The Cavaliers: DRIX

By mydearwriter

314K 6.8K 169

The Cavaliers Book 5: Pikot! Iyon ang nakikita ni Drix na gustong mangyari ni Via, ang malditang pamangkin... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
EPILOGUE

CHAPTER FOUR

13.1K 297 17
By mydearwriter

CHAPTER FOUR

SA LAHAT ng bagong kasal, si Drix na yata ang pinakamalungkot at depressed. Tanging ang kanyang Battalion Commander ang tumayong saksi sa simpleng seremonyas na sa opisina lang din ni Mayor Morales ginawa. Ni hindi umabot ng thirty minutes ang naturang kasal. Pakiramdam niya ay isang malaking joke lang ang lahat.

Ni hindi niya pinasabi sa mga magulang ang nangyari. Si Dwight lang ang nakakaalam na kasal niya at pupunta sana ang lalake pero hindi siya pumayag. Para ano pa? Basta't pinapangako na lang niya ang kapatid na ilihim muna ang sitwasyon. Saka na lang umano siya magpapaliwanag. Hindi na rin naman umangal ang kapatid niya kahit alam niyang masama ang loob nito.

Pagkatapos ng kasal ay may salo-salo sa hacienda ng alkalde. Sumama naman hanggang doon si Colonel Bautista pero nang paalis na ang kanyang Commanding Officer ay nagyaya na rin siyang aalis na. Hindi na rin naman sila pinigilan ni Mayor Morales- ipinahatid sila sa isang resort kung saan libre ang kanilang one-week accommodation- libre pati pagkain- courtesy pa rin ng alkalde. 'Wedding gift' daw. Hindi na kumibo si Drix pero naglasing siya ng husto pagdating doon. Ipinagluksa niya ang pagsimula ng kanyang 'dark days.'

Ni hindi niya tiningnan ang kanyang bride na nakatulog mag-isa sa loob ng kuwarto ng kanilang cottage. Sa may duyan siya sa veranda inumaga.

KINABUKASAN ay wala silang kibuan ni Via. Kahit pa ilang beses siyang sinabihan ng babae na ready na ang pagkain, ang pang-shower niya, etc. Hindi niya magawang kausapin ito sa sobrang sama ng loob niya.

“Kung ayaw mong kumibo, fine.” Padabog na lumabas ang babae mula sa kanilang cottage. Ni hindi siya sumunod- sa halip ay nagkape na muna siya.

Hindi niya ma-imagine na magiging ganun ang buhay niya araw-araw. Magdadabugan na lang ba sila habang-buhay?

Mayamaya ay naisipan niyang mag-shower muna para makapag-isip isip kahit papano. He decided na kailangan niyang kausapin si Via para maging malinaw ang kanilang set up. Baka kasi mag-expect ng kung anu-ano ang babae sa kanya. Kinlaro na niya noong una pa lang na hindi siya handang mag-asawa financially and emotionally- lalo na ngayon!

Nang pumasok si Via sa cottage nila two hours later ay sinabi niya sa babae kung ano lang ang maaari niyang ibigay.

“Maliit lang ang sahod ko sa pagiging opisyal. Baka nga mas mahal pa ang presyo ng hand bag mo,” aniya. Nakita kasi niyang mukhang mamahalin ang bag ng asawa.

“Hindi ako nag-e-expect na bubuhayin mo ako from your salary. Kaya ko namang mabuhay.”

“No. Gusto kong simula ngayon ay mamumuhay ka kung ano lang ang abot ng makakaya ko. Walang luho, walang material na bagay.”

Nakita niyang gumuhit ang disgusto sa mukha ni Via pero hindi naman ito kumontra. “Okay, fine!”

“Mamaya rin ay maghahanap ako ng matitirhan natin na malapit sa kampo. Hindi ka puwede doon sa loob.”

“May nakita na si Tito Santi,” wika ni Via. Magpo-protesta sana siya pero maagap ang babae. “Sagot na daw niya ang unang taon ng renta. Regalo pa rin niya sa atin.”

“Sobra-sobra na ang regalo niya sa atin ah!” Sa calculation niya ay almost thirty thousand na ang value ng kanilang honeymoon sa resort. Kung pati tirahan nila ay libre for one year, aba’y ganun pala kamahal ng tiyuhin si Via! “Nakakahiya na, baka sabihin ng iba na abuso na.”

“Alangan namang tanggihan ko siya? E di magtatampo yun.”

He didn’t like that. Mahirap kalaban si Mayor Morales! Baka kung saang bundok pa malipat ang buong unit niya.

“Sige, kukunin ko na lang ang address ng sinasabi mong tirahan para mapuntahan ko mamaya.” Mas gusto niyang nasa labas kesa kasama ang babae sa resort.

“Sasama ako. Ayokong maiwang mag-isa dito.”

“Bakit ka pa sasama? E may mga pupuntahan pa akong iba.”

“Saan ka pupunta?”

“Now you sound like a nagging wife.”

“I am your wife, remember?”

“Via, ikaw lang ang may gusto nito. Now don’t act like this marriage is real because it’s not. Hindi ko maintindihan kung bakit mo ginustong magpakasal sa akin.”

Nakita niyang natigilan ang babae sa sinabi niya. He was harsh but he knew na kailangan niyang mailagay sa tamang lugar si Via. It was already bad enough na nagpakasal sila for all the wrong reasons. Hindi na nila kailangan pang panindigan ang pagkukunwari sa loob ng iisang bubong.

“Because you’re the father of this baby, that’s why,” narinig niyang wika ni Via. Nakita niyang hawak ng babae ang tiyan nito kaya agad siyang umiwas ng tingin.

“Dahil lang sa ako ang ama kaya kailangan nating magpakasal? Kahit hindi kita mahal?” nasabi niya.

“Natututunan naman ang pagmamahal.”

“Sa pelikula siguro.”

“Ang negative mo. Daig mo pa ang math problem.”

“Ewan ko sayo, bahala ka na nga tutal malaki ka na.” Tinalikuran na niya si Via bago pa sila magkapikunan ng husto.

Mabilis siyang nakalabas ng cottage at nag-abang ng masasakyan sa labas ng resort. Ni hindi niya ginamit ang Land Cruiser na sasakyan ni Via na naka-park sa loob lang din ng resort.

“SIR, nagpakasal ka daw?” Gulat na wika ni Ramil nang makita siya sa loob ng kampo. “Nasaan si misis?”

Tiningnan lang niya ang tauhan, saka pinaikot ang mga mata. As much as possible ay ayaw na niyang pag-usapan pa ang nangyari.

Hindi na nagsalita pa ang tauhan niya, pero nakasunod pa rin ito sa likod niya. Binalingan niya ito.

“May alam ka bang matitirhan na malapit lang dito? Yung mura lang.”

“Apartment, sir?” Tumango siya. “Marami diyan pero depende kung ano ang type niyo.”

“Basta maayos, malinis at safe.”

“Tingnan ko sir. Magkano ho ba ang budget ninyo?”

Napaisip bigla si Drix. Ngayon lang niya na-realize na napasubo talaga siya ng husto. Ni minsan ay hindi niya naranasang mangupahan ng bahay dahil laging sagot ng gobyerno ang tirahan niya. Ngayon ay mapipilitan siyang umupa ng bahay at isipin ang ibang gastos like kuryente, tubig, pagkain. Napaupo siyang bigla.

“Magkano na ba ang rate ng apartment ngayon?”

“Ang alam ko sir, pinaka-mura na ay nasa five thousand, maliit lang yun. Siguro mga nasa six or seven thousand monthly.”

Shit. Baka hindi na kumasya ang sweldo ko nito.

Nagmental calculate siya at hindi niya nagustuhan ang suma tutal. Kapag nagkataon, kalahati sa sweldo niya ay mapupunta na agad sa renta ng bahay at utility bills, wala pa ang ibang gastusin. Oo nga at may ipon siya kahit papano, pero hanggang saan lang ba ang itatagal ng kaunting pera niya sa bangko?

Tempted tuloy siyang tanggapin ang alok ni Mayor kay Via. Malaking bagay rin na libre ang pabahay nila sa loob ng isang taon. May sapat na panahon pa siyang mag-ipon.

Panganganak pa pala niya saka mga pangangailangan. Kung tama ang kalkulasyon niya, magtatatlong buwan na ang tiyan ni Via. Ibig sabihin, more or less ay manganganak na ito in six to seven months.

Natigilan siya. Now he was thinking like a husband!

“Sir, hahanapan ko na ho ba kayo ng apartment?” narinig niyang tanong ni Ramil.

“Huwag na muna. May kakausapin lang ako mamaya.”

“PARE, totoo bang nagpakasal ka?” Nakangisi si Mozi nang salubungin siya nito.

Naging kaklase niya ito sa UP Miag-ao sa Iloilo noong first year college siya- bago pumasok sa PMA. Tulad niya, hindi rin itinuloy ni Mozi ang kursong Fisheries at lumipat sa UP Diliman para kumuha ng Architecture. Ngayon ay may sarili na itong firm sa Cagayan de Oro dahil taga-roon naman talaga ang lalake.

“Paano mo nalamang nagpakasal ako? Ang bilis naman ng balita.”

“Kaibigan ko ang pinsan ni Via, si Allister, yung anak ni Mayor. May mga projects ako sa city hall, remember?”

Umupo siya sa couch na nasa loob ng private office ni Mozi. Hinila naman ng lalake ang isang upuan at pumuwesto sa may harap niya.

“So tell me what really happened?”

Ang alam niya ay two-weeks pa lang na nakakabalik ang lalake mula sa Belgium dahil kumuha ito doon ng isang buwang advance training program. Huli silang nagkita ay noon pang birthday nito- kung saan nga niya nakilala si Via.

“E buntis daw siya. Ilang beses na nagpunta si Mayor sa kampo. And my military career was put into danger. What was I supposed to do?’

Napailing si Mozi, pero nakangisi pa rin. “Doon nag-umpisa sa birthday party ko no? Sa truth or dare?” Hindi siya sumagot kaya lalong napahalakhak si Mozi. “Doon nangyari?”

“Kasalanan mo nga, hayup ka!” Kinuha niya ang isang magazine sa gilid at hinampas sa kaibigan.

“Bakit kasi nag-iwan ka ng ebidensiya?”

“Ewan ko, duda nga ako.”

“Duda kang ano?” Nakita niyang sumeryoso ang itsura ni Mozi.

“Baka naman sabihin mo kay Allister at hantingin na lang akong bigla?”

“Sira! Alam naman niyang matagal na tayong magkaibigan. Dude, ako 'to, ano ka ba.”

Naisip ni Drix na kaibigan naman talaga niya si Mozi. In fact, ito lang ang kaibigan niyang sibilyan sa Cagayan de Oro. Pero parang hindi naman niya maatim na sabihin sa lalake na duda siya sa ipinagbubuntis ni Via. Kahit papano- asawa na niya ang babae- kahit hindi niya mahal.

“Wala. Ang ibig kong sabihin, duda akong na-love at first sight siya sa akin noong birthday mo kaya hindi na niya ako tinantanan.”

Natawa si Mozi. “Baka nga. So teka, bakit ka nga napunta dito? Anong maitutulong ko?”

“Kailangan kong maghanap ng bahay na matitirhan namin.”

“Wow, padre de pamilya ka na talaga mag-isip ha. Saan mo ba gusto?'

“Yung malapit lang sa kampo. Kung puwede nga lang, sa loob nalang kami e. Kaso siyempre, hindi ko naman puwedeng itira sa quarters ng mga sundalo si Via. Mukhang hindi sanay sa hirap yun e.”

“Anak-mayaman yun. Nakuwento ni Allister dati, puro bigating businessmen daw lagi ang bisita ng daddy ni Via sa bahay nila. Tumira sa kanila si Allister three summers ago.”

“Yun na nga e. Sa yaman niyang yun e ako pa ang pinili. Puwede naman siyang makapag-asawa ng iba. Pare naman, anong ipapakain ko sa kanya? Okra?”

Natawa ng malakas si Mozi kaya pati siya ay natawa na rin sa sinabi.

“Ang totoo, may binibigay na tirahan sa amin ang tito ni Via. Libre daw kami ng isang taon,” pag-amin niya. What's the point of hiding the truth? Kaya naman talaga siya pumunta kay Mozi in the first place ay para humingi ng opinyon. “Kaso, parang... alam mo yun, lahat nalang binibigay? Para bang... di ko ba kayang maghanap ng sarili naming tirahan? Nakaka-low morale.”

In fairness ay sumeryoso si Mozi at umupo sa tapat niya.

“Well, kilala ko si Mayor ng personal. Hindi siya mapang-matang tao. I guess pare... it's more on... gusto niya kayong mabigyan ng head start kahit papano. Sa ganitong paraan lang siguro niya pinaparamdam ang suporta niya.”

“Pero nakakababa pa rin ng pagkatao e.”

“Huwag mong isipin yung ganun. Sa panahon ngayon, lahat tayo dapat maging praktikal. May gustong magbigay sayo ng libreng tirahan- tatanggihan mo ba?”

“Are you telling me na tanggapin ko na?”

“Isang taon lang naman di ba? At least maitatabi mo ang dapat na pambayad sa renta ng bahay di ba? Siguro kasi, naisip ni Mayor na mas kelangan mo ang pera kapag nanganak na si Via.”

“Baka naman hindi na ako makakilos niyan ng maayos, kasi siyempre parang hindi ko na yun pamamahay. Hindi ako ang nagbabayad e.”

“Hindi mo naman sila kasama sa bahay e.”

Saglit siyang nag-isip. Tempting, pero mabigat talaga sa loob niya.

“Mas hindi mo naman siguro tatanggap ang pera mismo- kapag nag-alok si Mayor ng financial assistance di ba?”

Ang bilis ng iling niya. “Grabe na yun pare- para na akong inutil nun!”

“Exactly. Since alam niyang hindi mo kukunin kapag in cash ang tulong niya, ginagawa niya ngayong in-kind. Mautak yang si Mayor.”

“Kung ganyan ang tiyuhin ni Via, ano pa kaya ang tatay niya?”

“Gusto mo- sabihin ko kay Mayor na sabik ka nang makilala ang tatay ni Via?” Nakangising tanong ni Mozi. “

“Sira-ulo!”

Nagkatawanan silang magkaibigan!

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 223 21
Paano na 'yung pangako natin sa isa't isa. Paano na 'yung pangarap natin na maging tayo hanggang dulo. Paano mo pa ako mamahalin kung may mahal ka ng...
179K 4.6K 32
I have searched in places, I've waited for years, I've taken all the chances, I've cried so many tears, I've seen so many faces, I've hid a lot of fe...
2.2M 97.4K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
218K 3.8K 32
Angela montehano was truly, madly, deeply in love with Ivo Imperial. It was highschool romance. Eversince she knows how to love ay wala siyang ibang...