TILL FATE DO US PART (Fate Se...

By dreyaiiise

20.1K 2.8K 556

She was having difficulty locating her father in order to make her mother happy. She encountered many difficu... More

TILL FATE DO US PART
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABABATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 14

345 61 12
By dreyaiiise

-I care-

Ang sakit nang ulo ko, pati ng katawan ko. Hindi ako makabangon. 6:20am na pero hindi pa ako nakakapagalmusal.

Ayaw kong mahuli sa klase. Baka may mga activity kaming gagawin, these days pa naman masyado nang maraming requirements.

"Hello?" hindi ako makapagsalita nang maayos nang sagutin ko ang tawag ni Iza.

"Hoy! Napano ka? Ayos ka lang ba?" batid kong napansin niya ang pamamaos ko.

"Hindi ko alam eh. Ang sakit nang ulo ko, Iza. Pero papasok ako"

"Sure ka ba? Puntahan kita, baka may lagnat ka" binaba na niya.

Naka-lock ang pintuan sa front door pero alam naman niya kung saan nakatago yung susi sa labas.

"Iza" iyan nalang ang nasabi ko nang hawakan niya ang leeg at noo ko.

"Gagi! Nilalagnat ka, hindi ka muna papasok"

"Pero, baka maraming gagawin"

Ayokong mahuli sa lessons o kaya naman baka may quiz.

"Ako na ang bahala" hindi pa din ako nagpatinag.

"Salamat. Pero mas gusto kong pumasok eh. Sayang ang araw"

"May sakit ka nga! Wag ka nang makulit." sa sinabi niyang iyon ay napatikom na ang bibig ko.

Pinakain niya na muna ako bago pinainom nang gamot.

"Bakit ka nga pala napatawag?"

"May ikukwento sana ako, pero next time nalang dahil ba mahuli pa ako sa first class"

Tumingin ako sa orasan. Quarter to seven na pala.

"Sige. Ingat ka ha?"

"Pagaling ka"

Hinalikan niya ako sa pisngi bago umalis.

Nakatulog akong muli dahil sa pagkahilo ko.

Tanghali na nang magising ako, mahaba-haba na rin ang tulog ko. Naramdaman ko ang bimpo sa noo ko.

Hindi ko mapigilang hindi magtaka, sino naman kaya ang naglagay nito?

Hindi ko pa rin kayang tumayo, ang hirap lang talaga.

"Good afternoon, Lori" muntikan na akong mahulog sa kama ko nang may nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?" hindi pa rin ako makapaniwala.

"Hindi ka ba natuwa, baby?"

"Kasi naman nanggugulat ka eh!"

"Hindi ba puwedeng nag-alala lang ako sa prinsesa ko?" May sweetness sa boses niya nang sabihin iyon.

"Oo na! Thank you" niyakap ko siya, baka kasi magtampo pa. Matampuhin kasi to.

"Nahihilo ka pa ba?" he asked. "Sabi sa akin ni Iza na hindi kana nakakain nang maayos. Kaya ka nahihilo! Tapos nilagnat ka dahil sa sobrang pagod yan" panenermon niya.

"Okay sorry" pinagkrus niya ang braso niya. "Hindi na po mauulit, Kuya!" tinaas ko ang kanang kamay ko.

"Dapat lang"

"Mabuti pala dahil wala kang class bukas"

"Ano bang meron?"

"Wala naman, dito muna ako bukas para mabantayan kita"

"Kuya weh?!" naging masigla ako dahil sa sinabi niya.

"Oo naman! Pero.." pagpuputol niya.

"Pero??"

"Pero, pagkatapos nun. Doon na kayo titira ni Mama sa bahay ko!"

Gusto ko naman doon sa bahay ni Kuya. Doon din yun sa malapit sa mansiyon nina Iza.

"Eh kuya, lalayo ako sa school. Dito walking distance lang, tapos kapag doon hassle pa kase magcocommute pa ako"

"Sinong may sabing magcocommute ang prinsesa ko?"kunwari'y tanong niya.

"What do you mean?"

"Edi ako! Hatid,sundo kita, ayaw mo ba?"

That's great! Miss ko nang ihatid-sundo ako ni Kuya. Bata palang kasi ako siya na ang tumayong tatay ko.

"Aba! Syempre gusto! Gwapo nang driver ko" sabay kaming natawa.

"Mainit kapa rin" pinunas niya sa akin ang bimpo na nasa noo ko kanina.

"Kuya. Wala kabang pasok?"

"Meron"

"Bakit ka nandito?"

"Malamang! Wala namang mag-aalaga sa iyo. I don't want to see you struggling alone. As long as I'm here, I'll take care of you"

"That's so sweet, Big Bruh! I love you!"

"Ahhh, I love you so much!" ginulo niya ang buhok ko.

Gaya nang ginawa ni Iza, pinaghanda niya ako nang tanghalian. Sabay kaming kumain dahil ipinasok na rin niya sa kwarto ko ang food niya.

"Luto mo?" masarap kasi, si Kuya Herron naman sa tuwing nagluluto siya sasakit tiyan mo. Kundi maalat, masyadong matamis, tapos minsan wala namang lasa.

"Why? Hindi pa rin ba masarap?" ngumuso siya.

"Tell me, did you cooked it?"

"Yeah..." walang gana niyang sambit.

"Wow!" I exclaimed

"Is it delicious?"

"Of course! Very delicious!" pagpuri ko.

"Salamat naman, kumain kana para makainom ka na nang gamot"

Nang matapos ko nang inumin ang gamot, naisipan kong magbukas nang Messenger.

Marami ang nagchachat sa akin, halos lalaki na nagpapakilala ganun. Pero pinindot ko lang is yung kay Iza.

Izabele: Lori, 2pm ang labas namin. Wala kasi tayong last subject. You're blessed because wala namang ginawa, pinagusapan lang ulit ang Social Experiment. Free time ngayon.

Faustina: Really? I'm so blessed. How about the other class?

Izabele: May pinaguusapan. Yung Mr and Mrs. MU

Faustina: May pumipili na ba? Bakit hindi ka sumali?

Izabele: Gagad ka te? Sa December pa un. Pinaghahandaan lang.

Faustina: So? Edi sumali ka!

Izabele: Bakit hindi nalang ikaw? Mas bagay ka dun tapos habulin ka nang boys kaya May audience impact

Faustina: Loka! HAHAHA

Izabele: Babalik ako diyan. May bibisita din sa iyo. Bye.

Faustina: Who is it?
Faustina: Sino??
Faustina: Who the hell is it?
Faustina: Bwiset ka, Izabele!

Ala una palang pala, edi malapit na silang umuwi.

Napansin ko si Kuya Herron na nakahiga dito sa tabi ko. Mahimbing siyang natutulog.

Pinagmasdan ko siya. Siguro nga ay pagod na pagod siya ngayong araw. Pero inalagaan pa rin niya ako. He didn't make me feel that I was just his half sister. He never did. That's why Mom and I really appreciate his love.

Kuya Herron deserves to be loved.

"Hi" dumating na si Iza.

"Oh, akala ko ba may bisita ako?"

"Ah, oo. Halika dito" tinawag niya ang sinasabi niyang bisita ko papunta sa gawi namin.

Napahinto ako sa paghinga nang makita kung sino iyon.

Si Vaughn. Hindi lang pala siya dahil nandito rin sina Gab at Caleb. Pati na si Alja.

"Pag-uusapan ba natin yung Research?" walang alam kong kong tanong

"Nope, we're here to check if you're fine" si Caleb.

"I'm good, I guess"

Ngumiti ako sa kanila. Napansin kong nakatingin lang ang dalawang lalaki sa akin.

Nilapitan ako ni Iza.

"Bakit mo sila dinala rito?" bulong ko habang nakangiti.

"Sila ang may gusto eh. Saka magpapaalam sana si Caleb sayo" nahihiya siyang tumingin sa gawi nila.

"About?" lumingon na ako kay Caleb.

"About sana sa-"

"Teka! May natutulog dito. Doon tayo sa sala."

Hindi ko pa kayang tumayo. Pero sinubukan ko.

"Let me help you" pagprisinta ni Gab.

Sina Alja at Iza ang umakay sa akin. Itinayo lang ako ni Gab, sabi ko naman na kaya ko na.

Hindi ko nagustuhan ang mga tingin ni Vaughn. Ang sama kasi.

"Gusto ko lang sanang magpaalam na liligawan ko si Izabele" hindi makatingin sa akin si Caleb, tanging na kay Iza lang ito.

"Sus, bakit nagpapalam ka sa kanya? Siya na ba ang nanay ni Iza?" pang-aasar ni Vaughn. Lakas nang trip ah.

"Paki mo? Bakit hindi ka gumaya!" pambabara ko. Akala niya siguro.

"Paano? Na kapag liligawan kita, magpapalam ako kay Iza?" diretso niyang sabi na walang pag-aalinlangan.

Napahinto ako doon. Bakit ba siya nagkakaganito? Nakakainis na.

"Epal mo! Hindi naman ikaw kinakausap" inirapan ko siya, tumawa nalang siya.

Mabuti nalang dahil konting lagnat nalang ang meron ako, nawawala na ang init. Effective yung ginawa ni Kuya.

"Tama na nga yan! Pag-usapan muna natin lovelife ni Iza, okay?" pagpipigil sa amin ni Alja.

"Hindi ako papayag" taas baba kong sabi.

"What? Why!" si Iza.

"Chars, syempre okay sa akin yun" lumapit sa akin si Iza para yakapin ako.

"Basta, kapag sinaktan mo siya. Magkita nalang tayo sa impyerno" pagbabanta ko

"Ano ka? Anak ni Satanas?"

Sumabat nanaman si gago.

"Eh ikaw? Tatay ni Satanas?" kahit may lagnat ako kaya kong mang-asar, kala niya siguro.

"Hoy, tama na yan! Baka mamaya kayo pa ang magkatuluyan!" biro ni Caleb.

"Ganyan nagkatuluyan ang Mama at Papa ko" si Alja.

Hindi na ako sumagot, sa halip ay nanahimik na lang ako.

Nagpaalam si Gab na sasagutin lang raw ang tawag. Tapos sina Iza at Alja maghahanda daw nang meryenda. Malamang sumama si Caleb sa nililigawan niya. Kaya naiwan kami dito.

"Bat ang tahimik mo?"

"Ano bang gusto mo? Umiyak ako? Tumawa?" sarkastiko kong tugon.

"Baliw"

"Eh ano ba kasing ginagawa niyo dito?" hindi naman ako dinala sa hospital para bisitahin.

"Bakit ba naiinis ka? Ikaw na nga binisita"

"Thank you po!" nameke ako nang ngiti.

"Siguro may tinatago ka ano?" pag-uusisa niya.

"Ano naman?"

"Yung katabi mo sa kama, sino yun?"

"Bakit ka curious?"

"Hindi ako curious, eww" inirapan ba naman ako.

"Selos ka?" sarap niyang asarin hahaha.

"What the fuck? Nasisiraan ka na ba nang bait?"

"Hindi pa" biro ko ulit.

"Tss" tumingin siya sa itaas. "Boyfriend mo siguro, pero bakit katabi mo sa kama?"

Mukhang nagseselos siya kay Kuya. Konti nalang talaga, iisipin ko nang may gusto siya sa akin.

"Eh ano naman kung katabi ko sa kama?" titignan ko ang reaksyon niya.

"Siyempre hindi pa kayo kasal kaya dapat hindi muna nagsasama sa iisang kwarto!"

Kasal kuno?

"OA mo"

"Hindi ako OA!" nagalit ata, nagwalk out eh.

Tumingin nalang ako sa gawi nina Iza. Mukhang nag-eenjoy siya ah. Minsan nalang siya sumaya nang ganyan. Bago kasi kami lumipat dito nag-search siya about sa school. Pati na yung mga mag-aaral. Nahumaling siya sa kagwapuhan ni Caleb kaya in-add niya agad sa Facebook.

Tapos ngayon, manliligaw na. Sinong hindi sasaya doon?

I'm happy for her. She deserves it.

"Nasaan si Vaughn?" tanong sa akin ni Caleb.

"Nagwalk out" nagkibit-balikat ako.

"Ano ba yung pinag-usapan ninyo?" si Iza.

"Ewan ko dun, sinesermunan ako dahil katabi ko daw yung boyfriend ko sa kama"

Natawa si Iza. Si Caleb naman ang seryoso.

"Hanapin ko muna" nagpaalam sa amin si Caleb.

Na-guilty ako, baka ako kasi talaga ang dahilan kung bakit hindi pa siya bumabalik.

"Ako nalang"

"Hindi na, ako nalang ang maghahanap" pagpupumilit ni Caleb.

"Ako nalang nga" I insisted.

"Okay kana ba? Samahan kita" pag-aalala ni Iza.

"I can handle it"

Tumayo na ako, baka nasa playground siya. Kahit medyo malayo nilakad ko yun, 'Di na kasi kaya nang konsensya ko.

Nanlambot ako nang walang madatnan doon. Wala naman kasi ang kotse niya sa labas nang bahay namin.

Umupo muna ako sa swing, pero umalis din dahil mainit pa. Nakasimangot akong umalis, nakayuko lang.

May nakita akong paa sa harapan ko, dahan dahan kong iniangat ang ulo ko. Hindi ko mapigilang hindi matuwa.

Andito si Vaughn.

"Nandito ka pala, bakit di kita nakita kanina? ngumuso ako.

"Bakit mo ako sinundan?"

"Siyempre ano...uhm.. nakokonsensya ako eh" huminga siya nang malalim.

"Hindi ka pa magaling lumalabas kana! Paano kapag lumala pa yan" galit na galit?

"Bakit ka galit?"

"'Cause I care!" sa simpleng salita na binitawan niya ay huminto ang paghingi ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko.

"Let's go, balik na tayo doon! Baka magalit pa boyfriend mo" diniinan naman niya salitang 'boyfriend'.

Nahirapan akong maglakad. Parang nanghihina nanaman ako.

"Hoy, anong ginagawa mo" umupong kaunti si Vaughn sa harapan ko.

"Sakay na, baka sabihin nang boyfriend mo na dahil sa akin lumabas kapa" sumakay naman ako. Hindi ko na kaya maglakad eh.

Natawa ako, paulit-ulit niyang binabanggit ang salitang 'boyfriend'. Obvious ka Vaughn pero hindi ako aasa.

"Bakit ka tumatawa?"

"Bakit? Bawal ba!"

"Tss"

Nakarating na kami sa bahay, hindi pa rin nya ako binaba. Nakita nilang lahat na nakapasan ako sa kanya. Sana lang ay hindi nila ito lagyan nang malisya.

Gising na si Kuya Herron nang dumating kami kaya naman sa tabi niya ako binaba ni Vaughn.

Nagkakatuwaan sila nang dumating kami, mukhang kilala na nila si Kuya.

"Magaling na ba ang prinsesa ko? Bakit ka lumabas?"

"Medyo magaling na po"

Nawala ang ingay nang mga kasama namin, lahat nang atensyon nila nasa amin pala.

"Kuya nagpakilala kana ba?"

"Yup" tipid niyang sagot

"Anong sinabi mo sa kanila?" hindi ko na siya hinintay na sumagot. "Nagpakilala na ba siya sa inyo?" tanong ko sa kanila.

"Yes. Sabi niya siya raw si Herron Louille Fuentes" si Gab ang sumagot.

"Yun lang?" napangiwi ako.

"Oo, pero halata naman na boyfriend mo siya eh. Kaya hindi niya kailangang sabihin pa" si Alja naman ang nagsalita.

Nagkatinginan kami ni Iza. Sabay kaming tumawa.

"What's funny?" si Caleb na ang nagtanong.

"Kuya, bakit hindi ka nagpakilala na kuya kita?" tanong ko sa kanya na natatawa parin.

"They asked me, ano raw ang pangalan ko. Kaya sinagot ko naman" inosenteng sambit ni kuya.

"Everyone, he's my elder brother" proud kong pagpapakilala sa kaniya

"Kaya pala hawig kayo" si Alja

"Pansin ko nga" tumango tango si Caleb

"Ano ba kayo? Sa tingin nyo ba na hahayaan ni Faustina ang may tatabing ibang lalaki sa kanya? Ang arte nito eh" akala ko pa naman okay na.

"Okay na sana, Iza. Bakit may insulto sa huli" tumawa sila. Kasama na doon si Vaughn.

"Kuya ko siya okay? Magkaiba lang ang surname namin" paglilinaw ko. Binigyang diin ko ang salitang 'kuya' saka tumingin kay Vaughn.

"Eh si Joaquin? Siya ba ang boyfriend mo?" nagulat ako sa tanong ni Vaughn.

"What? Ex ko na yun"

"Really? Eh ang saya niyo nga nung isang araw"

"Sorry? He's not my boyfriend anymore. Binigyan ko lang siya nang closure kaya naging okay na kami"

"Ahh"

"Siya ba si Vaughn?" bulong sa akin ni Kuya pero narinig nang lahat iyon.

Tumango ako, naging dahilan iyon nang pagtayo niya. Lumapit siya kay Vaughn.

"Thank you for saving my sister! Nice to meet you. Vaughn, right?"

"No worries. Nice meeting you too"

Nagkamayan sila, si Kuya kasi masyadong formal yan. Baka nga ilibre pa niya si Vaughn para makabawi.

"I owe you one" ngumiti ito kay Vaughn.

Kinindatan ako ni Kuya nang nakaupo na siya. Hindi ko alam kung bakit.

Kumain na kami nang meryenda. Marami silang inihanda, may pancit, pizza, street foods and Ice tea ang drinks.

"I'm so glad. I really appreciate y'all. Labas tayo minsan para makapag-bonding"

Sumang-ayon sila, mahilig naman kasi gumala ang mga ito.

Nang malapit nang dumilim, napagpasyahan na nilang umuwi.

Tuluyan nang dumilim, busog pa ako pero kailangan kong maghapunan para sa iinumin kong gamot.

Hinintay kong saglit si Mama, kaso hindi ko na malaban ang antok ko. Si kuya naman, nasa sahig siya. Naglatag siya nang foam doon para mas matutukan niya daw ako. Sweet diba.

Nalingat ako. Ang lamig kasi.

"Kuya, I'm freezing!"

Hindi ko alam kung narinig niya yun.

Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin. It's comfortable. Naalala ko tuloy noong bata kami, sa tuwing nananaginip ako nang masama nandiyan siya para yakapin ako. Lalo na kapag wala si Mama.

Sa kaiisip, pumasok nanaman sa isipan ko ang mukha ni Vaughn na nagaalala. Naalala ko ang nangyari kanina sa playground. He cares. He really cares, I guess.

Cause I care!

Cause I care!

Cause I care!

Cause I care!

Cause I care!

Paulit-ulit kong narinig ang mga katagang sinabi niya. I don't know why am I thinking of him. My heart rate beats so fast. Argh! Lord, Hindi pa ako ready.

*******************************************

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 114 43
(COMPLETED) #1 Saltarian (Tales of Love) "Maybe when the time is right, you will find me again." ~~~ Promise. One word. Seven letters. Most people...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
981K 33.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.7K 118 53
Figure skater, Gaia Merceline Romualdez fell on her bestfriend's crush, Brandon Nicholas Rinoja after meeting him on her Aunt's wedding. She thought...