The Unseen (School Trilogy #1)

Av themissingcutie

1.1K 228 6

Rank #2 on Mystery/Thriller in Standards Awards 2020 School Trilogy #1: Layne and Magnus Isang malaking oport... Mer

MUST READ
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
A/N
School Series #2

Chapter 18

20 6 0
Av themissingcutie

CHAPTER 18

"Are you sure kids?" Hindi mapigilang mag-alala ni Tito Gil sa 'min.

"Dad, Tito Heri's with us." Lumapit siya kay Magnus at niyakap ito.

"Please take care, call me agad, ha?" Tumango kami sa kaniya saka niya ako nilapitan at niyakap. "Botong-boto ako sa 'yo, Layne. Please take care too." Hindi ko mapigilang mapangiti. Iba ang pakiramdam sa 'kin ng sinabi niya.

"Thank you for trusting us, tito." Humiwalay siya pagkakayakap saka nilapitan si Carlsen na nakatingin lang ng seryoso sa 'kin.

"See you," paalam niya kaya kinawayan namin siya. Nang makaalis sila, sabay-sabay kaming umupo sa sofa at seryosong pinag-usapan ang plano.

"Did you heard the news?" Pinilit kong tumingin kay Silas na kakagaling lang sa iyak. Simula nang mawala si Rhett, hindi na namin siya makausap ng maayos.

"There were 9 students died at arson ang report." Nakapikit akong tumango kay Magnus. Dalawang araw na at kanina lang namin nabalitaan ang nangyari sa mga kaklase namin.

"We have to move now, what's the plan?" Matapos itanong ni Rage 'yon ay nag-usap-usap na kami. Nang matapos kami ay nagdesisyon kaming mag-stay sa dorm namin ni Maisie. Mas magagawa namin ang plano namin kung nasa maliit na espasyo lang kami.

Mabilis kaming nag-empake ng mga gamit namin at nagpaalam sa mga guard. Ayaw pa nila kaming payagan nung una dahil hindi 'yon ang pinag-usapan namin at sinabi kay tito, pero wala silang nagawa nang takutin sila ni Magnus na sesesantihin.

"Wala ba tayong plan B? Paano kung palpak ang plan A?" Tanong ni Maisie na nasa tabi ko lang. Nasa kaliwa ko si Silas at tahimik lang, nasa passenger seat si Rage at si Magnus na ang nagdrive.

"Just shout! Maliit ang dorm kaya mabilis naming malalaman kung may nangyayari na ba." Huminga ako ng malalim. Masyadong delikado ang gagawin namin. Pero alang-alang sa katapusan ng lahat nang 'to, gagawin namin.

Nang makarating kami sa dorm ay bumungad sa amin ang magulong sala, akala mo ay may tumambay dahil sa nagkalat na lata ng alak. Kunot-noo kong tiningnan ang dalawa.

"What? Magkakasama tayo." Ibinalik ko ang tingin sa mga kalat. Pinulot ko ang isang lata at fresh pa ang laman. Nilibot ko ang tingin sa buong lugar at dumako ang tingin ko sa kwarto ko nang may kumalabog doon.

Inilagay ko ang hintuturo sa labi ko para patahimikin sila, naging alerto naman sila kaya dahan-dahang naglakad si Magnus at Rage palapit doon. Pinihit ni Magnus ang door knob saka binuksan ang pinto.

Mabilis silang pumasok kaya sumunod kami.

"No one is here," pagkumpirma nila. Inikot ko ang paningin sa buong kwarto at umalingasaw ang amoy panlalaking pabango. Tiningnan ko ang nakasarang bintana at lumapit doon para buksan.

"Lock the window, Layne." Tiningnan ko sila na palabas na kaya mabilis kong nilock ang bintana at sumunod sa kanila sa sala. Chineck din nila ang isa pang kwarto pati ang cr sa kusina.

Mabilis naming pinulot ang mga kalat saka kami magkakaharap na umupo sa sofa.

"Call the front desk kung may kumuha ba ng spare key para sa room niyo." Kinuha ni Maisie ang cellphone niya at ganun nga ang ginawa. Nang matapos siya ay inilingan niya lang kami.

"Nakalock ba ang mga bintana?" Tinanguan ko si Magnus. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Malinis naming iniwan ang dorm kaya siguradong may nakapasok.

Huminga ako ng malalim at nilibot muli ang tingin sa buong silid. Nang sumapit ang alas singko ng hapon, naghanda na kami sa kung anuman ang mangyayari. Lumipas ang gabi pero walang killer na sumipot.

Nung sumunod na araw ay naging mas maingat kami. Paniguradong laylo muna siya dahil kay Tito Heri na hindi tinantanan ang kaso ng mga kaklase namin.

"Ayos lang ba kayo diyan? Bakit hindi niyo sinabi sa 'kin?" Rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Tito Gil.

"Yes, dad. Don't worry, just please, 'wag ka nang magpapadala ng guard sa paligid." Isa pang dahilan ay dahil nagpadala si tito ng mga guwardiya na panonoorin ang bawat galaw namin kaya sa tingin namin ay wala talagang susulpot na killer.

Nang ibaba ni Magnus ang tawag ay naging tahimik na kami. Alas siyete na ng gabi at kakatapos lang naming magdinner.

"This is getting weirder everyday, bakit wala pang killer na nagpapakita?" Nakita ko na naman ang pananayo ng balahibo ni Maisie. Huling nangyari 'yan ay may nangyari kaya sigurado ako na kung hindi ngayong gabi, bukas.

"Let's wait." Tumayo si Rage para kumuha ng alak.

"Stop it, Rage. Pupunta si Tito Heri dito," pigil ni Maisie dito.

"Wala pa naman, isang can lang." Wala na siyang nagawa nang agawin ni Maisie ang alak at ibalik sa freezer. Pabalik na sila sa upuan nang may kumatok.

"Baka si Tito Heri na 'yan." Casual na tumayo si Magnus para pagbuksan si tito pero isang malakas na sipa ang natanggap niya kaya mabilis akong tumakbo para alalayan siya.

Pumasok ang lalaking matagal ko nang gustong makita at makausap, walang emosyon ang mukha at mataman akong tinititigan.

"K-Kuya." Mabilis niyang nilock ang pinto at naglabas ng patalim. Inalalayan ko si Magnus na makaupo sa sofa. Bakas sa mukha ng mga kasama ko ang kaba at takot.

"Gumaling pa pala kayo." Pinigilan kong maiyak sa tono ng pananalita niya, walang emosyon at nakakatakot.

"K-Kuya, bakit mo ba ginagawa 'to?" Garagal at may pagmamakaawa ang boses ko. Hindi niya ako pinansin at kumuha lang siya ng alak sa ref saka siya sumandal sa pader at tinitigan kami isa-isa.

Napailing siya bago ako tiningnan ng masama.

"Bakit ka umiiyak?" Barumbadong tanong niya kaya pinigilan ko ang sarili kong mapahikbi.

"K-Kuya--"

"Tigilan mo ako sa kaartehan mo, Layne." Sunod-sunod na ang pagtulo ng mga luha ko.

"'Wag mo na silang sasaktan, kuya, ako na lang please." Tumango siya nang hindi nakatingin sa'kin.

"Ganun naman talaga ang plano ko." Naglakad siya palapit sa akin saka hinila ang buhok ko.

"Please, bitiwan mo siya!" Hindi pinansin ni kuya si Magnus saka ako hinarap sa kanila.

"Titigan niyo na! Ilang minuto na lang hindi niyo na makikita 'to." Mas lalong bumigat ang dibdib ko sa pagtukoy niya sa 'kin. Parang hindi na siya ang Kuya Mattias na kilala ko.

"Bakit mo ba ginagawa 'to?" Umiiyak na tanong ko kaya narinig ko ang singhal niya.

"Hindi pa ba malinaw sa 'yo? Pabigat ka! Kaya kinausap ko si Ax para ilayo ka sa magulang ko, dahil magulang ko 'yun! Hindi sa 'yo!" Tuluyan na akong humagulgol.

"Hindi ako naniniwala sa 'yo! Mahal mo ako at hindi ako naniniwala sa sinasabi mo." Mas hinigpitan niya ang pagkakasabunot sa 'kin kaya napadaing ako. Nakatingin lang sa akin ang apat at bakas ang pag-aalala sa mukha. Wala silang magawa dahil nakatutok sa akin ang kutsilyo.

"Sinong pumipilit na maniwala ka? Nauto nga kita ng ilang taon kaya hanggang ngayon tanga ka pa din!"

"Stop, kuya, please. Masyado kang masakit magsalita."

"Wala pa sa kalingkingan ng galit ko sa 'yo 'yan!"

"Kuya naman.. please, itigil mo na 'to. Kailangan ka ni mama at papa kaya please, itigil mo na 'to at puntahan mo na lang sila." Humalakhak siya ng pagkalakas-lakas dahil sa sinabi ko.

"Tangina! Hindi mo ba nahalata? Ang galing pala ng ginawa kong script para mapaniwala ka ni mama." Hindi ako nakapagsalita, pinilit kong makaalpas sa pagkakahawak niya pero hindi ko magawa.

"A-Anong ginawa mo?" Lumukob na sa 'kin ang takot at kaba.

"Ano pa nga bang ginawa ko? E'di pinatay ko ang magulang ko! Bobo ka ba? Kaya nga hindi mo na sila matawagan!" Lumakas ang hagulgol ko sa sinabi niya. Ilang ulit akong umiling at mas pinilit pang makaalis sa pagkakahawak niya.

"H-Hindi totoo ang sinasabi mo!"

"Tulad nga ng sinabi ko kanina, wala akong pake kung maniniwala ka o hindi, tutal, susunod ka naman na sa mga 'yon!"

"Stop it, Kuya Mattias." Dumako ang tingin niya kay Rage na masama ang tingin sa kaniya.

"Oh, nandiyan ka pala, ikamusta mo na lang ako kay Fred, ha? Tangina niya, nalaman lang na nagkanda matay ang mga kaklase niyo, hindi na nagpakita ang hayop."

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon na busy siya sa pakikipag-usap saka ko malakas na inapakan ang paa niya, pero bigo akong mabitawan niya kaya malakas niya akong hinampas sa pader.

"LAYNE!"

"FUCK, LAYNE!" Dahan-dahang humina ang mga sigaw nila sa pandinig ko, hindi ko na alam ang nangyari matapos kong marinig ang mga daing nila dahil nandilim na ang paningin ko.

Nagising ako sa masangsang na amoy. Naramdaman kong nakaupo ako at nakagapos ang dalawang kamay ko sa likod. Naramdaman ko ang sakit ng ulo ko dahil sa pagkakahampas sa pader pero pinilit kong palinawin ang mata ko at inilibot ang tingin sa paligid.

Tuluyan akong bumalik sa ulirat nang makita ko ang mga nakagapos na kasama ko. Maging si kuya ay duguan at nakagapos rin, sa tabi niya ay si Kuya Ax at Kuya Fred na kapwa walang malay.

"Rise and shine!" Nanigas ako sa kinauupuan ko nang may bumulong mula sa likod. Naging mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa gulat at takot.

"Boo!" Napaurong ako ng bahagya nang bumungad sa akin ang mukha ng babaeng kilalang-kilala ko.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Halos pabulong na tanong ko kaya nginisihan niya ako.

"This is my private property, I can go here anytime I want." Wala na ang mahinhin niyang boses at parang ibang tao na siya sa paningin ko.

Hindi ako nagsalita at pinanood ko lang siya na tapunan ng tubig ang mga kasama ko para magising. Tiningnan ko si kuya na gulat na nakatingin kay Professor Stella.

"S-Stella." Halos takasan siya ng ulirat sa tono ng pananalita niya. Ganun din ang naging eksperesyon ni Kuya Fred pero si Kuya Ax, seryoso lang na nakatitig sa kaniya.

"Long time no see." Bakas ang sarkastiko sa tono niya.

"Ikaw ba ang pumatay kay Rhett?!" Sigaw ni Silas kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya. Nagkulay dugo na ang puti niyang damit dahil sa malaking hiwa sa bandang leeg niya.

Nakangising lumapit si Professor Stella at madiin na hinawakan ang baba niya kaya malakas ang naging daing niya dahil bahagyang nabuka ang sugat niya.

"Ako nga, at anong magagawa mo?" Walang pagsisisi sa boses niya kaya naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Bakit siya pa?

"Hayop ka!" Humahagulgol na sigaw ni Maisie. "Pinaniwala mo kami na naga-alala ka sa 'min, balat sibuyas ka!" Kinagat ko ang ibabang labi ko nang malakas na hampas ng bakal sa ulo ang natanggap niya.

"Huwag, please, tama na!" Pagmamakaawa ko. Pilit na kumakawala sa pagkakagapos si Rage at Magnus pero hindi sila nagtatagumpay. Sinubukan ko rin sa akin pero masyadong mahigpit.

"'Wag mo nang piliting makatakas." Mula sa likod ko ay nagsalita ang isang lalaki. Umawang ang bibig ko nang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Professor Boheme at Professor Finn. Muntik na akong masuka nang dumako ang tingin ko sa hila-hilang katawan ni Professor Finn.

"Anong ginawa niyo kay nanay!" Galit na sigaw ko. Halos naaagnas na ang katawan ni Professor Liv at wala nang buhay. Humalakhak silang tatlo.

Napuno ng halakhak, hagulgol at pagmumura ang maalingasaw na silid.

Fortsett å les

You'll Also Like

2.1K 254 30
//Completed// Every day Jovan struggles to find a reason to live. Until he got tired of finding one. He just wanted to end it all and let it vanish i...
Project LOKI ② Av akosiibarra

Mysterium / Thriller

6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
Project LOKI ③ Av akosiibarra

Mysterium / Thriller

24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
15.5K 581 13
COMPLETED| The Time Krishna Cameron saw something unusual is the time she will be pulled by her aunt into something that is really queer for her. A s...