TILL FATE DO US PART (Fate Se...

Da dreyaiiise

20.1K 2.8K 556

She was having difficulty locating her father in order to make her mother happy. She encountered many difficu... Altro

TILL FATE DO US PART
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABABATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 3

504 82 33
Da dreyaiiise

-STAR-

Papasok na sana ako sa bahay nang may napansin akong nakamasid sa akin.

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang lalaki na nakasandal sa isang mamahalin na sasakyan. Inis akong lumapit sakanya.

"Kuya Herron naman! Papatayin mo ba ako sa kaba?" naging dahilan iyon para tumawa siya.

Siya si Kuya Herron Louille Fuentes, hindi kami pareho ng surname dahil magkaiba kami ng tatay. Si Mama naman ay hindi na ginagamit ang Fuentes dahil naghiwalay na sila ni Tito Ben. Minsan nga ay naisip ko na dahil sa sakin iyon pero sabi ni Mama hindi lang daw talaga nila mahal ang isa't-isa.

Okay na naman kay Kuya Herron na maghiwalay sila dahil saksi siya sa lahat na nangyari. Matanda siya sa akin ng 5 years.

Gwapo si kuya. Matalino, mabait, masipag, matiyaga at maka-Diyos. Kaya sobrang habulan siya ng babae. WALA siyang girlfriend dahil ako muna daw ang uunahin niya bago ang sarili niya.

Sobrang sweet ni kuya at thoughtful, I really love him and he loves me too.

"Ang lalim kasi nang iniisip mo eh, kaya hindi na ako nag-abala na tawagin ka!" sinasabi niya iyon habang to ginugulo ang buhok ko.

"Teka nga kuya" inalis ko ang kamay niya sa ulo ko. "Bakit ka nga pala nandito?"

"Bakit Lori? Hindi mo ba ako miss?" tampo naman agad tong si Kuya.

"Miss na miss!" niyakap ko sya. "Miss you kuya ko!" yep. I'm super clingy.

"Don't worry baby, makakasama mo na ako lagi" kumawala ako ako pagkakayakap namin dahil sa sinabi nya.

"Ha? Hansel!" biro ko. "Pinagsasabi mo? Nakainom ka ba kuya or may sakit ka?"

Mabilis kong hinawakan ang noo nya pagkatapos ay inamoy ko sya.

"Ah, ako na kasi ang mag-aalaga sayo!" seryoso nyang tugon. Tinitigan ko naman ang mata niya kung nagbibiro lang siya.

"Kuya? Seryoso? Eh nandito naman si Mama e. Huwag ka nang mag-abala at baka magalit pa si tito Ben" I said nervously.

"Oo nga naman nandiyan si Mama. Pero hindi na ganun kalakas si Mama para kumayod para sa iyo. Alam mo naman na may sarili tayong kumpanya pero ayaw naman niyang pumasok doon dahil hiwalay na sila ni Papa. Ayaw ko lang mahirapan si Mama at gusto ko sanang magpahinga nalang siya." may bakas sa pananalita ni Kuya ang lungkot.

Naiintindihan ko naman si Kuya. Buti nalang nga ay libre lang ang tuition doon sa pinapasukan ko, kundi ay baka nahimatay na kami.

Mahal raw roon pero libre lang naman sabi sa akin nang principal, sa katunayan nga ay nagbayad si Iza.. nakakapagtaka nga eh. Sabi nila ay Scholar daw ako kaya ganun at hinayaan kona. Matalino naman ako. Sayang naman kung tatanggihan ko pa diba?.

"Kuya naiintindihan ko naman, pero si Mama ba pumayag?Kase alam mo naman si Mama sasabih-" hindi kona naituloy ang sinasabi ko nang may nagsalita.

"Herron anak, kaya ko na ito. Gusto mo bang pumasok sa loob at ipagluluto ko kayo ni Lori " ang bilis naman nag-iba nang usapan.

Wala na kaming nagawa ni kuya at pumasok na lamang.

"Herron, wala pa kaming isang taon dito at sumunod ka agad. Hindi ba napag-usapan natin na kapag isang taon na kami ni Lori ay doon ka nalang umuwi dito sa Pilipinas?" tanong ni mama habang kumakain.

Natapos na akong kumain at nagpaalam na papasok na sa kwarto ko. Alam ko naman na papagalitan lang siya ni Mama. Pero nakinig ako sa usapan nila.

"Ma, alam ko naman na nahihirapan ka rito e! Iba ang buhay mo doon at buhay mo dito. Please Ma, hayaan mo naman akong tulungan kayo"

"Anak, alalahanin mo ang sarili mo at huwag ako"

"Ma, akala mo ba hindi ko alam ang trabaho mo rito?" naiinis na si kuya Herron.

"Anak, huwag kang maingay at baka marinig ka nang kapitbahay!" pagsuway ni Mama.

"I hate it Mom! Yung makita kang pupunta ka sa iba't-ibang bahay para maglinis at maglaba, tapos sa tanghali naman ay tumutulong ka sa business ni tita Lourdes hanggang gabi na iyon. Habang kami? Maayos ang buhay tapos ikaw? Nahihirapan. Ma, hayaan mo na akong tulungan kayo. May sakit ka eh" umiiyak na sinabi ni Kuya Herron.

Hindi ko nalang namalayan na pinagpapawisan na pala ang mga mata ko, hindi ko alam ang mga pinagdadaanan na hirap ni Mama for our everyday needs.

It really hurts me a lot inside everytime I see my Mom suffer from pain, meanwhile you... You don't know anything because you're busy with your own life!

Narinig kong umiiyak si Mama"Anak, tama na please" pagsusumamo ni Mama. "Alam mo naman na kilala ni Papa mo ang lahat nang may-ari ng mga companies dito at hindi na ako pwedeng mag-apply, dahil hindi naman nila ako papapasukin dahil malamang band na ang name ko sa lahat!" nanginginig ang boses ni Mama.

Hindi ko nagustuhan ang mga narinig ko at lumabas sa kwarto ko, hindi ko alam kung saan ako dadalhin nang mga Paa ko.

Nagtama ang paningin namin ni Mama. Hindi ko sya nakita nang maayos dahil sa mga luha na nakaharang sa mata ko.

"Anak, magpapaliwanag ako. Sorry Anak"

Umalis ako, hindi kona pinansin ang mga sinasabi at tawag nilang dalawa sa akin. Basta gusto ko munang mapalayo doon.

Dinala ako nang mga Paa ko sa isang malaking playground. Ngayon ko lang ito nakita. Malamang dahil 4 months palang kami nandito.

Hindi ko alam na may SAKIT na pala si Mama. Kaya pala kadalasan ay nahihirapan na syang huminga. Ang tanga ko at hindi ko iyon napapansin!

Hindi na naubos ang mga luha na lumalabas sa mga mata ko.

Umupo ako swing at dinama ko ang masarap na simoy ng hangin at pinagmasdan ang kalangitan na punong puno nang bituin. Ito ang paborito kong part nang gabi, ang mga bituin na kumikinang.

Dahil dito ay nawawala ang sakit na nararamdaman ko kahit sandali.

"I wish I was a star. Even in my darkest days, I still shine." I said, then cry again.

Ipinikit ko ang mga mata ko, ang sakit na kasi nito dahil walang hanggang pag-agos.

"Kasing ganda mo naman ang bituin eh"

Nahulog ako sa swing nang biglang may nagsalita. Inangat ko ang ulo ko upang malaman kung sino ang nagsalita.

"Eto pala ang ID mo. Pinuntahan kita sa bahay ninyo kaso bigla kang tumakbo palabas kaya sinundan nalang kita" si Antipatiko pala ito.

Nag-ayos naman ako nang upo, tinulungan niya akong tumayo.

"Thanks" yan na lamang ang nasambit ko dahil iniisip ko pa rin ang huling binanggit nya.

"Bakit ba kapag nakikita mo ako kundi ka natutumba, nahuhulog ka naman" biro nya.

Tumawa naman ako, totoo nga naman sa tuwing mararamdaman ko ang presensya niya ay nabibigla ako.

Habang tumatawa ay napawi naman agad ito , sapagkat napalitan nang lungkot.

"Dapat pala hindi ID ang ibinigay ko sayo." umupo sya isang swing

Napakunot noo ako.

"Bakit naman?" tumingin ako sakanya, nasa bituin naman ang paningin nya.

"Kasi mukhang malungkot ka"

Oo nga, mukha lang. :)

"I don't have any handkerchief here but you can use this jacket. Malamig na din" seryosong sabi nya nang hindi man lang tumitingin sa gawi ko.

"Ah hindi, ayos lang ako Vaughn. Baka lamigin ka pa."

"Nope. Please just accept this"

Habang sinusuot ko ay napalingon siya sa bandang siko ko.

"Okay na ba yang siko mo?"

Napalingon din ako sa siko ko at tinignan iyon.

"Ah eto? Oo. Wala lang to, medyo mahapdi lang"

Wala lang to sa lahat nang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Bakit 'wala lang to'?" he mocked

"Hindi na ako masyadong nasasaktan sa physical injuries. Wala lang naman iyon sa sakit nararamdaman ko ngayon"

Naramdaman ko na naman ang bigat nang damdamin ko. Hindi ko maiwasang hindi maluha.

"I think you're having a hard time."

"Ay, hala sorry. Baka naiilang ka hehe"

Ano ba Faustina, hindi mo sya kaibigan para umiyak sa harapan nya.

This is so awkward.

"No, I'm not. Just be positive and everything will be alright"

"Thank you for cheering me up"

Tanging ngiti nalang ang naisagot nya. Kaya naman ngumiti nalang ako.

Ang awkward na masyado kaya naman nag-isip akong pwedeng gawin.

"Uhm, una na ako. Baka kasi hinahanap na ako ni Mama"

"Oh sure. Take care"

"Salamat ulit"

"It's okay, and please don't c-cry. In front of me."

Huh?

Hindi naman ako umiiyak sa harapan niya eh. Siya kaya yung lumapit tapos di pa makatingin nang diretso. Weirdo.

Napagpasyahan ko nang umuwi at suot suot ko na ang jacket ni Vaughn. Infairness ah mabango. Mabait naman pala siya, baka bad mood lang kanina.

Nakabalik na ako sa bahay. Si Kuya at Mama naman ay nasa Salas na para bang hinihintay ako.

"Anak, gabi na. Magpahinga kana, si kuya mo uuwi na din."

Tumango na lang ako kay Mama at pumasok na sa kwarto ko. Alam ni Mama na hindi pa ako handang makipag-usap sakanya. Maybe tomorrow or pag handa na ako, we will fix this. Hindi lang talaga ako handa na malaman ang totoo.

Nakahiga na ako sa kama nang biglang tumunog ang phone ko. Binuksan ko agad baka kasi importante. Nakalimutan ko kasing patayin ang data ko.

Maraming nag-add sa akin sa Facebook at nagfollow sa IG at twitter.

Sa dami nang nag-add sa akin ay isa lang ang kumuha nang atensyon ko

'Jason Vaughn Borromeo sent you a friend request'

Nag-accept ako dahil mga kaklase ko naman na lalaki ang mga nag-add, kasama na doon sina Caleb at Gab.

Maaga pa naman, kaya naisipan kong mag-browse sa FB nang biglang may lumitaw na chat head. Pinindot ko naman at binasa ang nakasulat.

Joaquin: Hey Fauz. I miss you. Please come back! :((

Faustina: Ows? Talaga. 2 years mo akong niloloko tapos ngayon mo lang ako namiss?

Joaquin: I'm sorry ,okay? I love you Loureene Faustina Philips!!!

Napairap naman ako sa mga pakulo nya. Maybe he's trying to get me, again.

Faustina: Ano ba Joaquin, move on. Mahal kita pero nakakasawa na!

Joaquin: Sorry na nga kasi eh! Hindi ko naman sadya yun. Ikaw talaga ang mahal ko.....so please.

Hindi ko na sya nireplyan at sabay turn off sa data ko.

Matutulog nalang ako, I opened my music library. Pumunta ako sa Album na Songs ni Taylor Swift.

That's my night routine. I really love music.

People haven't always there for me, but music always there to save the moment.

***************************************

A/N: Fan po ni Taylor Swift ang author.

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

8.6K 268 39
Asturias Series #1 How will the cold and snob Atasha Justine dela Cruz manage to stand up and arise in her greatest downfall? Will destiny makes its...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.9K 207 49
La Pampanga Series #2 Hana Morgayne Escareal is a very carefree and out-going woman. Her full shown attitude to the public made her an eye-catcher to...