay hindi ko sinunod. Mabilis akong nakarating sa building ng Y. Org na nasa Manila.

"Oyabun-"

Hindi ko pinansin ang mga bumabati sa akin ay walang sali-salitang pumasok sa elevator para pumunta pinakataas na floor kung saan ako nagpapameeting. Mabilis kong narating yon dahil mabilis akong naglalakad.

Walang sandaling naalis sa isipan ko ang reaksyon ni Martin kanina. Ang sakit makitang hindi niya ako nakikilala. Ang sakit pala ng hindi kayo nagbreak pero literal na nakalimutan ka niya.

Pagkapasok ko ay kompleto silang lahat doon. Walang labis, walang kulang. Sinuguro kong walang kulang dahil sa gabi na 'to ay papatay ako. Gusto kong makita nila kung sino ang kinakalaban nila.

"It's nice to see you all...here," malamig kong sabi.

"What's with the rush, Oyabun?" tanong ng Italian mafia leader.

Napangisi ako nang bahagya at dumapo ang paningin ko sa isang tsino na nakaupo sa tabi ng koreano, balisa ito at parang hindi mapakali.

"I'm about to kill people," kaswal kong sagot. "I will not let anyone to survive tonight."

"Who are they, Oyabun? What's their offense?" tanong naman ng Russian mafia leader.

Napangiti ako nang matamis. "Chinese mafia members wanted to execute my husband, which is the new leader of Chinese mafia," hindi nawala ang ngiti ko at binalik ang tingin sa tsinong naroroon. "He's now in the hospital. Too sad, they didn't succeed."

"Chinese mafia leader, Ricco Martin, is alive. We can talk about their punishment, Oyabun," ani pa ng Korean mafia leader.

Pagak akong natawa at matalim na tinignan siya. "The punishments, the decisions, everything about Yakuza Organization is on me." I paused and smiled. "And I decided to leave no survivors tonight."

"But where are the suspects?" dagdag na tanong pa ng UK mafia leader.

"Three of them were killed by Maxim. The other one is in dungeon and," tumigil ako at sinenyas ang tsinong nanginginig na sa upuan. "That. And the head of that plan is now arriving. Please come to the dungeon," nakangiting sabi ko. "And watch how I kill. I want you all to see who I am and who are you dealing with." After that sentence, I stared everybody with cold eyes. I stood up and walked out of the room.

You don't mess with the boss of the bosses. I am too dangerous and merciless. Hurt one of my loved ones and I will come to you, hurt you, kill you in every way I want.

MAXIM'S POV

PINASUNDAN sa akin ni Lady Shi ang anak niya. Nag-aalala ito na baka kung mapano siya kaya naman sinundan ko siya nang hindi niya ako nakikita. Huwag lang niya ako mahuli dahil ako ang papatayin niya.

Nakita kong papunta siya ng dungeon kaya doon din ako tumungo. Ang dungeon ang kulungan ng mga lumalabag sa organisasyon at ng mga kalaban. Nasa ilalim ng lupa ang dungeon na 'yon. Malaki 'yon at sa gitna niyon ay parang bulwagan kung saan mo pwedeng panoorin ang pagtorture o pagpatay sa isang hinatulan.

Doon din tumungo ang mga mafia leaders. Lahat sila ay nakaupo, nakapaikot sa bulwagan. Napaawang ang labi ko nang makitang hawak ng nga tauhan ang mga paparusahan. Lima sila. Batid kong ang nasa gitna ay ang nag-utos na patayin si Martin.

Napailing ako. Walang gugustuhing gumalaw kay Martin, tsong. Maski mga lamok ay hindi makakadapo dahil lason ang babalik sayo. Alam niyo kung sino ang lason? Si Jiyuri. Siya ang lason na walang lunas.

Lumabas sa kabilang parte si Jiyuri. Kasunod niya ang mga taga-silbi na may hawak ng mga kung ano-anong pangtorture. May mga pangkuryente, iba't ibang uri ng kutsilyo at espada, iba't ibang sukat at haba ng latigo.

Walang ano-ano'y hinila ni Jiyuri ang latigo at hinampas 'yon sa limang nakaluhod sa gitna ng bulwagan!

"Uhh, no, this is too short," naiiling na sabi pa ni Jiyuri at binalik ang latigo. Kinuha niya ang isa pa at hinampas uli yon sa lima!

"Ahh!" napuno ng sigawan ang bulwagan dahil sa limang 'yon habang ang mga mafia leaders ay nakaupo lamang at nanonood na para bang isa 'yong pelikula.

"No, this is too long," napailing muli si Jiyuri at binalik ang latigong 'yon.

Umawang ang labi ko nang mapagtanto ang ginagawa niya! Trial and error amputangina. Madalas niya ring gawin 'yon noon. Sinusubukan niya ang bawat gamit sa pangtorture at kapag hindi niya nagustuhan ay ibabalik niya. Para siyang bumibili sa mall ng gamit na susukatin niya at kapag hindi nagustuhan ay ilalapag ulit. Napailing na lang ako.

"Ahh!"

Napapikit ako sa sobrang lakas ng sigawan nila. Nang idilat ang mga mata, nakita ko si Jiyuri na hawak-hawak na ang kamay ng isa ay isa-isang ginugupit ang daliri ng lalaking yon gamit ang blade-scissors!

"Wow, this is cool. Trimming fingers," tumatango-tangong sabi pa ni Jiyuri at napakakaswal niyang ginagawa yon!

Sinunod niya ang apat. Napapikit na lang ako sa mga palahaw ng mga yon. Hindi ko maatim na tignan kung paano gupitin at putulin ni Jiyuri ang daliri nila. Aminado akong hindi 'yon makatao. Pero 'yon ang batas namin dito.

Kapag lumabag ka sa mga patakaran ay ang pinakamataas ang magdedesisyon kung ano at sa paanong paraan ka mapaparusahan. Too bad, they messed with Martin, the husband of the highest.

"Ahhh!! Ya!"

"Tangina, bakit ka umaaray?!" napatingin naman ako kay Jiyuri na pinupukpok ang kamay ng nasa gitna!

Nang hindi ko matiis ang napapanood, pumikit na lang ako nang mariin at inintindi ang pinagmumulan ni Jiyuri. Totoong masakit sa isang tao na nagmamahal na makalimutan siya ng minamahal niya dahil sa mga inggiterong nilalang.

"Dumbass! Your hands look so ugly!" panlalait pa ni Jiyuri habang tinitignan ang kamay ng lalaking balu-baluktot na ang mga daliri! Pero hindi 'yon tinigilan ni Jiyuri, hinablot niya ang blade-scissors at isa-isang ginupit ang daliri non na para bang papel! "Oh, shit! Hahahaha!" halakhak pa ni Jiyuri habang pumapalahaw ang lalaking yon.

Yumuko ako at bumaba ang tingin sa mga palad ko. Hindi ko na kayang panoorin 'to. Lumabas ako sa hindi napapansing pinto at kumuha ng hangin. Kahit na mula pagkabata ay naririto na ako sa Y. Org, hindi pa rin ako sanay na makakakita ng taong dahan-dahang pinapatay. I prefer the fast way to kill. But Jiyuri likes it slow... where they can scream from the bottom of their lungs.

Halos isang oras akong nakatayo at humihinga nang malalim. Patuloy kong naalala ang hitsura ng mga yon kaya hindi muna ako pumasok. Nakatulala lang ako sa labas at mula rito, rinig ko pa rin ang palahaw nila. Umabot ako ng dalawang oras bago tuluyang pumasok sa loob, napagdesisyunan ko nang pumasok dahil nagtataka ako dahil nawala ang sigawan.

Isa lang ang ibig sabihin niyon. Tinapos na sila ni Jiyuri.

Umawang ang labi ko nang pumunta ako sa pwesto ko kanina, kung saan nakikita ko siya nang malinaw. Napalunok ako at hindi makapaniwala sa ginawa niya.

Para siyang naligo sa dugo. Matalim ang titig niya at nagdidilim ang hitsura niya. Minsan lang akong natakot at sasabihin ko ngayong natatakot ako sa kaya niyang gawin. Kaibigan ko si Jiyuri pero hindi ko alam kung kilala ko talaga siya.

Jiyuri is holding their heads.

Their heads.

Hawak niya ang mga pugot na ulo ng limang 'yon. Umawang ang labi ko nang makitang hindi lang ulo ang pinutol niya roon, maging ang paa, hita, pati ang katawan nito, nakahati sa gitna!

Itinaas ni Jiyuri ang limang pugot na ulo at nagdidilim ang hitsurang humarap sa lahat, matalim ang tingin at nakakatakot talaga! Umangat ang gilid ng labi niya at kinilabutan ako sa sinabi niya!

"I am the highest Oyabun of Yakuza Organization, the boss of the bosses. The greatest Yakuza. The most dangerous and merciless Yakuza. Be careful."

**

By the way, sorry hindi ko masyadong ginawang detailed, baka magfreak-out na yung ibang magbabasa dahil hindi magiging makatao talaga kapag ginawa kong detailed. Hehe!

-jdysan

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 112K 42
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
55.1K 1.5K 36
Kasama nya sa bahay pamilya ng Tita nya ginagawa sya niyong yaya. Sa sarili nyang pamamahay dahil napaka tamad ng mga ito.Isang araw habang nasa liko...
2.1K 141 16
━━ in a sea of screaming, I listen to your voice percy jackson and the olympians ( percy jackson x fem!oc ) © iosvers
13.9K 204 17
A ninja who's past trauma has turned her into and emotionless ice queen. Can the people in her journey bring back her emotions? Read to find out