The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7.1M 228K 48.4K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 33

93.9K 3.6K 1K
By Maria_CarCat

Rightful owner





"Anong nangyari sayo?" Nagaalalang tanong ko kay Piero.

Nanginginig pa ang aking mga kamay ng hawakan ko ang kanyang bugbog na pisngi. Kaagad siyang nagiwas ng tingin. "Iniligtas ko si Tadeo" madiing sagot niya sa akin kaya naman mas lalo akong nagulat.

"Anong nangyari kay Kuya Tadeo?" Pagaalala ko din pero hindi na ako sinagot pa ni Piero. Tinalikuran niya ako at tsaka siya dumiretso papasok sa kanyang kwarto.

Sandali akong nabato sa aking kinatatayuan. Mabilis akong tumakbo papunta sa kusina ng makabawi. Kinuha ko ang medicine kita ay tsaka dumiretso sa tapat ng pinto ni Piero. Napabuntong hininga ako, napahigpit ang pagkakakuyom ng aking kamao. Inipon ko ang aking lakas para makahawa ng tatlong katok. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot, kaagad kong binuksan ang pintuan.

Napaawang ang bibig ko ng makita kong wala ng suot na pangitaas siya Piero. Madumi ang ilang bahagi ng kanyang katawan. May tama ng bala ang kanyang braso.

Bumaling siya sa akin kaya naman kaagas sumalubong sa akin ang kanyang mabigat at matalim na tingin. Ipinasok kong mabuti ang aking katawan. "Gagamutin kita" paos pang sabi ko dahil sa kaninang pagiyak.

Umirap si Piero. "Hindi na kailangan, kaya kong gamutin ang sarili ko" matabang na sagot niya sa akin pero hindi ako natinag. Hindi ko tinaya ang buhay ko para lamang makatakas kay Rajiv para makabalik sa kanya.

"Gagamutin ko lang, pagkatapos ay aalis ako kaagad" paninigurado ko sa kanya.

Umirap siya at naglakad paupo sa kanyang kama. Hinila ko ang isang upuan at itinapat iyon sa kanya para mas maayos kong magamot ang kanyang mga sugat.

Hindi ko napigilang mapaluha ng makita ko ulit ng malinaw ang mga natamong sugat ni Piero. Napasinghot pa ako dahil sa pagtulo ng sipon. Ramdam ko ang mariing titig niya sa akin.

"Kung makaiyak ka, parang mamamatay na ako" tamad na akusa niya kaya naman mabilis na bumilog ang aking mga mata.

"Wag mong sabihin yan Piero..." suway ko sa kanya na ikinairap niya lamang.

Sinimulan kong gamutin ang kanyang mga sugat sa katawan pati sa kanyang mukha. Nakatulala lamang si Piero sa kung saan. Kitang kita ko ang bigat na nararamdaman mula sa kanyang mata. "May problema ba?" Malumanay na tanong ko sa kanya.

Bumagsak ang kanyang mga mata sa sahig. "Nahuli na yung pumatay kay Sachi. Si Olivia..." kwento niya sa akin na ikinabato ko. Damang dama ko sa kanyang boses ang sakit.

Hindi ko naiwasang hindi maging emosyonal. "Anong naging rason niya para patayin si Sachi?" Paos na tanong ko sa kanya.

Dahan dahan niyang inilpat ang tingin sa akin. Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Nagkaroon siya ng relasyon kay Miguel, sa bestfriend ni Tadeo" punong puno ng sakit na pagsisiwalat niya kaya naman mabilis na dumapo ang aking kanang palad sa nakabuka kong bibig.

Bayolenteng tumaas baba ang adams apple ni Piero. "Akala ko ako..." pumiyok na saad niya. Nadurog ang puso ko para sa kanya.

"Akala ko all this time, minahal din ako ni Sachi. Kung ganuon, sa mga panahong iyon...saang parte niya ako minahal?" Mapait na tanong niya sa akin na para bang nanghihingi siya ng sagot sa akin.

Pumunggay ang aking mga mata. Mas doble ang nararamdaman kong sakit dahil sa aking nakikita. "Bago siya namatay, sabi niya may sasabihin siya. Buong akala ko, aamin siyang mahal niya din ako" kwento pa niya at muling pumiyok.

"Inihanda ko na ang sarili ko, nagplano na ako...ipaglalaban ko siya sa pamilya namin. Pero bakit may Miguel?" Puno ng hinanakit ang kanyang boses.

Hindi ko napigilan ang aking sarili. Sumabay sa pagtulo ng kanyang luha ang aking mga luha. Maging sila ay nasasaktan para kay Piero. "Minahal ka din naman siguro ni Sachi..." pagaalo ko sa kanya kahit pa maging ako ay nasaktan sa aking sinabi.

Marahang napailing si Piero. "Sa tingin ko ay hindi" mapait na sabi niya.

Nalukot ang mukha ko dahil sa pagiyak. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, gusto kong pagaanin ang loob niya at sabihin sa kanya ako, mahal ko siya.

Hindi na siya sumagot pa pagkatapos nuon. Pinaayos ko siya ng upo pasandal sa head board ng kanyang kama. Nanatiling nakatulala si Piero, malalim pa din ang kanyang inisiip. Kinikwestyon pa din ang sarili. Sandali akong lumabas para ikuha siya ng makakain, kagagaling ko lamang din sa hospital pero ipinagsawalang bahala ko iyon, pagsisilbihan ko si Piero.

"Gumawa ako ng noodles, humigop ka muna ng sabaw" sabi ko pagkapasok ko sa kanyang kwarto. Nanatili pa din itong nakaupo, napatingin siya sa akin at pinanuod ang aking bawat galaw.

Tipid ko siyang nginitian. "Wag kang magalala, aalis din ako kaagad pagkalapag ko nito" paninigurado ko sa kanya. Mabigat ang kanyang mga tingin.

"You can stay" paos na sambit niya na ikinagulat ko pa nung una. Tipid akong tumango. Inilapag ko ang tray ng pagkain sa harap ni Piero.

"Kumain ka ng marami para bumalik kaagad ang lakas mo" paalala ko pa sa kanya na tipid niyang tinanguan. Tahimik ako habang pinapanuod siyang kumain. Parehong namamaga ang aming nga mata dahil sa pagiyak.

Napasulyap siya sa akin ng makita niyang nakatingin ako sa kanya. Mabilis akong nagiwas ng tingin, pero mabilis na nagsitayuan ang aking mga balahibo ng maramdaman ko ang paghaplos niya sa aking pisngi. "Bakit may mga pantal at namumula ang balat mo?" Panguusisa niya.

"Uhmm...nakakain kasi ako ng strawberry" pagdadahilan ko at tsaka kaagad na napayuko.

"Alam mo namang bawal ka nuon" matigas na sabi niya na parang galit pa.

Napanguso ako. Napatingin akong muli sa kanya. Minsan naiisip ko, paano kaya kung malaman ni Piero na ako ang kasama niya sa swimming competition niya, ako ang nagdadala ng pagakin sa harap ng condo niya, at ako ang tunay na nagmamahal sa kanya? Paulit ulit iyong naglalaro sa aking isip.

"Alam mo bang galit na galit ako sayo?" Madiing sabi niya kaya naman muling bumagsak ang baba ko pababa sa aking leeg.

"Naiintindihan ko" mababang tono na sagot ko.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri. "Bakit mo ako gustong mabuhay Amaryllis?" Seryosong tanong niya sa akin.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi. "Kasi mahal kita Piero..." diretsahang sagot ko. Halos mawalan ng hangin ang buong katawan ko dahil sa aking ginawa.

Kita ko bahagyang paglaki ng mata ni Piero. Maging siya ay nabigla din. "You want me alive, eventhough I want you dead..." sabi pa niya na hindi ko nasagot kaagad.

"Gusto mo akong mabuhay kahit ang gusto ko ay patayin ka dahil sa pagsisinungaling mo sa akin" paguulit pa niya. Bumigat ang dibdib ko.

"Naiintindihan ko naman ang galit mo, pero alam kong hindi mo ako papatayin...nasaktan mo ako, pero alam kong hanggang duon lang ang kaya mo" malumanay na sabi ko pa.

Tumigas ang mukha ni Piero. "Kaya talaga kitang patayin" pagdidiin niya na para bang wala siyang ibang gusto kundi paniwalaan ko iyon.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi. "Hindi mo kaya, dahil naniniwala akong mabuti ka Piero" laban ko sa kanya.

Kita ko ang pagiwas nito ng tingin sa akin. "Masama akong tao Amaryllis" matigas na paalala niya.

Mapait akong ngumiti. "Hindi ako si Sachi, pero naniniwala akong mabuti ka" paninigurado ko sa kanya.

Hindi siya nakaimik. "I'm heartless" sambit niya. Inilingan ko siya. "Hindi nawala ang puso mo sayo Piero. Kung meron mang nawala ang puso sa ating dalawa ako iyon. Hindi ko puso ito, hindi akin ito" pagpapaintindi ko sa kanya.

"Kaya wag mong paniwalain ang sarili mo na hindi mo na kayang magmahal dahil wala na si Sachi. May puso ka pa...tumitibok pa iyan" sabi ko at itinuro ko pa ang dibdib niya.

Napatitig si Piero sa akin. May laman ang nga iyon, hindi ko alam kung ano. Pero nangungusap ang kanyang mg mata habang diretso ang tingin niya sa akin. "Nagmahal ka na ba Amaryllis?" Mapanghamong tanong niya sa akin.

Para akong matatawa na maiiyak dahil sa kanyang tanong sa akin. "Kakasabi ko lang sayo na mahal kita" mapait na paalala ko sa kanya dahil parang ang bilis niyang nakalimutan o hindi niya lang talaga pinakinggan dahil hindi naman ako si Sachi.

Kumunot ang kanyang noo. "Malalim na pagmamahal ang tinutukoy ko. Impossibleng ganuon ang nararamdaman mo para sa akin, ngayon lang tayo nagkita" pagdadahilan niya.

Napanguso ako. "Ano ang kahulugan mo ng pagiging malalim Piero?" Ako naman ngayon ang nagbato ng mapanghamong tanong sa kanya. Sandali siyang nagisip, pero sumuko din ng maglaon.

Hindi nakaimik pang dalawa. Halos mabingi ako dahil sa sobrang katahimikan. "Hindi ko pa kaya..." mahinang sambit niya.

Pagod ko siyang nginitian. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Hindi ko napigilan ang tumulong luha. "Sinabi ko mahal kita, hindi ko naman sinabing mahalin mo din ako" mapait na sabi ko sa kanya kahit ang totoo ay sobrang sakit ng dibdib ko.

Napaiwas ng tingin si Piero. Pinanuod kong mabuti ang kanyang reaksyon, malikot ang kanyang mga mata. Para bang may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya mahagilap ang tamang salita. "I will leave soon..." pagbasag ko ng katahimikan.

Nagulat pa siya dahil sa aking tinuran. "Di ba, papakawalan mo naman na ako pagnahuli mo ang Papa ko" pumiyok pang sabi ko. Kumirot ang dibdib ko, ayokong pakawalan niya ako. Ayokong malayo sa kanya. Gusto ko siyang samahan, ayokong nagiisa siya.

Nagiwas siya ng tingin at tipid na lamang na napatango. Napatawa ako sabay pahid ng luhang patuloy pa din sa pagtulo. "Kaya dapat maging mabait ka na sa akin, pag ako nawala siguradong mami-miss mo din ako" makahulugang sabi ko sa kanya, nakita ko ang sakit sa kanyang mukha.

Ayokong isipin na nasaktan siya sa ideyang aalis ako, pero ako. Nasasakta ako, inisiip ko pa lang sobrang sakit na.

Nang mas lalong lumalim ang gabi ay nagpaalam na din ako kay Piero. Sigurado kasing gusto na din niyang magpahinga. "Lalabas na ako" paalam ko.

Tiningnan niya lamang ako. Nagulat ako ng hawiin niya ang kumot sa kabilang bahagi ng kanyang kama kung saan ako dati humihiga. "You can sleep here, wala si Lance. Delikado magisa sa labas" tamad na sabi niya sa akin na ikinagulat ko pa.

Bayolente akong napalunok, hindi nawala anh tingin ko sa kanya pero iniwasan niyang tingnan ako. "Come on, hindi naman tayo maghahalikan, matutulog lang' giit pa niya kaya naman naramdaman ko ang mabilis na paginit ng aking magkabilang pisngi.

Wala sa sarili akong gumapang patungo duon. Lutang pa din ako at hindi makapaniwala na hahayaan ako ni Piero na matulog ulit sa tabi niya. Siya na mismo ang nagayos ng aking kumot. Sandali niya akong tinapunan ng tingin. "Sleep" tipid na utos niya kaya naman napatango ako.

Unti unting gumaan ang aking loob. Mapayapa akong nakatulog ng gabing iyon. Hindi man magkadikit ang aming katawan ay ramdam na ramdam ko pa din ang presencya ni Piero.

Una akong nagising kinaumagahan. Napahikab pa ako bago ako nagunat ng katawan. Nilingon ko ang tulog pa ding si Piero. Kahit pa may sugat at pasa ang kanyang mukha ay ang gwapo pa din niya. Dahan dahan akong gumapang pababa ng kama para hindi ko siya magising. Sandali akong nagayos bago lumabas.

"Good morning peanut" nakangiting sabi ko sa aking alagang tuta. Sandali ko itong hinaplos at pinanggigilan bago ako maingat na lumabas ng bahay para bumili ng pandesal.

Para akong paranoid, maya't maya ang lingon ko sa paligod sa takot na baka bigla na lamang sumulpot si Rajiv at ang mga bodyguard niya. I can't eat another strawberry, muntik na akong mamatay kahapon.

"Tsaka isa po nitong egg pie, tsaka po nitong cake na may kutsara" nakangiting turo ko sa tindera.

Pagkatapos bumili ay dumiretso din ako uwi. Nagulat ako ng makita ko si Piero sa labas ng bahay. Pabalik balik ang kanyang lakad habang may kausap na kung sino sa kanyang cellphone. Hindi niya kaagad napansin ang aking pagdating. Halatang kakagaling lamang nito sa pagkakahiga, ni hindi pa nga niya nasusuklay ang kanyang buhok.

"Piero" mahinang tawag ko sa kanya.

Tumalim ang tingin niya sa akin. Mabilis niyang ibinaba ang tawag bago niya kinain ang pagitan naming dalawa. "Saan ka nanggaling?" Matigas na tanong niya.

Itinaas ko ang supot ng mga tinapay. "Bumili ako ng pandesal..." natatakot na sagot ko.

Napayuko ako at hindi na makatingin sa kanya. Kaagad niyang hinawakan ang palapulsuhan ko para hilahin ako papasok sa bahay. Bahagya ko pang sinulyapan si Peanut ng madaanan namin ito.

"Wag ka na ulit lalabas ng hindi nagpapaalam sa akin, naiintindihan mo?" Galit na utas pa niya na kaagad kong tinanguan.

"Pasencya na...tulog ka pa kasi" pagdadahilan ko.

"Magdadahilan pa" inis na sambit ni Piero kaya mulinh humaba ang nguso ko.

Akala ko ay hindi nanaman ako nito papansin, pero dumiretso siya sa may dinning at umupo duon. Sumunod ako para ilapag ang pandesal na binili ko. Mabilis akong kumuha ng tasa para ilapag iyon sa harapan ni Piero. Nasa lamesa na ang thermos at pangtimpla ng kape.

"Binilhan kita ng eggpie, kasi diba paborito mo to?" Pagbibida ko pa sa kanya habang inilalabas iyon sa plastick. Tamad na tiningnan iyon ni Piero tsaka siya tumango.

Inilagay ko sa platito ang isang pirang eggpie para sa kanya. Tiningnan niya lamang iyon ay hindi tinanggihan. "Ito sa akin cake..." pagbibida ko pa ng sa akin na para bang nangiinggit pa kaya naman tumalim ang tingin ni Piero sa akin at sa cake na hawak ko.

Inilayo ko iyon sa kanya. "Akin to ha, eggpie sayo" laban ko kaya naman bahagya siyang napangisi ay napailing.

Tahimik kaming kumain. Sarap na sarap ako sa aking kinakain ng mag salita si Piero. "Saan ka nanggaling kahapon? Yung totoo Amaryllis" may pagbabanta pang tanong niya sa akin kaya naman kaagad akong napatigil sa aking pagkain.

Bayolente kong nilunok ang laman ng aking bibig bago ako napakagat sa aking pangibabang labi. "Kinuha ako ni Rajiv..." malungkot na kwemto ko.

Itinutok niya ang kanyang buong atensyon sa akin. Mariing nakinig. "Sinong Rajiv?" Seryosong tanong pa niya.

Sandali ko siyang tinapunan ng tingin, pero hindi ko kinaya ang bigat ng kanyang tingin. "Yung Fiance ko" nahihiyang sagot ko pa. Kita ko din ang bahagya niyang pagkagulat.

"Fiance mo, ikakasal ka na?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Mabilis akong napailing. Hinawakan ko ang kamay ni Piero na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Ayaw ko, ayokong magpakasal kay Rajiv. Tulungan mo ako...hinahanap niya ako" pakiusap ko kay Piero.

Nagtiim bagang ito at nagiwas ng tingin. Narinig ko pa ang mahina niyang mga mura. "Piero..." tawag ko sa kanya.

"You have your rightful owner huh?" Mapanuyang tanong niya sa akin na mabilis kong inilingan.

"Hindi ako pagmamayari ni Rajiv. Sinabi ko naman sa kanya na ayokong magpakasal sa kanya dahil may iba akong gusto" nahihiya pang sabi ko.

Napatikhim si Piero. "Looks like he loves you. Duon ka sa taong mahal ka Amaryllis" payo pa niya sa akin kaya naman kaagad na sumama ang tingin ko sa kanya.

"Wala akong pake, may gusto akong iba" giit ko sa kany pero nginisian niya ako.

"Hindi ka gusto ng gusto mo" paos na sabi pa niya kaya naman naginit ang magkabilang gilid ng aking mga mata. Alam niyang siya ang tinutukoy ko.

"Hindi porket hindi mo ako gusto ipipilit mo ako kay Rajiv. Sariling desisyon kong hindi magpakasal sa kanya. Gusto man ako ng gusto ko o hindi" mapait na sabi ko kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

Hindi ko pinansin iyon, hinayaan ko silang tumulo. Nagpatuloy pa din ako sa aking pagkain. Ramdam na ramdam ko ang mga titig ni Piero sa akin. Halos tumayo ang mga balahibo sa aking braso at batok ng haplusin niya ang aking pisngi. Marahang pinahiran ang aking mga luha.

"Anong gusto mong gawin ko?" Paos na tanong niya sa akin. Bumigat ang tingin ko sa kanya. Malamlam ang kanyang mga mata.

"Wag mo akong ibibigay kay Rajiv. Dito na lang ako sayo..." pumiyok na pakiusap ko sa kanya.

Nanlumo ang mga mata ni Piero. "Kahit ayaw mo sa akin, gusto ko dito sayo" pahabol ko at hindi na siya nakapagsalita pa.

Tanghali ng dumating si Lance. Kaagad akong napatakbo sa front door para salubungin siya. "Peanut butter!" Excited na sabi ko ng makita ang isang box ng special tikoy na galing kay Sarah. Natawa si Lance.

"Salamat dito" nakangiting sabi ko pa pero hindi pa iyon natapos duon. May inabot pa siyang basket ng prutas sa akin.

"Pinabibigay iyan ni Jules, Miss ka na daw niya" ngiting aso pa na sabi niya sa akin kaya naman makahulugan ko siyang tiningnan.

"Wala naman akong sakit ah" puna ko pa. Pero nginisian niya lamang ako.

Dumiretso siya kay Piero na nasa dinning. Kanina pa iyon duon at busy sa harapan ng kanyang laptop. Palagay ko ay inaayos niya ang tungkol sa peanut farm na ipinapatayo nila ni Lance.

"Aalis ka na ng Agrupación?" Rinig kong paguusap nilang dalawa.

Umupo ako sa may sahig at tumapat sa may center table. Duon ko inalapag ang paborito kong tikoy at kinain iyon magisa. "Wala ng dahilan para magstay ako duon. Nahanap ko na ang pumatay kay Sachi" seryosong sagot ni Piero kay Lance.

"Ayos ayos, magfocus ka na lang sa farm at kung pwede ay magasawa ka na din para naman bumait ka na" rinig kong pangaasar pa ni Lance dito.

"Ayos ayos? Pakyu ka. Umalis ka nga sa harapan ko" inis na sabi ni Piero at pagtataboy dito kaya naman muli kong narinig ang paghalakhak ni Lance.

Narinig ko ang pagusog ng lamesa. "Sino ba kasi yang...Rajiv dela rama?" Gulat na tanong ni Lance na ikinagulat ko din. Napatigil tuloy ako sa pagkain dahil sa narinig na paguusap nila.

Nakarinig ako ng mga bulungan mula sa dinning, naguusap pa din silang dalawa pero hindi ko na maintindihan. Hanggang sa mapatalon ako sa gulat ng tawagin ako ni Lance.

"Amaryllis!" Sigaw na tawag niya sa akin.

Mabilis akong tumayo. Bitbit ang tikoy at basket ng prutas ay lumapit ako sa kanila. Matalim na kaagad ang tingin ni Piero sa basket ng prutas na inilapag ko sa dinning table. Naawa ako za prutas, parang ano pang oras at isa isa silang puputok dahil sa talim ng tingin ni Piero sa kanila.

"Bakit?" Tanong ko dito. Napaubo pa ako ng masamid dahil sa kinakain. Nakuha ko tuloy ang pansin ni Piero, sinamaan niya ako ng tingin pagkatapos ay inirapan. Napanguso na lamang ako, parang kanina lang ay ang bait niya.

"Magpapakasal ka daw?" Seryosong tanong ni Lance sa akin, para siyang kuya ko na nagagalit sa akin.

Umiling ako. "Hindi ako magpapakasal, kaya nga ako tumakbo. Naaksidente ako 2 years ago kasi tumakas ako" kwento ko pa sa kanilang dalawa, lalong kumunot ang noo ni Piero habang nakatingin sa kanyang laptop. Ibig sabihin kanina pa niyang iniistalk si Rajiv?.

Napatango tango si Lance. "Bata ka pa para magpakasal. Tsaka na pag wala ka ng bangs" pangaasar niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin bago ko marahang sinuklay ang bangs ko.

"Hindi ko na ito tatanggalin para hindi makita ang third eye ko" tawag ko sa peklat sa aking noo. Napangisi si Lance.

"Sabagay, cute ka naman diyan eh. Baby na baby...Baby ni Rajiv" pangaasar pa niya sa akin sabay tingin kay Piero.

Napatingin din ako dito. Pero hindi man lang nagbago ang kanyang ekspresyon. Nagtaas ng kilay si Lance. "Kung ayaw mong baby ka ni Rajiv. Baby na lang ni Jules" pagpapatuloy pa niya.

"Tanginang bunganga yan" inis na asik ni Piero kaya naman nagngiting aso si Lance at makahulugan akong tiningnan bago kinindatan.

Natahimik silang dalawa. Nanatili akong nakaupo duon habang dinahan dahang kainin ang tikoy ko. Mabigat iyon sa tiyan pero gusto ko pang kumain, gusto kong ubusin. Nanatili si Piero sa harap ng kayang laptop samantalang si Lance naman ay naging busy sa harap ng kanyang cellphone.

"I ask my friends about Rajiv" pagkuha niya ng atensyon namin. Napatingin ako sa kanya habang iniisa isa niya ang basa sa mga sinabi ng naturang mga kaibigan.

"Mayaman ang mga Dela rama, may cargo bussiness sila just like your mother's family bussiness Piero" paguumpisa niya.

"He is a Casanova" nakangising basa sa kanyang cellphone.

Napanguso ako at napahapyaw ng tingin kay Piero. Nakatuon kay Lance ang buong atensyon niya na para bang interisado din siyang makilala si Rajiv.

"Alam mo ba iyon?" Pagkuha ni Lance ng atensyon ko. Nagkibit balikat ako.

"Nakakulong lang ako sa bahay nung nanduon ako kila Mommy. Dumadalaw lang si Rajiv sa akin" kwento ko pa.

Napatango tango si Lance at pinagpatuloy ang pagscroll sa kanyang Cellphone. Napahagalpak siya ng tawa sa sumunod na nakita. "He is monster in bed!" Natatawang basa niya dito kaya naman naramdam ko ang paginit ng aking  pisngi.

"Lagot ka Amaryllis..." pangaasar niya sa akin pero napaiktad kaming dalawa ng hampasin ni Piero ang lamesa.

"No fucking way" matigas na sambit niya.

















[A/n]
The Seductive Doctor, prologue is now on watty!
Enjoy reading







(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

9.1M 247K 66
The Doctor is out. He's hiding something
123K 9.2K 14
Bembiehyehohyehohyehohyeh~ WALANG SAYSAY ITO, KUNG AKO SA'YO HUWAG MO NALANG BASAHIN.
231 88 7
Girl Series #2 Yrina Larisse Valeco -Leyaanaviaaa. Date Started: February 15, 2022 Date Ended:
919K 31.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.