Indelible Sight In Harriniva:...

By peytfullyours

984 498 157

Pula, ang kulay na nananalaytay sa kaniyang pagkatao. Ang kulay na inilaan para sa kaniya. Kulay na nagtutula... More

Tandaan
Indelible Sight in Harriniva: Sinta
ISIHS 1
ISIHS 2
ISIHS 3
ISIHS 5
ISIHS 6
ISIHS 7
ISIHS 8

ISIHS 4

75 40 11
By peytfullyours

Sweet

"Ayos tong sasakyan mo, ah!" Puri ko pagkasakay sa magarang kotse niya. It was so sexy. Lahat na lang ba ng pagmamayari niya... sexy?

Hindi. Hindi pa lahat.

Kasi wala pa ako.

Pinigilan ko ang pagtawa sa iniisip dahil mukhang bad mood si Armastrus kanina pa, simula noong umalis si Mike. Hindi ko alam kung bakit.

Ginawa kong kumportable ang sarili, minsan lang ako makasakay sa ganito. Malinis at mabango rito. Might as well enjoy it, right?

Tiningnan ko siya. Hindi siya kumibo at nakatuon nang maigi ang mata sa malawak na kahabaan ng highway. Bahagyang nakakunot ang noo at para bang irita.

Nagtagal ang titig ko sa kaniya.

This side profile of him is spectacular. Mas kita ang matangos na ilong niya. Ang paraan ng pagka seryoso at irita niya ay hindi nakakairitang tingnan, actually...he looks like he is modelling for a famous magazine. Kung may contest lang sa pinakaguwapong lalaki sa mundo, ikakandidato ko talaga tong si Armastrus.

"Saan tayo kakain? Puwede bang pumunta tayo sa mall?" Pakiusap ko dahil may misyon uli ako roon.

Tumikhim siya at tumango. Bago iniliko ang sasakyan sa ibang kalye.

"Bad mood, eh?"

Ngayon, nakuha ko na ang atensyon niya. Buti na lang at nakatigil ang sasakyan dahil traffic.

"Magkakilala kayo ni Mike?" Biglang tanong niya.

"Kakakilala pa lang. Una ko siyang nakita noong sa bar."

"Kakakilala pa lang? Tapos sumama ka agad kumain sa labas?" Akusa niya.

"Sobra ka naman! Sinisiraan mo yung kaibigan mo sa akin?"

Marahas siyang bumuntong hininga. "That's not my point!"

"Gagalet ka?!"

"Hindi!" medyo tumaas ang boses nito.

"Ayan o! Anong hindi!"

Tinikom niya ang bibig. Napailing at mukhang talo.

Ano kasi pinaglalaban nito? Kung hindi lang kami bagong magkakilala, iisipin kong may gusto ito sa akin e. "Eh anong point mo?"

"My point is you should not put your full trust to strangers. Malay ba nating may masamang intensyon sayo?"

"Malalaman ko naman yun kung masama"

"Mas maigi ang magingat, Sinta." Paalala nito saka muling tinuon ang pansin sa kalasada.

I appreciated his reminder. Ngunit naaalala ko yung pagpapalabas sa akin kanina. Puno man ako ng pagmamahal ngunit hindi ko alam bakit may pagkainis at ...selos sa akin.

"Nasaan na nga pala si, Lan. Bakit hindi siya ang kasama mo?"

Napasulyap muli ito."She went home. Kanina pa." He answered cooly. "At kanina pa rin kita hinihintay...wala ka na sa labas pagsilip ko." He looked away.

"Syempre, kaysa naman mag intay ako ng matagal hanggang matapos kayo ng girlfriend mo sa kung anong gagawin niyo." I said meaningfully.

His face darkened, he shook his head. "She's not my girlfriend."

"I don't believe you. Sa action niyang iyon? Hindi pa kayo? O baka nililigawan mo?" Tanong ko. "Or..ka-fling? Hook up?"

His lips is set in grim line. "She's a friend."

"Friend!" I said unbelievably. "Don't deny it, Armastrus."

"I'm telling you the truth, Sinta. She's a friend, childhood friend. Spoiled lang kaya ganoon umasta."

"No feelings?" Panigurado ko. Bakit ba ako nagtatanong?!

"Wala."

"Sinong gusto mo kung ganoon?"

Gumilid ang mata niya sa akin. May paglalaro sa ekspresyon nito. I even saw ghost of smile on his lips.

"Ikaw, Sinta"

Kinikilig ako! Pero syempre, imagination ko lang na sinabi niya yon.

Napangiti tuloy ako habang iniisip na pano kung magkatotoo iyon. Ano ba yan, Sinta! Minsan ka na lang kiligin sa sarili mo pa!

Stop!

I shivered because of that. My heart is now beating uncontrollably and an excitement and unexplainable feeling emerged inside my chest.

Ngumuso ako pinilit na panatilihin ang simangot na mukha, ngunit hindi ko na kinaya. Tuluyan nang sumilay ang ngiti sa labi ko.

'Taksil!' Sabi ng isang parte ng utak ko.

'Marupok!' gatong pa uli.

Namula ang pisngi ko, ayokong makita niya iyon kaya binaling ko na lang ang mata sa bintana.

Pasimple kong ginilid ang mata sa kaniya.

He laughed softly. Umiling uling at mas madiin na ang mata sa kalsada. It's like he is controlling his self so we wont encounter a road accident. Kita ko pa ang paglalaro ng daliri sa kaniyang labi, tila may malalim na iniisip.

"That's mine! Bakit mo inaagaw?" Sabi ng batang lalaki sa batang babaeng kausap. Tingin ko ay limang taong gulang sila.

"Nauna ako! Isusumbong kita sa tatay ko! Pulis siya ng kalawakan!"

"Bakit ako matatakot? Yung tatay ko presidente ng buong mundo!" Nag agawan pa sila sa teddy bear.

Na alarma ako dahil sa nasksihan kaya agad ko silang nilapitan. Narito kami sa mall ngayon, specifically sa isang toy store. At kakatapos ko lang ng isang misyon kanina. The struggle is real! Upang hindi mahalata ni Amrastrus yung paghagis ko ng dart.

Palabas na kami ng store ng nadaanan ang dalawang bata.

Parang asong bumuntot lang sa akin si Amrastrus kahit saan ako pumunta. Hindi naman siya nagrereklamo o nagtanong man lang. He just let me do what ever I want.

Nakapamulsa ang dalawang kamay sa suot na slacks. He's wearing his usual white button down. Ang guwapo talaga ng isang ito! Hindi siya bagay pumunta sa ganito ka-crowded na mall. Actually, mukha siyang may ari ng mall! Sa tindig pa lang, hmm! Yameh!

"Bakit kayo nag aaway?" Lumuhod ako upang malebel ang mata sa dalawang bata.

Umamo ang batang lalaki, salungat naman ang batang babae.

"Inaagaw niya po kasi yung teddy bear na gusto ko, e marami pa namang iba diyan" sumbong nito.

"Ganun ba? Sandali." Tumayo ako at inabot ang isang teady bear na kagaya ng pinag aagawan nila. I lent it to the boy. "Eto, huwag na kayo mag away a? You should be kind to each other." I patted their head gently. "Magbati na kayo."

"Bati na tayo, ah? Inaasar lang naman kita." Alu ng lalaki.

Dumila lang ang babae sa kaniya at tumakbo paalis. Malungkot na yumuko ang lalaki at umalis na rin.

I pouted as I look at him. Ayoko kasi na may nag aaway. As a love goddess, I feel like I'm also obligated to encourage people to love each other, or atleast...respect and be good to each other. I shook my head in disappointment dahil pumalya ako na pagbatiin ang dalawa.

A hand touched the small of my back. Napalingon ako doon. "Don't be sad. Ganiyan talaga ang mga bata. Away-bati." Marahan na sabi ni Armastrus.

Napatango ako dahil eto talaga ang reyalidad. Hindi lang sa mga bata. Na hindi lahat ng tao gusto ang isat isa. Hindi lahat malulugod sa atin. People will always believe what they want to believe. Tama man o mali. Hindi iyon mapipilit.

Lumapit siya sa akin. He held my chin and lifted it up. Pinagmamasdan akong mabuti. Mabilis na nagunahan at parang may nagkarerahan sa puso ko. Matutulala sana ako nang may nakita akong mga kabataang babae na nagbubulungan at naghahagikhikan habang tinitingnan si Amrastrus. Animo'y naiihi sa kilig. Mukhang hindi pa ata ako napansin! Bigla na naman tuloy akong napasimangot. Napansin iyon agad ni Armastrus.

He called for my attention but I did not respond. Sinamaan ko ng tingin ang mga babaeng ngunit hindi natinag!

Kaya nilapit ko pa ang mukha kay Armastrus. "Sinta, easy," he chuckled.

Natauhan ako nang tawagin niya ako. Parang kumiliti sa akin ang tinig niya dahil nasa bandang tainga ko iyon. I turned my head to him at agad na nagtama ang ilong namin. Late na nang narealize ko kung gaano kalapit ang mukha namin sa isat isa! Nilayo ko agad iyon.

Slow and languid smile crossed his face. "Let's make that grumpy face of yours satisfied and happy." His lips twisted flirtatiously and pulled me away from where we was.

Kita niyo 'yon?!

Gusto ko pa sanang balikan ng tingin ang mga babaeng iyon ngunit hindi ako hinayaan ni Amrastrus. Pumunta siya sa likod ko upang maharangan ang mga iyon. He then held both of my shoulders, saka tinulak ako upang makapaglakad. I felt something is going on inside my stomach. Umusbong din ang tuwa at pagkapanatag.

I heard his heartily laugh behind me, I can even sense his amusement at that.

"Hmm. Someone's feeling bitter, let's feed her something sweet!" He said teasingly.

Continue Reading

You'll Also Like

65.2M 1.3M 73
Imogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumayag si Imogen na ilihim nila ni Parker an...
29.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
33.4M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
5.8M 22 1
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...