Crush Life

By strange_writer_0321

2.4K 149 15

Alin ka dito? Naging friend mo yung Crush mo .. or naging crush mo yung Friend mo? Maalin man sa dalawa ang n... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 4

76 6 0
By strange_writer_0321


Hindi pa rin makapaniwala si Charles na nasabi ni Jarmcel na nag-iba na ang sitwasyon. Hindi na pwedeng ipagpatuloy ang pagkacrush niya sa binata dahil nakasalalay dito kung maisasalba pa ba niya ang nabuong pagkakaibigan nilang dalawa.

Sa gabing yun, magkasunuran din silang sumakay ng bus papauwi. Umaasa na maiba ang hangin kumpara sa tensyon na nangyari sa may bus station, sa Kapitolyo.

Pero mahirap mawaglit sa isipan ng dalawang lalaki na nakaupo sa iisang upuan, dati pa rin nilang pwesto, na ang kanilang pagtatalo ay magdulot na nga ng mga pagbabago.

Ang tatlumpung minuto ay napakatagal na oras lalo na't kapag walang kausap. Ganito ang eksena na gusto ng matapos ng dalawa. Pero wala sa kanila ang naglalakas-loob na unang magsalita.

Di kalauna'y may isang ng sumuko o nagpaubaya -- alin man sa dalawa ang rason, may isa nang nagsimula ng usapan.

"Kailan ka magsisimula?" Sa mahinang boses nagmula ang mga unang salita. Kay Charles.

Hindi nalingon si Jarmcel sa kanan, pansamantalang prinoseso kung saan patungkol ang tanong ng katabi niya. Pero malamang sa malamang, may kinalaman yun sa panliligaw niya sa natitipuhan babae sa unibersidad.

"Hindi naman agad-agad yun diba?" Nagkameron na ng tugon sa kabilang bahagi ng usapan. Nagsalita na rin si Jarmcel na may tonong gusto niyang kunin ang opinyon ng kaibigan. "Kailangan magsimula muna sa pagkakaibigan."

Sinilip ni Charles ang mukha ni Jarmcel, pero malayo ang tingin nito habang nakaharap sa bintana. "Ibig sabihin, mali pala talaga ang naging entrada ko -- inuna ko munang magkagusto sa'yo kaysa maging magkaibigan tayo. Binaliktad ko pala ang takbo." Pabulong na sabi niya.

Hindi ito narinig ni Jarmcel. At wala na ulit nagtangka pang magbukas ng bibig sa kanila. Tuluyan na ngang natapos ang 30 minutes ng pagka-ilang habang natakbo ang sasakyan.

Ang saglit na pag-uusap nila ay isang malabong pangitain kung ano nga na ba ang mga mangyayari sa mga susunod na araw, sa kanilang relasyon bilang magkaibigan.

Kinabukasan. Magkasabay na bumaba mula sa loob ng bus sina Jarmcel at Charles, sa station sa may Kapitolyo. Ang naging siste sa byahe, katulad ng nakaraang gabi. Tahimik ang naging ruta ng bus mula sa kanilang pinanggalingan hanggang sa natumbok nila ang lugar kung saan nagsimula ang kanilang diskusyunan.

"Una na ako ha. May dadaanan pa ako eh." Sambit ni Jarmcel sa kaibigan niya at nanakbo na nga siya papalayo.

Sa kanilang dalawa, mas hindi kaya ng naunang umalis ang pagka-ilang ng sitwasyon.

Habang naglalakad mag-isa, napabulong nalang si Charles. "Madali lang naman sa'kin na palitan ang pagtawag ko. Pero hindi ganun kadali maalis ang nararamdaman ko para sa'yo." Napabuntong hininga na lamang siya.

Sa klase, hindi man pansin ng iba. Pero hindi na gaanong nagkakaimikan ang dalawa. Sa kabila nun, hindi pa rin naman nawala yung turing nila sa isa't isa. Hindi lang ordinaryong magkaklase kundi magkaibigan pa rin naman .. na may konti lang ilangan.

"Answer this at ½ crosswise." Utos ng Prof sa unahan. As usual, hindi lahat ng estudyante masipag magdala ng papel. Kung meron man, naging scratch na nila sa ibang math problems.

"Pahingi ako, hati nalang kami. Yown! Salamat!" Nakahingi na agad si Charles ng isang piraso ng yellow paper at hinati na rin niya agad ito ng ID niya.

"Oh." Ipinatong niya yung kalahati sa arm rest ni Jarmcel. Normal naman sa kanila ang maghatian. Kung sinong unang makahingi, siya ang magbibigay.

Hindi umimik ang katabi niya. Nagsimula nalang silang magsagot ng kwentong tungkol sa lalaking umakyat sa 10th floor ng building at natripan niya lang maglaglag ng bola. Utos ng babaeng prof na nasa unahan na kunwaring walang hangin at dapat nilang alamin kung sa pang-ilang segundo maaabot ng bola ang lupa.

"Bakit ba kasi naisipan nitong mag-dribol ng ganung kataas." Pabulong ni Charles.

Ganoon din sa cafeteria, si Jarmcel ang unang uupo at matik na katabi niya ang kaibigan niya.

"Oh oh! May nakaupo na dyan." Pagsasaway ng binata sa isa niyang kaklase na paupo palang sa upuan, sa tabi niya. Nakasanayan nila na magdaldalan habang nakain kaya hangga't maaari magkatabi sila ni Charles.

Umupo na rin si Charles agad sa tabi nito. Pero sa pagkakataong ito wala na munang daldalan nangyari.

Tumakbo ang mga oras sa loob ng university nang hindi nag-iimikan sina Charles at Jarmcel. Hindi ito big deal para sa mga taong nakapaligid sa kanila, kaya wala rin talagang nakapansin. Pero sa dalawang taong bag-iiwasang magtama ang kanilang mga mata, magkausap at magkadikit man lang ang dulo ng mga damit .. mahirap ito para sa kanila.

Si Michael ang unang nakahalata. "Pare, mukhang nakausap mo na si Charles about sa sinabi ko sayo ah. Hindi ka na niya tinatawag na Crush niya. Hahaha."

"Ahh. Oo." Bigkas ng binata na tuloy pa rin sa pag-atake ng Hero niya sa ML. "Wag ka ngang magulo dyan, Michael." Pamumuna niya.

"Itigil mo muna yan. May sasabihin ako sayo." Malaki ang ngiti sa mukha ni Michael na tila ba excited na excited sa dala niyang balita.

"About kay Gabriella." Biglang napatigil sa paglalaro si Jarmcel. Naenganyo sa magandang pangalan narinig niyang binigkas ng lalaki sa tabi niya.

"Ganito .." Lumapit ang mukha ni Michael sa tenga ni Jarmcel para tanging silang dalawa lang ang magkarinigan. Isinalaysay ng detalyado ng lalaki sa kanya kung paano ang dapat niyang gawin mamayang hapon, uwian nila.

Parang mabilis nagdaan ang ilang buwan na sabay lang maglakad ang dalawang binata papunta sa bus station, pauwi sa lugar nila na dalawang bayan ang layo sa Kapitolyo.

Subalit sa hapong ito, mas pinaramdam ng kahel na kalangitan at mga natural na tunog ng kapaligiran ang pag-iisa ni Charles na tahakin ang daang kahapong kasabay pa niya rito ang Crush niya.

"Kaya pala nagmamadali siyang umalis ng klase .." Bigkas mag-isa ni Charles habang patuloy pa rin sa mabibigat na hakbang.

"Ihahatid mo pala si Gabriella." Sinundan niya kasi ng patago si Jarmcel, at nakita niyang sinalubong nito sa hagdanan pababa ang babaeng gusto niya. Masayang masaya kung paano niya batiin ang dalaga, at kung paano kausapin at alalayan habang naglalakad silang dalawa.

Sinundan ni Charles ang dalawang taong nakatalikod na nagtatawanan pa habang nag-uusap. Humiwalay na sila sa grupo ng babae at tinahak ang ibang daan, papunta sa bus station na sasakyan ni Gabriella.

Mula sa kinatatayuan ni Charles na napag-iwanan na, pumasok sa isipan niya na mas mabuti nalang sigurong sumuko na. Halata naman nang masaya ang taong gusto niya, yun nga lang sa piling ng iba. At hindi niya rin maitatanggi na bagay rin talaga si Jarmcel at yung babaeng nililigawan na niya.

Nagpatuloy na sa paglalakad si Charles hanggang marating na rin ang istasyon. Pigil-pigil niyang pumatak ang naiipong tubig sa mata niya lalo na nung umupo siya paboritong pwesto nila. Pero dahil, mag-isa lang naman siya .. Siya na ang umupo sa tabi ng bintana, hinugot ang phone mula sa bulsa at ipinasak na sa isang tenga ang nakakabit ditong skyblue na linya. Naiwan niya palang natugtog ang isang kanta..

< Play the YT video above. All credits to all rightful owners. >


🎵🎵 Hindi mo na mapipilit, wala ng babalikan

Sa liwanag mong nang-aakit, ayoko ng masaktan

Nakikiusap sayo, patawarin mo na lang ako

Patawarin .. 🎵🎵 


Nagsimula na ring umaandar ang bus at nasilayan ni Charles ang mga bagay na hindi niya karaniwang nakikita mula sa nakasanayang pwesto niya.


🎵🎵 Pasensya ka na at 'di ko na rin madama

Kay tagal kitang hinihintay

Pasensya ka na at kaya ko ng mag-isa

Kalayaan sa kamay ng lumbay .. 🎵🎵


Tanging mga likod lang ng sasakyan dati ang natatanaw niya sa harap na salamin ng bus, pero sa pagkakataong ito. Nakita niya ang ganda ng lahat ng nadaraanan ng sasakyan mula sa kanyang kinauupuan. "Kaya pala laging nakatingin si Jarmcel sa labas ng bintana.", wika niya.


🎵🎵 Ikaw na rin ang nag-sabi, tapos na ang lahat

Uunahin na ang sarili, makuha lang ang sapat

'Wag ka sanang magtampo, mas mabuti na ako'y lumayo

Lumayo .. 🎵🎵


Yung mga puno na nasayaw habang nakikipaglaro sa hangin. Ang mga pailaw sa kalye dahil sa iba't ibang establisyemento na nakahanay sa gilid ng daan na bumubuhay sa araw na malapit nang magtapos. Mga sari-saring sasakyan na tumatakbo ng pasalungat sa kanyang paningin. At iba't ibang klase ng tao na tinitignan niya habang lumampas sa kanyang mga mata.


🎵🎵 Pasensya ka na at 'di ko na rin madama

Kay tagal kitang hinihintay

Pasensya ka na at kaya ko ng mag-isa

Kalayaan sa kamay ng lumbay

Pasensya ka na at 'di ko na rin madama

Kay tagal kitang hinihintay

Pasensya ka na at kaya ko ng mag-isa

Kalayaan sa kamay ng lumbay .. 🎵🎵


Lahat ng ito ay di niya nakita sa kadahilanang mas pinili niyang tumingin lang iisang tao. Na hinayaan niyang umiikot ang kanyang mundo sa isang bituin na nagpatigil sa kanya sa isang pwesto. Pwesto kung saan, hindi niya natatanaw na mas maganda palang pagmasdan ang kalawakan at mas masayang mabuhay na di lang siya nakapako sa iisang nilalang.


🎵🎵 Pasensya ka na at 'di ko na rin madama

Kay tagal kitang hinihintay

Pasensya ka na at kaya ko ng mag-isa

Kalayaan sa kamay ng lumbay .. 🎵🎵


"Handa na ako." Binitawan niya ang mga salitang kanina'y malabo pa sa kanya.


🎵🎵Pasensya ka na

Pasensya ka na

Pasensya ka na

Pasensya ka na .. 🎵🎵


*** End of Chapter 4 ***

I hope you enjoy this chapter 😊

If you do, please remember to comment and vote -- it really means a lot for me! 😘😍

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 119K 43
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
6.5M 179K 55
⭐️ α΄›Κœα΄‡ α΄α΄κœ±α΄› ʀᴇᴀᴅ κœ±α΄›α΄€Κ€ α΄‘α΄€Κ€κœ± κœ°α΄€Ι΄κœ°Ιͺα΄„α΄›Ιͺᴏɴ ᴏɴ α΄‘α΄€α΄›α΄›α΄˜α΄€α΄… ⭐️ ʜΙͺΙ’Κœα΄‡κœ±α΄› Κ€α΄€Ι΄α΄‹Ιͺɴɒꜱ ꜱᴏ κœ°α΄€Κ€: #1 ΙͺΙ΄ κœ±α΄›α΄€Κ€ α΄‘α΄€Κ€κœ± (2017) #1 ΙͺΙ΄ α΄‹ΚΚŸα΄ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
28.9M 916K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...