The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7.1M 228K 48.4K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 43

84.8K 3.1K 607
By Maria_CarCat

In sickness and in health





Mabilis ding umalis si Vera pagkatapos nuon. Hindi na siya pinansin ni Piero kaya naman kita ko kung paano namula ang kanyang mga mata. Bayolente din siyang napalunok habang pinagmamasdan ang mga tao duon na nakasaksi nang pamamahiya sa kanya.

"Naku pasencya na kayo. Ganyan talaga ang batang iyan, balibhasa nagiisang babae ng mga montero kaya naman sunod ang lahat ng luho. Mabuti na lamang at kahit papaano nasusuway ng kanyang pinsan na si Rafael" paumanhin at paliwanag sa amin ni Tito Darren. Tipid na lamang akong tumango sa kanya bago ako bumaling kay Piero na hanggang ngayon ay nakasimangot pa din.

"Hindi lahat ng gusto niya makukuha niya. Balak pa niya akong kuhanin kay Amaryllis" nakabusangot na sabi pa niya sabay tingin sa akin. "Amputa, ipagdamot mo naman ako. Parang ayos lang sayong nilalandi ako nung Vera ah!" Galit na sabi niya sa akin kaya naman kaagad bumagsak ang aking mga mata sa aking kamay.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Tito Darren. "Masyadong mabait itong nobya mo Hijo. Ikaw na ang bahala ipagdamot ang sarili mo" pangaasar sa kanya ng tiyo kaya naman mas lalong bumusangot si Piero.

Pagkatapos kumain ay tinulungan ko na si Tita Luna na magligpit ng nga pinagkainan. Naramdaman ko si Piero sa aking likuran. "Ayos ka lang ba magisa sa bahay?" Tanong niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang nilingon at tinanguan.

"Ako nga nagaalala sayo dito..." malumanay na sabi ko sa kanya. Ang kaninang nakasimangot niyang mukha ay unti unting lumambot.

Hinila niya ako papalapit sa kanya. "Ayos lang ako dito. Basta ang gusto ko paguwi ko nasa bahay ka" malambing na sabi pa niya na kaagad kong tinanguan.

Umuwi kami ni tita Luna dala dala ang mga pinagkainan. Nasa kalagitnaan pa lamang kami ay kaagad kaming nakarinig ng mabilis ma takbo ng kabayo. Nanlaki ang aking mga mata nh makita kong si Vera iyon. Galit na galit siyang nakatingin sa akin at mukhang desididong ipasagasa ako sa kabayo niya.

"Diyos ko!" Hiyaw ni Tito Luna ng kaagad akong tumalsik sa gilid ng daan dahil dito. Napangiwi akon dahil sa pagkakasalampak ko sa daan, mabuti na lamang ay madamo duon.

Napangiwi ako. Nilingon ko si Vera sakay ng kanyang kabayo. Malayo na siya, at hindi man lang nagabalang huminto kahit pa nasanggi niya ako. Pinilit kong makatayo kaagad at tsaka isa isang pinulot ng mga gamit na kumalat sa lupa dahil sa pagkakabitaw ko.

"Kaya mo bang maglakad Hija?" Nagaalalang tanong sa akin ni Tita Luna tsaka niya ako inakay.

Tumango ako. "Tita, wag na lang po sanang makarating ito kay Piero. Ayoko pong magalala pa siya" pakiusap ko pa sa kanya. Kita ko pa ang pagkagulat niya nung una pero kaagad din niya akong tinanguan pagkatapos.

Pagkauwi sa bahay ay mabilis kong hinugasan ang mga pinggan, pagkatapos nuon ay nagtungo ako sa may sala at nakangiwi akong umupo nang dahan dahan sa sofa na gawa sa kahoy. Hawak hawak ko pa din ang aking balakang dahil sa nararamdamang sakit duon. Napabuntong hininga na lamang ako, ang sakit na nararamdaman ko sa aking balakang ay umaakyat patungo sa aking dibdib dahilan para makaramdam ako ng paninikip dito.

Dahil sa takot na magpatuloy ang paninikip ng aking dibdib ay minabuti ko na lamang na humiga sa may sofa at hindi din nagtagal ay dinalaw ako ng antok. Hindi ko namalayan ang oras, napasarap ang kanina sanang pahidlip lang. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kaagad kong nakita ang malambot na unan na nakaunan na sa aking ulo, wala iyon kanina.

"Kanina ka pa?" Malumanay na tanong ko kay Piero ng makita kong kakababa lamang nito sa aming kwarto. Basa ang kanyang buhok at kakasuot lang niya ng puting tshirt.

"Medyo" tipid na sagot niya sa akin bago siya umupo sa sofa na hinihigaan ko kanina. Umusog ako para mas makaupo siya ng maayos. Humaba ang kamay niya sa head rest ng upuan kaya naman kaagad akong umusod papalapit sa kanya. Naamoy ko kaagad ang kanyang bango, bagong paligo ito.

"Gusto mo ba ng mirienda?" Medyo paos na tanong ko pa dahil sa aking pagtulog.

Umiling lamang siya sa akin. Muli kong naramdaman ang paghalik niyansa aking ulo. "Binilhan kita ng turon kay Tita Afrit, masarap yan may langka" pagbibida pa niya sa akin kaya naman kaagad kong nilingon ang lamesa at nakita ang isang supot duon.

Muling nakuha ni Piero ang atensyon ko ng may iabot siya sa akin. "Yan ang kinita ko ngayong araw, bumili ka ng mga kailangan dito sa bahay, bumili ka din ng gusto mo" sabi niya sa akin kaya naman napanguso akong tumingin duon sa nakarolyong pera sa kanyang kamay.

Marahan kong itinulak ang kamay niya pabalik sa kanya. "Itago mo na iyan, wala pa naman tayong kailangang bilhin para dito sa bahay. Wala din naman akong gustong bilhin" sagot ko sa kanya kaya naman muli nanamang bumigat ang tingin ni Piero sa akin, pumungay ang kanyang mata pagkatapos nuon.

"Itago mo pa din. Kaya nga ako nagtratrabaho para may maibigay ako sayo" malumanay na sabi niya sa akin.

Bumagsak ang tingin ko duon sa perang hawak hawak parin niya. Imbes na kuhanin iyon ay isinandal ko na lamang ang ulo ko sa dibdib ni Piero. "Hindi mo naman ako kailangang bigyan ng pera. Hindi ko naman iyon kailangan" malumanay na sabi ko sa kanya.

Humigpit ang yakap niya sa akin. "Ang mga misis ang nagtatago ng pera" sabi pa niya kaya naman napangiti ako. Itinuturi na talaga niya akong asawa niya kahit hindi pa kami kasal. Muli ko tuloy naisip yung sinabi ni Vera kanina tungkol sa singsing.

Sa huli ay tinanggap ko pa din iyon para itago. "Nabawasan ko na iyan, may kailangan kasi akong bilhin" sabi pa niya kaya naman tinanguan ko na lamang siya.

Ilang araw pang nagtrabaho si Piero sa palayan, kaya naman pansin na pansin ko kaagad ang bahagyang pagiiba ng kanyang kulay. Kakauwi ko lamang galing sa palayan para maghatid ng pagkain ni Piero ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napatingala ako sa madilim na kalangitan. Kaninang umaga ay sobrang init, tirik na tirik ang araw.

Dahil sa lamig ng panahon ay naisipan kong magluto ng sinigang para makahigop si Piero ng mainit na sabaw pagdating niya. Pasado alasingko ng marinig ko ang kanyang pagdating. Mabilis akong lumapit sa kanya dala dala ang tuwalya nang makita kong basang basa ito sa ulan.

"Maligo ka kaagad, baka magkasakit ka" nagaalalang sabi ko sa kanya. Tumango siya bago niya ako tipid na nginitian, nanlumo ako habang nakatingin sa kanyang mukha. Kitang kita ko ang pagod, bigla akong naawa kay Piero.

Matapos niyang maligo at makapagpalit ng malinis na damit ay kumain na kami ng hapunan. Panay ang puri nito sa aking luto, magana siyang kumain pero hindi pa din maalis ang pagaalala ko para sa kanya. "Piero, hindi ko na nakita yung sasakyan mo" puna ko sa kalagitnaan ng aming pagkain. Sandali siyang napatigil sa pagsubo.

"Binenta ko" sagot niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata.

"Pero bakit?" Gulat na tanong ko pa din sa kanya.

Nagiwas siya ng tingin sa akin. "Yun yung pinambili natin ng mga gamit dito sa bahay, yung iba pinambili ko ng palay, tsaka may bibilhin ako" tamad na sagot niya sa akin. Mas lalong bumigat ang dibdib ko, ginawa lahat iyon ni Piero para sa akin, para sa amin.

Kalagitnaan ng gabi ng makarinig ako ng mahihinang pagungol. Kaagad akong napamulat ng makumpirma kong si Piero iyon. Nakakunot ang kanyang noo habang nakapikit, kita ko din ang panginginig ng kanyang katawan. "Piero..." nagaalalang tawag ko sa kanya.

Sinalat ko ang kanyang noo at leeg, duon ko nakumpiramang inaapoy ito ng lagnat. Hindi na ako nagdalawang isip pang bumaba patungo sa kusina para maginit ng tubig. Binalot ko siya ng makapal na kumunot bago ko siya iwanan.

Muli akong umakayat sa aming kwarto dala ang isang maliit na palanggana na may lamang maligamgam na tubig. Binasa ko ang bimpo at kaagad ko siyang pinunasan. Hindi ako nakatulog ng gabing iyon dahil sa pagbabantay sa kanya. Magaalasingko ng umaga ng bumaba ang kanyang lagnat. Pero mabilis din akong bumangon para pumunta sa bayan.

"Oh Amaryllis!" Tawag ni tito Darren sa akin ng maabutan ko siyang nagkakape sa labas ng kanyang bahay.

"Magandang umaga po tito Darren, pwede ko po bang ipasuyo si Piero. Bibili lang po ako ng gamot sa bayan, inaapoy po kasi siya ng lagnat kagabi" sabi ko dito.

Mabilis akong nagtungo sa bayan at bumili ng gamot para sa lagnat. Bumili din ako ng lugaw ng may madaanan akong kainan. Sumakay ako ng tricycle pauwi, pagkababa ko sa tapat ng aming tinutuluyan ay nakita ko na kaagad si Piero.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

"Ayos na ako" pagod na sagot niya sa akin. Kita kong pilit niyang ipinapakita sa akin na magaling na siya.

"Wag ka na munang magtrabaho ngayon" pakiusap ko sa kanya. Hindi siya tumingin sa akin, ipinagpatuloy niya lang ang pagkain ng lugaw.

"Hindi pwede, malapit ko ng mabili yung gusto kong bilhin" sagot niya sa akin kaya naman bumagsak ang balikat ko.

"Ano ba yung gusto mong bilhin? Magkano?" Tanong ko pa sa kanya dahil kung may magagawa ako ay tutulungan ko siyang magipon para mabili niya iyon.

"Basta" tipid na sagot niya sa akin kaya naman napanguso ako. Dahil duon ay sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Magtratrabaho ako sa mansion" mahina pero seryosong sabi ko sa kanya. Mula sa pagkakayuko ay napansin ko ang pagtingin sa akin ni Piero.

"Hindi Amaryllis" maawtoridad na sabi niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang nilingon. Nilabanan ko ang kanyang mabigat na titig sa akin.

"May gusto din akong bilhin, kailangan kong pagipunan iyon" laban ko sa kanya. Kita ko ang pagigting ng kanyang panga.

"Sabihin mo sa akin kung ano yung gusto mo. Ako ang bibili" seryosong utos niya sa akin kaya naman hindi ako nakasagot kaagad. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Gumapang ang kanyang kamay, hinawakan niya ang kamay kong namamahinga sa taas ng lamesa. "Ano yung gusto mong bilhin Amaryllis?" Tanong niya ulit sa akin, ngayon ay mas malumanay, mas malambing.

Bayolente akong napalunok. "Gusto ko ding magipon, para mabili na natin yung gusto mong bilhin" nahihiyang sabi ko sa kanya kaya naman kaagad kong nakita ang mariing pagpikit ni Piero at ang mahina nitong pagmura.

"Lalaki ang bumibili nuon Amaryllis" paos na sabi niya sa akin.

Napaawang ang aking bibig. "Ano ba iyon?" Panguusisa ko pa sa kanya.

"Basta" madiing sagot niya sa akin kaya naman tumahimik na lamang ako.

Hindi din nagpapigil si Piero. Sumama siya kay tito Darren para magtanim ng palay. Bagsak ang aking balikat ng ihatid ko siya sa labas ng gate. "Wag lalabas ng bahay. Gusto ko nandito ka paguwi ko. Nagkakaintindihan ba tayo Amaryllis?" Maawatoridad na sabi at tanong niya sa akin na labag sa loob kong tinanguan.

Narinig ko ang pag tsk nito ng makitang nanatili ang mga mata ko sa lupa. Lumapit siya sa akin, naramdaman ko ang palad niya sa aking bewang. "Wag ng matigas ang ulo..." malambing na suway niya sa akin kaya naman dahan dahan ko siyang tiningala.

Titig na titig ito sa akin. "Oh ikiss mo na ako" utos pa niya kaya naman hindi ko napigilang ngumiti. Kaagad akong tumingkayad para abutin ang labi niya. Pagkatapos halikan ay niyakap ko pa siya.

"Charging..." nakangising bulong ko habang mas lalong hinihigpitan ang yakap ko sa kanya. Narinig ko ang pagtawa ni Piero, ginantihan niya ang yakap ko sa kanya.

"Full charge na, tangina bago sumabog ako niyan" pangaasar pa niya sa akin bago muling humabol ng halik sa aking labi.

Kumaway pa ako habang palayo ito. Nanatili akong nakatayo sa labas ng gate habang nakatanaw sa kanya.

"Amaryllis" tawag ni Aling Afrit sa akin na kaagad kong nilingon.

"Magandang umaga po" nakangiting bati ko sa kanya.

"Gusto mo pa bang magtrabaho sa mansion?" Tanong niya sa akin kaya naman kaagad humigpit ang pagkakakuyom ko sa aking kamao.

"Maglalaba lang po ba?" Mahinang tanong ko pa sa kanya na kaagad niyang tinanguan.

"Hindi ka naman mahihirapan dahil may washing machine naman duon. Pagkatapos mong isampay, pwede ka nang umuwi." Sabi pa niya sa akin. Napakagat ako sa aking pangibabang labi bago ako marahang tumango sa kanya.

Naglalaban ang aking isip. Nangako ako kay Piero, pero gusto ko talaga siyang tulungan makapagipo. Kita ko kasi sa kanyang mga mata ang determinasyon na mabili yung bagay na pinagiipunan niya. Gusto ko siyang tulungan.

Inihatid ako ni Aling Afrit sa may Villa de Montero. Duon ay ipinakilala niya ako kay Aling betty, siya ang mayordoma duon sa mansion. Hindi kagaya ng mga napapanuod ko sa teleserye ay mabait ito. "Ang gandang bata naman nito" puri pa niya sa akin kaya naman nahihiya akong ngumiti sa kanya.

Umalis din si Aling Afrit pagkatapos nuon. Dinala ako ni Aling betty sa may likod bahay kung nasaan ang washing machine, nanduon na ang mga labahan. Mukhang nasabihan na siya ni Aling Afrit bago pa man kami pumunta duon. "Nagmirienda ka na ba?" Tanong niya sa akin bago niya ako iwanan.

"Nakakain na po ako sa bahay namin" nahihiyang sagot ko sa kanya.

Tuluyan na sanang magpapalam si Aling Betty ng kaagad kaming makarinig ng pagsigaw mula sa loob. Boses pa lang ay alam ko na kung sino iyon. "Aling Betty wala pa din bang..." hindi natuloy ang tanong niya dito ng lumipat ang tingin niya sa akin. Nagulat pa ito nung una, bumaba ang tingin niya sa aking paa. Napangisi ito at napatawa.

"Ito na ba ang labandera natin?" Mapanuyang tanong niya. Bumagsak ang tingin ko sa lupa. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya sa kanya, gayong siya itong may kasalanan sa akin.

"Siya nga po senyorita" magalang na sagot ni Aling Betty sa kanya.

Muli niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "What a freak" mapanuyang sambit niya.

Hindi na lamang ako umimik. Umalis din siya pagkatapos nuon kaya naman nagumpisa akong maglaba. Tahimik ako nung una, hanggang sa muling lumabas si Aling Betty, nagaalala itong nakatingin sa akin habang may hawak hawak na laundry basket na puno ng makakapal na kobre kama.

"Akin na po" nakangiting sabi ko sa kanya. Nagtaka ako dahil ayaw niyang iabot iyon sa akin.

"Eh hindi naman kasi dapat ito kasama, pinasama ni senyorita Vera" mahinang sabi niya sa akin kaya naman maging ako ay napahinto din.

Nagkatinginan kaming dalawa at napaayos ng tayo nang marinig namin ang paglabas nito. Nakataas ang kilay niya sa akin, may hawak hawak itong orange juice. Kung makatingin siya sa akin ay para bang gustong gusto niyang ipamukha sa akin na masyado akong mababa.

"Bakit hindi ko pa yan ibigay sa kanya?" Masungit na tanong niya kay Aling Betty. Kita ko pa din ang pagaalinlangan ni aling Betty.

"Eh Senyorita, kailangan po ng dalawang tao pag nilalabhan ang mga ito. Makakapal po kasi at mas lalong bumibigat pag nababasa ng tubig" nagaalalang paliwanag ni Aling betty sa kanya pero hindi siya natinag.

"The Hell I care, ipalaba mo iyan kay Amaryllis" masungit na sabi pa niya.

"Pero senyorita, hindi naman po ito madumi..." laban pa ni Aling Betty.

Pareho kaming nagulat at nawalan ng imik ng kaagad siyang lumapit sa basket at itinapon duon ang isang basong orange juice na hawak niya. "There you go, madumi na" nakangising sabi pa niya at tatawa tawa kaming iniwan duon.

Panay ang paghingi ni Aling Betty sa akin ng paumanhin. "Wala po iyon aling Betty, hindi niyo rin naman po iyon ginusto" sabi ko pa sa kanya.

Muli akong nagsimulang maglaba. Kahit paano ay naging madali lang para sa akin iyon dahil may washing machine naman. Napapunas ako nh aking pawis gamit ang manggas ng aking suot na tshirt. Binuhat ko ang basket na may lamang mga malilinis ng damit at isasampay na lamang. Hinuli ko ang makakapal na kobre kama dahil isang tingin pa lang duon ay paniguradong mahihirapan na ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasampay ng muli akong binalikan ni Vera. "You look disgusting. Ano bang nagustuhan sayo ni Piero. Even your bangs is so irritating" nang sabihin niya iyon ay parang diring diri pa siya sa akin.

"Ayoko ng away Vera, nandito ako para magtrabaho" malumanay na sabi ko sa kanya. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa aking noo kaya naman ang ilang hibla ng bangs ko ay dumikit na duon.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Hindi kayo bagay ni Piero, you look so cheap" patuloy na pangmamaliit pa niya sa akin. Hindi ko iyon pinansin, hinayaan ko siya.

Dahil sa aking pananahimik ay mas lalo siyang nainis. "Damn you!" Galit na pagmamaktop niya at kaagad na nanlaki ang aking mga mata ng mabilis niyang hinila ang mga nasampay ko at ibinagsak iyon sa lupa. Sinubukan kong agapan, ngunit hindi pa siya nakuntento, inapak apakan pa niya iyon sa aking harapan.

"Vera tama na, ano ba?" Pagpigip ko sa kanya. Sinubukan kong pulutin ang mga damit ngunit kinuha niya ang pagkakataon na iyon para mabilis na hilahin ang aking buhok.

"Vera!" Sigaw na tawag ko sa kanya. Parang bata itong nagmamaktol, gigil na gigil siya sa aking buhok.

Mabilis kong hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa aking buhok, nang maramdaman niya ang paghawak ko sa kanya ay mabilis din niya akong binitawan na para bang nandidiri siya sa akin. Kusang tumulo ang aking mga luha habang iniinda ang sakit ng aking anit, bahagya ding umikot ang aking paningin dahil duon.

Napangiwi ako kasabay ng mahigpit na paghawak ko sa aking dibdib. Muli nanaman akong nakaramdam ng pagguhit ng sakit mula roon. Napadaing ako ng maramdaman ko ang pagkawala ng hangin sa aking katawan, ilang beses kong sinubukang maghabol ng hininga.

"What the..." gulat na sambit ni Vera ng makita ang paghihirap ko.

Muling tumulo ang masasagang luha ng muling umayos ang aking paghinga. Hindi ko napigilang umiyak dahil sa takot. "What the hell is happening here!?" Galit na utas ni Rafael. Mabilis siyang lumapit sa akin para tulungan ako.

"Ano nanamang ginawa mo Vera?" Galit na tanong niya sa kanyang pinsan. Hindi ito nakapagsalita, mabilis siyang tumakbo papasok sa kanilang bahay.

Inakay ako ni Rafael para makaayos ng upo. Pinakuha niya din ako ng tubig kay aling Betty. Panay ang paghingi niya ng tawad dahil sa ginawa ng pinsan. Sa huli ay hindi niya pinalabhan sa akin ang mabibigat na kobre kama. Binayaran niya ako sa mga natapos ko. "Sobra ata ito..." puna ko sa kanya.

"Bayad ko iyan, pasencya na ulit sa nangyari" sabi pa niya sa akin kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tanggapin iyon.

Inayos ko ang aking sarili habang naglalakad ako pauwi sa bahay. Muling akong napahawak sa aking dibdib, natatakot pa din ako sa tuwing naalala ko yung nangyari kanina. Imbes na magpahinga pagdating sa bahay ay nagluto pa ako ng hapunan para sa amin ni Piero. Nagiisip din ako ng idadahilan ko kung bakit hindi ako nakasama kay Tita Luna sa paghahatid ng pananghalian kanina.

"Andito na ako!" Anunsyo niya mula sa may sala.

Kaagad akong lumabas ng kusina para salubungin siya. Napansin kong malaki ang ngiti nito. Hindi katulad ng mga nakaraang uwi niya. Kita ang pagod sa kanyang mukha, pero mas nangingibabaw ang kanyang saya.

"Para ito sayo" abot niya sa akin ng isang plastick. Kaagad kong binuksan iyon at nagulat ako ng makitang isa iyong puting bestida.

"Para saan ito?" Tanong ko kay Piero.

Hinapit niya ako sa aking bewang bago niya hinalikan ang aking noo. "May pupuntahan tayo bukas, iyan ang isuot mo" nakangiting sabi pa niya sa akin.

Maagang nagising si Piero kinaumagahan, pero mas nagulat ako ng sabihin nito sa akin na hindi siya aalis ngayon para magtrabaho. Nakasuot din ito ng isang kulay puting polo shirt at ayos na ayos. Hindi na ako nagreklamo pa ng pilitin niya akong isuot ang puting bestidang ibinigay niya sa akin pagkatapos kong maligo.

"Saan ba tayo pupunta Piero?" Nagtatakang tanong ko sa kanya pagkasakay namin ng tricycle. Hindi niya ako sinagot, nanatili lamang siyang nakatingin sa kalsada at nakangiti.

Huminto ang tricycle sa tapat ng isang malaking simbahan sa may bayan. Iyon ang pinakamalaking simbahan ng sta. Maria.

Immaculate conception parish church

Napaawang ang aking bibig. Magtatanong pa sana ako kay Piero pero kaagad niya lamang akong hinila papasok duon. Bukas ang simbahan, tahimik at may ilan lamang na nakaluhod at nagrorosaryo. Dinala ako ni Piero sa harap ng altar.

Napatingin ako sa iilang tao duon, wala silang pakialam sa amin. Patay din ang ilaw ng ilang parte ng simbahan. Mukhang binuksan lamang iyon para sa ilang gustong magrosaryo.

"Amaryllis" pagtawag ni Piero sa akin kaya naman kaagad ko siyang nilingon.

"Hindi ako naging mabuting tao. Pero nilakasan ko ang loob kong humarap sa diyos ngayon kasama mo...para pakasalan ka" medyo emosyonal na sabi ni Piero.

Nanlaki ang aking mga mata, kasabay ng pagtulo ng aking luha ng makita ko ang kanyang hawak ngayon. Wedding ring iyon na nalalagay sa kulay pulang box.

"Piero" pumiyok na tawag ko sa kanya.

Inilibot niya ang paningin sa buong simbahan. "Hindi ganitong kasal ang gusto kong ibigay sayo. Pero papaksalan pa rin kita ngayon para masigurado kong akin ka na" sabi pa niya at kalaunan ay pumiyok pa.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi para pigilan ang mas lalong pagiyak. "Handa ka bang magpakasal sa akin Amaryllis? Hindi marahil ako naging isang mabuting tao, pero handa akong magbago para sayo. Bibigyan mo ba ako ng pagkakataong magbago, para sayo?" Tanong niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

"Kahit ano pa ang nagawa mo Piero, tanggap kita...papaksalan kita bilang si Piero, ang buong ikaw" umiiyak na sagot ko sa kanya.

Napangiti siya kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. Inilabas niya ang singsing na para sa akin. Kinuha niya ang aking kamay.

Tumulo muli ang kanyang luha bago siya nagumpisang magsalita. "I take you Amaryllis Guevarra to be my wife, for richer for poorer, in sickness and in health, till death do us part" emosyonal na sabi niya sa akin bago niya tuluyang isinuot sa akin ang singsing.

Bayolente akong napalunok ng kuhanin ko ang singsing ay hinawakan ko ang kamay ni Piero. Tuloy tuloy ang aking pagiyak. "I take you Piero Alfonso Herrer..." paguumpisa ko at kaagad na napapiyok. "To be my husband, for richer for poorer, in sickness and in health...till death do us part"


















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

10.9M 354K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook
255K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
5.6K 273 39
Gia lost her phone at the mall. A guy gave it back. another epistolary ccto to all pictures and videos used. most of them from pinterest.