TILL FATE DO US PART (Fate Se...

dreyaiiise द्वारा

20.1K 2.8K 556

She was having difficulty locating her father in order to make her mother happy. She encountered many difficu... अधिक

TILL FATE DO US PART
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABABATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 23

301 51 13
dreyaiiise द्वारा

-The Fiancé-

Mahimbing pa ring natutulog si Iza nang magising ko. 4:30am palang naman.

"Iza, gising na. May pasok pa tayo" bahagya ko siyang tinapik, pero walang saysay iyon dahil napakabatugan niya.

"Iza" inalog-alog ko siya. Doon siya nagising.

"Oo, maligo kana katapos mo ako" utos niya

Inirapan ko siya, nakahanda na pala ang uniform namin. Inayos siguro ni Ate Mina. Kaya dumiretso na ako para maligo. Nag-shower ako, feel na feel ko eh. Ginamit ko ang mga mamahaling shampoo at conditioner, nilagyan ko bawat hibla nang mahaba kong buhok.

"Ang bango"

Ginamit ko rin ang mabangong sabon, pakiramdam ko lalong kikinis ang balat ko rito. Hindi na ako nagbabad masyado, nagpunas ako gamit ang kulay pink na towel. Sinuot ko naman ang bathrobe na kulay itim.

Nagtagal ako nang mahigit apatnapung minuto dito, naglagay pa kasi ako nang kung ano-ano na makita ko sa loob nang comfort room ko.

"Ang tagal mo!" reklamo ni Iza nang makalabas ako.

Hindi ko na siya pinansin, dumiretso ako sa walking closet para magbihis. Tinitigan ko ang sarili ko sa malaking salamin.

Sana maging ayos na kami. Paniguradong issue ito sa school kapag nalaman nila na hindi kami okay nina Vaughn.

Nauna na akong bumaba. Hinintay ko nalang dito si Iza para sabay na kaming kumain nang breakfast.

"Goodmorning Lori!" bati ni kuya. Ihahatid pala niya ako ngayon.

"Anong oras pasok mo kuya?" I asked, hindi ko kasi alam eh.

"7am. Kaya maihahatid pa kita. Anong oras ang labas ninyo ngayon?"

"Hindi pa sinabi eh. Sasabay nalang ako kay Iza if ever na wala kang time na sunduin ako" malamang busy siya tuwing hapon, pwede pa sanang lunch kasi break naman nila.

"I can take care of it. Ako ang may-ari nang company, remember?" ay oo nga pala. Sorry na.

"My mistake" tumawa kaming dalawa.

Dumating na si Iza, nakaayos na siya. Pareho lang kaming katawan kaya nagkasya ang biniling uniform sa akin ni Kuya.

"Let's eat" anyaya ni Kuya.

Tulog pa si Mama, sabi kasi ni Kuya kailangan niyang magpahinga. Mukhang okay na si Mama, sinabi ni Kuya na huwag ko nang alalahanin ang pinag-usapan nila noon dahil magiging ayos na ang lahat. I trust him. Kaya hindi ko na inalam pa.

"Nandito na si Manong. Kita nalang tayo sa gate" lumabas na si Iza. Hindi pwedeng hindi siya sasabay ka Manong, driver niya kasi ito. Siya ang nagbibigay nang impormasyon sa magulang ni Iza, kung pumasok ito at anong oras umuwi.

Bago kami umalis ni Kuya, pumasok ako sa kwarto ni Mama. Hinalikan ko siya bilang pamamaalam na aalis na ako. Ganun din ang ginawa ni Kuya.

Sumakay na kami sa kotse ni Kuya.

"Kuya, anong trabaho ni Kuya Carding dito kung hindi niya minamaneho ang kotse ko?"

"Kahit ano. Minsan driver ko siya sa tuwing pagod ako"

"Bakit kasi hindi nalang siya ang maghatid sundo sa akin?" takang tanong ko.

"Saka na. Magiging busy na din naman ako sa darating na Linggo. Kaya siya na ang maghahatid at sundo sa iyo" pagpapaliwanag niya.

Parang binibigay niya lang pala sa akin ang oras niya habang wala pang masyadong ginagawa.

Tumango tango ako.

Nagkuwentuhan kami ni Kuya habang nagmamaneho siya. Hindi namin namalayan na nasa tapat na pala kami nang gate.

"Take care!" hinalikan ko siya sa pisngi.

Nandoon na si Iza. Nakita kong may MGA kausap siyang tatlong babae. Parang galit si Iza kaya dali-dali ko siyang nilapitan.

"Bakit niyo ba siya hinahanap? Inggit lang kayo" saad ni Iza sa mga babae.

"Yuck! Bakit kami maiinggit sa kanya? Di hamak na mas maganda ako at mayaman" maarteng tugon nung babaeng parang leader nila.

Magsasabunutan na sana sila pero napigilan ko.

"Ano ba!" hinampas ko ang kamay nung maarteng babae na sobrang kapal nang make-up.

"Oh, look who's here" mataray niyang sabi. Tinignan nila ako nang masama.

"Ano ba ang problema nang mga ito?" bulong na tanong ko kay Iza.

"Hinahanap ka nila tapos sabi nila 'Nasaan na ang pangit mong kaibigan na si Faustina" sigurado akong ganun kaarte ang pagkakasabi nila.

"Ikaw na ba yung nililigawan nang Baby Vaughn ko?" mapanuya niyang tanong.

Baby? May girlfriend ba si Vaughn? Tangina ano 'to, pinagsabay niya ba kami?

"Sino ka ba ha?" malumanay kong tugon. Hanggang kaya ko nagpipigil ako

"You don't know me? Sabagay baka hindi ako binanggit ni Vaughn sa'yo dahil niloloko ka lang niya" mayabang niyang sabi.

Niloloko lang ba ako ni Vaughn? Hindi naman ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya eh.

"Ang dami mo pang kuda! Bakit hindi mo nalang sabihin ang pangalan mo! Nakapaarte!" gigil na sambit ni Iza.

Nilupungan na kami nang ibang studyante dito, masyado kasing mayabang itong babae na ito.

Nakaramdam ako ng inis."Ikaw ba ang may-ari nang University na ito para sabihin mo sa aming "You don't know me?""irita kong sabi.

"I'm Eunice Sarmiento, ako lang naman ang fiancé ni Vaughn" sa pagkakasabi niya parang sigurado siya doon. Sumang-ayon naman ang mga kasama niya.

Wala akong alam isagot sa sinabi niyang iyon. Oo, ako na ang talo sa usapan naming ito.

"What are you doing!? Tinigilan mo si Faustina" galit niyang tugon.

Naramdaman ko nalang na naglalakad ako, hinatak na pala ako nang lalaki iyon palayo doon.

Nang matauhan ako nagkaroon na akong nang pagkakataong tignan kung sino ito, si Vaughn pala ang humatak sa akin. Hindi ko alam kung saan banda ito pero ang ganda dito. Pwede kang magsenti, dahil tahimik.

"Let go of me" galit-galitan kong sabi.

"What did she told you?" malumanay pero ramdam kong galit siya.

"Wala ka nang paki doon! Akala ko ba galit ka sa akin?" irita kong tanong.

"Hindi ako galit, okay! Nagtampo lang ako kaya nga nireplyan kita kagabi, pero hindi mo nanaman yata nabasa" umiling-iling siya.

I checked my phone. May text nga siya, mayroon din kanina lang.

Nang mabasa ko na, humarap akong muli sa kanya "Are you engaged with that woman?" mariin kong tanong.

"Let's talk about that later. Mahuhuli tayo sa klase" hinatak niya akong muli papunta sa room namin.

Limang klase ang pinasukan namin ngayon. Kaya umabot kami nang 3:30.

"Ano? Fiancé ba talaga siya ni Vaughn"

Naglalakad kami ngayong tatlo nina Alja palabas nang gate. Naikwento na ni Iza ang nangyari kanina.

"Sorry ulit ha! Dahil sa akin nag-away pa kayo nang mga jowa niyo, I mean manliligaw" naramdaman ko ang sinseridad sa kanya.

Kahapon pa siya humihingi ng tawad sa text. Nagsasawa na ako sa totoo lang. Hindi naman niya talagang kasalanan eh.

Sinalo ni Iza ang noo niya. "Kahapon ka pa! Okay nga lang. Nangyari na eh. Sa ibang place nalang tayo mag-take"

Nananahimik pa rin ako. Hindi mawala sa isipan ko si Eunice the fiancé.

"May alam kaba tungkol sa babaeng mukhang payaso sa sobrang kapal nang make-up?"

"Maarte talaga yang si Eunice! Maganda siya at only child kaya spoiled. Lahat nang lalaki gusto niyang makuha. Si Gab nga ay ex na niya" pagkukwento ni Alja.

"Si Caleb ba?" si Iza naman.

"Hindi. Masyado raw good boy kaya hindi niya gusto"saad ni Alja.

"Pero si Vaughn, hindi niya talaga makuha. Si Vaughn ang ultimate crush niya na ayaw sa kanya" dagdag pa niya.

"Ayos na ba kayo ni Caleb?" I asked.

"Oo naman. Hindi mo lang napansin kanina nag-usap kami dahil okupado ang isipan mo"tinuro niya ang ulo ko.

"Kayo ba ni Vaughn? Ayos na ba kayo?" si Alja ang nagtanong.

"Oo daw. Pero may bago nanamang problema" walang gana kong sagot

"Fiancé ba talaga niya?" inulit ni Alja ang tanong ni Iza kanina.

Nagkibit-balikat ako. "Sabi niya mamaya namin pag-uusapan"

"Sa ngayon? Umuwi muna tayo. Magpahinga ka muna, Lori" batid kong naiinis na si Iza kay Vaughn. Pero hindi niya lang pinapahalata.

Nakatanggap akong text mula kay Vaughn.

From: JV
Mag-usap tayo. Susunduin kita mamayang 7pm.

I didn't bother to reply. Nagtext ako kay kuya kanina, kaya ngayon nandito na siya.

Tahimik lang ako buong biyahe namin ni Kuya. Alam kong nagtataka siya kung bakit ang tahimik ko, pero pinili nalang niyang manahimik.

Nang maihatid niya sa bahay, umalis siya ulit para bumalik sa office.

Para akong tangang naghihintay nang oras sa Veranda. Nagmumuni-muni lang naman ako. Kung may fiancé siya, bakit niya pa ako niligawan? Kung fiancé niya si Eunice, bakit galit siya doon nang makitang kinakausap ako? Baka naman nagalit siya dahil nabuking na siya sa kalokohan na ginawa niya?

Maraming tanong ang bumagabag sa akin. Nagyaya sina Mama na mag-dinner pero hindi ako bumaba.

"Anak" narinig kong kumatok si Mama. Hindi ako sumagot dahil alam ko naman na papasok din siya.

"Hindi pa rin ba kayo nagkakaayos?" nagsalubong ang kilay niya.

Tinignan ko lang siya saka umiling.

"Kung ganun, anong problema?" she curiously asked.

"Wala namang problema, Ma" I faked my smile.

Binigyan ako nang nagtatanong na tingin ni Mama. "You're being a pretender huh?"

Nararamdaman talaga nang isang Ina ang mga hinanakit mo sa buhay, kaya mas pinili ko nalang sabihin sa kanya ang totoo. 'Diba nga wala sa bokabularyo ko ang magsinungaling sa Ina at Kuya.

"He's engaged" maikli pero ramdam kong ikinagulat ni Mama ang salitang iyon.

"WHAT? To whom?" tumaas nang konti ang boses ni Mama.

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari simula sa gate hanggang sa kwentuhan namin nina Iza. Seryoso lang siyang nakikinig sa akin, para akong bata na nagsusumbong dahil inagawan ako nang lollipop.

"Hindi ka naman sure doon, malay mo sinabi lang nung babae iyon para layuan mo si Vaughn. Nabanggit mo na gusto niya si Vaughn noon pa" Mama is a good listener.

"I hope so. Takot na akong masaktan ulit" iniyuko ko ang ulo ko. Umupo ako sa upuan doon sa veranda.

"Anak, don't stress yourself. Don't think too much, please. Hindi maganda sa iyo yan" nag-aalala nanaman si Mama.

"Huwag kang matakot masaktan, basta alam mo ang totoo! Mas mabuti nang alam mo ang totoo. Makinig ka sa sasabihin niya"

Telling the truth and making someone cry is better than telling a lie and making someone smile. I know that Truth hurts.

I sighed softly. "Okay, Mom. Hinihintay ko lang ang oras para makapag-usap na kami."

"It's already 7pm" pinakita niya sa akin ang oras sa phone niya.

Shit OO NGA! Tumakbo ako papasok sa kwarto ko para tignan kung nagtext na si Vaughn. Sakto nga! Nasa baba na raw siya.

Mom kissed me before I go. Buti nga nakapagpaalam ako sa kanya eh.

Nadatnan kong nakasandal si Vaughn sa gilid nang kotse niya. Nagkasalubong ang mga mata namin pero iniwas ko ang tingin ko.

"Let's go?" he asked.

"Saan ba tayo pupunta? Gabi na oh" reklamo ko.

He laughed. "Sa tagpuan natin"

Naintindihan ko kung saan ang tinutukoy niya, doon sa playground. Wala akong imik sa buong biyahe namin. I'm still confuse, kung totoo ba yung nalaman ko.

"I missed you. Why can't I resist you" he said while driving.

I didn't expect that. Nakasilip pa rin ako sa bintana, ayokong ipakita na nagulat ako sa sinabi niya.

Wala nang kasunod iyon, hanggang sa makarating kami sa playground. May mga tao pa, alas siete palang naman kasi.

"Let's sit there" turo niya sa isang bench.

"Okay" I did not even look at thim.

Tutok lang ako sa mga batang naglalaro tapos ang mga bantay nila ay nasa kabilang gilid. Sana bata nalang ako ulit, para maramdaman ko ang ganyang saya. Yung tipong wala kang iniisip kundi maging masaya.

Narinig kong nagbuntong hininga si Vaughn. Hinarap ko siya,

"Nagtampo ako sa'yo nung isang araw. Feel ko kasi ayaw mo akong kausap or something, because you didn't bother to tell me kung saan ka pupunta" malungkot na aniya.

"Nung nagtext ka sa akin para humingi ng paumanhin, na-realize ko na may paki ka pala talaga sa akin" mapait siyang ngumiti. "Naisip ko nga na, bakit ako nagtatampo sa'yo? Samantalang manliligaw mo lang naman ako, wala pala akong karapatan" nanginginig ang boses niya.

Nalungkot ako sa sinabi niya, he's right! Manliligaw ko siya, pero hindi naman ganoon ang dahilan ko kung bakit hindi ko sinabi.

"That's not true! Hindi ko sinabi dahil ayokong mag-alala ka pa. Baka kasi masyado na akong nakakaabala sayo" paglilinaw ko.

Naabala kona kasi siya nang bilhan niya akong pizza. Kahit gabi na hinatid niya pa rin iyon, hindi kasi ganoon ang nakasanayan kong mga nanliligaw sa akin. Basta hatid sundo ang ginagawa nila saka ililibre ako nang makakain. Hindi sila nag-e-effort gaya nang ganoon.

"Sa tingin mo ba hindi ako nag-aalala sa tuwing hindi mo ako sinasagot sa mga tanong ko?" malumanay na tanong ni Vaughn.

Oo nga naman. Mas mag-aalala pala siya sa lagay na iyon. "I'm sorry" pagpapakumbaba ko.

"I understand. Pero sana wag ka namang magtago nang kung ano sa akin, hindi ko kasi alam ang gagawin ko eh"

Nabanggit sa akin ni Iza about sa paghahanap nila sa amin. Lalo na raw si Vaughn, pinuntahan niya ang mall kahit sarado na at dinaanan pa raw ang restaurant ni Alja. I appreciate his efforts.

"I promise. Hindi ko lang talaga gustong maabala kita" ngumuso ako.

Inilapit niya ako sa tabi niya, hinila niya ako sa baywang. I'm not comfortable with it, pero okay lang. Inihiga ko ang ulo ko sa balikat niya.

Ngayon gumaan na ang loob ko. Alam ko na sa sarili ko na ayos na kami. Nang biglang pumasok sa isip ko ang babaeng nakausap ko..

Lumayo ako nang konti sa tabi niya para masilayan ang mukha niya. "So, are you engaged with her?"

Napawi ang ngiti niya, napalitan nang pag-aalala, hindi ko nagustuhan iyon.

"No, pero binabalak nina Mom and Dad. Business partners ang parents namin" fix marriage, huh?

"Itutuloy ba?" I asked, sadly.

"Kung sasagutin mo ako, hindi na. Pero kung hindi...." nanahimik siya, yumuko ako para makita ang ekspresyon niya. He's sad.

Alam naming dalawa na hindi pa ako handa. Ayaw ko naman siyang mawala sa akin. What am I supposed to do?

"Don't worry, Lori. I'm not forcing you to be my girlfriend. I respect you"

Okay na ako na hindi pa sila totally engaged. Pero ang ikinababahala ko ay sasagutin ko ba siya? Kailan naman ako magiging ready? Hindi ko alam ang gagawin ko...

"Alam mo ba, my Mom cried when she heard the name of your Mother" pagkukwento niya

"They are forcing me about that stupid engagement. But I refused, because I told them that I'm courting the daughter of Tita Lourina. Tapos yun, nanahimik sila" natatawang pahayag niya.

"Really? Magkaibigan pala talaga sila no? Kasi yung parents mo din tumulong sa Papa ko noong nagipit siya, sabi ni Mama"

"What is his name again?" he asked

I looked at him. "Faustino"

"Wow! So that's why, your name was Faustina'?"

I smiled but there's a pain in it. "Yes"

"His name wasn't familiar" tila iniisip niya kung may kilala ba siyang ganoon.

I giggled. "Sa dami siguro nang tinulungan nang family mo, hindi mo na maalala kung sino"

Tumingin siya sa itaas. "Siguro nga."

"Sana makita ko sila"

Bumaling siya sa akin. "Parents ko?"

Tinanguan ko naman siya. Siguro naman buhay pa ang Papa ko, dahil sila nga ang tumulong sa kanya. Pero baka wala na silang balita dito.

"I want to meet them and thank them for their kindness." I smiled.

"As you wish" he said

"What do you mean?"

"They already know the address of your house. Hiningi nila sa akin eh" nakaramdam ako nang tuwa.

Kahit matagal nang hindi nagkikita ang parents niya and Mom ko, hindi nawala ang pagmamahal nila sa bawat isa, may paki pa rin sila.

"Wow. Can't wait"

Ngingitian nalang niya ako saka bumalik ang tingin niya sa bituin, ganoon din ang ginawa ko.

"Uwi na tayo? Hindi pa kasi ako naghahapunan" gusto ko lang talagang umuwi, para makapagpahinga na.

"Sure" tipid niyang sagot.

Nang maihatid ako ni Vaughn, nagpaalam ako sa kanya saka niya ako dinampihan nang halik sa noo.

"Good night, honey. Magkita tayo mamaya"

"Huh? Saan?" taka kong tanong.

"Sa panaginip ko" pilyo niyang sabi.

Pumanhik na ako, nadatnan kong natutulog na si Mama kaya hinalikan ko siya sa pisngi niya. Si kuya Herron naman mamaya pa siyang 10pm uuwi.

Sana nga maging ready na ako, I don't want to lose him.

*******************************************

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

Tears of Change ✔ Olii द्वारा

सामान्य साहित्य

20.8K 1.2K 43
HUMILIATION SERIES #2 Tanya doesn't want commitment. She's not into a real serious relationship because she's terrified that she might end up getting...
Shrinking Violet karenjoy द्वारा

किशोर उपन्यास

4.3K 159 52
There was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that h...
1.9K 68 29
Redes Sociales Series #1 Estefania Cheza Vidal only has one dream in her life since she was a little girl: to influence other people and to showcase...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...