Unexpected One

By BlackRage

25.8K 1.1K 22

(Unedited story) (Errors Ahead) -COMPLETED- In a world full of love, there was a lurking unexpected one. havi... More

disclaimer
prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
EPILOGUE

Chapter 10

1.4K 74 0
By BlackRage

"Congratiolations rica and reshma!" Masaya kong bati sa kanila, nakangiti sila at yumakap sakin, halos marinig ko ang mga medalya na nasa leeg nila, sunod naman nilang niyakap si papa. It's been 3 months since my mother died, naging maayos na ang lahat dahil nakakatulong nako sa bahay, halos akuin ko ang nga trabaho sa bahay dahil nakikita kong nangungusumisyon nasi papa sa mga yon.

Bumalik din ako sa pagiging nurse dahil sayang naman ang degree ko kung hindi ko itutuloy. Nasa ibang bansa naman sila tito at tita dahil hindi normal ang pagbubuntis nito, kailangan daw talagang tutukan, nakapag-hanap naman ng trabaho si papa sa isang kumpanya bilang driver.

Our family isn't that perfect, we have this flaws, pero hindi naman daw ikahiya yon dahil lahat ng pamilya ay may pangit na naranasan na. Naging stable si papa sa trabaho niya, narami rin siyang oras samin. Hindi niya nakakalimutang bisitahin si mama araw-araw and little by little im starting to trust him again as my father.

"Rieyah!" Agad akong tumalima kay doc suarez ng tawagin niya ang pangalan ko.

"P-po?" Ngumiti siya at ipinakita ang papel saakin. Nanlalaki ang mata ko ng mapagtanto na napromote ako as a head nurse. "Omaygad? Omaygad?" Nayakap ko si doc suarez at pauli-ulit na nagpasalamat.

"Gurang! Congratsssssssss.." napangiti ako ng salubungin niya ako sa ward namin.

"Apaka habang s naman niyon" natatawang sambit ko, tumawa lang din siya at lumalom na ng mamon.

'Apaka takaw!'

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa fast food chain para may maiuwi na pagkain. Nang maka-uwi ay sinalubong ako ng mga kapatid ko ng unan sa mukha, nangunot ang mukha ko pero agad na natawa dahil sa mga itsure nila..

"Anong nangyari sa mga mukha niyo?" Halos sumakit ang tyan ko sa kakatawa dahil puno ng kung ano-anong kolorete ang mukha nila. "Magmamake-up na nga lang hindi pa tama" pumasok ako at inilapag ang pagkaing binili ko nang biglang may kumanta ng happy birthday..

Tinignan ko ang petsa sa relo ko at namuo ang luha sa mata ko, tumingin ako kay papa na may hawak na cake at kumakanta habang nakangiti..

'Its my birthday...i forget it but they didn't'

"Dali blow the candle" pumikit ako at humiling then i blow the candle with a smile in my lips. Naging masaya ang hapunan dahil puno ng tuksuhan na mag-aasawa na raw ako.

"Goodnight papa" humalik siya sa noo ko at umakyat na sa kwarto nila ni mama, naiwan ako sa kusina para iligpit ang mga kalat namin kanina habang naglalaro ng pillow fight. Nangingiti ako ng biglang magring ang cellphone ko..

"Happy birthday guranggggg!!" Nailayo ko ang telepono sa tenga ko dahil sa pagsigaw ni jem sa kabilang linya. "Tutal trenta kana, may irereto ako sayo" napangiwi ako at umiling sa kawalan.

"Alam mo naman na ayoko sa mga lalaki diba?" Nakangiwi kong tanong, narinig ko ang matunog na pagbuntong hininga niya. "Tska hoy! Pasado alas dos na bat tumawag kapa? Kanina pa tapos birthday ko" nakangisi kong tanong.

"Ñeta diba nga hindi ako nakasabay sayo pauwe? Kase nag-over time ako ghOrl" umarko ang kilay ko. "Kailangan ng pambayad ni kian sa school, eh kulang kwarta ko"

"You need help? Pwedi kitang pahiramin okaya bigyan nalang" isinipit ko ang telepono sa gitna ngbalikat at tenga ko. "Dito lang ako"

"Oy nako! Baka naman kailangan niyo rin ng pera wag nalang.." pinunasan ko ang kamay ko at sumandal sa lababo.

"Ikaw naman ang bahala kung kailan mo babayaran eh, kahit hindi mo na bayaran basta may maitulong lang ako" ngumiti ako at naglakad papunta sa ref para uminom.

"Nako! Salamat talaga gurang! Kung wala ka diko na alam kung saan kakapit pa" paulit-ulit nagpasalamat si jem hanggang sa matugunan kong nahihilik na siya sa kabilang linya.

________

Maghahapon nakong magising kaya nadatnan kong nagluluto na ng lunch si papa. Bumaba ako at dumiretso sa ref at uminom ng tubig, nakangiti akong hinalikan sa noo ni papa..

"Morning ateee! Morning papa!" Agad umingay ang paligid dahil sa pag-baba ng dalawang dalagita. Ngumiti ako at umupo..

"Kumain nakayo, dadalaw tayo sa puntod ng nanay niyo" napangiti ako at binilisan ang pag-kain. Agad akong umakyat at naligo.

Nagsuot ako ng maong at puting blusa na may printed na bulaklak, nakatali rin ang buong buhok ko at nakaputing shoulder bag, black flat shoes naman ang suot ko sa paa. Nakablue na polo naman si papa habang nakaputing bestida ang dalawa.

"Hi mama! Musta? Lam mo ba na graduated natong dalawa? Tapos eto ako napromote as head nurse" mabilis kong kwento habang kumakain ng mamon, tatawa-tawa maman si papa habang nakatingin sakin. Tumayo ako at nagpaalam na hahanapin si rica at reshma dahil kanina pa sila nagtatakbuhan sa malayo.

"Ayy pusang lumipad!" Nako! Yung mamon kooo! Tumingin ako sa lalaking nakasabalan ko, gwapo siya at nakangiti sakin. "Ser yung mamon ko, pano niyan?" Natawa naman siya at nagkamot ng batok.

"Papalitan ko nalang, sorry" tumango ako at sinabing palitan na niya dahil gutom ako. Dali-dali niyang pinalitan yon at nagpakilala bilang..

Dr. Richard Dela Cruz

Nang makuha ang mamon ay nagpa-alam nakong hahanapin pa ang mga kapatid ko, pero di ko na sila nakita kaya bumalik ako sa puntod ni mama.

"Mga hangal kayong dalawa ah! Kanina ko pa kayo hinahanap" nagbulungan naman sila at tumingin sakin, nagtatakha naman si papa na tumingin sakin..

"Eh ate, nakita kanamin na kausap yung gwapong lalaki kanina doon oh" nanlaki ang mga mata ko. "Ay nako pa! Yang panganay niyo pumapag-ibig na" agad akong lumapit sakanila at kinotongan silang dalawa.

"Alam niyo kayong dalawa! Nasabalan ako kanina, nahulog yung mamon kaya pinalitan niya" nanunukso parin ang nga tingin at ngiti nila sakin, napangiti naman si papa at nakisabay sa panunukso ng dalawa..

Nakuha naming maka-uwi pero hindi parin tumigil sa panunukso ang dalawa. Nakikitawa naman si papa, agad naman silang natigil ng makitang nasa labas ang kotse nila tito at tita. Sabay silang tumakbo papasok at nag-ingay..

"Hi po...tita yang tyan niyo po oh" tumatawa siyang nakangiti habang naka-hawak sa tyan niya. Yep i already want the baby in tita amanda's tummy. Kapatid korin naman kasi..

"Talaga? Gaano kagwapo naman yung lalaki?" Nangunot ang noo ko at lumapit sa mga nag-uusap sa sala. Inilagay ko ang kamay sa bewang ko at sumadal patagilid para makitang silang lahat. "Nako, alam niyo ba ang pangalan?" Nakita ko namang umiling si rica...

"Good afternoon gura--" napapahiya naman si jem ng pasigaw kung pumasok sa bahay. "Hello po hihi"

"Oh?" Nakataas ang kilay kong tanong sakaniya. Naibigay ko na ang perang pinahiram ko sakaniya kahapon dahil kelangan na daw nila..

"May bagong doctor na nadistino sa ospital! Ang gwapo jusko" isinaklay niya agad ang kamay sa kamay ko at sumama sa lamesa. Pinakain ko naman siya, habang umiinom ng juice ay sinabi niya ang pangalan nung bagong doctor..

"Richard?" Tumango naman si jem habang lumalamon ng pancit. "Richard dela--cruz?" Uminom muna ng juice si jem bago nagsalita.

"Yap, kilala mo na pala...tutal daw ikaw ang head nurse, ikaw nalang daw ang magtour kay doc sa buong hospital" tumango ako at dumiretso na sa lababo para mag-hugas ng pinggan.

Nang gumabi ay hindi umuwi si jem sakanila, gusto daw dito matulog dahil dumating yung tatay niya. Pumayag ako at nakipag kwentuhan sa kaniya hanggang umabot ng pasado ala-una.

"Ñeta ang gwapo nung Doctor na yon no! Yaw mo?" Hinampas ko siya ng unan at hinampas ulit!

"Bat ko gugustuhin ang diko kilala?"

"Alam mo kahit hindi mo kilala basta gwapo gustuhin mo na!" Sagot niya habang namimili ng papanuorin.

"Sa libro lang nangyayari ang babae ay mag-kakagusto agad kapag gwapo! Tsaka ano ba ayoko nga eh" tumingin siya sakin at nagseryoso..

"Pwedi mong gawin ang buhay mo na parang libro rieyah! Hindi porket puro happy ending ang nasa libro ay hindi mo na mararanasan!" Bumuntong hininga ako at kinuha ang remote sakaniya..

"Hindi ako naniniwala diyan, tignan mo ang nangyare sa mga magulang ko" napahiga naman ako ng malakas akong hampasin ni jem gamit ang unan..

"Alam mo ang bitter mo! Hindi porket naging ganon ang nangyare sa mga magulang mo ay ganon narin ang kahahantungan mo" dinuro niya ako. "Matuto kang tumingin sa mga tao, hindi yung dahil takot ka sa mga mangyayare ay hindi mo na susubukan...pano mo mararanasan kung ni katiting na pag-asa ay wala ka? Hindi lahat ng lalaki ay katulad ng tatay mo" humarap ako sakaniya..

"Pano kung masaktan ako?" Pinitik niya ang noo ko..

"Bakit yan agad ang nasa utak mo? Bakit hindi mo muna isipin yung...magiging masaya ka kapag nagmahal ka.. rieyah, buksan mo yang puso mo...ano ba wag mong saraduhan lahat ng gustong mag-mahal sayo.." buong gabi kong iniisip lahat ng pinag-sasabi sakin ni jem. Hanggang makarating ako ng ospital ay yoon ang laman ng utak ko.

"Nurse Rieyah...." tumingin ako sa mga kasamahaan ko at doon ko napag-tanto na kanina pa pala ako nakatulala at hindi nakikinig sa kanila. "Ipakita mo nakay doc. Dela cruz ang buong ospital" ngumiti ako at tumango, pinasunod ko naman siya at ipinakita ang bawat sulok ng ospital..

"So you're a nurse..." tumango ako at kinagat ang mamon na binigay niya. "Ilang taon kana?" Tumingin ako sakaniya..

"Trenta na, ikaw ba?" Ngumiti siya at nagsalita..

"33 na, you don't look like 30, you know?" Natawa ako at umiling.

"Hoy gurang! Ano yan ha? Bat kayo tumatawa diyan?" Napatingin ako kay jem ng umalingawngaw ang boses niya sa buong cantina. "Akala ko ba ayaw mo sa mga lalaki?" Nakangisi niyang sabi sakin..

"She doesn't like guys? Why?" Humarap siya sakin.

"Ayokong maging katulad ng nanay ko" nangunot naman ang noo niya. "Na namatay kakahintay sa tatay ko na bumalik samin." Nagseryoso naman siya. "Nanloko yung tatay ko, yun yung dahilan kaya ayoko ng lalaki" bumuntong hininga siya at humarap ng maayos sakin.

"Hindi naman lahat ng lalaki ay katulad ng tatay mo..you know my father is a cheater too but after a year he came back to us" ngumiti siya, ngumiti rin ako..

"Bumalik rin yung tatay ko.." tumango siya at ngumiti ng napakalaki..

"I hope that i can be part of your life." Napatingin ako sakaniya pero kumakain nasiya at puno ang bibig. Nakatingin din sakaniya si jem na parang gulat at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Kahit naman ako nagulat don.

______

After a week, Richard really court me. Kilala na niya ang mga kapatid at tatay ko, he knows all even every little things about me. Hatid sundo niya ako dahil parehas lang kami ng ospital na pinapasukan..

"Pa..natatakot kasi ako.." hinawakan ni papa ang ulo ko..

"Wag kang matakot magmahal anak...hindi lahat ng nagmamahal ay nasasaktan at hindi lahat ng minamahal ay nananakit" ngumiti siya. "Wag mong isipin na lahat ng lalaki ay gagawin sayo ang ginawa ko sa nanay mo..isipin mo na magiging iba ang kwentong maisusulat ng pagmamahalan niyo..gawin mong aral ang nangyare samin ng mama mo anak" tumango ako..

"Alam kong takot ka dahil iniisip mong lolokohin karin kung sakaling mag-mahal ka...pero sana subukan mo para malaman mo kung gaano kasarap sa pakiramdam ang magmahal" sumandal ako sa balikat ni papa, iniyakap naman niya ang kamay niya sa balikat ko. "Mararamdaman mo yung parang nasa langit ka habang kausap siya, maging maliit na bagay ang napapangiti ka dahil sakaniya. Magkakaroon ng away, tampuhan at selosan sa pagitan niyo...dahil mahal niyo ang isa't-isa. Sa pagmamahal hindi puro saya, kilig anak...may kakambal iyon na sakit, selos at galit..kapag sigurado kana sa tao, mararamdaman mo ang bigat at pagitan sainyo.." hindi ako nagsalita.

"Kapag sigurado kana sa tao, mararamdaman niyo ang prublemang papatong sa mga balikat niyo..sa ayaw at sa gusto niyo ay pagdadaan niyo ang away at selos anak...mararamdaman niyo ang pagod at hahanapin ang kakulangan sa isa't-isa pero kung mahal niyo talaga ang isa't-isa, pupunan niyo pareho ang hinahanap niyong kakulangan sa relasyong binubuo niyo. Wag niyong hanapin sa iba ang pagkukulang ng isa dahil kapag hinanap mo yon at napagod yung kapareha mo....siguradong mahirap ng bumalik at maging dati kayo..." ngumiti ako at iniyakap ang dalawang braso kay papa...

"Hindi lahat ng tao katulad ng nanay mo na kayang magpatawad sa isang halik at pag-papaawa ko lang" tuluyang nawala ang ngiti ko sa huling katagang binitawan ni papa...

To be Continued.....

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...