Believing Lies

By Bluebein

14.5K 2.4K 164

I'm hurt. I'm alone. I'm broken. You came. You fixed me. You promised to never leave me; To love me forever; ... More

Believing Lies
Believing Lies
Prologue: She Cried Because He Lied
ONE: Sleep Away The Sadness of Today
TWO: The Owner of White Handkerchief and His Fallen Patty
THREE: The Bitch and Her Ugly Minions
FOUR: Goodbye to Your Hair
FIVE: Study Date
SIX: It's Not a Date!
SEVEN: The Man Who Stole My First Precious Kiss
EIGHT: The Empty Room and The Possesive Kisser
NINE: Her Boyfriend?
TEN: The Tale of The Moon And The Earth
ELEVEN: My Motorcycle Racing Experience
TWELVE: Latetism and Our Punishment
THIRTEEN: Measuring The Sprouts Before The Date?
FOURTEEN: Musikang Ligaya at Ligawan
Author's Note
FIFTEEN: Showering in The Rain
SIXTEEN: The Tale of Amber and Her Third
SEVENTEEN: Walang Kasal na Magaganap!
EIGHTEEN: The Icecream, The Guard and The Doorknob
NINETEEN: Mahaba, Matigas, Maumbok at Ang Ungol
TWENTY: The Finals Week
TWENTY ONE: The Beach and My Babe on The Phone
TWENTY TWO: Hintayin mo ako!
TWENTY THREE: The Prankster and The New Lovers
TWENTY FOUR: Fall For You
TWENTY FIVE: Second and The Two Glasses of Gin
TWENTY SIX: The Surprise
TWENTY SEVEN: Dalawang Uri ng Halik: Ginusto at Ninakaw
TWENTY NINE: I Miss My Dad
THIRTY: Hubad na Katotohanan ni Marcus
THIRTY ONE: Hailey
THIRTY TWO: Basag-ulo (Basag na Ulo)
THIRTY THREE: Finding X
THIRTY FOUR: What's wrong with you, Marcus?
THIRTY FIVE: The Birthday Surprise

TWENTY EIGHT: Take me Back to The Day We Met

182 10 0
By Bluebein

"Babe?" Pagtawag ni Marcus mula sa labas ng pintuan ng CR.

Mabilisan kong itinulak si Aiden at nagsimulang maglakad palabas ng CR. Ngunit hinawakan niya ang siko ko at ipinaharap ako sa kaniya.

"Riley let's talk," ang wika niya, nagmamakaawa.

"Babe tapos ka na ba?" Ang pagsigaw ni Marcus.

"T-tapos na ako. Nag-aayos lang."

Tinanggal ko ang nakahawak na kamay ni Aiden sa aking siko at patakbong naglakad palabas sa pinto. Duon ko naman nakita si Marcus na nakasandal sa pader, inaantay ako. Suot niya sa kaniyang balikat ang bag naming dalawa. Agaran ko naman siyang hinila pababa ng hagdan, dahil baka magkasalisihan pa sila ni Aiden.

Hinawakan ko ang aking labi at hindi parin ako lubos makapaniwala sa ginawa ni Aiden. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at sinabi sa sariling 'walang nangyari'.

"Ayos ka lang?" Nabalik ako sa wisyo nang magsalita si Marcus.

"A-ayos lang. Bakit?"

"Para kang ninakawan ng halik." Nabalikwas ako sa sinabi ni Marcus.

"P-paano mo naman nasabi?"

"Kanina ka pa nakahawak sa bibig mo tapos atat na atat ka pang makaalis tayo. Parang may naghahabol sa'yo."

"Tch. Nagbabalat lang itong labi ko kaya ko hinahawakan. At siyaka natatakot lang ako kaya mabilis akong pumanhik," pagdadahilan ko dahil ayaw kong sabihin sa kaniya ang nangyari. Kilala ko si Marcus at alam ko ang kaya niyang gawin kapag nalaman niya.

"Nagbibiro lang," aniya at inililingkis ang kamay niya sa bewang ko.

Inihinto ni Marcus ang kaniyang motorsiklo nang makarating na kami ng bahay. Nang bumaba ako ay bumaba rin siya sa kaniyang upuan at hinarap ako.

"Seryosohan ba talaga 'yon babe?"

"Tatlong araw lang naman eh."

"Hindi mo ba ako ma-mi-miss?"

"Hindi."

"Sungit naman ng Girlfriend ko."

Inirapan ko siya. Binuksan ko ang aking bag at kinuha ruon ang isang papel. Nakasulat roon ang mga pointers at ilang reviewer para makatulong kay Marcus.

Inabot ko sa kaniya ang papel. "Nakasulat riyan yung pointers ng exam. Sinulat ko na rin yung ibang keywords diyan para may basis ka sa pagrereview mo."

Tinignan niya ang papel at nanlaki ang mata niyang tumingin sa akin.

"Ang dami!"

Binatukan ko siya.

"Mukha lang marami 'yan. Meron ka pa namang 3 araw para magreview eh. Ngapala, meron pa akong isang deal sa'yo."

"Ano 'yun babe?"

"Kapag naipasa mo lahat ng subjects mo. May reward ka sa akin," sabi ko sabay kindat. Tumalikod ako sa kaniya at nagsimulang maglakad papasok.

"Anong reward?" Ang tanong niya. Nilingon ko siya.

"Malalaman mo lang yun kapag nakapasa ka sa lahat ng subject mo." Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa loob ng bahay.

....
Lumipas ang magdamag, hanggang sa sumapit ang umaga. Tinignan ko ang cellphone ko at walang message mula kay Marcus. Duon ko lang napagtanto na nasa akin pala ang cellphone niya kaya wala kaming communications ngayon.

Dahil pinagbawalan ko siya na magkita kami ng tatlong araw, hindi niya ako sinundo ngayong umaga kaya sinarili ko ang paglalakad sa daan hanggang sa makarating ako sa bus station.

Habang nakatindig sa waitingshed, tumatama sa mukha ko ang sinag ng araw mula sa silangan. Hindi ko naman ito alintana dahil maaga pa at sayang rin ang bitaminang makukuha ko roon. Habang nag-aantay, isang kotse ang huminto sa aking harapan. Binuksan niya ang kaniyang tinted na windshield. Dahil sa sinag ng araw, tinakpan ko ang mata ko at tinignan ang taong nasa loob. Bumungad sa akin ang mukha ni Aiden.

"Sabay ka na sa'kin," ang wika niya. Hindi ko siya pinansin at tumingin ako sa malayo.

Bigla naman siyang lumabas sa kaniyang sasakyan at hinarap ako. Nang tumindig siya sa harapan ko ay natakpan niya ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.

"Halika na. Sabay na tayong pumasok."

Hindi ko siya pinansin at humakbang ako paatras. Subalit sa pag-atras ko ay siya namang pag-abante niya. Nadako ang tingin ko sa kaniyang mukha. Wala siyang pinagbagao. Malinis, posturang-postura, makapal ang mga pilikmata, matangos ang ilong, perfectly refined face at ang kaniyang labi. Bigla naman nagbaliktanaw sa akin ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

I came back to my senses when I heard the bus' horn.  Agaran naman akong tumakbo papasok sa loob ng bus at hinayaan si Aiden sa kaniyang kinatatayuan. Nang makaupo ako ay sumilip ako sa bintana at nakatayo parin si Aiden sa waitingshed. Hanggang sa mawala na siya sa paningin ko nang makalayo na ang sinasakyan kong Bus.

"Bakit hindi ata kayo magkasama ng bebe mo?" Ang tanong ni Amber habang binubuksan ko ang metal panel kong locker.

"Busy siya," ang tangi kong sagot at hinugot sa masikip na compartment ng locker ang aking mga gagamiting libro.

"Busy for what? O-M-G! Don't tell me na busy sa babae niya?"

"Busy siya sa pagrereview. May deal kasi kami na kapag hindi siya pumasa sa mga test niya ay magb-break kami," saad ko bago tuluyang isara ang locker ko.

"Harsh naman sa jowa nito," aniya at isinara ang locker niya. Pagkaalis sa locker ay dumiretso na ako sa classroom.

* bell ringing*

Five minutes before class but he's not here yet- Marcus. Hanggang sa pumasok na ang aming teacher para sa unang subject. Kasabay naman niya ang hinihintay kong si Marcus.

Binati ni Marcus ang teacher bago siya dumiretso sa kaniyang upuan.

"What are you wearing?" I asked as I noticed the glasses he was wearing.

"Do I look smart?" He said, brows raising. I rolled my eyes, holding my laughters. Paano naman kasi feeling genius siya.

"Bakit ka ba kasi nakasalamin?"

"W-wala. Feeling ko kasi ang talino ko. Ang dami ko kayang nireview kagabi."

I took off his glasses and wore it to my eyes.

"M-may grado?"

"Yup. Minsan ko lang sinusuot 'yan tuwing sumusumpong itong mata ko. Dahil na rin siguro sa kakalaro ko ng games kaya minsan lumalabo ang paningin ko."

"Buti naisipan mong magsalamin ngayon, Marcus?"

I took off the glasses and handed it to him. Sinuot naman niya ito ulit.

"Eh paano. Ang dami kong binasa kagabi. Diba sabi mo magbago na ako? Kaya nagreview ako hanggang madaling araw. Ayaw ko namang baliin yung pinangako ko sa'yo. Sayang rin yung reward. Feeling ko nga ang talino ko na eh. Ang dami ko nang alam. Siguro nga ma-uungusan ko na ang first honor eh, " ang sabi niya na may bahid ng pagmamayabang. Akala naman mauungusan ako.

Feeling genius first time lang namang magreview.

"Bagay ko ba?" Tanong niya at mwinestra pa sa harapan ko ang mukha niya at ang suot niyang salamin.

Tumango-tango nalang ako. Well, kung titignan ibang-iba ang istura ni Marcus ngayon. Kung dati ay mukha siyang siga at bully ngayon naman ay mukha siyang introvert nerd na laging may bitbit na libro sa kamay at tambay ng library. Well, may sariling version ang boyfriend ko sa pagiging nerd- Nerd na laging bagsak sa exam.

Natawa nalamang ako sa isi-isip ko.

Lumipas ang dalawang araw at sinusunod parin namin ang ipinataw kong parusa kay Marcus. Isang beses lang kaming magkita sa isang araw- every first period. At ang mga sunod na oras ay hindi ko na siya nakakasama.

Natapos na ang mga subjects ko ngayong umaga at nalulungkot ako dahil hindi ko nakasama si Marcus kaninang recess at lunch. Kahit na miss ko na siya ay kailangan ko itong panindigan. Kailangan kong panindigan ang hindi namin pagkikita sa loob ng tatlong araw. Alam kong ginawa ko 'yon para parusahan siya at turuan siya ng leksyon pero bakit parang pinaparusahan ko rin ang sarili ko? Kung dati, pagkatapos ng klase ko ay dadalawin niya ako sa room para sunduin akong magrecess tapos tuwing lunch naman ay sabay kaming kumain. Ngunit, dahil sa kasunduan, tatlong araw ko siyang hindi makakasama, makakasabay sa pagkain, makakasabay sa pagpasok at pag-uwi at kahit na nasa isang campus lang kami ay pinagbawalan ko rin siyang magkita kami. Mahirap man rin sa akin ay kailangan ko itong panindigan. At gusto ko rin na sa pag-aaral muna siya mag-focus at para narin magtino siya.

Tinignan ko ang aking wristwatch at 1:00 na ng hapon. Vacant namin ng first period at wala naman akong ibang gagawin kaya napagpasyahan ko nalang na mag-aral sa library.

Tumungo ako sa librarian at iniabot ang aking borrower's card. Pagkapirma ko sa log book, diretso agad ako sa mga booksheleves at naghanap ng kakailanganin kong libro. Habang naghahanap ng libro ay nadako ang tingin ko sa isang mesa, malapit sa bintana, duon ko naman nakita ang isang estudyante na nagbabasa. Nasa harapan niya ang isang malaki g libro kaya natatakpan nito ang kaniyang mukha. Nakita ko naman ang suot niyang relo at napagsino ko kung sino ito.

Marcus.

Siguro ay vacant niya rin kaya siya nandito sa library. Usapan rin kasi namin na every vacant niya ay dapat nag-aaral siya rito sa library.

Nagtungo ako sa kabilang bookshelves na nasa gilid niya para makita ko ang ginagawa niya. Hindi ako nagpahalata dahil nga ayaw ko rin maka-istorbo sa pag-aaral niya at dahil na rin sa aming kasunduan. Nang tignan ko siya mula roon ay nakita ko ang bagsak niyang ulo sa mesa. Natutulog. Ang akala ko naman ay seryoso siyang nag-aaral dito, yun pala ay tumambay lang siya rito para matulog.

Hindi na ako nakatiis at nilapitan ko siya. Ibinaba ko ang hawak niyang libro at pinitik ang tenga niya. Ngunit para siyang mantikang tulog at ang hirap niyang gisingin. Kaya pinitik ko pa siya ng isa pa. Duon naman na siya nag angat ng tingin at nagpunas ng mata.

"B-babe?" Ang gulat niyang pambungad sa akin.

Nginitian ko naman siya. Yung ngiting may halong inis- nakangiti pero nanlalaki ang mata.

"Anong ginagawa mo rito? Mr. Nerd na laging bagsak sa exam?" Ang galit kong tanong sa kaniya habang nakapamewang.

"N-nag-aaral babe hehe," ang sagot niya.

"Ah. Kaya ka pala nakatulog? Nag-aaral pala!" Sabay pingot sa tenga niya. Napadaing naman siya sa sakit. Hindi naman siya makasigaw dahil nga nasa loob kami ng library.

Nang natigil ako ay hinarap niya ako, hinaplos ang namumula niyang tenga at nagsalita, "Ikaw babe, anong ginagawa mo rito?"

"Ano bang ginagawa sa library?" Sagot ko, sabay irap.

"Miss mo ako noh? Sus! Pwede mo namang sabihin sa akin na miss mo na ako at gusto mo na akong makita. Kunyari ka pa na pupunta rito sa library, gusto mo lang naman ako- Araaay!" Hindi siya natapos sa sinasabi niya nang pingutin ko ulit ang tenga niya.

"H-hindi na babe. Araaaay!"

Binitawan ko ang namumula na niyang tenga.

"Sinasabi ko talaga sa'yo Marcus, kapag ikaw bumabsak uli sa exam. Hihiwalayan talaga kita," litanya ko bago tumalikod at nagsimulang maglakad paalis. Ngunit hinawakan ni Marcus ang bewang ko at inilapit sa kaniya. Niyakap niya ako mula sa likuran.

"I miss you babe,"ang wika niya habang nakayakap sa aking likuran.

Gusto kong ngumiti at kiligin pero kailangan kong panatilihin ang pagiging galit kahit na umiinit na ang pisngi ko.

"Miss mo mukha mo!"

Tinanggal ko ang kamay niya na nakayakap sa tiyan ko at patakbong naglakad.

"Pakipot. Miss rin naman ako," ang sabi pa niya. Pero hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

6:15

Kasalukuyan akong nag-aantay ng masasakyan pauwi. Dahil nga may kasunduan kami ni Marcus kaya hindi kami nagkasabay ngayon.

Bukas na ang mga ilaw sa poste at maging sa mga dumadaang sasakyan. Palubog na kasi ang araw kaya medyo dumidilim na rin. Sinilip ko ulit ang relo ko para i-check ang oras nang may biglang humawak sa braso ko. Hinila niya ako papunta sa madilim at tagong gilid ng kalsada. Dahil sa gulat at pagkabigla ay sumunod nalang ako sa kaniya. Ayaw ko rin manlaban dahil baka may hawak siyang patalim o kung ano pa man na maaari niyang gamitin laban sa akin.

Nang mahinto siya sa paglalakad ay hinarap niya ako at diretsong tumingin sa akin.
Napagsino ko kung sino ang lalaking humila sa akin.

"A-aiden?"

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at isinandal ako sa pader. Ikinagukat nang buong sistema ko ang sunod niyang ginawa. He kissed me. Nagpumilit akong kumalas sa pagkakahawak niya ngunit masyado siyang malakas. Hindi naman niya alintana ang pagpupumigil ko at patuloy lang siya sa paghalik sa akin. Nalasahan ko sa halik niya ang pait ng alak. Mukhang nakainom siya.

Nang makapag-ipon ako ng lakas ay itinulak ko siya, dahilan nang pagbagsak niya sa damuhan. Pinunasan ko ang bibig ko at galit na tumingin sa kaniya. Nakatayo na siya sa pagkakabagsak niya at hinarap ako. Naglakad ako palayo, ngunit inilingkis niya ang kaniyang bisig sa bewang ko. Hinarap ko siya... at sinampal.

"Ano bang problema mo Aiden? Pwede bang tigilan mo na ako?!" Pagsigaw ko.

"Riley. Pwede ba tayong bumalik sa dati? Pwede bang bumalik tayo noong panahon na kasama kita? Riley I really, really miss you. Pinilit kitang kalimutan pero ikaw parin talaga ang mahal ko. Riley alam mo 'yon. Simula palang ikaw na talaga ang mahal ko," ang wika niya at hinaplos ng kamay niya ang mukha ko. Bigla naman akong lumihis.

"Marcus pwede bang tumigil ka na!"

"Hindi ako titigil, Riley. Noon nag- give way ako dahil alam kong yuon ang tama. Iniwasan kita para malayo ka sa issue at para matigil na rin sila Alyssa sa'yo. Pero kahit na kalimutan kita, hindi ko kaya. Mahal kita Riley. Mahal na mahal. Kung gusto mo magsisimula ako ulit. Liligawan kita, hanggang sa maging tayo. Basta bigyan mo ako ng chance."

"Tama na Aiden! May Boyfriend na ako, kaya kung nagbabalak ka na bumalik sa akin. I'm sorry pero Mahal ko si Marcus."

"Riley Please," pagmamakaawa niya.

Inalis ko ang kamay niya sa pulsuhan ko at naglakad palayo. Patakbo akong naglakad para makaalis sa kinalulugaran ni Aiden. Habang naglalakad ay madiin kong pinunasan ang labi ko. Wala na akong pake kahit na mamula o magdugo ito. Gusto ko lang alisin ang marka niya sa labi ko.

Nang matungo ako sa tabi ng daan ay sakto naman ang pagdating ng taxi. Pinara ko ito at agarang sumakay. Nang magsimula na itong umandar, sumilip ako sa bintana. Duon ko naman nakita si Aiden na nakatindig sa tabi ng poste ng ilaw. Magulo ang ayos ng kaniyang damit at wala sa istilo ang buhok. Napaupo nalamang siya nang dahil sa kalasingan.

Iwinaglit ko nalang ang isip ko at hindi na muli pang nag-isip. Hanggang sa makarating ako ng bahay.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang maleta. Nakita ko rin si mommy na pababa ng hagdan at gahol na gahol. Nang makababa ay hinarap niya ako. Alalang-alala ang mukha niya at pansin ko rin ang pangingilid ng luha sa kaniyang mata.

"M-mum s-saan po kayo pupunta?"

"A-ang daddy mo anak."

" What happened to dad, mom?"

"K-kailangan ko siyang puntahan sa France."

"B-bakit mum?" Ang naguguluhan kong tanong. Bago pa sumagot si mommy ay tumulo na ang luha sa kaniyang mata at humagulhol.

Anong nangyari kay dad? Bakit kailangang umalis ni mommy?

(Itutuloy....)

Continue Reading

You'll Also Like

16.7M 721K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
1.9M 49.4K 45
Fake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fak...
53M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...