Must Keep A Secret

By Demystra

1.1K 324 239

Zemira returned to the Philippines with her mom and younger brother when her parents decided to split. They m... More

Prólogo
I
II
III
IV
V
VII

VI

120 37 26
By Demystra


Matapos kong kainin ang inihanda ng lola niya para sa akin ay iniligpit ko na rin ang mga ito.

Saglit ko siyang sinulyapan sa kama.

Mukhang tulog na nga siya.

Muli kong inilibot ang tingin dito sa kuwarto. The gray curtains here are linen, the kind of gray that is untouched by hands and devoid of dust. Mukhang nilinisan nang todo ang lugar na 'to.

A cursory look to the right shows me the almost hidden cords that are used to open and close the curtains.

There is no television, but there's a bookshelf here. Under the lamp-shine, there's a nature's art, something that soothed right to the soul.

Pinag-isipan nang mabuti ang detalye ng kuwarto na ito.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari ngayon lalo na't kasama ko pa ngayon sa kuwarto na 'to ang lalaking nakikita ko lang dati sa panaginip ko.

Nananaginip pa rin ba ako?

I must accept it now.

Hindi na ako nananaginip.

I sighed at saka muling itinuon ang atensyon sa kabuuan ng kwarto.

Ano na kaya ang nangyari doon sa ginang na kausap ko kanina? May nakakita na kaya sa kaniya?

Kahit na iniisip kong baka sakaling buhay pa siya, mas nangibabaw pa rin ang takot dahil iniisip ko na patay na siya lalo na't sa dibdib siya tinamaan.

Naguguluhan pa rin ako.

Binuksan ko ang pintuan at isang hallway ang bumungad sa akin.

Itinuloy ko ang paglalakad habang pinagmamasdan ang mga litratong nakasabit sa dingding.

The photographs are black and white, not casual family snaps, but arranged to look like such by a professional.

Sinimulan kong maglakad, marami pang ibang kuwarto akong nadaanan. Sa dulo nito, may hagdan kaya naman dali-dali akong bumaba para hanapin ang kusina.

The stairs led down into a galleried room with a rug spread out over the linoleum floor, and a fireplace. A long polished wooden table had been set for two.

Sobrang lawak din ng bahay na 'to dahil halos mahilo na ako sa kakahanap ng kusina pero hindi ko pa rin mahanap.

"Hija, may kailangan ka ba?"

Muntik ko nang mabitawan ang mga hawak ko dahil sa sobrang gulat.

"Hinahanap ko po kasi ang kusina."

'Yong lola niya.

"Sana'y inilapag mo na lang ang mga 'yan doon at natulog ka na. Ako na ang magliligpit, hija. Gabi na," aniya at saka kinuha mula sa akin ang mga hawak ko.

"Sige na't umakyat ka na ulit, ako na ang bahala dito. Hindi rin naman ako makatulog," dagdag pa niya at saka naglakad.

"May gusto lang po sana akong tanungin." Sinundan ko naman siya sa kusina at saka umupo sa isa sa mga upuang nandito.

Sobrang lawak din ng kusina at sigurado akong mamahalin ang mga gamit na nandito.

Nang mailagay niya ang mga 'yon sa lababo ay tumabi siya sa akin. "Ano 'yon, hija?"

Again, curiosity.

"Matagal na po ba kayong nakatira dito? M--may alam po ba kayo sa mga nangyari dito noon?"

Narinig ko pang saglit siyang huminga nang malalim at saka sumagot. "Oo, hija... simula noong bata pa ako, dito na rin ako nakapag-asawa at nagkaapo, natatawa na lang ako at napapangiti kapag naaalala ko ang mga nangyari noong kabataan ko dito."

"Maganda naman ang pamumuhay namin ng pamilya ko dito, pero nang may kung anu-ano na kaming nabalitaan na patayan ay kaagad naming nilisan ang lugar na ito. Hindi ko alam kung bakit mo 'yan tinatanong pero sigurado akong may kung anong bumabagabag sa isipan mo."

So, it's true. May kung ano talagang misteryo ang bumabalot sa lugar na 'to.

"Ang totoo pa niyan ay noong nakaraang linggo lang ako pumunta ulit dito. Bumalik lang ako dito dahil kay Theoden, kahit na natatakot din ako. Pasaway kasi ang bata na 'on at naglayas sa bahay nila, dito nagtago kaya naman pumunta ako para may kasama siya," she suddenly laughed, marahil dahil sa kapasawayan ng lalaki na 'yon.

"Nandito sana ako para sabihing umuwi na siya dahil nagagalit na ang Daddy niya sa kaniya pero ayaw niya ring makinig sa akin. Hindi na siya nadala sa panenermon ng Daddy niya," she added.

At bakit naman titirang mag-isa dito ang lalaki na 'yon? Hindi ba siya natatakot?

"Pero... ang tungkol po dito sa Sitio Siniestro, ano po bang nangyari?"

'Yon ang gusto kong malaman.

"Halos dalawang taon na rin ang nakalipas nang balutin ng takot ang Sitio Siniestro dahil sa mga misteryosong pagkamatay ng ilan sa mga kababaihan dito, halos mga kababaihan ang naging biktima, lalo na ang mga buntis. Palaisipan pa rin kung ano ang dahilan ng may gawa n'on sa kanila."

The fear thoughts looped around in my mind again.

Mga buntis?

"Noong una ay naging mahigpit ang pag-iimbestiga ng mga pulis sa krimen, pero dahil walang mahanap na lead para malaman kung sino ang pumapatay ay kinalimutan ang kaso. Kinalimutan din ng lahat 'yon na parang walang nangyari."

"Hindi nila nalaman kung sino ang pumaslang sa mga biktima, maski ako... pero isang araw ay may kumalat na kuwento tungkol sa isang ginang na nakakita sa tao na 'yon, at siya ang nagkalat ng balita kung sino ang pumapatay. Maraming nakaalam ngunit marami ring piniling huwag na lang makialam."

"Pagkatapos n'on ay natagpuan na lang ang ginang na patay sa loob mismo ng bahay niya, pati na ang ibang napagsabihan niya ng dapat ay sikreto lang kaya natakot ang iba na magsalita pa at ipagkalat ang tungkol doon. Maski ang mga nagtatangkang magsabi ng sikreto na 'yon ay manganganib rin."

Kaya pala gano'n na lamang ang pagbabanta sa akin nung matandang lalaki na nakasalubong ko.

Kailangang manatiling sikreto para walang mapahamak.

"Matagal ring natigil ang patayan pero kahapon ay narinig ko ang balita tungkol sa pagkamatay ng asawa ni Anselmo. Alam kasi ng lahat na may alam ang mag-asawa tungkol sa pumapatay na 'yon. Marami pang may alam ng totoo pero dahil sa takot ay mas pinipili nilang manahimik."

Hindi kaya.... siya 'yong babaeng kausap ko kahapon?

May nabanggit siya tungkol sa Anselmo na 'yon.

"'Yong babae po kahapon... ano po ang ikinamatay niya?"

Bumalik ang kaba sa dibdib ko, gusto kong masigurado na siya nga 'yong kausap ko kahapon.

"Nabaril raw sa dibdib, ang sabi pa ng mga nakausap ko kahapon dahil bumili ako sa isang tindahan ay ni wala man lang nagtangkang tulungan siya. Naabutan na lang siya ng asawa niya doon."

Siya nga.

That's my fault.

Kung sana ay naging matapang lang ako at hindi tumakbo palayo.

Kung hindi lang sana ako natakot, baka nasagip ko pa siya.

Pero sabi ni Theoden na wala akong kasalanan. Ewan ko, pero pinanghahawakan ko ang sinabi niyang 'yon para huwag sisihin ang sarili ko.

Parang unti-unti naman akong naliwanagan dahil sa mga narinig ko, pero hanggang hindi ko nalalaman ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang takot at galit sa amin ng iba ay hindi ako titigil.

Anong kinalaman namin doon?

'Yan ang gusto ko pang masagot.

"Bukod doon ay wala na akong ibang alam, hija... alam kong isa ka rin sa mga nagbabalak na hanapin ang sagot sa misteryong 'yon pero huwag mo na sanang ituloy," aniya at saka hinawakan ako sa kamay. "Si Theoden nga ay---"

"Ba't gising pa kayo?!"

Halos tumalon naman ako sa gulat dahil sa biglang pagsigaw ng lalaki na 'yon.

Papalapit na siya sa kinaroroonan namin at ang sama ng tingin niya sa akin. "Gabi na, bakit hindi ka pa natutulog?"

Hinila niya ako sa sala at naiwan sa kusina ang lola niya.

Napakabastos naman ng lalaki na 'to! Sino ba siya sa akala niya?

Binitawan niya ang braso kong hila-hila niya. "Sabi ko, gisingin mo ako kapag tapos ka nang kumain. Eh, 'di sana natutulog ka na rin ngayon."

"Paano ako matutulog kung nasa kama ka? At saka ibinalik ko lang sa kusina 'yong mga pinagkainan ko."

"Responsibilidad kong ibalik ka sa inyo bukas kaya please naman huwag kang pasaway. I told you to wake me up!"

I just rolled my eyes.

Sinundan ko na lang siyang pumanhik sa kuwarto kung saan ako nanggaling kanina.

"Marami namang ibang kuwarto, huwag mong sabihing magtatabi tayo?" asik ko sa kaniya na kasalukuyang inaayos ang higaan.

"Wala sa akin ang susi ng ibang kuwarto kaya huwag ka nang maarte."

Aba!

"Pero sige, dahil sa papaya na kinuha ko sa inyo... sa sofa na lang ako matutulog. Ayos na?"

Nakakainis dahil bigla-bigla na lang siyang nagsusungit. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob?

Kinuha niya ang isang unan at nahiga na nga sa sofa kung saan ako nakaupo kanina.

"May... may sasabihin sana ako." Saglit akong tumayo sa harap niya at nakakailang dahil nakatitig siya sa akin.

People often speak of the color of eyes, yet his would be beautiful in any shade.

Ano bang pinagsasabi ko?

"Ano ba 'yon?!" Halatang naiinis pa rin siya.

Pati naman sa pagtatanong, magsusungit pa siya?

"Kasi..."

Bakit hindi ako makapagsalita dahil sa titig niya?

Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa ibang direksyon. "Alam kong hindi ka maniniwala pero..."

"Nakikita kita sa panaginip ko."

Sabay namin 'yong sinabi at gano'n na lamang ang gulat ko.

Napapanaginipan niya rin ako?

Continue Reading

You'll Also Like

4M 168K 39
Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask for. But what happens when the good gir...
17.8M 320K 59
WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA • AVAILABLE NATIONWIDE)
Psycho next door By bambi

Mystery / Thriller

4.3M 204K 51
Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose...
7.6M 261K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...