The Class S Students Dare

By bRezyLian62

3.4K 263 45

Tumuntong si Kaye sa school na pawang mayayaman lamang ang nakakapasok. She doesn't care about going to schoo... More

The Class S Students Dare
Chapter 1 New Comer
Chapter 2 "I Challenge You!"
Chapter 3 I.D.
Chapter 4 Fighting!
Chapter 5 Retake
Chapter 6 ANG PUSA
Chapter 7 Him
Chapter 8 WARM HUG
Chapter 9 Sweets
Chapter 10 Lies
Chapter 11 Ryu and Leo
Chapter 13 Hate

Chapter 12 Hide and Seek

147 8 5
By bRezyLian62

Chapter 12 Hide and Seek

***KAYE POV***

PANAY ang pagpatak ng mga pawis ko habang tinatakpan ang sarili kong mukha gamit ng libro. Tahimik kong binabaybay ang pasilyo. Hangga't maari, ayaw kong makalikha ng ingay o may atensiyon na makuha.

"Little lamb!"

"My princess!"

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan pagkarinig ko sa boses ng kambal. I need to escape from them even in just one day. Kanina pa sila sunud ng sunod sa akin. Hindi ko tuloy magawa ang mga bagay na gusto kong gawin.

"Where are you?"

Papalapit ang boses nila sa akin. Natatarantang inikot ko ang mga mata. Sarado ang ibang silid. Maliban na lang sa pinakadulo, nakauwang ang pintong iyon. Ngunit masyadong malayo kung tatakbuhin ko ang nasa dulo. Tiyak na mahuhuli ako nina Ryu at Leo.

"Where are you my princess?" muling sigaw ni Leo.

Napaatras ako at pikit matang hinintay na mahuli ng kambal tuko na ito. Mula pa kanina, panay na ang pagsunod nila sa akin. Tinatapunan tuloy ako ng masasamang tingin ng ilang kababaihan dito. Wala naman sa akin noong umpisa pero nang medyo tumagal na, naisisira ang konsentrasyon ko. Hindi ako makapunta ng library ng tahimik. Kahit sa canteen ganoon din.

"My little lamb?"

"Shit!" Kinagat ko ang ibabang labi. Kung pwede lang sanang sabihin ko sa kanila na layuan nila ako ngunit ang mukha nila. Parang isang tota na nagmamakaawa.

Handa na akong mahuli ngunit may isang pangyayari na hindi ko inaasahan. May malaking kamay ang bigla na lang tumakip sa bibig ko. At hinila ako niyon papasok sa silid na akala ko ay naka-lock.

What the!

Nanlalaki ang mga mata na pilit akong kumawala sa nilalang na ito. Ang gusto ko lang naman ay takasan ang kambal na sina Ryu at Leo, kahit sa isang araw lang. Hindi ko naman ginusto na mahila nang kung sino. Kung alam ko na ito ang mangyayari, e di sana hinayaan ko na lang ang dalawa na kulitin ako hanggang sa magsawa ang mga iyon.

"Behave if you don't want to get caught," bulong ng lalaking humila sa akin.

That voice!

Hindi na ako pumalag sa pagkakataong ito. Pamilyar sa akin ang boses ng may-ari. Pasimple kong sininghot ang pabango ng lalaking ito. Hindi ako maaaring magkamali.

"Can you promise not to make a sound miss Kaye?" Mababa at malamyos ang boses na wika niya.

Pilit akong tumango. May kakaiba akong nararamdaman sa bandang tiyan ko. Para itong hinahalukay dahil sa hininga niyang tumatama sa tainga ko.

Umiling ako sa utak. Wala akong dapat na ikatakot o ikabahala man lang dahil ang prinsipe o mas tamang sabihin, ang hari ng kaperpektuhan ang nakahuli sa akin.

"Then good," Una niyang binitiwan ang braso ko sunod ang kamay niyang nakatakip sa labi ko.

Tila isang robot na nilingon ko siya. Pabilis na pabilis ang tibok ng puso ko. Kung kanina malaki na ang mga mata ko, di hamak na mas lumaki pa ito.

Hindi nga ako nagkamali!

"K-Kaizzer Leigh," Muli na namang nagtagpo ang landas naming dalawa. Bakit siya...

"My princess?" Leo's voice wakes me up.

Napapitlag na tinapunan ko ng tingin ang pintuan. Palakas na ng palakas ang boses nina Ryu at Leo, ibig sabihin lamang nito ay malapit na sila sa akin.

"Kanina ko pa napapansin. The Mondejar twins have been following you the whole day." Kaizzer Leigh was leaning on the table. Staring at me intently.

"Actually..." Nang muli kong narinig ang boses ng kambal, natakbo ko ang kinaroroonan ni Kaizzer Leigh. Sa pagkakataong ito ako naman ang nagtakip sa bibig niya. Kinakailangan ko pang tumingkayad dahil 'di hamak na mas matangkad siya sa akin. "Can you lower your voice?"

Tinitigan niya lang ako. Bakas ang kalituhan sa anyo. Alam ko na hindi ko dapat ginawa ang bagay na ito ngunit nasa alanganing sitwasyon ako.

"Yohoo!"

Napaigtad ako pagkarinig ko sa tinig na iyon malapit sa pintong pinasukan ko. They are near.

Naka-ilang ulit ako na si Kaizzer Leigh at ang pinto ang tinititigan ko. Nalipat ang natataranta kong mga mata sa mesang kinahihiligan ng kaharap ko. Wala na akong ibang nagawa kundi ang takbuhin iyon.

"Hey Kaizzer my friend," hindi ko tiyak kung sino sa kambal ang nagsasalita. Nakapasok na sila sa loob.

Putik naman!

My eyes widened when I heard someone walking on my direction. Is it the twins? Does Kaizzer Leigh lead their ways? Anak ng tinapa. Sinadya niya yatang hilahin ako papasok tapos bubukingin ako sa harap ng kambal. Sinasabi ko na nga ba, hindi dapat ako nagtiwala sa lalaking ito. Isa siyang malaking scam.

"Have you seen our Kaye?" Sabay na tanong nina Ryu at Leo.

Kagat ang ibabang labi na tinapunan ko ng masamang tingin ang paa na lumitaw sa harapan ko. Dahil dalawang pares lang iyon, malamang si Kaizzer Leigh lang ito.

"That Karriza Aye Valdemor?" tanong naman ni Kaizzer Leigh sa dalawa.

Oras na bukingin mo akong siraulo ka, pati mata mo dadaanan ko ng latigo!

"Yes, we've looking for her,"

"Have you seen our princess?"

Kailan naman ako naging pag-aari ng dalawang ito?

"Hmm..."

Gilalas na iniangat ko ang aking paningin. Kakatwa lamang dahil nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. They're smiling for Pete's sake. May na-se-sense akong pambubukya dito.

"No," I mouthed. Umiling ako sa kanya upang pigilin siya sa binabalak niyang pambubuko.

Ibinalik niya sa kambal ang mga mata. Nang akma ng bubuka ang bibig niya mabilis pa sa alaskwatrong hinila ko ang isa niyang paa at niyakap ang ibabang bahagi niyon. Mabuti na lang hindi mabango.

Alam ko na kahihiyan na ito pero hindi ko talaga kaya na makipaglaro kina Ryu at Leo. I need to find Tristan. Hindi ako nakabunot sa garapon kahapon dahil pinauwi ako ng kambal. Isang linggo daw ang hihintayin ko bago ko pwedeng kalabanin ang manyak na iyon. I can't wait that long. Bakit naman ako maghihintay ng susunod na linggo kung maaari ko namang isagawa ngayon. Ayaw kong nasayangin ang tatlong araw na bakanti ako.

I heard someone cuss. Hindi ko tiyak kung sino. Pagtingin ko kay Kaizzer Leigh, nakatukod ang isa niyang siko sa mesa habang ang isa naman ay sapo ang bibig niya. Bahagya din siyang nakaupo dahil sa walang habas kong paghila sa kanya.

Darn! Ako mismo ang nagpahamak sa sarili ko.

"What happened?" Bakas ang pagkabahala sa boses ng isa sa kambal.

"N-Nothing," kita ko na tinapunan ako ng tingin ni Kaizzer Leigh. I saw him suppressing a smile. Hindi ko namalayan na napapanganga na pala ako habang tinititigan siya.

"You're weird Kaizz,"

"So damn weird."

"That Karriza Aye you are talking to," He looks at me with obvious amusement in his eyes. For some reasons I can't take my eyes off of him. Even my heart is not on its normal state.

What the heck is happening to me?

"I saw her running in the hall way,"

Naikurap ko ang mga mata. He saves me.

"Sabi ko na nga ba, siya ang nakita ko kanina. Thanks Kaizz."

"You are welcome." Aniya, makahulugang ngumiti.

Narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto na siyang gumising sa lutang kong utak.

"Pwede ka ng lumabas," umalis na siya sa harapan ko.

Kabadong umalis ako sa pinagtataguan ko. Hindi ko maunawaan ang sarili. Sobrang init ng mukha ko, ang kaba na namamahay sa kaliwang bahagi ng dibdib ko ay hindi pa rin mawala. Dahil ba sa takot na makita ako ng kambal kaya ko ito nararamdaman? Imposible naman na ang prinsipe ng kaperpektuhan ang may kagagawan nito. Paano naman ako matatakot sa kanya? Wala akong kinakatakutan-

"Ay kabayo!" Bulalas ko nang may kung anong lumapat sa butihin kong buhok. It's him! "Bakit ang hilig niyong mangialam ng buhok ng may buhok?" inis na tinanggal ko ang nakakadiri niyang kamay.

"Why hiding from them?" he asked instead.

"Kanina pa sila sunud ng sunod." Inayos ko ang nagulo kong buhok. "Bakit ganoon ang kambal na iyon?"

Hindi siya nagsalita. Dahil nagtataka sa biglang pananahimik niya, napasulyap ako sa kanya. He's staring at me intently.

"B-bakit?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko.

Kagaya kanina hindi niya ako nilulubayan ng tingin hanggang sa bumaba iyon sa bandang dibdib ko.

"B-Bakit ganyan ka kung makatingin?" Eksaherado kong niyakap ang sarili. Huwag niyang sabihin na magkalahi sila ng manyak na si Tristan? Mapapatay ko talaga ang lalaking ito. Sumpa iyan.

Kinabahan ako nang humakbang siya papalapit sa akin. Wala sa sariling umatras ako. Ramdam ko ang pagtama ng likod ko sa dingding.

"B-Bakit ba?" Inis kong sabi. Kanina pa ako naguguluhan sa bunganga ko. Hindi naman ako nauutal dati a. May mali yata akong nakain.

My eyes widened when he extended his arm on the side of my head. Mas isiniksik ko pa ang sarili sa dingding ng bumaba ang direksiyon ng mukha niya.

"What the heck are you-"

"You defeated them huh!" He said, never leaves my eyes.

"H-Huh?" Ano raw?

Nakahinga ako kahit papaano nang luwagan niya ang distansiya sa pagitan namin.

"No wonder." He touches the badges given to me by Mondejar twins.

Ahh! Okay! Gets ko na kung ano ang tinutukoy niya. Kahit naman ako ay hindi makapaniwala. I remember Tristan reaction yesterday. Laglag ang panga ng isang iyon pero itong kaharap ko ay iba, masyadong matiim at mahirap basahin ang nilalaman ng kanyang utak.

"May... may masama ba doon?" Pilit kong ginawang pormal ang mukha ko kahit ang totoo ay naiilang ako sa lapit ng espasyo naming dalawa.

I feel a sudden tension when something dark flitted across his eyes. Hindi ko tiyak, para kasing may nagawa ako na mali sa kanya.

"So you can tell Ryu and Leo." He said, stating a fact.

"I... I don't know how." I shrugged my shoulders. "M-May masama ba doon?"

Matagal bago siya umiling. Hindi ko na makita ang masaya niyang awra. Mukha siyang papatay o mangangain ng tao. Kahit kaunting ngiti walang lumalabas sa labi niya.

Kinamot ko ang leeg saka napakagat-labi. Dapat yata umeskapo na ako. Hindi maganda na maiwan ako kasama ang lalaking ito. Mahirap ng mahawaan ng kaabnormalan niya.

"Then... I..." I pointed the door. "I'm leaving. Thanks for the help."

Akmang bubuksan ko na ang pinto nang bigla na lang may humarang na magkabilang kamay sa bawat gilid ko.

Putik!

Tarantang hinila ko ang siradura nang hindi siya nililingon. Ngunit sa hindi ko malamang kadahilanan, ayaw nitong bumukas.

"Karriza Aye Valemor," he said in a cold tone.

Nanigas ako sa kinatatayuan. Ngayon na ako nagsisisi. Matitiis ko pa ang pangungulit nina Ryu at Leo pero hindi ang pabago-bago ang mood na si Kaizzer Leigh.

"How are you going to repay my kindness?" he asked.

I felt his breath brushing my hair.

"Kaizzer Leigh, wala akong-" bigla akong humarap. Handa akong makipaglabanan ng tingin at salita ngunit nagkamali ako. Dahil sa ginawa kong ito nawala ng biglaan ang matagal ko ng iniingatan.

I lost my first kiss.

Gilalas na umatras ako habang hawak ang sariling labi na nadungisan ngayun-ngayon lang. Kahit siya ay natigilan din. Marahil iniisip niya na isa akong manyak kagaya ng kasamahan niyang si Tristan.

"I-I'm sorry!" Pagkasabi ko niyon hinarap kong muli ang pinto at sa pagkakataong ito ay nabuksan ko nang walang kahirap-hirap hindi gaya kanina.

I ran as fastest as I could. Ngayon lang ako napahiya sa tanang buhay ko.

Darn!

***END OF KAYE POV***'

AN:// Sabi ko nga hindi ako mag-a-update. Hihi. Ewan ko ba, may sariling mundo yata ang mga kamay ko. Next week siguro ang susunod na UD ko. Wala na kasi akong load. Salamat sa inyong pagsupurta.

Continue Reading

You'll Also Like

35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.