Same Ground [COMPLETED]

By Moreyna_

1.4K 49 8

An ordinary story of a two person with a common life. How they'll deal in such chaotic chapters of their live... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 23

28 1 0
By Moreyna_


Now Playing:// Fix You - Cold play or
It will Rain - Bruno Mars

Yve

NAKATITIG lang ako sa ceiling, hindi ko alam na dito ako babagsak matapos ng lahat.

Pumasok na yung Doctor, tumayo sina mama sa sofa at lumapit sakin.

"Ija, kamusta? Buti at gising ka na."

Tumingin lamang ako sa kanya habang hinihimas ko ang tyan ko. "An angel will always be a superhero." Sagot ko.

She smiled. "Yes. He will guide you through your journey, He'll come back again, when the right time comes."

Ayoko marinig pero masakit, gusto ko malaman. Truth will always be hurt. Bumuhos na agad ang luha sa mga mata ko. Niyakap ako ni mama.

Tears are words the heart can say.

"I'm sorry-- bukod sa naaksidente ka sa hagdan, mahina na din ang tibok ng puso at kapit nung bata sa tyan mo, in the mean time, pabitaw na rin siya --- I'm sorry, we don't save your child."

Para akong nadurog bigla. Hindi ko manlang nalaman kung lalaki ba o babae ang anak ko, okaya naman kambal.

Ang sakit maraspa pero mas masakit yung wala akong ginawang tama para ingatan yung bata sa loob ko.

Ibinigay sakin ni mama ang isang case, laman noon ang anak ko na paglalamayan ko. Wala man itong katawan o ano, anak ko pa rin ito.

"I hope, you'll be alright. He'll come back again in the right time." Sambit nung Doctor.

Niyakap ko lamang iyon at umiyak. "Excuse me." Tinapik ako ng Doctor bago siya lumabas.

Umiyak lamang ako. "Sorry ineng-- sorry hindi kami nakatulong sayo-"

"Ma' wala kayong kasalanan. Kasalanan ko lang kasi nagpakatanga ako sa lalaking iyon, kasalanan ko kasi minahal ko siya ng sobra, hindi ako nagtira para sa sarili ko. Sinikap kong mabuhay siya, pero--- yung anak ko ang pinatay ko, kung sana nakinig ako kina Trina, edi sana nakapag ingat ako."

Ipapakulong ko si Vanessa at si Mien sa ginawa nila sa buhay ko. Kailangan ko ng hustisya, kailangan nila managot sa batas para wala na silang lakas na gawin din iyon sa iba.

Binigyan ako ni Mama ng tubig. Matapos kong uminom, sumama ang pakiramdam ko ng makita si Arn sa pinto ng Private room na ito.

"Bakit ka nandito?!" Sigaw ni papa, inawat naman siya ni Mama.

"Gu- gusto ko po humingi ng tawad sa inyo."

"Tawad? Binibigay lang iyon sa mga karapat dapat patawarin! Umalis kana dito." Galit na sabi ni Papa.

"Pa--- gusto ko siya maka usap. Siya ang ama ng anak ko." May piyok man sa boses ko ay umiwas ako sa titig ni Arn.

Mahal ko pa rin siya.

"Pero yve? Alam mo naman ang ginawa niya!"

Tumango ako. "Opo-- at ipapaalam ko rin sa kanya kung gaano ako nasasaktan."

Lumabas muna sina Papa. Naupo ako sa kama na hinihigaan ko, biglang lumuhod si Arn sa harapan ko habang nanginginig ang katawan sa labis na pag iyak.

"H-hindi ko alam kung-- kung anong dapat kong sabihin-- sobra akong nahihiya sayo."

Tangina, gusto kong yakapin mo ako pero gusto rin kita itulak. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko Arn.

"Yve, lo-love ...patawad. Patawad hindi ako nakinig kasi naging bingi ako sa galit at selos ko, natrauma ako nung makita kang hinahalikan si Caleb kapalit ng paglaya ko--- simula noon, parang lahat ng gagawin mo, ganoon ang kapalit o mas higit pa."

Naiintindihan ko. Mali ako kasi hindi ako nagsalita agad, nanahimik ako Arn. Hindi ako galit pero pagod na ako.

Hindi ako nagsasalita at nakikinig lamang pero yakap ko ang case laman ay abo ng pag raspa sa aming anak.

"Simula noong nagkapatong patong ang problema-- ko, ayaw na kitang idamay, sobrang stress ako noon, yung malaman mong natorture yung tatay mo, may malaking utang, namatay si Kuya Joseff at hindi inasikaso ng Doctor, nagkaroon ng tuition fee sa SEFU lahat 'yon, lahat 'yon nagpahina sakin--- hindi kita nakita na andyan-- naging bulag ako... Ang nakikita ko lang halos problema --- araw araw nagtatrabaho ako para may makain kami, sina mamy-- nagkakasakit na siya sa sobrang pag aalala at sa nangyayari-- hindi nalang kita pinansin dahil ayokong makita mong nanghihina ang superhero mo."

Alam ko. Kaya inintindi kita, kasalanan ko siguro kasi dinamayan kita. Diba?

"Ayokong mamroblema ka dahil pareho tayong nag aaral at nagtatrabaho, hindi ko-- hindi ko inexpect na--, kahit hindi ko alam-- tutulungan mo ako, pinili kong-- ako yung mamroblema para sana isa satin yung malakas, at ikaw 'yon pero-- tangina nadamay pa rin kita sa bigat ng pasan ko."

Mahirap ang pinagdaanan na problema ni Arn, ayaw nya lang ipakita sakin, ayaw nya akong idamay kaya hindi nya ako pinapansin noon, kaya itinataboy nya ako?

"Sorry mali ako-- sana pala-- nakinig ako, tinitigan ka gaya dati... nakalimutan kong ikaw ang happy pill ko, ang stress reliever ko... Sinaktan kita ng sobra, pinagod. Na-- nadamay yung -- anak natin."

"Anak ko lang Arn, anak KO lang. Kasi nung sinabi ko sayo--- sayo diba? Diba? Nagdududa ka pa. Kasi ang tingin mo sakin-- magpapabuntis na sa mayaman, kay Caleb? Oo nahalikan ko siya, isang beses matapos mo ako ipagtulakan-- dahil ang buong akala ko ikaw siya-- lahat ng nasa paningin ko akala ko IKAW. I do hurt him while I'm hurting too. I used him to hide the heavy in-- in myselffff-fuck."

"Patawarin mo na ako, Yve." Hinawakan nya ang kamay ko.

"H'wag mo ako hawakan. Di ba? Pinaramdam mo sakin na nandidiri ka sakin? Kung hindi mo nalaman ito, ano nanamang sasabihin mo sakin? Na pinalaglag ko ang anak KO? Nang matauhan ako-- naisip ko-- sana pala, hinayaan nalang kita magdusa sa sakit, mamatay-- pero hindi e. Mahal kita-- alam mo yung masakit ngayon? Isa lang sa inyo ang pwedeng mabuhay sa mga panahon na iyon. Kasama ko ang batang ito-- ang batang ito na pinapalakas ako sa pang araw araw pero nung gumaling ka, napagod na siya-- siya naman-- siya naman ang bumitaw-- patawad kung napabayaan ko ang anak natin para lang mabuhay ka Arnzial." Umiiyak na sambit ko.

Ubos na ang luha sa mga mata ko. Ubos na ang pakiramdam ko, ubos na ako. Ubos na ubos na ang pasensya ko. Niyakap nya lang ako ng mahigpit pero tinulak ko siya ...

"Alam ko galit na galit ka sakin---" I cut him off

"Hindi ako galit. Pagod lang, ilang beses mo sinabi sakin na pagod ka, na nakakapagod ako-- pero lahat 'yon, tiniis ko. Nagwalang kibo ako para lang hindi makadagdag sa problema mo---pero ubos na ako Arn. At kung tuluyan man akong maubos sana lagi mong tandaan na minahal kita sa higit ng aking makakaya, pero yung sitwasyon natin mismo hindi ko na rin kaya."

Bumitaw ako sa pagkakahawak nya. "Umalis ka na. Tuparin mo nalang ang mga pangarap mong mag isa, Ayusin mo ang buhay mo,sa bagay na iyan, mapapatawad pa kita."

Hinatak na siya ni Caleb na sinenyasan kong papasok sana sa Private room. Wala siyang nagawa kundi magpahatak habang paulit ulit na umiiyak at himihingi ng kapatawaran.

Pasensya na, Arn. Unfair sa anak natin.

***

Arn

UMUWI ako sa Apartment namin ni Yve, naglinis lang ako doon, tinago ko yung mga gamit nya, lahat, yung diary, yung marketing sales nya at iba pa.

Tumugtog lamang ako sa gitara sandali.

Callalily - Magbalik

Ang hirap lumaban kung nakabaon yung isang paa mo sa hukay na lupa, kahit sino naman siguro, magiging baliw sa mga nangyari sa buhay ko, sa pamilya ko, napabayaan ko na ang pag aaral ko, napabayaan ko na si Yve ... Sa isang iglap lang, nawala lahat, lahat ng regalo sakin ng maykapal.

Tinutupi ko yung mga Men's tshirt na galing sa kanya, amoy na amoy ko pang ang Sweet Pea nyang pabango.

'Sana bumalik nalang tayo sa dati, hindi ko alam kung papaano ako magsisimula ng wala ka.'

'Nasanay akong andyan ka.'

'Mahal na mahal kita, bbq, love, yve, Yvannah ko.'

NAGlinis lamang ako at napabalikwas ng makita si Yve na pumasok sa pinto kasama si Caleb.

"She'll get her things lang." Sambit ni Caleb.

Para akong hangin na hindi pinansin ni Yve at nagtuloy tuloy siya. Sinundan ko lamang siya sa kwarto, nanatili sa labas si Caleb na nakapamulsang naghihintay.

Wala na akong selos na nararamdaman sa kanila, bakit ngayon pa? Ang nasa isip ko lang, kailangan ni Yve ng pagmamahal na deserve nya, kailangan nya ng pagmamahal na hindi makasarili gaya ng akin.

Hindi na niya suot ang anklet at moon necklace na bigay ko. Gusto kong pigilan ang emosyon ko pero gustong gusto ko siya yakapin habang nililigpit nya ang ilang gamit nya.

Niyakap ko siya mula sa likod.

"Love, miss na miss kita. Sobra." Bulong ko.

Hindi siya gumalaw at kusa akong kumalas. "Bigyan mo ako ng chance. Sorry sorry sorry ng sobra-- hindi ako nakapag isip ng tama Yve, sobrang bigat lang kasi sana maintindihan mo ako."

Ngumiti lang siya sakin. "Hindi ako galit, pagod ako, at mas matindi 'yon. Magiging okay lang ako kapag nawala ang pagod ko, at ikaw 'yon. Ikaw yung pagod na gusto ko na mawala."

Tinapik niya ako. "Patawad Arn, patawad kasi tinupad ko yung pangako natin sa isa't isa na magtutulungan tayo hanggang makatapos ng kolehiyo at magkatrabaho..." Mahinang boses alam kong pagod na siya.

Huminga siya ng malalim. Kinuha ang gamit nya.

"Yve-- wag mo ako iiwan please, sorry sorry ng marami...." Lumuhod na ako at niyakap ang binti nya.

"Do you know what is wrong with the word Sorry? It gives people a wrong idea that any mistake can be solve by a single word." Wika niya at tumulo ang luha, lumabas na siya sa kwarto sinundan ko siya pero hinarang na ako ni Caleb.

"Back off dude. Let her heal the wound." Sambit nya. Tinapik niya ako sa balikat at pinagbuksan nya ng passenger seat door si Yve na hindi na naman tumingin sakin.

Kumaway siya sa landlord ng apartment. Sa isang kurap ay nawala na siya sa paningin ko.

Lumapit sakin si aling nelly, yung landlord.

"Hindi na ba kayo magrerenta next sem?"

Umiling ako. "Hindi na po."

"Alam mo napaka swerte n'yo sa isa't isa. 'Yang babaeng 'yan, halos ginagawa nalang tulugan ang apartment na ito simula ng hindi ka nauwi, nakikilagay pa sa ref nila Gina ng mga DIY cakes nya, ang sarap nga ng gawa n'yang iyon, sayang naman ang business kung hindi nya itutuloy. Napaka madiskarte at talinong bata. Kapag ako e, dumadalaw diyan sa inyong apartment, kinukwento n'ya naman kung gaano siya hanga sa kasipagan at lakas mo daw, lagi nyang sinasabi na superhero ka nya." Nagpatuloy siya sa pag wawalis.

"Salamat po Aling Nelly sa pagtingin kay Yve habang wala ako."

"Nako ijo, kayo ang pinaka paburito ko sa lahat ng umupa sakin, bagay na bagay kayong dal'wa, sana ay hindi kayo maghiwalay. Hindi matutumbasan ng pera ang pinagsamahan ninyo at yung mga diskarte nyo sa buhay. Ang sarap panoorin na pareho kayong nagtutulungan para matupad ang mga pangarap ninyo."

Nagwalis lamang siya ng tawagin siya ni Gina.

"Osya sige-- ingat ka kung saan ka man patungo! Sana ay makita ko pa rin kayong dal'wa." Tinapik nya ako.

Papasok na sana ako sa loob ng makita kong palapit sina Chem, Ice, Trina at Oslo.

"Hey 'tol." Bati ni Chem

"I don't want to say sorry for all the words I've said to you 'cause you deserved it." Malamig na tono ng boses na sabi ni Ice.

"Ang tagal na namin napansin yung pagbabago sa katawan at kilos ni Yve, hindi siya nakinig samin, pinilit namin siya na mag take ng PT and boom preggy nga siya--" sambit ni Trina.

"Pero sana-- nung nalaman mo, hindi mo siya tinulak, wala kang alam sa sakripisyo niya. Sana hindi mo ginanon kung mahal mo siya." Wika naman ni Oslo.

"Alam ko mahirap ang pinagdaanan mo, pero parehas lang kayo, gusto lang nya makatulong, alam mo bang first time pa nya sumali sa singing contest, nagtinda pa siya ng sweet stuffs tapos-- pinag isipan mo siya ng ganoon."

Guilty.

"Girls, stop right there. He already knew about that, I told him, I slapped him the truth... Tss" Ice rolled her eyes.

"Dude... Habulin mo si Yve. Wag mo siyang hayaan mawala at mag isa-- mahal ka pa n'on... At alam naming naiintindihan ka nya."

Lunok.

"She doesn't like Caleb as for your jealous thing, you're so immature for jealousy.." Umirap ulit siya.

"Ice let him, tropa ko 'to si Arn.." pag awat ni Chem

"Tss It's not hard to think, magtropa nga kayo." Sarkastikong sagot ni Ice kay Chem.

"Let me talk for a moment. You know what Arnzial, soon-- you'll become a police or a law something --- this is a serious mission, chase her. The reason why most relationships don’t work out is because they keep on looking for millions of reasons to leave, instead of finding another reason to stay. Well, Yve is just a restless person but I think at the end, you're not her tiredness or a fatigue, your are her rest."

Tinapik ako ni Ice at nagpaalam na sila sakin. They are a good friends of Yve and I.

Tumawag ako kina Rome para makipagsabwatan na isurpresa si Yve.

Pumayag naman sila. Taliwas naman ang pagpayag ni Crisell at Lorie. But Rome and Feria understands me when I narrated the story to them.

"Well, Goodluck to you!" Sambit ni Crisell

Malaki na ang tyan niya. Sana ganyan din si Yve kung iningatan ko sila.

"Pwede ba ako mag ninong n'yan?" Naiiyak na sambit ko.

"Well ayos lang, para dal'wa kayo ni Yve, mukha namang hindi kayo magkakatuluyan." Mataray na sagot ni Crisell at hinimas ang tyan nya.

Ice and Crisell is very similar when it comes to a friend that being protective.

"Burn!!" Sigaw ni Kid kaya tinapik siya ni Chem.

Inasar lang nila ako maghapon pero hindi ako susuko.

****

Yve

NAG aayos ako ng damit ko sa aking damitan bigla namang kumalong sa legs ko ang pusang si 'Hello'

Pusang pinoy, kulay puti siya at may putol na buntot, kulay green ang kanang mata at blue naman sa kaliwa. Napaka unique. Ito ba ang regalo ni Arn na lalambing sakin? Bwiset talaga siya. May pahiwatig lahat.

Nakatitig lamang ako sa moon necklace at plain silver anklet. Nilagay ko ito sa box na pinaglalagyan nito.

Masakit pa rin ang puson ko sa pagraspa sakin nung isang araw pero ang sabi ay kailangan ko itong maramdaman para gumaling.

May kumatok naman sa pintuan naming yero, nakita kong binuksan iyon ni Natalia na anim na taon na ngayon, birthday nya ngayon.

"Happy Birthday Natalia."

Nagulat ako ng dumating sina Zap, Caleb at Ian.

"Anong ginagawa nyo dito?" Nagtatakang tanong ko.

"Akala ko may handa si Natalia, birthday daw niya sabi ni Feria." Sambit ni Zap.

"Oh Caleb... Bakit kayo nandito?" Tanong ni Mama.

"Uh tita-- susunduin lang namin si Yve, wala palang handa si Natalia, bibili kaming regalo." Parang abnormal 'to si Caleb.

"Ay siya! Aalis kami at pupunta sa Airport, uuwi kasi ang Tiyahin nyang nasa Germany." Sagot ni Mama.

"Ma' sasama na ako sa tatlong ito-- uuwi nalang ako agad, hindi nalang ako sasama sa pagsundo."

"YES!" Sigaw ni Ian.

Nagbihis lamang ako ng mini skirt at fitted black longsleeve. Hinayaan ko muna si Hello na matulog sa kama ko. Ngumuso ako ng maalala ang ala ala namin sa papag na iyan. Hays, Arnzial.

Palabas na kami ng eskinita nang magsalita naman si Fe habang nagwawalis.

"Tingnan mo sabi na nga ba at kay Yve pupunta ang tatlong gwapo na iyan! Naka bingwit nanaman ng mayaman-- iniwan yung isa."

Mabilis ko siyang nilapitan. "Nakabili ka na ba ng salamin sa pagiging chismosa mo? Kasi kung hindi, bumili ka para sarili mo naman ang tingnan at pulaan mo."

Hindi ko na siya pinagsalita at nag flio hair nalang. Ang chismosa talaga kapag walang magawa hahanap ng mapupulaan. Wala namang alam sa nangyayari, daig pa cctv. Grrr kailan kaya magbabago iyan?

"Sikat na sikat talaga 'yan dito." Tumatawang sambit ni Caleb habang nagdadrive.

"Saan ba tayo?"

"Tambayan Tower Ground." He smiled.

Tambayan Tower Ground, doon kami unang nagkakilala ni Arnzial, yung jacket nya, yung poster na dinikit nya pero baliktad, damn-- doon nagsimula lahat.

"Yve, may nakuha na akong lawyer sa kinakaso mo kina Mienna at Vanessa." Sambit ni Caleb sa gitna ng katahimikan.

Nasa kani kanilang sasakyan kasi si Ian at Zap at ako naman ang sumakay sa sasakyan ni Caleb.

"Kailangan umamin nung sa sorority para lumakas ang kaso sa bruha na iyon." Wika ko.

"Yep napaamin na namin."

"Ha?"

"Oo Yve, hindi mo yata alam, in the field of business, meron kaming Gang, kaya din ako nag VetMed para hindi malaman ng iba ang confidential." Natatawang paliwanag niya.

"So mag kaibigan pala akong gangster?"

He chuckled. "May nagmamahal sayong Gangster." Tumatawang sambit nya.

Inirapan ko lang siya. "Caleb diba nag usao na tayo."

"Yep. I know don't worry-- sinunod ko naman ang sinabi mo. And I met a girl from online dating app laughing my ass over."

"Loko. Ipakilala mo sakin 'yan ha."

"Saka na, nasa Germany kasi sya." He answered

NANG makarating kami sa Tower ground napatingin ako sa Tambayan-- bakit may nagkakagulo doon?

"May event ba dito?" Nagtatakang tanong ko.

"Uh hahaha yung Ben and Ben kasi nandoon sa taas, sa tambayan." Sagot ni Caleb.

Nanlaki ang mata ko. Idol ko iyon!

"Tara!!! Taas muna tayo please?!"

"Wag na madaming tao." Sambit pa nya

"Sige na huhu kahit hindi ko birthday-- magpapa picture lang ako." Pagpupumilit ko sa tatlo.

Tumatawa lang sina Zap at Ian habang nagseselpon. Kausap siguro sina Feria at Lorie.

Tumaas na kami doon, pero sa pagtaas namin. Gusto ko na bumaba.

Nandoon sina Lorie, Feria, Crisell, Lawrence, Rome, Ice, Chem, Kid, Ches, Oslo, Trina at Cal.

Pero sa gitna noon, bigla nilang nilabas ang nakauponh si Arnzial sa bleacher kung sana ako nakaupo noon, hawak nya ang regalo kong gitara at may mic sa harapan niya, may speaker din sa tabi na naka konekta para marinig ang pagkanta nya ng

Araw araw by Ben & Ben

Nakatitig lang ako sa kanya at tumingin sa nakangiting si Caleb.

Tinulak nila ako bahagya sa harapan ni Arn.

"Umaga na sa ating duyan
'Wag nang mawawala
Umaga na sa ating duyan
Magmamahal, oh, mahiwaga

Matang magkakilala
Sa unang pagtagpo
Paano dahan-dahang
Sinuyo ang puso?"

Nakatitig lang siya sakin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, ang pakiramdam ko lang, pagod pa ako, natrauma, nasasaktan.

"Kay tagal ko nang nag-iisa
And'yan ka lang pala

Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa 'yo'y malinaw"

Namimiss ko na siya pero naubos ako e, kailangan ko muna mahalin ang sarili ko bago ko ulit siya mahalin ng sobra para sa susunod, may matira naman sakin.

"Higit pa sa ligaya
Hatid sa damdamin
Lahat naunawaan
Sa lalim ng tingin

Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa 'yo'y malinaw"

Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko Arnzial. Pero hindi ko ito mapapatunayan kung mananatili akong marupok sayo. Hindi pagiging marupok sa isang tao ang ibig sabihin ng totoong pagmamahal, ang totoong nagmamahal, balanse at hindi makasarili. Dapat turuan mo siyang mag grow sa pagkakamali niya.

"Sa minsang pagbali ng hangin
Hinila patungo sa akin
Tanging ika'y iibiging wagas at buo

Payapa sa yakap ng iyong hiwaga
Payapa sa yakap ng iyong...

Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa 'yo'y malinaw

Mahiwaga
'Wag nang mawala araw-araw
Mahiwaga
Pipiliin ka araw-araw"

H'wag mo hayaan na isipin n'yang ang pagkakamali ay naitutuwid ng paghingi ng tawad. Dapat ay may matutunan siya dahil ako? Natuto na ako.

Nagpalakpakan ang mga kaibigan namin. Lumapit siya sakin at binigay ang kinuhang Bouquet of chocolates and a small box.

Hinayaan ko siyang ibigay sa akin iyon ng may ngiti sa mukha.

"Yve, hindi ko ginagawa ito para masabing bumalik ka, pero ginagawa ko ito dahil deserve mo, sa ganitong pagkakataon, mabibigyan kita masayang ala ala, kahit sa huling pagkakataon, love, you are the love of my life. You filled my life with sweetness and happiness. Thank you for being a half of me. I can't see myself without you, please ... Stay."

Lumuhod siya sakin at binuksan ang box. An earrings.

It was a diamond jewel pair of earrings. Una binigyan nya ako ng Anklet, binigyan nya ako ng bracelet na nilibing namin sa bundok, at sunod naman yunh moon necklace. Sinusubukan ba nyang kumpletuhin ang accessories?

Tinanggap ko iyon.

"Salamat. Arn." Ngumiti ako.

"Oh! Bati na 'yan!! Yieee" sigaw ni Rome at nagtawanan naman ang iba.

"Whoa sa wakas naging havey din ako." Sambit pa nya pero wala nang tumawa.

"Sana matupad mo mga pangarap mo, Arn. Kahit-- kahit hindi mo ako kasama."

Nagbago ang ngiti sa kanyang mukha.

"We learned from mistakes and experiences. Sana matutunan mo rin iyon, pasensya na, ubos na ako."

Ngumiti ako sa mga kaibigan namin sa likod nya at lumapit sila.

"Salamat sa inyo. Napaka bubuti ninyong kaibigan sa amin." Naiiyak na sambit ko.

Tumalikod na ako sa kanila at tumakbo dala ang bigay ni Arnzial. Wala akong balak na hindi ito tanggapin.

Bigla namang umulan.

Nababasa na ako pero may lalaking tumatakbo sa likod ko.

"Yve sandali." Sigaw nya. Tumigil ako sa ulanan.

"Yve!" Hinihingal siyang tumigil. Hinalikan nya agad ako.

Kasabay ng pagpatak ng ulan-- ay siyang agos ng luha sa mga mata ko.

"Tama na please. Arn-- tama na. Ubos na ubos na ako please hayaan mo ako-- hayaan mo ako mag grow ulit mag isa." Nanghihinang wika ko.

Niyakap niya lang ako ng mahigpit. "H-hindi ko kaya Yve. Hindi ko makita ang sarili ko-- na wala ka sa tabi ko. Pangako, please-- aayusin ko na lahat... Please yve."

Umiling ako. "Aalis na ako. Uuwi na ako. Salamat dito."

"Yve please."

Dumating naman si Caleb na may dalang malaking payong. Hinila niya ako at sinaway.

"Mabibinat ka nyan e." Sambit nya.

"Tol sumilong ka na." Sambit naman niya kay Arn.

Sumilong muna kami sa tabi ng parking lot. Tahimik lamang kami. Matapos ay tumila ang ulan.

"Uuwi na ako." Sambit ko agad. "Ihahatid kita." Wika ni Caleb. Tumango naman ako.

"Yve kausapin mo muna ako.."

"Uuwi na nga ako!" Inis na sabi ko.

Hindi naman nakikialam samin si Caleb. "Kukunin ko lang kotse sa parking." Paalam ni Caleb.

Nagtungo na siya at ilang sandali pa'y huminto sa harapan namin ni Arn. Nakayakap si Arn sa likod ko.

"Uuwi na ako. Umuwi ka na." Sambit ko kay Arn.

"Please usap muna-- please "

"Uuwi na nga ako!" Sigaw ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap. "Bakit? Bakit ka ba nagmamadali umuwi?" Tanong nya.

"Natatae na ako. Namamahay ang pwet ko kaya please lang." Wika ko at mabilis na sumakay sa passenger seat ni Caleb.

Nang makalayo kami mabilis na tumawa si Caleb. "Fuck. You are so extraordinary, Yvannah." Tumatawang komento nya.

Tumawa lang rin ako at isinuot ang bigay ni Arn na hikaw.

Mananatiling ikaw.





Continue Reading

You'll Also Like

27.2M 694K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
20.7M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
1M 28.6K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...