The Antagonist

By KCaela_

130K 4K 289

Is it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14: Part 1
Chapter 14: Part 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17: Part 1
Chapter 17: Part 2
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Author's Note
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26: Part 1
Chapter 26: Part 2
Chapter 27
SURVEY
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31: Part 1
Chapter 31: Part 2
Chapter 32: Part 1
Chapter 32: Part 2
Chapter 32: Part 3
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
A N N O U N C E M E N T
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
So, is this how the end looks like?
It's your turn
A Sweet Ending After All

Chapter 34

1.1K 36 0
By KCaela_

JANA

Sobrang aga ko nagising para makapag-ready na bisitahin si Ada. Nagsearch ako ng recipes at nagluto ng healthy foods for fast recovery. Ready na nga ako umalis e. Kaso ngayon sobrang badtrip ko na. Pano ba naman, hindi ako pinayagan ni Papa na umalis ng bahay. Hays.

Honestly, nagi-guilty ako sa mga nangyari. Dahil sa akin, nabaril si Ada at nasa hospital pa ngayon. Dahil sa akin, at risk yung buhay ng mga tao na malapit sa akin because of the gunman na hanggang ngayon e hindi pa nahahanap. Dahil sa akin, postponed yung kasal ni kuya Josh at ate LJ. Pero kasi, wala naman akong ginawan ng masama para may magtangka sa buhay ko.

"Gusto ko talaga bisitahin si Ada. Pumayag ka na kasi, Papa. Kapag nagising siya, gusto ko nandoon ako sa tabi niya para makapag Thank you at Sorry ng personal." Pagmamakaawa ko kay Papa.

"Sherry, wag ka na ngang pasaway. Para rin naman 'to sa safety mo. Isa pa, hayaan mo munang magpagaling si Ada. Tsaka mo na siya kulitin kapag magaling na siya." Pagpapaliwanag ni Papa sa akin.

"Kung ayaw mo ako payagan bumisita sa kaniya, ituloy niyo na lang pala yung kasal ni Kuya. Hindi na lang ako a-attend para hindi kayo malagay sa panganib during the ceremony."

Ayoko kasing ako ang dahilan kung bakit matatagalan pa ang kasal ni Kuya.

"Bunso, hindi pwedeng wala ka sa kasal ko. Isa pa, ayos lang naman sa amin ni ate LJ mo na hindi pa kami ikasal sa ngayon. Hindi pa tapos yung pinapatayo kong bahay namin. Wedding gift ko yon sa kaniya, pwede ba kaming ikasal na hindi buo yung gift ko sa kaniya? Isa pa, si ate mo na rin nagsabi na 'wag muna sa ngayon dahil focused siya sa pagkuha ng doctorate degree niya." Mahabang litanya ni Kuya.

Napa-buntong hininga na lang ako.

"Ang importante ngayon, kailangan natin malaman kung sino yung gustong bumaril sayo." Sabi naman ni Mama.

Hindi naman tumitigil yung investigation hanggat 'di nahahanap yung salarin. Sana nga mahuli na siya para hindi na malagay sa panganib yung buhay ko at buhay ng mga tao sa paligid ko.

Ada, gumising ka na sana kahit wala ako sa tabi mo.

~*~

After one week...

Hindi pa rin nahuhuli yung salarin. Nahihirapan sila mag investigate since wala naman talaga akong kagalit o naka-away.

Si Papa at Tito Adrian yung hands-on sa investigation. Kahit ang dami na nilang connection, nahihirapan pa rin hulihin yung criminal na 'yon. Sabi pa nung na-hire na Private Investigator, baka raw yung suspect e yung hindi namin aakalain kaya sobrang hirap i-trace.

Laging pumupunta sa hospital si Mama for the past days para ihatid yung mga pagkain na niluluto ko for Ada. Pero pag-uwi niya, dala niya pa rin yung pagkain tapos walang bawas. Sign lang yun na hindi pa nagigising si Ada.

"Hindi ka ba napapagod paglutuan si Ada? Araw-araw, iba yung putahe na hinahanda mo, pero kahit isa wala pa siyang natitikman. Ilang araw na siyang hindi pa gumigising. Sabi ng doctor nung isang araw , kapag raw within 48 hours hindi pa siya gumising, may mga tests na gagawin sa kaniya. Ngayong araw malalaman kung gagawin ba yung mga tests na 'yon. Ipag-pray mo pa maigi na sana gumising na siya." Mahabang sabi ni Mama.

"Ito po pala yung meal niya ngayon, Ma. Pwede bang ako magpunta ng hospital ngayon? Or pwede kaya sumama ako sa inyo? Gusto ko na makita si Ada. Baka pag nagpunta ako, magising na siya." Pagsusumamo ko kay Mama.

"Anak, hindi pa pwede e. Kahit mag escort pa satin ang kapulisan, hindi pa rin tayo nakakasigurado. At least pag nandito ka sa loob ng bahay, higit pa sa 100% yung security mo." Malungkot na sabi ni Mama.

Inayos namin yung lalagyan ng pagkain para makapunta na siya ng hospital.

"Mag pray ka ng mag pray para magising na siya. Aalis na muna ako, wag kang lalabas ng bahay ha? Magiging okay rin ang lahat." Malungkot na ngiti ang binigay ni Mama bago siya umalis.

~*~

SHERLIE DELACRUZ

Masakit para sa isang ina ang makitang malungkot ang kaniyang anak.

Pintura na lang ang kulang sa pinagawang bahay ni Leion para sa kanila ni LJ. Pero hindi pa sila pwedeng magpakasal hanggat 'di pa nahuhuli ang nagtatangka sa buhay ni Sherry. Alam kong gustong-gusto ng magpakasal nung dalawa pero salamat Kay Lord dahil parehas nilang naiintindihan ang sitwasyon.

Si Sherry naman, alam kong gustong gusto niya na dalawin si Ada. Pero pinagbawalan namin siya para sa kaligtasan ng lahat. Sana nga ay magising na si Ada para mabawasan ang kalungkutan ng bunso ko.

Tuwing pinupuntahan ko si Ada sa hospital, ang naaabutan kong bantay niya ay ang pinsan niya, ang asawa nito, at ang kuya niya. Hindi ko pa naabutan ang mommy niya ang nagbabantay sa kanya.

"Ninang, kayo po pala ulit. Siguradong masarap nanaman 'yang dala niyo. Sana nga matikman na ni Ada yung mga luto ni Jana para sa kaniya." Bati ni Adrien sa akin.

Ngumiti lang ako bilang sagot at sabay na kaming pumasok sa private room kung saan ililipat si Ada kapag nagising na siya.

"Adrien, kumusta pala ang ate Ady ninyo?" Pangangamusta ko sa panganay nilang kapatid.

Ang pamilya nila at pamilya namin ay matagal ng magkakilala. Si Adrian at ang asawa kong si Jon ay magkababata. Kami naman ni Geneva ay naging magkaklase sa isang subject noong college kami sa California. Sanggang dikit talaga iyong si kumpareng Adrian at ang hubby ko kaya naman lahat ng anak nila ni Geneva ay inaanak namin sa binyag, habang ang panganay na anak naman namin ang inaanak nila. Nasa San Diego sila nung panahon na binyagan si Sherry kaya hindi nila ito inanak sa binyag.

"Okay naman po. Kasagsagan ng pag aasikaso niya sa birthday ni Charlotte kaya lang mukhang hindi po matutuloy kasi hindi pa gising si Ada." Magalang nitong sagot.

"E ang mommy niyo? Kumusta siya?" Tanong ko ulit.

Tanging ngiti lang ang nakuha kong sagot mula sa binata.

"Dumalaw na ba siya dito?" Muli kong tanong.

Sasagot na sana siya ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang mga nurse at doktor na may tulak-tulak na hospital bed ng mulat na si Ada.

"Ada's awake!" Masayang balita ng pinsan nila at ng asawa nito.

Thank God.

Continue Reading

You'll Also Like

39.5K 1.1K 62
COMPLETED STORY Star Amirez, a 23 years old girl who's life was very simple. She came from a wealthy family but her family despise her. Zeke Velasque...
139K 3.1K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
203K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
157K 6.8K 53
To say that fate has a strange way of bringing two different lone souls together is an understatement. Ang paraan niya ay nakakapagtaka, napapatanong...