Same Ground [COMPLETED]

By Moreyna_

1.4K 49 8

An ordinary story of a two person with a common life. How they'll deal in such chaotic chapters of their live... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 21

24 1 0
By Moreyna_


Yve

MATAPOS ng lahat nag walang bahala ako sa masasakit na salitang natanggap ko kay Arn. Sinabi ko sa mga kaibigan namin na wag na ipaalam pa kay Arn ang nga ginawa ko. Gusyo ko ako nalang mag sabi noon.

BIYERNES ng alas kwatro ng hapon pagkagaling ko sa Cybernet Cafe, dumiretso ako para tingnan si Arn, ang sabi sakin ni Ate Shemei ay nakakatayo na daw siya at nakakalakad.
Hindi na ako nakadalaw nung makauwi siya dahil nagbabayad ako ng utang namin sa Renta ng Apartment.

Habang nakasakay sa Jeep, nakatingin ako sa usok na lumalabas sa tambutcho.

Sana pwede na ulit kami kumain sa Mang Inasal tapos unli rice ang kanya tapos ako hindi unlirice pero mabilis nyang nilalagay sa plato ko kapag naka extra rice na siya. Tipid tips kumbaga.

Sana pwede na ulit kami magkatabi matulog, pwede na ulit kami nakakapag kwentuhan ng mga bagay tungkol sa gusto namin sa Future.

Sana pwede na ulit ako sumampa sa kanya at magpabuhat, at umupo-- habang nagpupush up siya.

Sana pwede nya ulit ako tugtugan ng mga paburito naming kanta. Sana nahahalikan ko ulit siya.

NANG makarating ako sa bahay nila masyadong tahimik, nakasalubong ko si Jayb na may dalang payong at tubig.

"Si arn andyan ba?"

Tumango siya. "Nasa kwarto nya, natutulog po siguro."

"Sinong tao doon, siya lang?"

"Hmm opo umalis po sina Mamy para lumuwas, magdadala lang po ako ng tubig kina Kuya Jerich."

Nagdiretso na ako sa loob ng bahay nila. Wala na silang TV at Radio, maski electric fan ay naibenta nila.

"Arn."

Tiningnan ko siya sa kwarto nya. Ngumiti naman ako ng makitang nakatayo siya at nagbibihis.

Humarap siya sakin at tumaas ang dal'wang natural nyang kilay.

"B-buti ayos ka na. Pasensya na kung sinunod ko ang sinabi mo na lumayo muna ako--"

"Bakit ka pa nag pakita?" Sambit nya.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Bakit ba siya galit na galit?

"Gusto ko lang ipaliwanag sayo ang lahat ng nangyari."

"Yve.. Madami pa akong aayusin sa buhay ko, pero patuloy ka namang nanggugulo. Oo na! Mahirap lang ako pasensya na kung pabigat ako sayo!"

"Arn! Wala akong sinasabing ganyan." Inis na sambit ko.

"Wala nga pero sa mga ginagawa mo --- pinagmumukha mo akong may kapansanan."

Tumitig lang ako sa kanya at nilapag yung Apples na dala ko.

"If you don't want me don't mess with my feelings!! Bakit ba galit na galit ka sakin? Ano bang kasalanan ko arn? Kasalanan bang mahalin ka ng ganito? Kasalanan bang magpakatanga sayo--- andito ako kasi mahal kita at gusto na kita makasama. Arnzial, bakit mo ako sinasaktan ng ganito?!" Umiiyak na sambit ko.

"Umalis ka na. Wag kana pumunta dito. Hindi ko maatim na makita ka."

"Bakit? Bakit Arn? Bakit? Hindi kita maintintihan!"

"Pwes ipapa intindi ko sayo. Naalala mo nung nagkagulo sa Mama Resto? Ipinagpalit mo yung halik na 'yan kay Caleb para makalabas ako doon, so ngayon, anong kapalit ng mga pera na itinulong mo sakin sa ospital? Katawan mo ba ha? Masarap ba? Dun kana!"

Mabilis ko siyang sinampal. "H-hindi mo alam ang dinanas ko. Hindi mo alam kung gaano ako nag cram sa school. Hindi mo alam kung gaano kasakit mag isa habang pasan ko lahat--- Hindi--"

"Umalis ka na. Nakaka abala ka. Marami pa akong problema, dumagdag ka pa. Hindi ko akalain na magiging ganito ka--"

"Ikaw rin. Hindi ko akalain sa kabila ng mga ginawa ko sayo, tatratuhin mo ako ng ganito."

Tumakbo ako paalis. Napatigil ako sa kanto nila at nagsuka. Tangina ang sakit magmahal ng totoo, yung puso mo, unti unting nagiging bato.

UMUWI ako sa apartment yakap yakap ko ang unan ko, habang nakalapag ang isang kamay ko sa higaan ni Arn.

Kahit anong sakit, mahal pa rin kita.

Tumawag yung may ari ng Apartment at sinabing malaki ang bill sa kuryente, hindi ko alam kung bakit pero feeling ko may nasabutahe sa linya namin. May balanse din akong utang sa apartment na renta.

Nag grocery ako para makapamili ng mga ingredients sa mga tinda ko. Maraming order, tutal naman bagsak na ako sa school--- hahanap nalang ako ng ibang way-- nawawala na ako ng gana sa buhay.

Habang naglalakad nakaramdam ako ng hilo at nandidilim ang paningin ko sa init. Baka highblood ako?

"Yve."

Buti nalang nasambot ako ni Caleb. "C-caleb-- p-pwede ba-bang ihatid mo ako sa sakayan? Ka-kailangn ko ng---"

They all went black.

NAGISING ako sa kwarto ko sa apartment, nasa tabi ko si Caleb na nakatitig sakin habang pinapaypayan ako. Agad akong umangat para makaupo af isinandal ang ulo ko sa wall.

"Nahimatay ka. May sakit ka ba?" Nag aalalang tanong nya.

Hinipo nya ang noo at leeg ko. "Wala kang lagnat pero mukha kang may sakit."

"Panget ba ako?" Tanong ko.

Umiling siya. "Yve simula ng makita kita, ikaw na ang pinakamagandang babae na nakita ko bukod sa mommy ko."

Tinapik ko naman siya. Tumayo na ako at nag ayos sa lamesa ng paninda ko.

"Bakit magbebenta ka pa?"

"Hmm pambayad dito sa renta, may isang b'wan pang balanse saka yung ngayon.,"

"Gusto mo ako na magbayad?"

Umiling ako agad. "Nasanay na akong maging responsable, gusto ko pinaghihirapan ko yung pera para sa responsibilidad ko."

"You're so strong. Kamusta si Arn?"

Biglang tumulo ang luha ko agad ko itong pinunasan. Humarap ako sa sink at naghilamos para hindi nya mahalata pero hindi ko mapigilan.

"A-ayos n-na siya." I stuttered.

Lumapit si Caleb sakin at hinimas ang likod ko. Tumulong siya habang nag aayos ako ng mga DIY ko.

"Sana ako nalang. Para hindi ka nahihirapan ng ganito." Sambit nya.

"Caleb-- ayoko pagsamantalahan ang nararamdaman mo. Ang laki na ng naitulong mo sakin, salamat pero para ka sa iba Caleb. Masyado ka lang naka tingin sakin, pero dapat maintindihan mo na hanggang kaibigan lang ang kaya kong isukli sayo."

Sinipat ko yung cellphone ko, hindi manlang nagchat si Arn.

Keith Samara Sandoval tagged Arnzial De Mirilo and 4 others ...

Nasa party sila. Tangina. Hindi manlang ako naalala.

Agad kong chinat sina Chem na wag ako babanggitin kay arn, sumagot naman sila ng Okay. Mahirap na, baka pati sila, madamay sa galit ni Arn sakin.

"Yve."

"Hmm? Uhm tapusin na natin to, salamat at tinulungan mo ako."

"Yve pasensya na kung inlove ako sayo ng sobra. Pero sana hayaan mo lang ako hanggang sa mahanap ko sa iba yung sinasabi mo, kung napipigilan lang sana ang nararamdaman, matagal ko nang ginawa."

"Mabuti kang tao Caleb. Alam kong may nakalaan para sayo, pero hindi ako. Hindi tayo pwede."

TUNAY

Lorie: Yve! Let's celebrate your winning contest, bigla mo kami tinakbuhan after e.

Sell: We understand but-- let's just have fun! May announcement ako!!

Rome: otw

Feria: MR ha? Hahahahaha g na! I'm with Zap.

Sell: See you guys.

Me: See you. Mag dedeliver lang ako ng orders.

Rome: dalhan mo kami ha?

Me: oo na. Patay gutom ka talaga. SPG ka.

Feria: hahahahaha super patay gutom. :D

"Nagyayakag sina Feria sa Mama Resto. Tara?"

Tumango agad ang kaninang nakatulala na si Caleb.

Nag drive si Caleb at bumaba muna ako sa Bayan para mag bigay ng orders. May pambayad na ako sa Kuryente at apartment rent. Uuwi na ako samin sa susunod na linggo.

"Let's go?" Yakag nya matapos ng meet up's ko sa customer.

"Bigyan kita pang gas." Sambit ko.

"Yve itago mo nalang 'yan." Seryosong sabi nya.

Nagpatugtog lang kami nga Lauv songs habang nasa byahe hanggang sa umuulan at nakarating kami sa Mama Resto. Nasa VIP Room ang mga TUNAY.

Nagulat sila ng makitang kasama ko si Caleb, binati namin nila agad ito.

"I just ride with him." Sagot ko sa mga tingin ni Crisell.

Bumili ng Jack Daniel's, Tequilla, Margarita at Maria Clara sina Ian. I want to drink until I fall asleep.

I love sleeping. It's the only time when you can escape reality.

I drink a glass shot of tequilla. Napangiwi ako at parang kumirot ang puson ko.

"You okay? Don't drink too much." Paalala ni Caleb.

"I need this." I said.

"Ano bang announcement mo? Sell?" Tanong ni Lorie.

"I'm .... Pregnant!" Masayang sambit ni Crisell.

"I'm not the father." Malungkot na sambit ni Lawrence pero agad siyang sinapak ni Crisell. "Bobo ka? Bwiset!" Sigaw ni Crisell kaya nagtawanan kami.

"Syempre ako ang ama. Hahahahaha" sambit ni Lawrence.

"Congrats. Sino ba ang ninang na kukuhain mo?" I asked.

"Hmm ikaw, si Lorie, si Feria syempre."

"Ako?" Naka pout na tanong ni Rome.

"Bakit? Ninang? Babae ka ba? Ninang ang tanong ha?!" Mataray na sambit ni Sell

Nagtawanan lamang kami. Ngayon, masaya ako. Sobrang saya ko kasi kahit papaano may mga kaibigan akong hindi ipinapaalala ang sakit na nararamdaman ko.

"Bespren, nasaan si Arn? Bakit si Caleb kasama mo? Buti hindi nagselos?" Madaldal na tanong ni Lorie.

"Hmm nagpapagaling pa." Sagot ko na lamang.

Kapag sinabi ko sa kanila, magagalit nanaman sila sakin kasi sinasaktan ako ng minahal ko, palalayuin nila ako at ipupush na iwan ko si Arn, hindi ko kaya. I can't see myself without him.

Sinandal ko sa balikat ni Caleb ang ulo ko dahil nahihilo na ako. Saan kaya ako matutulog? Kina Lorie nalang siguro.

"Ihahatid kita sa Apartment mo." Bulong ni Caleb.

HINDI ko na namalayan ang lahat ang alam ko lang nasa passenger seat ako ng kotse ni Caleb at binuksan nya ang pinto, malabo ang paningin ko ng may umangat sakin--- may kausap siyang babae pero hindi ko maaninag.

"Lasing siya- pero-- oo-- kaso --- lang yes-- i am."

Naguguluhan ang tenga ko. Si arn ang nakikita ko--- balik na ba kami sa dati?

"Arnzial." I said.

Hinalikan ko siya habang buhat nya ako. Bumitaw nalang siya at napapikit na lamang ako sa kirot ng sentido ko. "Lasing lang siya.---"

"Kahit na!"

Nadinig ko nalang na boses iyon ni Samara.

***

Arn

BINISTA ako nila Chem, Ches, Kid, at Samara sa bahay at niyaya nila akong lumabas, nagpunta kami sa bahay nila Chem at nagparty party. Kanina ko pa napapansin ang titig sakin ni Ice. Hindi kami masyadong close pero wala naman akong balak na kausapin siya.

May binulong siya kay Chem tapos umiling naman si Chem at tumingin sakin, kumunot ang noo ko nang bigyan ako ni Samara ng bote ng beer.

"Pwede kana ba nyan? Or --- water lang?"

"Water lang ako." Sagot ko.

Nagkwentuhan lang kami at naglaro ng tong its. Matapos ay nagpasya na akong umalis. Ngunit sumama si Samara. Uuwi ako sa Apartment. Siguro kailangan na nga namin ni Yve mag usap. Nabigla lang ako sa mga sinabi ko.

"Arn wait! Samahan na kita. Wala nang tricycle e."

Hindi ko siya pinansin at nagdiretso sa paglalakad. "Sino naman makakasama mo pabalik Samara?"

"Anong pabalik? Mauuna ang dorm ko sa apartment nyo noh. Bat ba kasi uuwi ka pa doon e ibang lalaki na ang kasama ni Yve."

Kunot noo ko siyang tinitigan. "Anong ibig mong sabihin?"

"Huh? I thought break na kayo? She's always with Caleb. Nagdedeliver pa nga siya ng DIY Cakes something ganern. Simula nung busy ka when your kuya Joseff is died, she's always with him. I saw it on my two real eyes. I thought break na kayo at iba na ang boyfriend nya."

Para akong sinisilaban sa init ng nararamdaman ko. Sumasakit ang tahi ko sa tyan.

"When I go there last night, nandoon si Caleb-- paalis ulit sila idk kung saan pupunta then kanina I saw her again with him sumakay sa kotse. Ang saya saya nga nila e."

Para akong nabibingi. "Oh eto na pala dorm ko, bye arn" kumaway siya at ngumiti lang ako.

So totoo nga? May kapalit lahat. Nanghihina ako habang nasa kanto na at patawid na sana sa apartment ng makita kong tumigil ang pamilyar na kotse, bumaba si Caleb.

"Uhm hey arn!" Nilingon ko si Samara na tumatakbo papalapit sakin.

"Omygosh. I told you! " turo nya kay Caleb na binubuhat si Yve , ikinabit ni Yve ang kamay sa batok ni Caleb.

Tatawid na sana ako pero humarang si Samara.

"No! Ako nalang kakausap. Baka magkainitan pa kayo. Hindi pa magaling ang tahi mo."

Hinayaan ko si Samara na lumapit dahil hindi ko alam kung anong kaya kong gawin ...

Kinakausap na ni Samara si Caleb. May hawak si Caleb na susi ng Apartment. Edi totoo nga talaga?

Kuyom kamao akong napaupo ng halikan agad ni Yve si Caleb. Tangina. Parang sinaksak ang tahi ko sa tyan. Pumasok na sila sa loob at lumapit ulit sakin si Samara.

"Yve is drunk." Sambit ni Samara.

"Gusto mo sa Dorm ko nalang matulog?" She suggested. Nakatingin lang ako sa Apartment habang nakaupo sa tapat.

"Hey let's go na. Gabing gabi na arn."

Hinintay kong bumaba si Caleb at saktong pababa na siya. Lumapit agad ako at humarang sa daraanan n'ya para sumakay sa kotse n'ya.

"Abangers ka talaga e,noh?"

Ngumisi lang siya. "Arnzial, hindi kita papatulan dahil baka lugi ka, saka na tayo magsuntukan kapag malakas kana." Mayabang nyang sabi. Pinigilan naman ako ni Samara na sapakin si Caleb.

"Bakit ka naabang sa girlfriend ko ha? Ano bang ginagawa mo sa kanya ha? Layuan mo siya. Ano bang meron sa inyo ha?"

Tinitigan lang nya ako at ngumisi. "Pare, lalaki sa lalaki, wala ka nang pakialam kung anong meron samin, wala kang kwenta." Seryosong sabi nya.

"Kung pwede lang kita sapakin pero hindi ko gagawin dahil naaawa ako sayo. Ang laking tanga mo." Dagdag nya.

"Well, kaysa naman sayo, ginagamit mo pa ang pera mo para makuha ang gusto mo."

"Bakit? Inggit ka kasi wala ka n'on? Kumain ka muna ng bigas bago mo ako angasan." Sasakay na sana siya sa kotse nya pero pinigilan kong isara n'ya iyon.

"Hindi ako nakain ng bigas, sinasaing ko muna." Sambit ko at isinara ang pinto ng kotse nya. Tumabi kami ni Samara at mabilis n'ya iyong pinaharurot.

Tumingin ako sa pinto ng Apartment namin. "D-dyan kana tutulog?" Tanong ni Samara

Umiling ako't tumalikod. "Kina Kid nalang ako tutulog. Umuwi kana sa dorm mo." Walang ganang sabi ko at umalis na doon.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
326K 25.4K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
1M 28.7K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...