The Heartless Master (Savage...

Oleh Maria_CarCat

7.1M 228K 48.4K

His Punishments can kill you Lebih Banyak

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 19

99.6K 3.3K 826
Oleh Maria_CarCat

Run with me Sachi


Ramdam ko ang panginginig ng katawan ni Kuya Piero habang yakap yakap ko siya. Alam kong hindi siya makapaniwala sa aking sinabi, pero ganuon din naman ako.

"Kuya..." umiiyak na tawag kong muli sa kanya.

Dahan dahan niya akong inilayo sa kanya para maayos niya akong maharap. Titig na titig siya sa aking mga mata habang tuloy tuloy ang pagtulo ng luha duon. Ikulong ng kanyang nanginginig na mga kamay ang aking magkabilang pisngi.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo" emosyonal na utos niya sa akin. Punong puno ng pagsusumamo ang kanyang boses.

"Bu...bumalik na ako, Kuya Piero" pumiyok pang paguulit ko.

Natawa ito habang umiiyak bago niya ako muling hinila papalapit sa kanya para muli akong yakapin ng mahigpit. Kaagad ko iyong ginantihan.

"Sabi ko na eh, hindi ako nababaliw. Ikaw talaga si Sachi, ikaw talaga ang Sachi ko" punong puno ng emosyon na sambit pa niya habang mas lalong humihigpit ang yakap niya sa akin.

Naramdaman ko pa ang paulit ulit na halik nito sa aking ulo. "Mahal na mahal kita Sachi..." madamdaming sabi pa niya kaya naman hindi ako kaagad nakapagsalita. Nabigla din sa aking narinig kahit pa ilang beses ko ng narinig na mahal niya ako nung una pa man kaming magkita bilang ako si Amaryllis.

Dahan dahan siyang humiwalay sa akin, mukhang napansin niya ang aking pagkabato dahil sa narinig. Tumango tango siya sa aking harapan na para bang ipinababatid niya, ayos lang iyon. Na tama ang narinig ko, wala siyang pinagsisisihan sa kanyang sinabi at siguradong sigurado siya duon.

"Hindi na ako matatakot na paulit ulit sabihin sayong mahal kita, wala na akong pakialam sa batas wala na akong pakialam kung sa mata ng batas magkapatid tayo. Minsan ka ng nawala sa akin, hindi na ulit...hindi na ako papayag" seryosong sabi niya sa akin at paninigurado.

Halos manlabo siya sa aking paningin dahil sa mga nagbabadyang luha sa akint mga mata. Parang may kung anong nakaharang sa aking lalamunan kaya naman hindi ko magawang magsalita. Nanatiling dinama ang kanyang mga sinabi, bumigat ang aking dibdib. Punong puno ang puso ko.

Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Buong akala ko ay hahalikan ako nito sa labi. Ngunit buong lambing na hinalikan nito ang aking noo. "Mabubuhay ako para sayo. Ikaw ang rason kung bakit mabubuhay ako ulit" he said in relief. Ramdam ko ang paggaan ng dibdib nito.

Hindi niya kaagad tinanggal ang kanyang malambot na labi na nakahalik sa aking noo. Pareho kaming nakapikit habang dinadama ang presencya ng isa't isa.

"Guevarra!" Sigaw ng ilang mga tauhan ng Agrupación.

Dahil sa narinig naming nga sigaw ay kaagad na napahiwalay si Kuya Piero sa akin at tsaka kaagad na hinawakan ng mahigpit ang aking kamay. "Umalis na tayo dito" seryosong sabi niya sa akin at tsaka kami tumakbo.

Hindi maalis ang tingin ko kay Kuya Piero habang tumatakbo kami para tumakas duon. Muli akong naluha at tipid na napangiti. Handa akong tumakbo kasama siya kung kinakailangan. Hindi rin ako papayag na masayang ang pangalawang pagkakataon na nakita kong muli siya.

Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa matakasan namin ng tuluyan ang mga humahabol sa amin. Nakarating kami sa tuktok ng lumang building. Binitawan ako ni Kuya Piero at tsaka mabilis na hinigit ang aking bewang. Pinagtapat niya ang aming mga noo habang kapwa namin hinahabol ang aming mga hininga.

"Are you willing to run with me Sachi?" Malambing na tanong niya sa akin.

Halos mamungay ang aking mga mata dahil sa lambing ng kanyang boses. "Sabihin mong Oo. Handa akong takbuhan ang mundo kasama ka..." muli pa niyang sabi kaya naman halos tumayo ang balahibo ko dahil sa lamig ng kanyang boses. Parang kang hinehele.

Marahan akong umiling. "Sasama ako kahit saan..." pumiyok pang sagot ko. Kaya naman bahagya akong napatawa dahil sa muling pagiging emosyonal.

Halos maduling kaming dalawa dahil sa sobrang lapit ng aming mga mukha. "Ikaw na ang mundo ko Sachi, ikaw ang pahinga ko sa nakakapagod na mundong ginagalawan ko" sabi pa niya sa akin bago niya buong lambing na inangkin ang aking labi.

Marahan iyon na nakakakiliti kaya naman hindi maiwasang hindi tumaas ang balahibo sa aking braso hanggang sa batok ng dahil lambing ng kanyang pagkakahalik sa akin.

Hindi din kami nagtagal duon ni Kuya Piero. Maingat kaming bumalik sa may basement pasakay sa kanyang sasakyan. Hindi katulad kanina ay nagiba ang awra ng mukha nito. Hindi na siya si Agent Hagen, siya na si Piero. Si Piero Herrer.

"Paano ka niya nailigtas?" Panguusisa kaagad nito pagkarating namin sa bahay.

Parang bigla siyang nagiba. Yung Piero na kasama ko kanina na cold, masungit at parating iritado ay parang bulang nawala.

Napanguso ako at napaiwas ng tingin. "Hindi niya sinabi sa akin ang buong detalye. Basta ang sabi niya lang, iniligtas niya ako para makabayad sa utang niya sayo" sagot ko sa kanya. Halos hindi ko siya matingnan sa kanyang mga mata dahil sa pagtitig niya sa akin.

Sa tuwing titingin kasi ito ay para bang namamangha pa din siya. Hindi makapaniwala. Nagulat ako ng mapangiti ito. "Sampalin mo nga ako Sachi" malambing na utos niya sa akin kaya naman napaayos ako ng upo.

"Bakit po Kuya Piero?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Napalagat ito sa kanyang pangibabang labi habang nakangisi. Bayolente akong napalunok dahil sa kanyang ginawa. "Gusto kong mapatunayan na hindi ako nananaginip" pagrarason pa niya sa akin.

Imbes na sampalin ay kaagad ko itong pinitik sa noo na ikinatawa ko. "Hindi ka naman nananaginip eh" paalala ko pa sa kanya.

Napatango ito. "Buti naman..." he said in relief.

Maagang bumalik si Lance kinaumagahan galing ng San Rafael Bulacan. Humahangos pa nga ito pagpasok ng pintuan kaya naman nagulat ako.

"Totoo ba, Totoo bang ikaw si Sachi?" Hindi din makapaniwalang tanong niya sa akin.

Napangitit ako at tsaka napatango tango. Nagulat ako ng yakapin ako nito sa sobrang tuwa niya. "Hoy Gago!" Asik ni Piero dito.

Kaagad na napabitaw si Lance sa akin pero hindi nabawasan ang tuwang nararamdaman niya. "Salamat naman sa Diyos, wala ng deadline itong si Piero" sabi pa niya kaya naman napatingin ako kay Kuya Piero.

Nagiwas ito ng tingin sa akin kaya naman muli kong ibinalik kay Lance ang aking atensyon. "Anong Deadline?" Tanong ko sa kanya.

"Pagnahanap na daw niya yung pumatay sayo. Magpapakamatay na din daw siya, para magsama na kayo sa kabilang buhay. Di ba ang sweet?" Natatawang kwento pa ni Lance kaya naman kaagad na lumipad sa kanya ng bilog na basahan na mas lalo niyang ikinahalakhak.

Mabilis akong lumapit kay Kuya Piero na nasa harapan ng coffee maker. Kahit pa nasa tabi na niya ako ay hindi niya ako nilingon.

"Totoo ba yun?" Panguusisa ko sa kanya.

Kita ko ang pagtaas baba ng kanyang adams apples. "Ang sarap mabuhay, bakit mo naman naisip na magpakamatay?" Nakangusong tanong ko sa kanya.

Tamad ako nitong nilingon. "Anong masarap sa mabuhay kung wala ka?" Tamad na tanong niya sa akin. Pero kaagad kaming nakarinig ng tawa sa likod galing kay Lance.

Napanguso ako, pilit na itinatago ang kilig na nararamdaman. Niyakap ko ito mula sa kanyang likuran. "Andito na ako Kuya Piero, may rason ka na para mabuhay" paninigurado ko pa sa kanya.

"Uuwi na ako ng Bulacan. Baka makaabala pa ako dito" pagpaparinig ni Lance kaya naman kaagad siyang minura ni Kuya Piero.

Kagaya ng pangako nito sa akin kahapon ay may dala na siyang mga pagkaing gusto ko. May binili din siyang malaking Jar ng peanut butter para sa akin. Kain lang ako ng kain habang seryoso ang kanilang paguusap sa aking harapan.

"Hayaan nating unti unting bumalik ang alaala ni Sachi, delikado kung pipilitin natin siya...ayoko siyang pilitin, kaya ko namang maghintay" seryosong sabi pa ni Kuya Piero dito.

Napatango tango si Lance. "Gold medalist talaga tong si Piero pagdating sa waiting game eh. Tingnan mo nga, nagtyaga kang maghintay ay naniwala na babalik si Sachi kahit impossible na. Tingnan mo ngayon, ibinalik siya sayo" pagsangayon pa ni Lance kaya naman tipid akong napangiti.

"Ang kailangan ko lang gawin ay mahanap at makausap si Guevarra. Siya ang makakasagot sa lahat ng tanong natin. Kung totoong siya nga ang nagligtas kay Sachi sa kamatayan, wala na siyang utang sa akin" paninigurado pa ni Kuya Piero.

Napabaling si Lance sa akin. "May nabasa ako about traumatic death experience. Isa talaga ang memory loss pag nakaranas ka nuon" pagsangayon pa ni Lance.

Maging si Kuya Piero tuloy ay muling napatitig sa akin. Kaya naman tipid ko lamang siyang nginitian. "Babalik din ang ala ala ko..." paninigurado ko sa kanya.

Hinawakan nito ang kamay ko across the table. "Hindi natin kailangang magmadali, ang mahalaga sa akin andito ka" seryosong paninigurado pa niya sa akin.

"Ako ba mahalagang nandito?" Pagsingit ni Lance na ikinatawa ko.

"Panira amputa" nakangising sita ni Kuya Piero sa kanya bago ito sumimsim ng kanyang kape.

Magkasama kaming tatlo na nagtungo sa mall para makabili ng mga damit ko. Hindi pa din kasi kami pwedeng bumalik sa Condo. "Go on, bilin mo lahat ng gusto mo" pagtulak nito sa akin.

Napanguso ako. "May pera ka pa ba?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

Napangisi ito. "Gusto mo bang bilhin ang buong mall na to?" Pagmamayabang niya kaya naman nanlaki ang aking mga mata.

"Kaya mo?" Mapanghamong tanong ko sa kanya.

Muli siyang napangisi. "Hindi" natatawang sagot niya sa akin kaya naman natawa na lamang din ako.

"Ang siraulo mo Kuya Piero" asik ko sa kanya sabay hampas sa kanyang braso.

Naghihintay lamang sila ni Lance sa akin habang namimili ako ng mga damit at gamit na kakailanganin ko. Kagaya sa hapagkain kanina ay seryoso nanaman ang pinaguusapan nilang dalawa. Hindi pa din nagsisink in sa akin ang klase ng trabaho ni Kuya Piero, Masyadong delikado.

Matapos naming bayaran ang mga pinamili ko ay kaagad kaming nagtaka ni Lance ng bigla itong mawala. Kinuha ni Lance ang lahat ng bitbit ko at tsaka namin hinanap si Kuya Piero sa loob ng department store. Nagulat na lamang kami ng makita namin itong paakyat sa escalator galing sa first floor kung nasaan ang mga appliances.

"Wow, Daddy duties" pangaasar ni Lance dito.

Napangisi ito sabay sulyap sa akin. "Daddy mo mukha mo, tara na baka nagugutom na ang baby ko" biglaang sabi niya sabay hila sa akin. Napamura ng malutong si Lance.

"Bumabanat na ang gago" rinig naming natatawang sabi pa nito mula sa aming likuran.

Hindi ko mapigilan ang pag ngiti. Bumalik na nga talaga ang Kuya Piero ko. Ngumingiti na ito at nakikipagbiruan, para bang muli siyang bumalik sa pagiging teenager nawalang ginawa kundi ang matulog at kumain sa bahay pero may pera pa din.

Hapon na kami nakabalik sa bahay. Kaagad akong dumiretso sa banyo dahil nasa byahe pa lamang kami ay ihing ihi na ako. Paglabas ko ay nakita ko si Lance sa may dirty kitchen na nakangiting kausap si Sarah sa kanyang cellphone. Muli akong bumalik sa may sala para tingnan ang mga pinamili namin, naabutan kong nakaupo duon si Kuya Piero, nakasandal at mariing nakapikit.

"Ayos ka lang po Kuya Piero?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

Nagmulat ito ng mata, lumundo ang Sofa ng umupo ako sa tabi niya. "Masakit ba ang ulo mo?" Panguusisa ko pa.

Hahawakan ko na sana ang sintido niya ng kaagad niya akong hinila para yakapin. Sumubsob ako sa kanyang dibdib dahil dito. Napabuntong hininga siya at muling pumikit. "This is better" sambit niya kaya naman napangiti ako at tsaka ginantihan ang kanyang yakap.

Napaiktad kaming dalawa ng kaagad naming narinig ang marahas na pagkakakalampag sa gate. Maging si Lance na nasa dirty kitchen ay napalabas at kaagad na sumilip sa may bintana.

"Si Zandro" nagaalalang anunsyo nito.

Mabilis na tumayo si Kuya Piero at kaagad akong hinila patayo at ibinigay kay Lance. "Magtago kayo ni Sachi, ako na ang bahala dito" seryosong sabi niya at kaagad na binuksan ang isang drawer sa may tukador. Nakita ko ang baril sa loob nuon kaya naman kaagad akong kinabahan para sa kanya.

"Pero Kuya Piero" nagaalalang tawag ko sa kanya ng sinubukan akong hilahin ni Lance para magtago.

"Ako na ang bahala dito" paninigurado niya sa akin kaya naman sa huli ay naghila na lamang ako kay Lance.

Sa likod ng kitchen counter kami nagtago. Kaagad kaming napaluhod sa sahig para hindi kami makita. Maya maya ay halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang bayolenteng pagbukas ng front door, dahil sa lakas ng pagkakabukas nito ay nahulog at nabasag ang nakadisplay na vase sa tabi nito. Kaagad akong hinawakan ni Lance sa aking magkabilang balikat para hindi aki makagalaw.

"Kitang kita sa footage ba ikaw ang pumasok kung saan nakakulong si Guevarra!" Rinig naming asik nung lalaking pinangalanan ni Lance na Zandro.

"Pumasok ako duon para ako mismo ang pumatay sa kanya" kalmado pero may diing sagot ni Kuya Piero dito.

Narinig namin ang malutong na pagmunura nito. "Hindi nga papatayin! Bakit ba nangangati kang patayin si Guevara?" Nanggagalaiting sabi nung Zandro. Ramdam na ramdam namin ang pagkainis nito.

"Dahil siya ang rason kung bakit namatay ang kapatid ko" mahinahong sagot ni Kuya Piero. Bumigat ang dibdib ko dahil sa narinig.

"Ano?" Naguguluhang tanong na sigaw nung Zandro sa kanya.

Sandaling naghari ang katahimikan hanggang sa magsalita si Kuya Piero. "Hindi ko nailigtas yung kapatid ko dahil kinailangan ko siyang hanapin, kung nung una pa lang nadala ko na siya sa Agrupación. Wala na sana akong problema pa sa kanya" paliwanag ni Kuya Piero.

"Yan na nga ba ang sabi ko sayo! Pinapairal mo yang awa mo. Papatayin ka niyan Piero. Nung oras na pumasok ka sa trabahong ito wala na dapat awang natitira diyan sa katawan mo. Wala ka na dapat puso!  Asik nung Zandro sa kanya. Galit na galit ito. Ramdam na ramdam namin kahit nakikinig lang kami ni Lance.

Hindi na nagsalita pa si Kuya Piero. "May ipinapabigay na regalo si Boss Bob. Reward mo daw ito dahil sa palpak mong mission. Ewan ko ba sayo Piero, sa lahat ng mission mo dito ka lang tumagal. Bilib na bilib pa man din sayo si Boss" mapanuyang puna ni Zandro.

Kumunot ang noo ko sa pagiisip kung ano yung sinasabi niyang regalo at reward. Hanggang sa magulat na lamang kami ng marinig namin ang nga daing ni Kuya Piero. Nagaw akong bahagyang makawala kay Lance. Maingat akong sumilip mula sa may kitchen counter, naluha na lamang ako ng makita kong hawak hawak ng isang may malaking katawang lalaki si Kuya Piero at ang kasama naman nito ay malaya siyang pinagsusuntok sa katawan, pati na sa mukha.

Nanunuod lamang si Zandro, kumukuha pa ito ng Video. Nang mahusto sila ay kaagad nilang binitawan si Kuya Piero. Hinanghina itong napaupo sa sahig. "Sana naman, tumigas siyang buto mo Agent Hagen, bawal ang malambot sa trabaho natin" nakangising sabi ni Zandro.

Muli akong hinila ni Lance palabalik. Narinig namin ang pagtunog ng mga paper bag na pinamili namin. "Aba, mukhang may ibinabahay ka na dito ngayon ah. Pakilala mo naman kami sa girlfriend mo" nakangising sabi pa nung Zandro ng makita niya ang mga damit pambabae.

Hindi nakasagot si Kuya Piero. "Nga pala, malaki na ang utang mo sa akin. Tanggap ka ng tanggap ng mission hindi ka naman marunong magbayad. Aba Piero..." pagbabanta pa sa kanya nito.

"Basta magbabayad ako" nanghihinang sagot ni Kuya Piero sa kanya.

Hindi natagal ay umalis na din ang mga ito. Mabilis akong lumabas mula sa pinagtataguan namin para lapitan siya, pero mabilis din itong tumayo kahit pa ng hihina. Iniupo namin siya ni Lance sa may sofa.

"Mga wala talagang puso ang mga taong iyon" gigil na sambit ni Lance.

Lumuhod ako sa harapan nito. "Kaya mo pa ba?" Umiiyak na tanong ko sa kanya.

Kahit nanghihina ay nginitian ako nito. "Kakayanin ko" paninigurado niya sa akin bago niya marahang pinunasan ang luha sa aking mga mata.

"Wag ka ng umiyak, sabi ko sayo. I can escape death for you" muling paninigurado niya pa sa akin.

Habang nagpapahinga si Kuya Piero sa kanyang kwarto ay muli akong naging tutok sa panunuod kung paano manggamot. Ilang video ang pinanuod ko para hindi na ako mataranta sa oras na kailanganin ulit ni Kuya Piero ang tulong ko.

Kinabukasan ay bahagya ng umayos ang lagay ni Kuya Piero. Parang wala na lang sa kanya ang mga suntok, ang sakit ng katawan ay parang gumagaling kaagad kung itutulog lang niya. Halatang sanay na sanay na ito.

"Tuturuan kita ng Self defense" anunsyo niya sa akin habang nagaalmusal kaming tatlo nila Lance.

Nagulat ako at napatigil sa aking pagsubo, napatingin lamang ako sa kanya kaya naman napaiwas na lamang ito ng tingin. "Para iyon sayo. Ikaw ang habol ng mga iyon, hangga't hindi nila nakukuha si Doctor Guevarra. Hindi sila magdadalawang isip na gamitin ka para pasukuin siya" paliwanag pa ni Kuya Piero sa akin.

Bayolente akong napalunok, nakaramdam ako ng takot. "Kasama naman kita palagi eh" nakangusong sabi ko sa kanya.

Kita ko ang pagtaas baba ng kanyang adams apple. "Pero hindi ako palaging malakas Sachi. Lalaban ako hanggang kaya ko, pero hindi ako palaging malakas" paliwanag pa niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.

Muli niyang hinawakan ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kanya. "Kailangan malakas din yung pinagkukunan ko ng lakas" makahulugang sabi pa niya sa akin kaya naman tipid ko na lamang siyang nginitian.

Matapos namin magalmusal ay kaagad niya akong pinagbihis. Pati pala sa mga training na ganuon ay may dress code din. Itim na sando at itim na legging na hapit na hapit na aking katawan ang ipinasuot nila sa akin. Paglabas ko sa may garahe ay nakahanda na ang lahat ng gagamitin namin para sa pagtuturo sa akin nina Kuya Piero at Lance.

Tanging itim na gym shorts lamang ang suot ni Kuya Piero. Pawis na pawis na din ang kanyang katawan na mukhang nagumpisa ng sumuntok sa nakasabit na punching bag.

Napatitig si Kuya Piero sa akin. "Hindi mo ba pwedeng hawiin yang bangs mo?" Sita niya sa akin.

Napanguso ako at tsaka marahang sinuklay iyon. "Ayaw ko nga" pagsuway ko sa kanya kaya naman napairap ito.

Nagulat kaming tatlo ng may humintong delivery truck sa tapat ng gate. "Dito po ba si Mr. Piero Herrer?" Tanong ng delivery man.

Kaagad na lumapit si Kuya Piero kaya naman sumama ako sa kanya. Maging si Lance ay pumunta din duon.

Nagkatinginan kami ni Lance sa gulat ng inilabas ng mga ito mula sa delivery truck ang isang freezer. "Para saan iyan?" Tanong ni Lance dito.

"Kami ng bahalang magpasok" sabi ni Kuya Piero sa mga ito kaya naman kaagad na umalis ang mga ito pagkadeliver. Mabilis naming inusisa ni Lance ang freezer.

"Magtitinda ka na ng tube ice?" Natatawang tanong ni Lance dito kaya naman nilingon ko din si Kuya Piero pero umirap lamang ito.

"Para iyan kay Sachi" tamad na sagot niya na ikinagulat ko.

"Pupunuin ko yan ng Ice cream" pagmamayabang pa niya kaya naman halos lumuwa ang mata ko.

Napailing si Lance. "Baliw na nga talaga" bulong pa niya.

Kaagad kong nilapitan si Kuya Piero. "Pero kuya, wala ka ng pera. Narinig ko kahapon may utang ka pa duon sa Zandro" giit ko pa sa kanya.

Tamad niya lamang akong tiningnan. "I can't give you the mall, so have a freezer for now" sabi pa niya na ikinatawa ni Lance. Gusto ko din sanang tumawa pero nagaalala ako sa kanya.

"Pero Kuya..." paglaban ko pa sana pero inirapan nanaman niya ako.

"I want to spoil you Sachi, don't fight with me" banta niya sa akin kaya naman nakanguso na lamang akong napatingin sa tatawa tawang si Lance.

Dahil hindi na kami makakalaban pa kay Kuya Piero ay nagsimula na kami sa training. Madali ang mga basic na galaw na itinuro niya sa akin.

"Sige lakasan mo yung sipa" panghahamon niya sa akin kaya naman kaagad kong nilakasan ang pagsipa sa kanya.

"Lakasan mo pa!" Utos niya. Ginawa ko iyon, pero sa kalagitnaan ay kaagad akong napatigil ng halos mawalan ako ng hangin sa katawan.

Mabilis siyang lumapit sa akin. "Normal lang iyan, naninibago pa ang katawan mo" sabi niya sa akin pero hindi nawala ang kamay ko sa aking dibdib.

Hinawakan niya ako at tsaka inilapit sa kanya. "Breathe in, Breathe out" paggaya niya sa akin.

Sinunod ko iyon. Hanggang sa dahan dahang umayos ang lagay ko. Dahil sa takot na naramdaman ay kaagad akong yumakap kay Kuya Piero na ikinagulat niya.

"Natatakot ako" sumbong ko sa kanya.

"Saan?" Nagaalalang tanong niya sa akin.

Bayolente akong napalunok. "Death" tipid na sagot ko sa kanya.

Ramdam ko ang paghalik nito sa aking ulo. "Mas nakakatakot mabuhay ng walang dahilan" makahulugang saad niya.









(Maria_CarCat)

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

9.2M 247K 66
The Doctor is out. He's hiding something
9.3K 521 41
Amanda Louise Addisson, a girl who chose to work in Japan to become a Computer Engineer there. But when she arrived in Japan she didn't have work to...
258K 14.2K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
10.9M 354K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook