Love And Affection

By mariamrebellion

624 29 4

Empress Tiffany Dela Montegro | She almost has everything. Money, beauty, and brain, yet her mother would alw... More

Start
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 4

55 4 1
By mariamrebellion

#LoveAndAffectionChapter4

Love and Affection

CHAPTER 4


"Well, I'm Empress—" Pakilala ko sana sa sarili nang bigla siyang sumabat. Sinamaan ko siya ng tingin. Pero agad ko ring binawi nang marinig ang sagot niya.

"I know.. " Aniya at binigyan ako ng maliit na ngiti.

"Oh, well. Bradley probably talked a lot about me, I guess." Sabi ko.

"You're wrong. Kilala na kita noon pa."

May binulong siya ngunit 'di ko gaanong marininig. Nagkibit balikat ako. Nang lingunin ko si Bradley ay seryoso pa rin ang mukha niya habang nakatingin kay Nathan. Parang kanina lang ay ang saya-saya ng mood niya tapos ngayon ang seryoso. Ang bilis naman magbago ng mood.

Pabalik-balik ang tingin ko sa dalawa. I cleared my throat na naging dahilan para mapabaling sa akin ang tingin ni Bradley. I smiled at him and asked, "Do you want some water?"

He shook his head, "Nah, just you would be fine." Inabot niya ang ulo ko at tinapik nang marahan.

"Really, Mr. Sullano?" I chuckled. Tumayo ako mula sa pagkaupo at pumunta sa may gilid para kunin ang water bottle. Kumuha rin ako ng isang mansanas bago bumalik sa pwesto kanina.

I handed him the water and apple, "Oh, ito muna. Tubig at mansanas."

Kahit hindi nakatingin ay ramdam ko ang titig ni Nathan sa akin. Bawat kilos ko ay pinagmamasdan at sinusundan niya ng tingin. Hindi ko na lamang ito pinansin.

"How come you're early?" Tanong ni Bradley. Mula sa gilid ng aking mga mata ay mapansin kong naglakad papuntang sofa si Nathan at doon umupo.

"Tita Carol called." Sagot ko. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan ito. Humugot ako ng isang malalim na hinga bago nagsalita muli. "Bradley, huwag mo na 'yong uulitin, ha?" Pakiusap ko sa kanya, bakas ang pag-alala sa boses ko.

Pinisil niya ang kamay ko, "I'm sorry. I made you worry.."

"It's okay. Basta ba huwag mo nang uulitin. Hindi lang ako ang nag-alala sa'yo. Your mom was so worried, Bradley. Umiyak si Tita kanina."

Lumungkot ang mukha niya, "I'm so sorry."

Tumango ako at inabot ang mukha niya sabay haplos doon. Narinig kong bumukas ang pinto. Lumingon ako at nakitang lumabas si Nathan sabay pasok naman ni Tita. Bakas pa rin sa mukha niya ang pag-alala at lungkot. Tumayo ako at binigay kay Tita ang inupuan kong upuan na nasa tabi ng kami ni Bradley. Tinanguan niya ako, sinuklian ko naman ito ng isang ngiti.

I looked at Bradley, "Sa labas muna ako."

Tumango siya kaya agad din akong lumabas.


Pagkalabas ko ay naabutan ko si Nathan na nakatayo sa gilid ng pintuan. Nagulat pa ako noong una pero agad ding nakabawi. Nang mapansin ako ay umayos siya ng tayo. Tumikhim siya't napakamot sa kanyang batok. Nahihiya ba siya?

"Ahh.. Saan ka?" Mahinang tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay bago sumagot.

"Bakit?" Mataray kong tanong. Kanina sa loob ng kwarto ang taas ng confidence niya. Feeling close pa nga tapos ngayong kaming dalawa lang biglang nahiya? May ganoon pala? Pasimple akong umirap bago siya nilagpasan at naglakad papuntang elevator.

"Hindi ka pa nag-breakfast, right? Sabay na tayo?" Agad siyang nakahabol sa'kin at sinabayan ako sa paglalakad.

"Close ba tayo para sabayan mo ako?" Tanong ko na hindi niya nasagot agad.

"There's nothing wrong about it naman diba? I'm just being friendly you know.. You're friends with Bradley and friends din kami, so why not maging friends din tayo?" He suggested. He gave me a small smile and damn, ba't ngayon ko lang napansin na may dimples pala siya? Kahit konting ngiti niya lang ay halatang-halata ito. Ang sarap pindutin.

Huminto ako saglit at hinarap siya. Wala naman sigurong masama kung tatanggapin ko ang alok niya diba? And Bradley's not the type of guy na basta basta nalang makikipagkaibigan ng kung sinu-sino so I think Nathan's... harmless?

I sighed, "Okay.."

Nathan smiled widely na para bang nakatanggap siya ng isang nakapagandang balita. I shrugged at nagpatuloy na.


Nandito kami sa isang café malapit lang sa St. Jude's Hospital. Naghanap kami ng mauupuan bago nag-decide kung ano ang aming bibilhin. Mula sa table ay nilingon ko ang counter at tiningnan ang menu na nasa taas. Hmm.. What to choose?

"Nakapili ka na?"

Tumingin ako kay Nathan at sumagot, "Umm.. 'yong Kimchi Fried Rice at isang cappuccino lang sa'kin."

Tumango siya bago tumayo papuntang cashier para umorder. Tumingin ako sa labas ng bintana. Mukhang uulan yata ah. Pinagmasdan ko ang langit at mga tao sa labas nang may bigla akong narealize.

Wait.. hindi siya humingi ng perang pambayad ah? Tumayo ako at pupuntahan sana si Nathan pero mukhang tapos na siya kasi may dala na siyang maliit na papel na sa tingin ko ay ang receipt ng order namin. Wala akong nagawa kundi umupo ulit at hintayin siyang makarating sa table namin. Nang makaupo siya sa harap ko ay tinanong ko siya.

"Magkano ang sa'kin?" Sabay kuha sa wallet ko na nasa loob ng bag.

"Wag na, libre ko na 'to. What are friends for, right?" Aniya at tinago ang receipt sa bulsa niya.

"No, babayaran ko ang order ko." Madiin sabi ko. "Magkano nga?"

"Huwag na kasi, ang kulit mo." Umiling siya. He leaned on his chair while smiling.

"Hindi ka ba napapagod ngumiti?" Tanong ko sa kanya. Simula noong nakilala ko siya kanina ay napapansin ko na palagi siyang nakangiti. I mean, hindi ba sumasakit ang mga pisnge niya? Ako kasi, pala akong nakasimangot. Isa na rin 'yan sa napakaraming dahilan kung bakit wala akong naging kaibigan sa school.

"Bakit ako hindi ngi-ngiti kung masaya ako ngayon?"

"Ahh.. " Iyan lang ang tanging nasagot ko. Wala naman akong karapatang sabihan siya na huwag ngumiti. His smiles are so pretty. Ang ganda nitong tingnan lalo na ang mga dimples na lumilitaw sa tuwing ngumi-ngiti siya. Ano kaya ang histura ko kung may dimples ako? Gustong gusto ko talaga magkaroon ng dimples. Huhuhu.


"Order 015, please proceed to the counter.."


Nagkatinginan kami ni Nathan. Tumayo ako para kunin ang order namin pero kaagad niyang hinawakan ang pulso ko para pigilan.

"Ako na ang kukuha. Upo ka lang diyan." Binitawan niya ang pagkahawak sa akin at pumunta na sa counter. At nang makabalik siya ay kumain na rin kami agad.

Bago kami bumalik sa hospital ay binilhan ko sina Tita at Bradley ng breakfast. Sabay kaming naglakad ni Nathan pabalik. Tahimik lang kaming naglalakad at ang mga busina lang ng mga sasakyan ang nagbibigay ingay sa paligid. Nang makarating sa tapat ng kwarto ni Bradley ay kumatok ako bago pumasok. Sumunod din si Nathan.


Mula sa panunuod ng t.v ay binalingan kami ni Bradley ng tingin. Kunot-noo siyang nakatingin sa'min. "Where have you been? Magkasama kayo?" Bungad niya sa'min.

"Ahh, oo. Kumain lang kami ng breakfast sa labas. Si Tita nga pala? Binilhan namin kayo ng makakain." Ani ko sabay angat sa mga supot na dala. Naglakad ako sa gilid kung nasaan ang lamesa at ipinatong ang dala doon.

"Umalis na si Mommy. Pupuntahan niya ang kompanya dahil nagkaproblema raw." Sagot ni Bradley.

Tumango tango ako at umupo sa tabi niya. "Subuan kita?"

Ngumiti siya, "Pwede?"

"Oo naman." Tumayo ako ulit at kinuha ang biniling pagkain sa lamesa.

Habang sinusubuan si Bradley ay nahagip ng mga mata ko si Nathan na nakaupo sa sofa. Nakatitig siya sa amin ni Bradley. Taka ko siyang tinignan kasi parang may kakaiba sa mga tingin na binibigay niya sa amin. Mukhang napansin niya na nakatingin ako sa kanya kasi tumingin din siya sa akin.

"Are you two in a relationship?" Tanong niya na naging dahilan kung bakit kami nagkatinginan ni Bradley at sabay na tumawa.

"Seriously, dude?" Ani Bradley. "Parang kapatid ko na si Empress."

I chuckled, "Bakit mo natanong?"

He shrugged at umiwas ng tingin. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pag-aasikaso kay Bradley.


Nanatili ako sa hospital para samahan si Bradley, si Nathan naman ay umuwi na kaninang umaga dahil may pupuntahan pa raw. Nagkwentuhan lang kami ni Bradley, minsan din ay nanunuod kami ng mga palabas sa t.v. Nang malapit nang sumapit ang gabi ay dumating si Tita Carol galing work. Tutal nandito na si Tita, nagpaalam ako na uuwi na.

"Bradley.." Tawag ko para kunin ang kanyang atensyon. Lumingon siya sa akin at mukhang naintindihan ang sasabihin ko.

"Uuwi ka na?"

"Oo, kung okay lang?"

Tumango siya, "Alright. Take care, okay?"

Ngumiti ako at tumango. "Kailan ka makakalabas dito?" Tanong ko habang pinasok sa loob ng bag ang phone.

"Tuesday morning, why?"

"Okay lang ba kung hindi ako makakabisita bukas? Pero sa Monday naman ay for sure mabibisita kita sa hapon or sa gabi."

"It's okay. You don't have to worry, Emp." Binigyan niya ako ng ngiti. "Besides, we can do a videocall."

Tumango ako, "Right. Well, I'll see you on Monday."

"See you.." Tuluyan na akong tumayo at binigyan siya ng halik sa pisngi bago tumalikod paalis.

"Goodluck on your thesis defense." Pahabol niyang sabi na sinuklian ko ng isang ngiti.


* * *

Hi, hi~ Thank you sa mga naghintay ng update. Sorry kasi sobrang nabusy lang ako sa acads and personal stuffs. Hopefully ay matapos ko 'tong story na 'to this year at para na rin masimulan ko na ang pag-revise.  :((


Happy Reading Rebells!

With lots of love,

Maria

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...