Believing Lies

By Bluebein

14.5K 2.4K 164

I'm hurt. I'm alone. I'm broken. You came. You fixed me. You promised to never leave me; To love me forever; ... More

Believing Lies
Believing Lies
Prologue: She Cried Because He Lied
ONE: Sleep Away The Sadness of Today
TWO: The Owner of White Handkerchief and His Fallen Patty
THREE: The Bitch and Her Ugly Minions
FOUR: Goodbye to Your Hair
FIVE: Study Date
SIX: It's Not a Date!
SEVEN: The Man Who Stole My First Precious Kiss
EIGHT: The Empty Room and The Possesive Kisser
NINE: Her Boyfriend?
TEN: The Tale of The Moon And The Earth
ELEVEN: My Motorcycle Racing Experience
TWELVE: Latetism and Our Punishment
THIRTEEN: Measuring The Sprouts Before The Date?
FOURTEEN: Musikang Ligaya at Ligawan
Author's Note
FIFTEEN: Showering in The Rain
SIXTEEN: The Tale of Amber and Her Third
SEVENTEEN: Walang Kasal na Magaganap!
EIGHTEEN: The Icecream, The Guard and The Doorknob
NINETEEN: Mahaba, Matigas, Maumbok at Ang Ungol
TWENTY: The Finals Week
TWENTY ONE: The Beach and My Babe on The Phone
TWENTY TWO: Hintayin mo ako!
TWENTY THREE: The Prankster and The New Lovers
TWENTY FOUR: Fall For You
TWENTY FIVE: Second and The Two Glasses of Gin
TWENTY SIX: The Surprise
TWENTY SEVEN: Dalawang Uri ng Halik: Ginusto at Ninakaw
TWENTY EIGHT: Take me Back to The Day We Met
THIRTY: Hubad na Katotohanan ni Marcus
THIRTY ONE: Hailey
THIRTY TWO: Basag-ulo (Basag na Ulo)
THIRTY THREE: Finding X
THIRTY FOUR: What's wrong with you, Marcus?
THIRTY FIVE: The Birthday Surprise

TWENTY NINE: I Miss My Dad

145 41 1
By Bluebein

"Y-your dad, Riley."

"What happened to dad, mom? Why do you have to leave urgently?" I asked, confused.

Mum took a deep sigh and wiped her tears. She faced me and started to talk, " K-kailangan kong umalis ngayon anak dahil kailangan ako ng daddy mo sa france. M-may cancer and daddy mo at kailangan niya ng mag-aalaga sa kaniya. A-ayaw ko namang hayaan na mag-isa lang ang daddy mo roon anak."

"C-cancer?" Hindi ko maipinta ang reaksyon na nabuo sa mukha ko. I was astounded. Hindi ko namalayan na may umaagos na palang likido sa aking mata.

"M-mum s-sasama ako," sambit ko at nagsimulang maglakad papunta sa kwarto para sana kumuha ng gamit. Pero hinawakan ni mommy ang kamay ko.

"Anak. Sorry pero kailangan niyong maiwan ni Sofie. Ayaw ko namang maudlot ang pag-aaral niyo. Lalo ka na, buwan nalang at graduate ka na. 'Wag mo na akong alalahanin dahil kaya kong alagaan ang dad niyo. Ang yaya niyo muna ang bahala sa inyo, ibinilin ko na kayo kay Aling Susan."

"Pero mun," I stated but she cut me off.

"Anak, babalik rin ang mommy. At sa pagbalik ko maayos na ang kalagayan ng dad mo. Huwag kang mag-alala, magiging ayos rin ang lahat. Kasama natin ang panginoon."

Hindi na ako nagsalita pa at niyakap ko si Mum... ng mahigpit.

"Mag-iingat ka po mum. Ipagdadasal ko po ang kaligtasan niyo at ang agarang paggaling ni Dad."

Humiwalay si mommy sa yakap at pinunasan ang aking mata.

"I have to go. Maiwan ko na kayo, anak. Alagaan mo ang kapatid mo habang wala ako ah at tatagan niyo ang loob niyo. Iwasan niyo rin ang magkasakit dahil wala ako para alagaan kayo. Mahal na mahal ko kayo," ang wika ni mum at pilit na ngumiti.

Nakalipad na si mum papuntang france at dalawa nalang kami ni Sofie ang naiwan dito sa bahay, kasama ang mga katulong namin.

Dahil wala si mum, sa kwarto ko natulog si Sofie. Pagkagising ko ay ginising ko na rin ang kapatid ko para makapag-ayos na siya sa pagpasok niya. Patuloy parin ang pagtatanong niya kung saan nagpunta si mum at ang dahilan ko nalang ay pinuntahan niya si dad para tulungan sa business namin. Hindi ko sinabi ang totoo dahil ayaw kong mag-alala rin ang kapatid ko.

"Bakit umalis si mum? Hindi man lang niya ako ginising kagabi ate," tanong ni Sofie habang naka-pout ang kaniyang labi.

Yumuko ako para pantayan siya. Hinawakan ko ang pisngi niya at nginitian.

"Huwag ka na mag-alala baby Sofie. Pinuntahan lang ni mum si Dad para tulungan siya sa business natin. Siguro sa susunod na araw nandito na ulit si mommy. Ayaw mo ba 'yon? Pagdating niya may pasalubong tayo. Maraming-maraming chocolates."

"Talaga ba ate? Sabihin mo rin kay mommy na bilhan niya ako ng toys ha."

"Oo naman. Kaya ikaw magbihis ka na at magpakabait ka sa school para pagdating ni mommy ay may pasalubong ka." Nginitian ko siya at pinirmi ang sarili ko na 'wag bumigay dahil kabaliktaran ng mga sinasabi ko kay Sofie ay ang nangyayari kay dad.

Kahit na mahirap, pinilit kong magpakatatag at pinagdasal ko nalang ang kalagayan ni dad. Gustuhin ko man siyang puntahan pero tama si mum, priority rin namin ang school at pag-aaral.

Nang makabihis, ay si Aling Susan na ang sumama at naghatid kay Sofie sa school. Habang ako naman ay napagpasyahan kong mag-bus nalang.

Pagkabukas ko ng gate ay isang motorsiklo ang bumungad sa aking harapan. Hindi ko inasahan ang pagdating niya dahil sa pinagkasunduan namin na hindi kami pwedeng magkita, dahil iyon ang parusa niya.

"A-anong ginagawa mo rito Marcus?"

"Sinusundo ka," ang sabi niya, sabay abot sa akin ng itim na helmet.

"Diba nga may kasunduan tayo?"

"Alam ko. Pero gusto lang kitang sunduin kasi miss ko na ang babe ko."

"Tsss. Miss? You broke our deal. Gusto mo dagdagan ko pa ang araw na hindi tayo pwede magkita?"

"Anyway. Kamusta ka na? Nasabi kasi sa'kin ng mom mo na kailangan niyang puntahan ang dad mo. Sinabi niya rin sa akin ang dahilan kung bakit niya kailangan pumunta ng france. Pinaubaya ka rin sa akin ni Tita at bantayan daw kita habang wala siya rito." Ang pagbago niya sa usapan.

"S-sinabi sa'yo ni mum?"

"Oo. Kaya nga ako nandito ngayon. Gusto ko mang sundin yung deal natin pero hindi kita matiis at gusto kitang damayan. At isa pa, Miss na talaga kita babe," Aniya. Humakbang siya papalapit sa akin at ibinuka ng malaki ang kaniyang  bisig, nag-aanyaya ng yakap. I stepped closer to him and hugged him.

Aaminin ko, nang makita ko si Marcus ay biglang gumaan ang bigat na nararamdaman ko. I really miss him and I wonder if he knows how much I miss him. Sa yapos ng mainit niyang yakap ay parang naging yelo ang lungkot na nararamdaman ko at unti-unti niya itong tinutunaw. Unti-unti kong nalilimutan ang kalagayan ni dad at ang tanging nasa isip ko nalang ay pag-asa. Salamat kay Marcus dahil napagaan niya ang narararamdan ko.

"T-thank you Marcus. Salamat dahil nandito ka para damayan ako. Pero naniniwala ako na magiging ayos din ang lahat. Magiging okay rin si Dad," sabi ko at pilit siyang nginitian.

"Nandito lang ako babe. Tandaan mo 'yan, " ang wika niya, habang hawak ng kamay niya ang aking pisngi. Pinagdikit niya muli ang katawan namin at muli akong niyakap.

Habang nakayakap ako kay Marcus  ay nadako ang tingin ko sa isang kotse na nasa 'di kalayuan. Kilala ko kung kanino kotse iyon. Nang buksan ng nasa loob ng kotse ang tinted nitong bintana. Duon ko lubusang napagsino kung sino iyon- Aiden. Nakatingin si Aiden sa pwesto namin ngayon ni Marcus, nakakunot ang kaniyang noo at may galit sa kaniyang titig. Duon ko naman naalala ang mga sinabi niya sa akin at ang paghalik niya sa labi ko.

"M-marcus let's go," pag-anyaya ko kay Marcus at inalis ang tingin kay Aiden.

Nang makarating kami sa school ni Marcus ay agaran kaming tumungo sa aming room dahil ayaw kong mahuli sa klase. Unang araw ng exam ngayon kaya dapat ay maaga kaming makarating para may oras pa akong makapag scan sa review sheets ko.

"Your exam will start in 5 minutes. Ihanda ang inyong mga ballpen at sarili dahil ito na ang huling pagsusulit sa taong ito." Ang sabi ng aming guro.

Nilingon ko si Marcus at nakita ko na para siyang bumibigkas ng orasyon, bilang alay sa sandaang santo sa kalangitan. First time ko lang siyang makitang kabahan ng ganiyan sa araw ng exam. Kung dati ay tinutulugan lang niya ang questionnaires, ngayon naman ay para siyang nagdadasal sa lupon ng mga anghel sa sandaigdigan. Halata ang kaba niya, dahil na rin siguro sa deal namin.

"Marcus. Anong ginagawa mo? Nagdadasal ka ba?" Ang tanong ko sa kaniya. Natigil siya sa ginawaga niya at nilingon ako.

"Hindi! Tinatandaan ko lang yung na-review ko kagabi. Baka kasi malimutan ko kapag sasagot na ako mamaya."

"A-akala ko kasi nagdadasal ka at nag-aalay ng orasyon sa ginagawa mo," saad ko.

Binalik ko ang aking focus sa nirereview ko, ganun rin si Marcus. Hanggang sa nagsimula na ang exam.

Nakahinga ako ng maluwag at para akong binunutan ng tinik sa katawan nang matapos ang unang set ng exam ngayong araw. Tatlong exams nalang ang kailangan kong itake bukas.

"Basic," ang wika ni Marcus pagkalabas niya sa pintuan ng room.Nag-unat pa siya ng kamay na parang nag w-warm up.

"Ng ano?" Ang tanong ko.

"Ng exam," sagot niya.

"Sabi ko naman sa'yo diba, Marcus. Hindi naman talaga mahirap makapasa sa exam basta nagreview at nag-aral ka."

"Basta 'wag mong kakalimutan yung reward ko ha. Tapos kwits na rin tayo," ang sabi niya.

"Tch. Kung mapasa mo lahat."

"Ako pa! Chicken lang sa'kin yung exam," pagmamayabang niya.

"Yabang!" 

"Tss. Tara na nga," pag-anyaya niya.

"Saan?" Ang tanong ko.

"Canteen. Gusto kong kumain, nakaka-drain yung exam e."

Tumango nalang ako. Hinawakan ni Marcus ang kamay ko at sabay naming tinahak ang daan papuntang canteen.

Habang pumipila si Marcus sa isang store ay pinaupo niya muna ako sa isang table dito sa loob ng canteen. Ayaw niya kasing makipagsiksikan ako sa pila.  Kaya habang inaantay siya ay inilabas ko muna ang cellphone ko at tinignan ang notifications at messages ko, baka kasi may tawag na si mommy at may update na sa lagay ni daddy. Tuwing naiisip ko ang lagay ni dad ay parang pinipiga ang puso ko at gusto ko siyang dalawin o kamustahin. I really miss him and I wish I could see him right now. I don't want my dad to suffer. He suffered enough. I also don't want to lose him. Pero naniniwala ako sa katatagan ni dad. Malalampasan niya rin ang dagok na kinakaharap niya ngayon. Naniniwala ako.

Natigil ako sa pag-iisip at napalingon ako sa pagsulpot ng isang lalaki sa aking harapan.

"A-anong ginagawa mo rito, Aiden?" Ang tanong ko sa kaniya nang makaupo siya sa upuan na nasa tapat ko.

"Riley let's talk. Please bigyan mo ako ng pagkakataon," he begged.

"P-pwede bang layuan mo na ako Marcus?! At isa pa, alam mo namang kami na ni Marcus diba?"

"I know Riley. Pero gagawin ko ang lahat para lang mabawi ka kay Marcus. I promise na mamahalin kita ng buong-buo," he said and placed his hand over mine.

Marcus suddenly appeared in front of us. He grabbed his shirt collar, pulled him closer, with rage, anger and frustration layering in his face.

"Layuan mo ang girlfriend ko! Kung gusto mong basagin ko 'yang bungo mo!" Marcus said angrily.

Hindi nagsalita si Aiden at nanatili lang siyang tikom.

"B-bitawan mo na siya M-marcus," saad ko.

Binitawan naman agad ni Marcus si Aiden dahilan nang pagkabagsak nito sa sahig. Nang makaipon ng lakas si Aiden ay tumayo siya sa kaniyang pagkakabagsak at hinarap si Marcus.

"Hindi pa ako tapos sayo, Marcus. At hindi pa ako tapos kay Riley," he said, fixing his shirt's collar.

Nag-init naman ang sistema ni Marcus sa sinabi ni Aiden. Bago pa siya may gawing hindi maganda ay nilapitan ko siya at hinawakan ang kaniyang kamay, pinapakalma.

"Aiden umalis ka na!" Ang sabi ko. Agad naman siyang naglakad paalis at tinabig pa ang tagiliran ni Marcus.

"Anong pinag-usapan niyo, Riley?" Ang tanong ni Marcus nang makaupo na kami sa table namin.

"N-nagtanong lang siya," ang pagsisinungaling ko dahil ayaw ko nang lumala ang gulo sa kanilang dalawa.

"Tanong? Ano ba talaga ang pakay niya sa'yo, Riley? Sabihin mo sa akin ang totoo!"

"W-wala Marcus. Maniwala ka sa akin."

"Sa'yo may tiwala ako. Pero sa lalaking 'yon wala!"

"Hayaan mo nalang siya. Simula ngayon ako na ang iiwas. Hindi ko na siya lalapitan pa," ang sabi ko.

"Dapat lang! Kundi basag ang bungo non," pagbabanta niya.

"H-hayaan mo nalang." Sabi ko, sabay abot sa kaniya ng binili niyang icecream. Tinanggap naman niya iyon at kinain.

"By the way, Babe," wika ni Marcus, ibinaba ang kutsarang nasa bibig niya.

"What?" Tanong ko.

"I'll sleep in your house tonight." He said.

"A-ano?"

"Sa bahay niyo ako matutulog ngayon. Wala ang parents mo diba? Swerte ko," ang wika niya habang nakangisi.

Continue Reading

You'll Also Like

40.3K 627 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
28.1K 1.4K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
53M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...