Before Rosa

By hyperever

42.2K 3K 1.3K

Best friends Raffy and Sia had a drunken intercourse. This resulted to an unplanned gift of new life -- Rosa... More

Rosa
Before Rosa
[BR 1]
[BR 2]
[BR 3]
[BR 4]
[BR 6]
[BR 7]
[BR 8]
[BR 9]
[BR 10]
[BR 11]
[BR 12]
[BR 13]
[BR 14]
[BR 15]
[BR 16]
[BR 17]
[BR 18]
[BR 19]
[BR 20]
[BR 21]
[BR 22]
[BR 23]
[BR 24]
[BR 25]
[BR 26]
[BR 26.5] - an extra scene
[BR 27]
not an update. it's just me rambling.
[BR 28]
[BR 29]
[BR 30]
[BR 31]
[BR 32]
[BR 33]
[BR 34]
[BR 35]
[BR 36]
[BR 37]
[BR 38]
[BR 39]
[BR 40]
Epilogue
[BR 29.5] - some extra scenes

[BR 5]

1K 58 36
By hyperever

S I A
Before Rosa 5

○○○

Hindi ako iyakin na tao. Pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang magpakita ng kung anong kahinaan sa mga nakapalibot saakin. Bata palang kasi alam ko nang walang patutunguhan ang pagngawa. Imbes na umiyak, ang mas magandang gawin ay mag-isip ng paraan para maging better ang sitwasyon.

I was trained that way, since I had no choice but to go forward. Ate ako eh.

Pero sa oras na isara ni Raffy ang pinto ng kaniyang kuwarto ay gumuho na ang makapal na dingding sa palibot ko. Lumapit ako sa pintuan at nilock ito. Kinuha ko rin 'yung unan na tinapon ko. Then I walked back to the bed and laid in there, hugging the pillow close to my chest.

Hindi ko maisip kung paano at ano ang pwede kong gawin para maging "better" ang sitwasyon ko ngayon. I thought that if Monic leaves me, I'd finally be free and that I'd be happy. But the 2 years of being together is not nothing. I think I gave myself more credit than I deserved.

Also, I'm pregnant. Kumusta naman kaya 'yun? I used it as a reason to push Monic away but now, what? Ano nang sunod?

Hopeless and helpless, I let myself cry.

But I swore that it would be the last time. Bukas, dapat may solusyon na.

○●○

Early morning the next day, I woke up with a headache. Naramdaman kong umakyat ang kinain ko kagabi palabas ng lalamunan ko. I got up quickly and ran downstairs. Dimiretso ako sa nag-iisang CR ng apartment.

"Mamshie, okay ka lang?" inaantok na tanong ni Raffy mula sa pintuan ng banyo. Mukhang nagising ko s'ya.

"Morning sickness," I murmured before hurling another round of half-digested food and liquid.

Lumapit siya't hinagod ang likod ko. Inayos niya rin ang mga hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko.

"Hmm," I hummed later, tapping his hand. "O-okay na ako. Patulong nalang."

I raised my arms and he helped me stand. Nagmumog muna ako sa sink bago lumabas. Nakaabang siya saakin sa may pinto. "You need anything?"

Nanghihina kong itinaas ang aking kamay, sinasabing "sandali". Pumunta ako sa sala at sumalampak sa sofa habang nakasunod siya saakin. I looked around. Nakita kong nandoon pa ang unan at kumot na ginamit niya sa pagtulog.

"Pahinga ka na muna. I'll make you breakfast," ani Raffy.

Nanghihina akong tumango. Inalalayan niya ako pahiga at saka niya ako kinumutan. He also wiped a few beads of sweat on my forehead. Hindi ko namalayang pinagpawisan na pala ako ng malamig.

"Wake me up before 6," bulong ko kay Raffy. Kailangan ko pa kasing pumasok sa trabaho.

I don't know if he agreed, though. Ang huli kong naalala ay ang kaniyang paghum sa tabi ko habang sinusuklay ang aking buhok. Hindi nagtagal ay nakatulog na ako sa pangalawang pagkakataon.

Paggising kong muli ay tanghali na. Ramdam ko na ang init na dumidikit sa'king katawan. Napamura ako sabay bangon. Bakit hindi ako ginising ni Raffy? Sabi nang may klase ako ngayon. Hanggang kahapon lang ang paalam ko.

Hinanap ko ang cellphone ko. Natigilan lang ako nang maalalang nasa kuwarto nga pala ito. Kaya ibinaling ko nalang ang aking atensyon sa ibang bagay.

Naamoy ko mula sa sala ang niluluto ni Raffy. Amoy pinipritong isda.

Pinuntahan ko siya sa kusina. Nakita ko siya sa may lutuan suot ang isang black na muscle shirt. Hindi ko makita ang pambaba niya dahil natatakpan ito ng counter. Mukhang nakaligo na siya kasi iba ito sa suot niya kagabi. Sa pagkakaalala ko'y naka white t-shirt siya at blue shorts nun.

"Wala kang appointment ngayon?" tanong ko sakaniya nang makalapit. Para akong asawang nakapamewang.

-- sandali, ano?

Gusto kong masuka sa thought na 'yun. Bleh. Asawa? Saan galing 'yun?

Umiling ako't nagfocus ulit sakanya. Dapat wala s'ya rito ngayon. He should be at work too.

Sumulyap siya saakin sandali, tapos ibinalik ang kaniyang tingin sa pinipritong isda. "Kinancel ko lahat ng sched ko for today."

Kinusot ko ang aking mga mata. "Bakit mo ginawa 'yun?"

Tiningnan niya ako na nakataas ang isang kilay. "Malamang. Alangan namang iwan kita ritong mag-isa."

"Hindi mo naman ako kailangang samahan dito," mahinahong sagot ko sakanya. 'Yung boses ko, parang pinapaintindi sakaniya na okay lang ako.

"Wag ako, mami. Kung nakita mo lang hitsura mo kanina."

Tiningnan ko siya habang naglalakad papunta sa lababo. Umiiling-iling siya habang nakapamewang sa may lutuan. Hindi siya nakatingin saakin. Sa kawali siya nakatingin. Ngayon, napansin ko nang naka-pula pala siyang shorts.

Umayos ako ng tayo at pinunasan ang mga tumutulong butil ng tubig sa mukha ko. "Tsaka, diba't sinabi kong gisingin mo ako? May pasok ako ngayon."

Ngumuso siya habang inaalis sa kawali ang isdang luto na. Pinalitan niya ito ng bago. Napapikit ako nang may tumalsik na mantika at umabot sa kinatatayuan ko.

"Sorry," bulong ni Raffy.

Umalis ako sa may lababo at pumunta sa likod-bahay. Kumuha ako ng twalya mula sa sampayan. Pagbalik ko, tinanong ko ulit si Raffy. "Bakit nga hindi mo ako ginising?"

"Eh ang himbing ng tulog mo, teh. Paano kita gigisingin?"

"Porket ang himbing ng tulog ko..."

"Hay nako, gurl." May sinabi pa siya pero sobrang hina, hindi ko narinig dahil medyo maingay ang piniprito niya.

"Ano?"

"Sabi ko maligo ka na at may pupuntahan tayo pakakain."

Kinunotan ko siya. Pinatong ko muna 'yung twalya sa backrest ng isang dining chair bago magtanong. "Saan?"

"Sa apartment mo," simple niyang sagot.

Ngumuso ako sabay tango. Ihahatid niya na siguro ako. Muli kong kinuha ang twalya at isinampay ito sa balikat ko. "Okay."

Akmang tatalikod ako para mag-ayos nang magsalita siyang muli. "Kukunin na natin ang mga gamit mo."

Napatingin ako sakaniya. Mukhang tapos na siya sa pagluluto dahil pinatay na niya ang stove.

"Ano?" tanong ko.

Tumingin siya saakin. "Sabi ko kukunin natin ang mga gamit mo sa apartment. Ano bang nagyayari sa'yo at nabibingi ka na teh?"

Inirapan ko siya. "Bakit naman natin kukunin ang mga gamit ko? Saan naman ako pupunta?"

"Dito," seryoso niyang sabi.

"Joke ka ba?"

"Hindi ako joke. Bakla ako teh," aniya sabay kuha ng plato ng prinito at inilagay ito sa hapag kainan.

"Mukha ka kasing joke," sagot ko.

Tiningnan niya ako na may blankong tingin. Parang sinasabi niyang hindi siya nakikipagbiruan sa pamamagitan ng tingin. "Ah, mukha akong joke?" naka-cross arms niyang sabi.

Pero hindi niya ako madadala sa ganyan. Akala niya matatakot ako sakaniya. Isa lang ang kinatatakutan ko, at hindi s'ya 'yun. Huwag s'yang feeling.

"Mukha kang hakdog," insulto ko sabay talikod. "Hindi ako titira rito. Bahala ka sa buhay mo."

"So saan ka titira? Sa apartment mo? Mag-isa?" Tumawa siya na parang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko. "Ni hindi mo nga kayang magluto para sa sarili mo. Dumito ka nalang, teh. Bakit ba ang tigas ng ulo?"

Hindi ko alam pero nainis ako sa tawa niya. Biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at gusto ko siyang sapakin. Gusto ko siyang insultohin hanggang sa sabihin niyang tama ako. Ewan ko talaga. Hindi naman ako ganito dati.

Pabalang ko siyang sinagot. "Hindi matigas ang ulo ko. Hakdog mo matigas."

Nang hindi sumagot si Raffy, akala ko'y nanalo na ako. Napangiti ako para mag-celebrate. Pero nang tingnan ko siya'y naguluhan ako sa ekspresyon ng mukha niya. Parang sinusubukan niyang manatiling galit kahit na natatawa na siya.

Doon ko lang narealize ang sinabi ko.

'Yung dugo sa ulo ko, lumipat sa mukha ko. Nag-init ito kaya agad kong tinakpan. "Bwisit!" sigaw ko bago umakyat sa hagdan.

Tumatawa pa akong tinawag ni Raffy pero hindi ko siya pinakinggan. Nagkulong ako sa kaisa-isang kuwarto ng bahay para magtago sa'king kahihiyan.

○●○

"See, you need to eat," tawag ni Raffy mula sa labas ng pinto.

Ilang oras na ba akong nagkukulong dito? Ten minutes? Thirty? One hour? I'm not sure. Basta, ang alam ko, wala na akong mukhang ihaharap sakaniya.

"Sia, I'm serious. Isa pa, tatawagin na kita sa buo mong pangalan," pagbabanta niya.

Tiningnan ko ang cellphone kong nasa side table malapit sa bintana. Something hit me when I saw the lockscreen. Hindi ko pa pala ito napapalitan. Kami pa ni Monic ang nakalagay rito.

Napatingin ako sa pinto. Natahimik si Raffy. Mukhang sumuko na ito at hindi na itinuloy ang pagtawag sa buo kong pangalan. He knew better than to call me by my parents' name. Alam niyang katakot-takot na palo ang makukuha niya saakin.

Huminga ako ng malalim at saka binalik ang tingin sa cellphone. Kinuha ko ito at inunlock. Pinalitan ko ang lockscreen ng selfie namin nina Raffy at Kevin. It was taken a few weeks ago, bago umalis si Kevin papuntang LA.

It took me back to college, noong kaming tatlo palang ang magkakasamang gumala. Masaya naman nang dumating sina Dino at Monic sa buhay namin, pero naging madalang na kasi ang paglabas na kaming tatlo lang. Hindi ko man aminin sa dalawa pero my fourth year college with them was the best. It gave me escape from my own hell.

A pang of guilt hit me.

Hindi pa nga pala namin nakakausap si Kevin simula nang araw na... araw na 'yun.

Napatingin ako sa'king tiyan. Nanginig ang kamay ko nang maalala ang solusyong aking nabuo. Kung nagkataon, hindi na kailangang malaman ni Kevin ang nangyari. Hindi ko nga lang alam kung kaya ko--

Nabigla ako sa pagbukas ng pinto. Iniluwa nito si Raffy na matalas ang tingin saakin. Sa isa niyang kamay, iyong nakahawak sa doorknob, ay may kumpol ng mga susi. Mukhang ginamit niya ang spare key ng kuwarto para buksan ito.

"Kailangan mong kumain, ghOrl," aniya na may emphasis sa huling salita.

Itong kaibigan kong 'to. Umayos naman ang pananalita niya mula nang magkatrabaho siya as counselor at psychometrician. Mas naging formal at professional siya. Pero may naiwan paring kabaklaan. Nasa dugo na ata niya 'yun.

"Alam ko," sabi ko sabay tayo. "Kumakalam na rin ang sikmura ko."

Nilampasan ko siya at nauna na 'kong bumaba. Naramdaman ko ang kaniyang pagsunod.

"Okay, galit ka ba kasi pinagbantaan kong sabihin ang pangalan mo? Sorry na. Alam ko namang ayaw mong binabanggit--"

Humarap ako sakaniya, ilang baitang mula sa ground floor, at tiningnan siya ng masama.

"Iba nanaman ang mood mo," bulong ni Raffy. Pero walang inis sa kaniyang tono. Para ngang namamangha pa s'ya. Feeling ko isa akong lab rat na inoobserbahan niya sa isang maze. Once na niyang ipinakita ang video nito, at hindi ko gustong tingnan niya sa ganoong paraan.

"Gutom na ako," sabi ko nalang saka nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. Tumuloy ako sa kusina at naghugas ng kamay.

Sumunod siya't tumabi saakin, nakikihugas rin. Tinitingnan niya ako na nakangiti. Sinabuyan ko nga ngQW tubig pagkatapos kong maghugas.

"Bastos!" sigaw niya.

Pero hindi ko siya pinansin. Tumuloy ako sa kainan at umupo doon. Nakahain na pala siya. Hinintay ko muna siyang maupo bago nagsimulang magdasal at kumain. Tahimik kami nang ilang minuto.

Tiningnan ko ang niluto niya. Tilapia ang pinrito niya kanina at nilagyan niya ito ng tomato sauce. Masarap at hindi ko kayang lutuin 'to kaya hindi ako nagreklamo.

"So, sa sinabi ko kanina," cautious na simula ni Raffy sa kalagitnaan ng pagkain. "'Yung mga gamit mo sa apartment--"

"Hindi ako lilipat rito," sabi ko with finality. Hindi ko alam kung anong hindi niya magets jan. Mukhang hindi lang yung... yung ano niya ang matigas. Pati yata ulo niya.

"Pero kailangan mo. I want you to be here to look after you and..." Napatigin siya sa bandang tiyan ko.

Sinundan ko ang kaniyang tingin. Namanhid ang katawan ko sa narealize.

Oh, no. Napailing ako.

"I am as responsible as you, See," aniya. "Huwag mo akong lalayasan, ghorl."

"Raffy, I-- you..." Napapikit ako. I put down my spoon and fork and laid my palms flat on the table. Pinigilan ko ang panginginig nito. "Raf, you can't."

"I can't what?" naguguluhan niyang tanong.

Ibinaba ko ang aking mga kamay. Agad nitong nahanap ang dulo ng aking damit. Pinilit kong iangat ang aking tingin para tingnan siya. "Raf, I don't want--" my voice broke. "I can't raise a kid."

"What do you mean you can't-- you--" Para siyang binawian ng pag-asa. Parang sinabi ko sakaniyang end of the world na. "You don't say..."

Tumango ako. Gusto kong bawin kasi naawa ako hitsura niya. Pero kasi... I made my decision. I can't raise a kid. I can't--

"What the hell, Sia? Mapapaabort ka ba?"

Lumunok ako ng laway. Hindi naman ito ganoon kasama sa isip ko kagabi. Ngayong sinabi ni Raffy ng malakas, pakiramdam ko'y napakasama ko nang tao.

Pero nanindigan ako.

"Oo," sagot ko. "Anong gagawin mo?"

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

169K 5.8K 33
Si Miss Minchin na sawi sa lovelife, iniwan ng mapapangasawa, walang trabaho, walang pera, palamunin ng nanay at pinagkakalulon ng kaibigan kahit kan...
27.4K 719 40
Si shiella katarina ay isang simpleng dalaga na nawalan ng mga mahal sa buhay , nag hahari ang problema at kahirapan sa kaniyang mundo. Ngunit darati...
130K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
197K 6.7K 46
HE WAS A GAY Written by: ImVictorique Book Cover: Mushy23 Gay Series#3 She's a lesbian while he's gay. What will happen if 'LOVE' was on their way...