Love And Affection

De mariamrebellion

624 29 4

Empress Tiffany Dela Montegro | She almost has everything. Money, beauty, and brain, yet her mother would alw... Mai multe

Start
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 6

63 3 1
De mariamrebellion

#LoveAndAffectionChapter6

Love and Affection

CHAPTER 6


After ng thesis defense namin last week, this week naman ay finals na namin. Three days lang and each day ay may at least three to four subjects. Ang gandang isipin na pagkatapos nito ay wala na kaming ibang pro-problemahin kundi ang mga practice na lang for graduation. Speaking of thesis, nasubmit ko na rin kay Ma'am Diaz ang hardbound copy namin kanina. And this coming Thursday ay start na ng signing of clearance. One month na lang ang natitira at graduation na namin.

About kay Bradley nga pala, nakalabas na siya ng hospital last Tuesday. Sayang nga kasi hindi ako nakapunta, may pinapagawa kasi si Ma'am Arais sa'kin. Pero okay lang naman din kasi naintindihan naman niya. Bradley's like the most understanding person I've ever met. And sobrang lucky ko na nagkakilala kami at naging bestfriend ko pa.


"Psst.. Empress Tiffany.."

Mag-isa akong naglalakad sa hallway patungong classroom namin nang may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako sa pinagmulan ng boses at nakita ang isa sa mga kaklase ko. Naglakad siya palapit sa akin at sinabayan ako.

"Yes? May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya.

Nahihiyang ngumiti siya sa akin sabay sabi ng, "Ano.. baka magkatabi na naman tayo mamaya kagaya noong pre-finals.."

Tinaasan ko siya ng kilay at hinintay na dugtungan niya ang kanyang sinabi.

"Pakopya naman sana.." Mahinang dugtong niya. "Di ako nakapag-aral kagabi eh."

"Bakit hindi ka nakapag-aral? Tinatamad ka?"

Agad siyang umiling at iniwagayway ang dalawang kamay. "Hindi sa gano'n. A-ano may—"

Mahina akong tumawa, "Okay lang naman sa akin, basta ba hindi ka mahuli ni Sir na tumitingin palagi sa papel ko."

"Salamat, Empress." Pagpapasalamat niya sa akin na sinuklian ko ng isang tango bago nagpatuloy sa paglalakad.


Three hours na ang nakalipas at nasa panghuling tanong na ako sa subject na Calculus. Ito na rin ang panghuling exam para sa araw na 'to. Hindi ko mapigilang mapailing at mapakunot noo habang tinitignan ang solution ko. May mali pero hindi ko alam kung nasaang part. Nagkamali ba ako sa pagcompute? Sakto naman ang formula na ginamit ko ah?

"2 minutes left."

Shit.

Dali dali kong sinagutang muli ang last question. Sumulyap ako sa suot na relo at nakitang thirty seconds na lang ang natitira. Rinig ko ang pagkatataranta ng ilan sa mga kaklase ko.

"Time's up. Pass your paper to the front now. Ten, nine, eight—"

Nakahinga ako ng maluwag, binilugan ko ang letter D sa test paper.

"Just in time." Mahinang bulong ko sa sarili. Lumingon ako sa likod ko nang maramdaman ang pagtapik ng kaklase ko. Binigay niya sa akin ang mga papel na hawak. Tinanggap ko ito, kinuha ko rin ang sa'kin at isinama sa pagpasa ng mga test papers sa harap.

I groaned while massaging my shoulders. Finally tapos na ang day one ng finals. Mabuti at minor subjects na lang ang natitira para bukas hanggang Wednesday. Bumalik ako sa upuan ko. Niligpit ko ang gamit at binalik sa bag. Pagkatapos ay kinuha ko ang bag at isinukbit bago lumabas.

Naglakad ako palabas ng campus at naghintay ng taxi. Wala kaming pasok mamayang hapon since half-day lang kami hanggang sa matapos ang finals. Ilang minuto akong naghintay ng masasakyang taxi. Mukhang matatagalan ako dahil masyadong maraming estudyante rito na naghihintay na makasakay din.

Tatawagan ko sana si Mang Danny nang may humintong taxi sa harapan ko. Nakangiting binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Gutom na gutom na ako. Nakagugutom kayang mag-answer.

Nang huminto ang taxi sa tapat ng mall ay agad akong nagbayad at lumabas. Pagpasok sa loob ng mall ay may nakita akong iilan sa mga schoolmates at classmates ko. Mukhang dito rin sila magpapalipas ng oras. Sumakay ako ng escalator pababa at naglakad papuntang Greenwich. Hindi gaanong maraming tao kaya agad din akong naka order at nakahanap ng mauupuan.

Pagkatapos kumain ay pumunta muna ako sa comfort room. Inayos ko konti ang suot na uniform, ang buhok ko naman ay itinali ko. Lumabas ako ng cr, hindi ko napansin na may taong papalapit kaya ang nangyari ay nagkabungguan kaming dalawa.

Muntik na akong matumba kung hindi niya ako agad nahawakan. Ang kanang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa braso ko habang ang kaliwa naman ay nakahawak sa aking bewang. Inalalayan niya akong makatayo ng maayos. Lumuhod siya para kunin ang bag ko na hindi ko namalayang nabitawan ko pala. Tumayo siya at doon ko nakita ang kanyang mukha. Agad kumunot ang noo ko.

"I think sa susunod nating pagkikita ay dapat hindi na 'to mauulit." Mahinang sambit ko pero sakto lang para marinig niya. Inabot niya sa akin ang nahulog na bag, tinanggap ko ito.

Nathan chuckled, "So may next time pa?"

Inirapan ko siya. "Ang ibig kong sabihin—"

Ngumisi siya sa akin, "Gets ko. Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag." Aniya't napakamot sa batok.

Walang nagsalita sa amin ng ilang segundo. Nakatitig siya sa aking mukha. Umiwas ako ng tingin. 'Di ko kayang makipagtitigan sa mga mata niya. Those grey captivating eyes na sa tuwing titignan ko ay para akong hinihila.

Ba't pa siya nakatayo sa harap ko? Hindi ba siya papasok sa men's cr? At ako, ano pang ginagawa ko rito? Hindi ko alam kung aalis ba ako at iwan siya rito o hihintayin. 

Ngumiwi ako. Ba't ko naman siya hihintayin? I mentally rolled my eyes. Humakbang ko upang umalis at lalagpasan sana siya nang hawakan niya ako sa braso.

"Where are you going?" Takang tanong niya sa akin, hawak niya pa rin ako.

"Sa taas." Sagot ko. Wala namang mawawala kung sagutin ko ang tanong niya.

Binitawan niya ako at tumango. "Tara."

"Huh? Anong 'tara' ang pinagsasabi mo diyan? Invited ka ba?"

Binigyan niya ako ng isang napakagandang ngiti, 'yong tipong parang manlalambot ang mga tuhod mo. "Hindi, pero hindi kita hahayaang mag-isa."

"I can take care of myself." Sagot ko.

Tumango siya sa akin na para bang sang-ayon siya sa sinabi ko. "I know..."

Naglakad siya papalayo kaya hinabol ko siya, "T-teka.. hindi ka ba mag-ccr?"

Nilingon niya ako, "Hindi naman talaga ako mag-ccr."

Kumunot ang noo ko. "Eh anong ginagawa mo doon? Halata naman na do'n ang punta mo."

Huminto siya saglit, tumingin siya sa akin ng seryoso. "Hindi ko rin alam. Bigla lang akong dinala ng mga paa ko do'n." Sagot niya sabay kibit balikat bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Ano nga palang gagawin mo sa taas?" Tanong ni Nathan sa akin nang makasakay kami sa elevator.

Sinagot ko siya, "Manunuod ng sine. Sasamahan mo ako?"

Tumango naman siya.

"Wala kang pasok? Gagawin? Wala ka bang ibang gagawin o pupuntahan dito?" Tanong ko sa kanya sabay tingin sa suot na relo. Malapit nang mag-aala una.

Umiling siya sa akin, "Wala kaming pasok ngayong hapon. May biglaang meeting ang mga teachers namin. Ngayon lang ako hindi busy kaya plano ko na ring bilhan si Mama ng regalo."

"Birthday ng Mama mo?"

Umiling siya. "Hindi, pero gusto ko lang siyang bilhan ng regalo." Nakangiting sagot niya. Tumawa siya ng mahina at napailing-iling na mukhang may naalala siyang nakatutuwang pangyayari.

Gaano kaya sila kaclose ng Mama niya?

"Sobrang mahal mo ang Mama mo noh?" Tanong ko kahit halatang-halata sa boses niya na mahal niya ang kanyang ina at panigurdong mahal din siya ng Mama niya.

"Sobra pa sa sobra." Sagot niya sa akin habang ako ay hindi na umimik pa.


Nang makarating kami sa 6th floor ng mall ay agad kaming pumunta sa dulo kung saan matatagpuan ang sinehan. Tumingala ako sa screen na nasa taas. Pinapakita nito kung ano ang mga showing na movies at ang time schedule nito.

Tumabi rin si Nathan sa akin at tumingala rin. Nakapamulsa siyang nakatayo sa tabi ko. Lumingon ako sa paligid at 'di sadyang napansin ang limang babae sa gilid na humahagikhik habang nakatingin sa pwesto namin ni Nathan. Nagtulakan pa sila at parang nahihiya na kinikilig.

Lumingon ako sa likod namin ni Nathan para tingnan kung sino o ano ang dahilan ng mga kilos nila ngunit wala akong nakitang iba kundi kami lang. Nasulyap tuloy ako sa katabi ko. Kagaya noong unang pagkikita namin, hanggang balikat pa rin ang itim niyang buhok na medyo may pagka-kulot. Suot niya ay isang plain na color black hoodie, ripped denim jeans, at putting sneakers. Casual outfit pa lang 'yan pero pinagtitinginan na siya. Ang lakas talaga ng dating ni Nathan kahit walang ginagawa. Nakakahiya naman. Tumingin ako sa suot.

Puting short sleeve blouse with our school's logo, red plaid skirt na 3-inches above the knee, necktie na same ng design sa skirt, knee-length black socks, and a pair of 2-inches black shoes.

I sighed. Ba't ako naconscious bigla?

"Nakapili ka na ng panunuorin?"

Napahinto ako sa malalim na pag-iisip nang magsalita si Nathan. Tumingala ulit ako sa screen. Hindi ko feel ang mga palabas ngayon kaya umiling ako sa kanya.

"Wala kang nagustuhan?" Tanong niya, hinarap niya ako sabay pinasadahan ng kanang kamay ang kanyang buhok.

Tango lang ang tanging nasagot ko sa kanya. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at yumuko. Bigla tuloy akong naguluhan.

"Umm.. okay ka lang?"

Mula sa pagkakayuko ay inangat niya ang kanyang ulo, binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Natigilan ako at napatitig sa kanya. Damn, nandiyan na naman ang mga dimples niya. Help. Ang sarap talagang pindutin. Ba't ang ganda ng mga ngiti niya?

"Empress?"

Bumalik ako sa realidad nang maramdaman ang marahang pagyugyog ni Nathan sa'kin.

"H-ha? M-may sinabi ka?" Nauutal kong tanong, ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Shit, ba't ba natitigilan ako sa tuwing ngingitian niya ako?

Napakamot siya ng ulo, "Arcade tayo?" Pang-aaya niya sa'kin.

Wala sa sarili akong sumagot ng 'oo'. At tumango.


Nakarating kami sa WOF (World of Fun). Tinanguan ni Nathan ang guard na nagbabantay sa may pintuan nang papasok na kami sa loob. Ako naman ay binigyan si Kuya Guard ng maliit na ngiti.

Naglakad kaming dalawa palapit sa cashier. Nakita kong binunot ni Nathan ang wallet niya mula sa bulsa kaya agad ko siyang pinigilan. Nagtataka niya akong nilingon at tinanong ng 'bakit'.

"Ako na." Kinuha ko ang wallet mula sa bag at kumuha ng isang libo. Kinindatan at nginitian ko siya bago binigay ang pera sa cashier. "One thousand worth of coins po, Ate."

Tumango si Ate Cashier sa akin. Ibinalik ko ang wallet sa bag bago humarap kay Nathan na nakatulalang nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay pero tulala pa rin.

"Hoy.." Tawag ko sa kanya. Mahina ko siyang tinulak.

"D-did you just wink at me?" Nanlaki ang mga mata niya. Damn, ang cute. Kinindatan lang, gulat na. Nagkibit balikat lang ako at ngumiti.

"Ma'am heto na po ang coins niyo." Mula kay Nathan ay napabaling ako kay Ate Cashier. Kinuha ko ang coins at nagpasalamat.

"Bayad na?" Tanong ni Nathan.

"Yes. Tara na." Masayang sambit ko.

"Hindi ko namalayan?" Naguguluhang tanong niya sa akin. Nagpalipat-lipat ang mga mata niya sa hawak kong mga coins at sa mukha ko.

Tumawa ako, "Oo nga. Masyado ka kasing natulala."

Huminga siya ng malalim, "Ang ganda mo kasi..."

Sa pangalawang pagkakataon ay naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko. Natigilan ako sa sinabi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at may kung ano akong naramdaman sa tiyan.

"P-pinagsasabi mo d-diyan?" Nauutal kong sabi sabay iwas ng tingin. Tinalikuran at naglakad ako palayo sa kanya. Narinig kong tumawa siya. Gago, anong tinatawa-tawa niya?

Napairap ako sa kawalan.


"YES! OMG! ANG GALING MO!" Masayang sigaw ko habang tumatalon nang makitang nalampasan ni Nathan ang highest score. May lumabas na mga ticket mula sa machine. Hinintay namin ito at nang matapos ay agad ko itong kinuha. Tumingin ako sa paligid. Magtatatlong oras na pala kami dito sa WOF at dumadami na rin ang mga tao.

Nilingon ko si Nathan at napansin na mukhang kanina pa niya ako pinagmamasdan. Ngumiti ako sa kanya.

"Let's go. Ipapa-exchange na natin 'tong ticket." Sabay turo sa mga ticket na yakap niya at sa mga ticket na hawak ko. 'Di ko mapigilang matuwa. Masyadong ginalingan ni Nathan kaya marami kaming tickets na nakuha.

Tumango siya sa akin at sabay kaming naglakad patungong cashier. Matapos bilangin ang mga ticket namin ni Nathan ay pinapili kami ng prize. Nilingon ako ni Nathan.

"Anong gusto mo?" Tanong niya sa akin bago ibinalik ang tingin sa mga prizes sa harap.

Napaisip ako saglit habang pinagmasdan ang mga prizes na pwedeng pagpilian. Napatigil ako ng may nakakuha ng atensyon ko. Isang stuffed toy. Bluish gray ang kulay nito. Ang cute niya kasi isa itong wolf. Nakangiti kong pinagmasdan ang stuffed toy na agad ding napawi nang may napansin ako sa magkabilang pisngi niya.

Dimples.

"Gusto mo 'yan?" Natauhan ako nang may nagsalita malapit sa tenga ko. Dahil sa pagkagulat ay napalingon ako...

na dapat pala ay hindi ko ginawa.

Sabay nanlaki ang mga mata namin ni Nathan. Lumayo ako sa kanya at umiwas ng tingin. Tumikhim siya at umayos ng tayo. Hindi rin makatingin sa'kin. Walang umimik sa aming dalawa.

Nilakasan ko ang loob magsalita nang hindi lumilingon sa kanya. "A-ano.. pwedeng iyan na lang? At k-kung kulang pa.. a-ano, dagdagan na lang natin ng mga candy or 'yong mga n-nova at p-piattos.."

"S-sige.." Sagot niya. Lumapit siya sa may cashier at sinabi niya ang mga sinabi ko sa kanya kanina. Napabuga ako ng hangin at lumabas para doon siya hintayin. Bigla kong naalala ang nangyari kanina.

Aksidenteng nahalikan ko siya. Muntik na 'yon. Konting galaw at baka sa labi ko siya nahalikan.

Pilit kong pinakalma ang sarili pero bigo ako. Napahawak ako sa dibdib, ang bilis pa rin nang tibok ng puso ko. Oh my gosh, 'yong first kiss ko muntik nang mawala. Napatulala ako sa kawalan at wala sa sariling hinawakan ang labi. Umiling-iling ako at hinanap ng mga mata si Nathan.

Naglalakad siya palapit sa akin. Yakap niya ang wolf na stuffed toy sa kanang kamay habang sa kabila naman ay bitbit ang isang supot. Nang huminto siya sa harap ko ay binigay niya sa'kin ang stuffed toy. Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil nahihiya ako.

Tinanggap ko ang stuffed toy at nagpasalamat sa kanya. Tahimik kaming naglakad patungong elevator. Bumukas ito at may mga lumabas mula roon. Tumabi ako sa gilid pa hindi ako mabangga. Biglang may umakbay sa akin, nilingon ko ang may-ari ng braso at nagmula iyon kay Nathan. Marahan niya akong hinila papunta sa tabi niya. Nang papasok na kami ay inalis niya ang pagkaka-akbay niya sa kin.

Ang saya-saya namin kanina tapos ngayon ay ang awkward na ng atmosphere namin. Ako lang ba ang nakakaramdam nito o pati na rin siya? Agad akong tumayo sa likuran samantalang si Nathan naman ay nakatalikod na pumwesto sa harapan ko. Kinuha ko ang phone mula sa bag at tinext si Mang Danny na magpapasundo ako dito sa Mall. Kaagad akong nakatanggap ng reply.


From: Mang Danny

Tamang- tama at may pinakuha ang Mommy mo malapit diyan. Tapos na rin ako rito, Iha. Papunta na ako.


Matapos basahin ang reply ni Mang Danny ay bumukas naman ang elevator. Naunang lumabas si Nathan na sinundan ko. Hinintay niya muna ako bago kami sabay'ng naglakad palabas.

"May sundo ka?" Mahinahong tanong ni Nathan.

"Oo, papunta na raw si Mang Danny. Nasa malapit lang din naman siya." Sagot ko sa kanya, humigpit ang pagkayap ko sa stuffed toy.

"Ikaw?" Tanong ko sa kanya.

Nilingon niya ako, "May bibilhin pa—"

Isang singhap ang lumabas sa bibig ko at nanlalaki ang mga mata. "Oh my gosh! Muntik ko nang makalimutan ang regalo ng mama mo!"

Tinawanan niya ako at sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Halika na, balik tayo sa loob. Samahan ki—" Naudlot ako sa pagsasalita nang tumunog ang phone ko. Tinignan ko ito at nakitang tumatawag si Mang Danny.

"Sige, sagutin mo na." Ani Nathan na nakatingin din sa phone ko. Wala akong nagawa kundi sagutin ang tawag.


"Hello po?"

"Iha, ikaw ba iyang nakatayo sa labas na may kasamang lalaking naka-jacket ng itim?" Tanong sa akin ni Mang Danny sa kabilang linya. Lumingon lingon ako hanggang sa mahagip ng mata ko ang aming sasakyan.

"Opo, Manong. Wait lang po muna, kakausapin ko lang 'tong kasama ko."

"Sige, Iha. Dito lang ako sa loob maghihintay."

"Yes po."


Ibinaba ko ang tawag at napabuntong hinga. Hinarap ko si Nathan.

"Sorry, mukhang hindi na kita masasamahan." Malungkot kong sabi sa kanya.

Umiling siya, "Okay lang. May next time pa naman."

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Binigyan din niya ako ng ngiti. Tinaas nga ang dalang supot at binigay sa akin.

"Paano ka? Wala ka man lang maiuuwi?" Tanong ko, hindi ko tinanggap ang supot.

"Okay lang ako. Para sa'yo naman talaga 'yan." Wala akong nagawa kundi tanggapin ito dahil baka nangangalay na siya.

"Sige, una na ako."

Tumango siya sa'kin at kumaway. Tumingkayad ako at pinatakan ng marahang halik ang kanyang pisngi. Nginitian ko siya at agad siyang tinalikuran. Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa sasakyan. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob.

Hinihingal akong napaupo sa loob. Napahawak ako sa'king dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok ng aking puso.

"Nakita ko 'yon." Muntik na akong mapasigaw nang may biglang nagsalita. Binigyan ako ni Mang Danny ng isang nakakalokong ngiti. "Hindi ko ipagsasabi sa iba." Dugtong niya.

Pinaandar ni Mang Danny ang sasakyan. Sandali akong lumingon sa labas ng bintana at nakita si Nathan na tulala habang hawak ang kanyang pisngi. Agad na lumapat ang mga mata ko sa aking tabi kung na saan ang stuffed toy at mga pagkain na binigay niya sa'kin. Napakagat ako ng labi upang pigilan ang sariling ngumiti ng napakalawak.

Habang nasa biyahe ay bigla kong naalala na may exam pa pala kami bukas. Halos mapamura ako sa napagtanto. Muntik na!


* * *

Mukhang matatagalan pa bago ako makapag-date ulit kaya long chapter tayo today.

Thank you for patiently waiting!


Happy Reading!

With lots of love,

Maria

Continuă lectura

O să-ți placă și

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...