The Class S Students Dare

By bRezyLian62

3.4K 263 45

Tumuntong si Kaye sa school na pawang mayayaman lamang ang nakakapasok. She doesn't care about going to schoo... More

The Class S Students Dare
Chapter 1 New Comer
Chapter 2 "I Challenge You!"
Chapter 3 I.D.
Chapter 4 Fighting!
Chapter 5 Retake
Chapter 6 ANG PUSA
Chapter 7 Him
Chapter 8 WARM HUG
Chapter 9 Sweets
Chapter 10 Lies
Chapter 12 Hide and Seek
Chapter 13 Hate

Chapter 11 Ryu and Leo

83 7 4
By bRezyLian62

Chapter 11 Ryu and Leo

***KAYE POV***

"A badge huh?" mataman kong pinagmasdan ang golden badge na ibinigay ng kambal. Hugis bilog ito, maaaring paghiwalayin kagaya ng yin at yang na disenyo. Na oras pagdikitin mo ay magiging isa. Mayroon itong dalawang kamay na mahigpit na magkahawak. May nakaukit na munting apoy sa magkabilang kamay. Oras na magdikit na ito doon mo lang mauunawaan ang desinyo niya. Bago ko nga pala makalimutan, kailangan mo siyang e-unlock upang paghiwalayin. Masyadong metikuloso ang pagkakagawa. Hindi ordinaryo, para bang sinadya siyang ipagawa.

Ibinagsak ko ang katawan sa kama. Ingangat ko ang badge at muling pinagmasdan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasaksak sa ulo ko na nagawa kong talunin ang kambal nang hindi ko namamalayan.

Nag-bake lang naman ako ng cake at tinukoy kung sino ang Ryu at Leo sa kanila. And ola, my badge na ako. Parang isang malaking joke naman ito.

"Wear that tomorrow, to show what greatness you've done this afternoon my princess." Nakangiting wika ni Leo.

"Be proud my little lamb," Ryu show his purest smile.

Tahimik lang nang mga sandaling iyon si Tristan. Nasa mukha pa rin ang di pagkapaniwala na nakatumpak ako. Isa daw malaking himala na tama ang pagtuloy ko. Weird. Kahit saglit ko lang nakasama ang dalawang iyon ngunit nagawa ko silang kilalahanin tungo sa pagkain.

"Chamba lang ba?" Napangiti ako pagkakita ko sa hawak. It's kinda heavy for a fake golden badge. O baka nama tunay na ginto ito. Kahit alin man doon ay hindi mahalaga.

Inilapag ko iyon sa mesa saka natulog na. Kailangan ko pang makipagtunggali sa damuhong si Tristan. Sana magawa ko siyang talunin para maabot ko ang tinatawag nilang hari.

"Wait for me Kaizzer Leigh Montefalco." Saglit akong bumungisngis bago hinila ng antok.

***END OF KAYE POV***

***TWINS POV***

"THANK you Manang Esme for this wonderful meal," Leo said with a smile on his face.

"Your cook is the best." Ryu agreed.

"Naku, walang ano man senyorito Ryulenzo at Leorenzo. Mas masaya ako dahil nasarapan kayo sa luto ko." Maligayang sagot ng matandang taga-luto ng mga Mondejar.

"The pleasure is ours po Manang Esme,"

"Naku naman." Bakas sa mukha ng matanda ang kasiyahan dahil napagsilbihan niya ng maayos ang dalawa niyang alaga.

"Manang Esme," nakangiting ibinaba si Ryu ang hawak na kubyertos saka hinarap ang namumulang matanda.

"Can you determine the handsome guy in front of you?" Ryu asked sweetly.

Napasulyap si Manang Esme sa pagkaing nakahain sa harap ng kanyang alaga. Pagkakita na isa itong minatamis na dessert, agad na sumagot ang matanda.

"Senyorito Leorenzo," tila proud na wika nito.

Lumapad ang ngiti sa labi ng kaharap niyang alaga. Ngiting hindi abot sa mga mata at tila sinasadya lang na ipakita.

"Ang galing naman. She got us right, Ryu." Ryu called his twin brother Leo.

"Yes she is," nakangiting sang-ayon ni Leo. Kahit ang totoo niyan ay mali ang matanda sa paghula.

Hindi makikitaan na hindi sila natutuwa sa halos mali-mali na pagtawag sa kanilang dalawa. Mula sa mga magulang hanggang sa sariling kaibigan. No one can guess right.

Maraming nang katulong ang dumaan sa buhay nila ngunit kahit isa ay walang nakatama. Kung meron man, agad na magdadahilan ang isa sa kanila na mali ang mga ito. Kaya naman wala ng tatama.

Minsan itinatanong nila sa kanilang mga sarili kung may nag-exist ba sa mundo na magagawa silang kilalahanin bilang sila? Hindi dahil sa suot nilang damit o sa pagkain na kanilang kinakain. Dahil sa totoo lang, nakakapagod na. Napapagod na ang dalawa sa maling pagkukumpara.

"Masaya ako senyorito na nakatama din ako kahit papaano." Nahihiyang kinamot ng matanda ang sariling pisngi. "Sige senyorito, babalik na ako sa kusina. Sana ubusin ninyo ang niluto ko para sa inyo."

Matapos magpaalam ang matanda tahimik na ipinagpatuloy ng dalawa ang pagkain. This day is kinda boring for them. They're been tricking people for fun. But boredom never leaves them.

Nagtitigan sina Ryu at Leo. Wala na ang nakakalokong ngiti sa kanilang mga labi. Gamit ang kanilang mga mata, tinatanong nila sa kanilang mga sarili kung kailan darating ang isang taong hindi magkakamali na kilalahanin silang dalawa bilang sila.

NANG makapunta na sila ng school, agad silang sinalubong ng mga mag-aaral na matindi ang paghanga sa kanilang dalawa. May mga regalo ang mga itong dala sa bawat araw.

"Leo, kunin mo ang chocolates na ito. Sadya kong ipinaluto iyan, just for you." Nagniningning ang mga mata na inabot ng isang babae ang naka-karton na chocolate. May ngiti sa labing tinanggap naman ito ni Ryu.

I hate chocolates! Ryu wanted to tell that in front of the girl but he doesn't want to ruin her smile.

"Itong bulaklak, bagong pitas iyan sa garden namin. Only for you, my Ryu." Masiglang inabot ng isa pang babae ang dalang bulaklak sa nakangiting si Leo.

Ang mga mata ng mga kababaihang ito ay naghuhugis puso. Marami silang binibigay na kung ano na hindi alam ng kambal kung paano hahawakan.

"Thank you," Ryu joyfully accepts her flowers. Gusto niyang ipagsigawan na mali ito. Na siya si Ryu at hindi si Leo.

"Uwaaah! Leo, please accepts my love for you!" One of the girls shouted.

May isang nakakalokong ngiti ang kumawala sa labi ng kambal. May kung anong pumasok sa utak nila. Susubukan ng dalawa kung hanggang saan ang pagmamahal ng mga ito sa kanila.

"Sure," Ipinakita ni Leo ang ngiti na kahihibangan ng mga kababaihan.

Isang matinis na sigawan ang sumunod.

"Mine too,"

"Ibibigay ko ang buong puso't kaluluwa ko!"

"Kaya kong magsunog ng pera makuha ko lang ang puso mo."

"I love you more than anything else!"

Saglit pa silang nag-away sa harap ng kambal.

"I will gladly accept all your love..." Leo started.

"And affection... " Ryu continued.

"As long as..." Buong kalandiang nilapitan ni Leo ang babaeng may hawak na chocolates. Hinawakan niya ang baba nito saka pinagtama ang kanilang mga mata. "You can tell who the handsome guy in front of you is?"

"Y-you are... You are..." Bakas ang kalituhan sa namumulang mukha ng babae.

"Hmm?" Mas inilapit pa ni Leo ang mukha dito. Habang patagal ng patagal, papula ng papula ang mukha ng babae hanggang sa nawalan ito ng lakas sa karisma niya.

"L-Leo... Y-you are Leo? Are you?" Kahit ito ay hindi sigurado sa sinasabi.

"E?" Saglit na namangha si Leo, she got it right but not that long. "But I'm Ryu." Nagkunwari siyang nasasaktan.

Ilang matinis na sigaw ang pinakawalan ng mga kababaihan.

"I don't care kung sino ka man sa dalawa dahil mahal pa rin kita!" Sagot ng babae na hindi nawawala ang paghanga sa mga mata.

Leo hates the way she talks about love. Ayos lang pala dito kung sino basta isa lang sa kanila ng kambal niya. That's cheating. He hates that kind of relationship.

"Then you can have us both our little one," Ryu immediately took the other hand of this girl. He stares at her as if she's the most beautiful girl on earth.

Bigla na lang napaupo ang babae sa labis na atraksyon na ibibigay ng kambal. Hindi nito nakaya ang labis na karisma na taglay ng dalawa.

"Walanghiya ka! Anong karapatan mong landiin ang bebe ko!" sigaw ng isa pang babae at kinuyog ang nanghihinang dilag dahil sa kagagawan nila.

"You deserve to die!"

"It's me that Prince Ryu going to marry!"

"Anong ikaw? Ako kaya iyon!"

Hindi maipinta ang mukha ng mga ito. At handang salakayin ang kawawang nilalang na hanggang ngayon ay lutang pa rin ang utak.

"Oh please, I don't want to see you fighting because of us." Eksaheradong sinapo ni Leo ang kamay sa noo at kunwa'y nahihilo at mawawalan ng balanse.

"It's making us sad," Sinalo naman ni Ryu ang nagdadramang kakambal.

Those girls suddenly lose their anger. Isang nakakabinging sigawan ang sunod nilang narinig.

BUMALIK ang kambal sa tambayan ng mga estudyanteng nabibilang sa Class S. Magarbo ito, hindi mo iisipin na classroom kundi isang bahay bakasyunan. Kumpleto ang lahat sa gamit.

Natigil ang dalawa pagkakita sa isang babae na abalang nakamasid sa libro ni Kaizzer, na nakakalat sa mesa.

"Sino ka at anong ginagawa mo dito?" Kaagad na tanong ni Leo.

Agad na humarap ang babae. They saw that it's the girl who challenged the Mr. Perfect, Kaizzer Leigh Montefalco. Miss Karriza Aye Valdemor, the only granddaughter of Luciana Valdemor.

Nagtitigan sina Ryu at Leo. May masama na namang ideya ang tumatakbo utak ng kambal.

"What we have here B1?" amuse na sinapo ni Leo ang sariling baba.

"There's a little lamb that got lost," Ryu widened his smile. Sabay silang lumapit kay Karriza at pinagmasdan nito ng maigi.

"Hmm... Ngayon lang kita napagmasdan sa personal," namamanghang puna ni Ryu. Hindi niya gaanong napagmasdan ito kahapon dahil may klase na sila ng mga sandaling iyon.

"She's cute right? B2?" Nakangising nilingon ni Leo ang kakambal.

"Whose Ryulenzo and Leorenzo here?" tanong ng mapangahas na bisita. Muling nagtitigan ang kambal. Isang maitim na plano ang gusto nilang isagawa. Lilituhin at paglalaruan nila ang isip ng bisitang ito.

Ngunit ang lahat ay hindi umayon sa kanilang plano dahil sa kauna-unahang pagkakataon. May taong nakatama sa paghula sa kanila. Kahit ilang ulit at paiba-iba na ang kanilang ginawa. Hindi pa rin nagbabago ang sagot ng babaeng ito sa kanila.

"You are Leorenzo." Hindi kumukurap na itinuro ni Karriza Aye o Kaye, si Leo. Sunod nitong sinulyapan ang nasa kaliwa na si Ryu. "Ikaw naman si Ryulenzo."

Hindi magawang magsalita ng kambal. Kapwa nila binitawan ang mga kamay ng nag-iisang babae na nakasagot ng tama ng walang pag-aalinlangan sa anyo.

"How can you be so careless?" Dinig ng kambal ang reklamo ng kaibigan nilang si Tristan. "Kami nga hindi matukoy kung sino ang totoo sa dalawang iyan. Tapos ikaw ituturo mo lang ng ganoon kabilis? Ang taas ng self-confidence mo a!"

Sumasang-ayon sina Ryu at Leo kay Tristan. Wala ni isa man ang nakatama maliban na lang sa isang tulad ni Karriza Aye Valdemor. Saglit na tinitigan nina Ryu at Leo at isa't isa. Ang tao na matagal na nilang hinahanap ay nandito na. Tunay nga nag-e-exist ang isang gaya nito sa mundo. Sa labis na galak ay may luhang nagsilaglagan sa kanilang mga mata.

"B-Bakit kayo..." sa nakita, natatarantang lumapit si Kaye sa kanila. Halata na hindi nito alam kung ano ang dapat nitong gawin. "R-Ryu, L-Leo..."

"Anong nangyari sa dalawang iyan?" tanong ni Tristan, nagbalak lumapit sa kambal.

Dagling nagpunas ang dalawa ng basa nilang mukha at muling ibinalik ang ngiti sa kanilang mga labi.

"H-hindi ko naman..." Nang muling mapasulyap si Kaye kina Ryu at Leo nakita nito ang ngiti ng kambal.

"I Ryulenzo Mondejar," Ryu raise his right hand.

"I Leorenzo Mondejar," Leo did the same thing.

"Accept our defeat from Miss Karriza Aye Valdemor," they said in chorus.

"W-what?" halos sabay na wika nina Kaye at Tristan. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa sinabi ng kambal.

"T-Teka... anong defeat ang tinutukoy ninyong dalawa?" naguguluhang tanong nito.

Ang tanging nagawa ng kambal ay ang ngumiti ng buong tamis. Dahil sa wakas, dumating ang isang tao na matagal na nilang hinihintay. Ang lungkot sa kanilang puso ay unti-unting napapawi. Ang bagay na mga magulang nila ang dapat na siyang makatuloy sa kanila ay nagawa ng isang bagong salta sa paaralang ito.

Isa siyang anghel na bigay ng langit.

KINAUMAGAHAN muli na namang sinugod ng mga kababaihan na nababaliw kina Ryu at Leo. Parehong eksena kung saan may inaabot na namang chocolate kay Ryu.

"Anong drama iyan?"

Kapwa natigilan ang kambal at agad na hinanap ang pamilyar na boses. Sinalubong ng kanilang mga mata ang nakakunutnoong si Kaye.

"My princess," masiglang nilapitan ni Leo si Kaye.

"My little lamb," Ganoon din ang ginawa ni Ryu.

Kapwa inabot ng dalawa ang kamay ng nag-isang babae na hindi nila magawang lituhin.

"What brings you here?"

"Hinahanap ko si Tukmol," Hindi maipinta ang mukha na sagot ni Kaye sa kanila.

Hindi naman napigilan nina Ryu at Leo ang mapangiti. Hindi man lang na-attract si Kaye sa karisma ng casanova ng S class.

"Why looking for him if we're just here, my princess." Kunwa'y nagtatampong wika ni Leo.

Mas lalong nalukot ang noo ni Kaye. "Kanina pa kayong dalawa."

"What?" Leo ask innocently.

"Ryus's the one who calls me princess not you Leo. And you Ryu," tinapunan ng masamang tingin ni Kaye ang huli. Hawak ni Ryu ang maliit na piraso ng chocolate at handa ng kainin iyon. "Bakit ka nagcho-chocolate?"

Kagaya ng dati, isang nag-uumapaw na kasiyahan ang kumawala sa mata ng mapaglarong kambal dahil muli na namang natukoy ni Kaye ang mga ito.

***END OF LEO AND RYU'S POV***

Continue Reading

You'll Also Like

28.3M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
5.4M 275K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
618K 38.9K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...