HE'S INTO HER Season 1

By maxinejiji

371M 8.9M 8.7M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94

CHAPTER 34

3.3M 80.3K 91.8K
By maxinejiji

DEIB'S POV

MULA SA parking lot hanggang sa makarating kami sa bahay nina Kim ay panay ang kwento niya. Sa dami ng sinabi niya ay hindi ako sigurado kung may naintindihan ba ako.

"Di ba, Deib?" mayamaya ay sabi niya.

"Ha?" kabado kong tugon.

"Hindi madaling maging President sa klase. Ikaw ang takbuhan ng lahat ng classmates mo. Tapos ini-stress pa nila ako? Anong akala nila sakin? Hindi kailangang mag-aral? Diba? Of course, I also need time to study. Nakakainis!"

Napapalunok ko siyang sinulyapan. Huhuhu! Ano ba kasing sinasabi niya?

"Nagagalit kasi sila sakin. Hindi ko naman kasalanan yun."

Ang alin ba kasi? Huhuhu!

"Di ba? Tingin mo, mali ba ako?"

"May p-point ka naman e," iyon na lang ang isinagot ko.

Pero sa halip na sumagot, tumitig siya sa akin nang salubong ang kilay.

"Bakit?" tanong ko.

"Are you with me?"

"Of course!" nameke ako ng ngiti. "Nagda-driver pa nga ako, eh," biro ko.

"Psh! You're not funny! Senseless!"

Nabigla ako. Joke lang 'yon, eh. Senseless na agad ako?Napanguso ako. "Kim..."

"Yeah, right! Forget it, Deib. Hindi ka interested kasi hindi mo naman na-experience maging President. Tulad ka lang rin nung ibang students na umaasa sa President."

Nainis ako bigla. "Kim," sumreyoso ako.

Halatang nagulat sya pero hindi pa rin sya tumitingin sakin. Eksakto naman at huminto na ako dahil nasa tapat na kami ng bahay nila.

"Kim, look, naiintindihan naman kita. Pero kasi—"

"No. Hindi mo ako maiintindihan, Deib. Kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko."

"Bakit nagagalit ka sakin? Naiintindihan naman kita—"

"Kasi hindi ka nakikinig sakin!"

"Nakikinig naman ako e—"

"Sige. Anong sinasabi ko?" asik niya. Hindi ako nakasagot. "See? You're not listening that's why you don't know what I'm talking about."

"I was focusing—" Hindi niya na ako pinatapos sa sinasabi ko.

"Yeah, right. Thanks for the ride, Deib. Goodn—"

"Kim..."

"Deib, I'm damn tired. Okay? Bukas na lang tayo mag-usap."

Hindi pwede! Kailangang maging okay muna kami ngayon!Hinawakan ko sya sa kamay. "Kim hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo okay," seryosong sabi ko.

"Okay naman tayo, ah? Wala lang talaga ako sa mood! Super stressed ako dahil sa mga classmates ko."

"Galit ka sakin, eh."

"Hindi nga ako galit. Promise."

"Kim naman."

"Hindi nga ako galit."

"Galit ka e."

"Hindi nga."

Malumanay na syang magsalita pero ramdam kong galit talaga sya.

"Kahit hindi ka galit, susuyuin kita," nakangiting sabi ko.

Pero hindi man lang sya ngumiti at mas lalong hindi sya nag-blush.

Galit talaga sya. Ano bang ginawa ko? Hindi ko lang naman narinig yung sinasabi nya dahil nagfo-focus ako sa pagda-drive ko.

Tinitigan ko lang sya at pinakita kong malungkot talaga ako.

"Nakakainis ka kasi e," bigla ay maktol niya.

"Eh, di umamin ka rin," nakangusong sabi ko saka natawa. "Sorry na."

"Hmp!" nagcross-arm sya at humarap sa bintana. Kaya naman lumapit ako at ipinatong ang mukha ko sa balikat nya.

"Wag ka ng magalit, please? Nagfo-focus kasi ako sa pagda-drive e."

"Sa pagda-drive ba talaga?"

"Oo naman. Saan pa?"

"So, mas importante pa sakin yan? Ganon?"

Bahagya akong natigilan. "Kung hindi ako magfo-focus sa pagda-drive ko, mababangga tayo, Kim."

Lumungkot ang mukha niya. "Hindi ka naman sa pagmamaneho naka-focus, eh. Alam kong may iniisip kang iba."

Napalayo ako. Ano'ng sinasabi nito? "Wala naman akong iniisip na iba, Kim."

"Meron!" asik niya.

"Wala nga, ano ba'ng sinasabi mo?" malumanay pa ring sabi ko.

"Dalawang taon mo na akong nililigawan, Deib Lohr,"mataray na aniya. "Dalawang taon mo na rin akong hatid-sundo."

"And?"

"Ngayon ka lang hindi nakinig sa kinukwento ko."

Natigilan ako. For real?

Ngunit seryoso siya nang lingunin ko. Kinabahan ako nang makitang mangilid ang mga luha niya.

"Kim, please, don't be like this?" pakiusap ko. "Wala akong ibang iniisip. Kung pwede ko lang ilabas ang utak ko ngayon, gagawin ko. Mapatunayan ko lang ang sinasabi ko,"gusto kong masamid sa sariling sinabi.

Alam kong tama siya, wala sa kaniya ang atensyon ko. Ngunit hindi ko matanggap na iyon ang totoo. Na kahit ako sa sarili ko ay kailangan kong magsinungaling. Dahil ayaw ko ang katotohanang ang taong iyon ang kanina pang laman ng isip ko.

"Kim," muling tawag ko. "Wala talaga akong iniisip na iba, focused ako sa driving." Hindi siya sumagot at sa halip ay nagbaba lang ng tingin. "Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?"

"Si Max," deretsong sagot niya.

Napalunok ako. "Ha?"

"Si Max, si Taguro."

Nangunot ang noo ko. "Diyos ko naman, Kim. Iyon pa talaga?"

"Why not? Siya lang naman ang posibleng isipin mo. Lalo na at ganon ang nangyari sa kanila ni Choco kanina. Malay ko ba kung nag-aalala ka sa kanya?"

"What?"

"Akala mo ba hindi ko nakita kung paano mo sya tignan kanin, habang namimilipit sya sa sakit dahil don sa kung ano mang ginawa ni Choco sa kanya?"

Huh? Ano bang istura ko no'n?

"Akala mo ba hindi ko rin nararamdamang nag-aalala ka sa kanya? Alam kong naunahan ka lang ni Lee pero gusto mo rin syang tulungan."

Napaisip ako ngunit sa huli ay napangisi. Wait...is she jealous? Hindi ko napigilang matawa nang maisip na tama ako.

"Why? What's funny?" asik niya.

"Hindi ako natatawa. Natutuwa ako."

"With what?"

"Kasi..." lumapit ako. Napaatras siya at napasandal sa window. "...nagseselos ka."

Nanlaki ang mga mata niya at namula ang mga pisngi. Ngunit pinagkunutan niya rin ako bigla. "What? Of course not! Sino'ng nagseselos? Bakit ako magseselos?"

"Tch," bahagya akong lumayo, walang paglagyan ang tuwa. "Kunyari ka pa."

Hinampas nya ako sa balikat kaya napaatras lalo ako. "Ano ka ba? I am not jealous! Sige na! Umuwi ka na! Maaga pa kayo bukas!" sabi nya at bumaba na ng kotse.

Sumunod ako agad. "Kim!"

"What?"

"Nagseselos ka, 'no?"

Nakita ko nang muli siyang mamula, ngunit pinagkunutan niya ako ng noo. Dinedepensahan ang sarili. Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko sa tuwa.

"Hindi nga! Umuwi ka na, Deib Lohr."

"Sabihin mo munang nagseselos ka?"

"Hindi nga sabi, eh!" asik niya. "I am not jealous of her! Bakit ako magseselos nang dahil lang sa kaniya? Duh? And besides, boyfriend ba kita para magselos ako sa kung sino mang girls ang dumidikit sa yo?" hindi ko inaasahan ang pamamrangka niya.

Gano'n kabilis pinahupa no'n ang saya na naramdaman ko. "Gano'n ba?" kamot ko ang ulo. "Nagbabaka-sakali lang naman."

"Go home, Deib. Take care," aniya saka ako pabuntong-hiningang tinalikuran.

Padabog nya pang isinara ang gate nila. Hinintay ko muna syang makapasok ng bahay bago ako bumalik sa kotse ko.

"Tch, hindi raw nagseselos pero kung makapag-react..." nakanguso ngunit nangingiti ring sabi ko. Ngunit naasar ako nang maalala si Taguro. "Tsk! Bakit ba lagi na lang sya? Sya na lang lagi ang nagiging dahilan kung bakit ako minamalas! Nakakainis! Bakit ba kasi dumating ka pa dito?" saka ako nagsimulang magmaneho.

Pagdating ko sa bahay nandon si Randall. As usual, pa-cute si Noona at kumakain ng pasalubong ni Randall.

Tch!

She's always like that, pa-cute at hindi umaalis sa tabi ni Randall. Pero sa kabilang banda, naisip kong kung magiging ganyan din sa 'kin si Kim ay ayos lang. Hinding-hindi ko rin siya lalayuan.

"Oh? Late ka yata?" si Noona.

"Hinatid ko pa si Kim. What's up, bro?" baling ko kay Randall.

"The same, bro. How's school?"

"Ayon, nakakapagod. Noona, starting next week maaga na ang practice namin at regular na."

"So, mas lalong hindi ka makakapag-aral nyan? So, idadaan mo na naman sa incentives ang pagpasa mo? Ganon? Maganda yan," mataray niyang sagot.

"Dein," ani Randall.

"Parte ba ng pagpapa-cute mo yan, Dein? Tch! Inaway na nga ako ni Kim kanina, pati ba naman ikaw? Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae! Nagagalit nang walang dahilan," asik ko.

Humalakhak si Randall. "You're right, bro."

Sumimangot si noona. "Psh! Hindi niyo lang kasi kami maintindihan."

"That's the exact same reason Kim gave me," itinuro ko pa si noona. "Hindi ko raw siya maintindihan. E, ano ba ang iintindihin ko?" natawa ako.

"Ano bang pinag-awayan nyo?" si Randall.

"Hindi ko nga rin maintindihan e," natatawang tugon ko.

"See? Hindi nyo kasi kami talaga naiintindihan!" singit ni noona.

"Tch! E kasi ayaw nyang ipaintindi sakin," sabi ko.

"Ano nga kasing nangyari?" tanong ni Randall. Dein, honey, let him talk. Let's listen to him."

Nginusuan lang ako ni Noona at saka sumandal kay Randall.

"Kasi kanina hinatid ko sya pauwi. Nung nasa daan pa lang kami papunta sa kanila, nagkukwento na siya. No'ng malapit na kami sa kanila, nagtanong sya bigla. Eh, hindi ko nasagot, 'ayun, nagalit," kwento ko.

"What's her question?" natatawang tanong ni Randall.

"Tungkol doon sa kinukwento niya," nakangusong sagot ko.

Nagkatinginan kami ni Randall at sabay na natawa.

"Bro, believe me," hinawakan ako ni Randall sa balikat. "Iyan ang ayaw na ayaw ng mga babae. Iyong nagkukwento sila at hindi ka nakikinig? Bawas pogi points 'yon!"

"I can't relate to her," nakalabing sabi ko. Gaya ng sinabi niya, hindi ko pa naranasang maging class president."

"Psh! Hindi mo pa nga girlfriend si Kim ginaganyan mo na," ani noona. Sinimangutan ko siya.

"Hindi mo pa ba girlfriend?" nagugulat na tanong ni Randall.

Napanguso ako. "Hindi pa."

"Hindi pa sya sinasagot!" muling sumingit si noona sa usapan.

"Bakit daw?" tanong ni Randall sa 'kin.

"I don't know," nagkibit-balikat ako. "I don't wanna force her, though. Besides, parang kami na rin naman, eh. Tulad niyan, halos araw-araw ay hatid-sundo ko siya. May manliligaw bang makakagawa ng ganiyan?"

"Oo naman," natatawang ani Randall. "Depende sa babae 'yon. For sure may gusto rin sa 'yo 'yan."

"Exactly," mayabang kong tugon. "Kaya hindi ko siya minamadali. Besides, formality lang 'yang label na 'yan."

"Ang sabihin mo, kaya hindi ka sinasagot ay dahil sa ugali mong 'yan," muling umepal si noona. "Ugali mong hindi makinig!"

"Hey, si Kim na mismo ang nagsabing ngayon lang ako hindi nakinig. Parati kasi akong tutok sa mga kinukwento niya," depensa ko.

"Kaya ka nadali, bro," tumawa na naman si Randall. "Baka sobrang importante sa kaniya no'ng kinukwento niya. Kaya nagalit siya dahil ngayon ka pa hindi nakinig."

"Tch! Ewan ko ba! Pinagpipilitan nyang hindi ko raw sya maintindihan kaya hindi ako nakinig."

"Ganyan rin si Dein madalas, bro," pang-aalaska ni Randall sa nobya. Sabay kaming natawa.

"Excuse me! May mga oras kasi talaga na kahit na sabihin nyong naiintindihan nyo kami, pakiramdam namin hindi nyo kami naiintindihan," depensa ni noona.

"E kasalanan pa ba naman namin yun kung ganon ang pakiramdam nyo?" tanong ko.

"Hindi nga. Pero kasi sa ganong paraan pakiramdam namin nababali-wala kami."

"Tch! Daming arte."

"So maarte si Kim? Ganon?"

"Tulad nyan! Tulad nyan! Yan! Hindi naman ganyan ang ibig kong sabihin e! Ang gulo nyo! Kami ang hindi nyo maintindihan e!" angil ko.

Nagtawanan kaming tatlo at nung tumahimik na ay saka nagsalita ulit si Randall.

"Someone told me before that..." tumingin pa sya sa kawalan. "Kaya lang naman inisiip ng isang tao na hindi natin sila naiintindihan, dahil ang gusto nilang mangyari ay wag natin silang kontrahin at sumang-ayon tayo sa kung ano mang pinaglalaban nila."

Natitigilan ko siyang tiningnan. Saka ako napapatangong bumuntong-hininga. I like that point.

"Na kung ano man yung side nya, doon tayo papanig. Kasi kapag kumontra tayo sa sinasabi nila, doon nila iniisip na hindi natin sila naiintindihan," patuloy niya.

Nakangiwi ko siyang tiningnan saka ako natawa. "Sino ba'ng may sabi sa 'yo niyan at napapangiti ka pa?" pang-aasar ko.

"Iyong ex niya, sino pa?" si noona ang sumagot. Bigla siyang tumayo at lumapit sa laptop. "Late na, hon. Baka gusto mo nang umuwi," bigla ay nagtaray siya.

Hinabol ko siya ng tingin. "Ano'ng nangyari ro'n?"natatawa kong baling kay Randall.

"Iyan ang hindi natin maiintindihan, bro," tumatawang aniya. "Umakyat ka na at magpahinga. Mukhang sasabunin na naman ako ng ate mo."

Natawa ako. "Good luck, bro."

Umakyat ako sa kwarto at dahil nakapagpahinga na rin naman ay naligo na ako. Gano'n na lang ang pagkatulala ko. Paulit-ulit sa isip ko 'yong mga sinabi ni Randall.

Muli ay nakangiwi akong tumango. "May point talaga siya."

Nang matapos ay itinuon ko ang buo kong atensyon sa paggawa ng assignments. Patapos na ako nang kumatok si manang at tumuloy para yayain akong mag-dinner.

"Oh, pinauwi mo na talaga si Randall?" natatawang sabi ko nang hindi ito makita sa 'baba.

"Oo," mataray pa ring tugon ni noona.

"Tch! Grabe ka! Shinare nya lang sakin yung sinabi dati ng ex nya nagkaganyan ka na? Yan ba yung sinasabi mong hindi namin naiintindihan? Hahaha! Hindi talaga namin maiintindihan yan—"

"May duty sya okay? OA maka-react."

"Wow! Ako pa OA mag-react? Eh, ikaw nga 'tong nagsungit bigla." Nakangiwing kong inulit ang mga huling sinabi niya kay Randall kanina.

"Nag-away ba kayo ni Randall?" kunot-noong tanong ni manang.

"Hindi po," sinamaan ako ng tingin ni noona.

"Nagseselos ka pa rin sa ex niya?" pang-aasar ko.

"Hindi, 'no!" asik ni noona.

"Tch! Ganyang-ganyan din si Kim kanina. Obvious nang nagseselos, dine-deny pa."

"Hindi nga!"

"Ano ba kayong dalawa? Nasa harap tayo ng pagkain, nagsisigawan kayo? Magkaharap kayo, hindi nyo na kailangang magsigawan pa. Konting respeto sa biyaya,"saway ni manang.

"Sorry po," sabay naming sabi ni noona.

"Umamin ka na kasing nagseselos ka, wala namang masama e! Mas okay pa nga yun, matutuwa si Randall non."

"Huh?"

"Kapag yung mga ganong klase ng selos, hindi naman kami naba-badtrip sa ganon. Cute yun para samin. Pero kapag yung selos na umaabot na sa hinahampas nyo kami, sinasampal, binabatukan, basta kahit na anong pisikal, 'yun ang hindi na cute. Badtrip na yun! Hehe."

"Talaga?"

"Tch! See? Yan ba ang hindi namin naiintindihan? E ako nga, alam ko nang nagseselos ka e. Naiintindihan namin kayo. Tama lang talaga yung sinabi nung ex ni Randall. Kaya nyo naiisip na hindi namin kayo naiintindihan dahil ang gusto nyong mangyari ay sumag-ayon kami sa gusto nyo, hahaha!"

Hindi sya nakasagot at nagtuloy na lang sa pagkain.

"Tagal-tagal nyo na ni Randall, nagseselos ka pa sa ex nya? Tch!"

"Kasi ang tagal-tagal na rin nilang wala pero naaalala nya pa rin yun," seryosong sabi ni Noona.

Natigilan ako nang makita kung gaano siya kaseryoso. Mukang seryoso nga ang dahilan kaya ganyan pa rin sya magselos.

Mula nang matapos kaming mag-dinner ay wala ng kibo si Noona. Nanonood kami ng movie ngayon dito sa sala pero seryoso lang sya, Cruel Intentions One. Itinuon ko na lang ang pansin sa palabas at hindi siya pinansin.

Annette: I don't believe you.

Sebastian: There's something I have to tell you.

Annette: Tell me.

Sebastian: This isn't working out for me anymore.

Annette: [not taking Sebastian seriously] Yeah, me neither.

[kisses Sebastian and he doesn't respond]

Annette: What's wrong?

Sebastian: It's not you. It's me... I'm completely fucked up.

Annette: What are you saying?

Sebastian: I thought I was in love with you but it was just a lie. I wanted it to work but unfortunately, I feel nothing.

Annette: Why are you doing this?

Sebastian: I just... I just wanted to see what you were like in bed.

Annette: You don't mean that.

Sebastian: You know nothing. You don't even know me! The fact of the matter is, there is someone I love. You don't even compare to her. I don't know how to make this any clearer to you. You mean nothing to me!You were just... You were just a conquest.

Annette: You're such a coward. Look at yourself! You're shaking! Is that what you came to tell me?

Sebastian: I'm sorry. I'm completely...

Annette: Yeah, you're completely fucked up! Get out! [shouts]

Annette: Get out!

Annette: [Sebastian tries to touch Annette] Don't touch me! Don't touch me!

[Tries to touch her again]

Annette: Don't fucking touch me Sebastian!

[Slaps Sebastian around the face]

Annette: Just leave

[after Sebastian leaves Annette starts crying]

Pero nawala ang focus ko nang bigla ay humagulgol ng iyak si noona. "Bakit umiiyak ka na diyan?" angil ko.

"Nakakaiyak e!"

"Tch!"

Namatay iyong bidang lalaki don sa palabas at iyak ng iyak yung bidang babae. "Nakakadiri kang kasama manood, iyakin ka!" asik ko.

"Nakakaiyak kaya! Bakit kasi namatay pa si Sebastian e!"

"Ilang beses na nating napapanood yan ganyan pa rin katindi ang iyak mo? Tch! Korni."

"Look, emotional talaga kaming mga babae. Lalo na kapag in a relationship ang isang babae, feeling nya bawat scene ay katulad ng sa kanila ng boyfriend nya. Hindi mo yun maiintindihan kasi wala kang girlfriend."

Pinandilatan ko siya. "Foul 'yon, ah?"

"Hahaha! Sorry, brother. Peace!"

"Tch," natahimik ako talaga.

Tumahimik rin sya sandali. "Babaero noon si Randall,"bigla ay kwento niya.

Nangingiti ngunit ang lungkot ay nasa mga mata, para bang may masakit na binabalikan sa alaala.

"Chicks dito, chicks doon. Girlfriend dito, girlfriend doon."

Ngumiwi ako. "At ikaw ang nakapagpabago sa kanya?" tanong ko.

Mapait siyang ngumiti. "Iyon nga ang kinaiinisan ko, eh,"bumuntong-hininga siya. "Hindi ako ang nakapagpabago sa kaniya." Nagbaba siya ng tingin sa mga kamay sumulyap sa 'kin nang may mapait na ngiti.

"Eh, sino?" na-curious ako.

"Iyong ex niya," doon nawala ang ngiti ni noona. Napalitan iyon ng lungkot. "Huminto lang siyang maging babaero nang makilala niya ang ex-girlfriend niya." Bumuntong-hininga uli siya. "Sabi ni Randall ay iba siya sa lahat. Siya lang daw ang nakapagpabago sa kanya. Siya lang daw ang nakapagparamdam na wala na siyang dapat pang mahalin na iba."

Hindi ko maalis ang tingin kay noona habang nagkukwento. Kaya namin nakita ko nang pangiliran siya ng luha.

"Dein..." hinawakan ko siya sa balikat.

Pilit siyang ngumiti. "No'ng kami ni Randall, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kasi pakiramdam ko ay bumalik siya sa pagiging babaero at ako ang naging babae niya."

Sandali akong nalito bago nakuha ang sinasabi niya. "Bakit naman?"

"Kasi nabago siya ng ex-girlfriend niya, kung naiparamdam nito na wala na siyang dapat na mahaling iba...ano ako? Bakit nasa akin siya?"

Nangunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan, Noona.Nameke na lang ako ng ngiti saka bumuntong-hininga.

Tumingin sya sakin at saka ngumiting muli. "Weird, 'no? Honestly, kahit ako, nalilito. Kaya siguro gano'n na lang ako magselos sa ex-girlfriend niya."

Nagbaba ako ng tingin. Sa puntong iyon ko lang siya naintindihan. Sa isang banda ay gusto kong ma-guilty sa pang-aasar sa kaniya. Pero wala naman akong plano na mag-sorry.

"Madalas pa ring nababanggit ni Randall 'yong mga makahulugang salita na sinabi sa kaniya ng ex niya noon. Katulad na lang no'ng sinabi niya sa 'yo," ngumiti siya sa 'kin. "Hindi ko maiwasang magselos kasi hanggang ngayon saulo niya pa rin ang mga 'yon.

"Maybe because...she has a point? I mean, minsan may nare-realize tayo sa point of view ng iba. Baka gano'n lang 'yon," I tried to cheer her up. "Nasaan na nga pala 'yong ex niya?"

"Wala na." Nagkibit-balikat siya. "Nasa Korea na."

Napatango ako. "Akala ko naman kung nasa'n."

"No'ng mag-break sila ni Randall ay pumunta siya ng Korea."

"Bakit naman sila nag-break?"

"Because of me," 'ayun na naman 'yong mapait niyang ngiti.

"Wait, what? Bakit ikaw?"

Nagkibit-balikat siya. "Nag-break sila no'ng mismong araw na sinagot ko siya. Randall broke up with her," nagbaba siya ng tingin. "Kaya...ako ang dahilan kung bakit sila naghiwalay."

"Magulo," nakangiwing sabi ko. "Bakit kaya hindi mo linawin kay Randall 'yan? Para malinaw sa 'yo kung ikaw ba talaga ang dahilan ng hiwalayan nila."

Umiling siya. "Ayaw kong balikan ang nakaraan niya. Siguro dahil ayaw ko ring magalit siya. Kasi alam kong ayaw niya na ring pag-usapan ang tungkol do'n." Matamlay siyang tumingin sa kung saan. "O dahil...natatakot akong marinig ang tunay na dahilan. Baka kasi mali ako. Natatakot ako."

"Natatakot saan?" kunot-noong tugon ko. Nabigla ako nang sunod-sunod na tumulo ang luha niya. "Sorry, Dein..." Muli kong tinapik ang balikat niya.

Ngunit mas nagulat ako nang sabayan niya ng tawa ang pagluha. "It's okay." Tumatawa niyang pinunasan ang sariling luha. "It's just that...natatakot akong baka kapag nagtanong pa 'ko, sagutin niya ako ng mga patunay na hindi talaga niya ako mahal. Na ginamit lang niya ako."

"Dein, he's not like that."

Nagbaba siya ng tingin. "I know." Umiling siya. "Napatunayan ko naman nang hindi na siya tulad ng dati. In fact, 'yong ex niya lang talaga ang pinagseselosan ko. Nagpapanggap na nga lang akong nagseselos sa ibang babae. Pero ang totoo, natatawa ako t'wing mag-e-explain siya everytime may madikit na ibang babae sa kaniya. Psh." Natawa siya sa huli.

"Hindi ko alam na ganyan pala ang nararamdaman mo kay Randall."

"Yeah," bumuntong-hininga siya. "Matagal na pero nagseselos pa rin ako dahil saulo niya pa rin lahat ng sinabi ng ex niya. Parang hindi niya kayang kalimutan."

"Noona," bumuntong-hininga ako. "Hindi talaga niya malilimutan 'yon dahil sabi mo nga, siya ang nakapagpabago kay Randall. But that doesn't mean na mahal niya pa ang ex niya. Naging parte siya ng buhay ni Randall. Kaya amnesia na lang ang makapagpapabura ng alaala niya sa boyfriend mo."

Matagal siyang tumitig sa 'kin saka tumawa nang malakas.

Pinagkunutan ko siya. "What the hell?" asik ko.

Mas lumakas ang tawa niya. "I'm sorry! It's just that...I wasn't expecting you to say such serious things. But I'm happy na nakapag-usap uli tayo nang ganito," nahiga siya sa balikat ko. "Thanks for listening, Deib Lohr."

Iginalaw ko ang balikat ko. "Tch! Umalis ka nga dyan!"

Tumawa siya lalo. "In fairness, wala ka pang nagiging girlfriend pero magaling kang mag-advice at makinig. Iyan malamang ang napapala mo sa kababasa ng pocketbooks?"

"Tsk! Alis nga! Matutulog na ako," napapahiyang sabi ko.

"Don't worry, dongsaeng," nakangiti siyang sumeryoso. "Ipagpatuloy mo lang 'yan and you'll see, maganda ang magiging love life mo."

"Tch! Maganda na!"

"Exactly! What more kapag sinagot ka na ni Kim, hindi ba?"

"Iyan!" itinuro ko siya. "Ganyan dapat ang sinasabi mo para masarap ang tulog ko.Tch. Matutulog na 'ko, matulog ka na rin."

"I love you, dongsaeng! Jaljja!" aniya na sinasabing matulog ako ng mahimbing.

Ilang Korean words lang ang alam namin noona, iyong madalas lang naming marinig at itanong noon sa mga magulang namin. Ang sabi ni lolo ay may lahi kaming Koryano, kaya ganito ang mga mata namin. Pero dahil lamang ang nakuha ko kay mommy, gwapo ako.

Kanina pa ako nakahiga sa kama ko pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Noona. Hindi ko alam na ganon pala ang pinagdadaanan niya kay Randall. Nakaramdam tuloy ako ng guilt at naalala si Kim.

"Ano kayang nararamdaman at iniisip nya sa 'kin? Sana 'wag siyang mag-isip ng iba tulad ni Noona. Naiintindihan ko si Noona pero...ayaw kong magselos nang gano'n si Kim."

Bumuntong-hininga ako. Ngunit mayamaya lang ay muling nangunot ang aking noo. "'Sabagay, bakit magkakaganoon si Kim, e, wala naman siyang dapat pagselosan sa 'kin? Oo, habulin ako ng napakaraming babae pero wala akong ex..."

Si Max, si Taguro... Mayamaya ay tila umalingawngaw sa pandinig ko ang linya niyang iyon!

Umling ako nang umiling! Andwae...maldo andwae!

Sa takot kong muling bangungutin dahil naalala ko na naman si Taguro ay nag-isip ako ng ibang bagay na walang kinalaman sa kaniya. Ginawa ko iyon hanggang sa makatulugan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

770K 37.7K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
798K 41K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
748K 26.5K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.