TILL FATE DO US PART (Fate Se...

By dreyaiiise

20.1K 2.8K 556

She was having difficulty locating her father in order to make her mother happy. She encountered many difficu... More

TILL FATE DO US PART
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABABATA 18
KABANATA 19
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 20

345 53 11
By dreyaiiise

-New HOME-

Alas sais na kami nakarating sa Mansyon. Nagtext kaagad ako kay Vaughn, sabi niya eh.

Magiliw akong pumasok doon, pinagbuksan kami nang mga kasambahay, marami sila. Sabi nga ni Kuya Herron, may maid sa kusina, sa sala, sa pool at iba pa. Pero excited lang talaga ako doon sa kwarto ko.

"Our dream house" masayang tugon ni kuya sa amin. Kita ko namang masaya si Mama.

"Uhm, ate Mina. Paki tulungan si Lori na iakyat ang gamit niya papunta sa kwarto niya" pakiusap ni Kuya doon sa isang maid.

Ngumiti ito sa akin."Halina na ho kayo, Miss Lori" hindi ko na kinuwestiyon ang pagtawag niya sa akin nun.

Sinamahan niya akong umakyat. May third floor pa ang bahay na ito. Dito sa second floor may pitong silid.

"Ang banda sa dulo doon ay office nang Kuya mo. Dito naman sa tabing kwarto nang Mama niyo ay Music Room"pinapaliwanag lahat sa akin ni Ate Mina ang mayroon dito sa bahay naman.

Sina Iza at Alja naiwan sa ibaba dahil mamaya na raw sila aakyat para ma-enjoy ko raw yung room ko. Parang timang eh.

"Walong kwarto ang mayroon dito. Yung lima ay nanatiling guest room. Ang kwarto mo at kwarto nang kuya mo, same size lang" patuloy niya. Nakikinig lang naman ako saka tumatango, I wanna know more. Para aware ako.

"Dito ang kwarto mo"

Pumasok kaagad ako. Sa pagpasok mo ay makikita mo agad ang malaking frame, picture ko ang nakalagay doon. Malaki ang kama ko, king size siya.

Sa left side nang kama, makikita mo ang table kung saan sa pwedeng mag-ayos, sa konting paghakbang mo makikita mo ang isang table na may malalambot na upuan, nakalagay doon ang mga album ni Taylor Swift. Talagang kumpleto ah? Taylor Swift (2006), Fearless(2008), Speak Now(2010), Red(2012), 1989(2014), Reputation(2017), Lover(2019). May player na doon para sa album.

Sa right side naman nandoon ang lamp and etc. Pwedeng paglagyan mang phone or something na kakailangan mo before you sleep. Humakbang ka nang mga lima mararating mo ang study table. May bookshelves sa side nito, maraming books ang nakalagay.

Sa bandang harap nun ay May dalawang pinto.

"Ate Mina, ano ang pintong ito?"

"Yung isa ay sa walking closet mo, samantalang itong isa ay CR" tinuro niya pa ang mga ito.

Una akong pumasok sa Comfort Room. May bathtub at shower. May place din na malaking salamin para sa skin care, may mga skin care na din soon. Maraming stocks nang lotion, shampoos, conditioner at iba pa na hindi pamilyar sa mata ko. Inamoy ko ang lahat, infairness mabango sila.

Maraming stock nang towel at bathrobe na nakasabit doon. Malaki rin ang Comfort Room na ito para sa akin.

Sunod kong pinuntahan ang walk-in closet. Tumambad sa akin ang maraming klaseng damit, iba't-ibang klaseng sapatos, bags, shades, sumbrero, belts at kung ano pa. Yung mga damit, nakaarrange siya by color, halos pastel ang mga ito. Kumpleto rin dahil may skirts, pants, shorts o ano pang design. Mamahalin ang lahat na iyon.

"Kung kulang pa iyan sa iyo marami pang stock doon sa isang closet. Hindi pa namin inilagay lahat nang damit mo dyan" ibang tinig ang narinig ko.

"Kuya! Sobrang thankful ako dito! I love you" maluha-luha ko siyang niyakap, inililagay ko ang baba ko sa balikat niya.

Hinagod naman niya ang likod ko. "Hindi ba, ito ang dream room mo ? May mini bed ka doon sa isang bintana" lumingon ako kung saan siya nakatingin.

Totoo ngang may mini bed doon, kapag umuulan magandang sumilip doon. Wow naman, natupad na ang dream room ko.

"Kuya! Sobra na 'to" bumuhos nang tuluyan ang mga luha ko.

"Masaya akong nakikita kang masaya..Don't worry, dadagdagan ko pa ang mga damit mo"

"Kuya andami na nga eh. Sapat na sa akin yun."

"Ikaw ang bahala, pero sabihan mo ako kapag may kailangan kang gamit" pinunasan niya ang luha ko."Nakita mo na ang veranda?" mabilis akong umiling.

Hinila ako ni Kuya papunta doon sa kurtina, may binuksan siyang pinto tapos sliding door doon.

Namangha ako sa view, unang pumasok sa isipan ko ay masisislayan ko na lagi ang mga bituin. Masarap rin ang simoy nang hangin rito, pwedeng pagsentihan.

"Ayun ang sa akin" tinuro ni kuya ang isa pang veranda sa bandang kaliwa namin.

"Ang ganda pala talaga dito. I'm so blessed to have you! You're the best Kuya in the World!" sinigaw ko iyon, masaya talaga ako sa bahay namin ngayon.

"No worries. Lahat naman nang paghihirap ko is para sa inyo" hindi man niya ako tinitignan, alam kong magiging emosyonal na siya.

"LORI!!! ANG GANDA NG KWARTO MO!" nabulabog kami sa ingay ni Iza.

Pumasok kami ni Kuya. Nadatnan kong tinitignan ni Iza ang mga albums ni Taylor. Favorite kasi namin siya eh, kaya mas nagkakasundo kami.

"OMG! ANG NICE NG WALK-IN CLOSET MO. I WANNA LIVE HERE" Isa pang sigaw ang narinig namin. Si Alja naman iyon mula sa walk-in closet ko.

Inilibot nilang sandali ang kwarto ko. Mukhang enjoy na enjoy sila

"I'm so happy for you! Dream room mo ito hindi ba?" paninigurado ni Iza. Simula noon palang alam na niya ang mga gusto at ayaw ko.

"Bilib talaga ako sa kasipagan at tiyaga ni Kuya Herron! Noong bata palang tayo binabanggit Mona sa kanya ang mga ito. Tapos ngayon tinupad niya ang pangako niya!" dagdag ni Iza.

"Ang galing ni God. Answered prayer ito!"

"Sinabi mo pa!"

"Try na natin sa baba. May pool doon sabi ni Tita" biglang sumulpot si Alja.

Iniwan naming sandali ang kwarto ko. Bumaba kami sa mahabang hagdanan, open space ito. Makikita nang tao sa living room ang bumaba, tapos glass pa ang hawakan. Ang cool nga eh. Sa side nang hagdan mo makikita ang malinis na pool, glass din kasi ito.

Lumabas kami, una naming napuntahan ang ginagawang garden ni Mama. Hilig niya kasi ang pagtatanim, nakakawala ng stress daw ito. Kaya naisipan ni Kuya na magpagawa.

"Doon naman tayo sa pool" tinuro ni Iza kung saan banda ang pool.

Malaki ang pool. May mga tables and chairs. Tapos yung pang sunbathing na upuan. Naisipan naming umupo doon sa isang table na may fruits.

"Ganda talaga dito! Lalo yung designs. Feel ko hindi ako naiinip dito" mangha rin sila tulad ko.

I don't know how to describe this house. But this house is beautiful! Simple but elegant.

"Yung social experiment pala bukas" pagpapaalala ko.

"Oo. Ikaw sa Mall, 'diba?" si Iza. "Hindi ko lang alam kung saan ako"

"What if sa bar ka nalang Iza"tinaas baba ni Alja ang kilay niya.

Hindi naman namin nagustuhan ni Iza ang suggestion niya, wala kaming hilig sa bar or clubs dahil nakakatakot doon. Lalo na kapag nalasing ka o kaya maraming lalaki na lalapit sa iyo.

"The fuck? Bakit doon? Baka may magalit ih" ramdam ko ang kaba ni Iza.

"Sino? Si Caleb? Malamang magagalit siya! Kasi alam lang niya na sa Mall tayo" I replied.

Lalo siyang kinabahan."Ikaw din naman! Magagalit si Vaughn kapag nalaman na pupunta tayo sa Bar" napunta nanaman sa akin.

"Hindi ko nalang babanggitin. Hindi ko gustong may misunderstanding kami agad, manliligaw ko palang siya" alam kong hindi siya papayag. Pero kailangan naman eh. Wala akong pake kung strict siya basta ayokong magalit siya sa akin kasi sino ba naman ang taong gustong magalit sa kanya ang taong gusto niya.

"Kahit na! Alam ko naman na ayaw mo siyang magalit sayo kase gusto mo siya, baka mahal mo na nga eh" Iza pouted, Ang hilig niyang mang-asar.

"Shut up! Wala naman tayong gagawing masama, for educational purposes naman" nangatuwiran si Alja.

"Ano ba ang gagawin?" tanong ni Iza habang pinipisil ang mga daliri.

"Pagkatapos sa Mall, sa bar naman. Magpapatagal tayo doon nang one hour. Tapos iinom rin tayo, syempre" sinamaan namin siya nang tingin. "Wine lang!" binawi namin ang sama ng tingin namin.

"Tapos nagkukunwaring lasing si Iza. Maghihintay tayo kung may tutulong sa kanya. If someone approaches her, you'll ask that man/woman to drive you home" pagpapaliwanag ni Alja.

"So, kelan natin gagawin ang interview? Kapag naihatid na siya?" I curiously asked.

Tinawanan niya ako. "Of course not! Bago silang tuluyang pumasok sa kotse nung guy or girl ay lalabas na ta--"

"Sure ka bang may kotse siya?" I asked, again.

"Yeah! Mahal kaya sa bar na yun. Tapos puro mamayang tao ang nandoon. Sure akong may luxurious car siya" paninigurado sa amin ni Alja. Si Iza naman ay nakikinig lang.

"Pero siguro lalaki ang tutulong, kasi ang mga babae sa bar mga walang paki" sa ganda ni Iza, imposibleng hindi lalaki ang tutulong.

"Oo lalaki ang tutulong"parang napipilitan niyang sagot "Patapusin mo muna nga ako, Lori. Nanggigil na ako"

Natawa kami ni Iza sa reaksyon niya. Marami kasi akong tanong eh.

"So, yun nga. Lalabas na tayo tapos magpapakita na tayo sa kanila bago pa niya isakay sa kotse si Iza" sumandal na siya sa upuan saka kumain nang ubas.

"Bakit pala alam mo ang bar na yan. Bukod sa nakatira ka dito" pagiintriga ni Iza

"Noong hindi ko pa kayo kilala, lagi akong nandoon. Pero ngayon hindi na ako nakabisita. Miss ko na din"

"Bakit ka pumupunta doon?" ako naman ang nagtanong.

"To ignore the world. I just wanna have fun, sometimes. Mas masaya na ngayon ang buhay ko to have you two" turo niya sa amin.

"Siyempre! Bawal ang sikreto ha? Feel free to open up, huwag mong sarilihin" saad ko.

"Basta one hour lang ha" paninigurado ni Iza. Kinakabahan talaga siya.

"Don't worry! Kilala ako doon kaya sure akong hindi tayo mababastos" kumalma na ang mukha ni Iza sa sinabi ni Alja.

Niyaya na kami nang isang maid na pumasok, dahil dinner is ready.

Habang nasa hapag-kainan kami mapapansin mo ang laki nang dining area. Marami ring iniluto si Mama. Mukhang close na nga niya lahat nang maids eh..

Gaya nang dating ginagawa namin ay nagtatawanan kami habang kumakain. Nang matapos na kaming kumain ay balak ko sanang maghugas ng plato.

"Lori, ako na iha. Trabaho ko ito" hindi na ako nagpumilit baka kasi siya ang mapagalitan.

Umakyat na kaming tatlo papunta sa kwarto ko. Nakaupo silang dalawa habang nagkukwentuhan.

"Doon tayo sa veranda, pagmasdan natin ang mga bituin" anyaya ko.

"Ang ganda talaga nang mga bituin no, Lori"

Hindi ko alam kung bakit napaisip ako sa sinabi ni Iza. Parang narinig ko na ito noon. Naalala ko, bata pa kami habang nakatingala sa bituin. May mga kasama kami doon pero bakit parang sobrang labo. Ang nakikita ko lang ay si Iza.

Ang sakit sa ulo.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Alja. Naging dahilan iyon para napalingon sa gawi ko si Iza.

"Iza, sino ang mga kasama natin? May naalala ako pero bakit hindi malinaw" lumabas nalang bigla yan sa bibig ko.

Nanatiling tahimik si Iza habang nakatitig lang sa akin. Hindi ko mawari ang reaksyon niya, natutuwa ba? o parang kinakabahan.

Tumunog ang phone ko. Nagkatinginan kaming tatlo, pero binasa ko na ang nakasulat doon. Galing pala kay Vaughn, nasa harap na raw siya nang gate.

Bumaba na ako kasama sina Iza.

Sinalubong namin si Vaughn nang nakangiti. Iniabot naman niya kaagad yung tatlong malaking box na pizza.

"Hindi ko alam kung anong gusto mo kaya binili ko nalang yung best seller nila" kamot ulo niyang sambit.

I smiled at him."Appreciated! Salamat dito ha"

"Ehem. Hindi man lang tayo napansin? Ano yun kay Lori lang pala tlaaga nakatuon ang atensyon niya" pagpaparinig ni Iza, sinasabi niya yun kay Alja.

"Ganyan talaga kapag in-love. Out of place na yung mga kaibigan" pagpaparinig rin ni Alja.

Nagsalubong ang tingin namin ni Vaughn, then he laughed.

"Hi Iza and Alexine, nice to see you again" binati niya na ang dalawa.

"Hello, Vaughn" hinablot sa akin ni Iza yung hawak kong pizza. "Salamat dito sa midnight snack namin"

"No problem. Anytime" sinserong sabi niya.

Iniwan na nila kaming dalawa.

"I missed you" malambing niyang sabi. Ako naman, kilig much.

"Sus! Umuwi kana nga. Baka mapano kapa"

"Gusto lang naman kitang makita eh. Pero sige"

"It's late. Hindi maganda bumabiyahe ka pa. Tapos kanina nahilo ka diba?"

"I'm fine now. Nakita na kita eh"

"Go now."

"Sa mall lang ba talaga kayo pupunta bukas?"naninigurado pa.

"I'll inform you if something happens." yan naman ang gusto niyang marinig.

"I'm only one call away"

"Bye. Goodnight"

He walked toward me. Then he kissed my forehead, I think that's the sweetest thing.

"Goodnight, baby!" he whispered.

Kumaway ako sa kanya, ganoon din siya sa akin bago pinaandar ang kotse niyang Mercedes Benz.

Pumanik na ako sa kwarto ko, nadatnan kong nakaupo ang dalawa sa sahig. May carpet kasi tapos malinis naman.

Kinain naming pizza, naubos naming ang isang malaking box habang nagkukwentuhan sa mga bagay-bagay na hindi pa namin napag-uusapan. Bago kami matulog ay nagdasal muna kami, ang dami kasing blessings ang dumarating. Pero dapat kahit sa mga circumstances ay kausapin mo pa rin ang Diyos.

KINABUKASAN

"LOUREENE FAUSTINA!!!!" nagising ako sa sigaw nang isang babae.

Dinaganan pa ako amp."Gising! Maghanda na tayo papuntang Mall!" inalog-alog niya kaming dalawa ni Alja.

"Ano na bang oras? Mamaya nalang, hindi naman aalis yang Mall" reklamo ko.

Lagi naman kasi itong nangigising. Yung tipong kapag gising na siya, dapat ikaw din dahil bubulabugin ka niya.

"Alas onse na kaya! Sinabi na din nang kuya mo na doon na tayo mag-lunch"

Nilingon ko siya. Alas onse na ako nagising? Tumingin ako sa orasan sa taas. OO NGA! powts.

"Dalian na ninyo! Mabuti pala, marami akong dalang damit kaya hindi na ako maghihiram sa'yo" nakaayos na si Iza.

"Meron din ako sa bag. Maliligo na ako sa isang room tapos dito kana" sabi sa akin Alja. Si Iza kasi masyadong nagmamadali.

"Magsuot tayong palda!! Kasi gagawin na natin yung sa bar." tugon ni Iza. As usual susundin namin ang request niya.

Nang matapos akong naligo, tinulungan akong maghanap ni Iza nang susuotin. Marami kaming inilabas pero sa huli Sa akin ay Black button-through skirt partnered with a maroon loose-fitting long sleeves pero kita ang pusod ko. Ang foot wear ko is knee high boots.

"Tara na sa baba, tapos na si Alja for sure" sinuot ni Iza is Brown above the knee skirt partnered with low-cut black blouse, sa ibaba naman is Ankle boots.

Nandoon na nga sa baba si Alja. Inaayos niya ang heels niya. Ang kay Alja naman is Red knee-length skirt at white sando partnered with broome leather jacket and cut-out heels.

"Skirt day ba? Mukhang hindi lang sa Mall ang punta ninyo ah?" kilalang-kilala na kami ni Kuya Herron.

"Sa mall kuya, tapos dadaan kami sa bar kapag gumabi na. Doon kami kukuha nang video ni Iza" I explained. Wala sa bokabularyo ko ang magsinungaling or magsikreto sa pamilya.

Hindi naging maganda ang reaksyon ni Kuya."Matanda kana, Kaya sana huwag kang magpabaya sa sarili mo, kayong tatlo" papayag siya kasi para sa Social Psych naman.

"Ang gusto ko, dapat hindi kayo uuwi nang lasing! Kundi hindi ko na kayo paaalisin nang walang bantay" pagbabanta ni Mama.

"Tita Lourina naman eh. Promise po hindi kami uuwi nang lasing. One hour lang kami doon, tapos uuwi na" pagpapaliwanag ni Iza kay Mama.

"Kilala naman po ako doon, kaya akong bahala sa kanila" sabat ni Alja.

"Nandito na si Manong. Mauna na ho kami" nagmano sila kay Mama saka kumaway kay kuya.

Hinalikan ko sa pisngi si Mama. "Huwag kang uuwi nang lasing, Lori" paghahabilin ni Mama. Tinanguan ko naman siya.

"Bye, kuya" hinalikan ko rin siya sa pisngi.

"Nakaplan ang phone mo. Magcall or text ka sa akin kapag uuwi kana, mas magandang ako ang nagsundo sa iyo" sambit ni Kuya. Napakaswerte ko talaga sakanya.

Tuluyan na kaming umalis. Nang makasakay kami sa Van nina Iza, binuksan ko ang phone ko.

"Nagtatanong sina Kristine sa GC. Mag-online ka" siniko ako ni Alja.

Binuksan ko naman ang messages ko.

Kristine: Anong balita mga beshies?

Alexine: Kukuhanan namin si Iza ngayon sa Mall.

Izabele: Tapos sa bar ako.

Kristine: Wow! Goodluck. Tapos na kami ni Crys.

Crystal: Saang bar kayo niyan?

Faustina: Hindi ko nga alam dito kay Alja. Siya ang May alam

Alexine: Sa bar nina Gab.

Kristine: Nililigawan ka pala ni Vaughn? @Loureene Faustina.

Faustina: Ah,oo. Saan mo ba nalaman? Pasensya na hindi ko nasabi. Noong isang araw lang kasi eh.

Kristine: Ayos lang. Kalat kaya sa school yun. Lalo na sa IG. Yung mga fangirls ni Vaughn nakita ang IG story niya na ka-video call ka.

Izabele: Talagang chismosa at chismoso ang mga Mercinians

Crystal: Magooff muna ako. Goodluck sa inyo, see you soon!

Alexine: Ang bilis? Sigi bye.
Tinitignan pa nga namin kung seryoso yang si Vaughn kay Lori.

Kristine: Naku! Sinabi mo pa! Si Lori palang kaya ang niligawan niyan, kadalasan siya ang nililigawan nang mga babae.

Izabele: Talaga lang ha? Mabuti kung ganun.

Faustina: Wews.

Izabele: Mauuna na kami, Kris. Nandito na kami sa Mall.

Kristine: Sige. Puntahan ko kayo sa bar mamayang 10pm ha?

Alexine: Okay. Mamaya pa kaming 9pm pupunta doon, baka 10pm uuwi na. Lagot itong dalawa sa mga manliligaw.

Kristine: Hala, HAHAHA. Okay!

Naghanap na kaming magandang spot at maraming tao. Alas dos na pala kami nakarating.

*******************************************

Continue Reading

You'll Also Like

362K 10.1K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
8.6K 268 39
Asturias Series #1 How will the cold and snob Atasha Justine dela Cruz manage to stand up and arise in her greatest downfall? Will destiny makes its...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
8K 197 44
Austria Series #1 (Former Title: Selfless Love) PS: under major revisions Thoughtful, kind, loving are the characters that sum up the personality of...