The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7M 228K 48.4K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 39

91.4K 3.2K 362
By Maria_CarCat

Leave Amaryllis






Nagulat si Castellana dahil sa aking isiniwalat sa kanya. Hindi siya nakapagsalita kaagad. Mas lalong bumigat ang dibdib ko, ibig sabihin kailangang patayin ni Piero ang Papa ko para matapos niya ang misyon. Pagnagtagumpay siya may pagkakataon na siyang makaalis sa Agrupación ng buhay.

"Ibig sabihin, kailangang patayin ni Piero ang Papa mo?" Naguguluhang tanong ni Castellana sa akin na kaagad kong timanguan. Napasinghap siya bago niya hinawakan ang aking kamay.

"Hindi magagawa ni Piero iyon" paninigurado niya sa akin kaya naman mas lalo akong naiyak.

"Alam ko. Alam kong hindi magagawa iyon ni Piero dahil mabuti siyang tao" umiiyak na laban ko pa. Naramandaman ko ang paghawak nito sa aking balikat.

Tipid niya akong nginitian. "Hindi gagawin ni Piero iyon dahil alam niyang masasaktan ka. Ganuon ka kamahal ni Piero" malumanay na sabi pa niya. Namanhid ang aking katawan, para akong lumulutang sa ere sa tuwing naiisip kong sobrang swerte ko dahil mahal ako ni Piero.

Pangarap ko lang ito dati. Pangarap ko lang na mapansin niya ako. Pero ngayon nandito na sa harapan ko, nagkatotoo lahat ng dasal ko.

Napatango tango ako kay Castellana. Hindi ko na napigilang hindi maging emosyonal sa kanyang harapan. "Mahal ko din naman si Piero. Kung kaya niyang magbuwis ng buhay para sa akin. Kaya ko din iyon..." malungkot pero desididong sabi ko kay Castellana.

Kita ko ang pagkabigla nito. "Wala namang kailangang magbuwis ng buhay. Kakausapin ko si Aziel, tutulungan namin kayo" paninigurado niya sa akin kaya naman napayakap na lamang ako sa kanya at naiyak.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga sinasabi nito sa akin. Pinapalakas niya ang loob ko. Kung gaano kaganda si Castellana ay ganuon din kaganda ang kalooban niya. Bagay na bagay talaga sila ni Kuya Tadeo.

"Magkakababy na din kayo" nakangiting puna ko sa mauumbok na niyang tiyan. Nginitian niya lamang ako bago niya marahang hinimas ang kanyang tiyan.

Natigil kami sa paguusap ng biglang lumapit si Kuya Tadeo sa amin. Sinalubo niya ng halik si Castel sa ulo. "Ako na ang kukuha ng gatas mo, wag ka ng bumaba" malambing na sabi niya dito kaya naman napasimangot si Castellana.

"Ako na ang kukuha, gusto kong bumaba" laban niya dito na ikinagulat ni Kuya Tadeo.

Nagkasagutan pa silang dalawa kaya naman hindi nawala ang ngiti ko habang pinapanuod sila. Sa huli ay silang dalawa na lamang din ang bumaba dahil walang gustong magpatalo sa kanilang dalawa.

"Amaryllis" tawag ni Piero sa akin. Nakita kong galing ito sa may verenda. Pagkalapit niya sa akin ay kaagad kong naamoy ang alak.

"Uminom ka?" Tanong ko sa kanya.

Tamad niya akong tiningnan bago niya ako hinila papalapit sa kanya para mahalikan ako sa ulo. "Konti lang" malambing na sagot niya sa akin. Napanguso ako kaya naman ginantihan ko ang kanyang yakap. Nasa ganuon kaming posisyon nang makarinig kami nang pagtikhim mula kay Kuya Cairo.

"Go to your fucking room guys" matigas na suway niya. Namumula na ang muka nito dahil sa paginum.

"Ayoko. Inggit ka lang dahil wala kang lovelife" balik na asar ni Piero sa kapatid kaya naman tumalim lalo ang tingin ni Kuya Cairo sa amin.

Para hindi na humaba pa ang pagaasaran nila ay kaagad ko nang hinila si Piero papasok sa kanyang kwarto. Tawa pa ito ng tawa habang inaalala kung paano niya nabwiset ang kapatid.

"Wala pa bang girlfriend si Kuya Cairo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Umirap lamang siya.

"Wala pa, hindi ko alam kung may balak pa ba yan. Walang hilig sa babae" tamad na sagot niya sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata.

"Ibig sabihin wala pa siyang nahahalikan na babae...ibig sabihin virgin pa si Kuya Ca..." hindi ko na natapos ang tanong ko ng kaagad akong mapahiyaw dahil sa paghila sa akin ni Piero. Pareho kaming pahigang bumagsak sa kama.

"Bakit ka ba masyadong interisado dun?" Inis na tanong niya sa akin. Napanguso ako nang mahimigan ko nanaman ang selos sa kanyang tono nang pananalita.

"Nagtatanong lang naman ako" laban ko pa sa kanya.

Tumaas ang kilay niya bago dahan dahang bumaba ang tingin niya sa aking labi. Nailang ako kaya naman wala sa sarili kong kinagat ang aking pangibabang labi. Muli niyang naagaw ang atensyon ko ng ngumisi siya. "Binyagan na natin ang kama ko" mapangakit na sabi niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata.

"Piero" hiyaw na suway ko sa kanya kaya naman napahalakhak siya. Ramdam na ramdam ko ang paginit ng aking mukha.

"Bakit? Kwarto ko naman ito ah" laban niya sa akin pero hindi ako pumayag.

"Bahay pa din ito ng parents mo. Nakakahiya kila Ma'm Maria" nahihiyang sabi ko sa kanya. Kita ko ang pagkaamaze sa kanyang mukha. Bahagyang tumaas ang kanyang isang kilay. Pagkatapos nuon ay hindi ako tinigilan ni Piero. Paulit ulit niya akong inasar kaya naman panay ang layo ko sa kanya.

"Amputa. Mas lalo akong nanggigil sayo eh" pangaakit pa niya kaya naman nilingon ko siya. Kita niya ang aking pagkabigla kaya naman inirapan niya ako.

"Gigil in a good way" inis na sabi niya sa akin kaya naman humaba ang aking nguso. "May ganuon ba?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Presko itong humiga sa kanyang kama at tsaka niya inunan ang kanyang magkabilang braso. "Sa akin meron" pagmamayabang niya.

Nagiwas na lamang ako ng tingin. Bumagsak ang aking mga mata sa aking hita. Tahimik kong pinaglaruan ang aking mga kamay. "May problema ka ba?" Tanong ni Piero sa akin. Marahil ay napapansin niya ang aking kakaibang kinikilos.

Marahan akong umiling. Naramdaman ko ang lundo ng kama dahil sa paggalaw nito. Gumapang siya papalapit sa akin tsaka ako niyakap sa likod. "Tell me Amaryllis. Ayoko ng may inililihim ka sa akin" malambing na sabi niya sa akin. Hinalik halikan pa ako nito sa aking ulo.

"Bakit hindi na lang tayo humingi ng tulong sa parents mo. Sa mga kapatid mo...matutulungan ka nilang makalabas ng Agrupación." Nahihiyang paliwanag ko kay Piero. Naramdaman ko ang kanyang paglabato.

"Hindi sila kailangang madamay dito" seryosong sagot niya sa akin.

"Pero Piero..." pakiusap ko pa sana. Kaagad siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Muli siyang gumapang pabalik sa kanyang kinauupuan kanina.

"Tama na Amaryllis, hindi natin ito pagaawayan" seryosong suway niya sa akin kaya naman napabuntong hininga na lamang ako. Bumagsak ang aking balikat, hindi ko na alam kung paano pa matutulungan si Piero. Ayaw niyang magpatulong.

"Magisa akong pumasok sa Agrupación. Kakayanin ko ding makalabas duon magisa" seryosong sabi pa niya sa akin.

Nanlulumo ang aking mga mata na tumingin sa kanya. "Kala ko ba magkasama tayo dito?" May pagtatampong tanong ko sa kanya. Ramdam ko ang kanyang mabibigat na pagtitig sa akin.

"Hindi kita isasama kung magiging delikado para sayo Amaryllis" madiing pagpapaintindi niya sa akin.

"Gusto kitang tulungan Piero" malambing na sabi ko pa sa pagaakalang makukuha ko siya duon.

Nagiwas ito ng tingin sa akin. "Kung gusto mo talaga akong tulungan. Behave Amarayllis, trust me" pakiusap niya kaya naman hindi na ako nakapagsalita pa.

Iniwasan ni Piero na mapagusapan namin ang bagay na iyon. Kahit ilang beses kong subukang kausapin siya tungkol dito ay palagi niyang iniiba ang usapan. Isa lang ang paulit ulit niyang sinasabi sa akin. Hindi pwedeng malaman ito ng kanyang pamilya, lalo na ni Ma'm Maria.

"Baka naman kasi may ibang plano si Piero" sabi sa akin ni Castellana ng muli kaming magusap.

Napakibit balikat ako. "Hindi ba dapat ay nagsasabi siya sa akin ng mga plano niya. Sabi niya gusto niya akong pakasalan, pero madami siyang hindi sinasabi sa akin" malungkot na sabi ko dito.

Napanguso si Castellana. "Marami ka din namang hindi sinasabi kay Piero" makahulugang sabi niya sa akin kaya naman nagiwas ako ng tingin.

"Nagsisikreto ako kay Piero dahil ayokong masaktan siya" pagdadahilan ko.

"Exactly, nagsisikreto din si Piero sayo kasi ayaw niyang masaktan ka" paagpapaintindi niya din sa akin kaya naman napabuntong hininga ako.

"This won't work" pagod na sambit ko.

Hinawakan ni Castellana ang aking balikat. "Hey, wag kang sumuko. Magtiwala ka kay Piero, alam niya ang ginagawa niya" seryosong suway pa niya sa akin.

Naging abala si Piero ng mga sumunod na araw. Ipinagpaliban na muna namin ang pagbalik sa San Rafael. Sumama ito kay Sir Alec at Kuya Cairo sa companya. Nakita ko ang excitement sa mukha ni Piero sa tuwing aalis siya papunta duon. He wants to change, he deserve the chance to change his life.

"Amaryllis anak, ayos ka lang ba dito?" Tanong ni Ma'm Maria sa akin.

Bahagya pa akong nagulat sa biglaang paglapit niya sa akin. Nakaupo ako sa kanilang garden habang malayo ang tingin sa kung saan. Andaming kong iniisip nitong nga nakaraang araw.

Tipid ko siyang tinanguan at nginitian. Umupo siya sa katabing upuan ko. "Nabigla ako dahil sa announcement ni Piero. Hindi ko iyon inexpect" natatawang sabi niya sa akin kaya naman nakaramdam ako ng hiya.

"Pasencya na po kayo kung biglaan" paghingi ko ng paumanhin. Inilingan niya bago niya hinawakan ang kamay kong nakapatong sa itaas ng lamesa, marahan niyang pinisil iyon.

"Wala kang dapat na ipagpasencya. Tanggap ka namin Amaryllis, welcome na welcome ka sa aming pamilya" malambing na sabi pa ni Ma'm Maria sa akin kaya naman muling uminit ang aking pisngi. Kahit hindi nila sabihin ay ramdam na ramdam ko iyon.

"Kaya pala..." nakangiting sabi niya habang nakatitig sa akin. Ngiting ngiti ito habang may inaalala.

"Ang galing noh...ang galing ng tadahan" masayang sabi niya kaya naman kaagad akong itinuon ang atensyon ko sa kanya. Tahimik akong nakinig.

"Isipin mo. Kung natuloy yung pagampon namin sayo magiging magkapatid kayo ni Piero. You can't marry each other. May reason talaga kung bakit nangyayari ang mga bagay" naamaze na kwento pa niya sa akin na tinanguan ko na lamang.

Muling bumagsak ang aking mga mata sa lupa. May reason ang lahat ng bagay na nangyari sa mundo? Kung ganuon bakit hinayaan ng tadhana na mangyari ito sa amin ni Piero, bakit niya hinayaang mahalin namin ang isa't isa gayong ano mang oras ay mawawala na din naman ako. Mas lalo lang kaming masasaktan. Pinagtagpo lang kami, pero hindi itinadhana.

"May problema ba Hija?" Nagaalalang tanong ni Ma'm Maria sa akin ng mapansin niya ang pagiging emosyonal ko.

Tipid ko siyang nginitian tsaka ako umiling. "Masaya lang po ako dahil tanggap niyo ako. Na gusto niyo ako para kay Piero" emosyonal na sabi ko pa sa kanya.

Ngumiti si Ma'm Maria sa akin. "Mahal ko ang mga taong nagmamahal sa mga anak ko. Kagaya ni Castellana, mahal ko siya dahil mahal niya si Tadeo, ganuon ka din dahil mahal mo si Piero" sabi pa niya, ramdam ko ang kanyang emosyon habang sinasabi ang mga iyon. Napakabuting ina ni Ma'm Maria, mabuti na lamang ay naranasan ni Sachi na maging anak niya.

Sandali pa kaming nanatili duon. Pasikreto ko siyang sinulyapan, she looks happy. "Natakot po ba kayong iwanan nuon si Sir Alec?" Tanong ko. Hindi lingid sa aking kaalaman ang nangyari sa kanila ni Sir Alec nuon.

Unti unting napawi ang ngiti sa kanyang labi. "Sobra...pero inisip ko kailangan kong tanggapin. Wala naman na akong magagawa pa kung kamatayan na ang kalaban namin. Kahit ubusin pa ni Alec ang pera niya kung mamamatay ako, mamamatay ako" pangangatwiran niya sa akin kaya naman bumigat ang dibdib ko. Paano nga ba tanggapin na mamamatay ka na?

"Pero tingnan mo, andito pa din ako. Kami pa din ni Alec hanggang sa huli" nakangising sabi pa niya sa akin.

Marahan niyang pinisil ang aking kamay. "You know what Amaryllis. Kung para sayo talaga yung isang tao, kahit anong mangyari kayo at kayo pa din ang magkakatuluyan sa huli. Just like you and Piero..." sabi pa niya sa akin. Napakagat ako sa aking pangibabang labi.

"Ma'm Maria..." naiiyak na sambit ko sa kanyang pangalan.

Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo. Kung mayroon mang tao na makakaintindi sa aking sitwasyon ngayon ay siya iyon. Kita ko ang pagaalala sa kanyang mukha habang hinihintay ang dapat sanay sasabihin ko. Bayolente akong napalunok, hindi ko kayang sabihin sa kanya. Siguradong magkakagulo, malalaman ni Piero. Masasaktan siya.

"Amary..." malambing na tawag niya sa akin dahil sa matagal kong pagsagot.

"Mahal na mahal ko po ang anak niyo" pumiyok na sabi ko pa. Nakita ko ang pagkislap ng mata ni Ma'm Maria dahil sa nagbabadyang pagluha.

Hindi na siya nagsalita pa, hinila na lamang niya ako papalapit sa kanya at tsaka niyakap. Pagkatapos nuon ay natawa na lamang kami habang nagpapahid ng luha.

"Teka at magpapalabas lang ako ng mirienda. May gusto ka ba?" Tanong at paalam niya pa sa akin. Umiling na lamang ako bago naglakad si Ma'm Maria papasok sa kanilang bahay. Muli akong naiwan sa may garden, napahawak na lamang ako sa aking dibdib habang dinadama ang kaunting kirot na nararamdaman.

Tumunog ang aking cellphone at kaagad na nakita ang unregistered number. Kumunot ang noo ko habang nakatingin duon. Nagdalawang isip pa muna ako bago ko iyon sinagot.

"Amary anak..." rinig kong tawag ni Papa sa akin mula sa kabilang linya. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata, matagal tagal na din nung huli kaming nagusap.

"Papa kamusta na po kayo? Kamusta na po si Akie?" Magkasunod na tanong ko sa kanya.

"Ayos naman kami dito. Matagal na kitang hindi nakita sa may palengke. Halos araw araw akong nanduon para makita ka" sabi pa niya sa akin.

"Pasencya na po Papa. Nagtago po kasi kami ni Piero, desidido po si Rajiv na makuha ako" malungkot na kwento ko sa kanya.

Ramdam ko ang pamomorblema ni Papa sa kabilang linya. Sandali akong natahimik bago ko sinabi sa kanya ang balita. "Papa, gusto po akong pakasalan ni Piero" nakangiting sambit ko kahit pumiyok pa. Naiyak ako habang sinasabi sa kanya iyon.

Narinig ko mula sa kabilang linya ang pagtangis ni Papa. Alam kong masaya siya para sa akin. Isa siya sa mga nakakaalam kung gaano ko kagusto si Piero. Alam niya lahat ng isinakripisyo ko para dito. "Masaya ako para sayo anak..." paos na sabi niya sa akin.

Napatango tango ako habang patuloy pa din sa pagiyak. Natahimik si Papa nang sabihin ko sa kanya ang naging problema sa Agrupación. "Hindi siya makaalis duon hangga't hindi niya natatapos ang misyon niya..." paguumpisa ko. Nanatiling tahimik si Papa mula sa kabilang linya.

"Kailangan kang patayin ni Piero para matapos ang misyon" sabi ko dito. Pero imbes na ang reaction ni Papa ang marinig ko ay kaagad akong nagulat dahil sa paglabasag ng kung ano mula sa aking likuran.

"Ma'm Maria" gulat tawag ko sa kanya. Kumalat ang basag na plato at baso sa sahig dahil sa pagbagsak nito. Nabitawan iyon ni Ma'm Maria.

"Hindi totoo..." galit na sabi niya sa akin, hinawakan niya ako sa aking magkabilang balikat. "Hindi mamamatay tao ang anak ko. Hindi ganuon si Piero" giit niya sa akin.

Hindi ako nakasagot, nagaalala akong nakatingin sa kanya. "Hindi mamamatay tao ang anak ko" umiiyak na sabi pa niya sa akin hanggang sa unti unting nanghina si Ma'm Maria.

Nanlaki ang aking mga mata. Lalo na nang makita kong nakahawak ito sa kanyang dibdin. Hindi siya makahinga. "Tulong!" Sigaw ko sa mga kasambahay.

Matapos ang ilang pagtawag ko ay mabilis nila akong tinulungan para buhatin si Ma'm Maria. Kaagad namin siyang dinala sa hospital, nataranta ako. Nanginginig na ang aking mga kamay habang nakahawak sa kanya. Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng mawalan siya nang malay.

Umiiyak ako habang nasa labas ng emergency room. Hindi ko alam ang aking gagawin. Ni hindi na nga ako nakatawag pa kay Piero. "Anong nangyari?" Humahangos na tanong ni Kuya Kenzo sa akin.

Hindi na niya hinintay pa ang aking sagot dahil mabilis na siyang pumasok sa emergency room. Namanhid ang aking mga labi dahil sa takot, pagaalala at pagiyak. Unti unti ko na din naramdaman ang paninikip ng aking dibdib. Halos dumugo ang aking pangibabang labi dahil sa pagkalakagat ko dito. Namamanhid iyon, kailangan kong may maramdaman.

"Anong nangyari Amaryllis?" Tanong ni kuya Cairo sa akin. Hindi ko na siya nasagot pa ng kaagad akong hinila ni Piero papalapit sa kanya.

Alalang alala ito sa akin. Nagawa pa niya akong yakapin at aluin. "Shh...ok lang yan. Wag kang magalala, magiging ok lang si Mommy" pagaalo pa niya sa akin. Mas lalo akong naiyak, nasasabi niya lamang iyan sa akin ngayon dahil hindi pa niya alam kung ano yung totoong nangyari.

"Alam na ni Ma'm Maria...sorry" kinakabahang sabi ko kay Piero. Naramdaman ko ang kanyang pagkabato.


"Hindi ko sinasadya, hindi ko alam na maririnig niya. Alam na niya Piero" umiiyak pa ding sabi ko sa kanya. Dahan dahan siyang lumayo sa akin, kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Hindi niya napigilang hawakan ako sa braso, humigpit ang pagkakahawak niya duon.

"Hindi ba't napagusapan na natin ito?" Mariing tanong niya. Marahas akong tumango, napapikit ako nang suntukin ni Piero ng malakas ang pader sa aking likuran. Napapikit ako dahil sa gulat.

"Piero!" Galit na suway ni sir Alec sa kanya. Inilayo nila siya sa akin, naiyak siya habang paulit ulit na sinuntok ang pader sa kanyang tabi. Nanghihina akong napaupo at tsaka umiyak. Hindi ko sinasadya.

Mabilis silang napatakbo nang lumabas ang Doctor. Nakahinga kami ng maluwag nang sabihin nitong nasa maayos ng lagay si Ma'm Maria. Sinubukan akong kausapin ni Kuya Kenzo. Pagod siyang umupo sa aking tabi, kakalabas niya lamang ng emergency room.

"Sorry po" mahinang sabi ko dito. Pagod siyang ngumiti sa akin. "Walang may kasalanan, hindi lang talaga kaya ni Mommy ang masyadong stress" paliwanag pa niya sa akin, pero alam kong ako pa din ang may kasalanan.

Napatingin ako kay Piero, nanatili itong nakayuko sa kanyang kinauupuan malayo sa akin. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Napayuko na lamang ako at tsaka nanahimik. Dumating na din maging sina Kuya Tadeo at Castellana. Kaagad itong lumapit sa akin para kamustahin ako.

Muli silang natigilan nang lumabas ang isang nurse. "Hinahanap po ng pasyente si Piero" anunsyo niya sa amin. Lahat kami ay napatingin dito. Mabilis siyang tumayo para pumasok sa emergency room. Umasa akong tatapunan niya ako ng kahit kaunting tingin pero hindi niya ginawa.

Ilang araw ding namalagi si Ma'm Maria sa hospital para matingnan siya ng maiigi ng mga Doctor. Halos hindi umuwi si Piero. Nanduon lamang siya sa hospital kasama ng Mommy niya. Hindi pa din ako nito kinakausap o pinapansin.

"Kumain ka na ba Amaryllis?" Nagaalalang tanong ni Castellana sa akin.

Tipid akong umiling sa kanya. "Hihintayin ko si Piero" sagot ko dito kaya naman nakita ko ang pagaalala sa kanyang mukha.

"Kailangan mong kumain" suway pa niya sa akin pero hindi na ako nakasagot. Pakiramdam ko ay alam nilang lahat na ako ang may kasalanan kung bakit nahospital si Ma'm Maria pero pinapakitunguhan pa din nila ako ng maayos. Mas lalo akong nahihiya dahil duon.

Kaagad akong pumasok sa kwarto ni Piero. Mabilis kong kinuha ang aking mga gamit. Aalis na lang ako, mas madaling umalis kung ganitong galit siya sa akin. Hindi ko napigilang hindi maiyak habang ginagawa ko iyon, hindi ko inaasahan na ganito kaaga ko siyang iiwanan.

"Saan ka pupunta?" Mariing tanong ni Piero. Nabigla ako dahil sa kanyang biglaang pagdating. Matalim ang tingin niya sa akin at sa aking mga gamit.

"A...aalis na muna ako" mahinang sabi ko sa kanya.

Hindi kaagad nakasagot si Piero. "Naunahan mo lang ako. Papaalisin naman talaga kita" seryosong sabi niya na ikinagulat ko. Hindi ko inaasahan iyon.

"Umalis ka na" matigas na utos niya pa sa akin. Hindi ko napigilang mapahagulgol. Ang hirap umalis.

Napatango tango ako. Nanghihina kong binuhat ang aking mga gamit. "Leave" sabi pa ni Piero na para bang atat na atat na mapaalis ako.

Dahil sa sakit na nararamdaman ay patakbo ko na sanang tatahakin ang pinto para makalabas nang mabilis niya akong niyakap mula sa aking likuran. "Leave Amaryllis..." malambing na sabi niya sa tapat ng aking tenga.

"Bring me with you...I'm yours anyway" pumiyok na sabi pa niya. Naguluhan ako kaya naman kaagad ko siyang nilingon.

Kinulong niya ang aking pisngi gamit ang kanyang mga kamay. "Itatanan kita..." natatawang naiiyak na sabi pa niya.

"Galit na galit ako sayo. Pero tangina hindi ko kayang mawala ka. Aalis tayo dito, lalayo tayo...hindi ka makukuha ni Rajiv sa akin. Hindi tayo mahahanap ng Agrupación" sabi pa niya sa akin.

Napaawang ang aking bibig. "Saan tayo pupunta?" Naguguluhang tanong ko pa sa kanya.

Nginitian niya ako, ramdam ko ang seguridad sa mga iyon. "Malayo sa lahat ng pwedeng maghiwalay sa atin. Tatakbo tayo Amaryllis...tatakbo tayong magkasama"


Kung ikamamatay ko man ang pagtakbo kasama siya. Tatakbo ako hanggang sa aking huling hininga. Basta para kay Piero.



















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

915K 31.2K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
9.1M 247K 66
The Doctor is out. He's hiding something
6M 233K 64
A battle between love and service.
122K 9.2K 14
Bembiehyehohyehohyehohyeh~ WALANG SAYSAY ITO, KUNG AKO SA'YO HUWAG MO NALANG BASAHIN.