Ang Basagulerang Si Ako (COMP...

By joyang_27

188K 8.6K 486

Kilalanin si Caroline Salvador. Maganda Matalino Mala-anghel ang mukha Mabait? Hindi siya basta bastang baba... More

Ang Basagulerang Si Ako
Simula
01
02
03
Meet the Characters
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
Wakas
Special Chapter
Announcement

71

1.2K 58 1
By joyang_27

"So... ano ng mangyayari sa pagitan niyong dalawa?" tanong ni Ivory bago inabutan ako ng milk tea.

Kinuha ko naman ito't tahimim na ininom. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Lawrence, hindi na siya pumasok sa afternoon class.

Tapos si hunghang naman, tanong ng tanong kung saan ako pumunta at bakit daw namumugto ang mata ko. Hindi na lang ako nagsalita at piniling pinakinggan ang mga tanong niya.

In the end, nagsawa rin siya sa kakatanong at parang naramdaman niyang wala ako sa mood. After ng klase, sinabi niyang may aasikasuhin siya kaya nauna na ako sa dorm.

Pero syempre, hindi muna ako bumalik sa dorm dahil pagkaalis ni hunghang, nilapitan ako ni Ivory at niyaya rito sa lounge. Pagkainan ulit sa school.

"Hindi ko alam," wala sa sarili kong sagot.

Naikwento ko na kay Ivory ang nangyari, kasi feeling ko masyadong masakit para sa akin kapag wala akong napagsabihan. Pero ang naiwang tanong sa utak ko, ay ang huli niyang sinabi.

Iniisip ko kung ano bang kasalanan ang nagawa niya't kailangan ko pa siyang kamuhian.

"Haay nako. Grabe rin pala 'yang pagmamahal niya sa'yo. Akala ko kasi wala ng ganun sa panahon ngayon," sabi niya't umupo na sa harapan ko.

Malalim akong napabuntong hininga. "Hindi ko rin naman inaasahan na ganun kalalim para iyakan niya ako ng ganun."

"Hindi mo naman kasalanan, eh," nakangiting pagpapalakas ng loob ni Ivory sa akin.

Nakakainis naman kasi ang gunggung na 'yun! Nakikisabay sa uso! Sa lahat pa ng pwede niyang mahalin, ako pa! Pwede namang itong si Ivory na lang! Sumasakit ang utak ko sa kanya!

"Maiba tayo ng usapan," panimula ni Ivory kaya naman napatingin ako sa kanya habang umiinom. "Bakit parang galit kanina si Tristan ng may iabot siya sa'yo sa room?" tanong niya na nagpaubo sa akin. "Ay hala. Grabe yung effect sa'yo ng pangalan niya?" natatawa niyang sabi na inabutan ako ng tubig.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakainis ka rin talaga Ivory, noh?

"Nananadya ka ba?" inis kong sabi pagkatapos kong uminom.

"Hindi naman, ikaw ha. Sabihin mo nga sa akin, gusto lang ba talaga ang nararamdaman mo sa kanya? Baka naman nag-level up na," curious niyang tanong.

"Tigilan mo nga ako Ivory. Ikaw naman kasi ang may kasalanan nito, eh!"

"Anong ako? Joke lang naman ang sinabi ko nun, ah. Malay ko bang totoo pala."

"Kasalanan mo pa rin," giit ko't uminom ulit sa milk tea na nasa harapan ko.

"Pero ano nga, bakit galit siya kanina?"

Inirapan ko siya bago kinuha ang note na nilagay ko sa bag. "Dahil diyan," paglalapag kong sagot ng note sa ibabaw ng mesa.

Kinuha niya ito't binasa. Lumaki ang mata niya bago tumingin sa akin. "Woah... bilib na talaga ako sa'yo," sabi niya saka ibinalik sa akin ang note na agad ko namang tinago ulit sa bag.

"Anong bilib na naman ang sinasabi mo diyan?"

"Kasi naman... ang daming nagkakagusto sa'yo. Haba ng hair mo, ah."

"At sa tingin mo talaga gusto ko ang nangyayari?"

Yung pag-amin pa nga lang ng gunggung na Lawrence hindi ko ma-take.

"Hahaha! Paano kung si Tristan ang umamin sa'yo? Siguro matutuwa ka, noh?" may panuksong sabi nito na ikinairap ko.

Pero nakaramdam ako ng kaunting saya sa sinabi niya. Aish!

"Oh! Oh! Namumula ka hahaha!" Pinisil niya pa ang pisngi ko na agad kong hinampas.

"Nakakainis ka na ha. Namumuro ka na sa akin Ivory."

"Hindi ko lang kasi in-expect na ganito ka pala kapag may nagugustuhan. Nawawala ang coolness mo," tumawang sabi nito na umiling pa.

"Bahala ka nga diyan," inis kong sabi't pinasadahan ng tingin ang buong lounge.

Ibabalik ko na sana ang tingin ko kay Ivory ng makita ko si hunghang na kasama si bruhildang bigas. Nakaupo sila hindi kalayuan sa table namin at parang may pinag-uusapan.

Nakaramdam ako ng inis na naging dahilan kaya hindi ko maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Oh. Anong nangyayari sa'yo?" tanong ni Ivory pero hindi ko siya tinignan.

Naiinis ako sa nakikita ko. Ito ba ang gagawin niya? Ang makipag-date?!

"Ano ba kasing tinitig--ah.... kaya pala hahaha."

Inis akong umiwas ng tingin kay hunghang at bigas. Naiinis ako ng sobra!

Don't tell me kapag wala siya, 'yang bruhildang bigas ang kasama niya?! Wow lang talaga!

"Chill ka nga lang, hahaha," sabi ni Ivory kaya naman inis ko siyang tinignan. "Masyado ka namang nagseselos," dagdag niyang sabi kaya umirap ako't lumingon ulit sa table nila hunghang.

Magkatabi sila habang seryoso na nag-uusap sa isa't isa. May laptop din sa table nila at ibang papers.

At talagang magkatabi pa sila?! Pwede namang umupo si bigas sa harapang upuan, ah! Bakit kailangang magkatabi pa?!

"Wow!" inis kong singhal ng makitang ngumiti si hunghang habang nakatingin kay bigas na seryosong nakatingin sa laptop.

Ang landi! Grabe! Ang landi-landi mong hunghang ka!

"Oi, Caroline," natatawang tawag ni Ivory

"Ano?!" inis kong sabi na napalakas ata. Kasi naman! Tumingin sa akin ang iba.

"Ay hala... nakatingin sa table natin sila Tristan," sabi ni Ivory kaya naman kinabahan ako agad.

Shete naman kasi! Umayos ka nga kasi Caroline! Grabe, gusto mo lang siya! Pero kung makapagselos ka parang mas higit pa sa gusto ang nararamdaman mo, ah!

"Caroline," mahinang tawag sa akin ni Ivory at may tinuturo.

Kunot noo ko siyang tinignan bago tignan ang tinuturo niya. Ganun na lang ang gulat ko ng makita si hunghang na seryosong nakatingin sa akin habang nakatayo sa aking gilid.

Napalunok ako sa tingin na binibigay niya sa akin.

"Hindi ba't sinabi kong bumalik ka na sa dorm?" seryoso niyang sabi.

"Eh... nagutom ako," pagdadahilan ko.

"Maraming pagkain sa dorm," seryoso niya pa ring sabi.

Nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya.  "Maluwang din naman sa dorm, ah!" inis kong sagot.

Kumunot ang noo niya at nagtaka sa sinabi ko.

"Anong connect ng luwang ng dorm sa sinabi ko?"

Tumayo ako at inis siyang tinignan. "Maluwang naman sa dorm, bakit dito pa kayo nagde-date ng bigas na 'yan?!" inis kong pagpupunto sa kasama niyang walang kwenta.

"Nagde-date?! Ano bang sinasabi mo diyan?" kunot noong tugon niya.

"Bakit hindi ba? May pa ngiti ngiti ka pang nalalaman diyan! Tapos itata--"

"Ano naman ngayon kung sakaling nagde-date nga kami?" pagpuputol na sabi niya.

Hindi ako nakapagsalita agad dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Shete ka!

"Ano bang ikinagagalit mo diyan? At sa bibig mo na nanggaling na mahal ko siya diba? Kaya anong kinagagalit mo kung magkasama kami?"

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa sinabi niya.

"Pan--"

"Narinig ko ang pag-uusap niyong dalawa bago ang show," pagpuputol na naman na sabi nito.

Napakuyom ang kamao ko at iwas na tumingin. "Tara na Ivory," sabi ko't aalis na sana ng pigilan niya ako ng hawakan niya ang aking braso.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," pagpipigil niyang sabi.

Binawi ko ang braso kong hawak niya at inis siyang tinignan. "Ano namang pakialam mo?!" malakas kong sabi.

Tinignan niya ako at parang sinusuri ang buong mukha ko.

"Sige na. Babalik na ako sa dorm. Bumalik ka na sa bigas na 'yun. Dun ka na sa mahal mo," sabi ko bago tuluyan ng umalis ng mabawi ko ang braso kong hawak niya.

"Oi Caroline!" habol na tawag sa akin ni Ivory.

Tumigil ako't nilingon si Ivory. "Bumalik ka na sa dorm mo. Babalik na rin ako. Kita na lang tayo bukas," sabi ko bago siya iwan.

Inis akong pumasok sa dorm pagdating ko't pabagsak na sinara ang pinto. Tinapon ko yung bag sa sofa sa sala at inis na umupo muna.

"Kailangan talagang ipagkalandakan sa aking mahal niya ang bigas na 'yun?! Wow lang ha!" inis kong bulok na sinuntok suntok ang upuan.

Nakakainis kasi, eh! Oo na! Alam ko namang mahal niya ang bigas na 'yun pero like seriously?! Aish!

Napatigil ako sa pagsuntok sa sofa ng bigla na lang may nag-play na music sa loob ng kwarto ko. Kinabahan naman ako dahil malamang! Mag-isa ko lang kaya sa dorm tapos bigla nalang may magpe-play na kanta. Like sinong hindi matatakot dun diba?

Napatayo ako't kabadong lumapit sa may pinto ng kwarto ko. Hindi naman nakakatakot ang kanta. In fact, sweet song pa nga, eh. Pero nakakatakot pa rin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at nagulat sa bumungad sa akin.

"Panong..." putol kong sabi ng makitang may mga balloons sa sahig na halos punuin na ang buo kong kwarto. May mga balloons din na nakalutang sa kisame.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob at nakita ang kama kong may iba't ibang bulaklak na nakalagay roon. Yung teddy bear naman na malaki, nasa gitna ng kama at may box na nakalagay sa harapan nito.

Napatingin ako sa maliit na speaker at kinuha 'yun. Nang tignan ko, bluetooth speaker ito't papatayin ko na sana ng kusa itong mamatay. Pero nakuha ng pansin ko ang nag-iisang bulaklak na nakalagay sa ibabaw ng kama.

"Morning glory," bulong ko't nilapitan ito.

Sinipa sipa ko ang balloons na nadadaanan ko saka kinuha ang box na nasa harapan ng bear. May note na nakalagay rito na aking binasa.

Surprise! Nagustuhan mo ba? Don't worry may mga maglilinis ng kwarto mo. And I have a gift for you again. I hope you liked it.

~Shanon

Binuksan ko ang box kung saan tumambad sa akin ang isang hoodie. Nilabas ko 'yun sa box at binuklat.

Simple white hoodie lang siya na may letter sa C sa may kanang dibdib. Binaba ko ang hoodie at tinignan ng buo ang kwarto.

"Paanong naipasok niya lahat ng ito?" takang tanong ko habang tinitignan ang mga balloons na nakakalat.

So, ibig sabihin nasa school lang ang Shanon? At talagang may susi pa siya ng dorm.

Pinagsawalang bahala ko ang mga unang ginawa niya't hindi kinuwestyon kung paano niya naipasok ang mga unang binigay niya.

Pero ngayon, paanong nakakapasok siya rito? At sa rami ng balloons at bulaklak sa kwarto ko, malamang hindi lang siya ang naglagay nito rito.

Agad akong lumabas ng kwarto at dere-deretsong lumabas ng dorm. Gusto kong malaman kung sino ka ba Shanon at bakit mo ito ginagawa.

Dumiretso ako sa dean's office dahil alam kong siya lang ang makakatulong sa akin. Pinagdarasal ko na sana maabutan ko pa ang Tito ko raw.

Kumatok muna ako bago pumasok, sakto dahil naabutan ko siyang nag-aayos ng gamit at mukhang aalis na.

"Oh, Caroline," gulat niyang sabi ng makita ako.

Sinara ko muna ang pinto bago lumapit sa kanya. "Pwede ko po bang makita ang cctv footage sa labas ng dorm po namin?" agarang tanong ko.

"At bakit naman?" takang tanong niya.

Sasabihin ko kaya? Aish! Bahala na!

"This past few days, may mga nagbibigay po sa akin ng notes and gifts. Yung iba po roon sa kwarto ko po mismo nakikita kaya po nagtaka po ako kung paanong naipasok ang gift doon. Nung una, hindi ko po pinansin pero ngayon, punong puno ng balloons at bulaklak ang kwarto ko," paliwanag ko.

Binaba niya ang gamit niya't lumapit sa akin. "Halika sa dorm niyo," sabi nito na naunang lumabas. Sumunod ako sa kanya at sabay kaming pumunta sa dorm.

Pagpasok namin, dumiretso siya sa kwarto kong nakabukas at pumasok doon.

"Kailan pa ito nangyari?" tanong niya habang tinitignan ang buong kwarto.

"Hindi ko na po matandaan pero hindi pa po ganun katagal."

"Sige. Halika't sumunod sa akin," sagot niya't lumabas na kami ulit ng dorm.

Sakto namang paglabas namin ay ang pagdating ni hunghang na takang nakatingin sa akin.

"Ano pong ginagawa niyo rito dean?" takang tanong ni hunghang.

"Ito kasing si Caroline, pumunta siya sa office ko para hingin ang cctv footage sa labas ng dorm niyo. In-explain niyang may nagpapadala sa kanya ng mga regalo kaya tinignan ko," pagpapaliwanag ng Tito ko raw na dean.

"Ano na naman bang pinadala niya sa'yo ngayon?" kunot noo niyang tanong niya sa akin pero inirapan ko lang siya.

Pakialam niya ba? Inggit ba siya? Doon na siya sa bigas niya.

"Tara na po," sabi ko nalang sa Tito ko raw na dean.

"Sasama ako," agarang sabi ni hunghang nang maglalakad na sana kami palayo sa kanya.

Tumango lang naman ang dean at sabay kaming pumunta sa operating room ng school.

Hindi operating room na hospital ha? Malay ko ba sa school na ito kung bakit tinawag na operating room 'yun. Basta 'yun! Bahala kayo diyan.

Pumasok kami sa loob at agad naman kaming sinalubong ng mga taong nandoon.

"Pwede ko bang makita ang cctv footage sa labas ng dorm nila Mr. Anderson at Ms. Salvador? 'Yung footage ngayong araw mismo," sabi ng dean.

Hindi naman na nagsalita ang operator at may kinalikot sa monitor. Mga ilang minuto rin siyang nagkalikot bago niya mahanap ang cctv footage sa labas ng dorm.

Lumapit kami room at tinignan. Mga ilang oras pagkaalis ni hunghang sa dorm, may mga dumating na mukhang staffs naman ng school dahil sa uniform na suot nila.

At base sa nakikita ko, janitor at janitress sila. May mga kasama pa silang ibang tao, pero hindi na sila pamilyar sa paningin ko.

Makikita sa video na may dala-dala silang mga bulaklak at balloons na unti unting pinapasok ito sa loob ng dorm. Habang pinapanood ko 'yun, tinitignan ko ang mga taong pumapasok sa dorm, pero wala akong nakitang lalaking sa tingin ko ay si Shanon.

May sinabi si hunghang sa operator at mga ilang minuto lang, lumipat ang cctv footage. Pinanood ko ito, katulad sa unang video staffs ng school ang pumasok sa dorm para ilagay ang nakapasong morning glory.

Mukhang ayaw niya talagang ipaalam kung sino siya at mga staff pa ng school ang inuutusan niya para ibigay ang mga notes at gifts.

"Gusto mo bang puntahan natin ang mga staffs na nakita sa video?" tanong ng Tito ko raw na dean.

Agad akong tumango dahil gusto kong malaman kung sino ba ang Shanon na 'yun.

Lumabas na kami ng operating room at agad na tinahak ang daan papunta sa building ng mga staff. Oo may sariling building ang staffs ng pangit na school mapa janitor man o hindi.

"Dean, ano pong ginagawa niyo rito?" bungad na tanong ng isang staff.

"Gusto ko sanang makita sila Isabel nakita mo ba sila?"

Ay wow, alam niya ang mga pangalan.

"Opo. Nandoon po sila sa locker room kasi po tapos na po ang shift nila," nakangiti niyang sagot.

"Sige salamat," nakangiti ring pagpapasalamat nito.

Sinundan ko na lang siya kasi hindi naman ako familiar dito sa building na ito dahil ngayon lang ako nakapunta.

Nakasunod din sa amin si hunghang kaya naman naiinis ako sa presensya niya.

Ano pa't sumusunod kasi siya sa amin?! Diba may bigas na siya, dapat doon na siya. Magsama silang dalawa.

Binuksan ng dean ang pinto ng locker room kung saan bumungad sa amin ang mga janitress na paalis na sana.

"Isabel," tawag ng dean pagkapasok namin.

"Dean, ano po't nandirito kayo?" taka at gulat na tanong nung Isabel ata. Malay ko ba.

"May gusto lang sana akong tanungin."

"Sige po, ano po ba yun?" tanong nito na napatingin pa sa akin.

"Nakuhanan kasi kayo sa labas ng dorm nitong dalawa. May mga balloons at bulakalak ngayon sa kwarto niya," turong sabi sa akin ng dean. "Kilala mo ba kung sino ang nagpapadala ng mga regalo sa kanya?"

Tumingin muna ulit sa akin ang Isabel bago sumagot. "Nako dean, hindi ko po kilala. May mga dumadating na lang po na delivery dito na nakapangalan po sa kanya. Tinanong na rin po ng security, pero unknown po ang sender. At yung ngayon po, pumunta na po sila Flor sa dorm po nila para po linisan ang nilagay po namin doon," pagpapaliwanag na sabi nito.

"Sige salamat. Sa susunod na may darating ulit na delivery na nakapangalan sa kanya, ipaalam niyo muna sa akin."

"Sige po."

Lumabas kami sa building na 'yun na wala man lang nakuhang sagot. At naiinis ako!

Sino ba kasi yang Shanon na 'yan?!

"Aalamin ko kung sino ang nagpapadala niyan sa'yo, kaya 'wag kang mag-alala. Sige na, bumalik na kayo sa dorm niyo't maggagabi na," sabi ng dean na nagpauna ng umalis.

Aalis na rin sana ako ng hawakan ako ni hunghang at iharap sa kanya.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa ginawa niya pero mas nanaig ang inis ko.

"Ano?!" inis kong tanong habang nakatingin sa kanya.

"Sabihin mo nga sa akin. Hindi mo ba talaga kilala ang Shanon?!" inis niya ring tanong.

Binawi ko ang kamay ko't inis siyang tinignan. "Sa tingin mo ba pupunta pa ako sa dean kung kilala ko?! Tanga ka ba?!"

"Anong sabi mo?!"

"Sabi ko tanga ka!" pangmumura ko.

Eh, nakakainis siya, eh!

"Caroline," may pagbabanta niyang tawag sa pangalan ko.

"Ano na naman?! Sige, isumbong mo ako dun sa bungangero kong tatay! Diyan ka naman magaling, eh!" inis kong sabi.

Feeling ko... pulang pula na ako sa inis ng dahil sa kanya.

"Bakit ba ganyan ka?!" sigaw niya pero inirapan ko lang siya.

"Eh, ikaw?! Bakit ganyan ka!" sigaw ko pabalik.

"Anong bakit---iniiba mo ang usapan!" sigaw na na naman niya.

"Aish! Bahala ka nga diyan!" inis kong sabi at mabilis na naglakad.

Nakakainis ka talagang hunghang ka!

Continue Reading

You'll Also Like

109K 9.4K 60
Siya ay si Dannarose Niyana Fortalejo f/s (Danni). Karaniwang tinatawag sa kaniya ay Tomboy dahil sa pananamit niya at porma. Ayaw niya rin tinatawag...
27.8K 1K 24
Meet Ayra Park, isang simpleng babae na gusto lamang maging tahimik ang buong kapaligiran. Ayaw sa maiingay na lugar, bookworm. Isang araw napagpasa...
15.7K 892 26
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
49.7K 1.5K 38
She's a newbie He's the leader She's the easy go lucky type He's a serious guy They meet and destiny played with them. She likes him He likes someone...