The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7.1M 228K 48.4K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 32

90.1K 3.3K 520
By Maria_CarCat

I can't breathe





Dahil sa pagod at pagiyak ay nakatulog ako sa mga bisig ni Piero ng gabing iyon. Hindi ko na alam ang nga sumunod na nangyari. Nagising na lamang ako kinaumagahan na nasa loob na ako ng kanyang kwarto. Mabilis akong napaupo ng marealize ko kung nasaan nga ako, sa loob ng kwarto ni Piero, nakahiga ako sa taas ng kama niya at suot ko ang kulay puti niyang tshirt.

Kaagad kong iginala ang aking paningin sa buong kwarto, wala ni kahit anong bakas ni Piero. Inayos ko ang aking sarili at tsaka dahan dahang lumabas sa kanyang kwarto. Kinabahan ako, bakit kasi nanduon ako? Baka magalit nanaman siya sa akin.

Naamoy ko ang niluluto sa kitchen pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Bahagya kong inilawit ang ulo ko para silipin kung anong ganap duon. Nakita kong nakatayo si Lance na palagi namang nagluluto tuwing umaga. Dumapo ang tingin ko kay Piero na seryosong nakatingin sa kanyang laptop. Ang talim ng tingin niya sa Laptop kahit wala naman iyong kasalanan sa kanya, napakagat ako sa pangibabang labi ng mapatulala ako sa kanya. Kahit umaga, napakagwapo ni Piero. Kailan kaya siya hindi gwapo?

"Anong sinisilip silip mo diyan?" Nakangising puna sa akin ni Lance kaya naman napaayos ako ng tayo ng makitang nagtapon ng tingin si Piero sa amin. Tamad niya lamang kaming tiningnan at mabilis din ibinalik ang kanyang atensyon sa laptop.

"Kamusta ang tulog mo?" Tanong muli ni Lance sa akin, napakamot na lamang ako sa aking batok.

"Ba...bakit ako nandito?" Tanong ko sabay turo sa pintuan ng kwarto ni Piero. Muling nag ngiting aso si Lance.

"Tanong mo sa kanya" nilingon at tinuro niya si Piero na hind man lang nagabalang tumingin pabalik.

Muli kong narinig ang pagngisi ni Lance dahil sa hindi pagpansin ni Piero sa kanya. Napakagat na lamang ako sa aking pangibabang labi. Akala ko pagkatapos ng kagabi ay magiging maayos na kami kahit papaano, pero mukhanh bumalik nanaman sa dati si Piero. Kagabi lang siya mabait sa akin at pagkatapos nuon galit na ulit.

"Teka, tatapusin ko muna ang niluluto ko" nagmamadaling paalam ni Lance sa akin ng maalala ang nakasalang na pagkain. Napatango na lamang ako at tsaka ako tahimik na nagtungo sa sofa.

Napataas ang aking kilay ng makitang may unan at kumot na nakalagay sa may Sofa, may natulog duon. Si Piero?. Napangiti ako ng makita ko ang nakaupong si Rochi sa may single sofa. Wala sa sarili ko siyang kinuha ay marahang hinaplos. "Very good ka Rochi" nakangiting puri ko sa kanya ng maisip kong nanduon siya para samahan si Piero buong gabi ng matulog siya sa sofa.

"Get your hands off my child" matigas na sabi ni Piero.

Nagulat pa ako dahil sa biglaan niyang pagdating kaya naman hindi ko kaagad nailapag balil sa sofa si Rochi. Inis niyang kinuha iyon sa aking kamay at siya na mismo ang nagbalik duon.

Hinaplos haplos pa niya ang ulo ng malaking palaka na tila mo'y inaway ko iyon. "Hindi ba sinabi ko sayo, ayokong pinapakialaman mo ang mga gamit ko" masungit na saad niya kaya naman napayuko ako.

"Sorry kasi..." hindi na niya ako pinatapos pa.

"Itapon mo na yang damit na yan, I won't wear that again" masungit na pahabol pa niya tukoy sa suot kong tshirt niya.

Napahaplos ako sa tshirt na iyon, halatang bago pa. Puting puti at mabango, bakit naman niya itatapon, sayang naman.

"Akin na lang, kung itatapon mo" mahinang sabi ko, kinain ang hiya para makausap pa siya pero mapanuya niya lamang akong tiningnan.

"Why do you always crave sa mga bagay na pagmamayari ng iba?" Pangaakusa pa niya. Napakagat ako sa aking pangibabang labi, bumalik nanaman siya sa mga maaanghang niyang salita laban sa akin.

"Hindi naman, nasasayangan lang ako kasi..."

"Take it off, ibigay mo sa akin ako mismo ang magtatapon" galit na sabi pa niya bago niya ako tuluyang tinalikuran para bumalik sa kusina. Humaba ng husto ang aking nguso, tama bumalik nanaman ang masungit na si Piero. Parang nagexpired bigla ang pagiging mabait niya.

Lumuhod ako para kumuha ng pamalit kong damit sa backpack ko sa ilalim ng mahabang upuan. Dumiretso ako sa banyo para maligo at magbihis.

"Papasok ka?" Gulat na tanong ni Lance sa akin ng makita niya akong bihis pagkalabas ko ng banyo.

Nakaupo na sila si Dinning at handa ng kumain. Inilingan ko siya. "Nagbihis lang ako" sagot ko at muli na sanang tatalikod ng iniya niya akong kumain.

"Kain tayo" yaya niyanat kaagad na itinuro ang dating kong upuan, may pinggan na nakalapag duon.

Naengganyo akong lumapit pero nang mapatingin ako sa nakasimangot na mukha ni Piero ay bumagsak lamang ang aking balikat. "Hindi na Lance, sa labas na lang ako kaka..."

"Just fuckin eat with us, and wash the dishes after." Matigas na utas ni Piero na ikinangiting aso ni Lance. "Tutal yan naman ang hobby mo, ang maghugas ng plato" inis na pahabol pa niya.

Hindi na ako nagdalawang isip pang lumapit duon at umupo. Baka kasi kung magiinarte pa ako ay mas lalo lamang siyang magalit at masisira nanaman ang araw naming tatlo dahil duon.

Napa-ahh si Lance na para bang kinikilig. "Namiss kong kasabay kumain si Amaryllis" nakangiting puna pa niya kaya naman tipid akong napangiti.

Hindi naman umimik si Piero, nagumpisa na itong sumandok ng pagkain. Ginawa ko rin iyon ng tahimik, nagingat na hindi makagawa ng pagkakamali para hindi siya mainis sa akin.

"So kailan tayo bibisita sa Farm?" Tanong ni Lance sa gitna ng katahimikan.

"Maybe next week" tamad na sagot ni Piero dito. Napatango tango si Lance.

Muli kong naalala ang nabanggit na Peanut farm ni Cairo. Ibig sabihin iyon ang bussiness na inaayos nilang dalawa. "Isama natin si Amaryllis" excited na suwestyon ni Lance.

Pinanuod ko ang ekspresyon ni Piero dahil sa sinabi ng kaibigan. Pero nakita ko ang pagdisgusto sa kanyang mukha. "She has nothing to do with that. Kay Sachi iyon..." masungit na sabi ni Piero kaya naman muling bumagsak ang aking mga mata sa plato.

"Hindi naman aagawin ni Amaryllis, sasama lang siya" malungkot na sabi ni Lance. Mariin akong napapikit, ang gusto ko lang ay tumigil na muna siyang ipilit ako kay Piero.

Unti unti ko ding sinusubukang tanggapin na hindi kailanman siya papayag na papasukin ako sa buhay niya. Pinapamukha niya palagi sa akin na Sachi owns him. At kung balak ko mang agawin at angkinin ang mga naiwan ni Sachi, sinisigurado niyang hindi ko siya makukuha. He will remain Sachi's forever.

Ako na ang naghugas ng pinagkainan, tahimik kong ginawa iyon. Lumalim ang pagiisip ko, palagi kaso nitong isinusumbat sa akin na gusto kong maging si Sachi. Tingin niya sa akin, mangaagaw ako.

Nasa gitna ako ng pagiisip ng biglang sumulpot si Lance. "Bye Amaryllis, uuwi ako ng bulacan. Baka bukas na ako makabalik. Alam mo na, miss na miss na ako ni Sarah" nakangising paalam pa ni Lance sa akin, ayos na ayos siya na para bang sa date siya pupunta.

Napanguso ako at napangisi. "Naku ikaw kaya" pangaasar ko kaya naman napatawa siya.

"Shhh ka lang, lalaki ulo nun. Dapat pahard to get pa din paminsan minsan" sabi niya ay napahalakhak pa dahil sa naisip na kung ano. Pilyo din talag ang isang ito.

Nagmadaling lumabas si Lance. Pinangakuan pa niya ako ng pasalubong na tikoy kaya naman ngiting ngiti ako habang naghuhugas.

"Anong nginingiti mo diyan?" Masungit na sabi ni Piero ng maabutan niya ako duon sa kusina.

Unti unting nawala ang ngiti sa aking labi. Para bang kasalanan para sa kanya na masaya ako. "Wala po..." mahinang sagot ko ay tsaka nagiwas ng tingin.

Inirapan niya ako. "Aalis ako, gusto ko pagbalik ko nandito ka" mariing bilin niya sa akin.

Napatango tango ako. "Siguraduhin mong nandito ka pagbalik ko. Dahil kung hindi, paparusahan kita" pagbabanta niya pero naramdaman ko kaagad ang paginit ng magkabilang pisngi ko ng marinig ang salitang parusa.

Bumigat ang tingin niya sa akin ng makita ang naging reaksyon ko. Kita ko ang bayolenteng pagtaas baba ng kanyang adams apple. Nang makabawi ay walang imik din itong umalis bitbit ang kanyang itim na duffle bag.

Matapos maghugas ay naglinis na din ako ng buong bahay. Pilit ko ding hinanap ang maruruming damit ni Piero para sana labhan pero wala akong nakita ni isa. Kahit yunh pinaghubaran niya kanina ay wala sa kanyang kwarto. Dahil sa pagkainip ay lumabas ako ng bahay para puntahan si Julie.

Iniwasan kong tumingin sa parte ng karinderya. Malayo palang ay mabilis ng lumabas si Julie mula sa kanilang bakeshop para salubingin ako. "Nabalitaan ko yung nangyari kahapon" nagaalalang salubong niya sa akin.

Kaagad niyang hinawakan ang aking kamay para hilahin ako papasok sa loob ng bakeshop para duon kami makapagusap. "Dapat ay bukas pa ang uwi ko, pero nasasayangan ako sa sahod" nakangising kwento niya sa akin habang nagtitimpl siya ng 3in1 na kape para sa aming dalawa.

Nalungkot ako ng muling maisip na wala na pala akong trabaho, wala na akong aasahang sahod.

"Siraulo talagang Chito na yan, at yang si Aling Chona T*ngina niya" malutong na mura ni Julie na ikinabigla ko.

Natawa siya ng makitang nagulat ako dahil sa ginawa niya. "Ang inosente ate girl?" Pangaasar niya sa akin.

Nasa kalagitnaan kami ng paguusap ng mapatayo kami pareho ng may humintong mobile ng pulis sa harapan ng karinderya ni Aling Chona. Nanlaki ang aking nga mata, hindi namin marinig ang pinaguusapan duon pero halatang may kumusyon. Sa huli ay nakita namin ang malaking karatula sa labas ng kanyang karinderya.

"Patay, sarado" sambit ni Julie.

Muli akong nanghina at napaupo. "Sa tingin mo may kinalaman yan sa nangyari kagabi?" Tanong niya sa akin kaya naman napakibit balikat lamang ako.

Hindi nagtagal ay bumalik na din si Julie sa pagkakaupo sa aking kaharap na upuan. "Kailangan ko ng trabaho" pamomorblema ko.

Napasimsim siya sa kanyang kape habang nakatingin sa akin. "Gusto mo dito? Para may kasama ako...magkasama tayo!" Excited na tanong niya pa sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata.

"Talaga pwede?" Excited na tanong ko din pero kaagad na napawi ang kanyang ngiti at napakamot sa kanyang ulo.

"Itatanong ko pa sa amo ko. Kung ako lang ang may ari nito bakit hindi?" Laban pa ni Julie kaya naman napanguso ako at napatawa na lamang.

Napahinto kami sa paguusap ng may pumaradang sasakyan sa harap ng bakeshop. Tumayo si Julie para pagbilhan iyon kaya naman inabala ko ang aking sarili sa pagsimsim sa aking mainit init pang kape.

"Ano po sa atin Sir?" Maarteng tanong ni Julie sa customer. Wala sa sarili ko itong nilingon pero kaagad lamang akong nabato ng makita ko kung sino iyon.

Kaagad na sumalubong sa akin ang malalim at mabigat niyang titig sa akin. Dahan dahan akong napatayo sa gulat. "Can i have my Fiance?" Matigas na utas niya kay Julie kaya naman naguguluhan itong napatingin sa akin.

Nanuyo ang aking labi. "Anong ginagawa mo dito Rajiv?" Matigas na tanong ko sa kanya.

Hindi natinag ang matigas niyang ekspresyon. Lumabas mula sa kanyang likuran ang dalawang armadong lalaki. "Ayaw kitang daanin sa dahas Amary, sumama ka sa akin" matigas na sabi pa niya kaya naman kaagad na naginit ang gilid ng aking mga mata.

Napailing ako. "Ayokong sumama sayo" sagot ko sa kanya na pumiyok pa dahil sa nagbabadyang pagiyak.

Napangisi siya. Nilingon ang dalawang lalaki sa kanyang likuran. Kaagad na lumakad ang dalawa papasok sa bakeshop para sana hawakan ako ng mabilis silang sinigawan ni Rajiv. "Don't touch her idiots. She's mine" matigas na asik niya sa mga ito kaya naman napayuko ang dalawa at humakbang palayo sa akin.

Naiyak na ako. Naglakad siya papalapit sa akin, ginawa niya iyon habang titig na titig sa akin. "Sachi..." nagaalalang tawag ni Julie sa akin, hindi ko pa pala nasasabi sa kanya na Amaryllis ang totoo kong pangalan.

"Wag mong sasabihin ito kay Piero, ayokong magalala siya. Babalik ako, wag kang magalala" mahinang sabi ko sa kanya na kaagad niya lamang tinanguan.

Naramdaman ko ang paghawak ni Rajiv sa aking palapulsuhan. "Let's go Amary. Cut the fucking plans and secret hindi ka na makakatakas sa akin" pagbabanta niy kaya naman kaagad kong naikuyom ang aking kamao.

Matiwasay akong sumama kay Rajiv papasok sa kanya sasakyan. Mariin akong napapikit. Hindi ako natatakot dahil kinuha ako ni Rajiv, natatakot akong hindi makabalik kay Piero. Tahimik akong umiyak habang nasa byahe, malalim pa din ang aking pagiisip kung paano ko siya matatakasan.

Nagsitayuan ang balahibo sa aking braso ng maramdaman ko ang paghaplos niya duon. "I miss you" paos na sabi niya bago ko maramdaman ang paghalik niya sa akin ulo.

Umusog ako para makalayo sa kanya kahit pa wala na akong mapupuntahan pa dahil pareho lang naman kaming nasa backseat.

"Stop it Amary. Stop running away from me, your time is ticking. Goddamn it" matigas na asik niya sa akin kaya naman muli lamang akong naiyak sa kanyang sinabi.

Huminto kami sa isang mamahaling restaurant. Kaagad na hinawakan ni Rajiv ang aking kamay para bumaba. Nagpahila ako sa kanya. Kailangan kong pagaanin ang loob niya at paniwalain siyang sasama na talaga ako sa kanya para maging madali ang aking pagtakas pag nakakuha ako ng tiempo.

Iginaya kami ng waiter na sumalubong sa akin sa isang reserved seat. "Kumain muna tayo bago kita iuwi sa bahay ko..." paguumpisa niya kaya naman kumunot ang aking noo.

"Sa bahay mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Bakit hindi mo ako idiretso kila Mommy?" Galit na asik ko sa kanya. Napangisi siya.

"Para saan pa? Ikakasal din naman tayo" laban niya sa akin kaya naman tumalim ang tingin ko sa kanya. Hindi niya iyon pinansin, kalmado lamang siya habang sumisimsim sa kanyang wine.

"Hindi ako magpapakasal sayo. Hindi kita mahal" galit na utas ko.

Tamad niya akong tiningnan. "Mahal kita, papakasalan kita Amaryllis. Mahal mo man ako hindi, you will learn to love me eventually" sabi pa niya na para bang nakakasigurado siyang mamahalin ko din siya.

Marahan akong umiling. "Hindi kita kayang mahalin Rajiv, may iba akong mahal..." giit ko. I'm giving him chance. The marriage he want won't never workout. Si Piero lang ang mahal ko, hanggang sa aking huling hininga.

Malakas niyang hinampas ang table kaya naman maging ang waiter na nagseserve sa amin ay nagulat. "Sino kung ganuon? The f*cking killer?" Pagbabanta niya na mas lalo ko lang ikinagalit.

Hindi ako nagsalita. Pakiramdam ko, kung magsasalita pa ako tungkol kay Piero ay mas lalo lang malalagay ito sa panganib. Dahil sa aking pananahimik ay dahan dahang huminahon si Rajiv. "You spend the f*cking 2 years without me. Spend the remaining with me. Pagkatapos ng kasal dadalhin kita sa America para ipaggamot ulit" paliwanag niya sa akin pero masyado nang sarado ang aking tenga para sa mga paliwanag niya.

"I want to spend my remaining time with someone I love" laban ko pa din kay Rajiv.

Nginisian niya ako. Hindi ko nagustuhan iyon, punong puno ng pagbabanta ang kanyang pagngisi. "Kilala ko na kung sino ang nakabangga sayo 2 years ago. Hawak siya ngayon ng mga tao ko, what do you want me to do?" Tanong niya sa akin na para bang gusto niya akong isali sa masasama niyang plano.

Inangat niya ang cellphone niya sa gitna naming dalawa. Niloud speaker iyon. "Pakawalan niyo na, matagal ng tapos iyon" matigas kong sabi sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay. "You're too nice Amary. We don't play that game" nakangising sabi pa niya sa akin.

Inilapit niya ang telepono sa kanyang labi. "Bugbugin niyo" utos niya sa kabilang linya. Narinig ko pa ang ilang mga pagdaing bago niya tapusin ang tawag.

Nakatulala lamang ako habang nasa harap ng pagakin. Ayokong sumama pauwi kay Rajiv. Nangako ako kay Piero na nanduon ako sa oras na umuwi siya. Ayoko siyang biguin, gagawa ako ng paraan.

"Can i order for dessert?" Malumanay na tanong ko kay Rajiv na ikinagulat pa niya.

Matamis siyang ngumiti sa akin. "Ofcourse" itinaas niya ang kamay para tawagin ang waiter. Lumapit ito sa amin na dala dala ang menu. Kaagad akong tumingin duon.

"Ito..." nanginginig ang aking mga kamay ng ituro ko sa kanya ang strawberry shortcake.

Ngumiti ang waiter at kaagad na kinuha sa akin ang menu para ihanda ang aking order. Mabilis akong napainom ng tubig, this is a suicide.

"What did you order?" Nakangiting tanong ni Rajiv sa akin ng akalain niyang kumportable na ako sa kanya.

"Cake" tipid na sagot ko na tinanguan niya.

Ilang minuto ang lumipas ng tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niyang sinagot ang tawag. Hula ko ay iyon ang kausap niya kanina. Nagpaalam siya sa akin at tumayo para makalayo sa akin, mukhang importante ang kanilang paguusapan. Saktong dumating ang dessert na pinili ko.

"Enjoy your dessert ma'm" nakangiting sabi ng waiter.

Napasulyap ako sa nakatayong si Rajiv, busy pa din ito sa kanyang kausap. Nanginginig kong kinuha ang tinidor. Pikit mata kong kinain iyon, malalaking subo ang aking ginawa.

"Oh you finish your dessert?" Gulat na tanong ni Rajiv pagkabalik niya.

Bayolente akong napalunok. Ilang minuto lang ang hinintay ko ng kaagad kong maramdaman ang paginit ng aking katawan, kasunod nun ay pangangiti. "What the hell..." matigas na utas ni Rajiv ng makita niya ako.

Tumayo siya sa aking tabi ay mariing sinuri ang platito. "What did you gave her?" Galit na sigaw niya sa waiter. Hindi ito nakasagot dahil sa takot.

Unti unting nanikip ang aking dibdib. "Tulong..." nahihirapang tawag ko kay Rajiv.

Kaagad niyang tinawag ang kanyang mga body gurads. Binuhat niya ako na parang bagong kasal at mabilis akong itinakbo papasok sa kanyang sasakyan.

"Sa hospital" sigaw niya sa mga ito.

Nanikip ang aking dibdib. Nakakaranas ako ng anaphylaxis sa tuwing kakain ako ng strawberry, it is rare. That was a severe form of allergy. Depends on the amount i ate.

Nataranta si Rajiv. Nanatili akong nakahawak sa aking dibdib, i can't breathe. Sinigawan niya ang kanyang driver. Mabilis na tumulo ang mainit na luha sa aking mga mata. Isa lamang ang nasa isip ko. Kahit anong mangyayari, babalik ako kay Piero.

Dinala kaagad ako sa emergency room pagkadating namin duon. Kaagad akong binigyan ng gamot para sa aking allergy at sinuotan din ako ng oxygen mask dahil sa hirap sa paghinga. Nakita kong kinakausap ni Rajiv ang doctor. Mariin niyang ipinapaliwanag dito ang lahat.

Kumalma ako at sandaling nawalan ng malay. Hindi ko alam kung gaano katagal iyon. Pero sa aking muling pag gising ay ang pamamantal at pangangati na lamang ng aking katawan ang aking naramdaman. Dahan dahan akong umupo, tinaggal ang mga nakakabit sa aking aparato.

Wala si Rajiv, pero natanaw ko sa labas ang kanyang mga bodyguard. Hirap akong gumalaw dahil sa pinagdaanan. Pero determinado akong makaalis at makatakaw. Hinawi ko ang kurtina at duon dumaan sa kabilang pasyente, tulog ito kaya naman hindi niya ako napansin.

"Nawawala!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga body guard ni Rajiv kaya naman mas lalo kong binilisan ang lakad ko. Mabilis kong sinuot ang jacket at sumbrerong kinuha ko sa kung saan. Hindi ko alam kung kanino.

Nakita kong nagkagulo ang mga nurse, mabilis na naipakalat sa kanila ang balita. Napahawak ako sa aking dibdib ng makaramdam ako ng kaunting kirot duon. Napangiwi ako, pero ipinagsawalang bahala ko na lamang. Madalim na sa labas, siguradong nasa bahay na si Piero. Dahil sa naisip ay mas lalo akong naging determinadong makaalis duon.

Mabilos akong naglakad palabas ng main door. Sumabay ako sa dami ng taong naglalabas masok. May dumating na ambulansya kaya naman mas lalong nagkagulo.

"Amaryllis!" Rinig ko pang sigaw na tawag ni Rajiv sa akin kung saan. Tumakbo ako palabas ng hospital at mabilis na pumara ng taxi. Bahala ng maubos ang natitira ko pang pera, basta ay gusto ko lamang makaalis duon.

Panay ang pagiyak ko habang nasa byahe. Akala ko ay hindi na ako makakatakas pa kay Rajiv. Kinailangan ko pang dalhin ang sarili ko sa bingit ng kamatayan para lamang makabalik kay Piero.

"Maraming salamat po" mabilis na sabi ko sa driver ng taxi.

Patakbo kong tinahak ang daan papasok. "Piero..." umiiyak na sigaw ko.

Kaagad ko siyany nakita pagkabukas ko ng pintuan. Mas lalo akong naiyak. "Saan ka nanggaling?" Matigas na tanong niya.

Hindi ako sumagot. Tinakbo ko ang distansya naming dalawa at kaagad siyang niyakap. "Bumalik ako...sabi ko naman sayo babalik ako" umiiyak na sumbong ko sa kanya.

Nabato siya. "Gagawa ako palagi ng paraan para makabalik sayo" paninigurado ko pa sa kanya.

Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran. Dahan dahan ko siyang tiningala. Nanlulumo ang kanyang mga mata, pero gulat ang rumehistro sa akin ng makita ko ng malinaw ang kanyang mukha.

Puno ng pasa at sugat ang kanyang mukha.














(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

2M 80.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
252K 14K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
6M 233K 64
A battle between love and service.
921K 31.5K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.