Gusto niyo na bang matapos ang story na to? HAHAHA.
Salamat sa patuloy na sumusuporta at nagbabasa :D
------------------------------
Chapter 43
DJ's POV
kanina, may hinahanap ako sa room ni Julia. Pinapahanap kasi ng dad niya eh. Documents daw yun na kelangan para sa meeting niya.
Hinanap ko yun sa drawers.. Cabinets.. Ilalim ng kama.. Sa table.. Gaaaaah! Walaaaaa.
Pero instead na mag-focus ako sa paghahanap sa documents na yun, may nakita akong isang invitation. Kinuha ko yun at eventually.... Tumulo ang mga luha ko. Ang babaw noh.
"BERNARDO-GIL Nuptial"
Si Kathryn at si Enrique to. Sigurado ako.
Matagal kong tinitigan yung invitation na yun. Sana, pwedeng pang-erase ang titig nuh. Sana pwedeng palitan ng PADILLA yung GIL na yun.
"Ikakasal na sila bukas. At wala na kong magagawa para pigilan yun dahil habambuhay na kong nakatali sa piling ni Julia...."
Maya maya.. Hindi ko napansin na dumating na pala si Julia. Nakatayo siya sa may pintuan ng kwarto. Naka-cross arms at tinitignan ako.
"Bakit hindi mo sinabi sakin to Julia?", umangat ako at ipinamukha sa kanya yung invitation na hawak hawak ko.
"Kasi alam kong pupuntahan mo siya at iiwan mo ko DJ!!!", pasigaw niyang sabi.
"Sana Julia.. Sana naisip mo na sa bawat halakhak mo, may mga taong nagdurusa dito. Matagal mo na kong kinulong sa bahay na to. Pinagkait mo sakin yung taong pinakamamahal ko. Inilayo mo ko sa kasiyahan ko, at ngayon.. Kung hindi ko pa nakita tong invitation na to, hndi ko pa malalaman ang lahat!!"
"Ang sakim sakim mo Julia. Napaka-sakim mo. Gusto mo ikaw lang ang masaya ha? Bakit? Hindi ka pa ba masaya nung pinaghiwalay mo kami ni Kathryn? Nakakainis ka na eh. Democratic country ang bansang to pero hindi ko man lang maramdaman ang kalayaan ko!!"
Iniwan ko si Julia na ngayon na'y umiiyak sa kwarto niya. Alam kong masakit yung sinabi ko sakanya pero wala ng mas sasakit pa sa mga ginawa nya samin ni Kath...
Ngayon, wala na akong magagawa kundi hintayin nalang ang kamatayan ko. Wala naman na akong balak sa buhay ko eh. Hindi kagaya noon na lagi akong nangangarap kasama si Kath. Ibang iba na ngayon. Dahil bukas, ikakasal niya siya.. Maitatali na siya habambuhay sa taong mahal niya.
Umiyak at nagmukmok ako sa kwarto ko. Isinulat muli ang nilalaman ng puso ko sa isang papel. Yun nalang ang kakampi ko sa bahay na to. Pati nanay ko, hndi ako maipagtanggol dahil ayun, busy siya. Busy sila.
-----------------------
JULIA's POV
Unang beses na sinigawan ako ni DJ kahapon. Ni hindi nga siya kumain. Hindi ako kinausap. Hindi pa nga lumalabas sa kwarto hanggang ngayon.
Siguro tama siya. Yung feeling na lahat ng sinabi niya sakin, tumagos sa puso at buong pagkatao ko?
Feeling ko, ang sama sama ko. No! Hindi lang feeling yun. Masama talaga ako. Masamang masama.
Hinayaan kong magdusa sila ni Kath para lang sa ikasasaya ko. Lahat ginawa ko, para sa sarili ko. Tama! Ang selfish ko. Sobra sobra... Hindi ko man lang tinignan kung anong magiging resulta nito sa huli.
Una pa man, alam ko ng masasaktan si Kathryn at hindi sasaya si DJ sa piling ko. Pero, anong ginawa ko? Pinagpatuloy ko parin ang mga plano ko.
Yung mga plano kong sumira sa pagsasamahan nila. Yung mga plano kong sumira sa kasiyahan nila.
Kaya this time.. Sa araw ng kasal.. Eto na siguro yung tamang oras na ibalik ko sa kanilang dalawa yung buhay na magkasama nilang pinangarap..
This time...
I have to let go....
Pumunta ako sa kwarto ni DJ. Ni-ready ko ang sarili ko as well sa mga sasabihin ko. Nadatnan ko siyang nakaupo sa may bintana at nakatingin sa malayo.
"DJ..."
"Bakit ka andito?"
"DJ, kausapin mo ko", tumayo siya at hinarap ako.
"Ano pang gusto mong sabihin Julia? Andito ka ba para inisin nnaman ako?! Pwes, umalis ka nalang dahil wala ako sa mood ngayon", bumalik na uli siya sa pagkakaupo.
"DJ please..."
"Sabihin mo na Julia. Sasaktan mo lang ba uli ang damdamin ko? Ipamumukha na sa araw na to, hinding hindi na magiging akin si Kath? Sige lang..."
"No DJ.......
I'm here to say goodbye"
Tumulo na yung luha ko...
"What do you mean goodbye Julia?"
"Alam kong hindi ka naging masaya sa dalawang taon na magkasama tayo. Oo, tama ka! Yung mga sinabi mo kahapon, tamang tama ka. Sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko man lang cinonsider ang feelings ng ibang tao. Kaya ngayon DJ, alam ko na. That's why I'm here to set you free"
Hindi nagsalita si DJ. Kaya tinuloy ko ang speech ko.
"Nagpapasalamat ako sayo DJ. Sainyo ni Kath, dahil you taught me a lesson na ngayon ko lang na-realize. Totoo pala ang true love nuh?! I tried to break that love between you and Kath pero hindi kinaya ng powers ko. Sobrang tatag at sobrang higpit ng kapit niyo sa isa't isa. And sorry. Sorry kasi ako yung naging dahilan kung bakit hindi mo siya kasama ngayon. Itinali kita sa piling ko kahit alam kong hindi ka sasaya rito. I'm sorry DJ. I'm really very sorry"
"Julia, tumayo ka diyan. Kahit anong iyak mo dyan. Wala na tayong magagawa. She's going to marry Quen right now. Sa simbahang pinangarap naming makasal...."
"No DJ.. It's not yet over. 8am palang. 10am ang kasal. You have 2 hours left. Here's the key. Mag iingat ka!!!"
Niyakap ako ni DJ. And I can feel na sobrang mahal niya si Kath na he will do anything para sa kanya.
"Thank you Julia. Thank you"
Umalis na siya.
Kahit papano, gumaan yung loob ko. Natuto na akong mag-let go at makuntento sa kung ano mang merun ako.
--------------------------------------------