TILL FATE DO US PART (Fate Se...

Od dreyaiiise

20.1K 2.8K 556

She was having difficulty locating her father in order to make her mother happy. She encountered many difficu... Více

TILL FATE DO US PART
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 16
KABANATA 17
KABABATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 15

324 61 12
Od dreyaiiise

Jason Vaughn's POV

I was early, again. Hindi naman ako nag-iisa sa room. Nandito na rin sina Caleb at Gab. Hindi ko din alam kung bakit maaga ako.

Tulad nang dati, naghintay nalang kami nang oras. Nagsidatingan na sila.

Dumapo ang paningin ko sa grupo nina Iza. Pero hindi ko nakita ang hinahanap ko.

Where is she?

"Kung hinahanap mo si Faustina, hindi siya papasok" bulong ni Caleb, ako lang ang nakarinig.

"Who cares? Hindi ko tinatanong" pagsusungit ko.

"Sinabi kasi sa akin ni Iza na may.." feeling ko sinasadya niyang putulin iyon para magtanong ako.

"May ano?"

"Kala ko ba 'Who cares'?" he mocked

"Oo na! Ano nga kase?" pikon ako, okay.

"May lagnat. Kaya medyo late si Iza kase inalagaan niya muna"

"Teka! Bakit andami mong alam? Ano mo ba si Iza?" nakakahalata na ako eh. Hindi naman siya chickboy.

"Malalaman mo rin" he winked.

"Samahan mo ako, puntahan natin siya. Ang awkward kung ako lang"

"Sasama naman talaga ako, sabay sa atin sina Iza"

Bakit naman siya nilagnat?

Wala naman kaming ginagawa sa lahat nang class. Gusto ko na sanang umalis kaso hindi pwede.

"Vaughn, sasama ka raw? Isama mo na din si Gab para masaya" kinausap ako ni Iza.

"Ah oo. Okay na ba siya?"

"Medyo raw. May nag-aalaga naman sa kanya"

Tumango nalang ako. Puro pag-uusap lang ang ginawa namin. Wala kasi ang Profs namin.

Napaaga ang labas namin, wala naman raw kami ginagawa kaya ayun, magpahinga nalang sa bahay.

Umalis na kami. Kotse ni Gab ang sinakyan namin nina Caleb. May driver si Iza kaya doon sila ni Alexine.

Nang makapasok kami ay nakita namin si Faustina na may katabing lalaki. Akala ko ba si Joaquin ang boyfriend niya? Nakita ko palang sila nung Sunday. Tapos ito naman katabi niya? Lakas ah.

Pinag-usapan nila ang relasyon ni Iza at Caleb. Mukhang mauuna pa sya sa akin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit magpapaalam pa sila kay Faustina.

Kaya naman sumabat ako. Hindi niya nagustuhan iyon, naasar siya. Kaya mas inasar ko pa. Pero ako ang natalo.

Napansin ko ang kahon na ibinigay ko sa kanya. Nasa kwarto niya ito. Nakabukas kasi ang pinto nang kwarto niya kaya nakita ko. Sana pumunta siya. Iinvite ko siya nang personal.

Naiwan kaming dalawa dito sa sala. Hindi ko kaya ang nakakabinging katahimikan. Kinausap ko siya, ang pagsagot naman niya ay sarkastiko.

Hindi ako nagseselos doon, naiirita lang.

It's annoying. Hindi pa naman siguro niya asawa iyon dahil bata pa kami pero nasa right age na siya.

Umalis nalang ako. Hindi talaga niya ako titigilan sa pang-aasar.

Nakita ko siyang naglalakad mag-isa, mukhang hinahanap niya ako. Naisipan kong magtago. Nakonsensya ako nang makita ko siyang umaalis na tapos nakasimangot.

Yes. I care. Hindi ko lang talaga kayang umamin sa kanya sa ngayon. Ayokong masira ang relasyon na meron kami, baka kasi mailang siya sa akin kapag umamin ako.

Pinasan ko siya, nakakahiya naman baka anong isipin nila sa akin na pinaglakad ko ang babaeng may lagnat.

Natuwa ako sa mga nalaman ko. Hindi pala talaga niya boyfriend ang katabi niya kanina. It was her Kuya.

Naisip ko si Joaquin. Baka siya pa rin? Kaya tinanong ko sa kanya.

Hindi na din niya ito boyfriend. Feeling ko tuloy may pag-asa na ako.

Nalungkot ako nang maalala ko ang bestfriend ko. Nangako ako sakanya na siya ang mamahalin ko kapag lumaki na kami. Kaso mukhang hindi ko siya makikita.

Pero sana....sana tama ang hinala ko...
.
.
.
Walang class ngayon.

Hinawakan ko ang keychain na may nakaukit na 'Ina'.

"Sana makita na kitang muli" sinasabi ko sa sarili habang tinitingnan ang keychain.

Tuwing wala akong pasok, umuuwi ako sa Tito John ko. Ang kaibigan ni Dad, parang tatay ko na din kasi to eh. Wala pa kasi siyang anak.

Tatawagan ko muna dahil minsan baka nasa Batanes siya.

"Hello, anak?" agad naman siyang sumagot.

"Tito? Andiyan ka ba sa bahay niyo?"

"Oo, JV. Halika kana dito. Para sabay na tayong mananghalian"

"Sige po. On the way na! Bye.

"Ingat ka anak"

Nagmadali na akong umalis.

Dumating ako agad sa bahay ni tito. Hindi naman kasi malayo mula sa amin.

Malaki ang bahay ni Tito John. Mansyon eh, halos kasing laki nang sa amin.

Naging successful kasi ang resort niya sa Batanes, which is bigay ni dad kay tito para raw makapagsimula ito nang business. Marami kasi kaming lupa dito sa Pilipinas.

Si tito daw kasi noon ay nangailangan nang tulong patungkol sa pera kaya naisipan ni Dad na bigyan siya nang lupa. Magkaibigan sila since Highschool kaya ganun. Si Tito din raw kasi ang tumulong Daddy nang muntikan na siyang mahulog sa bangin during their fieldtrip. Dahil doon naging magkaibigan sila.

"Oh, halina't kakain na tayo" anyaya ni tito.

Pumasok na ako saka umupo sa dining table. Malaki nga ang bahay nito ngunit siya lang ang nakatira mag-isa.

Kumain na kami, maraming pagkain ang pinahanda niya dahil nandito ako. Malakas kasi akong kumain, yun din ang dahilan kung bakit kasundo ko siya. Noong bata pa lang ako lagi na kaming kumakain sa labas.

"Tito, magkwento ka naman. Ano pa ba ang hindi ko alam sa inyo?" nilunok ko ang kinakain ko.

"Ano ba ang gusto mong ikwento ko?"

"Yung first love niyo" nakangiti ko itong sinabi.

Nakita ko namang nawala ang sigla nang mata niya.

"Tito? What's wrong?" naguguluhan ako sakanya. Bigla nalang nagbago ang mood niya.

"Tapusin muna natin ito, ikukwento ko sayo sa taas"

Sinunod ko siya, binilisan ko ang pagkain dahil sa excitement ko. Maganda kasi ang mga lovestory noon.

"Ang babaeng bumihag nang puso ko ay kababata ko. Nagkakilala kami sa isang simbahan. Maganda siya kaya hindi ako nakapagsalita nang tulungan niya ako. Lampa kasi ako noong bata ako. Kaibigan namin siya nang Mommy at Daddy mo"

"Hindi ako gusto nang magulang niya, sa kabilang banda ang mga magulang ko naman ay boto sakanya. Minahal namin ang isa't-isa. Matagal kaming naging magkaibigan, ngunit niligawan ko rin siya. Hindi nga lang kami nagtagal noong karelasyon ko na siya, sana nga hindi ko nalang siya niligawan para hindi siya mawalay sa akin"

"Inilayo siya sa akin. Hanggang sa malaman kong may Asawa na siya" tumulo na ang luha ni Tito. Sobrang sakit pala nang dinanas niya.

Akala ko pa naman ay masaya ang lovestory noon. Yun pala ay mas masakit.

"She was my first love. Ganun din siya"

"Hindi ko na siya ginulo. May anak na kasi sila. Wala akong laban sa lalaking pinakasalan niya, mayaman eh. Yun ang gusto nang magulang niya para sa kinabukasan nito" nakikita kong laging masaya si Tito John, pero sobrang bigat pala nang dinadala niya. Kung ako siguro siya hindi ko kakayanin ang sakit.

"Hindi ka na ba niya mahal? Nabanggit mo na ikaw ang mahal niya, bakit pa siya nagpakasal?" dahil ba sa pera? Iiwan nang mga babae ang mahirap na lalaki?

"Mahirap lang ako. Sinasabi nang mga magulang niya na wala siyang mapapala sa akin, lalo na kapag nagkaanak kami"

"Namatay ang magulang ko nang umalis siya. Doble ang sakit nun. Naaksidente sina Inay at Itay. Ako na lang naiwang mag-isa. Siya nalang sana ang meron ako, kaso iniwan niya ako"

"Bakit hindi ka niya pinaglaban?" kung mahal mo, ipaglalaban mo.

"Wala nang saysay. Naiintindihan ko naman ang magulang niya. May mga bagay na hindi na pinaglalaban, kung hindi na makabubuti sa isa, bitawan niyo na." malungkot at maluha-luha siya.

Ang lalim nang sinabi ni Tito. Pero parang naramdaman ko ang sakit na nararamdaman niya.

"May anak kami" natigilan ako sa pag-iisip nang marinig siyang nagsalita muli.

"Umuwi siya dito sa Pilipinas para asikasuhin ang mga bagay-bagay, nagkita kami. Alam kong may asawa na siya, ngunit may nangyari sa amin"

"What? Edi nagcheat siya?"

"Kung iyon ang gusto mong itawag. Inamin niya sa akin na ni minsan hindi niya minahal ang asawa niya"

Si Tito lang pala talaga ang minahal niya. Ang tibay nang pagmamahalan nila. Tila ba kahit sino ay hindi masisira yun. Kapag kayo ang para sa isa't isa, bahala na si kapalaran.

"Pero kung may anak kayo, bakit hindi kayo magkasama?" impossible talaga.

"Dahil wala akong matinong trabaho noon. Nalaman kong buntis siya, hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinalikuran ko siya. Inisip ko kung ano ang gagawin ko para may mahanap na magandang trabaho, sa pamamagitan nun ay hindi na siya ilayo sa akin nang mga magulang niya"

Tunay na masakit ang malayo sa iyong minamahal, that woman was my Tito's first love.

"Ngunit nang malaman nila, ikinulong nila sa kwarto ang babaeng pinakamamahal ko. Gabi-gabi ako pumupunta doon sa bahay nila para dalhan siya nang rosas. Mayroon na akong desenteng trabaho that time, tinulungan ako nang Daddy mo"

Ito pala ang dahilan kung bakit siya tinulungan ni Daddy. Now I know.

"Tito, anong nangyari nang malaman niyang may trabaho ka na?".

"Inilayo pa rin siya sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkikita"

"Nasaan ba siya? Saan sila pumunta?"

"Bumalik sila sa asawa niya"

Napansin kong hindi na makatingin sa akin si tito John, siguro dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Pero nandito na siya" nabuhayan ako sa huling linyang binitawan niya.

"Hanapin natin tito!"

Gusto ko siyang tulungan, walang Ama ang gustong mawalay sa Anak niya. Siguro nga ay naghahanap nang tatay ang bata.

"Alam ko kung saan sila nakatira nang Anak namin. Natatakot akong magpakita sa kadahilanang baka galit sa akin ang Anak ko. Dalawampung taon na wala ako sa tabi niya, hindi pinaramdam na mahal ko siya, malamang naghahanap siya nang Ama na magmamahal sa kanya. Pero sa dalawampung taon na iyon, hindi man lang ako nagpakita" umiiyak pa rin si Tito.

"Sana tito mas lakasan mo ang loob mo, habang tumatagal mas kinakailangan ka niya. Lumaki siya nang walang Ama sa tabi, kaya kung galit sya sa inyo, intindihin mo nalang po siya"

"Yes. Inilayo siya sa akin nang kapalaran. God knows how painful it was"

"Tito, everything has a reason. Kung May hindi magandang nangyayari sa buhay natin, hanapin natin ang positibo doon. Hindi naman tayo pahihirapan nang Diyos. Pagsubok lang yan! Ang tapang mo kaya Tito! For me? You'll be a best dad."

"Thank you!" niyakap niya ako. Kahit papaano ay nakita ko siyang ngumiti.

Bumaba na ako. Binigyan ko nang space si tito para makapag-isip-isip.

Bumaba ako. Nakita ko si Manang na nag-aayos nang mga gamit sa kahon. Marami-rami rin ang mga ito. Puro pambababae.

"Manang, para saan po iyan?" hindi ko mapigilang hindi magtanong.

"Hindi ko din alam, Sir. Basta inilalagay ko lang ang mga ito sa kahon o kaya sa paper bag" tinignan ko ang mga gamit.

Laman nang mga kahon ay bags, shoes, watch, make-ups, accessories, at kung ano pa. Samantalang yung paper bags ay damit, dresses, shorts, t-shirts.

Hinayaan ko nalang siya. Hilig naman ni Tito ang tumulong sa ibang tao, doon niya kasi binibigay ang oras niya.

Nasa kaluluwa na ata niya iyon, ang tumulong sa kapwa. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. Hindi niya lang ito pinapatulan, dahil mahal pa rin niya ang first love niya.

Buong maghapon akong nandoon. Umalis na rin si Tito para makapagtrabaho. Dito rin kasi ang tambayan ko.

Napagpasyahan ko nang umalis alam ko naman na baka bukas na ang balik ni tito. Kawawa talaga ang bahay niya, minsan may tao pero madalas wala.

Sana talaga, makasama na niya ang pamilya niya dito. Sila naman ang inspirasyon niya sa pagpapagawa nito. Sinabi niya sakin noon gusto niyang dito titira ang pamilya niya. Kaso mag-isa lang siya buhay kaya kami nina Mommy at Daddy ang nagsilbing Pamilya niya.

Tito John have taught me how to be a better person and I truly value everything. I could not have accomplished much in my life without his constant guidance and support. He's there when I'm having a hard time.

I pray that his child will appreciate him. Because I do.

This time, I'll help Tito John to be with his family. All this time he's there for us. Ngayon, ako naman tutulong sa kanya.

*******************************************

A/N: Don't forget to vote and comment! Share this story with your friends.

Godbless and Love y'all!

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

257K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
9.9K 486 45
Wandering without a map is indeed scary. Walking on a path without knowing where it will lead you is nothing but bravery. Some are lost under the moo...
4.3K 159 52
There was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that h...
7.9K 197 44
Austria Series #1 (Former Title: Selfless Love) PS: under major revisions Thoughtful, kind, loving are the characters that sum up the personality of...