The Photographer Obsession( O...

By frustratedwoman

6.1K 82 15

Photographers Obsession Date started: June 11,2020 More

Prologue
Chapter1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
Chapter 7
Chapter8
Chapter9
CHAPTER 10
ChAPTER 11

CHAPTER 5

407 3 0
By frustratedwoman

Chapter Five

#BREAKFAST

#Shanta

Maaga pa lang gising na ako. Kahit mamaya pang alas-onse yong shed ko sa shot.
Pano naman kasi di ako pinatulog ng maayos ng mga nangyayari sa buhay ko lately.

Nang tumingin ako sa salamin,nakita ko ang malalaking eyebugs ko.
Hay mabuti na lang naimbento yong mga pampaganda,kung hindi baka di na ako makapagtrabaho,ang haggard din kasi ng mukha ko.

Mahinang katok ang pumukaw sa akin mula sa pagkatulala,agad akong tumayo para pagbuksan yong kumakatok.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Mr. Ford sa likod ng pinto.
Fresh na fresh siya,samantalang ako bagamat kanina pa gising ni hindi pa nakapag-ayos. Bigla akong nahiya ng maalala ang ayos ko. Nagtago pa ako sa likod ng pinto,dahil ayokong makita niya ako.

Yong hiyang-hiya na ako dahil hindi pa ako nakaayos tapos matamis lang siyang ngumiti sa akin na ikinakunot tuloy ng noo ko. Anong meron sa araw na to?
Holiday ba ngayon?
Ang tamis ng ngiti ng loko ee,parang lalanggamin ata tong Cabin ko.

Panaginip ba to?
Pambihirang ngiti ,mas maliwanag pa sa sikat ng araw.

"Bakit?"Awkward na tanong ko. Ang kalat pa ng buhok ko,tapos gusot pa yong damit ko.

Ininguso niya ang dalang tray,saka ko lang napansin may dala pala siyang tray na may lamang pagkain.

"Goodmorning. Dinalhan kita ng pagkain."Sweet na wika nito.

Mapapaweee na sana ako kung hindi ko napigilan,yong bibig ko.

"Huh?"Lutang si Ateng...😂😂😂

Ke haba ng hair ko,isang Phoenix Ford nandito sa labas ng Cabin ko,tapos may dalang pagkain. Panaginip nga siguro to!😂

"Nangagawit na ako,Shan!"Dinig kong reklamo nito.

Teka lang,what to do?
Ano bang dapat kong gawin?
Papasukin ko ba siya?
Ano ba kasi!
Jusko somebody,gisingin nyo naman ako. Baka mauwi ito sa bangungot.

"Usog ka nga ng konti at dadaan ako." Mayamaya wika nito na nagpabalik sa katinuan kong naglalakbay sa kawalan.😂

Wala sa sariling umusod ako ng konti para makadaan siya.

Agad naman siyang pumasok sa room ko,nagpanic ang sistema ko ng marealize na nakapasok na siya,pero wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya.

Inilapag niya ang tray na dala niya sa bedside table na naroon..

"Maligo ka muna bago kumain."Wika nito matapos niyang mailapag ang tray. Para akong tuod na nakatayo lang at nanonood sa kanya."Hey,tulog ka pa ata ee."Nakakunot noong wika nito,pano naman kase wala akong ginagawa. Basta nakatayo lang ako at pinanood siya. Wala ee,umaga pa kasi kaya hindi pa nakafunction ng maayos itong beauty ko."Mabuti pa samahan na kitang maligo."Sabi niya sabay akay sa akin papunta sa banyo.

Saka lang ako parang natauhan ng maramdaman ko ang kamay niya na nasa baywang ko na.

"Hep,wait!"Parang bigla akong nagising,dahil sa ginawa niyang paghawak sa akin.

"O,akala ko,hindi ka na magigising."Nakangiti na namang wika nito. Napahawak ako sa pajamang suot ko,baka kasi,malaglag na lang tong bigla dahil sa letseng ngiti niya. Makalaglag panty,kasi yong ngiting iginawad niya. Hay naku,Phoenix Ford,ano ba kasing ginagawa mo sa akin.
Ai este dito pala sa Cabin ko.

"Stop,please,dont touch me."Nakakapanghina yong mga hawak niya. Parang may kuryenteng bigla na lang dumaloy sa balat ko. Parang ang lakas ng chemical reaction ng simpleng hawak niya,kasi naman,ee.
Ah basta mahirap ipaliwanag,hindi ako magaling sa Physics ee.😂

"Ano,tatayo ka lang ba dyan,o mas gusto mong ako ang magpaligo sayo."Wika niya sabay kindat sa akin.

😱😱😱,Whaaaat???
Grabe napahawak ako sa puso ko bigla dahil sa sinabi niya.
Anong nakain ng lalaking to.
Plus yong kindat niya.
Naman,ee.

"Sabihin mo mga sa akin Mr. Ford,may lagnat ka ba?"Nakakunot noong tanong ko. Base kasi sa pagkakilala ko sa kanya hindi gawain ng isang Phoenix Ford itong mga ginagawa niya ngayon. Tapos kung tutuusin hindi pa kami magkakilala talaga. Feeling close agad siya ee no.
Mukhang ang layo sa personality na pinapakita niya sa akin kahapon.
Nakakatakot kasi siya kahapon parang any moment kakainin niya ako ng buhay.

"Wala akong lagnat,healthy na healthy ako."Ang saya ng sagot niya. Pero hindi ako kumbinsidong healthy siya. Tsssk. Baka nasaniban ito.
Pano na.😱

Napailing na lang ako,ng marinig ang sinabi niya.. Hindi talaga kapani-paniwala ang lahat.
May mali dito,sigurado ako.

"Sige na maliligo na ako."Saka hinanda ko na ang tuwalya at ang damit na susuotin ko. Bahala na nga siya. Mapapagod lang ang beauty ko. Kung mag-iisip pa ako.

"Bilisan mo ha kung ayaw mong pasukin kita sa banyo saka ako na lang magpaligo sayo."Malanding wika nito.

Hinarap ko siya saka pinameywangan"Seryoso ka ba?" Hay nako,napailing na lang ako,saka nagdadabog na pumasok na sa banyo para maligo. Ang landi din niya. Ito kaya yong other side niya.
Tsssk,pambihira mukhang napagtripan niya ata ako.

Sinadya kong tagalan ang pagligo ko. Para mainip siya sa paghihintay at umalis na.

Ganon na lang ang pagkadisappoint ko ng makita ko siyang prenteng nakaupo sa upuan katabi ng mesa. Inirapan ko siya para makita niyang hindi ko gusto ang presensya niya.

"Akala ko umalis ka na?"Nakangusong wika ko. Para akong bata,na nagmamaktol. Ang sarap magdabog. Kaasar.
Tapos ang feeling close pa niya.
Hmmmp.

"Not until we ate breakfast together."Sabi nito saka,inayos niya ang isang upuang nandoon para makaupo ako.

"Hindi ako kakain na kasama ka!"Mataas ang boses na wika ko. Nagpanic na din ang sistema ko dahil sa gusto niyang mangyari.
What the hell, kahapon lang kami nagkakilala,tapos kong umasta na siya ganito na agad.
Anong meron?

"No,Mr. Ford hindi ako papayag sa gusto mo."Matapang na saad ko. Hindi ako dapat magpadala sa gusto niya.
No way.

Baka saan mapunta tong mga ginagawa niya. Wala akong panahon sa mga ganito. Yong career ko ang mahalaga sa ngayon. Dapat nakafocus ako,isang maling galaw ko lang pwedeng mawala ang lahat ng pinaghirapan kong maabot.

Kita ko ang pagkunot ng noo niya. Mukhang hindi sanay matanggihan si Phoenix,base sa reaksyon niya. "Diba may utang na loob ka sa akin."Yong masayang boses niya kanina,napalitan ng bagsik. Mukhang handa na naman siyang manakmal.

Shit.
Nagalit ko ata ang Leon.
Galit na naman ata siya ee.
Nakakatakot talaga kapag nagagalit siya.

"May I remind you,Shanta,may utang ka sa akin na dapat bayaran!"Wika na naman nito.

Napayuko na lang ako ng marinig ang sinabi niya.
Lahat na lang ata sa buhay ko puro utang.
Nilukob ng kakaibang lungkot ang puso ko.

"Hey,Shan. Kakain lang tayo."Napansin niya ata ang biglang pananahimik ko. Pakiramdam ko biglang bumigat ang dibdib ko. Ang sama na tuloy ng pakiramdam ko. Mas gusto ko na tuloy magkulong na lang dito saka walang gagawin."Promise pagkatapos nating kumain,aalis agad ako. Gusto ko lang may kasabay kumain,ngayon. Ilang taon na din akong palaging mag-isang kumain."Napaangat ako ng tingin ng marinig ang sinabi niya.
Hmmp,nagdrama pa talaga siya.

"Maniwala ako sayo,ikaw si Phoenix Ford,paniniwalaan ko. Napaka-imposible naman atang paniwalaan niyang sinabi mo."

"Ganyan ba talaga ako kasinungaling sa paningin mo ha?"

Tumango ako,saka umupo na sa upuang hinanda niya. Bigla kasi akong nakadama ng gutom. Pasalamat siya bigla akong nagutom. Kung hindi nako di talaga ako sasabay sa kanya sa pagkain,kahit magdrama pa siya."Sige na nga,kumain na tayo. Nagutom ako bigla,ee."Wika ko sabay subo na.

Nakita kong matamis na ngumiti si Phoenix ng makitang kumakain na ako,hay nako napakabipolar ng lalaking to,ang bilis magbago ng mood.😅

Otors Note.

Salamat ng marami guys,sa walang sawang pagsuporta at pagbabasa.

Kayo ang dahilan kaya ako nagsusulat....

Keep Safe everyone.

💋💋💋💋💋💋💋💓💓💓💓💓💓

Continue Reading

You'll Also Like

865K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...