TILL FATE DO US PART (Fate Se...

By dreyaiiise

20.1K 2.8K 556

She was having difficulty locating her father in order to make her mother happy. She encountered many difficu... More

TILL FATE DO US PART
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABABATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 22

301 52 12
By dreyaiiise

-SORRY-

Jason Vaughn's POV

Saturday.

As usual, wala namang ganap. Lunch na pala nang magising ako, naisipan ko na itext si Fauz.

To: Honey
Good afternoon! Sorry, kagigising ko lang. Naglunch kana ba?

From: Honey
Hi, paalis na kami papuntang Mall. Naglunch na ako:)

To: Honey
Okay. Goodluck! Update me.

Hindi na siya nagreply. Kaya bumaba ako para kumain.

Ako lang mag-isa dito sa bahay, next week pa kasi namin gagawin ang Social Experiment namin. Tinatamad pa ako dahil kagagaling lang namin sa beach.

Nanonood lang ako ng mga movies pampalipas oras. Hindi ko namalayan na alas kwatro na pala, pero wala pa ring reply si Fauz.

Nagscroll ako sa IG ko, lately kasi marami akong notifications na natatanggap. Dumami na kasi ang followers ko, yung iba taga US. Bumabalik kasi kami sa US tuwing summer kaya marami akong kakilala doon. Wala na nga yung kaibigan ko eh, pero sana siya ang kasama ko ngayon.

Nagnotif bigla yung reply sa akin.

loriphilps: Thanks;)

Doon pala sa comment ko na ako ang nagpicture sa kanya. Marami ang nagtatanong sa akin kung jowa ko na ba si Fauz, pero sinabi ko sa kanila na nililigawan ko palang. Marami na rin ang nagfollow kay Fauz para siguro sa updates.

While browsing, may nakita akong new post ni Fauz.

Late lunch kuno? Akala ko ba naglunch na siya?

I decided to DM her. Nagsorry naman siya kaya okay na sa akin yun.

Natulog nalang ako, wala rin akong maayos na tulog nang pumunta kami sa beach. Ako kasi yung nagmanage nung nandoon kami. Ako ang kumakausap sa mga turista para maging aware sila sa mga maaring gawin nila.

Gabi na nang magising ako. Marami akong natanggap na text mula sa Kuya ni Fauz. Hindi ko alam kung bakit nagtext siya.

From: Herron
Kasama mo ba si Fauz? Sabi niya sa amin kanina na hindi sila masyadong magpapagabi.

To: Herron
Hindi eh. Kanina nakausap ko siya mga hapon, sabi niya lang na mamaya pa siya uuwi.

From: Herron
Okay sige. I-update mo ako kapag nagtext siya sayo ha? Hindi ko kasi macontact, hindi siya sumasagot.

To: Herron
I'll update you, Kuya.

From: Herron
Thanks.

Nagtext ako kay Fauz nang kung ano-ano, tinawagan ko rin siya. Una nagriring pa pero siguro sa katatawag namin na lowbat siya.

Hindi ko alam kung nasaan siya. Pero kanina pa siguro sila umalis doon sa restaurant nina Alexine. Wala siyang sinabi sa akin kung saan siya pupunta dahil hindi na niya ako ni-seen nang tanungin ko.

Umalis ako nang bahay para hanapin siya. Sinubukan kong tawagan sina Alexine at Iza kasi sila ang kasama niya, kaso cannot be reach. Tinawagan ko si Caleb.

"Hello bro, bakit?"

"Sina Fauz kasi hindi pa umuuwi, nag-aalala na si Kuya Herron" natataranta kong sabi.

"Ano? Ang sabi sa akin ni Iza, sa Mall lang sila" nagtataka na rin siya.

"Sabi rin sa akin, pero sinabi ni Fauz na may iba pa silang pupuntahan. Hindi niya sinagot kung saan" kausap ko siya habang nagmamaneho.

"Nasaan ka? Puntahan kita, hahanapin natin sila sa Mall" sa tinig niya, talagang nag-aalala na siya.

"Sarado na ang Mall pre!"

Kaya mas kinabahan ako, gabi na tapos sara na ang mga Mall dito.

"Teka, pre. May nagtext"

"Sige" binaba ko muna ang tawag.

Kung saan-saan ako nagpunta, pinuntahan ko na ang Mall kanina pero sarado na talaga eh. Saan naman kaya sila nagpunta? Babae pa naman silang tatlo. Hindi ko alam kung ano ang mga suot nila. Mahilig pa naman sa litaw pusod si Fauz kaya pinagtitinginan siya lagi.

Tumawag muli si Caleb.

"Pre! May nagtext sa akin na kakilala ko, nandoon daw sa bar nina Gab yung tatlo" hinihingal niyang sambit.

Putangina! Nasa bar sila. Delikado doon maraming loko eh!

"Puta! Tara na puntahan na natin. Itext mo si Gab. Kita tayo doon"

Binaba ko na ulit ang tawag. Pinaharurot ko ang sasakyan. Malapit nang mag alas dose. Bawal magpuyat si Fauz.

Wala pang sampung minuto nandoon na ako, sa totoo lang trenta minutos talaga ang biyahe dito, buti nalang walang masyadong sasakyan. Nadatnan ko na doon si Gab.

"Hindi ko alam na nandito sila!" mabilis niyang tugon.

Hindi ako sumagot, wala pang isang minuto dumating na si Caleb. Tumakbo kami papasok, para hanapin ang tatlo. May mga nakalupong na lalaki sa bandang gitna nang bar.

Nakita namin doon sina Faustina at hawak na sila nang mga lalaki! Anim sila kaya hindi nila magawang lumaban, sinasabunutan nila ang tatlo na ikinagalit talaga namin.

Walang alinlangang sinugot ko ang dalawang lalaki na nakahawak kay Faustina, malapit na niya itong halikan. Bumubuhos ang luha ni Faustina kaya mas nilakasan ko ang sapak ko mga lalaki! Si Caleb tumira doon sa mga nakahawak kay Iza. Si Gab naman ang kay Alexine.

Sa loob nang dalawang minuto ay nakahandusay na sila sa sahig. May tama na ang mga ito kaya hindi mahirap pabagsakin. Pinulot sila nang mga pulis. Marahil ay tumawag na ang iilan doon.

Nilapitan ko agad si Faustina. Nakapikit siya."It's okay. I'm here, shh" I hugged her.

Unti-unti niyang minulat ang mata niya, lalo siyang naluha nang makita ako saka tumingin sa mga lalaking nakahiga sa sahig.

"Vaughn" maikling tugon niya habang humahagulgol.

Binuhat ko siya, alam kong nahihilo na siya epekto nang alak na ininom nila. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nila at bakit pumunta pa rito sa Bar. Wala ba silang balak sabihin sa amin? Sana nasamahan namin sila.

Sinakay ko siya sa kotse ko. Bago ko pinanadar. Nagtext ako kay Kuya Herron na kasama ko na si Fauz. Nagpasalamat naman ito.

Pilit akong kinakausap ni Fauz, sumasagot naman ako pero hindi ko lang gustong kausapin siya ngayon. Naiinis ako na kung hindi ako dumating, baka may nangyari na sa kanya! Pilit kong tinatanong siya kanina kung saan sila pupunta pero hindi niya sinabi na dito pala sa bar ang punta nila.

Ang sakit lang. Hindi ba niya inisip na nag-aalala lang ako kaya ako nagtatanong kung nasaan siya, kumain na ba siya, anong ginagawa niya.

Kahit kinakausap niya ako, hindi ko siya magawang tapunan nang tingin. Sinabi ko sa kanya na matulog na lang siya at ako na ang bahala na kumausap kina Kuya Herron at Tita Lourina.

Pumasok na ako sa bahay nila na buhat siya. Mahimbing siyang natutulog.

"Jusko! Salamat naman nakauwi na siya" maluha-luha kaming nilapitan ni Tita Lourina.

"Vaughn, anong nangyari?" nag-aalalang tanong nila.

"Iaakyat ko muna siya. Saan po ang kwarto niya?" tinuro naman nang isang katulong ito.

Malaki ang kwarto ni Faustina, halos kasing laki nang akin. Peach ang pintura. Mas malaki ito kumpara sa kwarto niya noon.

"Vaughn......" tawag niya sa akin, hindi niya tuluyang naimulat ang mata niya.

"Are you mad?" hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko.

Dumapo ang tingin niya sa mga mata ko. Tinignan ko siya pero bigla akong nasaktan. Ganun bang kahirap para sakanya na magsabi sa akin?

Iniwas ko ang mata ko mula sa mga mata niya."Let's talk about it tomorrow, just rest. Please."

I wanna kiss her forehead. Pero hindi ko kaya. Magpapalamig na muna ako, ayokong masabihan ko siya nang kung ano-ano.

Nang makababa ako kinuwento ko ang buong pangyayari, nagulat naman sila. Kaya si Kuya Herron hindi nagdalawang-isip na puntahan ang mga lalaki para sampahan nang kaso. Pinakalma namin si tita Lourina, nahirapan kasi itong huminga.

Umuwi na ako pagkatapos nun. Binalitaan ako nina Gab at Caleb na maayos nilang naihatid ang dalawa.

KINABUKASAN

Maraming text sa akin si Faustina, siguro naramdaman niyang nagtatampo ako. Gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero baka hindi niya matanggap iyon. Hindi ko gustong may away kaming ganito.

Pumunta si Caleb dito sa bahay. Nagyaya siyang uminom.

"Bro, nagsinungaling siya eh! Akala ko pa naman mahal niya ako. Pero bakit ganun?" mabigat ang kalooban ni Caleb gaya ko. Pareho kami nang dinaranas ngayon.

"Nandoon lang daw sila para sa Social Experiment! Pero tangina bakit sa bar pa?" gigil kong sabi.

Uminom kami nang uminom, hindi namin pinapansin ang kalasingan namin. Basta ang nararamdaman lang namin ay sakit.

Sakit dahil hindi nagawang maging tapat nang taong minamahal namin. Nag-uumpisa palang ang relasyon namin pero bakit parang hindi nila kayang ibigay ang tiwala. Muntikan pang may mangyari sa kanila.

Napagpasyahan namin ni Caleb na ngayong araw ay magpapalamig muna kami. Bukas na namin sila kakausapin.
+
+
+
+
+
Loureene Faustina's POV

Bago ako bumaba, naisipan kong itext si Vaughn. Naguiguilty ako sa ginawa namin sa kanila. Dapat sinabi ko na sa kanya alam kong manliligaw ko pa lang siya, hindi ko alam kung bakit sobrang affected ako sa katotohanang galit siya sa akin.

I realized that I've been thinking about him. Sinabi ko sa text na magkita kami, pero wala akong natanggap na reply. Sinimulan ko nang magtype. Sinabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit nadoon kami sa Bar kagabi, sana naman maintindihan niya ako.

To: JV
I'm so sorry about what happened last night. It was not my intention! Pasensya na dahil hindi ko sinabi sa iyo kung saan ako pupunta. Ngayon ko lang nakita yung messages mo pati ni kuya at Mama. Wala kami doon para mag-inom or something. Just for Social Experiment, I swear! Kaso hindi namin natuloy kasi nalasing si Alja tapos kami naman ni Iza medyo lang.

To: JV
Thank you pala kagabi. Sana hindi ka galit sa akin. Please reply. I miss you :(

Marami pa akong sinabi, pagpapaumanhin lahat iyon. Hindi ko gustong may nagagalit sa akin.

Bumaba na ako dahil pinapatawag raw ako ni Mama.

"Anak, ayos ka na ba?" ramdam kong nag-aalala pa rin si Mama. Iba talaga mag-alala ang isang Ina.

Naluha ako, "Ma, sorry"

"It's okay my daughter" pinatahan ako ni Mama, yakap yakap niya ako.

"Tahan na. Hindi muna tayo makakapagsimba ngayon"

Kumalas ako mula pagkakayakap niya. "Bakit po?"

"Pupunta tayo sa bahay. Kukunin natin ang mga gamit natin doon saka ang ibang damit" saad ni Mama habang inaayos ang gamit niya.

"Now na po? As in?" hindi pa kasi ako naliligo tapos nakaayos na si Mama.

"Oo! Tara na anak, gagamitin natin ang kotse mo" anyaya ni mama.

Nanlaki ang mata ko. Kotse ko? "Ma! Ulitin mo nga yung sinabi mo"

"Alin?"

"Yung huli"

"Gagamitin natin ang kotse mo" natatawa niyang sambit.

Tumalon talon ako dahil sa tuwa! May kotse na ako!!!! Ang kaso, hindi pa ako marunong magdrive.

"Halika na. Nandoon na ang driver"

Naghilamos at sepilyo akong mabilisan. Naka-shorts lang ako saka maluwag na t-shirt. Malamang binuhusan ako ni Mama.

"Dalian mo na! Hinilamusan ko na ang katawan mo kagabi "

"Opo" nagsuklay akong sandali.

Ang ganda nang kotse ko! Dark blue. BMW din ito tulad nang kay Kuya. Actually tatlo ang naka-park dito sa labas, isa ring Mercedes Benz kay Kuya.

"Sakay na anak" sumakay na kaagad ako.

#FirstRideofMyCar

Medyo malayo ang bahay namin mula sa mansyon, trenta minutos ang biyahe.

Pumasok kami sa bahay, parang ang tagal ko nang hindi pumapasok dito, kahit na dalawang araw palang naman.

Pumunta ako sa maliit kong kwarto. Dati hindi ako naliliitan dito, pero ngayon, maliit pala talaga ito. CHOS!

"Anak, sabi sa akin nung nagpapaupa rito, bibilhin niya raw ang iba mong damit tsaka itong iiwan nating furniture. Sayang naman diba? Kaya pumayag ako" saad ni Mama. Nandito kami sa kwarto ko ngayon. Kinuha nang atensyon ko ang mga damit ko.

Ibebenta ko nalang nga, o kaya ibigay ko nalang. Marami naman kasi akong damit sa bagong bahay namin...

"Lori, ito palang mga nakalagay sa paper bag, nasuot mo na ba?" tinutukoy ni Mama ay yung pinapadala sa akin.

Ni isa pala wala pa akong masusuot doon. Dalhin ko nalang kaya sa bahay namin.

"Ma, sayang naman yan kung ibebenta ko lang. Hindi ko pa nagagamit eh kaya dadalhin ko nalang po" magalang kong sagot

Binigay ni Mama kay Kuya Carding, yung driver namin, ang mga ito.

Tumayo ako papunta sa gilid nang kama ko. Nakita ko doon ang isang malaking kahon. Ang binigay ni Vaughn na susuotin ko raw sa birthday niya.

Invited pa kaya ako doon? Ngayong nasaktan ko ang damdamin niya. Hindi ko mapigilang hindi siya isipin, nalulungkot ako sa tuwing inaalala ang mga mata niya kagabi. Tila nagtatanong kung bakit hindi ko man lang siya sinabihan.

"Dalhin mo na natin yan anak. Malapit na ang birthday niya" tinig iyon ni Mama.

Batid kong alam niya ang nararamdaman ko ngayon.

"Nagtampo lang iyon. Suyuin mo"

"Eh, hindi ba lalaki ang dapat manuyo?" kinamot ko ang ulo ko

"Anak, ang mga lalaki kailangan din nila nang lambing. May sarili rin silang damdamin, magtatampo, nalulungkot, umiiyak at nasasaktan. Hindi lang tayong babae ang dapat inaalala, dapat sila din"hinawi ni Mama ang buhok ko, nakita niya ako nang mas maayos.

"Alam kong malapit mo na siyang mahalin, Anak. Simula noon pa siya na ang gusto mo" niyakap ko si Mama.

Hindi ko na pinansin ang huling sinabi niya kahit hindi ko maintindihan iyon.

"Ma naman. Nakokonsensya lang kasi ako" bakit ba sinasabi nilang mahal ko na siya o kaya malapit ko na siyang mahalin?

Tinignan niyang maigi ang mga mata ko. "Hindi ganyan ang taong nakokonsensya"

"Ma naman!" iniwan niya ako dito sa kwarto ko.

"Dalian mo na diyan"

Inayos ko ang lahat nang damit na iuuwi ko. Saka na lumabas.

Kinuha ni Kuya Carding ang mga buhat ko, including the box. Isinakay niya iyon sa likod nang kotse ko.

Nagtext akong muli kay VAUGHN. Baka lang naman na magreply siya this time.

To: JV
Hi, you okay? Can we talk?

Naghintay ako nang ilang minuto, PERO wala pa rin akong natanggap.

Buong maghapon nasa loob lang ako nang kwarto ko. Hindi ko na alam ang gagawin.

"Faustina, hinahanap ka ni Iza" sinabi nang isang maid.

"Pakisabi po na umakyat siya dito, Salamat" sinara na niya ang pintuan.

Maya-maya may pumasok na.

"FAUSTINAAAAAAA" tinig iyon nang kaibigan kong umiiyak, si Iza.

Sinunggaban niya ako nang yakap. Naiyak na rin ako. Para bang naramdaman ako ang hinanakit niya sa puso.

"Hindi kami nag-uusap ngayon. Huling sinabi niya ay pupunta siya kina Vaughn, tapos wala na" she cries a lot! Like a baby.

Ito ako, pinapalala ang kaibigan ko. Mahirap paiiyakin tapos mahirap patahanin. Ngayon talagang alam kong nasaktan siya sa kalagayan nila ni Caleb. Kabaliktaran niya ako, dahil iyakin talaga ako. Hindi ko naman iiyakan si Vaughn, kahit na umiyak ako kanina. Nasaktan lang ako kasi parang galit siya sa akin.

"Ikaw din ba? Hindi ka niya kinakausap? Ang sakit hindi ba!" pinupunasan niya yung luha niya.

"Bigyan natin sila nang space. Masyado natin silang pinaalala" hinagod ko ang likod niya. Naiiyak kasi ako sa tuwing umiiyak si Iza.

"I love him, Lori. I really do" bumuhos muli ang luha niya. Buti nalang pala may driver siya kundi hindi siya makakapunta nang maayos dito.

"I know!" tinignan ko siya. "You can stay here. Marami naman akong uniform, bigyan kita sa extra ko"wala siyang kasama sa bahay nila. Bumalik nanaman kasi sa Japan ang parents niya.

"Talaga? I really need you, right now. Thank you" niyakap niya akong mahigpit.

Gaya nang napag-usapan dito siya natulog. Nauna siyang nakatulog sa akin, sa sobrang sakit siguro nang mata niya. Inayos ko ang hibla nang buhok niya. Nasasaktan rin ako para sa kanya. Sana matanggap nila yung paghingi namin nang tawad sa kanila.

I know that hindi nila kami matitiis, pero nasaktan din kami. Patuloy kaming masasaktan kung hindi pa nila kami kakausapin.

To: JV
Goodnight. Dito matutulog si Iza ngayon, sobra yung iyak niya kaya tulog na siya ngayon. For the last time. Sorry! :)

I have decided to update him, kahit anong ginagawa ko or gagawin.

******************************************

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
20.8K 1.2K 43
HUMILIATION SERIES #2 Tanya doesn't want commitment. She's not into a real serious relationship because she's terrified that she might end up getting...
4.4K 221 44
Isabella Reed was the 'perfect it girl' of her highschool. She's smart, pretty and kind- the type of girl that can never seem to do anything wrong. S...
7.9K 207 49
La Pampanga Series #2 Hana Morgayne Escareal is a very carefree and out-going woman. Her full shown attitude to the public made her an eye-catcher to...