A Deal with Mr. Billionaire [...

Oleh LessurStories

1.7M 26.1K 2.3K

"You don't need to do anything, you just need to open your legs for me." - Dereck Cole Rivera. Dereck Cole Ri... Lebih Banyak

A Deal With Mr. Billionaire
Dereck Cole Rivera
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
// BOOK 2 //
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER : SPIRO GRAY
SPECIAL CHAPTER : EIRENE FLAIR

CHAPTER 11

23.8K 470 36
Oleh LessurStories

CHAPTER 11

BRIANNA

               MABIGAT ANG KATAWAN kong bumangon mula sa pagkakahiga. May pasok na kasi ako ngayon. Ilang oras pa lang ang tulog ko pero hindi naman ako pwedeng umangal.

Napasimangot ako dahil wala pa din Dereck sa tabi ko. Saan kaya natulog 'yon?

Antok na antok akong pumailalim sa shower at tamad na tamad na nagbihis. Buti na lang at tapos na ang buwanang dalaw ko.

Wala din ako sa sariling bumaba dala ang bag kong may mga personal na gamit. Inaantok pa rin ako kasi naman! Kung alam kong hindi siya uuwi edi sana hindi ko na lang siya hinintay!

"Good morning, Ma'am Brie." Bati sakin ng mga kasambahay. May pagkain na sa mesa at kakain na lang ang kailangan gawin.

Hindi pa rin ako sanay sa ganito. Mas sanay ako na ako lang yung naghahanda ng sarili kong pagkain.

"Good morning po. Si Dereck po ba hindi umuwi?" Tanong ko habang kumukuha ng itlog.

"Hindi po, Ma'am, e. Nakakapagtaka nga din po kasi nandito naman na kayo pero hindi pa din siya umuwi." Napayuko ako sa sinabi niya.

Binilisan ko na lang ang pagkain para makapasok na.

Nang natapos akong kumain at kinuha ko na agad ang bag ko nang magsalita si Mamng Cindy.

"Ma'am Brie, hindi po ba kayo magpapahatid? May driver po tayo ngayon na gising na." Napangiwi naman ako.

"Hindi na po, Manang. Weird naman po kasi waitress ako tapos may driver." Kumamot lang ito ng ulo kaya hindi ko na lang pinansin---

Anak ng! At may balak ka pang umuwi? Ang kapal ng mukha mo! Lumayas ka!

Gusto ko sanang isigaw ang mga 'yon kaso bahay niya nga pala ito.

"Brie," Walang emosyon ko siyang tinignan. "Where are you going?"

"Trabaho." Ewan ko ba pero mas lalong sumama ang timpla ko dahil nakita kong may pulang marka sa leeg niya.

Katulad ng akin noong unang beses na may nangyari samin.

"Why? You don't need to work. You'll have 10 million sa oras na ipagbuntis mo ang anak ko."

"Hindi ko kukunin yung pera. Sayo na lang, may trabaho naman ako." Nilagpasan ko siya pero maharot ang kamay niya dahil hinawakan ang braso ko.

"Ihahatid na kita."

"Wag na. Kaya ko naman mag-commute, mukhang napagod ka din kasi sa trabahong sinasabi mo." Umabante na ako pero nagsalita na naman ulit siya.

"I-uhm… I-I—"

"Nakakapagod palang hintayin ka." Dumiretsyo na ako palabas ng malaking bahay niya. Mabilis akong naglakad papunta sa may sakayan ng bus kaya nang may dumating na bus kung saan ang destinasyon ko ay mabilis akong sumakay.

Tahimik lang ako buong byahe papunta sa Restaurant. Hindi naman ito ang unang beses na tamad na tamad akong mag-trabaho pero feeling ko ito na ang pinakatamad. Pumapasok pa din ako dati kahit na may sakit ako pero ngayon kahit wala akong sakit tinatamad pa rin ang katawang lupa ko.

"Good morning, Brie!" Bati ni Paul. Mukhang masaya siya.

"Good morning din." Pumunta ako sa lockers room namin para ibaba ang bag ko at para na din makapag-simula na sa trabaho.

"Ayos ka lang? Mukhang masama pakiramdam mo, ah." Umiling lang ako.

Parang tinatamad akong pumasok mamaya sa bar kaso hindi naman pwede dahil kawawa yung kapalitan ko.

Nang nag break time kami ay lumabas muna ako para bumili ng ice cream.

"Brie!" Takang nilingon ko si Paul.

"Bakit?" Wala talaga ako sa mood.

"Sama ako." Nagkibit balikat lang ako at hinayaan siyang sumama sakin sa pinakamalapit na ice cream store. "Gusto mo din ng ice cream?" Tanong ko habang naghahanap ng coffee crumble na flavor.

"Oo, libre mo 'ko." Nginisian ko lang siya at hinayaan siyang kumuha ng ice cream.

Bahala na kung maubos pera ko.

Kainis! Pucha naman. Bakit ba sobrang apektado ko? Sana pala hindi ako sumama kay Dereck sa bahay niya. Sana pinakiusapan ko na ang may ari ng tinutuluyan ko.

Ayokong umuwi sakanya.

"Ang tahimik mo ata ngayon?" Puna niya. Halata bang wala ako sa mood?

"Tinatamad lang ako." Sagot ko pagkaupo. Nilantakan ko na agad yung ice cream at buti na lang at nakatulong 'yon.

"Gusto mong mag-off?" Tipid na lang ang ngisi niya ngayon kumpara kanina.

"Kaka-day off ko lang, baka mapagalitan na ako." Hindi na siya ulit nagsalita.

Hanggang sa makabalik kami sa trabaho ay tahimik lang kaming dalawa. Tinignan ko ang suot kong relo. Isang oras bago pumasok as bartender.

Ang sabi niya trabaho yung pupuntahan niya pero bakit may hickey ang leeg niya?

Saan naman ako magi-stay? Ayoko naman umuwi sa bahay ni Dereck—teka! Siguro naman may pasok na 'yon ngayon sa opisina niya?

Kinuha ko na ang bag ko at mabilis na nagpaalam para makauwi na agad. Matutulog ako kahit isang oras!

Kulang na lang utusan ko ang driver ng bus na paliparin ang sinasakyan namin paparating sa destinasyon ko.

Nang makababa ako ay mabilis akong pumara ng tricycle at sinabi ang address ni Dereck. Hindi ko na kayang maglakad dahil antok na antok ako. Subdivision itong kay Dereck. Isang exclusive subdivision.

Nang makarating ako, naabutan ko si Steph na nagdidilig ng halaman. "Ma'am Brie?"

"Hello!" Bati ko pero tuloy tuloy ako sa pagpasok.

"Ang aga niyo po ata? Sabi ni Sir Dereck mamaya pa raw pong gabi ang uwi niyo?" Nakasunod siya sakin papasok. Bakit ba hindi ako lubayan nito? Kailangan ko ng katahimikan!

"May isang oras po akong pahinga. Matutulog po muna ako." Umakyat na ako sa taas nang hindi siya tinatanong kung nasaan si Dereck.

"M-ma'am? Saan po kayo matutulog?" Kunit noo ko siyang tinanong.

"Doon po sa kwartong pinaglapagan ng gamit ko. Guestroom." Para naman siyang nabunutan ng tinik at tumango na lang.

Tuloy tuloy ako sa kwartong tinutuluyan ko. Napayakap agad ako sa sarili ko nang sumalubong sakin ang lamig ng aircon. Bakit hindi 'to pinatay? Ang gastos naman ata?

Tulog agad ako pagkahiga.

DERECK

           "SIR, ITO NA PO yung documents na kailangan niyo." Tumigil ako sa ginagawang kong pagbabasa ng isang proposal galing sa wine company, they want to invest. I looked at my secretary. "I already sent the soft copies about sa shipping natin last week sa email niyo."

"Alright. Put it here." I pointed my table. "My schedule for today?" I said while reading the other proposal.

"Meeting with Mr. Lewis at 4 PM and dinner meeting with Ms. Blaine." I signed the last proposal.

Ito lang ang pinirmahan ko sa apat na proposal na natanggap ko.

"Cancel mo lahat." Kinuha ko ang documents na dala niya. "Ilan 'to?"

"Twenty seven po." I just nodded. "Uh, Sir, are you sure po ba na i-cancel lahat ng meetings niyo for today?" she asked.

"Yeah. Get out." Mabilis siyang umalis habang ang atensyon ko ay nasa mga documents na dala niya.

These are the profiles of different people na nag-a-apply as employee sa kompanya ko.

I stood up and grabbed my bag. Lumabas ako ng opisina at pinuntahan ang secretary ko.

"Itapon mo lahat ng profiles na dinala mo sakin. They're all looks stupid." Hindi ko na siya hinintay na magsalita.

I'm fucking guilty because of what I did.

Alam kong hinintay niya ako.

Sinabi sakin ni Manang Cindy na kaninang madaling araw ay nakita niya pang bumaba si Brie para kumuha ng tubig.

She waited for me.

Minaneho ko ang sasakyan pauwi sa bahay. I'm not sure if she's here pero alam ko may isang oras pa siya bago pumasok sa bar.

Nang mai-park ko ang sasakyan sa garahe ay agad akong sinalubong ng isa sa mga kasambahay ko.

"Good afternoon po, Sir. Nasa kwarto po si Ma'am Brie." She's here?

Damn. Bakit parang kinabahan ako?

"Which room?" Inabot ko sakanya ang leather briefcase na dala ko.

"Sa kwarto niya po. Matutulog daw po siya." I just nodded.

I unbuttoned the first two buttons of my button down shirt. Tahimik akong naglakad at pumasok sa kwarto niya.

Is she mad?

Naabutan ko siyang nakadapa sa kama at tulog na tulog. Magigising pa kaya siya mamaya para sa trabaho niya sa bar?

Hininaan ko ang aircon sa kwarto niya dahil mukhang lamig na lamig na siya. Dahan dahan akong umupo sa kama niya at pinakatitigan siya.

She's beautiful.

Alam kong alam niya na hindi naman niya kailangan mag trabaho dahil may makukuha siyang sampung milyon sa oras na ipagbuntis niya ang anak namin.

"I'm sorry," I whispered. "Hindi ko na uulitin." I gently kissed her forehead. I know to myself na hindi ko na uulitin ang ginawa ko kagabi.

Maingat akong humiga sa tabi niya. Lumipas ang ilang minutong nakatitig lang ako sa maganda niyang mukha. She looks like an angel.

Ilang minuto na lang ay papasok na ulit siya sa trabaho at hindi ko alam kung gigisingin ko ba siya dahil sa sarap ng tulog niya.

I used to be heartless when it comes to girls, but damn. My heart is fucking melting because of her.

Tumigil ng ilang saglit ang paghinga ko nang maaninag ko ang pag dilat ng mga mata niya.

Ngayon ko lang napansin lalo ang kulay ng mata niya. Aurora green eyes. Parang hinihigop nito ang lakas ko.

Ngayon ko lang talaga ito napansin. Natitigan ko na siya noon pero hindi ko ito napansin. Siguro dahil focus ako sa ibang bagay.

"A-anong ginagawa mo dito?" Bahagya siyang lumayo sakin.

"This is my house," I honestly said. "Papasok ka pa ba? You can rest—"

"Papasok ako." Umupo ito kaya gano'n din ang ginawa ko.

"Are you mad?" Damn! Nakuha ko pa talagang magtanong? I'm so stupid!

"May dahilan ba para magalit ako? Ang sabi mo sakin nag trabaho ka, hindi ba? Kaya bakit ako magagalit?" Napalunok ako sa pagiging malamig ng pagka-salita niya.

I can't find any words. I can't speak.

Tumayo siya at kumuha ng uniform? Uniform sa bar?

Saglit siyang pumasok sa banyo at paglabas niya ay nakapag palit na siya ng t-shirt. Nakatingin lang ako sakanya the whole time habang nagsusuklay siya.

Tsaka lang ako natauhan nang kunin niya ang bag niya.

"Ihahatid na kita." Mabilis akong tumayo.

"Hindi na. Magbu-bus na lang ako." Pumihit na siya at lumabas ng kwarto.

Nakatanga lang ako sa pintong nilabasan niya hanggang sa matauhan ako at mabilis siyang hinabol. Luckily dahil nasa kusina pa lang siya at umiinom ng tubig.

Nakapamulsa ako habang nakatingin sakanya. Alam kong alam niya na nandito ako pero hindi niya ako pinapansin.

Nilagpasan niya lang ako kaya wala akong ibang nagawa kundi sundan siya.

"Get in." Sabi ko nang nasa harapan na namin ang kotse ko.

"Mag—"

"Get in." Bumuntong hininga siya at tamad na pumasok sa passenger seat.

I took a deep breath before I entered my car. Tahimik lang kami buong byahe. I badly want to explain myself to her pero hindi ko alam kung saan magsisimula.

"Iinom ka ba kaya mo ako ihahatid?" Pagbabasag niya ng katahimikan.

"Nope. Gusto lang talaga kitang ihatid." And I also want to explain, Brie.

"Nagsasayang ka lang ng gas." Napailing pa ito.

"Kaya kong magpa-gas sa kahit anong oras ko gusto, Brie. I have lots of money." Nagkibit balikat lang ito.

Damn. Tahimik na naman.

Nang makarating kami sa bar na pinapasukan niya ay hindi ko muna tinanggal ang pagkaka-lock ng pintuan ng kotse. Alam kong alam niya rin na naka-lock ito kaya pumirmi na lang siya.

"I'm sorry about last night. Hindi trabaho ang ginawa ko kagabi. I—I slept with my ex, uh---fine. I slept with my ex fuckbuddy last night." Finally, nasabi ko na rin.

Napatungo siya.

"Bakit?" I bit my lower lip. Napansin kong bahagyang nanginig ang boses niya.

"I need someone to cure my needs." Napatungo siya. "I'm sorry, Brie. H-hindi ko alam na hinintay mo pala ako. Hindi ko na uulitin."

Nagulat ako nang tumingin siya ng deretsyo sa mga mata ko.

"Naiintindihan ko, Dereck." Ngumiti siya at inilapit ang sarili niya sakin na para bang papaibabaw siya.

I can't breathe for 2 seconds.

"At wala naman akong pake pero sana maisipan mong mag-isip minsan. May kamay ka naman, 'yon na lang dapat ang ginamit mo."

Narinig kong may kinalikot siya sa gilid ko. In just a second, nawala na ang lock.

"I-I'm sorry." Binuksan niya ang pinto sa gilid niya. "I'll pick you up later." Nagtaas siya ng kilay sakin.

"Ikaw ang bahala." Lumabas na ito ng kotse ko at parang walang nangyaring naglakad papasok ng bar. Pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang iritado at galit niyang mata.

LESSURSTORIES

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
477K 9.7K 40
Kheious, a BS Nursing student let go his dream to be an idol because of their social status. As a son of a health care worker abroad, his auntie want...
4.8K 106 18
Farah Elisse returned to the Philippines with anger nurtured in her heart. After her boyfriend, Haiden Almiro, went against his words, she swore not...
212K 3.4K 33
Edward and Coreen having the perfect relationship. Lahat ng na sa paligid nila naiinggit sa relasyon nila. Walang toxic, nagkakaintindihan sila sa ba...