UNRIVALED!

By PeachyyyPie

284K 16.3K 4.3K

So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then... More

PROLOGUE
* CHAPTER 1~ Blue Haven wall was wrecked!
* CHAPTER 2 ~ I am not interested.
* CHAPTER 3 ~ Don't bother me..
* CHAPTER 4 ~ Will you be our friend?
* CHAPTER 5 ~ Tick tock! Timebomb!
* CHAPTER 6 "War on!"
• CHAPTER 7 "Protect your base."
• CHAPTER 8 "Protect your base"
• CHAPTER 9 "The Giant Bird"
• CHAPTER 10 "The Lost Shoe"
• CHAPTER 11 "Pendant"
• CHAPTER 12 "Relic"
• CHAPTER 13 "Proxy"
• CHAPTER 14 "Captor"
• CHAPTER 15 "The Annual Tournament"
• CHAPTER 16 "Contenders Profile"
• CHAPTER 17 "Battle for cause"
• CHAPTER 18 "Eugi vs Suzzane"
• CHAPTER 19 "Eugi vs Alistair"
• CHAPTER 20 "Serendipity"
SPECIAL CHAPTER
• CHAPTER 21 "Trap"
• CHAPTER 22 "Default"
• CHAPTER 23 "Instinct"
• CHAPTER 24 "Payback!"
• CHAPTER 25 "Visit"
• CHAPTER 26 "Call away"
• CHAPTER 27 "Hierarchy "
• CHAPTER 28 "Barricade"
• CHAPTER 29 "Rogue!"
• CHAPTER 30 "Violators"
• CHAPTER 31 "Monitor"
• CHAPTER 32 "Missing"
• CHAPTER 33 "Justice"
• CHAPTER 35 "Player's ready!"
• CHAPTER 36 "Hide and Seek"
• CHAPTER 37 "The Plan"
• CHAPTER 38 "Abduct"
• CHAPTER 39 "Eye for an Eye"
• CHAPTER 40 "Stolen"
• CHAPTER 41 "Paintings"
• CHAPTER 42 "Ambush"
• CHAPTER 43 "Operation"
CHAPTER 44 "The Plan"
CHAPTER 45 "The Royale Heir"

• CHAPTER 34 "Help"

5.4K 356 93
By PeachyyyPie


"Ten kilometer sprint on circle! On your marks! Ready.. Set.. GO!" sa hudyat ng Sports instructor ay hinila nito ang trigger ng smoke gun at pumutok sa ere ang itim na usok. Ito ang 'Go sign' para sa mga estudyanteng naka'pwesto sa harap ng marking point. Napuno ng hiyawan ang isang grupo ng mga estudyanteng naka-upo sa audience area habang isini'sigaw ang pangalan ng kanilang mga kaklaseng tumatakbo.

Isa sa kalahok ay si Visla—na siyang nangunguna sa pag-takbo ng apat na kalahok. Ang dalawa ay nasa wolf form nila at ang isa ay nasa full-vampire speed nito. Malayo na ang distansya niya mula sa tatlong lalaki, pero kahit ga'non pa man ay napaka-fresh pa rin tingnan ang buong mukha niya. I'dagdag pa ang Ash gray hair niya na malayang tumatangay sa kaniyang mukha. Kung pag-mamasdan mo siya, para siyang nasa loob ng isang shampoo commercial.

Hindi ma'iwasang tumitig ng mga kalalakihan sa kaniya. Bampira man o hindi—walang mag-kakaila na napaka-dyosa ang dating nito sa kanila.

"Napaka-ganda niya talaga~"

"Akin ka nalang, please!"

"Visla hanggang pangarap ka nalang ba?"

"Oh sinta ko~"

"Running like a Queen!"

"Any man would die for that beauty.."

"Ugh! Look at that hair.. Buhok palang ulam na!"

"Sana ako nalang si Ceref!"

"Go Queen! Go Queen!"

"A worth dying for~ I'll die for you Visla!"

"Hoy! Sabihin ko 'yan sa girlfriend mo ah!

"Uy, h'wag naman.."

Karamihan sa mga supporters ni Visla ay mga ka'lalakihan mula sa ibang unit. Kung hindi nga lang talaga big deal ang pag-preserve ng kanilang race ay baka higit pa sa inaasahan ang magiging bilang ng kaniyang man'liligaw. Pero dahil mahalaga ang social status at hierarchy race ay kailangan niyang maging mapili sa kaniyang mapapang'asawa. 

Nandoon rin ang kan'yang fiancé na si Ceref para manuod. Pero naka-tutok ang atensyon nito sa lalaking ka'usap niya mula sa phone.

"What??"

[Yes, Alpha.. Hindi na tinuloy ni Olivia ang kasunduan.."]

"W-Wha—Why all of the sudden!? 'Di ba pinag-usapan na namin 'to!?"

["Hindi siya nag-bigay ng dahilan.. Ang sabi niya lang 'I quit!' at ayaw na niyang guluhin pa 'yung babaeng pinag-iinitan n'yo.."]

"Tsk! Na'san siya ngayon!? Give the phone to her! Kailangan ko siyang maka-usap.."

["Ah eh, umalis na siya Alpha.. Bago pa kita tawagan nag-paalam na siya.."]

"Useless!" Kunot ang noo niyang sabi habang pina-panood si Visla na tumakbo at marating ang finish line. "Make sure to monitor that woman! Sigurado akong may ginawa na naman 'yung freak na 'yon kay Olivia!"

["Uh.. Sinong freak, Alpha? Si Olivia o 'yung..?"]

Pumikit si Ceref dulot ng inis! Umi'init na nga ang kaniyang ulo dahil sa balita ay dadag'dagan pa ng lalaking ito. Kung wala lang talaga siya ngayon sa open field at nanonood sa laban ng kaniyang fiancèe ay baka kanina pa sumabog ang kaniyang pasensya. "How about Siasca? Did she knew about this?"

["No update, Alpha.. But I assumed maybe—"]

"Anong maybe!? Don't give me unabsolute answer, human!"

["H-Hindi ko na siya na'abutan, Alpha.. Pero ang sabi sa 'kin ng isa mong espiya, nag-usap pa sila bago pumunta si Olivia dito para i-inform 'yung desisyon niya.."]

"And here I thought my plan was succeeding! That woman!"

["Ano, Alpha? I-summon ko na ba—"]

"Not yet.. Kailangan ko muna siyang maka-usap ng personal.."

["Noted.."]

Mabilis na ibinaba ni Ceref ang tawag nang may kunot sa noo at pagka-dismaya na ekspresyon. Sa muling pagkaka'taon ay pumalpak na naman ang plano niya laban kay Eugi! Sa buong taon niyang pag-aaral sa Blue Haven ay hindi pa siya nakaka'kuha ng napaka-raming kapalpak'an. Malakas ang hinala niyang may ginawang masama si Eugi kay Olivia na naging dahilan nito para umatras sa napag-kasunduan nila.

Still, he won't give up!

Ang sunod nalang niyang narinig ay ang malalakas na sigawan ng kaniyang mga katabi. Na'punta ang atensyon niya sa pagka-panalo ng kaniyang fianceè, na may breaking tier record na one minute and a half seconds. Na'palitan ng ngiti ang bad mood niyang mukha. Panay naman ang pag-kaway ni Visla sa mga sumusuporta sa kaniya, at nang makita siya nito ay gumawa ito ng flying kiss sa direksiyon niya.

"Nakita mo ba 'yon? Binigyan ako ni Queen Visla ng flying kiss!"

"Anong ikaw?? Ako 'yon! Ako 'yon, naka-tingin siya sa direksiyon ko!"

"Hahaha! Bahala kayo, basta ako alam kong para sa 'kin 'yung flying kiss na 'yon.."

"Mga pilingero! Wala ni-isa sa inyo ang pinatamaan niya! Dahil ako 'yon!"

"Eh isa ka rin palang assume'ro eh.."

"Hahahaha! Mga tuleg nan'diyan 'yung fiancé niya.. So, wala ni'isa sa atin ang pinapatamaan niya.."

"Ay, oo nga.."

"~Ahehehe Alpha nandiyan ka pala.. 'Di ka nag-sasalita.."

Hindi niya ito pinansin at diretso lang na naka-tingin sa direksiyon ni Visla na nakikipag-usap naman sa instructor nito. Maya-maya pa'y muling bumaling ang atensyon nito sa gawi niya, at nang mag-tagpo ang tingin nila ay ngumiti ito sa kaniya. Muli na namang nag-sigawan ang ilan niyang mga katabi na nag-tatalo-talo pa kung sino sa kanila ang nginitian ni Visla.

Pa'punta ito ngayon sa direksiyon niya.

"How should I react?" naka'tawang komento ni Ceref 'saka inabot sa kaniya ang bote ng tubig at dalawang blood capsule. Umupo si Visla sa tabi niya at sinimulang buksan ang takip sa bote. Inihulog nito ang isang blood capsule sa loob ng bote kaya nag-kulay dugo ang tubig, 'saka niya 'yon ininom.

"You seem occupied lately.." inilapag niya ang bote sa tabi.

Tumango si Ceref at tumingin sa kaniya. "Yeah.. Lot of stuffs to be done.."

Umiling naman si Visla. "I meant earlier.."

"Hm?"

"To whom are you talking earlier?"

"Sa phone?"

"May iba ka'pa bang kina-usap maliban 'don?"

"Oh.."

"Seems a pretty serious business, huh?"

"Not at all.. Naki'pag—"

"Not at all? Eh mukhang mas mahalaga pa 'yon 'kesa sa suportahan ako.. Ano pang silbi ng pag-punta mo rito?"

"Of course to cheer for you! You can't expect me to raise a banner and do cheerleading scream for you.. Your fanboys had done the job! Come'on Visla, you know I'm proud for you everytime.."

Sandaling nag-karoon ng katahimikan sa pagitan nila. Ilang segundo pang tumitig si Visla kay Ceref nang may pag-dududa 'saka nag-buntong hininga at tumingin sa malayo. "I don't know.. I feel weird today.."

"Hm.. I smell jelousy.. is it?" Nakangising tanong ni Ceref at bahagyang tinusok ang kaniyang baywang.

"Stop it! Nasa public tayo, uy!" Saway ni Visla na sinundan ng tawa. "And besides, alam ko namang marami ka pang a'asikasuhin, so I'm not really settling a plan to go on a date with you right now.."

"That's my Queen!"

"Great puns, vampire.. Now let me stray back to some unfinish business.. Sino 'yung ka'usap mo sa phone kanina?"

Paktay. Akala pa naman niya ay malilimutan na nito ang iniisip kanina. Mukhang hindi talaga siya tatan-tanan ni Visla hangga't hindi niya nasa-sagot ang tanong nito. "Well.. One of Zwei's dog.." pag-si'sinungaling niya.

"Zwei?? What's your business with him?"

"Hm? Haven't you seen his message at the forum?"

"Why do you think I'm asking you? Mukha bang nakita ko na?"

"Okay, okay.. He's announcing his arrival next week.."

"Really!?"

"And why does it excites you??"

"No reason.. Just glad.. Mabubuo na ang Seven Alpha's!"

"I see no reason to be glad, Visla! Kilala mo naman si Zwei, 'di ba? He's still my number one rival! Hangga't nan'diyan siya at si—hindi ako a'angat sa pagiging pillar.." muntik na niyang masabi ang pangalan ni Eugi, mabuti nalang at mabilis niyang na-isip na kaharap niya pala si Visla, kun 'di panibagong tanong na naman ang u'usbong na kailangan niya uling sagutin ng ka'sinungalingan.

"Oh, set aside your insecurities with him, Ceref! There are things that you need to deal with him first.. Alala'hanin mo, he's also a leader like you.."

Iba sa pakiramdam nang marinig ni Ceref mismo ang papuri mula kay Visla. Ang ayaw niya sa lahat ay ang pinupuri ang ka'tunggali niya, lalo na ng kaniyang fiancée. Nakakaranas siya ng selos at lubos na pagka-inis. Siguro nga ay naka'sanayan na niya, dahil bata pa lamang ay mataas na ang kaniyang pride.

"Can't we not talk about him? Makes me uncomfortable.."

"Mm, okay.. If you insist.."

~•~•*•~•~

"Alam mo, malakas talaga 'yung kutob ko na scripted na naman 'tong pagka'wala ng emblem ni Olivia, eh!" Hindi ma'pakali sa kaniyang kinata'tayuan si Sheiko at pabalik-balik na nag-lalakad habang pina-panood lang siya ni Neo na naka-upo naman sa mahabang wooden bench. Dito muna sila tumambay habang hinihintay si Eugi lumabas mula sa Head councilor office.

"Umupo ka nga.. Ako nahihilo sa 'yo, eh.."

"Na-ii'stress kasi ako.."

"Mas lalo kaya 'kong nai-i'stress sa 'yo.. Umupo ka rito, pag-usap'an natin 'to.. Kay'sa sa mag-lakad-lakad ka d'yan, mas nakaka-hilo tingnan!"

"E'di h'wag mo 'kong tingnan!" sabi ni Sheiko at umupo nalang rin dahil pagod na rin siya sa pa'balik-balik na lakad. "Nakaka-inis lang.. Bakit pa nila kailangan gawin 'yun? Ano bang ginawa ni Eugi sa kanila para tratuhin siya ng ga'non?"

"Hindi pa ba sa 'yo malinaw? Ayaw nila sa mga mortal! And as long as possible, gumagawa sila ng paraan para ma-expelled lahat ng humans dito!"

"Cheap naman nila! E'di h'wag nilang tanggapin! 'Di naman rin kailangan ni Eugi ang tulad nila, no!? Mga feelers, hmp!"

"Wala talaga tayong magagawa sa ngayon, Sheiko.. Malakas ang kapit nila kumpara kay Eugi.."

"'Yun nga eh! Alam mo.. Alam mo, dapat talaga may gawin tayo dito e.."

"Hm?"

"Dito sa kaso niya.. Dapat may gawin tayo.."

"Eh? Ano na naman 'yang na-isip mo?"

"Tulungan lang natin siya i-defend 'tong kaso.. H'wag tayong mag-pa'talo sa tukso ng na mga 'yun!"

"Leave it to the investigators.. Sila na ang bahalang ayusin ang nangyari.. Besides, hindi rin nila tayo ha'hayaang mag-testify kasi mas malakas ang kapit ng mga 'yun sa officials.."

"Exactly my point, Neo! Hindi mo pa ba nage-gets 'yung sinabi ko? Walang ma'katarungan sa justice system natin! Tingin mo ba, may hustisya na maku'kuha si Eugi sa kanila? Mas'ki nga siguro simpatya, wala sila!" seryosong usisa ni Sheiko. "Tandaan mo, bukod sa kapangyarihan, pera ang isa sa makapangyarihan na instrumento dito sa mundo.. At malakas ang kutob ko na gagawin nila ang lahat para palabasin na guilty si Eugi! And worse, ma-expelled pa siya! Gusto mo ba 'yon, ha!?"

"Kalma, okay? Syempre, 'di ko gusto!" Bumuntong hininga si Neo at sinalubong ang tingin ni Sheiko. "Alam mo, kung may ma'gagawa lang talaga ako sa ka-pangyarihan ko para pigilan 'yung mangyayari, gagawin ko! Pero sa ngayon, buong klase ang naka'saksi—"

"So, sinasabi mong si Eugi talaga ang nag-nakaw!?"

"Hindi kasi! Ang ibig kong sabihin, anong laban nating dalawa kung lahat ng kaklase natin ay sasabihin na nakita nilang si Eugi ang kumuha! It's like two against the whole class!"

"Tsk, nata'takot ka lang, eh!"

"Hindi sa nata'takot—!"

"Sus, Neooo! Sinong ni'loko mo? Tss, bahala ka! Basta ako, mag'te-testify talaga 'ko! Kahit pa kalaban ko 'yung buong klase!"

"Hindi na kailangan.."

Sabay na napalingon ang dalawa nang marinig ang pamilyar na boses! Hindi nila ina'asahang bubungad sa kanila si Eugi!

"Eugenieeee!"

"Eugi!"

Tumayo silang dalawa at lumapit kay Eugi na para bang an'tagal na nilang hindi ito na-kita.

"Bakit parang am'bilis mo!?"

"Ayaw mo? Babalik ako.."

"Hindi haha! Nakaka-pag'taka lang! Anong sabi sa 'yo ni miss Wengie?" tanong ni Neo.

"Hm.. Mabilis lang na dinis'miss 'yung counselling.."

"Eh kamusta daw 'yung kaso? Kailangan mo ba ng saksi!? Nandito lang ako, handa kaming—"

"Salamat, Sheiko.. Pero, hindi na kailangan.."

Parehong nag-katinginan sina Neo at Sheiko at muling bumaling sa kaniya.

"Panong 'di na kailangan?" Takang tanong ni Sheiko.

"Wala na 'kong kaso.."

Nanlaki pareho ang kanilang mata, hindi maka-paniwala sa sinabi ni Eugi.

"Woah—H-How is that possible!?" Gulat na tanong ni Sheiko saka napatingin kay Neo.

"What do you mean by that? May ginawa ka ba or—?"

Umiling lang si Eugi. "H'wag niyo nang isipin 'yon.. Tara na.. Kumain na tayo.. Basta, tapos na 'yun.."

Kahit hindi maka-paniwala ay mas pinili na lamang ng dalawa na tumahimik at hayaan nalang kung ano man ang dahilan ni Eugi. Gayunpaman ay hindi nila ma'iwasang humanga dahil imposible namang umurong ang kaso niya ng wala man lang dahilan. Kahit misteryoso sa kanila ang nangyari ay masaya naman sila dahil wala na silang aala'hanin.

"Tara sa milk-tea'han!" ani Sheiko.

Habang naglalakad papunta sa mga cafèteria ay naramdaman nalang ni Eugi ang pag-vibrate ng phone niya, kaya kinuha niya ito, at bumungad sa kaniya ang mag-kakasunod na message mula sa unknown sender.

'Queen kailangan ka namin, ASAP!'

'Queen, meet us at the school's yard after class!'

'Queen, hihintayin ka namin dun ah! Aasahan ka namin dun!'

'Queen h'wag mo kaming biguin!'

'Queen pls! :'(('

'Nag-mamaka'awa kami ni Jose sa 'yo!'

Napa-kunot ang noo ni Eugi nang mabasa ang mga text messages mula sa Junel brothers. Tinalo pa nito ang isang love messages dahil sa sunod-sunod na pag'dating nito. Paano na siya makaka-tulog ng maaga, kung kailangan niya pa silang konprontahin? Nasa plano pa naman niya ang gugul-gulin ang oras sa pag tulog pag-uwi ng bahay pero mukhang 'don siya nag-kakamali.

~•~•*•~•~

PINANOOD ni Eugi ang dalawang lalaki sa kaniyang harapan. Nakita niya kung paano ang dalawang ito hindi maka-tingin sa kaniya, at tila gustong manliit sa sarili. Lumipas nang ilang minuto ang pananahimik niya, at nang ma'pansin niyang hindi na kaya ng dalawa ang kaniyang pag-titig, 'saka niya binasag ang katahimikan.

"Don't waste my time.. State the reason for being summoned here.."

Nag-palitan ng tingin sina Jose at Junel saglit bago ik'wento ang nangyari.

Ang problema nila ay masasabing ga'non kabigat at hindi rin simple. Sa madaling sabi, sila ay nasangkot sa isang malaking sugal at malaking halaga ang utang na nabuo nila. Na'baon sila sa napaka-raming utang mula sa isang organisasyon. Kahit pa siguro ay pag-samahin nilang dalawa ni Jose ang kanilang kayamanan ay hindi pa rin sasapat para ipam'bayad doon. At ang mas malala pa, ibang kabayaran ang gustong kuhanin ng organisasyon sa kanila.

Maraming grupo o guild sa lugar na iyon na nanghihikayat ng mayayaman at malalakas na estudyante para mag-laro ng sugal. Kalimitan ay tumatambay ang mga grupo sa harap ng Blue Haven Academy para mag-hanap ng mabi'biktima. Kasama na rito silang tatlo nina Jose, Junel at Jomar na nag-kataon rin na na'hikayat ng mga 'yon.

Sa una ay nanalo sila ng malaking pera ngunit hindi rin iyon nag-tagal. Naging sunod-sunod din ang kanilang pagka'talo, at dahil gusto nilang makuha ang nawala sa kanila, pumusta sila ng pumusta hanggang sa walang matira. Nang ma'baon sila sa matinding pagka-utang ay dinakip nila sila at ginawang pa'premyo sa mga mananalo.

Iyon ang dahilan kung bakit nasa ilalim sila ng pamamahala ni Ceref 'nong una. Sila ang naging kabayaran ng pagka'panalo ni Ceref. Isa itong magaling na manlalaro doon at pinili sila ni Ceref bilang pa'premyo at para maging sunod-sunuran niya, kaya ga'non nalang ang pasa'salamat nila sa bampira at ipinangakong pagsisilbihan ito ng buong puso.

Ngunit ang buong akala nila ay tuluyan na silang lalaya, dahil higit pa pala sa kanilang pag-laya ang kabayaran na nabuo nila. At tuluyan lang silang makaka-laya kapag tuluyan na nilang natalo ang mga manlalaro doon, na sa tingin nila ay imposible para mabawi si Jomar. Ngayon, dalawang araw nalang ang natitira sa kanila bago mag-deadline ang sinasabing araw, at kapag hindi sila naka-dalo sa sinabing araw ay maaring buhay ni Jomar ang kapalit..

They can't lose another brother!

"Ano'ng klaseng sugal ang nilaro ninyo?" Tanong ni Eugi.

"Hindi lang sugal, may arm wrestling.."

"Game of cards.."

"Potion distinguishing.."

"House of chance.."

"Bukod pa doon?" Tanong pa ni Eugi na tila hindi interesado sa mga larong binanggit.

"Chasing game.."

"Explain.."

"Isa 'yong special game na may isang strict rules! The player could be in a team or individual, pero mas prefer nila ang individual against their most skilled player.. Marami silang alias na naka-reserve lang para sa mga player na mag-eexceed sa expectation nila.."

Tumango-tango naman si Jose bilang pag-sang'ayon.

Sumandal siya sa kina'uupuan at humalukipkip. Alam ng dalawa na matalino si Eugi at mabilis mag-isip ng solusyon. Halata iyon sa mga mata nito at sa kalmado nitong kilos. Sa ngayon, ay wala na talaga silang mala'lapitan kun'di si Eugi lang. Ipinakita nito sa kanila ang lakas na hindi pa nila nakikita sa iba, kahit pa sa mismong organisasyon. Masyado nilang minaliit ang kakayahan nito para sa isang babae.

Kumislap ang mata ng dalawang lalaki nang makitang tumango-tango si Eugi. Nakatingin sila sa kaniya ng buong pag-asa.

"M-May naisip kana ba Queen, para tulungan kami?"

"Hm? And why would I do that?"

Biglang nawala ang kislap sa mga mata ng dalawa.

"W-Wala ka ba talagang magagawa para sa 'min?"

"It's your business in the first place.. Kasalanan niyo rin kung ba't kinuha si Jomar sa inyo.. You did something to breach their law.."

Walang ma-isagot ang dalawang lalaki. Ano mang pag-asa nila ay biglang nag-laho. Nag-hari ang katahimikan sa paligid. Walang nag-tangkang gumawa ng anumang tunog o ingay. Naka-masid lang si Eugi sa dalawa habang hindi naman siya kayang tingnan nito sa mata. Kahit na kalmado siya ay pakiramdam naman nila Junel na galit si Eugi dahil sa ginawa nila. Dahil sa gulong pinasok nila.

Hindi sila matutulungan ng kanilang Queen..

Mamaya pa ay..

"QUEEN!" sabay na sabi ng dalawang lalaki. Biglang lumuhod ang dalawang lalaki sa harap ni Eugi. Wala na silang ibang mahihingan ng tulong. "Tulungan mo kami, Queen!"

"Tulungan mo lang kami ngayon, gagawin namin ang lahat ng utos mo!" sabi ni Jose.

"Queen, nakiki-usap kami! Lubos kaming nag-sisisi sa ginawa namin! Hinding-hindi na 'yon mau-ulit, basta tulungan mo lang kaming mabawi si Jomar sa kanila! Hindi namin kayang mawala si Jomar, Queen!"

Matagal na tiningnan ni Eugi ang dalawang lalaki na naka-luhod pa rin sa harap niya. Sa totoo lang ay naawa siya sa dalawa, at hindi naman talaga niya plano na pahirapan pa ang dalawa na dumaing ng tulong sa kaniya. Gusto niya lamang turuan ito ng leksyon sa kamalian na nagawa nito, pero mukha naman itong nag-sisisi na sa nangyari.

"Junel.."

Mabilis na nag-angat ng ulo si Junel.

"Yes, Queen!"

"Tumayo kayong dalawa.."

Dali-dali silang tumayo. Diretso ang kanilang postura na parang isang sundalo na nag-hihintay ng utos mula sa commander.

"Saan banda ang lugar na sinasabi n'yo?"

***

Vote. Follow. Comment. God bless!

Continue Reading

You'll Also Like

24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
9.4K 777 4
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
479K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
124K 6K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...