The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7.1M 228K 48.4K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 31

90.6K 3.4K 988
By Maria_CarCat

Magnanakaw







Nahihiya akong napayuko ng makita ko ang pagtitig sa akin ni Piero. Kita ko sa kanyang mga mata na hindi siya naniniwala sa sinabi ng ina. "Piero anak..." pagtawag ni Ma'm Maria sa kanya dahil sa patuloy na pagkabato nito.

Kaagad siyang nagiwas ng tingin ng makabawi. "Please be nice to Amaryllis. Please..." pakiusap ni Ma'm Maria sa kanya.

Kita ko ang pagikot ng mata nito dahil sa pagirap. "I can't promise" matigas na sabi niya at kaagad na lumabas duon.

Napabuntong hininga si Ma'm Maria at muli akong hinarap. "Pagpasencyahan mo na si Piero, matagal ng ganyan iyan" natatawang sabi na lamang niya kaya naman tipid akong ngumiti.

"Naiintindihan ko po" malumanay na sabi ko.

Napangisi si Ma'm Maria. "Alam mo sa tingin ko, napainom ko si Piero ng expired na gatas kaya ganyan" biro pa niya sa akin na pareho naming ikinatawa.

Binigyan ako ni Ma'm Maria ng ibang dollshoes na pwede kong suotin. Hawak hawak niya ang aking kamay pagkababa namin sa kanilang magarang mansion. Mas nabigla ako ng makita kong kumpleto na sa may sala ang quadruplets. Parang bigla akong nanibago na makita silang magkakasama, halos magkakamukha.

Pero pareho pareho lang silang nabato sa kinauupuan at napanganga habang pababa kami ni Ma'm Maria sa hagdanan, pwera kay Piero na hindi man lang nagtapon ng tingin sa amin. "Who the hell?" Wala sa sariling sambit ni Kuya Kenzo, nakilala ko kaagad siya dahil sa suot na white coat.

"Everyone, meet Amaryllis Sachi's twin" pagpapakilala ni Ma'm Maria sa akin kaya naman nahihiya ko silang nginitian.

Kaagad na napatayo si Kuya Kenzo at Kuya Tadeo. Nanatiling nakaupo si Kuya Cairo na nakita ko na kanina. Lumapit silang dalawa sa akin, titig na titig sa aking mukha. Kita ko ang panunubig sa mata ni Kuya Tadeo, walang sabi sabi ako nitong niyakap.

Hinayaan ko na lamang siyang yakapin ako. Pero hindi sinasadyang napatingin ako sa kinauupuan ni Piero. Matalim ang tingin niya sa akin. Nagiwas na lang kaagad ako ng tingin sa kanya.

Matapos akong yakapin ni Kuya Tadeo ay si Kuya Kenzo naman ang pumalit. "Can i hug you?" Paghingi niya ng permiso na kaagad ko namang tinanguan.

"Parang si Sachi na din ang niyayakap ko..." emosyonal na sabi niya habang nakayakap sa akin. Hinayaan ko na lamang sila, naiintindihan ko naman na nangungulila pa din sila sa aking kapatid.

Pagkatapos nuon ay hinila ako ni Ma'm Maria paupo sa sofa kaharap ang mga ito na hindi pa din maalis ang pagtitig sa akin. Napansin ni Ma'm Maria ang aking pagkailang sa mga ito kaya naman natatawa niya itong sinaway.

"Mga anak naman, para namang ngayon lang kayo nakakita ng magkamukhang tao. Eh apat nga kayong magkakamukha" suway sa mga anak.

Hindi na nakapagsalita ang mga ito. Muli akong napatingin kay Piero pero kaagad na nanlaki ang aking mga mata ng muli kong makitang titig na titig siya sa akin, nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay mabilis niya akong inirapan at tsaka nagiwas ng tingin. Napanguso na lamang ako.

Kung ano anong tanong ang ibinato sa akin ng mga ito, halatang interisado na makilala ako. "Bakit hindi silang dalawa ni Sachi ang inampon niyo Mommy?" Tanong pa ni Kuya Cairo dito.

Dumating ang mirienda. Kaagad akong napangiti ng makita ang malaking bowl na puno ng Kikiam. Kaagad iyong inilapag ng kasambahay sa gitna ng malapad na center table sa kanilang sala kasama ng lasagna. Muling nagbalik sa akin ang unang araw ko sa kanila nuon, ganitong ganito din ang mga pagkain.

"Kumain ka Hija" malambing na sabi ni Ma'm Maria. Siya pa mismo ang naglagay ng Lasagna sa maliit na platito.

Nang masiguradong ayos na ako ay tsaka niya lamang sinagot ang tanong ni kuya Cairo. "Ayaw ni Amaryllis eh, ayaw niyang iwan ang Papa niya. Sobrang bait na bata nito" pagbibida pa ni Ma'm Maria. Ramdam ko ang pagpula ng aking mga pisngi.

"So niloko niyo kami Mommy?" Laban pa ni Kuya Kenzo. Para silang mga bata sa harap ng kanilang Mommy. Sandali kong sinulyapan si Piero pero tahimik lamang ito sa kabilang upuan. Malalim pa din ang iniisip.

Napatawa si Ma'm Maria dahil sa sinabi ni Kuya Kenzo. Kaagad akong tumusok nung Kikiam at kumain. Hindi naman nila ako pinakialaman dahil panay pa din ang tanong nila kay Ma'm Maria. Tutusok sana ulit ako ng kaagad akong magulat ng lumapit si Piero duon ay dumakot ng marami.

"Siraulo..." naiiling na sabi ni Kuya Tadeo. Kaming lahat ay nakatingin sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay. Tamad kaming tiningnan "What?" Mapanuyang tanong sa mga kapatid.

Tumayo si Kuya Kenzo para lagyan ako ng maraming Kikiam sa isa pang platito. "Kain ng madami" nakangiting sabi niya sa akin na may kasama pang pagtap sa ulo. Uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa pagiging sweet nito.

Pero hindi ko naituloy iyon ng mulo ko nanamang naramdaman ang matalim na tingin ni Piero sa akin. Napabaling ako sa kanya, masama nanaman ang tingin niya sa akin. "This was happend before" naaamaze na sabi ni Kuya Cairo. Napatango silang lahat at dahan dahang tumingin kay Piero.

"Sabi na, ikaw talaga ang nagpaiyak kay Amaryllis dati" pangaasar ni Kuya Tadeo sa kanya at tsaka pa siya binato ng throw pillow.

Napatigil lang ang kanilang pagaasaran ng dumating si Sir Alec. Kaagad na tumayo si Ma'm Maria para salubungin ang asawa. Humalik siya dito bago niya ito hinila papalapit sa akin. Kita kong hindi din nawala ang tingin nito sa akin.

"Remember Amaryllis?" Tanong niya sa asawa. Napatango ito, kaagad akong tumayo para sana magmano. Ang kaso naisip kong parang masyadong nakakatanda iyon.

Nagulat na lamang ako ng humalik siya sa aking ulo. "Welcome back..." sabi niya sa akin. Tipid na lamang akong ngumiti at napayuko.

Sandaling umalis si Ma'm Maria para asikasuhin si Sir alec. Naiwan ako kasama ang quadruplets. "Nice bangs..." nakangising sabi ni Kuya Tadeo.

Napanguso ako at kaagad na napasuklay duon. Ganuon din kasi ang sinabi ni Kuya Cairo sa akin kanina. May ilan pa silang itinanong sa akin, ang ilan sa mga iyon ay hindi ko nasagot dahil hindi ko pa naaalala. Naiintindihan ako ni Kuya Kenzo dahil isa siyang Doctor.

"Kamusta na yung tinatayo mong Peanut Farm?" Tanong ni Kuya Cairo kay Piero kaya naman natahimik kaming lahat.

Tamad itong ngumunguya habang nakatingin sa kanyang kinakain na kikiam. "Ayun, mani pa din..." tamad na sagot niya.

Napairap na lamang si Kuya Cairo dahil sa sinagot nito. Maging sa aming dinner ay naging tahimik si Piero. Hindi ko alam kung anong gumugulo sa isip niya. Marahil ay inaalala pa din niya ang nalaman.

"Saan ka tumutuloy ngayon?" Tanong ni Sir Alec sa akin sa gitna ng aming pagkain.

Sandali ko munang inubos ang aking nginunguya bago siya sinagot. "Uhm sa kaibigan ko po" naiilang na sagot ko at bahagyang napatingin kay Piero na inirapan lamang ako.

Gusto pa sana ni Ma'm Maria na duon ako matulog sa kanila at gamitin ko ang kwarto ni Sachi pero tumanggi na ako. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil kahit hindi naman ako ang Sachi na naging parte ng pamilya nila ay hindi ko naramdamang itinuring nila akong iba sa maiksing panahon.

"Ipapahatid na kita sa driver" sabi niya sa akin pero kaagad na sumabat si Piero.

"Ako na ang maghahatid sa kanya Mom, same way lang naman" tamad na sabi nito kaya naman lumaki ang ngiti ni Ma'm Maria.

Hinintay naming mailabas ni Piero ang kanyang sasakyan mula sa kanilang garahe. Nagulat ako ng hawakan ni Ma'm Maria ang aking kamay. "Balik ka ha..." pakiusap niya sa akin.

"Opo, wag po kayong magalala" paninigurado ko sa kanya.

Kita ko ang paglambot ng kanyang ekspresyon. "You like my Piero...I see it, everytime you look at him" sabi niya sa akin na ikinabato ko. Hindi ako nakapagsalita, kaagad akong nakaramdam ng hiya dahil sa Mommy pa ni Piero iyon nanggaling.

Napangisi si Ma'm Maria. "Before mawala si Sachi sinabi niya sa akin ang lahat. Kung paano ka magalala sa kanya, kung paanong nawala ang scholarship mo dahil umattend ka sa competition ni Piero nung mga panahong wala kami para sa kanya..." pagsisiwalat niya na ikinalaki ng aking mata.

"Araw araw ka ding nagdala ng pagkain sa harapan ng condo niya dahil nagaalala ka na baka hindi siya makakain ng maayos" pagpapatuloy ni Ma'm Maria. Naging emosyonal ito. Marahang hinawakan ang aking pisngi.

"He needs to know" sabi pa niya sa akin kaya naman naginit ang gilid ng aking mga mata. Naramdaman ko ang pagsakit ng aking lalamunan dahil sa pagpipigil ng luha.

Marahan akong umiling. "Hindi na po kailangang malaman ni Piero, hindi ko naman po iyon ginawa para humingi ng kapalit mula sa kanya. Masaya po nung mga panahong iyon, wala po akong pinagsisihan sa mga ginawa ko para sa kanya" emosyonal na sabi ko kay Ma'm Maria.

Napangiti siya. "Napakabuti ng puso mo Amaryllis" puri pa niya sa akin bago nila marahang hinaplos ang aking buhok.

"I want you for Piero, you have my blessings" paninigurado niya sa akin kaya naman halos magtubig ang aking mga mata dahil sa narinig.

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at kaagad na napayakap sa kanya. Minsan ko lang marinig na mayroong taong gusto din ako. Kaya naman walang mapaglagyan ang aking tuwa.

Kumpleto silang naghatid sa akin palabas. Ilang beses ko ding narinig sa kanilang bumalik ako. Muli kong naramdaman ang magkaroon ng kumpletong pamilya. Sobrang saya ko.

"Put the fucking seatbelt on" matigas na utas ni Piero pagpasok ko sa kanyang sasakyan.

Unti unting nawala ang ngiti sa aking labi. Kung paano ako tanggapin ng kanyang pamilya ay ganuon naman ang pagdisgusto niya sa akin. Tahimik kong ikinabot ang seatbelt.

Umandar ang sasakyan palayo duon kaya naman muling napalitan ng lungkot ang puso ko. "So you are the disgusting version of Sachi i met years ago..." mapanuyang sabi niya kaya naman napahigpit ang hawak ko sa strap ng seatbelt.

Hindi ako umimik, sa tuwing iinsultuhin niya ako o may sasabihin siyang hindi maganda tungkol sa akin ay pakiramdam ko wala akong karapatang sagutin siya.

Mapanuya itong napangisi. "And FYI, hindi tayo friends..." anya.

Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan ng maalala ang isinagot ko sa kanila ng itanong nila sa akin kung saan ako nakatira.

"You enjoy being Sachi huh? Ano Amaryllis...masarap ba maging si Sachi?" Patuloy na panunuya niya sa akin.

Napailing ako. "Wala naman akong intensyon na ganoon. Ni minsan hindi ako nakaramdam ng inggit sa kapatid ko. Masaya ako para sa kanya..." laban ko dito.

Kung husgahan kasi ako nito ay parang alam niya ang lahat tungkol sa amin ng kakambal ko. "Sinungaling" galit na utas niya.

Tumulo ang masasaganang luha. "Pwede mo akong insultuhin tungkol sa pagsisinungaling ko sayo, pero hindi mo alam kung anong isinakripisyon ko para sa kapatid ko" umiiyak na sabi ko sa kanya pero mas lalo ko lamang nakita ang paghigpit ng hawak ni Piero sa manibela.

"Mahal ko si Sachi...higit pa sa sarili ko" dugtong ko pa.

Hinampas ni Piero ang manibela dahil sa galit. "Then bakit si Sachi...bakit si Sachi pa?" Emosyonal na tanong niya sa akin kung bakit  ako ang nandito at hindi ang kapatid ko. Kung bakit ako ang buhay at hindi siya.

Napahagulgol ako bago ako makasagot sa kanya. "Ilang beses ko ding itinanong sa sarili ko yan Piero. Ako ang may sakit, sana ako na lang yung nawala. Sana hindi na lang si Sachi kasi maraming taong nagmamahal sa kanya...maraming masasaktan" pagpapatuloy ko at pumiyok pa.

Umiiyak kong tinuro ang aking sarili. "Kung sa akin wala, mas makakatulong pa nga iyon kay Papa kung ano na lang yung nawala para hindi na nila problemahin ang mga gamot at theraphy ko. Hindi lang ikaw ang nagiisip ng ganyan Piero. Kasi kahit ako, nagtatanong din kung bakit ako pa yung na buhay" laban ko sa kanya. Halos hindi ko na makilala ang boses ko dahil sa pagiyak.

"Wag kang matakot na maging malapit ako sa pamilya mo, minsan ko na kayong binitawan para sa kapatid ko. Kahit gustong gusto ko sa inyo nuon." Pagpapatuloy ko pa. Hindi ko na napigilan ang aking emosyon. Naipon na lahat.

Hindi siya nagsalita, tahimik siyang nagdrive. Hindi ko na siya nilingon at kaagad na itinuon ang aking paningin sa bintana. Tahimik akong umiyak hanggang sa makauwi kami. Walang imik akong bumaba at dumiretso sa loob ng bahay. Dumiretso ako papasok ng banyo para ayusin anh aking sarili. Hindi ko ginustong magburst out sa harapan niya. Hindi ko din gustong sabihin ang mga iyon na para bang nanunumbat ako. Pero hindi ko na kinaya, napuno na anh aking dibdib.

Kaagad akong humiga sa sofa at tumalikod. Pinilit kong ipinikit ang aking mga mata para wala ng luha pang lumabas mula duon. Nakakapagod magmukhang masama, kahit anong kabutihan ang gawin mo, hindi niya makikita iyon. Minsan lang akong magkasala kay Piero, pero nabaliwala lahat ng ginawa kong mabuti.

Nakatulugan ko na ang pagiyak ng gabing iyon. Kaya naman paggising ko kinaumagahan ay namamaga ang aking mga mata. "Ayos ka lang ba?" Nagalalang tanong ni Lance sa akin ng makita niya ang aking itsura.

Napayuko lamang ako at napatango. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking ulo. "Kain tayo, maagang umalis si Piero. Nagbalik trabaho na" sabi pa ni Lance sa akin na ikinatango ko.

Halos araw araw ay ganuon na ang nangyari. Hindi ko na halos nakita si Piero. Aalis siyang tulog ako at uuwi na tulog ako. Kahit papaano ay hindi ko naiwasang magalala sa kanya.

"May Mission ba si Piero, delikado ba?" Nagaalalang tanong ko kay Lance.

Napanguso lamang ito. "Hindi siya nagsasabi eh, pero wag kang magalala kayang kaya ni Piero iyon" pagpapagaan niya ng loob ko pero kahit anong pangungumbinsi ko sa aking sarili ay hindi pa din nagbago ang aking kabang nararamdaman.

Lumipas pa ang ilang araw, halos magdadalawang linggo konh hindi nakita si Piero kahit pa sa iisang bahay lamang kami nakatira.

"Tinatanggap ba niya yung mga pinapabaon natin sa kanya?" Panguusisa ko kay Lance isang umaga ng makaalis na si Piero.

Napangisi ito. "Inaway pa nga ako nung una. Ang arte arte talaga nun" natatawang kwento niya sa akin.

Pinakiusapan ko kasi siyang wag sabihin dito na sa akin nanggagaling ang mga iyon. Siguradong hindi niya tatanggapin. Napanguso pagkatapos humugot ng malalim na paghinga. Kahit anong gawin ko ay nagaalala pa din ako para kay Piero. Palagi akong nagaalala para sa kanya.

"Nauubos naman niya yung mga ibinibigay mo, wala ng laman ang lunch box pagumuuwi siya" sabi pa ni Lance sa akin kaya naman tipid akong napangiti.

Pareho kaming nagulat ng makita namin si Piero sa may pinto ng dinning, matalim ang tingin niya sa amin ni Lance. Kaagad akong nakaramdam ng kaba dahil dito. Halos ilang araw ko din siyang hindi nakita kaya naman ang lakas ng epekto niya ngayon sa akin. Marahas niyang kinuha ang lunch box mula sa duffle bag na dala niya.

"Ginagago niyo ba akong dalawa?" Asik niya sa amin kaya naman nakaramdam ako ng hiya ng madamay pa si Lance.

"Piero naman nagaalala lang kami sayo. Nagaalala si Amaryllis sayo" giit ni Lance.

Napatakip ako sa aking tenga ng makita kong binato niya ng malakas ang lunch box sa pader dahilan kung bakit kumalat sa sahig ang lahat ng laman nuon. Hindi pa siya nakuntento dahil muli pa niya akong nilapitan at hinaklit sa braso.

"Sino ka ba sa akala mo? Bakit ba pilit mong pinapakialaman ang buhay ko?" Galit na tanong niya sa akin.

Hindi ako nakasagot kaya naman marahas niya akong binitawan. "Tigilan mo na ako" pagbabanta pa niya bago siya nagmamadaling lumabas at umalis ng bahay. Napailing na lamang si Lance.

Matapos iyon ay nagawa ko pa ding nagayos ay pumasok sa trabaho. Aalis din siya para ayusin yunh itinatayo nilang farm ni Piero.

"Magandang umaga po Aling Chona" bati ko dito pero inirapan niya lamang ako.

Maaga pa lang ay marami ng hugasin. Itinuon ko na lamang ang buong atensyon ko duon. Nalungkot din ako ng maalalang wala si Julie ngayong araw, nagday off ito para makauwi sa kanila pero babalik din matapos ang ilang araw. Saglit lang ako kumain at kaagad ding bumalik sa trabaho.

Maingay sa loob ng karinderya, nagsidatingan kasi ang mga kaklase ni Chito at nagiinuman sila. "Mag over time ka" sabi ni aling Chona nang makita niyang nagaayos na ako ng aking mga gamit pagsapit ng alasingko ng hapon.

"Pero po..." pagtanggi ko sana pero tinaasan niya lamang ako nh kilay.

"Maraming hugasin sa labas, sino sa tingin mo ang maghuhugas niyan?" Mapanuyang tanong niya sa akin kaya naman hindi na ako nakasagot.

Halos magiisang oras din akong naghintay bago ko narinig na nagpaalam na ang kanyang mga kaibigan. Sarado na ang karinderya at sila na lang ang tao, simula kaninang tanghali pa sila nagiinuman kaya naman siguradong lasing na din ang nga ito.

Mabilis akong pumasok sa karinderya at kinuha ang mga ginamit nila. Wala na din si Chito mukhang inihatid sa labas ang kanyang mga kasama. Hindi nagkasaya sa lalagyan ko ang mga iyon kaya naman bumalik ako sa pangalawang beses.

"Ikaw pala yan...pasencya ka na" nakangising salubong sa akin ni Chito, lasing na lasing na ito. Halos hindi na nga siya makatayo ng maayos dahil sa sobrang kalasingan.

"A...ayos lang" naiilang na sabi ko sa kanya. Mas binilisan ko ang pagkuha ng mga natitirang plato sa lamesa para madala na iyon sa likod at mahugasan.

Nakaramdam ako ng kaba ng lumapit ito sa akin, hinaplos niya ang braso ko pababa sa kamay kaya naman kaagad kong tinabig ang kamay niya. "Lasing ka na Chito" giit ko sa kanya at kaagad siyang tinalikuran. Mabilis akong bumalik sa likuran at nagumpisang maghugas.

Napahinto ako ng makita kong sumunod si Chito sa akin. Kaagad akong napatingin sa palaigid. Kaming dalawa na lamang ang nanduon. Dahil sa kaba ay kaagad kong hinubad ang suot na apron at dinampot ang aking bag.

"Uuwi na ako..." natatakot na sabi ko, wala na akong pakialam kung hindi ko mahugasan ang mga iyon, tatanggapin ko na lamang ang galit ni Aling Chona kinabukasan.

"Hindi ka uuwi" matigas na utas ni Chito at kaagad na humarang sa aking daraanan. Madilim na sa labas at tahimik.

"Wag kang lalapit sa akin, sisigaw ako!" Pagbabanta ko sa kanya pero nginisian lamang ako nito.

Napadaing ako ng kaagad niyang hinila ang buhok ko at tsaka tinakpan ang aking bibig. Nagpumiglas ako, kaagad ko siyang pinagpapalo. "Pakipot ka pa ha" nakangising sabi niya bago niya ako itinulak palapit sa may mahabang mesa.

"Chito ano ba, bitawan mo ako!" Sigaw na pagpupumiglas ko ng mawala ang kamay niya sa aking bibig.

"Tulong!" Malakas na sigaw ko.


"Aling Chona!" Umiiyak na sigaw ko pa.

Dahil sa aking pagsigaw ay kaagad niya akong iniharap sa kanya at malakas na sinampal. "Sabing wag kang maingay!" Galit na utas niya sa akin.

Nalasahan ko ang dugo dahil sa pagputok ng gilid ng aking labi dahil sa lakas ng pagkakasampal niya. Muli akong umiyak at nagpumiglas. Pero kaagad niyang hiniga ang kalahati ng aking katawan sa lamesa.

"Tulong!" Malakas na sigaw ko ng punitin niya ang damit ko at nagsimula siyang halikan ang leeg ko.

Inipon ko ang lakas ko para itulak siya malayo pero masyado siyang malakas at mabigat. Pilit niyang inaabot ang labi ko para halikan kaya naman ginawa ko ang lahat para iiwas iyon.

"Chito!" Sigaw ng kararating lang na si aling Chona. Mabilis na hinala ang anak.

Mas lalo akong napaiyak at napayakap sa aking sarili. Nasira ang damit ko dahil sa pagkakapunit niya dito. Napamura si aling Chona at kaagad na pinagsasampal ang anak.

"Punyeta ka, dito ka pa gagawa ng kagaguhan mo!" Galit na kastigo niya sa anak habang paulit ulit itong sinampal at pinaghahampas.

Napahagulgol ako. "Ipapakulong kita!" Sigaw na pagbabanta ko habang yakap yakap pa din ang sarili dahil sa nasira kong damit.

Parang biglang natauhan si Aling Chona dahil sa narinig. "Anong sabi mo?" Galit na tanong niya sa akin.

"Ipapakulong ko po ang anak niyo, gusto niya akong pagsamantalahan" umiiyak pa ding sagot ko sa kanya.

Nanlisik ang kanyang mga mata at kaagad na lumapit sa akin para sampalin ako. "Wala kang utang na loob!" Sigaw niya sa akin.

Hindi ako nakasagot at tsaka muling napahagulgol. Mula sa labas ay narinig namin ang pagdating ng mga tao. Kita ko ang pagkataranta sa mukha ni Aling Chona, takot na malaman ng lahat ang ginawa ng anak.

"Ma, ayokong makulong!" Natatakot na sabi ni Chito ng magising sa kanyang ulirat. Hindi sila napakali na dalawa, tatakbo na sana ako palabas ng kaagad na humarang si Aling Chona sa aking daraanan.

"Kuhanin mo yung bag niya" utos niya kay Chito kaya naman nabato ako, naguguluhan sa nangyayari. Kaagad na pinulot ni Chito ang bag ko at inabot iyon sa ina.

Nanlaki ang aking mga mata ng kaagad na nilagyan ni Aling Chona iyon ng malaking halaga ng pera. "Anong ginagawa niyo?" Laban ko sa kanila. Nilapitan ko siya para agawin ang bag ko ng kaagad niya akong itinulak.

"Magnanakaw ka!" Akusa niya na ikinagulat ko.

"Hindi yan totoo!"

"Anong nangyayari dito?" Humahangos na tanong ni Mang Tino kasama ang ilang mga kakilala.

Kaagad akong dinuro ni Aling Chona. "Magnanakaw ang babaeng ito!" Turo pa niya sa akin.

Kita kong hindi kaagad naniwala si Mang Tino sa kanyang sinabi. Marahas akong umiling. "Hindi yan totoo!" Sigaw ko.

"Gusto akong pagsa..." hindi ko na naituloy iyon ng kaagad niyang hinila ang buhok ko para hindi ako makapagsalita pa.

"Magnanakaw ka" patuloy na pagsisinungaling pa niya.

Kinaladkad niya ako palabas ng karinderya. Madami ng taong nakikiusyoso duon. Saktong dumating na din ang mga pulis na malapit sa amin. "Anong nangyayari dito?" Tanong ng isa sa kanila.

Kaagad silang napaniwala ni aling Chona. Dinala nila ako sa presinto at kaagad na ikinulong. "Parang awa niyo na po, hindi po ako magnanakaw" umiiyak na pakiusap ko sa mga ito.

Hindi nila ako pinansin. "May ibidensya hija. Pasencya ka na" sabi pa ng isa sa kanila kaya naman nanghihina na lamang akong napaupo at nakapakit sa selda.

Muling napahigpit ang hawak ko sa punit kong damit para hindi ako makitaan. May isang babae lamang akong kasama sa loob ng kulungan. Nakatingin lamang ito sa akim kaya naman tahimik akong umiyak.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ni hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makatawag sa bahay. Pasado alasyete ako dinala sa presinto, nang muli akong tumingin sa nakasabit na orasan ay nakita kong magaalas dose na ng gabi.

Muli akong napaiyak. Umaasa pa din akong hinahanap din nila ako sa bahay. Sigurado kasing magtataka sila kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ako. Wala pang alasais minsan nasa bahay na ako. Napayakap ako sa aking sarili, magisa nanaman ako.

"Nandito kami para kay Amaryllis Guevarra" narinig ko ang boses ni Lance mula sa labas kaya naman kaagad akong nabuhayan ng loob.

"Lance!" Umiiyak na tawag ko sa kanya.

Maya maya ay may dumating na pulis para palabasin ako. Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa kanila. Naabutan ko sila ni Piero na nakikipagusap sa front desk. Nang makita ay kaagad akong nilapitan ni Lance.

"Wala akong kasalanan" umiiyak na sumbong ko sa kanya. Kaagad niya akong niyakap.

Si Piero ay nanatiling nakatayo sa tabi nito matalim na nakatingin sa akin. "Nagnakaw siya..." sabi ng pulis kaya naman kaagad akong umiling.

"Hindi totoo yun, gusto akong pagsamantalahan ni Chito. Binaliktad lang ako ni Aling chona para hindi makulong ang anak niya" umiiyak na sumbong ko kay Lance. Bumaba ang tingin nito sa damit kong hawak hawak ko dahil sa pagkasira.

Hinampas niya ang front desk. "Ayun naman pala! Bakit siya ang kinulong niyo?" Galit na tanong niya sa mga pulis.


Halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang pagiyak. Nanginginig ang aking mga kamay na nanatiling nakahawak sa aking punit na damit.

Nakipagsagutan si Lance sa mga pulis para ipagtanggol ako. Nakita ko ang marahas na paghubad ni Piero sa kanyang suot na jacket. Iniabot niya iyon sa akin.

"Isuot mo ito" galit na utos niya.

Nang nainip siya dahil sa bagal kong gumalaw ay siya na mismo ang nagsuot nuon sa akin. "Sinong gumawa?" Matigas na tanong niya.

Galit na galit ito. "Si Chito..." garalgal na sagot ko sa kanya.

Naikuyom niya ang kanyang kamao. Kaagad niya akong tinalikuran at mabilis na lumabas sa presinto. "Piero teka" sigaw na habol ko sa kanya.

Malalaking hakbang ang ginawa niya. Tumakbo ako para mahabol siya. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mukha. "Piero wag na..." pakiusap ko sa kanya. Sigurado akong susugurin niya si Chito at hindi ko alam kung anong pwedeng magawa ni Piero dito.

Sinubukan ko siyang hawakan para pigilan pero nagpatuloy pa din siya. Nang makakuha nang tiempo ay kaagad akong humarang sa daraanan niya. "Please Piero wag na, baka mapahamak ka pa" umiiyak na pakiusap ko sa kanya.

Napatigil siya, matalim na nakatingin sa akin. "Ayokong mapahamak ka dahil sa akin" pumiyok na sabi ko.

Malutong siyang napamura bago niya ako hinila papalapit sa kanya. Nagulat ako ng kaagad niya akong ikinulong sa mga bisig niya. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamao na nasa aking likuran.

"Wag na please" pahabol na pakiusap ko pa sa kanya.

Nanatiling kaming ganuon hanggang sa maramdaman ko ang unti unting pagkalma ni Piero. Mas lalo akong napahagulgol dahil sa init ng kanyang yakap. Akala ko ay hindi ko na ulit siya mayayakap ng ganito.

"Shhh...Tahan na" pagaalo niya sa akin kaya naman mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.


















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

9.2M 247K 66
The Doctor is out. He's hiding something
231 88 7
Girl Series #2 Yrina Larisse Valeco -Leyaanaviaaa. Date Started: February 15, 2022 Date Ended:
357K 5.4K 23
Dice and Madisson
252K 14K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.