The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7.1M 228K 48.4K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 46

87K 2.9K 92
By Maria_CarCat

Natatakot ako







Marahang umiling si Piero pagkarinig niya nang sinabi ko. Ang kaninang marahang pagiling ay naging bayolente.

"Hindi yan totoo...hindi ikaw iyon Amaryllis" giit niya, kita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. Halos malukot ang mukha ko dahil sa pagiyak.

"Ako iyon Piero, ako iyon" garalgal na sabi ko pa kaya naman muli siyang nabato. Puno ng sakit ang kanyang mga mata, hindi niya pa din niya kayang tanggapin.

"Tangina hindi!" Asik niya at para akong binuhusan ng tubig ng magumpisa siyang suntukin ang kanyang lumang sasakyan. Malalakas na suntok ang ginawa ni Piero duon ng paulit ulit.

"Tama na Piero, tama na" umiiyak na suway ko sa kanya. Halos madurog ang puso ko ng marinig ko ang pagiyak nito. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit para hindi na siya makagawa pa ng kung anong ikakasakit niya.

"Tama na..." umiiyak na pakiusap ko pa sa kanya pero mas lalong lamang siyang umiyak kasabay ng mahigpit niyang pagkakayakap sa akin.

"Paanong nangyaring ikaw? Bakit ikaw Amaryllis?" Umiiyak na tanong niya sa akin, ramdam ko ang pagsisisi at galit sa kanyang boses. Nasaktan nanaman ako ng maisip kong sinisisi nanaman niya ang sarili niya.

"Hindi na importante iyon Piero, ang importante ngayon...napatawad na kita, buhay ako" malumanay na pagpapaintindi ko pa sa kanya.

Rinig na rinig ko ang kanyang mga bawat paghagulgol habang nakayakap sa akin. "Hindi ko alam, hindi ko alam..." paulit ulit na sabi pa niya kaya naman marahan kong hinaplos ang kanyang likod. "Alam ko..." tipid na sambit ko. Alam ko namang wala talaga siyang kaalam alam na ako ang nabangga niya.

Hindi kaagad ito bumitaw sa akin. Hinayaan ko siyang ilabas ang kanyang pagiyak, naghintay ako hanggang sa kumalma siya. "Mahal kita Piero..." buong lambing na sabi ko sa kanya para iparamdam sa kanyang hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi iyon mabawasan.

Sandali siyang humiwalay sa akin, hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi bago niya pinagdikit ang aming mga noo. "Sinaktan nanaman kita, nasaktan nanaman kita" malungkot na sabi niya sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Marahan akong umiling. "Matagal na iyon. Mahal mo naman ako ngayon, iyon ang importante" pagaalo ko sa kanya pero mariin lamang siyang napapikit.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng muli niya akong hinila para yakapin. Nang kumalma si Piero ay kaagad ko siyang inayang umuwi sa bahay para magamot ang kanyang kamay. May sugat iyon at paniguradong mamamaga.

"Sorry...Sorry baby alam kong hindi sapat" mahinahong sabi niya sa akin. Tipid ko siyang nginitian pero hindi niya iyon ginantihan, nabalot ng kalungkutan ang mukha ni Piero.

Nakaupo kami sa may Sofa habang ginagamot ko ang kanyang sugat sa kamay. Kahit pa nakatuon ang atensyon ko sa aking ginagawa ay ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Piero, masyadong malalim.

"Why do I feel na everytime na hahawakan kita masasaktan ka" may bahid ng puot na sabi niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig habang nakatingin sa kanya.


Tinanggap ko ang bigat ng tingin ni Piero sa akin, punong puno iyon ng emosyon. "You're too vulnerable at pakiramdam ko ako ang sumisira sayo" medyo pumiyok na sabi pa niya.

Naginit ang gilid ng aking mata ng makita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Mahal na mahal kita Amaryllis, pero palagi naman kitang sinasaktan. Napakagago ko" galit na utas niya, nakita ko ang pagkuyom niya ng kanyang kamao. Kaya naman bago pa niya masaktan ang kanyang sarili ay hinawakan ko na ang kanyang kamay.

"Hindi yan totoo Piero, kabaliktaran ang lahat ng sinasabi mo. Hindi mo ako sinasaktan" pagpapaintindi ko sa kanya tsaka ko siya hinalikan sa kanyang ulo.

Matapos ang gabing iyon ramdam ko na ang pagbabago ni Piero. Hindi siya nagbago sa pagaalaga sa akin, pero ngayon mas naging maingat siya. Kung ituring niya ako ay para akong isang crystal na sa kaunting maling galaw niya ay mababasag.

"May gusto ka bang ulam para mamaya?" Nakangiting tanong ko sa kanya para sana kahit papaano ay gumaan ang kanyang loob.

Pumungay lamang ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. "Yung niluto kong ulam na lang ang dalhin mo wag ka ng magluto" sabi niya sa akin na ikinagulat ko. Kaagad akong napalingon sa aming kaldero at nakitang may luto na ngang ulam duon.

Napanguso ako. "Pero Piero ako dapat ang magluluto ng ulam mo" malungkot na sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Hinalikan niya lamang ako sa aking noo. "Wag na, ayokong mapagod ka" tipid na sagot niya sa akin kaya naman hindi na lamang ako umimik habang palabas kami ng bahay para ihatid siya.

Magkasiklop ang aming mga kamay habang naglalakad papalapit sa may gate. Napatingin ako duon ng maramdaman kong hindi na ganuon ka higpit ang hawak ni Piero sa akin, hindi kagaya ng dati. Marahan kong pinisil anh kanyang kamay kaya naman nilingon niya ako.

"May sakit ka ba? Bakit parang ang tamlay mo?" Panguusisa ko pero umiling lamang siya. "Ayos lang ako" sagot niya sa akin kaya naman bumagsak ang aking balikat.

Kahit alam kong may iba kay Piero ay nginitian ko pa din siya. "Ingat ka, maaga akong pupunta duon mamaya" sabi ko sa kanya tsaka ako tumingkayad para halikan siya. Hindi naman ako nabigo dahil ginantihan niya iyon. Maging ang maingat niyang paghawak sa aking bewang ay ramdam na ramdam ko din.

Tinanaw ko pa si Piero habang naglalakad sila ni Tito Darren palayo para magtungo sa palayan. Ilang beses itong lumingon sa akin kaya naman panay ang kaway ko sa kanya. Napabuntong hininga ako pagkapasok ko sa bahay. Hindi man sabihin ni Piero ay alam kong sinisisi pa din niya ang kanyang sarili. Natatakot siyang masaktan niya ako kaya siya nagkakaganyan.

Pagkatapos kong maglinis ng bahay ay nagayos ako kaagad para makapunta sa palayan. Alas diyes pa lang pero pupunta na ako duon para manuod kay Piero. Ngiting ngiti pa ako habang naglalakad papunta duon pero bahagya akong napatakbo ng makita ko si Xalaine na nakaupo sa may ilalim ng puno at nakatanaw din sa mga nagtratrabaho.

"Xalaine!" Tawag ko sa kanya. Nakangiti siyang tumayo para salubungin ako.

"Anong ginagawa mo dito? Maaga pa ah" seryosong tanong ni Piero sa akin kaya naman dahan dahang napawi ang ngiti sa aking labi.

Nanatiling nakababad ang mga paa niya sa putik, maputik na din ang kamay niya at ilang bahagi ng kanyang damit. "Naghatid ako ng pagkain, di ba sabi ko maaga akong pupunta" malumanay na sagot ko sa kanya pero sumimangot lamang si Piero.

"Anong gagawin mo dito? Mainit dito" iritadong sabi pa niya sa akin kaya naman humaba ang aking nguso.

"Ito naman si Kuya Piero, naglalambing na nga si Amaryllis sayo ayaw mo pa, ang arte mo" pangaasar ni Xalaine sa kanya. Pero imbes na sumagot at makipagasaran sa pinsan ay inirapan na lamang niya kaming pareho.

Niyaya ako ni Xalaine na umupo katabi sa kanya. "Wala na akong magawa sa bahay, sawa na din ako sa pangangabayo" natatawang kwento niya sa akin na tinawanan ko din. Pero hindi ko naiwasang mapasulyap kay Piero, nakatuon ang atensyon nito sa kanyang ginagawa pero pansin ko pa din ang paminsan minsan niyang pagsulyap sa akin.

"Amaryllis duon tayo oh" yaya at turo niya sa akin sa may kalapit na burol. May kataasan iyon kaya naman siguradong kung nanduon ka sa itaas ay mas makikita mo ang buong kapatagan.

Mabilis akong ngumiti at tumango kay Xalaine. "Sige tara" yaya ko pa sa kanya.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Piero sa amin kaya naman kaagad na tinuro ni Xalaine ang burol. Kita ko ang pagsama ng tingin niya sa burol na tinuro ni Xalaine.

"Hindi, diyan lang si Amaryllis. Walang aalis" masungit na sabi niya sa amin kaya naman padabog na umupo muli si Xalaine.

"Ano bang nangyayari diyan, bata ka pa ba?" Inis na inis na tanong ni Xalaine sa akin at napahalukipkip pa.

Tipid ko siyang nginitian at marahang umupo pabalik sa kanyang tabi. "Pinoprotektahan lang tayo ni Piero" sagot ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang napabusangot.

Bago pa mananghalian ay umalis na din si Xalaine. Mula sa malayo ay nakita ko ang sasakyan ni Rafael. Mukhang sinundo talaga siya nito para sabay silang kumain ng tanghalian.

Nasa kay Piero ang buong atensyon ko ng isa isa silang umahon mula duon. Naglinis siya ng paa at naghubad ng damit bago siya lumapit sa akin. Alanganin akong napangiti sa kanya dahil sa iritasyon niya kanina sa maaga kong pagdating.

"Hayaan mo bukas, sa tamang oras na ako darating" nahihiya pang sabi ko sa kanya kaya naman narinig ko ang mahina niyang pagmukha. Lumapit siya sa akin at hinapit ako sa bewang.

"Hindi naman sa ayaw kita dito baby, naisip ko lang na mas magandang nanduon ka na lang sa bahay" pagod na paliwanag pa niya sa akin kaya naman napatango tango na lamang ako.

Kumaim kami ni Piero, paminsan minsan ay sinusubuan pa ako nito pag nakikita niyang maliit lang ako kung kumain. "Piero wag ka ng magalit sa akin please..." pakiusap ko sa kanya matapos niya akong subuan ulit ng kanin at ulam.

Sandali niya akong sinulayapan. "Hindi naman ako galit sayo" laban pa niya sa akin kaya naman natahimik na lamang ako.

Umuwi din ako kaagad pagkatapos nuon para tumulong kay Afrit na magbenta ng mirienda. Hindi katulad ng ibang araw ay medyo naging matumal ang aming benta. "Syempre nagsasawa din ang mga tao pag paulit ulit" pagrarason sa akin ni aling Afrit tungkol sa mga paninda niya pero tinamaan ako sa ibang bagay.

Nagalala ako ng isipin kong baka nagkakaganuon si Piero dahil sawa na siya sa katigasan ng ulo ko at sa palagi kong pagsuway sa kanya. Hindi lamang iyon, madami din akong sinikreto sa kanya, palagi akong nagsisinungaling sa kanya.

Pagkatapos magtinda ay muli kong sinubukang maghanap ng fishball vendor. Hindi ko naabutan iyon dahil medyo hinapon kami ni Aling Afrit kaya naman imbes na kikiam ang dala ko para kay Piero ay binilhan ko na lamang siya ng turon na ibinibenta namin ni Aling Afrit.

"Naku Amaryllis wag mo ng bayaran iyan, ikaw talagang bata ka" suway pa sa akin ni Aling Afrit ng ipilit kong ibigay ang bayad ng turon na bibilhin ko.

Nagmadali akong umuwi sa amin, naabutan kong nakaupo si Piero sa may sofa. Nagpapaypay ito gamit ang sumbrero niya sa pagtatanim. Napahinto siya ng makita ako.

"Kanina ka pa?" Nakangiting tanong ko sa kanya at kaagad akong naglakad papalapit sa kanya, umupo ako sa kanyang tabi kaya naman kaagad nalipat ang kamay ni Piero sa aking likuran.

"Walang kikiam eh, kaya turon muna ang pasalubong ko sayo ha" malambing na sabi ko sa kanya. Dahil duon ay naramdaman ko nanaman ang tumatagos na pagtitig ni Piero sa akin. Titig na titig siya sa akin na para bang hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ako.

"Sobrang tamlay mo nagaalala ako sayo" nakangusong sumbong ko sa kanya.

Naramdaman ko ang kamay niya sa aking balikat at kaagad akong hinila para mapalapit sa kanya. "Ayos lang ako, pagod lang" pagod ngang sagot niya sa akin.

Niyakap ko din siya pabalik. "Mas gusto kong nagsasalita ka kahit puro kabastusan ang lumalabas sa bibig mo...kahit palagi mo akong inaasar" sabi ko pa sa kanya kaya naman hindi na niya napigilan pang mapangisi.

Marahan niya niya akong hinalikan sa pisngi. "Pagod lang talaga ako" laban pa niya.

Nanahimik na ako, dinama ko na lamang ang pagkakayakap ko kay Piero. Ilang minuto lang naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago siya muling nagsalita.

"Hindi ka ba nagalit sa akin?" Tanong niya kaya naman napatingala ako para magtapat ang aming mukha.

"Hindi"

"Impossible Amaryllis, sinagasaan kita" giit niya pa.

Naapaayos ako ng upo para mas maayos kaming makapagusap. "Narealize kong masyadong maiksi ang buhay para magtanim pa ako ng galit sa ibang tao..." paguumpisa ko, hindi ko kinaya ang tingin sa akin ni Piero kaya naman nagiwas ako ng tingin.

"At mahal kita kaya napatawad kita kaagad" paninigurado ko pa sa kanya.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking kamay. "What did i do right to deserve you baby?" Malambing at medyo paos na tanong niya sa akin.

"Masama akong tao..." dugtong pa niya na kaagad kong pinigilan.

"Piero hindi ka masama, hindi ka masama" madiing pagpapaintindi ko sa kanya.

Imbes na sumagot ay muli na lamang niya akong kinabig para mayakap ng mahigpit. "Natatakot na akong saktan ka. Tell me baby, ano pa ang pwede kong gawin para hindi na kita masaktan?" Ramdam ko ang takot sa kanyang boses.

"Pag malakas ka, malakas ako. Pag mahina ka, nanghihina din ako. Pag nasaktan ka...masasaktan din ako. Kaya hayaan mong alagaan din kita" pagpapaintindi ko pa sa kanya.

Kita kong pinipilit muli ni Piero na bumalik sa dati ng mga sumunod na araw. Kahit papaano ay nakakabawi bawi na din siya at bumabalik na anh sigla. "Pupunta ako ng bayan mamaya para mamalengke" paalam ko sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo. "Hintayin mo na ako, sasamahan kita" pagtanggi niya.

"Ayos lang naman ako Piero, wag kang magalala uuwi naman kaagad ako" laban ko pa sa kanya. Kita ko sa kanyang mukha ang pagdisgusto sa aking gagawin pero sa huli ay hinayaan niya na lamang din ako.

Pagdating sa may gate ay kaagad na pumulupot ang braso niya sa aking bewang. "Bumili ka ng bago damit at kung may makita kang nagustuhan mo bilhin mo" sabi niya sa akin habang patuloy ang paghalik niya sa aking ulo.

Tumango tango na lamang ako kahit ang totoo ay wala naman talaga akong balak na bumili ng bagong damit. Una kong plano na bilhan si Piero bagong mga tshirt lalo na at palagi siyang nasa putikan. Pagkaalis niya ay sandali lamang akong nagayos at kaagad ding tumulak patungo sa bayan.

Hindi naman na ako nahirapan pa na maghanap ng mga bagong tshirt para kay Piero, namili na din ako ng mga kulang para sa bahay namin. Busy ako sa pamimili ng kaagad na may tumabi sa aking matangkad na lalaki, nakasuot ito ng sumbrero at nakashades pa. Hindi ko sana siya papansinin ngunit masyado siyang madikit sa akin.

Kumunot anh aking noo at kaagad ko siyang nilingon. Nanlaki ang aking mga mata ng mamukhaan ko siya. "Lance?" Gulat na tawag ko sa kanya. Kaagad niyang inilagay ang hintuturo niya sa kanyang labi para patahimikin ako.

Inakay niya ako palabas duon sa palengke. Sa hindi kalayuan ay pumasok kami sa kanyang nakapark na sasakyan. "Anong ginagawa mo dito?" Kaagad na tanong ko sa kanya.

Mabilis niyang tinanggal anh suot na sumbrero at shades. "Ilang araw na akong pabalik balil dito, hindi ko naman alam kung saan kayo hahanapin. Mabuti na lang at nakita kita Amaryllis" hinihingal pang sabi nito.

"May problema ba Lance?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.

Bayolente siyang napalunok. "Wala na kami sa San Rafael, nagtungo duon si Rajiv at hinahanap ka" sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

"Paano niya nalaman iyon?" Nagtatakang tanong ko perp nagkibit balikat lamang si Lance.

"Nasa San Rafael na sila, kaya pumunta ako dito para balaan kayo ni Piero. Hindi lang si Rajiv ang naghahanap sa inyo..."

"Sino pa?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"Ang Agrupacion. Kasama ni Rajiv ang ilan sa mga tauhan ng Agrupacion. Papatayin nila si Piero" problemado at nagaalalang kwento sa akin ni Lance sa akin.

Bumigat ang aking dibdib. "Hindi nila pwedeng gawin iyon kay Piero" emosyonal na sabi ko.

Kita ko ang pagaalala sa mukha ni Lance. "May dapat ka pang malaman Amaryllis" sabi niya sa akin na para bang nagdadalawang isip pa siyang sabihin iyon.

Hindi na ako nakapagsalita pa, hinintay ko na lamang na dugtungan niya iyon. "Hawak ni Rajiv ang Papa at kapatid mo...mukhang gagamitin nila iyon para makuha ka" pagsiwalat ni Lance kaya naman hindi ko na kinaya at tuluyan ng naiyak.

"Gusto ba nilang ilayo ako kay Piero? Hindi ko kaya..." umiiyak na sabi ko kay Lance. Marahan niyang hinaplos ang aking likuran.

"Mukhang desidido si Rajiv na patayin si Piero. Kailangan niyong magingat Amaryllis" paalala pa niya sa akin.

Nagpaalam na si Lance sa akin, nangako naman siyang babalik siya para sa amin ni Piero pars tingnan tingnan kami at palaging maghahatid ng balita. Wala sa sarili akong umuwi sa amin, parang bigla akong nawala sa aking katinuan dahil sa mga nalaman. Si Papa at Akie ay hawak ni Rajiv, si Piero ay gustong ipapatay ng Agrupación. Sa lahat ng problema, isa lang ang solusyon. Iyon ay ang magpakasal ako kay Rajiv.

Halos buong araw na akong nakakulong sa bahay. Mabuti na lamang ay walang tindang mirienda si Aling Afrit ngayong araw dahil mayroon siyang malakad. Halos ilang oras ang ginugol ko sa pagupo sa may sofa habang iniisip ang aming problema. Lumipas pa ang ilang oras hanggang sa napansin ko na ang paglubog ng araw mula sa labas. Kumunot ang aking noo ng mapansin kong wala pa din si Piero hanggang ngayon.

Lumabas ako at tsaka kaagad na nagtungo kay tita Luna para makapagtanong. "Tita Luna nandyan na po ba si Tito Darren?" Tanong ko sa kanya kaya naman nagulat din siya.

"Hindi ba nagpaalam sayo? Ang sabi ng tito mo sa akin, makikipaginuman sila sa may kanto" sagot niya sa akin kaya naman kaagad bumagsak ang aking balikat. Hindi man lang ito nagpaalam sa akin, papayagan ko naman siya kung magsasabi siya.

Bigo akong bumalik sa bahay. Iniisip ko pa din ang tungkol sa Agrupación at kay Rajiv, ngayon ay pati si Piero iniisip ko na din. Pagod akong bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Napabuntong hininga ako dahil sa bigat ng problemang kinakaharap namin ni Piero. Bakit kaya hindi na lang kami natulad sa mga ordinaryong tao na pwedeng mahalin kung sino ang gustuhin nila. Yung mga taong kaya pang mangarap dahil may hinaharap pa sila. Ako, hindi ko na alam kung hanggang kailan na lang ako. Ang pangarap ko ay nangyayari na sa akin. Kung hanggang saan lang ito, hanggang duon lang ang pangarap ko.

"Amaryllis!" Sigaw na tawag ni Tita Luna sa akin mula sa labas. Nagulat ako kaya naman mabilis akong tumakbo palapit sa kanya.

"Si Piero!"

Lalong bumigat ang dibdib ko habang tumatakbo kami patungo sa may kanto kung saan nakikipaginuman sina tito Darren at Piero. Naikuyom ko ang kamao ko habang patuloy na tumatakbo, gusto ko na ding maiyak. Mula sa malayo ay nakita kong nagkakagulo na sa may tindahan.

Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo para hanapin siya. Napaiyak ako ng maabutan kong binubugbog siya ng lalaking nakadagan sa kanya.

"Tama po! Tama na po!" Umiiyak na pakiusap ko.

Mas lalong dumami ang tao dahil sa kaguluhan kaya naman mabilis nilang naalis ang mamang nakadagan kay Piero. Kaagad ko siyang dinaluhan at niyakap. "Ang yabang mo! Dayo ka lang naman dito, kung hindi dahil kay Darren mapapasama ka sa akin!" Asik at panduduro sa kanya nung lalaking nambugbog sa kanya.

"Pasencya na po" umiiyak pa ding sabi ko sa kanya. Kaagad siyang hinila palayo ng mga kasama kaya naman muli akong bumaling kay Piero.

May dugo ang kanyang bibig at ilang sugat ang kanyang pisngi. "Piero ano bang nangyayari sayo?" Umiiyak na tanong ko sa kanya pero tumawa lamang ito.

Hindi siya nanlaban. Hinayaan niyang bugbugin siya nung lalaki. Kaagad siyang inakay ni Tito Darren para makauwi na kami. Panay pa din ang iyak ko habang naglalakad kasunod sa kanila.

"Tahan na Hija, nagaway ba kayo?" Nagaalalang tanong ni Tita Luna sa akin. Kaagad akong umiling sa kanya bilang sagot.

Kaagad siyang inupo ni Tito Darren sa may sofa. Nang masigurado nilang ayos na ako ay nagpaalam na din sila. Lasing din si Tito Darren kaya naman inakay na siya ni Tita Luna pauwi sa kanila. Iniwan ko ang nakaupo si Piero sa may sofa. Kumuha ako ng maliit na batya na may lamang maligamgam na tubig at tsaka bimpo.

"Bakit mo ginawa iyon Piero, ano ba ang nangyayari sayo?" Malungkot na tanong ko sa kanya habang marahan kong pinupunasan ng basang bimpo ang kanyang pisngi. Napatigil ako ng hawakan niya ang aking kamay na nagpupunas sa kanya. Pumungay ang kanyang mga mata ng tumingin siya sa akin, inabot ng kanyang kabilang kamay ang aking pisngi.

"Tangina Piero pinayak mo nanaman ang asawa mo" galit ba utas niya sa kanyang sarili.

"Piero" tawag ko sa kanya.

"Pinaiyak nanaman kita baby? Tangina ko talaga, napakagago ko" malambing na sabi niya sa akin. Dinama niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang pisngi.

"Bakit ka nagpabugbog, kayang kaya mo nga sila lahat duon eh. Bakit ka nagpabugbog Piero, bakit mo hinayaang masaktan ka?" Inis na tanong ko sa kanya at muling naiyak.

Kumirot ang dibdib ko ng makita ko ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. "Gusto kong parusahan ang sarili ko, gusto kong saktan ang sarili ko" sagot niya sa akin.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi para itago ang mga hikbi. "Piero naman..." daing ko sa kanya.

Napatayo ako ng makita ko ang kanyang hirap na pagtayo. Napaawang ang aking bibig ng kaagad siyang lumuhod sa aking harapan. Nakayakap na siya ngayon sa aking bewang.

"Natatakot ako tangina, natatakot ako" umiiyak na sabi niya sa akin habang patuloy ang mahigpit niyang pagkakayakap sa aking bewang. Nanatiling nakaluhod si Piero.

"Wag mo akong iwanan Amaryllis. Wag mo akong iiwanan. Hindi ko sinasadyang masaktan ka" pakiusap pa niya sa akin.

"Tama na Piero, Tama na..." pagpigil ko sa kanya at pilit ko siyang hinihila patayo pero nagmatigas siya.

"Baka iwanan mo ako dahil sa nagawa ko sayo. Hindi ko kakayanin Amaryllis...hindi ko kaya, tangina" matigas na sabi pa niya.

Hindi ko napigilang hindi mapahagulgol. "Pakiramdam ko iiwanan mo ako" parang batang sumbong pa niya sa akin kaya naman muling kumirot ang aking dibdib.

Inabot ko ang kanyang pisngi. Marahan ko iyong ikinulong sa aking mga palad. "Basta palagi mong tatandaan na lahat ng gagawin ko para sa atin...para sa ikabubuti mo" pagpapaintindi ko sa kanya.

Mas lalong nalukot ang kanyang mukha. "Tangina Amaryllis, wag palagi ako" asik niya sa akin.

Yumuko ako para pagdikitin ang aming mga noo. "Hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako Piero...natatakot na din ako" umiiyak na sumbong ko sa kanya.




















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 521 41
Amanda Louise Addisson, a girl who chose to work in Japan to become a Computer Engineer there. But when she arrived in Japan she didn't have work to...
251K 14K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
10.9M 354K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook