The Cavaliers: DRIX

Bởi mydearwriter

314K 6.8K 169

The Cavaliers Book 5: Pikot! Iyon ang nakikita ni Drix na gustong mangyari ni Via, ang malditang pamangkin... Xem Thêm

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
EPILOGUE

CHAPTER TWO

14.5K 302 5
Bởi mydearwriter

CHAPTER TWO

“IKAW naman kasi bok, alam mo namang si Peachy lang ang pamilya ni JD, natural lang na magre-react talaga ang mistah natin,” wika ni Revo.

Nasa Dencio’s sila ngayon sa Harbor Square sa may CCP Complex. Doon na dumiretso si Revo pagkatapos ng training nito. Umorder siya ng sisig, calamares at tig-iisang bote ng beer.

“Wala naman akong balak lokohin si Peachy, bok.”

Natawa si Revo. “E me naghahabol sayo sa Mindanao, tapos sumige ka pa rin kay Peachy. Hindi ba panloloko yun?”

Hindi siya nakaimik sa tinuran ng mistah.

“Ako bok, aminado akong chickboy. Andami ko nang naging girlfriend, sa totoo lang. Guwapo e! Pero hindi ako nagsabay, hindi ako nangaliwa at lalong hindi ako tumabla ng mistah! Kapag alam kong kapatid, pinsan, kinakapatid o barkada ng mistah ang babae, hands-off na agad ako bok. Kasi naman, baka kapag nagbreak kami ng babae e magalit sa akin ang mistah. Alam mo na bok, mas importante pa rin sa akin ang relationship with our brothers. Kasi alam kong makakakita pa rin naman ako ng girlfriend e.”

“Di ko naman nga kasi inaasahan na talagang maghahabol si Via.”

“E di sana inayos mo na muna bago mo pinormahan si Peachy.”

“Gusto nga ni Via e pakasalan ko siya.”

“Patay. Pikot nga yan.”

“Kaya nga e. Kahit naman siguro ikaw bok, hindi papayag ng ganun.”

“Kaya nga maingat ako bok! Kahit madaming nagnanasa sa akin, choosy ako!”

“Choosy ka pa sa lagay na yan?” Natawa siya kay Revo. “E andami mo ngang naging girlfriends!”

“Hindi nila nakukuha ang puri ko bok! Ano ka ba!”

Lalo siyang napahalakhak sa mistah. They had a good laugh at kahit papano ay nabawasan ang bigat ng nararamdaman niya. Bago sila naghiwalay ni Revo that day ay isang bagay lang ang ibinilin niya.

“Ikaw na bahala kay JD, bok. Pakisabi nalang sa kanya na pasensya na siya sa akin. Usap nalang kami pag nagkaroon uli ako ng leave.”

“Or kami ang pupunta sa kasal mo,” nakangising wika ni Revo.

“Sira!” tinapik niya sa balikat ang mistah bago tuluyang nagpaalam.

SIYA si 1st Lt Dean Alexander Exmundo, miyembro at opisyal ng Philippine Army. After Philippine Science High School ay napunta siya sa UP Miag-ao sa Iloilo dahil kursong BS Fisheries ang kinuha niya. He thought that was what he wanted pero dalawang buwan palang siya sa napiling course ay ayaw na niya. He decided to follow his brother’s footstep- si Dwight- na noon ay kaga-graduate lang sa PMA. Kumuha siya ng exams and the next year ay nagsimula na ang kanyang military life.

It wasn’t easy. He was a nerd who entered a lion’s den. Yun siya noong mga unang buwan niya sa PMA. Pumayat siya, sunog ang balat at kulang sa tulog. He cried when he saw his parents during their first visit.. Muntik nang sumuko ang patpatin niyang katawan sa hirap ng pinagdaanang training- hindi lang niya sinabi sa pamilya. Ang totoo ay gusto na niyang umatras pero ayaw niyang mapahiya ang mga magulang at kapatid na noon ay piloto na sa Philippine Air Force. Ilang beses niyang inisip noon na tumakas na lang from the Academy pero wala siyang mapupuntahan. Alangan namang tuluyan siyang maglayas?

He had to survive- yun ang tinandaan niya. He wanted to succeed so badly kaya naman ibinuhos niya ang panahon at lakas para lang maka-graduate. Quitting wasn’t an option. Kaya naman nang yakapin siya ng mga magulang during his graduation ay muli siyang napaluha- dahil hindi niya akalaing nakaya niya ang apat na taon sa military school. Opisyal na siya- and there was no turning back.

Sa Samar ang una niyang naging assignment. Isang taon din siya doon bago inilipat sa Mindanao. Na-assign siya sa Cotabato, sa Davao, sa Zamboanga del Sur, sa Lanao at ngayon nga ay sa Cagayan de Oro. Simula noon ay tatlo lang ang kanyang naging girlfriend- ang una ay si Luchie noong fourth year highschool siya, si Nicole nang mag-college siya sa UP Miag-ao at si Beth- nang mapunta siya sa Samar. Tig-iisang taon ang itinagal ng kanyang mga naging ka-relasyon. Laging nagtatapos kapag nalalayo siya simply because hindi talaga niya kayang mag-maintain ng long distance relationship. Idagdag pang mahirap din ang kanyang propesyon.

I realized na tama ka, Drix. Mahirap nga ang pinili mong buhay. I don’t want to spend the rest of my life competing with your profession. Mahirap karibal ang bayan.”

Yun ang sinabi sa kanya ni Beth noon, before his transfer to Mindanao. Hindi niya alam kung maaawa o matatawa sa sinabi ng babae- although may punto naman talaga ito. Mahirap na karibal ang kanyang tungkulin dahil lagi niyang uunahin ang sinumpaang tungkulin-- ang maglingkod sa bayan. Kaya naman hindi na siya nagka-girlfriend pa after Beth- puro fling na lang ang mga sumunod.

PAGDATING niya sa Cagayan de Oro ay agad siyang sinalubong ng kanyang tauhan.

“Sir, mabuti’t dumating kayo. Andito uli kanina si Mayor Morales, kausap si Batcom,” ani Ramil, isa sa mga sarhento sa kanyang unit. Ang tinutukoy nitong Batcom ay si Colonel Bautista, ang kanilang battalion commander.

“Ano daw?”

“Hindi ko po alam kung ano ang pinag-usapan nila dahil nasa loob sila ng opisina ni Batcom.”

Of course, inaasahan na niyang closed-door meeting yun. Pero nagbakasakali pa rin siyang may nasagap na balita ang kanyang tauhan. Dumiretso siya sa ginagamit na kuwarto sa loob ng kampo para ayusin ang mga gamit. Wala pa siyang bente minutos na nasa loob nang katukin siya ni Ramil.

“Kausapin daw po kayo ni Batcom, sir.”

“Sige, pakisabi papunta na ako.”

Nagpalit muna siya ng tshirt saka pumunta sa opisina ng kanilang battalion commander. Kumatok muna siya at nang marinig ang tinig ni Colonel Bautista na pinapapasok siya ay binuksan na niya ang pinto.

“Sir,” sumaludo muna siya sa kanyang superior.

“Kasal ang hinihingi ni Mayor. Pakasalan mo ang pamangkin niya at wala nang reklamong magaganap,” wika ni Colonel Bautista na hindi na nagpaliguy-ligoy pa. “Hindi engrande, kahit civil wedding lang daw. Ang importante ay mapanagutan mo si Via.”

Napaupo siya sa visitor’s chair ni Colonel Bautista. Literal na nanghina ang tuhod niya sa narinig.

“Pero sir….”

“Yun ang hinihingi nila. I told Mayor Morales na ikaw lang ang makakapag-desisyon sa bagay na yan.”

“Parang hindi ko ho kasi talaga matanggap na…”

“Of course, kapag hindi ka nagpakasal, itutuloy nila ang reklamo laban sayo. Chances are, masususpinde ka and most likely masisira ang military career mo kapag lumaki ang gulo.”

“Kaya ba talagang gawin ni Via yun sir?”

“Without a doubt, yes.”

Natahimik siya sa sinabi ng kanyang battalion commander. Sa mukha ng nakatatandang opisyal, alam niyang nagsasabi ito ng totoo.

“Kung kayo ang nasa posisyon ko sir, ano pong gagawin ninyo?”

“Well of course, mag-iisip din ako.”

“Yun nga sir!”

“Mag-iisip muna ako bago ako gumawa ng anumang hakbang na maaaring makaapekto sa military career ko,” wika ni Colonel Bautista. “Bago mo pinatulan si Via noon, sana naisip mo ang maaaring maging resulta di ba? Nakalimutan mo na ba? In every action, there is always a corresponding reaction?”

Hindi na siya nakaimik. Pero tumatakbo na ang isip niya. Maybe it was time to call his brother- surely ay may maipapayo sa kanya si Dwight.

“OH MY GOD. Bakit mo pinaabot sa ganito ang sitwasyon?” mataas ang boses ni Dwight sa kabilang linya. Nasa Fernando Air Base sa Lipa, Batangas ang lalake dahil may schooling ito roon.

Nadismaya si Drix sa reaction ng kanyang kuya. Mukhang malabo itong kumampi sa kanya, base sa tono ng boses. Kung sarili niyang kapatid ay hindi niya makuha ang simpatya, kanino pa siya lalapit?

“Hindi ko naman alam na magrereklamo talaga,” nasabi niya. “Akala ko bluff lang.”

“Puwede kang ma-court martial kapag talagang tinodo nila ang reklamo. Ikaw na rin ang nagsabi na maimpluwensya ang pamilya ng babaeng yan.”

“May puwede pang itodo ang reklamo niya?” He sounded stupid.

“Naisip mo ba ang salitang rape? E kung yun ang reklamong isampa sayo? Saka madami pa silang puwedeng maimbentong kaso kapag ginusto nila. You have to expect the worse in every situation para napaghahandaan mo. Nakalimutan mo ba na nasa teritoryo ka ng tiyuhin niya? Mayor kamo ang tito ni Via. Bad things could happen to you.”

Napalunok siya sa mga sinabi ni Dwight. Hindi naman siguro siya tatakutin ng kapatid.

“What do you suggest then?”

“Harapin mo ang pamilya nila. Ginalaw mo naman talaga. Bro, you have to be man enough na panindigan iyun. You’re not just an officer- you’re supposed to be a gentleman too.”

That line again. Sinabi na rin sa kanya ni Peachy yun. Huminga muna siya ng malalim habang pilit na dina-digest ang mga narinig mula sa kapatid. Ano pa nga ba ang gagawin niya?

“Sige kuya, ayusin ko to. Pasensya ka na sa akin.”

“Kapag nagkaroon ng flight papuntang CDO, dadalawin kita diyan.”

Parang mas mabuti pang hindi muna niya makaharap ang kapatid dahil tiyak na katakot-takot na sermon ang aabutin niya kay Dwight.

“Thanks kuya.”

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

1.2M 18.7K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...
2.6K 122 10
Dahil sa kasawian sa pag-ibig, naisipan ni Chace na magtago muna sa isang pribadong beach house na pagmamay-ari ng kanyang ninang. Gusto muna niya ng...
218K 3.8K 32
Angela montehano was truly, madly, deeply in love with Ivo Imperial. It was highschool romance. Eversince she knows how to love ay wala siyang ibang...