BHO CAMP #8: The Cadence

By MsButterfly

1.4M 45.5K 4.9K

All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet... More

Synopsis
Chapter 1: Beat
Chapter 2: Hand
Chapter 3: Crepuscular
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Objective
Chapter 6: Time
Chapter 7: Sleep
Chapter 8: Song
Chapter 9: Orange
Chapter 10: Compromise
Chapter 11: Gravity
Chapter 12: Home
Chapter 13: Hawk
Chapter 14: Chance
Chapter 15: Promise
Chapter 16: Damage
Chapter 17: Shine
Chapter 18: Charm
Chapter 19: Cuff
Chapter 20: Breathe
Chapter 21: Princess
Chapter 22: Free
Chapter 23: Fairytale
Chapter 24: Always
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Road
Chapter 27: Pretend
Chapter 28: Beautiful Disaster
Chapter 29: Cadence
Chapter 30: Epilogue
Chapter 31: Start
Chapter 32: Catfight
Chapter 33: Mind Games
Chapter 34: Distance
Chapter 35: Orbit
Chapter 36: Tradition
Chapter 37: Rock star
Chapter 39: Music
Chapter 40: Always
Epilogue
Author's Note

Chapter 38: Team Night

26.1K 1K 253
By MsButterfly

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamNight #BHOCAMP

HERA'S POV

Nararamdaman ko ang mga matang nakatutok sa akin pero hindi ko sila magawang pagtuunan ng pansin. Patuloy lang ako sa pagpapalakad-lakad na para bang makakatulong iyon para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko.

"Do we have enough baby formula? Wipes? Cottons? Diapers?" Napatigil ako nang may maisip. "Omg. I totally forgot the baby dishwasher soap."

"Got it!"

Mula sa kusina ay sumilip si Thunder na itinaas ang tinutukoy ko na bagay na para bang tropeyo iyon. Hindi lang naman ako ang hindi mapakali. Kanina pa rin siya siya takbo nang takbo at inuullit i-check ang mga pinamili namin last week pa.

"Laundry detergent for babies?"

Matulin na tinungo ni Thunder ang kinaroroonan no'n at inangat din iyon, "Check!"

"Is the sterilizer working?"

Ibinalik ng binata ang mga kinuha niya at pagkatapos ay pumunta ulit siya sa isang panig ng kusina kung saan tanaw ko siya, "Check!"

"Nappy cream?"

Lumabas siya ng kusina at tumakbo paakyat sa second floor ng kinaroroonan namin na villa. It's one of the family villas that BHO CAMP give to the agents that are married or having a baby. Malayo ang mga villa na ito sa pinapagamit sa mga guest para na rin hindi makaistorbo ang mga iyon sa magpapamilya. Though some agents have houses outside of BHO CAMP katulad nila Athena. Iyon nga lang kalaunan ay nagiging vacation house na lang iyon. Lahat naman kasi kami gustong manatili sa BHO CAMP. There's no place like home than here.

Hindi ko na nga matandaan kung kailan huling nag stay si Athena sa bahay nila. After the endless search for the perfect home in the end sa BHO CAMP pa rin talaga. Iba kasi talaga ang lumaki sa lugar na ito. We're all surrounded by family. Kaya bakit pa namin kailangan umalis lalo na at nandito ang trabaho namin? Unless of course we retire and finally move out. Still...this place will be forever our home.

"Check!" sigaw ni Thunder mula sa itaas.

"That squish-squish thingy?"

"What?!"

"That squish-squish for the nose!" Rinig ko ang paghahalughog ni Thunder sa taas. Ilang sandali na nananatili siya roon pero hindi pa rin niya kinukumpirma kung naroon nga iyon. "Babe!"

"I don't know what a squish-squish is." he said when he peek downstairs to look at me. "You need to be more specific than that."

"It's a saline solution."

Nilingon ko si Athena na siyang nagsalita. Prenteng nakaupo siya sa sofa at naka dekwatro pa. Sa isang panig niya ay naroon ang inaanak ko na si Ainsley na kaparehas na kaparehas ang pusisyon sa nanay niya. Sa kandungan nila ay prenteng natutulog si Luna at Solis. Si Luna ay na kay Athena habang si Sol ay hawak ni Ainsley. The twin babies on the other hand are with Fiere and Aiden na naririnig kong nasa labas ng bahay.

"Saline solution, check!" pagbibigay alam ni Thunder sa amin na humahangos ng bumaba. Nakangiting huminto sa harapan ko ang binata at itinaas ang kamay niya. "All done, princess."

I slap my hand on his for a high-five. "Go team!"

"Who are we?!?" sigaw niya.

Ngiting-ngiti na sumigaw ako pabalik, "Team Night!"

Alam kong parehas kami ng nararamdaman. Ilang linggo na namin na iniintay 'to. After countless of seminars, health assessments, and the processing that we thought will take longer, we finally get to take them home. We skip a lot of steps thanks to BHO CAMP's connections. Isa na roon ang tungkol sa adoption decree na kailangan namin para magawa na naming makakuha ng birth certificates.

We know the importance of the process. Kaya nga may batas kasi para matiyak na mapupunta sa magandang bahay ang mga batang nasa ampunan. We didn't wave some of the process just because we can. We managed to do it because we have proof that we are capable.

Akala nga namin pagkatapos na ng kasal namin sila makukuha at handa naman kami na tanggapin iyon. Fortunately they allowed us to finally bring home the babies. Hindi naman kasi mahirap patunayan ang kakayahan namin na buhayin ang mga bata. Even leaving the agent part out, Thunder alone has enough money to raise the babies what more kung isasama ang mga trust funds ko na galing sa Scott at Jordan's. I think even the income from Royalty would be enough. Lalo na ngayon na may dinidevelop na naman na bagong album ang banda. Kung nagkataon naman na wala si Thunder sa buhay ko at ako lang ang kukuha sa triplets ay magagawa ko pa rin iyon. May single parenting adoption na rin naman. Basta mapatunayan na may kakayahan ang magulang.

"One day."

Napalingon kami ni Thunder sa kinaroroonan nila Ainsley na siyang nagsalita. Nakatingin siya sa ina niyang naniningkit ang mga mata na nakatingin sa amin na para bang may malalim siya na iniisip. "Less than twenty-four hours."

"Deal." sabi ni Ainsley at nakipag-kamay pa sa ina niya.

Pinaikot ko ang mga mata ko nang marealize ko kung anong ginagawa nila. Pinagpustahan pa kami. "Nadikit lang ang pagkatao niyo sa mga Roqas naging sugalera na rin kayong dalawa."

"Paninirang puri 'yan." sabat ni Fiere na sumilip mula sa labas ng bintana bago muling hinarap si Aiden. Kasalukuyan nilang karga at hinehele ang kambal na si Midori at Jinro.

Tumanggi pa eh totoo naman. Kilala kasi sa BHO CAMP ang nanay ni Fiere na si Autumn Roqas na number one sa pustahan. Hindi pa nga ata natatalo iyon sa lahat ng pusta niya. Maliit man o malaki.

"Ano bang pusta niyo?" tanong ko kay Athena.

"Kung gaano katagal niyo kakayanin bantayan ang triplets ng walang umiiyak sa isa sa inyo."

Humalukipkip ako, "Have some faith in us, Athena. Sa dami ng pinagdaanan namin ni Thunder ngayon pa ba kami susuko?" Nilingon ko ang lalaki na tumatango-tango. "Who are we?"

"Team Night!" he shouted, full of conviction.

"Hindi naman talaga kayo susuko. Sino ba namang magulang ang sumuko sa anak?" Athena looked down at her daughter who just smiled back. Noon kasi ay isa sa pinakamahirap na desisyon na kinailangan gawin ni Athena ay ang iwan ang anak sa ama nitong si Aiden. "Past is past, anak."

"Of course, Mama. Ang mga dyosa na katulad natin, busilak ang kalooban. Hindi dapat nagtatanim ng galit."

Nag high-five din ang dalawa dahilan para mapailing ako. Ngayong nagdadalaga na si Ainsley lalo siyang nakakatulad ng nanay niya. Hindi lang sa itsura nila na parehas na parehas kundi maging sa ugali. Ang lakas talaga ng dugo ni Tita Thea. Akalain mong tatlong henerasyon kopya na kopya?

"As I was saying, hindi niyo talaga makukuhang sumuko. Specially while looking at their cutie faces. But trust me on this, hindi lang ang mga baby niyo ang luluha kundi kayo rin." sabi ni Athena.

"Wala namang nakuwento si Mama na naiyak siya sa pag-aalaga sa akin noong baby ako ah?"

"Bakit kambal ba kayo ni Hermes? Iyong isa nga lang parang sasabog na ang ulo ng magulang iyon pa kayang marami?"

She has a point. What if all the babies cry at the same time? Vomit at the same time? And....what if they all poop together?

Nanglalaki ang mga mata na nilingon ko si Thunder pero hinawakan niya lang ako sa magkabilang-balikat at marahan niya akong inalog-alog. "We got this, babe! Team Night!"

"Team Night!"

Parehas kaming naestatwa sa kinantatayuan nang makarinig kami nang tunog mula sa sasakyan na tila huminto sa tapat ng villa. Bukod sa excitement na nararamdaman ay tila binabalot din ng takot ang kabuuan ko. What if we don't have enough? What if we're missing something? Or what if they don't think we're fit to be parents?

Maybe we should have found a house outside BHO CAMP. We have four bedrooms in this villa with their own bathrooms, a study, game center and entertainment area, a huge living room, a kitchen, a dining room, and a swimming pool. But what if they still think that it's weird that we are living in a place that supposed to be for tourists?

I don't know what will happen if we can't adopt them. They're triplets. It's not easy to find parents that are willing to adopt three children at the same time. I don't want them to grow up in an orphanage just because I failed to give them the right home.

"We're going to be fine." Thunder murmured to me. Naramdaman ko ang braso niyang pumalibot sa balikat ko at pagkatapos ay hinila niya ako palapit sa kaniya.

I let the comfort of his embrace envelop me. We will be fine. Thunder will make sure of that and so am I.

We're young, yes. Siguro marami pa kaming kailangan matutunan. Pero sa dami ng pinagdaanan namin...isang bagay ang hindi namin magagawang kalimutan. It's the fact that there's nothing in this life worth fighting for that will ever be easy to reach. Lahat pinaghihirapan. Lahat inilalaban. There's always a struggle. Life is not lived through a smooth path. There will always be challenging rough roads, crossroads of decisions, and necessary stop overs.

"Surprise!"

Napakurap ako nang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang pinakaunang head ng BHO division. Ang lolo ni Thunder na si Poseidon Davids.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Baka sakali kasing mabura sa paningin ko ang nakikita ko na suot niya. Namataan ko pa si Athena at Ainsley na kasalukuyang nakanganga na nakatingin sa lalaki.

"Papi what the hell are you wearing?" gulat na tanong ni Thunder.

Poseidon Davids rolled his eyes, "It's a Superman costume. A sexy one."

"Maghunus-dili ka Enrique Marshall." sabi ng asawa niya na si Breeyhana Davids na nakasimpleng blouse at pants lang. "And put some pants on bago pa sumakit 'yang tuhod mo."

"Hindi nagsusuot ng pantalon si Superman!"

He's wearing a Superman costume alright. But I don't think it's supposed to be worn without a pants or tights. Mukhang ginupit niya ang pang-ibaba no'n at ginawa lang t-shirt ang kulay asul na parte ng costume habang nakaboxers siya na pula. Thank God it's boxers rather than Superman's red brief.

"Of course not. It's supposed to be a body tight suit but you cut the damn pants!"

"Ang hirap isuot sa baba kaya ang sakit sa likod yumuko!" sigaw pabalik ng lalaki.

"Sinisigawan mo ko?!"

"Hindi!" Natigilan ang lalaki nang makita ang pagliliyab ng mga mata ng asawa. "Hindi kita sinisigawan aking irog, sinta, my palangga, ang nag-iisang bebe ko-"

Tinakpan ng ginang ang bibig ng asawa at hinarap kami, "You better brace."

Bumukha ang mga labi ni Thunder para magsalita pero bago niya magawa iyon ay sunod-sunod na pumasok na ang iba pang Original Elites na sinundan ng Second Generation Elite agents.

Don't get me wrong. The villa is huge. Sa kabila niyon ay biglang lumiit ang lugar dahil sa dami ng tao ngayon na narito.

"Mama may party po ba?" narinig kong tanong ni Ainsley sa nanay niyang nakanganga pa rin na nakatingin sa mga panauhin namin. Imbis nga lang na sa unang head ng BHO siya nakatingin ay napako na ngayon ang mga mata niya sa sarili niyang mga magulang na nakasuot ng Mr. and Mrs. Incredible costumes.

Okay. Let me list all of them down.

Poseidon Davids is wearing a Superman Costume. Sa tabi niya ay nakatayo si Mishiella Night na may suot na pink na dress na may itim na belt. May ribbon din siya sa ulo niya na kulay pula. Katulad ng suot niya ang kay Katerina Roqas na ang tanging pagkakaiba lang ay ang kulay no'n na asul. PJ Roqas is wearing a green shirt and to my confusion he also has a shoulder length wig.

"We are the Powerpuff Girls!" Mishiella Night exclaimed when she saw me looking at her. "I'm Blossom!"

Katerina Roqas made her own signature pose. "I'm Bubbles!"

"And I'm no one." PJ Roqas sourly said. Mukhang gusto niyang ilagay sa sako ang dalawang babaeng na mukhang mga dahilan kung bakit nadamay siya sa team-up ng mga ito.

"She's Buttercup." His wife said with a wink.

Hindi na ako nakapagkomento sa sinabi ng ginang dahil naagaw na ng iba ang atensyon ko. They can't blame me because there's a lot to look at.

On the opposite side of the room Dale Night is wearing a Sheriff Woody costume, Ethan Greene and his wife Maries are wearing Poppeye and Olive costume, Thunder's father Rain is wearing a Mario cap habang sa tabi niya ay naroon ang ama ni Dawn na si Warren Davids na suot naman ang cap ni Luigi. Reese Dean Reynolds on the other hand is wearing a yellow Wario cap.

Ang ina naman ni Thunder ay may suot na kulay pula na dress at mataas na pulang sumblero. Katulad ng damit niya ang suot ni Tita Hurricane at Tita Sophie. Kulay asul at berde nga lang ang sa mga ito. If I'm right their wearing the dresses of Aurora's fairy god mothers in Sleeping Beauty. Sa tabi nila ay ngingiti-ngiti lang si Tita Summer na suot naman ang simpleng bestida ni Aurora.

Paige and Aries Wright are wearing a Mickey and Minnie Mouse costume. Quin Davis is in a green dress while her husband is wearing a frog costume. Princess Tiana and the Frog Prince probably. Si Tito Andreige naman at ang asawa niya na si Tita Cassandra ay parehong nakabestida.

"Princess." sabi ni Tita Cassandra na tinuro ang sarili niya. Pagkaraan ay inginuso niya ang asawa niyang abala sa pag ikot-ikot na akala mo ay ballerina sa music box. "The Pauper."

Alanganin ang ngiti na napakamot ako sa pisngi ko at dumako ang tingin ko kay Tito Marveige na nakasalampak sa sahig habang may suot na buntot. Little Mermaid. Ang asawa niya naman na si Tita Kate ay suot ang costume ni Ursula. Tita Eika on the other hand is wearing a simple chef's outfit. Iyon nga lang sa tabi niya ay naroon si Tito Yale na naka-costume na daga. Ratatouille.

"Papa, hindi ka kaya pulmonyahin niyan?" tanong ko sa ama ko nang makarating ang atensyon ko sa kanila. Wala kasi siyang pang itaas at sa baba naman ay loin cloth lang ni Tarzan ang suot niya.

"Sisihin mo ang nanay mo." sabi niya at binigyan ng masamang tingin si Mama. My mother on the hand, wearing a yellow dress that I think Jane wore in the movie, looks like as if she's enjoying the view.

"Bakit? Ang cute naman ah."

Naningkit ang mga mata ni Papa, "Cute?"

"Hot. Super hot." Inilagay ni Mama ang kamay sa gilid ng bibig at malakas na bumulong. "Saka ayaw mo no'n? Mabilisin alisin."

"Yuck, Ma!" angal ko.

Katulad sa ilang mga pagkakataon na nasa mood ang mga magulang ko sa kaharutan nila ay hindi nila pinansin ang mga angal ko. Before I decide to throw up, three person jump in front of me.

One of the twins, Tito Wynd, is wearing a blue cape and an orange hat, si Tito Ice naman ay may suot na pulang kapa at pulang sumblero, sa gitna ay si Tita Autumn na may suot na berdeng kapa at aviator pilot hat.

"Sa telepono, may tumatawag!" pasigaw na pagkanta ni Tito Wynd.

"Ang telepono, sagutin natin!" kanta ng kakambal niya na si Tito Ice.

Hindi naman papatalo si Tita Autumn, "Sa telepono may tumatawag!"

"May humihingi ng tulong kung saan!" sabay-sabay nilang kanta.

Naagkatinginan kami ni Thunder. I have no idea what the trio is singing. Base on the bewilderment on Thunder's face, it looks like he has no clue on what's happening too.

"Linny, Tuck, at si Ming-ming, ang Wonder Pets tutulong sa iyo! Anong kailangan? Magtulungan! Anong kailangan? Magtulungan! Hindi malalaki at hindi malalakas pero pag nagtulungan lahat nalulutas!" Nag akbayan pa sila at nag sway-sway bago nag pose na tatalunin ang Powerpuff girls kanina. "Go Wonder Pets!"

"I think I'm having an aneurysm." I whispered to Thunder.

Natatawang ipinaikot ni Thunder ang mga braso sa bewang ko at pagkatapos ay dinampian ako ng halik sa noo. "Don't die on me. We have three babies to feed."

Despite the nervousness and the ruckus around us I can't help the blush that colored my cheeks. Pakiramdam ko kapag kasama ko si Thunder bumabalik ako sa panahon na dalagita pa lang ako at itinatago ang nararamdaman ko para sa kaniya. Simpleng yakap o halik nagagawa niyang guluhin ang sistema ko.

"Aww, they look so cute together!"

"Sabi ko naman kasi sayo Wynter. Ikaw lang ang RisThun diyan dati eh."

Nalukot ang noo ko sa sinabi ng ina ko. "Ano 'yon, Ma?"

Inginuso ni Mama ang nanay ni Thunder, "Noong mga bata pa kayo bet ng Tita Wynter mo si Eris at Thunder. Sila kasi lagi ang magkaaway." Inilagay ni Mama ang hintuturo sa baba na para bang nag-iisip. "Come to think of it. Halos lahat ng aso't pusa noon, with the exemption of Snow and Phoenix, nagkatuluyan na ngayon. Maliban sa inyo."

Napataas ang kilay na tinignan ko si Thunder na biglang naging alanganin ang ngiti. "Si Eris pala."

"Si Mama 'yon hindi ako."

"Sus." sabi ni Tita Wynter. "Crush mo si Eris noong chikiting ka pa lang eh."

Tumango-tango ako at akmang aalis ako sa pagkakayakap ng binata pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. "Bata pa ko noon, Ma. Iba na ngayon."

"Of course." singit ni Mama. "Si Hera naman si Blaze ang sinisinta no'n, tignan mo ikaw na lang ang apple of the eyes ngayon."

Sa pagkakataon na ito ay si Thunder naman ang napatingin sa akin, "Si Blaze pala."

"Past is past." panggagaya ko sa sinabi ni Athena kanina.

"May ginawa ka rin bang love team name ni Hera at Blaze noon, Fierce?"

"Wala. Pero si Hera meron. BlaRa. As in Bley-ra. Nagpagawa pa nga siya ng t-shirt na may tatak no'n dati eh."

Gusto kong iumpog ang noo ko sa pinakamalapit na pader. Kung hindi pa nga mababanggit ang bagay na iyon ay hindi ko na iyon maaalala. I was just a little girl with a crush. Blaze might look like a prince charming ready to sweep me off my feet but I will always choose the knight that will pull me up on his white horse so we can gallop away.

"Wow. Voluntary pa." sabi ni Thunder.

"Past is past."

Naghihimutok pa rin na pinaningkitan ako ng mga mata ng lalaki, "Kayo na ang may love team name."

"Meron din naman tayo."

"Weh?"

Mabilis na nag-isip ako ng maitatawag sa amin. Hindi naman kasi nag krus iyon sa utak ko. One second I was hell bent on stopping my feelings for him and in the next I was hopelessly in love with him. "HeDer."

"At saan nakatatak ang sa atin kung may pa-shirt ka pa kay Blaze?"

"Sa puso ko."

Napuno ng kantiyawan ang paligid sa pangunguna ng unang boss ng BHO na si Poseidon Davids. Kumendeng-kendeng pa siya pero kaagad siyang nahinto ng batuhin siya ng throw pillow ng kapatid na si Mishiella. Daig pa kasi ang gigolo dahil sa lahat ng nandito ay siya lang ang hindi pang G rated ang pananamit.

"Where's the other agents, Mama?" tanong ko. At para maiba na rin ang usapan.

"Nasa headquarters. Makikisali sana sa pakulo ng mga 'to pero napigilan ni Dawn dahil marami pang trabaho na kailangan ayusin. Tinakot silang papakawalan si Twinkle sa HQ."

Nangaligkig ako sa isipin. I can't imagine that snake running lose again. Nangyari na iyon minsan at muntik ng mag alsa balutan lahat ng agents. Sino ba namang matutuwa na may nakakawalang malaking ahas na nagpapagala-gala sa HQ?

"They're here!" pagbibigay alam ni Fiere na sumilip ulit sa bintana.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa narinig. I heard Thunder chuckle under his breath and then he pulled me closer. "Look around us baby. What do you see?"

"I can see a lot." I said, beginning to panic. "Thunder-"

"They will see a family. A loud, funny, crazy, yet lovable family."

He's right. Despite the crazy costumes and their antics, they'll be blind not to see what we have. Hell, even a blind man can see that this is a great family.

"Maka-crazy naman ang anak mo, Wynter. Pagsabihan mo 'yan. Nakakasakit ng feelings." malakas na bulong ni Poseidon Davids.

"Oo nga." segunda ni Mishiella Night. "Kami lang 'to Thunder. Pamilya mo. Nanggaling ang genes mo sa amin. You belong with us."

Thunder's shoulder shook with contained laughter but I can see his eyes dancing by the hilarity around us.

Then suddenly the light atmosphere changed. Dahil sa labas ay tanaw namin kung paanong nagsulputan ang iba pang mga agent. The third generation agents are all gathered outside, standing in a straight line holding a huge banner to welcome the triplets, Vulcan Draco Thomas, Haze Beatrice, and Ashfall Grace.

And they're all wearing black shirts with a printed purple letters. Team Night.

We can do this. Team Night is resilient.

It wasn't just because of Thunder, the father of our children. Not just because of me their mother that will soon carry the surname. Iyon din ang pangalan ng mga taong wala rito ngayon pero alam ko na kung nasaan man sila ay magiging masaya para sa bagong adisyon sa pamilya nila...namin.

Team Night is resilient. It can withstand anything because it's powered by the great people that carried the name. People that won't be here at this moment but I have no doubt that they will be smiling somewhere in heaven. Kael Night, Chester Night...

Draco Night.

He wished for one thing. He wished for us to name our baby to him. Haze and Ash will carry their biological mother's name, Vulcan will carry his father and Draco's name...but all of them...all of them will have the surname, Night.

"Team Night?" Thunder whispered right at my ear.

"Team Night."

_______________________End of Chapter 38.

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 114K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...
5.6M 107K 33
Lucas Darryl King; he's loud, he's an easy go lucky person and he's a rock star. Me? I'm Freezale Night. I'm an agent, I kick butts and they say that...
101K 5.4K 45
COMPLETED ✔️ ⭐️ A RomancePH official "Kilig All Year 'Round" read. ⭐️ Valentine's Day 2021 Special ❤ At the age of 27, no boyfriend since birth B o...
4.6M 95.7K 33
I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Triton Lawrence, ang nag-iisang tao na may...