Ang Basagulerang Si Ako (COMP...

By joyang_27

189K 8.6K 486

Kilalanin si Caroline Salvador. Maganda Matalino Mala-anghel ang mukha Mabait? Hindi siya basta bastang baba... More

Ang Basagulerang Si Ako
Simula
01
02
03
Meet the Characters
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
Wakas
Special Chapter
Announcement

49

1.4K 81 0
By joyang_27

Nandito kami ngayon ng bungangero kong tatay sa hospital para puntahan ang hunghang na 'yon.

"Tumupad ka ng pangako Caroline," sabi ng tatay ko na huminto pa bago niya buksan ang pinto ng hunghang.

Ang arte, hindi naman siya baldado para ma-hospital.

Pagbukas ng pinto, bumungad sa amin ang nakahigang hunghang na napatingin sa aming pagpasok.

Agad na napunta ang tingin niya sa akin pero inirapan ko lang siya. Kahit na masama na ang tingin niya sa akin ngayon, wala akong pakialam. Tama lang sa kanya 'yan.

"Good morning po," magalang na bati ng hunghang sa tatay ko.

Ay mali, tatay pala nila. Tinakwil ko na pala siya.

"Maayos na ba ang pisngi mo?" tanong ng magaling nilang ama.

"Maayos na po," tipid niyang sagot pero mababakasan sa boses niya ang galit.

Corny mo.

"Nandito kami ng anak ko dahil may gusto siyang sabihin sa iyo." Lumingon sa akin ang ama nila kaya napairap ako sa aking utak.

Dahan-dahan akong lumapit kay hunghang at patagong inirapan muna siya bago ako nagsalita.

"Sorry," walang gana kong paumanhin.

"Caroline," mahinang tawag ng tatay nila. May pagbabanta ang paraan ng pagtawag niya na nakakairita talaga.

Nakakainis na kailangan ko siyang sundin!

Inis ko siyang tinignan at humarap ulit sa hunghang na akala mo naman nasagasaan sa OA para ma-hospital para lang sa sugat niya sa pisngi.

Sabihin niyo nga sa akin... ang OA diba?

Katulad niya yung mga bwisit sa panood. Ang OA para magpa- hospital.

Psh... nung ako yung may injury, halos ayokong pumunta sa hospital. Tapos siya na sa pisngi lang ang sugat nagpa-hospital pa?

Bumuntong hininga ako bago nagsalita. "I'm sorry... from now on, titino na ako."

Hindi ko na tinignan ang naging reaksyon niya dahil waste of time lang. Naaalibadbaran lang ako sa pagmumukha niya.

May sinabi pa siya sa hunghang pero lumabas na ako dahil nakakasuka ang mag-stay roon. Saglitan lang ata silang nag-usap pero hindi kasi ako nakikinig kasi wala akong PAKIALAM.

"Tara na," tawag ng tatay nila ng makalabas siya ng kwarto ng hunghang na 'yon.

Sumunod ako sa kanya kahit labag sa loob ko at mas lalong labag sa loob ko ang pinapagawa niya sa akin.

F L A S H B A C K

"Fine! Hahayaan kitang makita ang Mom mo kung 'yan ang gusto mo! Pero sa isang kundisyon!" sigaw niya.

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin sa pagtitig ko lamang dito.

"Hon.m." tawag sa kanya ng magaling niyang asawa.

Hindi naman siya pinansin ng bungangero't nasa akin lang ang kanyang buong atensiyon.

"Hahayaan kitang makita ang Mom mo, pero kailangan mong sundin ang lahat ng sasabihin ko! Gusto kong tumino ka at ayusin ang buhay mo! Bibigyan kita ng isang buwan, pagkatapos ng isang buwan na 'yon hahayaan kitang makita ang Mom mo."

"Bakit hindi na ngayon?" galit kong tanong.

"Patunayan mo muna sa akin ang sarili mo. Pagkatapos nun, hindi na kita pipigilang makita siya. Sa oras na 'yon hindi na kita ilalayo sa kanya." Tumigil siya't mas huminahon kaunti. "Pero huwag kang babalik sa amin na may pagsisisi sa oras na magkita kayo ng Mom mo. Huwag kang babalik sa aming umiiyak ng ganito," pahabol niyang sabi.

Pinunasan ko ang luha ko't pursigidong tinignan siya.

"Hinding hindi ako magsisisi."

E N D O F F L A S H B A C K


Doon nila ako pinatulog sa bahay para raw makita nilang sincere ako. Pumayag ako sa kondisyon niya sa kagustuhan kong makita ulit si Mom.

Kilala ko ang tatay nila, nailayo niya ako kay Mom noon. Hindi malabong kaya niyang gawin ulit 'yun sa akin.

Noong araw kasi na binalak kong makalapit kay Mom nung nalaman ko kung nasaan siya, agad na may pumigil sa akin at nilayo ako kay Mom. Nung araw rin na 'yon, nalaman ko na lang na wala na sa bansa si Mom. Dahil 'yun ang narinig kong sinabi nila.

Hininto ng tatay nila ang kotse at pababa na sana ako ng magsalita siya.

"Maraming nagbabantay sa'yo sa loob ng school na ito, Caroline. Isang pagkakamali, hindi kita hahayaang makita ang Mom mo."

"Oo na," sagot ko't padabog na lumabas ng kotse.

Pumasok na ako sa loob ng school at deretsong pumunta sa dean's office. Kesyo kailangan daw akong kausapin ng Tito kong dean. Ang corny nila.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng maalala ko ang kondisyon ng tatay nila. Kahit na labag sa loob kong kumatok muna, ginawa ko na lang bago ko buksan ang pinto.

"Good morning po," walang gana pero may kaunting galang kong bati.

Nahinto ito sa pagtingin sa papeles na kanyang ibinaba ng ako'y papalapit.

"Maupo ka," utos niya na ginawa ko naman.

Nakakainis ito sa totoo lang!

"Nasabi na sa akin ng Dad mo ang nangyari," panimula niyang sabi.

Psh... ano pa nga ba? Sa pagkabungangero ng tatay nila syempre alam na nila ang nangyayari sa buhay ko.

"Sinabi sa akin ng Dad mo na bantayan ka ng maigi at i-report sa kanya lahat ng bawat galaw mo."

"Kahit pagligo ko?" natatawa kong tanong.

Tinignan niya ako ng masama kaya naman tumahimik ako.

"Opo," suko kong tugon.

Tumitig muna siya sa akin bago magpatuloy.

"Magmula ngayon, babantayan ka na rin nila Isaac at Adam. Pati na rin ang mga teachers mo at ilang students na in-assign namin. Lahat ng galaw mo, lahat ng mga gagawin mo sa loob ng school na ito, imo-monitor nila. Gusto ng Dad mo na huwag ka ng gumawa pa ng kahit na anong gulo. Gusto niyang ayusin mo na ang buhay mo't sumunod sa patakaran ng school na ito Caroline. Gusto niya ring makita na mas tumaas pa ang grades mo," mahaba niyang paliwanag.

Grades? Psh... ang dali-dali lang nun.

"Daig ko pa presidente," bulong ko.

"May sinasabi ka?" seryoso niyang tanong.

Ngumiti ako't umiling.

Kailan ba matatapos ng pagdadada nito? Nakakabingi na kasi.

"Sinabi sa akin ng Dad mo ang dahilan kaya sana ngayon, umayos ka na. Sana talaga tumino ka na. Dahil simula ng ipasok ka ng Dad mo rito, nagkaroon na ng lamat ang school sa mga pinaggagawa mo. Kaya sana ngayon, umayos ka na."

Lamat? Akala ko ba matagal ng meron dahil sa hunghang? Rason nga naman. Sa akin pa sinisi, edi sana hindi nila ako tinanggap mga buwang.

"Oho," magalang kong sagot. "Pwede na po ba akong umalis?" pahabol kong tanong at tumayo na.

Bumuntong hininga siya bago nagsalita. "Sige. Hinihintay ka na ng mga kagrupo mo sa garden. Caroline... tandaan mo ang mga sinabi ko."

"Opo," sabi ko at yumuko pa.

Lumabas na ako ng office na 'yun ng bigyan niya ako ng permiso't pumunta na sa garden.

Nang makarating ako sa garden, nakita kong inaayusan nila si Ivory at ang iba pa. Nakita ko rin si gunggung na Lawrence na nakatingin sa akin na may pag-aalala sa mukha.

Pagkatapos kasi nang nangyari kagabi, pinauwi sila ng tatay nila. Hindi ko na rin sila nakausap dahil pinapasok na ako ng tatay nila sa kwarto ko.

"Ang tagal mo," angal ni four eyes.

Kasalanan ko? Yung dean ang pagsabihan niya.

Imbis na magsalita, nginitian ko na lang siya ng pilit.

"Tignan mo yung mga camera sa may lamesa at humingi ka ng tulong kay Adam sa pag
seset-up," sabi niya pa habang nakatingin sa iba.

Inirapan ko siya't dumiretso na sa table na sinasabi niya. Lumapit din ako kay Aj at tinuro ang table na may mga camera. Hindi lang kasi tatlo ang nandoon katulad ng sinabi ko sa hunghang na nasa hospital ngayon.

"Ayos ka lang ba?" bulong na tanong sa akin ni Aj ng makalapit ito.

"Ano sa tingin mo?" pabalang kong sagot na tinignan ang mga camera.

"Mugto kasi ang mata mo," puna niya pero tinignan ko lang siya ng blanko.

"Reporter ka ba't ang dami mong tanong?"

Kumunot ang noo niya kaya naman umiling na lang ako.

"Whatever, tulungan mo na lang ako rito," walang gana kong sabi at kinuha ang isang camera.

Lumapit ako kay four eyes at tinanong kung anong scene ang isho-shoot. Malamang, para alam ko kung saan ko ipupwesto ang mga camera.

Nang malaman ko, inutusan ko si Aj na iset-up ang camera sa mga pwesto na sa tingin ko ay maganda ang anggulo. Pinahanda ko rin yung drone na gagamitin namin para mamaya.

"I-test muna natin," abalang sabi ko't kinuha ang controller ng drone.

Gamit ng controller, pinalipad ko ang drone at kinontrol ito. Nakatingin naman ako sa maliit na screen kung saan makikita mo ang nakukunan ng drone.

Nag-test kami ng ilang pwedeng maging gamit ng drone sa pagsho-shoot. Hindi naman kami nahirapang makapagdesisiyon ng maaaring magamit dahil walang umaangal.

Binaba ko ang drone. "Okay na 'yan." Tumango pa ako. "Paano nga pala 'yun? Ako lang ang kukuha ng lahat?" tanong ko habang nakatingin sa screen kung saan naka-save ang mga kinunan ko kanina gamit ng drone.

"Hindi, tutulungan ka ni Isaac," sagot ni Aj.

May scene kasi siya pati si Lawrence. Ewan ko sa kanila, dinaig nila ang mga movies, eh trailer lang naman ang gagawin.

"Okay na ba?" pagtatanong ni four eyes ng makalapit siya sa amin.

"Oo."

Binaba ko ang maliit na screen at tinignan kung may kulang pa. "Kakailanganin natin ng dalawang take sa scene para sa mga camera."

"Anong pwede kong gawin habang nagsho-shoot?" seryosong tanong ni four eyes.

Tinignan ko ang mga nakaset-up na camera bago nagsalita.

"'Yung isang camera roon, steady lang. Pero yung isang camera roon kailangan ng magsu-supervise. Halika ituturo ko sa'yo yung shot na gagawin ng camera na 'yun."

Sinenyasan ko siyang sumunod sa akin na ginawa naman niya't sabay kaming naglakad palapit sa camerang sinasabi ko.

"Gusto kong sa may part kung saan makikita si Ivory or Melchora. Dahandahan mong izo-zoom in, ganito," paliwanag ko't yumuko. "Lawrence! Tumayo ka sa harap ng camera ngayon! Pero diyan ka lang!" sigaw ko.

Narinig naman niya ang sinabi ko't tumango.

"Panoorin mo," utos ko kay four eyes.

Ginawa ko ang sinabi ko at aking ni-record. "Ganito ang gusto kong gawin mo," sabi ko matapos kong ipakita sa kanya kung paano.

"Sige," agarang sagot niya na nilingon ang aming mga kagrupo. "Ready na ang lahat!" sigaw ni four eyes.

Hindi ko na sila tinignan pa't pumunta na ako sa isang camera at sinimulan na ang pagsho-shoot.

Para kay Mom gagawin ko ang mga sinasabi ng tatay nila.

Maghintay ka lang Mom, magkikita rin tayo.

Continue Reading

You'll Also Like

82.1K 2.4K 45
By#ms.BlackHeart Title :DREAM UNIVERSITY By :#KangKyoEun ******** ~PROLOGUE ~ DREAM UNIVERSITY- Di porket DREAM ang pangalan ng paaralan kung saan ak...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
104K 1.7K 52
Book 2 of Demon Girls Published: August 25, 2016 Completed: September 1, 2017 PUBLISHED UNDER DREAME